may buhay at walangbuhay ikalawang markahan ikalimang …
TRANSCRIPT
Kagawaran ng Edukasyon Agham 3
May Buhay at Walangbuhay
Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Erwin A. Pascual
Manunulat
Felipe W. Marapao Jr.
Tagapagsuri
Edward R. Montojo
Armida S. Oblinada
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
Inaasahan
Ang modyul na ito ay idisenyo at isinulat alang-alang sa iyong
pagkatuto. Ito ay para tulungan ka na maunawaang lubos ang
May buhay at walang buhay sa ating kapaligiran. Ang saklaw ng
modyul na ito ay maaaring gamitin sa iba’t ibang sitwasyon ng
pagkatuto. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang malawak na antas
ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay nakaayos
ayon sa standard na pagkakasunod ng kurso ngunit ang
pagkakasunod nito ayon sa iyong pagbabasa ay maaaring
mabago ayon sa aklat na iyong kasalukuyang ginagamit.
Ang modyul na ito ay magtuturo sa inyo ng tungkol sa mga
bahagi ng hayop at gawain nito.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaaasahang:
1. Matukoy ang mga may buhay at walang buhay sa ating
kapaligiran.
Unang Pagsubok
Alamin ang antas ng iyong pagkatuto. Sagutan ang
pagsusulit na ito. Piliin ang letra ng iyong sagot at isulat ito sa
patlang.
_____1. Alin sa sumusunod na pangkat ang may buhay
A. Bato, Kahoy, Damo C. Lupa, Puno, Papel
B. Hangin, Tubig, Lupa D. Suso, Bulate, Kabute
_____2. Si Lorena ay nanonood sa Knowledge Channel kung saan
pinapakita ang pag usbong ng isang buto ng halaman.
Ipinapakita dito na:
A. Ang buto ay may buhay
B. Ang buto ay malambot
C. Ang buto ay walang buhay
D. Ang buto ay hindi maiuuri sa anumang pangkat
_____3. Paano mo masasabi na buhay ang isang Aso?
A. Ito ay lumalaki, nakakapagparami at gumagalaw
B. Ito ay nakakakita, nakakarinig at nakakaamoy
C. Ito ay may taong nag-aalaga
D. Tama ang sinasabi ng A at B
_____4. Ano ang mangyayari kapag ang iyong tanim na Okra ay
matagal na hindi nadidiligan?
A. Ito ay liliit
B. Ito ay mananatili sa dati
C. Ito ay malalanta at matutuyo
D. Ito ay magiging malusog at luntian
_____5. Alin sa mga sumusunod ang may buhay?
A. B. C. D.
Balik-tanaw
Mayroong iba’t ibang uri ng mga bagay tayong
nakakasalamuha araw-araw. Maaring ito ay may buhay (Living
Things) o hindi nabubuhay (Non – Living Things).
Panuto: Kulayan ng ASUL ang mga bagay na may buhay at PULA
naman kung ito ay walang buhay.
Maikiling Pagpapakilala ng Aralin
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng bagay na matatagpuan sa
ating mga tahanan. Tukuyin ang mga ito sa pamamagitan ng
Pagkahon sa mga bagay na may buhay at Pagbilog
sa mga bagay na walang buhay.
Gawain
Gawain 1.1Pagtukoy sa bagay na may Buhay sa ating Bahay
Panuto: Iguhit ang puso kung ang bagay ay may buhay at
tatsulok naman kung ito ay hindi/walang buhay. Isulat ang sagot
sa patlang.
____________1. Sapatos
____________2. Hangin
____________3. Kuneho
____________4. Pusa
____________5. Nanay
____________6. Upuan
____________7. Halaman
____________8. Bato
____________9. Tatay
____________10. Tubig
May Buhay o Walang Buhay
Ang ating mundo ay puno ng napakaraming bagay na
matatagpuan sa lupa, sa hangin at maging sa tubig.
Ang mga bagay na may buhay ay humihinga, kumakain,
lumalaki, gumagalaw at nakakapagparami. Karamihan sa mga
may buhay ay umaasa o nakadepende sa ibang mga bagay.
Ang mga bagay na walang buhay ay maaring manatili sa
mundo kahit hindi umaasa sa iba pang bagay sa paligid. Hindi nito
kailangang kumain upang manatili.
Bawat isa, may buhay o walang buhay ay may mahalagang
papel o gampanin sa atin at sa kapaligiran.
Gawain 1.2 Tamang Pagpili
Panuto: Pumili sa kahon at ilagay ito sa tamang kinabibilangan
nito. Pagsamahin ang mga May Buhay at Hindi /Walang buhay.
May Buhay Hindi o Walang buhay
Gawain 1.3 Ang Kaugnayan ng bawat isa.
Panuto: Tukuyin ang mga salita kung may buhay o walang buhay.
Ang mga halaman at puno ay ____________ na nakatanim sa
lupa o tubig. Ang lupa at tubig ay mga ___________. Bukod sa
tinitirhan ng halaman at puno na may mga sustansyang ginagamit
upang mabuhay ay nangangailangan din ito ng sinag ng araw at
carbondioxide na nasa hangin na ang isa sa pinagmumulan ay
ang paghinga ng mga hayop at tao. Ang carbon dioxide at sinag
ng araw ay ____________ samantalang ang mga tao at hayop ay
_______________. Sa paglaki o paglago ng puno at halaman ay
nakakapagparami ang mga ito sa pamamagitan ng buto, dahon,
Baso Kalabaw Orasan
Buhay na kuryente Kambing Papel
Computer Kidlat Plato
Guro Lola Pusa
sanga, at ugat. Ang mga bagay na walang buhay at may buhay
ay magkaka ugnay sa bawat isa.
Tandaan
1. Ang mga bagay na may buhay ay nakadepende sa mga
bagay na walang buhay upang sila ay makakain, lumaki,
gumalaw at patuloy na mabubuhay.
2. Bawat gawain ng mga may buhay ay maaring
makaapekto sa iba pang may buhay.
3. Ang mga may buhay ay kumakain, humihinga, lumalaki,
gumagalaw at nakakapagparami.
4. Ang mga bagay na walang buhay ay ang mga pwersa ng
kalikasan na ating nakikita o kaya naman ay mga
kasangkapan na ating ginagamit sa araw araw.
5. Bawat isang nilalang, may buhay man o wala ay nararapat
nating igalang upang tayo ay magkaroon ng payapa at
matiwasay na pamumuhay.
Pag-alam sa mga Natutunan
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng tamang impormasyon at MALI kung
ito ay nagpapahayag ng maling impormasyon.
____________1. Ang mga tao ay kabilang sa may buhay.
____________2. Ang mga bagay na hindi o walang buhay ay
nakakahinga.
____________3. Ang tubig, araw, at hangin ay mga bagay na may
buhay.
____________4. Ang mga bagay na hindi o walang buhay ay may
sariling pandama o senses.
____________5. Ang mga bagay na may buhay ay kailangan ng
enerhiya upang patuloy na mabuhay.
ll.Panuto: Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng MAY BUHAY
at WALANG BUHAY. Idikit ito sa loob ng kahon. Magbigay ng
dalawang (2) pangungusap kung bakit ito ay May Buhay at
Walang Buhay.
l. May Buhay
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
ll. Walang Buhay
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang may buhay na nakikita at
naninirahan sa ilalim ng karagatan?
A. Bato C. Kalabaw
B. Isda D. Tubig
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat ng hindi
nabubuhay?
A. Kamiseta
B. Lupa
C. Susi
D. Tipaklong
3. Ang mga bagay na may buhay ay nangangailangan ng
____________ upang mabuhay.
A. Hangin, Tubig at Bato
B. Hangin, Papel at Tubig
C. Hangin, Pagkain, at Tubig
D. Hangin, Buhangin at Bato
4. Alin sa mga larawan ang hindi kabilang sa pangkat?
A. B. C. D.
5. Si Pedro at Maria ay nag-aalaga ng halaman sa kanilang
taniman. Napansin nya na ang kanilang tanim na Mustasa at
Talong ay lumalaki at namumunga. Alin ang totoo tungkol sa
halaman nina Pedro at Maria?
A. Ito ay may buhay
B. Ito ay namamatay
C. Ito ay maglalakad
D. Ito ay maaring lumipad
Sanggunian:
Pusa October 11, 2020
https://www.google.com.ph/search?hl=en&authuser=0&tbm=isch&sxsrf=
Bubuyog October 11, 2020https://www.google.com.ph/search?q=bee+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=
Lamesa October 11, 2020
https://www.google.com.ph/search?q=table+Clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=
HanginOctober 11, 2020https://www.google.com.ph/search?q=wind+Clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=
ArawOctober 11, 2020https://www.google.com.ph/search?q=sun+Clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=
Kabayo October 11,2020
https://www.google.com.ph/search?q=horse+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=
Lupa October 11, 2020https://www.google.com.ph/search?q=
TubigOctober 11, 2020
https://www.google.com.ph/search?q=water+Clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=
Isda October 11, 2020
https://www.google.com/search?q=fish&tbm=isch&hl=enM isda
Baso October 11, 2020
https://www.google.com.iph/search?q=baso+clipart+black+and+white&tbm=is
Walis Tingting October 11, 2020
https://www.google.com.ph/search?q=Walis+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved= -
Damit Octobe11, 2020
https://www.google.com.ph/search?q=Damit+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved
Kutsara October 11, 2020
https://www.google.com.ph/search?q=kutsara+clipart+black+and+white&tbm=isc
Aso October 11, 2020
https://www.google.com.ph/search?q=black+and+white+dog+clipart&tbm=isch&ved
Gagamba October 11, 2020
https://www.google.com.ph/search?q=gagamba+clipart+black+and+white&tbm
Susi sa Pagwawasto
Unang Pagsubok 1. D 2. A 3. D 4. C 5. D Balik Tanaw 1.Pusa-asul 2.Lamesa –pula 3.bubuyog-asul 4.hangin-pula 5.araw-pula 6. manok-asul 7.kabayo-asul 8.bato- pula 9.kidlat-pula 10.isda-asul 11.tubig-pula Maikling Pagpapakilala 1.baso –bilog 2.walis tingting-bilog 3.tipaklong –kahon 4.bulate- kahon 5.aso-kahon 6.kutsara-bilog 7. bata-kahon 8.damit-bilog
GAWAIN 1.1
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
GAWAIN 1.2 Tamang Papili
May Buhay Hindi o Walang Buhay
Guro Orasan
Pusa Computer
Kambing Baso
Lola Plato
kalabaw Kidlat
Papel
Buhay na kuryente
GAWAIN 1.2 Ang Kaugnayan ng bawat isa
1.May buhay
2.Walang buhay
3.Walang buhay
4.May buhay Pag-Alam sa mga Natutunan
1.TAMA 2.MALI 3.MALI 4.MALI 5.TAMA
Pangwakas na Pagsusulit 1.B 2.D 3.C 4.B 5.A