mesopotamia kabihasnan at iba pa

Upload: dmark-kram-ned

Post on 13-Jan-2016

170 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

Mesopotamia kabihasnan

TRANSCRIPT

MESOPOTAMIA

Ang Mesopotamya (Griyego: , isinalin mula sa Sinaunang Persiko na Miyanrudan "ang Lupain sa pagitan ng mga Ilog"; sa pangalang Aramaic na Beth-Nahrain "Bahay sa Dalawang Ilog"), ay isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, binubuo ng mga bahagi ng Iraq at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at timog, ang Golpo Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga bundok ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.Ang mga kasulatan mula sa Mesopotamya (Uruk, makabagong Warka) ay ilan sa mga kilalang pinakaunang kasulatan sa daigidig, nagbibigay sa Mesopotomya ng isang reputasyon sa pagiging "Duyan ng Sibilisasyon". Kapantay ng mga kasulatang Sumeryong ito ang mga hieroglyph ng Ehipto, at ilan sa mga mas matandang kilalang sulat, marahil itinituring bilang pagsusulat na proto (Porma ng sulat ng Sinaunang Europeo), Naqada. Nasasakop ang Mesopotamya ng malawak ng Fertile Crescent - isang rehiyon sa kanlurang asya na may matabang lupain at angkop sa pagsasaka. Ito ay may hugis crescent ng buwan..

INDUS

Ang lambak ilog ng Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya. Ang rehiyong ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa hilagang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu Kush. May ilang daanan o landas sa mga kabundukang ito tulad ng Daanang Khyber na nagsisilbing lagusan ng mga mandaragat, mandarayuhan at mananakop mula sa Kanlurang Asya at Gitnang Asya. Tulad ng Tigris at Euphrates na umaapaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas at pagbagsak ng ulan, ang Indus at Ganges ay taunang umaapaw rin dahil sa parehong dahilan. Matapos humupa ang baha ay naiiwan ang bagong deposito ng banlik. Dahil dito, mataba at angkop sa agrikultural na pamumuhay ang kapatagang ito.

TSINO

Ang kabihasnang umusbong sa China ang itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nanatili hanggang sa kasalukuyan. Tulad sa Mesopotamia, India at Egypt ang kabihasnang ito ay umusbong sa tabing ilog ang malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ito ang Natutulog na Higante.2 ILOG SA TSINA1. Huang Ho /Yellow River tinaguriang Pighati ng China dahil sa tuwing nagbabaha ito marami ang namamatay. Ang pagbaha nito ay nagdudulot din ng pataba sa lupa at dahil sa pagiging patag ng North China Plain ay madalas ang pagbaha dito.2. Ilog Yangtze Dinastiya pamumuno ng isang angkan.Mandate of Heaven nagsasabing ang emperador nila ang Son of Heaven at namumuno sa basbas ng kalangitan.Pan ku ang unang tao na nagsikap sa loob ng 18, 000 upang mabuo ang sansinukob. Sa kanya nagsimula ang Yin at Yang.Xenophobia ang pagkatakot ng mga Tsino sa mga dayuhan.Great Wall of China pananggalang sa mga lagalag na barbaro.Ethnocentricity pagpapalagay na may higit na nakatataas na kultura kaysa iba o pagtuon sa kanyang sarili.

EGYPT

Ang Sinaunang Ehipto, Matandang Ehipto, o Lumang Ehipto ay isang matandang kabihasnan sa silangang Hilagang Aprika, na matatagpuan sa mababang bahagi ng Ilog Nilo na kung saan naroon ang makabagong bansa ng Ehipto. Nagsimula ang kabihasnan noong 3150 BC kasama ang pampolitika na pagsasama ng Mataas at Mababang Ehipto sa ilalim ng unang paraon, at umunlad sa mga sumunod na 3 milenyo. Naganap ang isang sunod-sunod na matatag na panahon, na tinatawag na mga kaharian, na nahahati sa mga kaugnay na hindi matatag na panahon na tinatawag na mga Panahong Nasa Pagitan (Intermediate Periods). Pagkaraan ng matapos ang huling kaharian, kilala bilang Bagong Kaharian, pumasok ang kabihasnan ng lumang Ehipto sa isang panahon ng mabagal, walang pagbabagong paghina, noong mga panahon na sinasakop ng sunod-sunod ang Ehipto ng banyagang kapangyarihan. Opisyal na natapos ang paghahari ng mga paraon noong 31 BC nang sakupin ng naunang Imperyong Romano ang Ehipto at ginawang isang lalawigan.