modyul 11 sinaunang timog silangang asya

27
Sinaunang Timog- Silangang Asya

Upload: evalyn-llanera

Post on 12-Jan-2017

1.317 views

Category:

Education


35 download

TRANSCRIPT

Page 1: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

Sinaunang Timog-Silangang Asya

Page 2: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

Kabihasnan sa Vietnam• Naging malaki ang impluwensiya ng kulturang

Tsino sa mga Vietnamese.• Naging bahagi ng pamumuhay ng mga

Vietnamese ang paniniwalang mula sa Confusianism, Taoism, at Buddhism.

• Ginamit din ang sistema ng pagsulat at maging ang paraan ng pamamahala ng mga Tsino.

• Mayroon ding civil service examination para sa mga nais maglingkod sa pamahalaangh Vietnam.

Page 3: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

• May aspekto pa rin ng katutubong kultura na napanatili ng mga Vietnamese.

• Isa rito ang ANIMISM kung saan pinaniwalaang naninirahan ang mga espiritu sa mga may buhay at walang buhay na bagay.

• Nagpatayo sila ng mga DINH.• Bawat pamayanan ay may dinh para sa THANH

BOANG o espiritung nangangalaga sa kanila.

Page 4: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

• Nanatili ang Vietnam sa tuwirang pamamahala ng mga Tsino sa loob ng halos 1000 taon.

• Nang humina ang Dinastiyang Tang sa China, ninais ng mga Vietnamese na magsarili.

• Nakipaglaban sila sa mga Tsino sa pangunguna ni NGO QUYEN.

• Naging makapangyarihan ang Mongol, tatlong ulit nilang tinangkang sakupin ang Vietnam ngunit nabigo silang tuluyang masakop ang mga Vietnamese.

Page 5: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

Kabihasnang Cambodia• Imperyong Khmer– Naging kabisera nito ang ANGKOR.– Ika-12 siglo, nakamit ang tugatog ng tagumpay.– Nasakop ang mga lupain ng kasalukuyang Laos,

Thailand, at Vietnam.– Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay.– Gumawa ng mahusay na sistema ng patubig para

sa mga sakahan at nakapag-ani sila ng tatlong uri ng palay.

Page 6: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

– Malaki ang naging impluwensiya ng mga Hindu mula sa India.

– Ang sistema ng pagsulat, relihiyon, tradisyon, at ritwal ng mga Hindu ay naging bahagi ng pamumuhay sa Imperyong Khmer.

– May paniniwala ang mga pinuno na sila ang mga diyos ng Hindu na nagkatawang tao.

– May impluwensiyang Hindu rin ang mga estruktura at gusaling ipinatayo sa imperyo.

– Sa Cambodia matatagpuan ang kahanga-hangang templong Hindu na ANGKOR WAT.

Page 7: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

– Ipinagawa ito ni Suryavarman II bilang alay para sa diyos na si Vishnu.

– Ang salitang “Angkor Wat” ay nangangahulugang “temple of the capital”

– Kinilala ito bilang pinakamalaking estrukturang panrelihiyon sa daigdig.

– Nakaukit sa mga pader ng gusali ang mga larawan ng mga diyos na Hindu.

– Matatagpuan naman sa gitna ng templo ang isang santuwaryo na may taas na umaabot sa 130 talampakan.

Page 8: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

– Ang paggawa ng mga estruktura at malaking proyekto ang umubos sa kaban ng yaman ng Imperyong Khmer.

– Naging madalas ang labanan sa pagitan ng mga pinunong Khmer at mga karatig-kaharian.

– Ang pagsalakay ng mga mandirigmang Thai sa lungsod ng Angkor noong kalagitnaan ng ika-15 siglo ang naging dahilan sa pagwawakas ng imperyo.

Page 9: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

Kabihasnan sa Myanmar• Matatagpuan sa dulong kanluran ng Timog-

silangang Asya.• Bansang pinakamalapit sa India kung kaya’t

nalantad sa impluwensiyang Indian ng mga sinaunang katutubo ng Myanmar.

• Dalawang pangkat ng tao ang unang nandayuhan at nanirahan sa Myanmar: ang mga Mon at mga Tibeto-Burman

• Nasakop nito ang malaking bahagi ng Myanmar.

Page 10: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

• Nanirahan ang mga Mon sa timog na bahagi ng bansa. Sa lambak-ilog ng Irrawady nanatili ang mga Tibeto-Burman.

• Naging malakas ang Tibeto-Burman at nagtatag ng kaharian.

• Naging kabisera nito ang Pagan.• Naging sentro ng Buddhism ang Pagan dahil sa

mga ipinatayong templo at monasteryong Buddhist sa iba’t-ibang bahagi ng kabisera.

Page 11: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

• Sa pangunguna ni Kublai Khan, sinakop ng mga Mongol ang Pagan.

• Napilitang lumikas ang mga Burman patungong katimugang bahagi ng Myanmar.

• Hindi na muling nakapagtatag ng malakas na kaharian ang mga Burman hanggang sa pagsapit ng ika-16 na siglo.

Page 12: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

Kabihasnan sa Thailand• Kahariang Sukhotai– Itinatag noong 1238 at naging kauna-unahang

kahariang umunlad sa Thailnad.– Tumangal ng halos 140 taon.– Ang salitang sukhotai ang nangangahulugang

“dawn of happiness”– Naging tanyag na pinuno si Ramkhamhaeng na

namahala sa kaharian mula 1275 hanggang 1317.– Sa kanyang panahon naing sentro ng karunungan

at sining ang Sukhotai.

Page 13: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

– Pinaunlad niya ang sistema ng pagsulat na nakabatay sa Khmer script.

– Tinangkilik ang Buddhism at nagpatayo ng maraming templong Buddhist

– Itinuring na gintuang panahon ng Thai ang pamamahala ni Ramkhamhaeng.

– Humina ang imperyo sa pagkamatay ni Ramkhamhaeng.

– Isang prinsipeng nagngangahalang Ramathibodi ang nagpatalsik sa huling pinuno ng Sukhothai at nagtatag ng bagong kaharian.

Page 14: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

• Kahariang Ayutthaya (Ayudhaya)– Itinatag ni Ramathibodi noong 1350.– Naging kabisera nito ang lugar sa katimugang

bahagi ng Sukhotai at itaas naman ng Chao Phraya River kung saan matatagpuan ang Bangkok.

– Tumagal ng mahigit 400 taon at pinangasiwaan ng 33 hari.

– Nakontrol ang malaking bahagi ng Timog-silangang Asya kabilang ang mga bahagi ng Myanmar at Malay Peninsula.

Page 15: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

– Naging sentro din ng kalinangang Buddhist at umunlad ang kalakalan sa kaharian dahil sa mahusay na pakikipagpalitan ng mga produkto nito sa China at iba pang kaharian sa rehiyon.

– 1765, sinalakay ng may 40,000 pwersa ng hukbong Burmese ang teritoryo ng Ayyuthaya.

– Pagkaraan ng dalawang taon, tuluyan ng bumagsak ang kaharian.

Page 16: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

Kabihasnan sa Indonesia• Imperyong Srivijaya– Itinatag sa pulo ng Sumatra.– Ang Palembang ang naging sentro nito.– Tumagal ang imperyo mula ikaanim hanggang ika-

13 na siglo.– Binanggit sa aklat na Zhufan Zhi na isinulat ng

Tsinong si Zhao Rugua na isa ang Srivijaya sa maituturing na pinakamakapangyarihan at pinakamayamang imperyo sa Timog-silangang Asya.

Page 17: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

– May 15 kolonya.– Lumawak ang teritoryo at umabot sa Java at

rehiyong malapit sa Strait of Mallaca.– Nakapagtatag ang imperyo ng mga ugnayang

pangkalakalan hindi lamang sa iba pang pamayanan sa kapuluan ng Indonesia kung hindi pati na rin sa China at India.

– Naging imperyong pandagat at komersiyal ang Srivijaya sa panahong iyon.

– Naging sentrong panrelihiyon.

Page 18: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

– Tinangkilik dito ang Buddhism at naging tampok na lugar ang Palembang bilang palipasan ng araw ng mga manlalakbay na Buddhist na Tsinong magtutungo sa India.

– Humina ang kapangyarihan ng imperyo dahil sa pananalakay ng mga dayuhang pirata sa imperyo at sa pagbabago ng rutang pangkalakalan.

Page 19: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

• Imperyong Sailendra– Sa panahon ng pamamayagpag ng Srivijaya ang

pinakatanyag na pinuno ng gitnang Java ay ang mga Sailndra na nangangahulugan sa Sankrit na “hari ng kabundukan”

– Tinanggap ang Buddhism.– Isa sa mga pamana ng nasabing kaharian ay ang

monumentong Buddhist na tinawag na BOROBUDUR.

– Matatagpuan ito sa gitnang Java, ang pinakamalaking templo ng Buddhist sa buong daigdig.

Page 20: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

– Nagmula ang salitang “borobudur” sa wikang sanskrit na nangangahulugang “monasteryong Buddhist sa ibabaw ng burol”

– Ginawa ito sa pagitan ng ikawalo at ikasiyam na siglo C.E. at mas matanda ng 300 taob kaysa sa Angkor Wat.

Page 21: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

• Imperyong Majapahit– Nagsimula bilang kahariang may impluwensiyang

Indian.– Nagpalawak ng teritiroyo sa pamamagitan ng

pagtatag ng kapangyarihan sa mga teritiryong dating kontrolado ng Srinijaya at iba pang maliliit na kaharian.

– Sa pamamagitan ng digmaang Majapahit, naagaw ng Majapahit ang kapangyarihan mula sa Srivijaya.

– Nasakop ang kanlurang Borneo, timog Celebes Island, at ang Mollucas.

Page 22: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

– Naabot ang rurok ng tagumpaysa ilalim ng pamumuno ng ministrong si Gajah Mada.

– Hinamong ang kapangyarihang Majapahit ng paglaganap ng pamimirata sa mga sasakyang pangkalakalang papunta ng Singapore, Malacca, Acrh, Madura, at Penang.

– Ang huling hamong nagpabagsak sa imperyo ay ang paglaganap ng bagong puwersa sa rehiyon, ang Islam.

– Hindi mga dayuhan ang nagpatalsik sa majapahit kung hindi mga Javanese na tumanggap sa Islam.

Page 23: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

Kabihasnan sa Pilipinas• Kinakitaan ng maunlad na pamumuhay ang

mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga dayuhang Kanluranin.

• Nakasentro ang kanilang buhay sa tinatawag na barangay.

• Ang pagdating ng mga malay sakay ng mga bangkang BALANGAY ang nagbunsod sa pagtatag ng mauunlad na pamayanan.

Page 24: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

• BARANGAY – ang sistemang politikal at lipunan ng mga sinaunang Pilipino.

• Malalaya at nagsasariling estado ang mga barangay kung kaya mayroon silang kani-kaniyang pinuno na kilala sa tawag na DATU.

• May sariling batas na sinusunod ang bawat barangay.

Page 25: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

Sinaunang Lipunang PilipinoMga Maharlika – mga ipinanganak nang malaya mula sa pagkakaalipin; hindi sila nagbayad ng buwis o tributo sa datu; at katuwang ng datu sa pakikidigma.

Mga karaniwang tao – tinawag na aliping namamahay; naninilbihan sa kanilang panginoo; may sariling tirahan; may ari-arian; at hindi maaaring ipagbili maging ang mga magulang o anak.

Mga alipin – tinawag ding aliping saguiguilid; nagsisilbi sa panginoon; at maaaring ipagbili.

Page 26: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

• Sa Kabisayaan, nahati sa tatlong uri o pangkat ang mga sinaunang Pilipino: mga pinuno ay tinawag na DATU; mga TIMAWA o karaniwang tao at katumbas ng maharlika sa mga Tagalog; at alipin o ORIPUN.

• Pangunahing ikanabuhay ang pagsasaka.• Naging maunlad ang pakikipagkalakalan ng

mga sinaunang Pilipino.• Umunlad ang Sultanato sa Mindanao.

Page 27: Modyul 11 sinaunang timog silangang asya

• Nagbigay-daan ito sa pagtangkilik ng impluwensiyang Muslim sa bansa.

• Naipalaganap ang Islam sa bansa bilang instrumento ng pagkakaisa ng mga pamayanang Muslim.

• Naging maunlad, matiwasay, at malaya ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino hanggang sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol; noong ika-16 na siglo.