metodolohiya at presentasyon ng datos
DESCRIPTION
Hashtag: Throwback LibanganTRANSCRIPT
KABANATA III
METODOLOHIYA
Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng diskriptib-analitikal na pagsusuri gamit ang
proseso ng pagsasarbey, pananaliksik at interbyu upang masuri ng mabuti ang mga pananaw,
obserbasyon at opinyon ng mga respondente ukol sa pagkakaiba at pagkawala ng Libangan
noon at pagdating ng mga makabagong libangan ngayon ng ating mga kabataan.
Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa iba’t-ibang kolehiyo sa loob ng Unibersidad
ng Santo Tomas upang mangalap ng datos noong ika-10 at ika-12 ng Pebrero taong 2014.
Upang maisagawa ang aming interbyu at
sarbey ng maayos kami ay naghanda ng
ilang mga katanungan. Ang unang bahagi
ng aming interbyu at sarbey ay
pumapatungkol sa kanilang pangalan at
edad. Ang pangalawang bahagi naman ay
naglalaman ng tema ng aming pananaliksik
na nagtatanong tungkol sa kanilang madalas na limang libangan ngayon. At ang ikatlong
bahagi naman ay ang kanilang pananaw patungkol sa kanilang obserbasyon sa mga libangan
ng kabataan ngayon at ang kanilang kaalaman patungkol sa mga libangan nang mga kabataan
noon. Naging bahagi din ng aming pananaliksik
ang sosyal eksperiment na kung saan kami ay
pumunta ng Rizal Park noong ika-15 ng Pebrero
taong 2014. Kami ay nakipaglaro sa mga bata sa
loob ng parke upang magbalik tanaw sa mga
libangan noon. Pagkatapos nito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng obserbasyon sa loob
ng SM Manila.
Ang mga respondente sa aming pag-aaral ay ang 30
kabataan na nasa kolehiyo at 20 na nasa edad 40 pataas..
Kaming mga mananaliksik ay gumamit lamang ng selpon
upang makuhanan ang mga pangyayari at para maitala ang mga kasagutan ng aming mga
respondente. Samakatuwid, pagtatally at pagkuha ng prosyento lamang ang aming ginawa
upang mapag-isa lahat ang mga tugon ng mga respondente. Sa tulong ng mga libro at ng
internet kami din ay nakakuha ng iba’t ibang datos.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
TALAHANAYAN 1
ANG IBA’T IBANG LIBANGAN NOON AT NGAYON NG MGA RESPONDENTE
LIBANGAN NILA NOON LIBANGAN NILA NGAYON
TAYA-TAYA MALLING O MAGGALA KASAMA ANG MGA
KAIBIGAN
DOCTOR-DOCTORAN MANOOD NG SINE O MOVIE MARATHON
PIKO SOCIAL NETWORKING SITES (FACEBOOK,
TWITTER)
BARBIE BASKETBOL
PATINTERO PAGKAIN
LUKSONG BAKA PHOTOGRAPHY
TAGU-TAGUAN PAGBABASA, PAGSUSULAT NG MGA
KWENTO, PAGGUGUHIT, PAG-AARAL
TUMBANG PRESO MATULOG
LUKSONG TINIK
Sa talahanayan na ito pinapakita ang iba’t ibang libangan ng mga mag-aaral na
nagmumula sa iba’t ibang kolehiyo sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ang mga
respondente na sumagot sa mga tanong ay mga kalalakihan at kababaihan. Ito ay ginawa sa
isang random na pamamaraan. Makikita na madalas na gawin ng mga kabataan sa
kasalukuyan bilang libangan nila ay ang paggagala, pagtulog, pagfacebook, twitter, at iba pa.
Makikita rin sa kaliwang bahagi ay ang mga ilan sa mga madalas na libangan noon ng mga
respondente, ito ay ang mga luksong tinik, luksong baka, tagu-taguan, habulan, at marami
pang iba.
GRAP 1
MGA KABATAAN NGAYON NA NAGLALARO PA NG MGA LIBANGAN NOON
20%
80%
MGA KABATAAN NGAYON NA NAGLALARO PA NG MGA LIBANGAN
NOON
MERON PA
WALA NA
Sa grap na ito pinapakita ang sagot ng mga respondente sa tanong na, “May naglalaro
pa ba ng mga libangan noon sa panahong ito?” Walumpu’t porsyento ng mga respondente
ang sumagot na wala, ang ilan pa rito ay nagsabi na, “Puro teknolohiya na ang libangan
ngayon ng mga kabataan.” At sakanilang obserbasyon din sa mga kalsada ay wala na. Sa
kabilang dako, may ilan pa rin sa ating respondente na nagsasabi na mayroon pa rin ilang
mga kabataan sa kalsada ang naglalaro ng mga libangan o laro noon gaya ng mga tagu-
taguan, habul-habulan at iba pa, pero kasunod ng nasabi nila ay medyo kakaunti nalang din
dahil mas nakatuon sila sa mga kompyuter games.
GRAP 2 MGA MATATANDA NA PABOR SA LIBANGAN NGAYON
99%
1%
MGA MATATANDA NA PABOR SA LIBANGAN NGAYON
HINDIOO
Minabuti naming mga mananaliksik na kunin angopinyon ng mga matatanda edad 40
pataas patungkol sa libangan ngayon ng mga kabataan kung mas gusto ba nila na naglalaro sa
labas ang kanilang mga anak na gaya noon o kung papanig sila sa mga ginagawa na ngayon
na gaya na lamang ng paglalaro sa komputer o paggala at iba pa. Ipinapakita sa grap na ito na
mas mataas ang bilang ng mga matanda na pabor sa libangan noon kaysa ngayon sa mga
dahilan nilang mas nakakatulong sa bata ang paglalaro sa pisikal, emosyonal, espirituwal,
kaisipan at sosyal.
GRAP 3 MGA KABATAAN NA NAKAKAALAM PADIN SA LIBANGAN NOON
25%
75%
MGA KABATAAN NA NAKAKAALAM PADIN SA LIBANGAN NOON
Oo Hindi
Batay sa sosyal eksperiment na isinagawa naming mga mananaliksik pitumpu’t
limang porsyento o 75% ang hindi na nakaalam sa libangan noon. Samantalang dalawampu’t
limang porsyento o 25% ang nakakaalam padin sa libangan noon. Sa mga bata na di na
nakakaalam sa laro, di sila pamilyar dito at kailangan munang sabihin ang proseso bago nila
ito laruin.
GRAP 4 DAMI NG MGA RESPONDENTE NA PAMILYAR PA SA MGA BUGTONG
1st Qtr 2nd Qtr0
10
20
30
40
50
60
70
Estudyante na may edad 16 pataas
Kaming mga mananaliksik ay nagsagawa ng eksperimento sa aming mga sarili at sa iba pang
mga estudyante sa iba’t ibang kolehiyo sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas. Kami ay naghanda
ng mga bugtong upang itanong sa aming mga respondente. 70% sa mga grupong aming
napagtanungan ay may kaalaman pa sa mga sagot sa aming mga naihandang bugtong, at 30%
naman ay tila nakalimutan na o halos walang ideya sa mga kasagutan sa aming mga bugtong.
Pinapakita nang grap na ito na mas marami parin’g mga kabataan na nasa edad 16 pataas
ang nakakaalala pa sa mga kasagutan sa mga bugtong. Ito ay nangangahulugan na hindi pa tuluyang
nawawala at nakakalimutan ng bagoong henerasyon ang mga libangan nila noong sila’y mga bata pa.
INTERPRETASYON AT PAGSUSURI
Lumalabas sa resulta ng aming pag-aaral na higit na nakaapekto ang teknolohiya sa
kabataan kaya unti-unti na ang pagkawala ng libangan noon. Ayon pa sa aming mga
respondente, “Puro teknolohiya na ang libangan ngayon ng mga kabataan.” Ilan sa kanila ay
wala ng nakikitang kabataan na naglalaro ng libangan noon sa mga kalsada. Sa kabilang
dako, may ilan pa rin sa ating respondente na nagsasabi na mayroon pa rin ilang mga
kabataan sa kalsada ang naglalaro ng mga libangan o laro noon gaya ng mga tagu-taguan,
habul-habolan at iba pa, pero kasunod ng nasabi nila ay nawawala na ang mga libangan noon
dahil ang mga kabataan ngayon ay mas nakatuon na ang oras sa mga kompyuter games tulad
ng Dota, LoL, HoN at iba pa. Karamihan sa aming mga respondente ang pabor sa mga
libangan noon, dahil hindi lamang nito hinuhubog ang pagkatao ng isang bata, lumalakas pa
ang pangangatawan at isipin nito hindi tulad sa henerasyon ngayon, nawawalan na sa oras ng
ehersisyo kaya’t ang kanilang katawan ay humihina at may epekto rin ito sa hubog ng
kanilang pangangatawan dahil pag sila ay naglalaro ng kompyuter, tablet at iba pa ay
nakaupo lamang sila, dahilan ng kanilang pag-taba. Lumalabas din sa resulta ng aming pag-
aaral na marami pa rin ang nakakaalam sa mga libangan noon, ito ay marahil sila ay nagmula
sa mga probinsya, hindi tulad sa mga urban na lugar tulad ng maynila ay kakaunti na lamang
ang may alam at naglalaro ng mga libangan noon.