mga anyong lupa at mga anyong tubig

Upload: d-fbuser-80907454

Post on 13-Jul-2015

43.254 views

Category:

Documents


78 download

TRANSCRIPT

Mga Anyong Lupa at Mga Anyong TubigLarawan at katangianJohn Aris Torres T. Banado

IBAT IBANG URI NG ANYONG LUPA

*Kapatagan ~ isang lugar kung saan walang pagtaaso pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.

*Bulkan ~ isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang bulkan ng Pinatubo.

*Baybayin ~ bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.

Burol ~ higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.

Lambak ~ isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Talampas ~ patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.

Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig.

IBAT IBANG URI NG ANYONG TUBIG

Karagatan - Ang pinakamalaking anyong tubig.Bahagi nito ang dagat. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng mga 361 kilometro kwadrado) ang natatakpan ng karagatan, isang patuloy na bahagi ng tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga karagatan at maliliit na mga dagat..

Dagat - Malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa Karagatan.

Ilog - Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito sa maliit na sapa at itaas ng bundok o burol.Ang Pilipinas ay mayroong 132 na ilog.Dito nanggagaling ang kabuhayan ng mga mamamayang naninirahan sa tabi nito.

Talon - Bumabagsak na tubig pababa mula sa ilog o sapa na karaniwang nasa mataas na lugar o bundok. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa

Sapa - Maliit na anyong tubig. Kadalasang natutuyo pag taginit.

Lawa - Isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.Hindi umaagos ang tubig na nagmumula sa anyong tubig na ito. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa.