mga tayutay
TRANSCRIPT
WIKA
Pormal Di-Pormal
DENOTASYO
NKONOTASYON
Tagapag-ulat:Jennefer Edrozo
Zyra MagbooHannah Retuerto
Benasing
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Estilo
"MGA IDYOMA"
Ang pagaaral ng mga idyoma o idioms ay kaugnay ng kaalamang
panretorika. Ang idyoma ay:
• *di tuwiran o di tahasang pagpapahayag ng gustong sabihin.
• *malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita.
• *tinatawag na idyomatiking pahaag o sawikain sa ating wika.
Mga halimbawa ng idyoma:1. "Mababaw ang luha" ng guro namin.
2. Hindi siya sanay na "maglubid ng buhangin".
3. Matutuo kang "magbatak ng buto".
4. "Parang nilibugan ng araw" si Jay dahil may kasintahan na ang mahal
niya.
5. Si Israela ay "itinulak sa bangin" ni Faye ng iwan niya ito sa party.
6. Si Jiji ay isang bata na "laman ng lansangan"
7. Maswerte si Angelika dahil pinanganak siyang "nakahiga sa
salapi".
8. Hindi makapili si Saldi kung sino ang kanyang liligawan. Siya ay "hilong-
talilong".
9. Tumakas na naman si Jonard sa bahay nila, kaya pala "nagpuputok ang
butse" ng nanay niya.
10. Sabi ni Aling Dionisia na sa LBC "maraming kuskos-balungos" buti pa sa
Palawan express.
Mga Tayutay
• Ito ay tumutukoy sa matalinghagang pagpapahayag o paglalarawang kakaiba sa pangkaraniwang paraan.
• Ito rin ay ginagamit upang maging mabisa , masining at kawili-wili ang paglalarawan.
Ano ba ang tayutay?
• Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag
1. Aliterasyon• Paggamit ng mga salitang
magkasintunog ang mga unang pantig.
Halimbawa:1. Ang kakayahang makagawa ng
katanungan ay magkakaroon din ng kasagutan.
• Pag-uulit naman ito ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita
Halimbawa: 1. Isang paraan ang pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating pandinig. 2. Nakapagpapalawak ng kaalaman at karunungan ang karanasan.
2. Asonans
• Katulad ng aliterasyon,pag-uulit itong mga katinig, ngunit sa bahaging pinal naman (kahapon at ngayon/tunay na buhay/ulan sa bubungan).
Halimbawa: 1. Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamot sa isang pusong wasak. 2. Hiniwalayan at nilayuan ni May Ann ang kanyang kasintahan.
3. Konsonans
• Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
Halimbawa: 1. Langitngit ng kawayan,lagaslas ng tubig, dagundong ng kulog,haginit ng hangin 2. Lumalakas ang tibok ng puso ko sa tuwing dumarating siya.
4. Onomatopiya
Tulad ni Bisa,may binabanggit din si Alejandro tungkol sa pag-uulit, ngunit hindi lamang ng tunog kundi ng buong salita.Pansinin ang mga sumusunod:
• Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.
Halimbawa: Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating bayan. Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit kabataan din ba ang sisira sa kanyang sariling kinabukasan? At kabataan din ba ang wawasak sa pangarap ng kanyang kapwa?
5. Anapora
• Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag taludtod.
Halimbawa: 1. Ang konstitusyon sa Saligang-Batas ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan at mula sa mamamayan.
2. Noon sa kanya umiikot ang aking mundo, ngayon ay siya parin ang aking mundo.
6. Epipora
• Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una at huli.
Halimbawa: 1. Hindi niya matagpuan ang hinahanap. Hinahanap parin niya ito upang matagpuan.
2. Magtala ng mga detalye. Detalye ng impormasyon.
7. Anadipolasis
Pagtukoy sa mga talinghaga para sa pagpapasidhi ng guniguni at damdamin
• Di-tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay, tao o pangyayari ‘pagkat gumagamit ng mga pariralang tulad ng,kawingis ng,para ng, at gaya ng.
Halimbawa:1.Tumakbo siyang tulad ng isang mailap
na usa nang makita ang papalapit na kaaway.2. Tulad siya ng isang mabangong
bulaklak kapag aamuyin.
8. Pagtutulad o Simili
• Ito ay tuwirang paghahambing ‘pagkat hindi na gumagamit ng mga nabanggit na parirala sa itaas.
Halimbawa:1. Ang masayang mukha niya ang
nagpapaganda ng araw ko.2.Isang bukas na aklat sa akin ang iyong
buhay, kaya’t huwag ka nang mahiya pa.3. Siya’y sakit na hindi ko kayang tiisin.
9. Pagwawangis o Metapor
• Inaaring tao ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao.
Halimbawa:1. Dahil ako’y nag-iisa tuwing pasko,
ang simoy ng hangin ang yumayakap sa akin.
2.Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanyang malagim na wakas.
10. Pagbibigay-katauhan/ Personipikasyon
PASULIT
I. Piliin ang pinakaangkop na kahulugan ng mga idyomang nakasulat ng pahilig sa loob ng sumusunod mga pangungusap.
1. Ang pangyayaring iyon ay kinalugmukan ng kanyang mga pangarap sa buhay.
a. Nagpatuloy sa pag-asab. Dahilan ng kanyang mga layuninc. Pinagmulan ng kanyang mga adhikaind. Sumira ng kanyang magandang
hinaharap
2. Napakatamis ng dila ni Randy kaya niya naakit si Rachel.a. Nanlolokob. Napakatapatc. May diabetesd. Magaling mangusap
3. Lumayas si Eric dahil magaan ang kamay ng kanyang tiyahin.a. Madaldalb. Madaling manakitc. Magaling magmurad. palautos
4. Ano ka ba? Ang laki-laki mo, patabaing baboy ka!a. Malusogb. Marumic. Tamadd. Mabaho
II. Uriin ang mga tayutay na ginagamit sa bawat pangungusap.
1. Kagabi, dinalaw ako ng mapapait mong alaala.
a. Pagtatambisb. Pagbibigay-katauhanc. Pagmamalabisd. Paglumanay
2. Abalang-abala sa gawain ang haligi ng tahanan.a. Pagpapalit-tawagb. Pagtawagc. Pagpapalit-saklawd. Pagmamalabis
3. Sinaksak mo ang puso ko nang sabihin mong ako’y wala nang pag-asa sa’yo.a. Pagtutuladb. Pagwawangisc. Pagbibigay-katauhand. Pagmamalabis