mga bayani na nakipaglaban

29
MGA BAYANI NA NAKIPAGLABAN SA PAGKAMIT

Upload: chris-loidz-ganado

Post on 29-Dec-2015

710 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

fdghkllk

TRANSCRIPT

MGA BAYANI

NA

NAKIPAGLABA

N SA

PAGKAMIT NG

KALAYAAN NG

PILIPINAS

JOSE P RIZAL

Si Jose P. Rizal (19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre

1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal

Mercado y Alonso Realonda,Ipinanganak

sa Calamba, Laguna. si Jose Rizal ay ang

Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga

kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga

nobelang Noli Me Tangere at El

Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng

Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino,

siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot,

siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may

kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya,

etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa

pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.

siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak,

Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay

kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong

mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong

kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina

sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol

para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng “Mercado”

(pangangalakal).

Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang “Ricial” o kabukiran na ginamit

lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan

ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang

mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang

makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal.

Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak

nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan

ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga

Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang

kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.

EMILLIO AGUINALDOSi Emilio Aguinaldo y Famy (Marso

22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang

Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng

kalayaan, ay ang

unang Pangulo ng Republika ng

Pilipinas (Enero 20, 1899–Abril 1, 1901). Isa

siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan

ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang

bigong pag-aalsa laban

sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi

ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898,

ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at

umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang

kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng

Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga

hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang

isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga

Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang

taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos. Siya rin ang pinakabatang

pangulo ng Pilipinas.  Ipinanganak siya sa Cavite el Viejo, Cavite noong Marso

22, 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-

1916) Si Don Carlos ay isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino,

Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata,

nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral

ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880.

Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de

Letran.

ANDRES BONIFACIOSi Andrés Bonifacio (Nobyembre 30,

1863 – Mayo 10, 1897) ay siyang

namuno sa rebolusyon ng Pilipinas

laban sa Espanya, ang unang

rebolusyon sa Asya na lumaban sa

pananakop ng mga bansang

imperyalista sa Europa.

Siya ay isinilang noong ika-30 ng

Nobyembre, 1863 sa Tondo,

Maynila. Ang kanyang magulang ay

sina Santiago Bonifacio at Catalina

de Castro. Siya ay nagsimulang mag-

aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Meisic sa Binondo, Maynila subalit

siya’y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya’y nahinto sa pag-aaral, may

angkin siyang talino at marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa

pagsasalita sa wikang Kastila.

Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at

pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales

agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni

Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario

Mabini.

APOLINARIO MABINISi Apolinario Mabini y

Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo

13, 1903), kilala bilang ang “Dakilang

Lumpo” o “Dakilang Paralitiko“, ay

isang Pilipinotheoretician na nagsulat

ng konstitusyon ng Unang Republika

ng Pilipinas noong 1899-1901, at

naglingkod bilang ang kauna-

unahang punong ministro noong 1899.

Ipinanganak siya sa

Talaga, Tanauan, Batangas sa

mahihirap na mga magulang, sina

Inocencio Mabini at Dionisia

Maranan. Siya ay natuto ng abakada

mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay

sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy

sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-

Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo

Tomasnaman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang

nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.

Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng “infantile paralysis“ na lumumpo sa

kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila’y nagkamabutihan. Siya’y lihim na

ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan

ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim

panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat

niya ang kanyang tanyag na akdang “Tunay na Dekalogo“. Noong 1899, si

Mabini ay nadakip ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ipinabilanggo. Kanyang

isinulat noon ang “Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino”, “El

Simil de Alejandro“, at “El Libra“. Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay

ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa

noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya

ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng

Mayo, 1903sa Nagtahan, Maynila.

JUAN LUNASi Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng

pamosong larawan “Spolarium”. Siya ay nakilala sa

buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel

gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa

pamamagitan ng pluma at espada. Siya ay

ipinanganak noong Oktubre

23, 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin

Luna at Laureena Novicio sa Badoc, Ilocos

Norte. Nag-aaral siya sa Ateneo Municipal de Manila. Ang pangarap niyang

maging isang mandaragat ay natupad matapos siyang mag-aral at magtrabaho sa

brako sa murang gulang na 16. Marami siyang napuntahang magandang lugar at

iba’t ibang tao ang kanyang nakasama. Bagamat napagtala siya bilang mandaragat

huminto para lamang maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagpinta.

Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral Aguinaldo na isang sugo

sa Europa para ipresenta ang panig ng mga Pilipino sa usaping pagkapayapaan.

Siya ay inatake sa puso at namatay noong Disyembre 7, 1899 sa Hong Kong

GREGORIO DEL PILARSi Gregorio del Pilar ay ang

pinakabatang heneral na lumaban

sa Digmaang Pilipino-Amerikano.

Siya ay isinilang

sa Bulakan, Bulakan noongNobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at

Felipa Sempio. Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at

pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano

Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila noong 1880 at tumira sa

bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag

ang Katipunan.

Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero

at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at

bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na

19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya

sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang

nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya siAguinaldo at itinaas siya bilang tinyente

kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si

del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng

mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya

upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.

KALIKASAN ATING GINTONG YAMAN

Kapaligiran natin Diyos nag-alayIto’y mahalagang bahagi ng buhay;

Sa mundong ito, lahat magkakaugnay

Biyayang bigay, buhay binigyang kulay.

Ito ay isang magandang kayamananNa dapat nating pagkaingat-ingatan;

Ang pundasyon ng ating kinabukasan

Ang ating mahal na Inang Kalikasan.

Pag-unlad nasa isip ng bawat isaInuuna Agham at Teknolohiya

Kalikasan ay naisasantabi na

Pati na rin mga sarili nila.

Kalikasan kapag ating pinagyamanDulot nito’y biyaya sa sanlibutan;

Ngunit kapag ito ay pinabayaan

Hatid nito’y pinsala sa ating bayan.

Walang imposible kung magtutulunganTiyak pagbabago ating makakamtan;

Magkaisa gobyerno at mamamayan

Kung ito’y masira tayo’y mawawalan.

Tula tungkol sa Kalikasan

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yamanBahagi na ito ng aking kabataan.

Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.

Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.

Ang lambak ang aking hardin.Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.

Madaming bulaklak kahit saan tumingin.Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.

Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.May dalang himig sa musikero’t makata,

Na ang alay ay himig at tula.

Ang pagbabago ay hindi makakamtan,Kung ang kalikasan ay mapababayaan.Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.

Susi sa Kinabukasan (Tula tungkol sa edukasyon)

Kaalamang taglay kailangang tunay Sandatang dapat taglayin ninunman Dahil gamit natin sa pang araw-arawNa matatagpuan sa edukasyon lang

         Edukasyong hanap nasa eskwelahan

 Tinuturong ganap ng gurong mahusay  Sa mag-aaral sa iba't ibang lugar

  Taglay ang araling mahalagang tunay

  Makamit ito ay walang kasing saya    Sapagkat dala ay magandang simula

 Simula sa isang magandang biyaya  Dala ay tagumpay maging dalubhasa

                                              Kahit mahirap babatain tunay

  Makamit lamang ang tamang kaalaman   Na magiginng daan sa ating tagumpay

     Dahil ito'y susi sa magiging buhay                         

       Natutunan natin gamitin sa tama         Upang ang tadhanang nakatakday saya            Kaalamang taglay ito ang panangga         Sa buhay natin na puro na problema

MAGULANGBy: Big Boy joe  D. Valdez

Ang tao ay mapagmahal

Gaya ng ating sariling magulang

Sa mga kaibigan man, o kaaway

Sila ang higit mong matatakbuhan at maasahan.

Sa mga bagaybagay, sila ang takbuhan

Sa kamalian nyo kayo’y tinuturuan

Sapagsubok na haharapin sila ang kramay

Yan angmagulangtunay at tapat na kaibigan.

Sila’y umalis upang tayo’y makapag-aral

Kaya kayo kabataan isapuso ang pag-aaral

Upang masuklian ang sakrisipisyo ng magulang

Walang hindi kaya basta’t pagbubutihan.

Umulan man o umaraw tuloy pa rin ang buhay

‘Wag susuko sa hamon ng buhay

Kaya natin yan, kung pagtutulungan

Walang imposible sa ating magulang.

ANG AKING GURO, AKING BAYANI!

Paggising sa umaga,Diwa’y inaantok pa

Ngunit tayo’y papasok naPapasok na sa eskwela

Simula pagkabata hanggang sa pagtandaKayo ay tumayong pangalawang ama o ina

Nariyan para gumabay at mag-aruga,Pasasalamat lamang ay nararapat itakda.

Sa aking paglaki…Di iniisip mga pagkakamali,

Ngunit ngiti lamang syang sinukli,At mga payong sa lungkot ay humahawi.

Kayo ay laging kaalalay,Nagbibigay kulay sa aking buhay,

Sya ring karamay sa kabiguan at lumbayIkaw na nga guro,susi sa aming tagumpay.

Kaya’t ako ay nagpapasalamat sa inyoMga minamahal at ginigiliw na guro koWalang pag-aalinlangang ipapakita koIkaw aking guro bayani ng buhay ko!

Talumpati ng Pagtatapos ni Jay Caluag

Apat na taon na ang nakalilipas, marami-rami na rin ang ating napagdaanan bilang isang batch, at dumating na rin ang araw ng ating pagtatapos. Kung

dati’y narito tayo para sa mga misa, selebrasyon, o laro, ngayo’y nasa binubungang palaruan tayo para magpaalam sa ating minamahal na

eskuwelahan.Masaya ako dahil marami sa atin ang makaaakyat ngayon upang tanggpain ang diploma, na marami ang nakakuha ng mga pagpupugay. Pinalad din ako

bilang balediktoryan ng taong ito. Ngunit hindi ito matutupad kung hindi dahil sa aking mga guro, na kahit ako’y pinahihirapan ay tuloy pa rin ang

paggabay sa aking pagkatao. Sa aking mga kaklase, na bagaman ay isang maingay at sabaw na klase, ay maaasahan ang suporta’t pagmamalasakit sa

isa’t isa. Sa aking mga magulang, na kahit mahal ang matrikula rito sa Ateneo’y nagsikap pa rin sila na ako’y patapusin. At higit sa lahat, sa Diyos

na patuloy ang pagbibigay sa akin ng mga biyaya at pagmamahal.Sa maraming leksyon na aking natutuhan dito, ang pinaka-importanteng nalaman ko ay ang kahalagahan ng pagtutulungan. Nakasanayan ko na

magtrabo mag-isa, ngunit nalaman ko lang na mas mabilis kapag mayroon kang katuwang sa trabaho, mas masaya kapag may kasama kang kaibigan. Kaya pagpunta natin sa susunod na yugto na ating buhay, alalahanin ninyo na lang na ang atingpagkakaibigan, ang ating pagsasama ay hindi mapawi. Na kahit tayo’y uugod-ugod na ay may maaasahang tulong pa rin mula sa

inyo.Sa ating pagtatapos, sana ito’y maging daan upang magsimula ng

panibagong kabanata sa ating mga buhay-buhay. Hinanda na tayo ng ating paaralang maging mabubuti’t mararangal na tao. Ngayon na ang oras para

isabuhay ang mga ito.Bilang isang taong may MAGIS at may pagmamahal sa kapwa.

Palaisipan1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. 

Sagot: kandila 

2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. 

Sagot: langka 

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. 

Sagot: ampalaya 

4.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. 

Sagot: gumamela 

5. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. 

Sagot: kubyertos 

6. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. 

Sagot: kulambo 

7. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. 

Sagot: kuliglig 

8. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. 

Sagot: siper 

9. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. 

Sagot: gamu-gamo 

10. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. 

Sagot: kasoy

TALAMBUHAYVICENTE LIM

Si Vicente Lim ay isinilang noong Pebrero 24, 1888 sa bayan ng Calamba sa Laguna, kina Jose Lim, isang mayamang Tsino at ina na si Antonia Podico, isang kilalang negosyante. Ang kanyang pamilyang pinagmulan ay may malaking kabuhayan.

Siya ang unang Pilipinong nagtapos ng pagaaral sa West Point Academy sa Estados Unidos noong 1914 kung saan nanguna siya sa pagsusulit sa military academy. Bago ito, nagtapos din siya ng kursong edukasyon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas noong taong 1908. Siya ang nahirang na pangalawang tenyente ng Philippine Scouts sa Kuta ng San Pedro sa Iloilo. Mas mahirap ang sinapit niya nang ilipat ang pgkakadestino nya ng pwesto sa Sulu, sumunod ay sa Zamboanga at

nang huli ay sa For McKinley sa Lalawigan ng Rizal. Nahirang siyang Kapitan noong taong 1922 at naging Major noong 1923. Noong bumalik siya sa Pilipinas pagkatapos magaral sa Estados Unidos. Nagturo din siya sa Philippine Military Academy sa Baguio. Pagkatapos nito ay bumalik siya sa Estados Unidos para muling magaral at naging unang Pilipino nakakuha ng kurso sa Kolehiyo ng Hukbong Katihan (Army College) sa Washington noong 1929. Naging ROTC Commandant ng Colegio de San Juan de Letran noong bumalik sa Pilipinas. Nagretiro noong 1936 na may ranggong Colonel.

Nang taong sumiklab ang World War II, siya ang naging Brigadier General ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Napiit si Vicente Lim sa Capas, Tarlac pagkatapos makubkob ng mga Hapon ang Bataan noong taong 1942. Nakalaya siya at naging miyembro ng kilusang gerilya.

Dahil sa paglaban sa pamahalaang Kolonyal, siya ay dinakip ng mga Hapon noong 1944. Nakulong sa Fort Santiago at inilipat sa Bilibid Prison sa Maynila. Noong taong din yaon,siya binitay sa Chinese Cemetery.

Science TriviaHave a Heart

If all major forms of cardiovascular disease were eliminated, human life expectance would increase by 9.78 years. 

SOURCE: National Center for Health Statistics

Pillow TalkA new survey of pillow primping practices indicates that 23% of people consider themselves

stackers; 20% plumpers; 16% are rollers; 16% cuddlers; while the reminder are smashers and crunchers.

SOURCE: Survey by DuPont Co.

TB or Not TB?Treatment-resistant tuberculosis has been reported in 42 states and Washington, D.C., up from 13

states during the tuberculosis epidemic of the late 1980s and early 1990s. SOURCE: Centers for Disease Control and Prevention (CDC)

DID YOU KNOW? The world record for passing gas was set on Japanese television, 

3,000 times in a row SOURCE: Grossology: The science of Really Gross Things

DID YOU KNOW? The typical American child watches 1,680 minutes of television per week (about two months a year). The same youth spends 38 minutes a week in meaningful conversation with his or her

parents. SOURCE: A.C. Nielson Co.

DID YOU KNOW? . . . that a cricket's ears are on its knees? That a fly has tastebuds on its feet. 

SOURCE: Nature Museum of the Chicago Academy of Sciences

DID YOU KNOW? Mexico City is sinking at a rate of 18 inches per year as a result of draining the water table for

human consumption. SOURCE: National Water Commission

DID YOU KNOW? The aqualung, a device for breathing under water was invented by Jacques Cousteau and Emile

Gagnan of the French Navy in 1943 so that "frogmen" could put mines under enemy ships.

STRANGE BUT TRUE-- In 1994, scientists in Australia invented a way of removing fleece from sheep without shearing.

They injected the sheep with a special hormone, then wrapped them in lightweight hairnets. Three weeks later, the fleece could be peeled off the sheep by hand.

1. There are 62,000 miles of blood vessels in the human body – laid end to end they would circle the earth 2.5 times

2. At over 2000 kilometers long, The Great Barrier Reef is the largest living structure on Earth

3. The risk of being struck by a falling meteorite for a human is one occurrence every 9,300 years4. A thimbleful of a neutron star would weigh over 100 million tons

5. A typical hurricane produces the energy equivalent of 8,000 one megaton bombsFacts 6 – 10

6. Blood sucking hookworms inhabit 700 million people worldwide

7. The highest speed ever achieved on a bicycle is 166.94 mph, by Fred Rompelberg

8. We can produce laser light a million times brighter than sunshine

9. 65% of those with autism are left handed

10. The combined length of the roots of a Finnish pine tree is over 30 milesFacts 11 – 15

11. The oceans contain enough salt to cover all the continents to a depth of nearly 500 feet

12. The interstellar gas cloud Sagittarius B contains a billion, billion, billion liters of alcohol [JFrater is planning to move there in the near future]

13. Polar Bears can run at 25 miles an hour and jump over 6 feet in the air

14. 60-65 million years ago dolphins and humans shared a common ancestor

15. Polar Bears are nearly undetectable by infrared cameras, due to their transparent furFacts 16 – 20

16. The average person accidentally eats 430 bugs each year of their life

17. A single rye plant can spread up to 400 miles of roots underground

18. The temperature on the surface of Mercury exceeds 430 degrees C during the day, and, at night, plummets to minus 180 degrees centigrade

19. The evaporation from a large oak or beech tree is from ten to twenty-five gallons in twenty-four hours

20. Butterflies taste with their hind feet, and their taste sensation works on touch – this allows them to determine whether a leaf is edible