mga disenyo sa kultural na pamayanan - k-12 art 4
TRANSCRIPT
MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN
MR. VICTORIANO D. DONOSO IIIMaster Teacher II
Sapao Elementary School
Ang kultural na pamayanan ay may kani-kaniyang ipinagmamalaking obra.
Ang kanilang mga disenyo ay ginagamitan ng iba’t-ibang linya, kulay at hugis.
Ang mga linya ay maaring tuwid, pakurba, pahalang at patayo
Kadalasan ang mga kulay ay ginagamitan ng pula, dilaw, berde at itim.
Iba’t-ibang hugis ang makikita sa mga desinyo tulad ng triyanggulo, kwadro, parisukat, bilog at bilohaba.
Ito ay hango sa kalikasan o kanilang kapaligiran.
Ang kultural na pamayanan ay may kani-kaniyang ipinagmamalaking obra.
Ang kanilang mga disenyo ay hango sa sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran.
Ang mga IFUGAO ay naninirahan sa hilagang luzon.
Makikita ang mga disenyo sa kanilang mga kasu-otan at kagamitan tulad ng araw, kidlat, isda, ahas, butiki, puno at aso.
IFUGAO
Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga KALINGA na matatagpu-an sa pinakahilagang bahagi ng Luzon.
Napakahalaga sa kanila ang mga palamuti sa katawan na nagpapakilala sa kanilang katayuan sa lipunan.
Madalas gamitin ng mga KALINGA ang kulay na pula, dilaw, berde at itim.
KALINGA
Ang GADDANG naman sa Nueva Viscaya ay kilala at bantog sa paghahabi ng tela.
Ang mga manghahabing Gaddang ay gumagamit ng tradisyonal sa hakbang sa paghahabi na may mabusising paglalagay ng mga palamuti gaya ng plastic beads at bato.
Ilang sa kanilang produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat [belt], aken[skirt] at abag[G-string] na gawa sa mga mamahalin at maliit na bato.
GADDANG
Disenyong Gaddang
Disenyong Kalinga
Disenyong Ifugao
SUBUKAN NATIN
1 – 3. ANU-ANO ANG MGA HALIMBAWA NG KULTURAL NA PAMAYANAN?
5 – 6. ANU-ANO ANG TATLONG GINAGAMIT NILA SA KANILANG MGA DISENYO?
7 – 10. ANU-ANO ANG KADALASANG KULAY ANG GINAGAMIT NILA SA KANILANG MGA DISENYO?
11. SAAN MAKIKITA ANG MGA IFUGAO?
12. SAAN MAKIKITA ANG MGA GADDANG?
13. KANINONG GAWA ITO?
14. KANINONG GAWA ITO?
15. KANINONG GAWA ITO?
Let’s check your Answer
1 – 3. ANU-ANO ANG MGA HALIMBAWA NG KULTURAL NA PAMAYANAN?- GADDANG- KALINGA- IFUGAO
5 – 6. ANU-ANO ANG TATLONG GINAGAMIT NILA SA KANILANG MGA DISENYO?- LINYA- KULAY- HUGIS
7 – 10. ANU-ANO ANG KADALASANG KULAY ANG GINAGAMIT NILA SA KANILANG MGA DISENYO?- PULA- DILAW- BERDE- ITIM
11. SAAN MAKIKITA ANG MGA IFUGAO?
- HILAGANG LUZON
12. SAAN MAKIKITA ANG MGA GADDANG?
- NUEVA VISCAYA
13. KANINONG GAWA ITO?
KALINGA
14. KANINONG GAWA ITO?
GADDANG
15. KANINONG GAWA ITO?
IFUGAO