mga least mastered skills sa hekasi 6

21
MGA LEAST MASTERED SKILLS SA HEKASI VI By: JANETTE O.DIEGO

Upload: janette-diego

Post on 15-Nov-2014

9.969 views

Category:

Education


2 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Mga least mastered skills sa hekasi 6

MGA LEAST MASTERED SKILLS SA HEKASI VI

By:

JANETTE O.DIEGO

Page 2: Mga least mastered skills sa hekasi 6

Ang Pilipinas ay may kabuuang lawak ng lupa na may 115,707 milyang kuwadrado. Ang pinakamalaking pulo o isla ay ang Luzon (40,420 milyang kuwadrado), sumusunod ang Mindanao (na may 36,537 milyang kuwadrado) at ang huli ay ang pulo ng Visayas. 

Page 3: Mga least mastered skills sa hekasi 6
Page 4: Mga least mastered skills sa hekasi 6

SAAN MATATAGPUAN ANG PILIPINAS?

Makikita ang Pilipinas sa dakong timog silangang Asya. Ito ay nasa lokasyong 4 hanggang 21 hilagang latitud at 116 hanggang 127 silangang latitud.

Humahangga ito sa South China Sea sa hilaga. Ang Taiwan ay 240 kilometro ang layo sa

pinakahilagang pulo ng Pilipinas, ang Batanes Ang Borneo ay 24 kilometro lamang ang layo

sa pinakatimog na dulo ng Piliinas , ang Sulu. Sa kanluran ng Pilipinas ay ang South China

Sea. Ang Vietnam,Laos at Cambodia ay mga bansa

sa dulong kanluran ng Pilipinas.

Page 5: Mga least mastered skills sa hekasi 6

2. NASASABI ANG KAHALAGAHAN NG LOKASYON NG PILIPINAS. Ang Pambansang Teritoryo Batay sa Artikulo ng Saligang-Batas ng 1987 ang

teritoryo ng Pilipinas ay tumutukoy sa arkipelago, lahat ng mga isla at karagatan na bumabalot dito, at ang iba pang teritoryo kung saan may hurisdiksyon at makapangyayari ang Pilipinas.

Ito ay binubuo rin ng kalupaan (terrestrial), katubigan (fluvial) at panghimpapawid (aerial) na hangganan. Kasama rin dito ang teritoryo ng karagatan, kalatagan at

kailaliman ng dagat. Ang mga tubig na nasa pagitan at nagdudugtong sa mga isla ng arkipelago, gaano man kalalim o kalawak ay bubuo bilang bahagi ng panloob na mga dagat ng Pilipinas.

Page 6: Mga least mastered skills sa hekasi 6

Sa kabuuan, ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng:

1. lahat ng mga isla ng arkipelago; 2. iba pang teritoryo kung saan may

hurisdiksiyon o makapangyayari ang Pilipinas; at

3. mga panloob na karagatan.

Page 7: Mga least mastered skills sa hekasi 6

Doktrinang Pangkapuluan Ang Pilipinas, kasama ang Indonesya at

iba pang archipelago, ay nagsulong ng doktrinang pangkapuluan sa pandaigdigang kumperensiya hinggil sa batas ng karagatan.

Ito ay dahil lubhang mahalaga ang dahilang pangkabuhayan at pambansang seguridad ng mga bansa.

Sa lumang batas ay maaaring magkaroon ng mataas na karagatan o “high seas” sa pagitan ng mga isla na may 24 milyon ang distansiya o layo sa bawat isa. Kaya’t ang mga bayarang sasakyang dagat ay maaaring pumasok dito na walang pahintulot.

Page 8: Mga least mastered skills sa hekasi 6

Di ba lubhang mapanganib ito sa seguridad ng estado?

Sa isinulong na Doktrinang Pangkapuluan, lahat ng dagat mula sa hangganan o baseline’ ay itinuturing na panloob na karagatan gaano man kalalim at kalawak ito.

Itinuturing itong bahagi ng arkipelago na kung saan may hurisdiksyon ang estado. Sa ganyang paraan, masisiguro ang kaligtasan ng mga kapuluan.

Page 9: Mga least mastered skills sa hekasi 6

Exclusive Economic Zone Sa ginanap na Pandaigdigang Kumbensyon sa

Doktrinang Pangkapuluan sa Geneva noong 1958 pinalawak mula 3 milya hanggang 12 milya ang tinatawag na “economic zone” ng mga bansa.

Nang lumaon, sa bisa ng P.D 1599 na nilagdaan noong Hunyo 11,1978, itinatag ang 200 milya notikal mula sa hangganan (o ‘baseline’) ng bansa, maliban sa mga lugar kung saan nagtatagpo ang ‘economic zone’ ng mga magkakapitbahay na bansa. Sa ganitong pagkakataon, ang mga bansang apektado ay binibigyang laya na magkasundo batay sa prinsipyo ng pandaigdigang batas sa delimitasyon.

Samakatuwid, may hangganan ang mga lugar na maaaring gamitin sa mga gawaing pangekonomiya, halimbawa ang mga katubigan sa pangingisda, at ang himpapawid, sa pagtawid ng mga eroplanong pang-internasyonal.

Page 10: Mga least mastered skills sa hekasi 6

Ang mga Isla sa Kalayaan ay hindi orihinal na kasali sa teritoryo ng Pilipinas noong iguhit ang Kasunduan ng Paris noong ika-10 ng Disyembre, 1898.

Sa bisa ng P.D 1596 na pinirmahan noong ika-11 ng Hunyo, 1978, ay opisyal na ginawang bahagi ng hangganan ng Pilipinas ang mga Isla sa Kalayaan. Ibinatay ito sa karapatang pangkasaysayan at mga titulong legal. Ang Kalayaan ay isa nang munisipalidad ng Palawan.

Sa pangkasalukuyan, hindi lamang Pilipinas ang umaangkin sa 53 isla ng Kalayaan. Inaangkin din ito ng Tsina, Vietnam, Brunei, at Taiwan.

Page 11: Mga least mastered skills sa hekasi 6

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang iyong mga sagot mula sa sumusunod:

1. Ang sumusunod ay dagat na nakapaligid sa Pilipinas maliban sa isa.

A. Dagat CelebesC. Dagat Timog Tsina B. Dagat Mediterranian D. Dagat Sulu 2. Kung ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107

na pulo, ilan sa mga ito ang nagtataglay ng pangalan?

A. 1200 B. 3,200 C. 2,800 D. 2,200 3. Saang kontinente kabilang ang Pilipinas? A. Asya B. Europe C.Vietnam D. Laos

Page 12: Mga least mastered skills sa hekasi 6

4. Saang bahagi ng mundo makikita ang Pilipinas?

A.4 hanggang 21 H latitud at 116 -127 T longhitud

B.4 hanggang 20 H latitud at 116 -127 T longhitud

C.4 hanggang 16 H latitud at 116 -127 T longhitud

D.4 hanggang 21 H latitud at 116 -120 T longhitud

Page 13: Mga least mastered skills sa hekasi 6

5. Kung ang Borneo ay nasa timog ng Pilipinas, anu-ano naman ang nasa hilagang kanluran ng Pilipinas?

A. Laos, Australia, Cambodia

B. Laos, Thailand, MalaysiaC.Vietnam, Laos, Cambodia

D. Vietnam, Malaysia, Laos

Page 14: Mga least mastered skills sa hekasi 6

LIKAS NA YAMAN NG BANSA

Page 15: Mga least mastered skills sa hekasi 6

ANG TAHONG(TO THE TUNE OF PEARLY SHELLS)

Ang tahonga Sa may dagat

Ang laki-laki Mapula-pulaKapag hinain

Ito’y bubuka-buka-bukaka

Masarap kainin ang tahong

(repeat 2x)

Page 16: Mga least mastered skills sa hekasi 6

•Pinagkukunang Yaman

Ano mang bagay na ginagamit ng tao upang tugunan ang kanyang pangangailangan at kagustuhan

Page 17: Mga least mastered skills sa hekasi 6

Likas na Yaman

Yamang Lupa Yamang

Mineral

Yamang Tubig

Page 18: Mga least mastered skills sa hekasi 6
Page 19: Mga least mastered skills sa hekasi 6
Page 20: Mga least mastered skills sa hekasi 6
Page 21: Mga least mastered skills sa hekasi 6

MARAMING SALAMAT!!!!!!