mga salawikain

26
MGA SALAWIKAIN AT KAWIKAAN

Upload: jek-tugao

Post on 26-Dec-2015

402 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

Salawikain

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Salawikain

MGA SALAWIKAI

N

AT

KAWIKAAN

Page 2: Mga Salawikain

Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.

Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.

Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.

Ang hindi napagod magtipon,walang hinayang magtapon.

Ubus-ubos biyaya, pagkataposnakatunganga.

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.

Page 3: Mga Salawikain

Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

Ang gawa sa pagkabata, dalahanggang pagtanda.

Pag di ukol, ay di bubukol.

Kung sino ang masalitaay siyang kulang sa gawa.

Daig ng maagap angtaong masipag.

Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing saka ng maluto'yiba ang kumain.

Page 4: Mga Salawikain

MGA PALAISIPAN

Sari-saring Palaisipan

1. Ang isang tumpok ng tatlong kendi ay ipinagbibili ng P1.50 bawattumpok. Magkakapareho ang mga kendi. Ilang kendi angmabibili mo sa P10.00 ?

(a) 7(b) 15(c) 20

2. Ano ang mas magaan - ang isang litro ng tubig, o ang isang litro ng yelo?

(a) tubig(b) yelo(c) pareho ang bigat

3. May 12 buwan sa isang taon. Pito sa mga buwan ang may 31 araw, at apatna buwan ang may 30 araw lang. Ilang buwan ang may 28th na araw?

Page 5: Mga Salawikain

(a) 1(b) 2(c) 12

4. May anim na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Tatloang maya, dalawa ang pipit, at ang isa ay uwak. Binato ni Mart angsanga. Tinamaan at nalaglag ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga?

(a) wala(b) dalawa(c) tatlo

5. Ano ang mas mabigat - ang isang galon na tubig sa Pilipinas, o ang isanggalon na tubig sa Australia?

(a) sa Pilipinas(b) sa Australia(c) pareho lang ang bigat

Ang lubid

1. May lubid na 9 metro ang haba. Puputulin mo ang lubid ngpaisa-isang piraso, isang metro ang bawat haba. Ilang putol ang gagawin mo upang makakuha ng 9 piraso?

2. May lubid na 9 na metro ang haba. Gusto mong putulin ang lubid sa isa at kalahating metro (1-1/2 metro) ang bawat haba pero wala kang anumang panukat. Paano mo puputulin ang lubid upang matiyak na 1-1/2 metro ang haba ng bawat isa?

Sa gitna ng dagat

Ano ang nakikita mo sa gitna ng dagat?(What do you see in the middle of sea?)

Page 6: Mga Salawikain

Paano nakatakas sa Leon?

Nagka-camping ang 4 na magkakaibigan sa tabing ilog nang makita nila ang isang mabangis na leon na pasugod sa kanila.

Ang pagtawid sa malalim na ilog ang tanging paraan upang matakasan nila ang leon nguni't walang marunong lumangoy sa kanila.

May maliit na balsang kawayan sa tabi ng pampang na pwede nilang gamitin sa pagtawid sa ilog pero 3 lang ang maaaring sumakay, kundi ay lulubog ang balsa sa bigat.ng dala. Walang gustong magpahuli ng sakay at malapit na ang leon.

Paaanong nakatawid sa ilog ang 4 na magkakaibigan, gamit ang maliit na balsang kawayan?

1 2 3 4

5

6

7

8 9 10

11 12

13

14

15 16 17

18

19 20

Page 7: Mga Salawikain

21 22

23 24

25

26 27

Pahalang2. Wika ng Ebolusyon.4. "Ang pagsasalita ay batas ng

pangangailangan."5. "Nagsisimulang makipag-ugnayan

ang sanggol sa kanynag kapaligiran sa pamamagitan ng paggalaw ng katawan."

6. Teorya kung saan ang wika ay galing sa tunog sa kapaligiran.

8. Kung ang isang tao ay nasa proseso ng pagdidisisyon sa kanyang sarili tungkol sa isang bagay na dapat niyang gawin o lutasin.

10. Ang ibig sabihin ay pagkalito.13. Indayog ng awitin14. Taong isa lamang ang alam na

wika.18. Tumutukoy sa kahalagahan ng

pagtatakda ng oras.21. Pagbibigay ng kuru-kuro.22. Matulis na panulat.23. "Ang palagiang

pagyakap,pagkarga at pakikipag-usap ng ina sa sanggol ay mahalaga dahil lalong mapapalapit sa kanya ang sanggol."

Pababa1. Komunikasyong gumagamit ng

wika na maaaring pasulat at pasalita.

3. Isang katutubong paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno.

4. Ito ay may layuning magpabuti magpaunlad ng isang samahan o organisasyon.

7. Alpabetong Romano.8. Komunikasyong namamagitan sa

dalawang tao o mahigit pa.9. Wika galing sa hayop.11. Makaagham na pag-aaral ng mga

tunog.12. Tumutukoy sa makabuluhang

tunog na nangangahulugang ang bawat ponema ay makapagpapabago ng kahulugan ng bawat salita.

15. Proseso ng paghahatid ng mensahe.

16. "Ang dahilan ng tao sa pagsasalita ay ang kanyang pakikipagsapalaran."

17. Taong marunong magsalita ng maraming wika.

19. Taong marunong magsalita ng dalawang wika.

Page 8: Mga Salawikain

26. Teorya ng wika hango sa Tore ng Babel.

27. Anyo ng pagkakaugnay-ugnay ng salita.

20. Hari na nagsabing ang wikang hindi ginagamit ay namamatay.

24. Ang ibig sabihin ay tinapay.25. Ito ay pamamaraang ginagamit sa

pakikipag-komunikasyon.

Sagot sa crossword:

1 V 2 T A G 3 A L O G 4 P L A T O5 W E R N E R L A

R 6 D I N G - D O N G

B B G 7 A

8 I N T R A P E R S O N A L 9 B -10 B A B E L

N L T O O E

T A W R C

E11 P

12 P - G E

R13 Y O - H E - H O W A D

P N N14 M O N O L I N G G W A L

E O E W I R

R L15 K M

16 D

17 P S I

18 S I K O L O H I K A L N A O R A S O

O H M N R L S

N I U G W I Y

A Y N19 B

20 S I G O

L A I I S A N L N

K L E M O21 M E T A L I N G U A L

22 T I P O L

S N M N23 B O U L B Y G E T

24 B

Page 9: Mga Salawikain

O G N I E25 W

N W T K K I

A A U U K26 B I B L I K A L L

27 S I S T E M A

BUGTONG

Page 10: Mga Salawikain

1. Bastong hindi mahawak-hawakan, sinturong walang mapaggamit-gamitan.

2. Bahay ni ka huli, haligi'y balibali, ang bubong ay kawali. 3. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. 4. Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak mo.

5. Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan nanggaling.

6. Bagama't maliit, marunong nang umawit.

7. Dala mo't sunong, ikaw rin ang

Page 11: Mga Salawikain

baon. 8. Hulaan mo, anong hayop ako. Ang abot ng paa ko'y abot rin ng ilong ko? 9. Kung manahi 'y nagbabaging at sa gitna'y tumitigil. 10. Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang pangahas. 11. Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo, tiyak mangangati ang balat mo. 12. Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapang. 13.Ang lokong si Hudas, dila ang tsini-tsinelas.

14.Heto na si kurdapya may sunong na baga.

15. Isdang parang ahas, sa karagatan pumapagaspas.

Page 12: Mga Salawikain

16. Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag mo, turan mo kung ano.

17. Ibon kong kay daldal-daldal, ginagaya lang ang inuusal. 18. Hakot dito hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon. 19. Pag munti'y may buntot, paglaki ay punggok.

20. Tumatanda na ang nuno, hindi pa rin naliligo.

21. Narito na si pilo, sunong-sunong munting pulo. 22. May alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhod. 23. Kawangis niya'y tao, magaling manguto, mataas kung lumukso. 24. Anong insekto sa mundo na naglalakad na walang buto.

Page 13: Mga Salawikain

25. Naghain na si Lolo, unang dumulog ay tukso. 26. Heto na si Ingkong, bubulong-bulong. 27. Iisa na, kinuha pa. Ang natira ay dalawa. 28. Hindi naman bulag, di makakita sa liwanag. 29. Maliit pa ang linsiyok, marunong nang manusok.

30. Munting anghel na lilipad-lipad, dala-dala'y liwanag sa likod ng pakpak.

31. Pagkatapos na ang reyna'y makapagpagawa ng templo, siya na rin ang napreso.

32. Pinisa ko at pinirot bago sininghot.

Page 14: Mga Salawikain

33. Nakakalakad ako sa lupa, nakakalangoy din ako sa sapa, nakakalipad din ako ng kusa. 34. Umuusad-usad sapagkat sa paa ay salat, pinahihirapan pa ng pasan-pasang bahay na ubod ng bigat. Sagot sa bugtong:

1. ahas

2. alimango

3. aso

4. baka

5. kalapati

6. kuliglig

7. kuto

8. elepante

9. gagamba

10. gamugamo

11. higad

12. hito

13. suso

14. manok

15. igat

16. ibong batu-bato

17. loro

18. langgam

19. palaka

20. pusa

21. pagong

22. tutubi

23. unggoy

24. uod

25. langaw

26. bubuyog

Page 15: Mga Salawikain

27. tulya

28. paniki

29. lamok

30. alitaptap

31. anay

32. surot

33. gansa

34. kuhol

Mga tugmang

bayan

Page 16: Mga Salawikain

1.Ako'y naglalakad papuntang Kalumpit,

Ako'y nakarinig ng huni ng pipit,Ang wika sa akin, ako raw ay umawit,Ang aawitin ko'y buhay na matahimik.

2.Ako'y naglalakad sa dakong Malabon,

Ako'y nakakita isang balong hipon,Ang ginawa ko po ay aking nilusong,

Kaya't lahat-lahat ng hipon, nagsitalon.

Page 17: Mga Salawikain

3.Ako'y naglalakad sa dakong Arayat,Nakapulot ako ng tablang malapad,Ito'y ginawa kong 'sang kabayong

payat,Agad kong sinakyan, ito'y kumaripas.

4.Ako'y naglalakad sa dakong Bulacan,

Nahuli kong hayop, niknik ang pangalan,

Aking iniuwi at aking kinatay,Ang nakuhang langis, siyam na

tapayan.

5.Ako'y naglalakad sa dako ng Tondo,Ako'y nakasalubong 'sang tropang

sundalo,Inurung-urungan ko bago ko

pinuwego,

Page 18: Mga Salawikain

Pung! Pung!... walang natira kundi isang kabo.

6.Ako si Don PepeTubo sa Manggahan

Hindi natatakot Sa baril-barilan;

Kaya lamang natakotSa talim ng gulokPagsubo ng kaninTuluy-tuloy lagok.

MGA

Page 19: Mga Salawikain

AWITING BAYAN

Leron, Leron Sinta

Leron, Leron, sintaBuko ng papayaDala dala’y busloSisidlan ng sinta

Pagdating sa dulo’yNabali ang sanga,Kapos kapalaranHumanap ng iba.

Halika na Neneng, tayo’y manampalokDalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog

Page 20: Mga Salawikain

Pagdating sa dulo’y uunda-undayogKumapit ka Neneng, baka ka mahulog.

Halika na Neneng at tayo’y magsimbaAt iyong isuot ang baro mo’t saya

Ang baro mo’t sayang pagkaganda-gandaKay ganda ng kulay — berde, puti, pula.

Ako’y ibigin mo, lalaking matapangAng baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam

Ang lalakarin ko’y parte ng dinulangIsang pinggang pansit ang aking kalaban.

Dalagang Pilipina

Ang dalagang PilipinaParang tala sa umaga

Kung tanawin ay nakaliligayaMay ningning na tangi at dakilang ganda

Bulaklak na tanging marilagAng bango ay humahalimuyak

Sa mundo'y dakilang panghiyasPang-aliw sa pusong may hirap

Batis ng ligaya at galakHantungan ng madlang pangarap

Page 21: Mga Salawikain

Ganyan ang dalagang Pilipina Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta

(Maging sa ugali, maging kumilos, mayumi,mahinhin, mabini ang lahat ng ayosMalinis ang puso maging sa pag-irog

may tibay at tining ng loob.)

SITSIRITSIT

Sitsiritsit, alibangbangSalaginto at salagubangAng babae sa lansangan

Kung gumiri'y parang tandang

Santo Niño sa PandakanPutoseko sa tindahan

Kung ayaw mong magpautang Uubusin ka ng langgam

Mama, mama, namamangkaPasakayin yaring bata.Pagdating sa MaynilaIpagpalit ng manika.

Page 22: Mga Salawikain

Ale, ale, namamayong Pasukubin yaring sanggol.

Pagdating sa MalabonIpagpalit ng bagoong.

sa libis ng nayon

Kahit na gabing madilim sa libis ng nayonTaginting nitong kudyapi ay isang himatongMaligaya ang panahon sa lahat ng naroroon

Bawa't puso'y tumutugon sa nilalayon.

Puno ng kawayan ay naglangitngitanLalo na kung hipan ng hanging amihan

Ang katahimikan nitong kaparanganPinukaw na tunay nitong kasayahan.

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhaySa libis ng nayon doon manirahan

Taga-bukid man may gintong kalooban,Kayamanan at dangal ng kabukiran.