magagandang tanawin sa ncr
DESCRIPTION
Old churches, remarkable buildings with historical relevanceTRANSCRIPT
Mga Magagandang Tanawin
sa iba’t ibang Lungsod sa NCR
Mabibilang sa daliri ang mga likas na tanawin sa Rehiyon ng NCR. Ganunpaman, sagana ito
sa mga gusali, bantayog, simbahan at iba pang
istrukturang pangkultura.
Ang Monumento ni Bonifacio na itinayo noong 1933 ay isa
sa mga obra ni Guillermo Tolentino. Simbolo ito ng
rebolusyon noong Agosto 3, 1896.
Ang nasa kaliwa ay larawan ng Katedral ng San Rogue noong panahon ng pananakop ng Amerikano. Ang nasa itaas ay ang
mukha ng altar ng San Roque.
Ang simbahan ng Parokya ni San Jose (St. Joseph’s Parish) ay itinayo
noong ika-19 na siglo sa pangunguna ni Fr. Diego Cera na siya ring
nagpagawa ng Bamboo Organ noong 1824. Kinikilalang Pambansang Kayamanang Pangkultura ang
Bamboo Organ.
Ang La Mesa Watershed
Ecopark ay pook pasyalan ng mga
tagalungsod. Iniutos ang
pagsasaayos nito noong 1929. Pangunahing dahilan ang
mapagkukuhaan ng tubig Ang ecopark ay binuksan sa
publiko upang tumulong sa
pagpapanatili ng dam.
Marami ring mga kilalang bantayog sa Lungsod ng Quezon: ang Dambana ni Manuel Quezon sa gitna ng Quezon City Memorial Circle na dinisenyo ni Federic Ilustre noong 1950s; ang
Shrine of Mary, Queen of Peace na mas kilala sa tawag na EDSA Shrine ay itinayo pagkatapos ng EDSA revolution; at ang People Power Monument sa kanto ng White Plains at EDSA bilang
alaala ng mapayapang rebolusyon sa EDSA.
Ang Museo ng Makati ay itinayo noong 1918 at isang
tradisyunal na “bahay na bato. Dito makikita ang lahat ng mga bagay at
sulatin sa may kinalaman sa kasaysayan ng Makati.
Ang Nuestra Senora de Gracia na mas kilala bilang “Simbahan ng Guadalupe ay may disenyong “baroque” na ibig sabihin ay detalyado at grandiyosong disenyo. 1630 nang matapos ang simbahan, mahigit 300 taon nang
nakalilipas.
Ang Asilo de Huerfanos ay bahay ampunan na itinatag
noong 1887. Makasaysayan ang gusaling ito dahil
noong panahon ng rebolusyon, dito nanatili sina Hen.
Emilio Aguinaldo kung saan una nilang inilimbag ang La Independencia.
Sa Malabon may pinakamaraming mga makasaysayang “bahay na bato” sa
naging tahanan ng mga kataong may mahalagang kontribusyon sa
kasaysayan ng Pilipinas, gaya ng bahay na bato ng mga Luna. Dito rin makikita ang bahay ng mga
Raymundo, pinakamatandang bahay sa Malabon. Kapansin-pansin ang
Hapsburg Eagle, agilang may dalawang ulo. na nakaukit sa pasukan.
Belen Museum Doll Museum
Shoe Museum
Sa Marikina makikita ang iba’t ibang museo na
sumasalamin sa kultura ng lungsod.
Kilalang pook pasyalan din ang Marikina Riverbanks na
sentro ng karamihan ng pagdiriwang sa Marikina.
Maraming mga pook pasyalan sa Maynila. Nariyan ang
kilalang Rizal Park o Luneta, ang Fort Santiago sa loob ng Intramuros, at ang Manila
Zoo. Dito makikita ang lumang simbahan ng Basilica Minore de San Sebastian. Ito
lamang ang simbahan sa Pilipinas na may disenyong
gotika, impluwensya ng kulturang Aleman.
Ang kanyon na ito ay ginamit noong panahon ng pananakop ng
hapon. Matatagpuan ito sa Memorial Hill sa loob ng New
Bilibid Prison
Ito naman ang bungad sa Japanese Garden Cemetery kung saan nakalibing si Hen. Tomoyuki
Yamashita.
Ang Jamboree Lake ay ang siyang pinakamaliit na natural na lawa sa Muntinlupa.
Pahingahan at pook pasyalan ng mga lokal na residente ng Navotas ang Centennial Park. Gaya ng parke sa Luneta, ito ay
nakatanaw sa baybayin ng Manila Bay.
Ang Simbahan ng San Andres ay ang
pinakamatandang simbahan sa
Paranaque na itinayo noong 1580
Ang Redemptorist Church naman sa Baclaran ay isa sa pinakamalaking
simbahan sa Paranaque na
paboritong dayuhin ng mga deboto.
Sa loob pa lang CCP Complex ay marami nang mga istrukturang makatawag-pansin gaya ng Film Center at ng Coconut Palace.
An Resorts World naman ay isa sa mga pinakabago at modernong atraksyon ng
Pasay City Nandito rin ang Mall of Asia.
Ang Cuartel Del Guardia Civil ay bahay na itinayo ng
pamilya Santiago noong 1881. Naging piitan ito ng mga
Katipunero noong panahon ng digmaan.
Bahay na Tisa, pag-aari ng pamilya Tech, tinawag itong
“Freedom House” dahil ginagamit itong tagpuan
noong panahon ng Martial Law.
Ang Immaculate Concepcion Cathedral ang unang “Marian Church” na itinayo
noong 1575