maristel e. espiloaznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/fil...b. nakikilala ang mga...

12
Filipino SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) A Joint Project of SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT Unang Markahan, Modyul 3 Pagsulat ng Karunungang-bayan na Angkop sa Kasalukuyang Kalagayan MARISTEL E. ESPILOA 8 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Upload: others

Post on 28-Oct-2020

30 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

Filipino

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

A Joint Project of SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY

and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Unang Markahan, Modyul 3 Pagsulat ng Karunungang-bayan na Angkop sa Kasalukuyang Kalagayan

MARISTEL E. ESPILOA

8 PAG-A

ARI NG PAMAHALAAN

HINDI I

PINAGBIB

ILI

Page 2: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maristel E. Espiloa Editor: Maritess G. Adriatico Tagasuri: Riela Angela C. Josol - EPS - Filipino Tagaguhit : Tagalapat : Kevien Ian I. Albon

Tagapamahala : Virgilio P. Batan, Jr. - Schools Division Superintendent Jay S. Montealto - Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD

Ronillo S. Yarag, - Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo, PDO II- Project Development Officer II, LRMS

Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 3: Pagsulat ng Karunungang-bayan na Angkop sa Kasalukuyang Kalagayan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Page 3: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

1

Binabati ko kayo mga mahal kong mag-aaral. Napagtagumpayan na

ninyong gawin ang mga Gawain sa nakaraang modyul. Natitiyak kong marami na kayong imbak na kaalaman na magagamit mo sa modyul na ito sa kadahilanang nabasa na ninyo ang akdang pinamagatang “ Karunungang-bayan”.

Pamantayang Pampagkatuto: Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan

(F8PS-Ia-c-20 MELC) Inaasahan din na ikaw ay:

a. natutukoy ang mga mahalagang kaisipang taglay ng karunungang- bayan(salawikain,sawikain,kasabihan,bugtong,bulong,palaisipan)

b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Ano ang pinapakahulugan ng salawikaing “Anoman ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa’?

A. Pakikisama C. Pagkakaisa B. Pagtitiis D. Pakikipagkapwa

2. Anong uri ng karunungang-bayan na pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan?

A. Bugtong C. Kasabihan B. Palaisipan D. Sawikain

Alamin

Subukin

Page 4: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

2

3. Anong karunungang-bayan ang tinutukoy sa pahayag na ito,“ang kabataan ang pag-asa ng bayan”?

A. Salawikain C. Palaisipan B. Bugtong D. kasabihan

4. Ano ang katangian ng isang sawikain? A. Nakatago ang kahulugan C. May sukat at tugma B. Payak ang kahulugan D. Pahuhulaan

5. Ano ang kahulugan sa pahayag na ito”Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat.

A. Banig C. Binata B. Hagdanan D. Galante

6. Ano ang kahulugan ng salitang “abagong-bata? A. Binata C. Sanggol B. Matanda D. Gastador

7. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito”Pag may isinuksok, may madudukot”.

A. Tiyakin na may magagastos ang taong marunong mag-impok B. Madalas ay inilagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para pag dumating ang oras ng pangangailangan ay may magagasta C.Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao D.Sa oras ng kagipitan ay may masasandalan

8. Ano ang nais ipakahulugan sa kasabihang ito”Kung anong taas ng lipad, siyang lakas ng pagbagsak”.

A. Madalas bumagsak sa kabuhayan ang taong sobrang taas ang pangarap

B. Ang taong mapagmataas ang siyang kadalasang nakararanas ng matinding pagbagsak

C.Hindi masamang mangarap ng mataas huwag lamang pag-iispan ng masama ang kapwa D. Ang taong may mataas na pangarap sa buhay ang siyang kadalsang bumagsak

9. Ano ang kaisipang napapaloob sa pahayag na ito”ngayon kakahigin,ngayon tutukain.

A. Maagang magtrabaho para buhay ay umasenso. B. Kung kalian lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang makami ito. C. Kailangang magtrabaho upang may makain D. Kung kalian nangangailangan saka pa kikilos

10. Anong mahalagang kaisipan ang taglay ng pahayag na ito “ang mahirap kunin ay masarap kainin”.

A. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan B. Masarap kumain ng isang mamahalin at mahirap kunin. C. Ang masarap kainin ay mahirap kunin D. Lahat ng bagay ay mahirap

Page 5: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

3

Aralin 1 Karunungang-bayan

Balikan Gawain A: Sagutin Mo? Panuto : Tukuyin ang katangian ng karunungang-bayan. Gawin ito sa

sagutang papel.

1. Ano ang katangian ng isang bugtong? 2. Bakit ang salawikain ay hindi gumagamit ng marahas na pananalita? 3. Paano mo makikilala ang katangian ng isang palaisipan? 4. Ano ang kaibahan sa katangian ng kasabihan sa salawikain? 5. Ano ang katangiang dala ng bulong upang ito’y makilala? 6. Ano ang mahalagang katangian ng isang salawikain?

Tuklasin

Gawain B: Pahayag ko, Unawain Mo! Panuto: Basahin at unawain ang talata sa ibaba at hanguin o kunin

ang halimbawa ng karungang-bayan at ipakilala.

Sa nakaraang aralin, natutunan natin ang tungkol sa karunungang-bayan.Ang karunungang –bayan ay tinatawag ding kaalamang-bayan. Isa na dito ang salawikain na siyang nagsisilbing batas o tuntunin ng kagandahang-asal, ang sawikian naman ay makikilala natin sa tawag na idyoma. Ang kasabihan ay tinatawag ding hugot lines sa kasalukuyang panahon ng mga kabataan. Ang bugtong isang pahulaang laro na naglalarawan sa katangian ng tao, bagay, pook at pangyayari. Ang palaisipan ay isang larong pahulaan na gumigising sa sa isipan ng mga tao sa isang sitwasyon. Ang panghuli ay ang bulong na ang katangian ay kalimitang ginagamit na pangkulam o “orasyon” para sa kalutasan sa isang suliranin.

Page 6: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

4

Halimbawa : malayo sa bituka-sawikain

Halimbawa ng karunungang-bayan Uri ng karunungang-bayan

1. 2. 3. 4. 5. 6.

Suriin

GAWAIN C: Tukuyin

Panuto: Tukuyin ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa kahon.

Isang hindi inaasahang pangyayari ang gumambala sa buong mundo.Laking gulat ng mga taong walang tiyaga, walang nilaga sa paghahanap- buhay.dahil dito maraming maraming nagsusunog ng kilay para mabuhay.

Kasabay ng paglobo ng pandemic na ito, dito masususkat ang katangian ng isang tao sa pahayag na kung ano ang itinanim ay siyang aanihin.Dito napagtanto ng lahat kahit walang pandemya kailangang handa ang lahat.Ngunit karamihan ay hindi nawalan ng pag-asa dahil naniniwala po tayo na nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.Kaya mapapansin natin na gitna ng suliraning ito patuloy parin tayong lumalaban.

Walang kupas na suporta ang natatangap ng mga taong nangangailangan dahil sa tulong na mga taong bukas ang palad.Kahit na ganito ang nangyari palagi parin tayong panalangin at magpasalamat sa mga biyayang natatanggap.

Nasa Diyos ang awa.

Nasa tao ang gawa,

Ang magandang asal

Ay kaban ng yaman.

Page 7: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

5

Pagyamanin

Gawain D: Unawain Mo! Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salawikaing binigyang-kahulugan sa bawat bilang.Titik lamang ang isulat sa patlang bago ang bilang.

a. Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin. b. Kaibigan kung mayroon, kung wala sitsaron. c. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. d. Ang walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon. e. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. f. Ang masama sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo.

_____ 1. Kaibigan ka lamang kung may pakinabang na makukuha mula

sa iyo, kung wala ka ng maibibigay,ang kaibigan mo ay biglang nawawala.

_____ 2. Kahit na napakatagal ng panahon na magkasintahan, sa bandang huli sila pa rin ang magkakatuluyan. _____ 3. Ang taong may ginawang kabutihan, asahan mo at kabutihan din ang matatanggap. _____ 4. Madaling kumalat ang isang balita o tsismis. _____ 5. Walang halaga sa taong hindi nahihirapang magtrabaho ang paggasta ng pera.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan

Di makararating sa paroronoonan

Kapag pinukol ka ng bato

Gantihan mo ng tinapay.

Pag makitid ang kumot

Magtiis kang mamaluktot.

Page 8: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

6

Isaisip

Binabati kita sa dami ng iyong napulot na kaalaman sa modyul na ito.

Nakalilito mang unawain ngunit nakatutulong naman sa atin lalong-lalo na sa paglinang ng ating mga pag-uugali.Kaya nararapat nating isaisip at isapuso upang magkaroon ng magandang pakikitungo sa kapwa sa tulong ng karunungang-bayan.

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan: 1. Salawaikain ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninunong naglalayong mangaral. 2. Sawikain ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay nakatago ang kahulugan. 3. Kasabihan ay yaong ipinalalagay na mga sabihin ng mga bata at matatanda na katumbas na tinatawag na Mother Goose Rhymes. 4. Bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. 5. Palaisipan ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. 6. Bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangkontra sa kulam at masamang espiritu.

Isagawa

Sa bahaging ito ng aralin ay nakilala o nalalaman natin ang ganapan ng karunungang-bayan.Napakalaki ang naging ginagampanan nito sa paghubog ng paniniwala, ugali at gawi ng ating mga ninuno.Ito ay naging bagay nila upang makapamuhay nang maayos at tahimik, mapayapa, at matagumpay na buhay. Huwag itong ipagwalang-bahala at ibaon sa limot, bagkus, ito ay isabuhay at gawing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay upang makamit ang tunay na tagumpay.

Page 9: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

7

Gawain E.1. Punan Mo Na! Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang makompleto ang kaisipan ng karunungang-bayan. Salawikain

1. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay Di makararating sa ________

Sawikain

2. Ang katawan nin Nene ay sobrang bigat dahil napabayaan sa __________

Kasabihan

3. Mag-aral nang mabuti Upang buhay ay________

Bugtong-sagot: Lechon Baboy

4. Sa ibang paniniwala ay ________. Kulay pula at malachecharon ang balat kapag naluto. _________ito sa gitna ng malaking.

Palaisipan

5. May limang ibong nakadapo sa isang hawla Nahulog ang ______ ilan ang natira?

sagot:

Gawain E. 2 : Isulat Mo Na! Panuto: Sumulat tig-iisang halimbawa ng karunungang-bayan na angkop sa kasalukuyang panahon, at ibigay ang kahulugan nito. Isulat sa inyong kuwaderno.

1. Salawikain sagot:____________________________________________________________

2. Sawikain sagot: ____________________________________________________________

3. Kasabihan sagot:___________________________________________________________

4. Bugtong sagot:___________________________________________________________

5. Bulong Sagot:___________________________________________________________

6. Palaisipan sagot:___________________________________________________________

Page 10: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

8

Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang letrang tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Ano ang kahulugan sa bugtong na ito,”ako ang nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig at nasa unahan ng globo”.

A. Letrang ‘G’ C. Letrang ‘L’ B. Letrang ‘B’ D. Letrang ‘O’

2. Ano ang tawag sa karunungang-bayan na kilala sa tawag din na idyoma?

A. Sawikain C. Kasabihan B. Palaisipan D. Bugtong

3. Alin sa ibaba ang katangian ng salawikain? A. Nagpapahayag ng mabuting asal B. Nangungutya C. Nanlalait D. Nagpapahayag ng suliranin

4. Alin sa ibaba ang katangian ng isang bugtong? A. Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan B. Kinalimutan C. Inaapi D. Tinatago

5. Ano ang ibig sawikaing makakati ang dila,?

A. Madaldal C. Matapat B. Matulungin D. Masunurin

6. Paano makikilala ang katangian ng isang bugtong?

A. Larong pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan B. Payak ang kahulugan C. Nakatago ang kahulugan D. Payak ang kahulugan

7. Ano ang ibig sabihin ng salawikaing“kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib”?

A. Mula sa puso ang bawat sinasabi C. mula sa ibang tao B. Mula sa isip D. Mula sa sabi-sabi

8. Ano karunungang-bayan na gingamit sa matandang katawagan na “orasyon’?

Page 11: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

9

A. Bugtong C. Kasabihan B. Bulong D. Palaisipan

9. Alin sa ibaba ang katangian ng kasabihan? A. Hugot Lines C. Butil ng Karunungan B. Pagpapahalaga D. Tagisan ng talino

10. Ano ang sagot sa bugtong na ito”bungbong kung liwanag,”kung gabi ay dagat”?

A. Banig B. Kawayan C. Buwan D. Araw

Karagdagang Gawain Gawain 1: Isulat Mo! Panuto: Sundin ang paksang ibinigay.

1. Bugtong- ang sagot ay hagdan Sagot: __________________________________________________________________

2. Kasabihan- Paksa:” Corona Virus”

Sagot:_______________________________________________________________

3. Salawikain- Paksa:“kung paano lalabanan ang pandemia na “Corona Virus”. Sagot: _______________________________________________________________

4. Sawikain- Paksa: naglalarawan sa katangian ng mga “Front Liners”.

Sagot:_______________________________________________________________

5. Bulong o Orasyon- Paksa: “Kalutasan sa pandaigdigang suliranin” Sagot:_______________________________________________________________

Page 12: MARISTEL E. ESPILOAznnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/Fil...b. nakikilala ang mga katangian ng karunungang-bayan c. nakabubuo ng sariling karunungang-bayan PANIMULANG GAWAIN:

10

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian 1. Ikalawang edisyon Pinagyamang Pluma 8 2. Bulwagan 8 (Kamalayan sa Gramatika at Panitikan)

Subukin 1. A 2. A 3. A 4. A 5. A 6. A 7. A 8. B 9. A 10. A

Pagtataya 1. C 2. A 3. A 4. A 5. A 6. A 7. A 8. A 9. A 10. A