lungsod ng solana beach panukala s buod ng balota

37
PR-09X0-S-1-FIL LUNGSOD NG SOLANA BEACH (Ang Panukalang ito ay makikita sa balota sa sumusunod na porma.) PANUKALA S Dapat bang pagtibayin ang isang iminumungkahing ordinansang babaguhin ang Solana Beach Municipal Code upang Ganap na Ipawalang-bisa ang mga Kasalukuyang Pagbabawal at Pahintulutan ang mga Retailer ng Pangkomersyong Cannabis (Marijuana) sa mga Zone na Hindi Residensyal at ang mga Paghahatid at Ilang Pagtatanim ng Marijuana sa lahat ng Zone sa Lungsod ng Solana Beach? Ang panukalang ito ay nagre-require ng pag-apruba ng isang simpleng mayorya (50% plus 1) ng mga boboto sa panukala. BUOD NG BALOTA DAPAT BANG PAGTIBAYIN ANG ISANG IMINUNGKAHING ORDINANSANG BABAGUHIN ANG SOLANA BEACH MUNICIPAL CODE UPANG GANAP NA IPAWALANG-BISA ANG MGA KASALUKUYANG PAGBABAWAL AT PAHINTULUTAN ANG MGA RETAILER NG PANGKOMERSYONG CANNABIS (MARIJUANA) SA MGA ZONE NA HINDI RESIDENSYAL AT ANG MGA PAGHAHATID AT ILANG PAGTATANIM NG MARIJUANA SA LAHAT NG ZONE SA LUNGSOD NG SOLANA BEACH? Sa kasalukuyan, ang lahat ng komersyal na aktibidad ng cannabis, kabilang ang mga marijuana dispensary, pagbebenta, paghahatid, cultivation at pagpoproseso ay ipinagbabawal sa Lungsod ng Solana Beach, alinsunod sa pang-estado at pederal na batas. Ipapawalang-bisa ng inisyatiba ang mga kasalukuyang pagbabawal at mag- aawtorisa ng dalawang marijuana dispensary na walang restriksyon sa laki sa mga zone na office professional, general commercial, special commercial, light commercial at light industrial (pinagsamang laki ng lupa na 0.3 square mile). Ang bawat dispensaryo ay maaaring magbenta ng medikal na marijuana at/o adult use na marijuana (recreational). Ang mga aktibidad ng marijuana na pahihintulutan sa ilalim ng inisyatiba ay kasalukuyang ilegal sa ilalim ng pederal na batas. Nagpapahintulot ang inisyatiba ng indoor na hindi-medikal na cultivation alinsunod sa batas ng estado at 1.25% buwis sa mga pagbebenta ng recreational na marijuana. Hindi nito bubuwisan ang mga pagbebenta o paghahatid ng medikal na marijuana. Pahihintulutan ng inisyatiba ang mga negosyo ng cannabis na magbukas sa pagitan ng 7:00 a.m. at 10:00 p.m. araw-araw sa isang linggo at pahihintulutan ang mga paghahatid ng marijuana sa lahat ng oras sa bawat tahanan at negosyo sa bawat zone na may limang order na pahihintulutan sa bawat paglabas at walang restriksyon sa bilang ng mga paglabas, sasakyan sa paghahatid o kabuuang bilang ng paghahatid. Hindi matatagpuan ang mga dispensary sa loob ng 600 feet mula sa bawat isa o pampublikong paaralan, ngunit maaaring matagpuan malapit sa mga pribadong paaralan, daycare center o youth at community center. Pahihintulutan ng inisyatiba ang artipisyal na pag-iilaw upang mapanatiling buhay ang mga wala pa sa hustong gulang na halaman at pahihintulutan ang pagbebenta ng hanggang anim na halaman kada tao kada transaksyon na walang limit sa bilang ng transaksyon kada araw. Ipagbabawal nito ang cultivation sa mga dispensary, ngunit pahihintulutan ang personal na indoor cultivation ng marijuana na naaayon sa batas ng California at cultivation ng medikal na marijuana ng 12 halaman kada kwalipikadong pasyente at hanggang 24 na halamang marijuana kada pasilidad kung dalawang kuwalipikadong pasyente ang naninirahan dito. Pahihintulutan ng inisyatiba ang mga parolado at nasa probasyon na manirahan sa mga pasilidad kung saan pinalalagi ang marijuana na may nakasulat na kumpirmasyon tungkol sa kanilang pinahihintulutang paggamit ng marijuana. Ang cultivation ng medikal na marijuana ay hindi pahihintulutan sa loob ng 1,000 feet mula sa mga paaralan, community center o parkeng pangkomunidad at hindi sa mga pasilidad na mayroong anumang pasilidad na nakatuon sa relihiyon o kabataan o child care center. Kabilang sa inisyatiba ang mga kondisyon sa pagpapatakbo sa mga komersyal na aktibidad ng marijuana, kabilang ang signage, mga camera na panseguridad, alarm system, pagpapanatili ng mga rekord ng negosyo ng dalawang taon, at hiwalay na mga espasyo sa lobby at counter. Magtatakda ang inisyatiba ng $2,500 na singil sa aplikasyon nang walang pag-aaral sa singil. Kabilang dito ang proseso na sa ilalim nito ay aatasan ang Lungsod ng Solana Beach na iranggo ang mga floor plan, mga halo ng produkto at modelo ng negosyo ng mga aplikante para sa negosyo ng marijuana. Ilalarawan ng mga aplikante kung paano sila tutugon sa mga bumibisita at irerepresenta ang Solana Beach sa kanilang mga negosyo ng marijuana. SD General 2020-299

Upload: others

Post on 24-Nov-2021

14 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-1-FIL

LUNGSOD NG SOLANA BEACH

(Ang Panukalang ito ay makikita sa balota sa sumusunod na porma.)

PANUKALA SDapat bang pagtibayin ang isang iminumungkahing ordinansang babaguhin ang Solana Beach Municipal Code upang Ganap na Ipawalang-bisa ang mga Kasalukuyang Pagbabawal at Pahintulutan ang mga Retailer ng Pangkomersyong Cannabis (Marijuana) sa mga Zone na Hindi Residensyal at ang mga Paghahatid at Ilang Pagtatanim ng Marijuana sa lahat ng Zone sa Lungsod ng Solana Beach?

Ang panukalang ito ay nagre-require ng pag-apruba ng isang simpleng mayorya (50% plus 1) ng mga boboto sa panukala.

BUOD NG BALOTA

DAPAT BANG PAGTIBAYIN ANG ISANG IMINUNGKAHING ORDINANSANG BABAGUHIN ANG SOLANA BEACH MUNICIPAL CODE UPANG GANAP NA IPAWALANG-BISA ANG MGA KASALUKUYANG PAGBABAWAL AT PAHINTULUTAN ANG MGA RETAILER NG PANGKOMERSYONG CANNABIS (MARIJUANA) SA MGA ZONE NA HINDI RESIDENSYAL AT ANG MGA PAGHAHATID AT ILANG PAGTATANIM NG MARIJUANA SA LAHAT NG ZONE SA LUNGSOD NG SOLANA BEACH?

Sa kasalukuyan, ang lahat ng komersyal na aktibidad ng cannabis, kabilang ang mga marijuana dispensary, pagbebenta, paghahatid, cultivation at pagpoproseso ay ipinagbabawal sa Lungsod ng Solana Beach, alinsunod sa pang-estado at pederal na batas. Ipapawalang-bisa ng inisyatiba ang mga kasalukuyang pagbabawal at mag-aawtorisa ng dalawang marijuana dispensary na walang restriksyon sa laki sa mga zone na office professional, general commercial, special commercial, light commercial at light industrial (pinagsamang laki ng lupa na 0.3 square mile). Ang bawat dispensaryo ay maaaring magbenta ng medikal na marijuana at/o adult use na marijuana (recreational). Ang mga aktibidad ng marijuana na pahihintulutan sa ilalim ng inisyatiba ay kasalukuyang ilegal sa ilalim ng pederal na batas. Nagpapahintulot ang inisyatiba ng indoor na hindi-medikal na cultivation alinsunod sa batas ng estado at 1.25% buwis sa mga pagbebenta ng recreational na marijuana. Hindi nito bubuwisan ang mga pagbebenta o paghahatid ng medikal na marijuana. Pahihintulutan ng inisyatiba ang mga negosyo ng cannabis na magbukas sa pagitan ng 7:00 a.m. at 10:00 p.m. araw-araw sa isang linggo at pahihintulutan ang mga paghahatid ng marijuana sa lahat ng oras sa bawat tahanan at negosyo sa bawat zone na may limang order na pahihintulutan sa bawat paglabas at walang restriksyon sa bilang ng mga paglabas, sasakyan sa paghahatid o kabuuang bilang ng paghahatid. Hindi matatagpuan ang mga dispensary sa loob ng 600 feet mula sa bawat isa o pampublikong paaralan, ngunit maaaring matagpuan malapit sa mga pribadong paaralan, daycare center o youth at community center.

Pahihintulutan ng inisyatiba ang artipisyal na pag-iilaw upang mapanatiling buhay ang mga wala pa sa hustong gulang na halaman at pahihintulutan ang pagbebenta ng hanggang anim na halaman kada tao kada transaksyon na walang limit sa bilang ng transaksyon kada araw. Ipagbabawal nito ang cultivation sa mga dispensary, ngunit pahihintulutan ang personal na indoor cultivation ng marijuana na naaayon sa batas ng California at cultivation ng medikal na marijuana ng 12 halaman kada kwalipikadong pasyente at hanggang 24 na halamang marijuana kada pasilidad kung dalawang kuwalipikadong pasyente ang naninirahan dito. Pahihintulutan ng inisyatiba ang mga parolado at nasa probasyon na manirahan sa mga pasilidad kung saan pinalalagi ang marijuana na may nakasulat na kumpirmasyon tungkol sa kanilang pinahihintulutang paggamit ng marijuana. Ang cultivation ng medikal na marijuana ay hindi pahihintulutan sa loob ng 1,000 feet mula sa mga paaralan, community center o parkeng pangkomunidad at hindi sa mga pasilidad na mayroong anumang pasilidad na nakatuon sa relihiyon o kabataan o child care center. Kabilang sa inisyatiba ang mga kondisyon sa pagpapatakbo sa mga komersyal na aktibidad ng marijuana, kabilang ang signage, mga camera na panseguridad, alarm system, pagpapanatili ng mga rekord ng negosyo ng dalawang taon, at hiwalay na mga espasyo sa lobby at counter.

Magtatakda ang inisyatiba ng $2,500 na singil sa aplikasyon nang walang pag-aaral sa singil. Kabilang dito ang proseso na sa ilalim nito ay aatasan ang Lungsod ng Solana Beach na iranggo ang mga floor plan, mga halo ng produkto at modelo ng negosyo ng mga aplikante para sa negosyo ng marijuana. Ilalarawan ng mga aplikante kung paano sila tutugon sa mga bumibisita at irerepresenta ang Solana Beach sa kanilang mga negosyo ng marijuana.

SD General 2020-299

Page 2: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-2-FIL

BUOD NG BALOTA (IPINAGPATULOY)

Pahihintulutan ng inisyatiba ang mga menor de edad na mga kwalipikadong pasyente na pumasok sa dispensaryo kung sasamahan ng magulang o guardian. Kung ang alinman sa mga probisyon ng inisyatiba ay idineklarang labag sa konstitusyon, ang mga natitirang probisyon sa inisyatiba ay mananatiling epektibo sa abot nang makakaya.

Kung ipapasa ang inisyatiba, maaari lamang itong baguhin o mapawalang-bisa sa pamamagitan ng boto ng mga tao.

WALANG-PINAPANIGANG PAGSUSURI NG ABOGADO NG LUNGSOD

Sa kasalukuyan, ang lahat ng komersyal na aktibidad ng cannabis, kabilang ang mga retailer, dispensary, pagbebenta, paghahatid, cultivation at pagpoproseso ng marijuana ay ipinagbabawal sa Lungsod ng Solana Beach, alinsunod sa pang-estado at pederal na batas. Ipapawalang-bisa ng panukala ang mga kasalukuyang pagbabawal at mag-aawtorisa ng dalawang marijuana dispensary na walang restriksyon sa laki sa mga zone na office professional (OP), general commercial (C), special commercial (SC), light commercial (LC) at light industrial (LI) (pinagsamang laki ng lupa na 0.3 square mile). Ang bawat komersyal na dispensary ay maaaring magbenta ng medikal na marijuana at adult use na marijuana (recreational) sa pagitan ng mga oras ng 7:00 a.m. at 10:00 p.m. kada araw ng linggo. Ang mga paghahatid ng marijuana ay pahihintulutan sa lahat ng oras sa bawat tahanan at negosyo sa bawat zone na walang restriksyon sa bilang ng mga paglabas, sasakyan sa paghahatid o kabuuang bilang ng mga paghahatid.

Ang mga aktibidad ng marijuana na pahihintulutan sa ilalim ng panukala ay kasalukuyang ilegal sa ilalim ng pederal na batas. Ang ilang probisyon ng panukala ay maaaring matagpuang hindi naaayon sa batas ng estado. Ang pagpataw at pagkolekta ng 1.25% "buwis sa pagbebenta" ay hindi inaawtorisahan sa Adult Use Marijuana Act at ang pagiging balido nito sa ilalim ng Revenue & Taxation Code §7285.9 ay kuwestiyonable. Hindi iminumungkahi ng panukala ang pagbubuwis sa mga pagbebenta o paghahatid ng medikal na marijuana, o hindi magbibigay ng buwis sa paggamit ng negosyo gaya ng pinahihintulutan sa ilalim ng Revenue and Taxation Code §34021.5.

Kung maipapasa ang panukala, kung maidedeklarang labag sa konstitusyon ang alinman sa mga probisyong ito, ang mga natitirang probisyon ay mananatiling epektibo.

Magtatakda ang panukala ng $2,500 na singil sa aplikasyon na walang pag-aaral sa singil, habang ang ibang mga hurisdiksyon ay nag-aatas ng paunang $10,000 deposito sa pagbawi ng gastos. Nagbibigay ito ng proseso ng aplikasyon at pagraranggong dapat sundin ng Solana Beach at hindi maaaring baguhin. Inilalarawan ng mga aplikante kung paano sila tutugon sa mga bumibisita at irerepresenta ang Solana Beach sa kanilang mga negosyo ng marijuana.

Pahihintulutan ng panukala ang mga menor de edad na mga kwalipikadong pasyente na pumasok sa dispensaryo kasama ang magulang/ guardian. Pinahihintulutan nito ang indoor cultivation ng hindi-medikal na marijuana at pahihintulutan ang pagbebenta ng hanggang anim na halaman na walang limit sa bilang ng mga transaksyon kada araw. Habang ipagbabawal nito ang cultivation onsite sa mga dispensary, pahihintulutan ng panukala ang personal na indoor cultivation ng marijuana at cultivation ng medikal na marijuana ng 12 halaman kada kwalipikadong pasyente at hanggang 24 na halamang marijuana kada pasilidad. Pahihintulutan nito ang mga parolado at nasa probasyon na manirahan sa mga pasilidad kung saan pinalalagi ang marijuana na may nakasulat na kumpirmasyon tungkol sa kanilang pinahihintulutang paggamit ng marijuana. Ang cultivation ng medikal na marijuana ay pahihintulutan sa loob ng 1,000 feet o higit pa mula sa mga paaralan, community center o parkeng pangkomunidad at hindi sa mga pasilidad na mayroong anumang pasilidad na nakatuon sa relihiyon o kabataan o child care center. Hindi maaaring matagpuan ang mga dispensary sa loob ng mahigit 600 feet mula sa bawat isa o pampublikong paaralan, ngunit walang pagbabawal sa distansya na malapit sa mga pribadong paaralan, daycare center o youth at community center.

Ang panukala ay inilagay sa balota sa pamamagitan ng isang petisyong pinirmahan ng kinakailangang bilang ng mga botante. Kung ipapasa ang panukala, maaari lamang itong palitan, baguhin, o mapawalang-bisa sa pamamagitan ng boto ng mga tao.

Ipapawalang-bisa ng pagboto ng "oo" ang kabuuan ng mga kasalukuyang probisyon at pahihintulutan ang mga retailer ng komersyal na marijuana sa mga zone na hindi-residensyal at mga paghahatid ng marijuana at ilang cultivation sa lahat ng zone sa Solana Beach nang walang malinaw na maipapatupad na mga buwis. Ang pagboto ng "hindi" ay magpapanatili sa mga kasalukuyang ordinansa at pagbabawal ng Lungsod.

Johanna N. Canlas, Abogada ng LungsodLungsod ng Solana Beach

SD General 2020-300

Page 3: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-3-FIL

ARGUMENTONG PANIG SA PANUKALA S

Noong 2016, bumoto ang mga botante ng California na gawing normal ang patakaran ng cannabis sa pamamagitan ng pagpapatibay sa Proposisyon 64 na, kasama ng mga aksyon ng State Legislature, hindi gawing krimen ang paggamit ng cannabis at pinahintulutan ang mga adult na gamitin ang kanilang karapatang pumili kung gagamit ng cannabis o hindi.

Wala sa inisyatibang ito ang magre-require sa sinumang taong gumamit ng cannabis.

Sa katunayan, 61% ng mga residente ng Solana Beach ay sumusuporta sa Proposition 64!

Ganap na ipinawalang-bahala ng mga ibinotong lider ng lungsod ang kagustuhan ng mga botante sa nakaraang 4 na taon – pagpapalala ng "Nanny State". Ngayon na ang oras para kumilos ang mga botante ng Solana Beach!

Ang Cannabis Nurse Network ay isang organisayong kinabibilangan ng mga nurse, doktor, at iba pang mga propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Ginagamit namin ang mga therapy na nakabatay sa cannabis sa aming mga pasyente - sa parehong mga adult at bata - nang matagumpay sa maraming medikal na kondisyon kabilang ang: Kancer, Pananakit, MS, Diabetes, Post Traumatic Stress Disorder, Traumatic Brain Injury, Autism, ADHD, mga Epileptic Seizure Disorder, at marami pang ibang kondisyon. Sa katunayan, nakuha ng Gobyerno ng Estados Unidos ang patent sa mga medikal na benepisyo ng cannabis 20 taon ang nakakaraan!

Ipinapakita sa mga pag-aaral na ang pagsasalegal ng cannabis ay karaniwang nagreresulta sa mas mababang paggamit sa mga kabataan at pagbaba ng krimen. Ang mga retail na dispensaryo ay labis na pinangangasiwaan at nagre-require ng mga espesipikong hakbang na panseguridad na higit na katulad ng isang bangkong may mga security guard, surveillance video at pagberipika ng ID.

Ang mga residente ng Solana Beach ay hindi dapat bumiyahe ng malalayong distansya na gamitin ang kanilang karapatang gumamit ng cannabis. Sa katunayan, dahil wala ang inisyatibang ito, ang mga residente ng Solana Beach ay kasalukuyang binibili ang kanilang cannabis mula sa ibang mga lungsod kung saan ang lahat ng benepisyo sa buwis ay napupunta sa ibang lugar.

Ang ATING komunidad ng Solana Beach ay nararapat na magkaroon ng isang ligtas at pinangangasiwaang programa ng cannabis para sa medikal o adult use sa mga komersyal o industriyal na zone para sa ATING mga residente kung saan ang LAHAT ng kita sa buwis ay ipambabayad para sa ATING mga parke at sa ATING badyet ng lungsod, hindi sa Lungsod ng San Diego.

GAMITIN ANG INYONG KALAYAANG PUMILI SA PAMAMAGITAN NG PAGBOTO NG OO SA S!

Nurse Heather Manus, RNPresidente, Cannabis Nurse Network

Ken SobelBise-Presidente, Grow for Vets

Monica MendozaResidente ng Solana Beach

SD General 2020-301

Page 4: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-4-FIL

SAGOT SA ARGUMENTONG PANIG SA PANUKALA S

Ang Panukala S ay HINDI tungkol sa Proposisyon 64 na tungkol sa PERSONAL na paggamit ang pagpapalago ng 6 na halaman sa mga pribadong tirahan.

Ang Panukala S AY tungkol sa mga negosyong retail ng marijuana na ipinupuwersa sa mga lungsod na HINDI humingi ng mga ito. Ang Proposisyon 64 ay hindi isang utos sa mga lungsod ng California na lumikha ng mga negosyo ng California. Sa katunayan, hindi bababa sa 80% ng mga lungsod ng California ay hindi ito ginagawa.

Hina-highjack ng Panukala S ang mga normal na proseso ng pag-review, vetting at paggawa ng desisyon ng Lungsod.

Inaalis ng Panukala S ang kakayahan ng mga mamamayan ng Solana Beach na pagpasyahan kung ano ang ninanais nila sa mga lugar para sa lokal na negosyo at tirahan.

Hindi kailangan ang Panukala S upang masiguro ang pag-access sa marijuana dahil maaaring magmay-ari at magpalago ang mga mamamayan ng Solana Beach. Ang pag-access sa bawat maiisip na uri ng produkto ng marijuana ay isang click lamang sa computer.

Ang Panukala S ay mayroong fixed at HINDI MABABAGONG antas ng buwis na 1.25%. Hindi man lang nito masisimulang matustusan ang gastos sa pag-review, pagbibigay ng permit at pangangasiwa sa mga negosyo ng marijuana. Ang California ay walang, o ang Solana Beach ay hindi magkakaroon ng kapasidad na masiguro ang kaligtasan ng produkto o ipatupad ang mga batas na wala ang magagastos na programa ng oversight ng lungsog gaya ng mga pasilidad para sa testing at porensik na pag-o-audit.

Hindi aalisin ng Marijuana S ang mga epekto sa kalusugan ng marijuana kapag ito ay hinithit at nai-vape, lalo na sa panahon ng COVID, na isang pangunahing sakit sa respiratoryo.

Hindi pipigilan ng Panukala S ang dibersyon sa mga kabataan. Ang mga negosyo ng Marijuana sa Solana Beach ay magiging hudyat sa mga kabataan na ang paggamit nito ay normal, ligtas at walang negatibong epekto sa kalusugan.

Gamitin ang inyong kalayaang pumili sa pamamagitan ng pagboto ng Hindi sa S. Panatilihin ang ating mga desisyon sa land use sa Solana Beach, hindi sa mga kamay ng mga tagalabas na nauudyukan ng kita.

Julie UnionPresidente ng Board of EducationSolana Beach School District

Peggy Walker30-Taong Residente / Edukador ng Pampublikong Kalusugan

Dana KingSr. V.P. Liquid Envir. Solutions /Solana Beach School Board

Judith S. Hegenauer, Ph.D.Miyembro ng Konseho, Solana Beach, Deputadong Mayor

Theo Harder, Jr.Konsultant / Residente 35 Taon

SD General 2020-302

Page 5: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-5-FIL

ARGUMENTONG LABAN SA PANUKALA S

Ang Panukala S ay hindi tungkol sa pagpili sa paggamit ng marijuana.

Ito ay tungkol sa isang grupong may espesyal na interes -- ang industriya ng marijuana -- na magtatatag ng mga retail na pot shop saanman nila pipiliin, sa kanilang mga sariling tuntunin, na exempt sa regulasyon ng Lungsod. Magdadagdag ito ng 33 pahina ng hindi mababagong wika sa mga lokal na ordinansa, na isinulat ng at pinakikinabangan ng industriya ng marijuana. Tinatanggalan nito ang Konseho at ang publiko ng kapangyarihang makibahagi sa mga karaniwang proseso ng vetting, talakayan, mitigasyon at pag-review, na inaalis ang lokal at pampublikong kontrol. Ang lokal na kontrol ang dahilan kung bakit na-incorporate ang lungsod noong 1986.

Kung maaaprubahan, walang isang salita ang maaaring mabago na walang pampublikong botong gastos ng nagbabayad ng buwis na humigit-kumulang $200,000.

Taliwas sa maling pahayag ng mga lumilikom ng pirma, hindi pinoprotektahan ng panukala ang mga bata o paaralan. Inaatasan lamang nito ang mga pot shop na maging 600-feet ang layo sa mga Pampublikong paaralan ngunit HINDI nag-aatas ng paghihiwalay sa mga pribadong paaralan, daycare center, palaruan, pasilidad para sa kabataan, o simbahan.

Maaaring tanggihan ng ABC ang lisensya sa alkohol sa loob ng 600 feet ng mga pampublikong palaruan at mga pasilidad para sa kabataan. Pinipigilan ng panukalang ito ang Solana Beach na gawin ang pareho pagdating sa mga pot shop.

Mga tindahan ng marijuana -- na WALANG restriksyon sa laki -- ay pahihintulutan sa anumang lugar na naka-zone na hindi residensyal. Dapat mahintulutan ng Lungsod ang mga ito na magpatakbo ng 15 oras araw-araw. Pahihintulutan ang cultivation ng marijuana sa lahat ng zone.

Natagpuan ng isang pag-aaral sa Colorado na nakita sa mga kapitbahayang may komersyal na aktibidad ng marijuana ang pagtaas ng krimen ng hanggang 1,452% mas mataas kaysa sa mga wala nito. Kung magkakatotoo ang mga naturang problema, hindi itataas ng Solana Beach ang mga singil o babawiin ang mga gastos para sa karagdagang pagpapatakbo.

Ang mga panregulatoryong gastos, potensyal na krimen, at panganib sa kabataan ay iilan lamang sa mga dahilan kung bakit 82% ng mga lungsod ng California ay hindi pinahihintulutan ang mga pot shop.

Pahihinain ng panukalang ito ang awtoridad ng Lungsod at ang karapatan ng mga residente ng Solana Beach na tumimbang sa mga desisyong nakakaapekto sa ating mga kapitbahayan, karakter ng komunidad, at kakayahang palakihin ang mga anak sa kapaligirang walang droga.

Bumoto ng HINDI sa Panukala S.

Debra H. Schade, PhDBise-Presidente – Board of EducationSolana Beach School District

David A. ZitoMiyembro ng Konseho – Lungsod ng Solana Beach

Kelly HarlessMiyembro ng Konseho, Lungsod ng Solana Beach

Lori Taylor, M.D.Pediatrician

Lisa M. MontesLider ng Komunidad / Retiradong Edukador

SD General 2020-303

Page 6: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-6-FIL

SAGOT SA ARGUMENTONG LABAN SA PANUKALA S

Ginagamit ng mga tutol sa Panukala S ang mga taktikang panakot at maling impormasyon sa isang desperadong pagtatangkang labanan ang saloobin ng mga botante ng SB na talagang bumotong panig 4 na taon ang nakakaraan sa isang adult na programa ng cannabis.

• Ang totoo, ipinapakita sa mga kasalukuyang pag-aaral sa krimen na "ang pagdadagdag ng isang dispensary sa kapitbahayan... ay binabawasan ang mga pagbabago sa krimen ng 19% kaugnay ng karaniwang antas ng krimen. Regional Science and Urban Economics (8/2019).

• Ipinakita sa isang pag-aaral noong 2018 na ang mga dispensary sa San Diego ay 2 beses na MAS LIGTAS kaysa sa isang 24-oras na diner, at 3 beses na MAS LIGTAS kaysa sa isang Liquor Barn.

• Ang katotohanan ay magpapahintulot lamang ang Panukala S ng dalawang (2) retail na dispensary sa SB. (Hindi kayo maaaring magkaroon ng mas kaunti pa rito nang hindi lumilikha ng isang monopolyo).

• Sa oras na mapagtibay, pananatilihin ng Lungsod ang buong kontrol sa pagdadagdag sa bilang na iyon kung pipiliin nilang gawin iyon.

• Iniaatas na ng batas ng Estado ang 600' na paghihiwalay sa pagitan ng dispensary at "mga paaralan (pampubliko o pribado), day care center at youth center".

• Ang Solana Beach ay mayroong 62 lisensya para sa alkohol at tinatayang 10 parmasya. Ang Alkohol at mga Opioid ay nagdulot ng mahigit 100,000 kamatayan noong nakaraang taon; ang cannabis ay HINDI KAILANMAN nagdulot ng anumang pagkamatay sa labis-labis na dosis.

• Ang cannabis ay isang "luntiang" negosyong may mababang epekto ayon sa 500-pahinang California Cannabis Program Environmental Impact Report.

• Ookupahan ng bawat isa sa 2 dispensaryo ang tinatayang 2,000 sq. ft. na mas mababa sa .0003% ng mga kasalukuyang gusali sa mga zone na pangnegosyo sa Solana Beach.

• Ang bagong negosyo ng cannabis ay magbibigay ng 100+ trabaho at lilikom ng mga bagong kita sa buwis at paggastos sa Solana Beach.

GAMITIN ANG INYONG KALAYAANG PUMILI SA PAMAMAGITAN NG PAGBOTO NG OO SA S!

Nurse Heather Manus, RNDating Medikal na Direktor para sa Sacred Gardens Dispensary

Ken SobelDating Law Professor at Drafter ng US Virgin Islands Cannabis Law

Monica MendozaIna ng Solana Beach

SD General 2020-304

Page 7: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-7-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S

Isang Inisyatiba upang Baguhin ang Solana Beach Municipal Code 17.60.190

ITINATAKDA NG MGA MAMAMAYAN SA LUNGSOD NG SOLANA BEACH ANG MGA SUMUSUNOD:Ang seksyon 17.60.190 ng Solana Beach Municipal Code ay ipapawalang-bisa, at sa pamamagitan nito ay pinapawalang-bisa sa kabuuan nito, at ito’y papalitan ng sumusunod:

17.60.1901. Layunin at IntensyonLayunin at Intensyon ng mamamayan sa Lungsod ng Solana Beach ang:

• Pahintulutan ang nararapat na lisensyadong mga Negosyo sa Cannabis upang mapatakbo sa Lungsod ng Solana Beach alinsunod sa mga batas ng Estado ng California;

• Magpatupad ng isang malakas at epektibong nangangasiwa at tagapagpatupad na sistema upang protektahan ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga residente ng Lungsod ng Solana Beach;

• Makalikom ng kita sa buwis mula sa Mga Negosyo sa Cannabis at upang ilaan ang kinitang buwis mula sa mga naturang negosyo para sa mga pangangailangan ng pampublikong kaligtasan ng Lungsod ng Solana Beach kabilang, ngunit hindi limitado sa, mga alokasyon sa tagapagpatupad ng batas, mga departamento ng sunog, at iba pang mga serbisyo para sa kaligtasan ng publiko na ibinibigay ng Lungsod.

17.60.1902. Awtoridad; Interpretasyon; at Kaangkupan• Awtoridad. Ang kabanatang ito ay tinatanggap alinsunod sa awtoridad na ipinagkakaloob ng Artikulo

XI, § 7 ng Konstitusyon ng California, Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California § 11362.83, Government Code Seksyon 25845 at 53069.4, ng Batas ukol sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Cannabis, ng Batas Ukol sa Kontrol, Regulasyon, at Buwis sa Paggamit ng Marijuana ng Taong May-Sapat na Gulang, at ng California Elections Code §§ 9201, at ang mga kasunod, na nag-uutos ng kapangyarihang baguhin ang batas sa mga lungsod ng pangkalahatang batas sa pamamagitan ng proseso ng inisyatiba at reperendum.

• Interpretasyon. Walang bahagi ng ordinansang ito ang ituturing na sumasalungat sa pederal na batas tulad ng nilalaman ng Batas Ukol sa mga Kontroladong Bagay, 21 U.S.C. seksyon 800 at ang mga kasunod, ni sa ibang paraan ay hindi man pahintulutan ang anumang aktibidad na ipinagbabawal sa ilalim ng Batas na iyon o ng anumang ibang lokal, pang-estado, o pederal na batas, batas, patakaran, o regulasyon. Walang anuman sa ordinansang ito ang nagbabalak, at hindi rin ito dapat bigyang-kahulugan, na pahirapan ang anumang depensa sa kriminal na prosekusyon na pinahihintulutan ng batas ng California. Walang anuman sa ordinansang ito ang nagbabalak, at hindi rin ito dapat bigyang-kahulugan, na hadlangan ang isang may-ari na limitahan o pagbawalan ang kultibasyon ng cannabis, paninigarilyo, o iba pang may kinalamang aktibidad ng mga nangungupa. Walang anuman sa ordinansang ito ang nagbabalak, at hindi rin ito dapat bigyang-kahulugan, na hindi saklawin ang anumang aktibidad ng mga nangungupa mula sa alinman at lahat ng mga naaangkop na lokal at estadong konstruksyon, elektrikal, pagtutubero, paggamit ng lupa, o anumang ibang mga pangangailangan sa pamantayan o permit sa paggamit ng gusali o lupa. Walang anuman sa ordinansang ito ang nagbabalak, at hindi rin ito dapat bigyang-kahulugan, na gawing legal ang anumang kultibasyon, transportasyon, pagbebenta, o iba pang paggamit ng cannabis na sa ibang paraan ay pinagbabawalan sa ilalim ng batas ng California.

• Kaangkupan. Ang lahat ng kultibasyon, pagproseso, at distribusyon ng medikal na cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ay mapapailalim sa mga probisyon ng kabanatang ito, ang kultibasyon, pagproseso, o distribusyon man ay dati nang mamalagi o nangyari bago ng pagpapatibay ng kabanatang ito.

17.60.1903 Mga DepinisyonTulad ng paggamit sa kabanatang ito:

• Ang "Paggamit ng Taong May-Sapat na Gulang" ay mangangahulugang panlibangang paggamit ng cannabis ng mga taong nasa hustong-gulang na 21 taong-gulang at mas matanda, nang hindi inirerekomenda ng doktor.

SD General 2020-305

Page 8: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-8-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

• Ang "Cannabis" ay mangangahulugang ang lahat ng mga parte ng halamang Cannabis sativa Linnaeus, Cannabis indica, o Cannabis ruderalis, lumalago man o hindi; ang mga buto nito; ang resin; crude man ito o purified, na kinukuha mula sa anumang parte ng halaman, at bawat timplada, manupaktura, asin, deribatibo, halo, o paghahanda ng halaman, ng mga buto o resin nito. Ang "Cannabis" ay nangangahulugan ding ang hiniwalay na resin, crude man ito o purified, na kinuha mula sa cannabis. Hindi kasama sa "Cannabis" ang mga mature na tangkay ng halaman, hibla na ginawa mula sa mga tangkay, langis o cake na ginawa mula sa mga buto ng halaman, anumang ibang timplada, manupaktura, asin, halaw, halo, o paghahanda ng mga maygulang na tangkay (hindi kasama ang resin na kinuha mula dito), hibla, langis, o cake, o ang isterilisadong buto ng halaman na hindi maaring tumubo. Para sa layunin ng dibisyon na ito, ang "cannabis" ay di-nangangahulugang "industrial hemp" tulad ng inilalarawan ng Seksyon 11018.5 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.

• Ang "(mga) Negosyo sa Cannabis" ay mangangahulugang anumang negosyong nagsasagawa ng kultibasyon, pagmamanupaktura, pagsusuri, pagbebenta, distribusyon, o transportasyon ng Cannabis.

• Ang "Entidad ng Negosyo sa Cannabis" Isang negosyo na base sa cannabis, na may balidong permit sa pagbebenta mula sa board of equalization ng estado ng California, at isang balidong EIN na inisyu ng IRS. Rehistrado sa Sekretarya ng Estado ng California.

• Ang "Permit sa Negosyo sa Cannabis" ay mangangahulugang ang permit na inisyu sa anumang Negosyo sa Cannabis alinsunod sa mga probisyon ng Kabanatang ito.

• Ang "Kultibasyon ng Cannabis" ay mangangahulugang ang kultibasyon ng Cannabis, kabilang, ngunit hindi natatakda sa isang nursery na gumagawa ng mga clone, mga murang halaman, mga buto, o iba pang mga agrikultural na produkto para sa kultibasyon, pagpaparami, at kultibasyon ng Cannabis para sa mga pangkomersiyong layunin

• Ang "Paghahatid ng Cannabis" ay mangangahulugang ang paghahatid ng Cannabis at mga produkto ng Cannabis.

• Ang "(mga) Lugar Pamahagian ng Cannabis" ay mangangahulugang isang Negosyo sa Cannabis na nagsasagawa ng pagbebenta, pangangalakal, probisyon ng, at/o distribusyon ng Cannabis sa mga retail na kostumer at/o mga tagagamit ng medikal na Cannabis.

• Ang "Distribusyon ng Cannabis" ay mangangahulugang ang hindi nagre-retail na pangangalap, pagbebenta, at transportasyon ng Cannabis at mga Produkto ng Cannabis sa pagitan ng mga Negosyo sa Cannabis.

• Ang "(mga) Negosyo ng Distribusyon ng Cannabis" ay mangangahulugang isang negosyong may kinalaman sa Distribusyon ng Cannabis.

• Ang "(mga) Pasilidad ng Distribusyon ng Cannabis" ay mangangahulugang ang lokasyon kung saan pinapalakad ang anumang Distribusyon ng Cannabis.

• Ang "(mga) Negosyo sa Pagkuha ng Cannabis" ay mangangahulugang anumang Negosyo sa Cannabis na nagsasagawa ng anumang komponente ng halaman ng Cannabis sa pamamagitan ng volatile o non-volatile na mga paraan ng ekstraksyon.

• Ang "(mga) Negosyo sa Pagmamanupaktura ng Cannabis" ay mangangahulugang anumang negosyong nagsasagawa ng produksyon, paghahanda, pagpaparami, o pagtimpla ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis. Kabilang sa Negosyo ng Pagmamanupaktura ng Cannabis ang anumang mga negosyong nagsasagawa ng ekstraksyon ng anumang komponente mula sa isang halaman ng Cannabis, ang inpusyon o paghalo ng Cannabis sa ibang bagay, ang paghahanda ng isang makakaing bagay na naglalaman ng Cannabis, at ang pagpakete at pag-etiketa ng Cannabis o Mga Produkto ng Cannabis. Hindi kabilang sa Negosyo ng Pagmamanupaktura ng Cannabis ang isang Negosyo ng Kultibasyon ng Cannabis.

SD General 2020-306

Page 9: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-9-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

• Ang "(mga) Pasilidad ng Pagmamanupaktura ng Cannabis" ay mangangahulugang ang lokasyon kung saan naroroon ang anumang Negosyo ng Pagmamanupaktura ng Cannabis.

• Ang "(mga) Produkto ng Cannabis" ay mangangahulugang anumang bagay na naglalaman ng Cannabis. Kabilang sa Produkto ng Cannabis ang concentrates, mga paghango, mga nakakain, at mga pinapahid. Hindi kabilang sa Produkto ng Cannabis ang mga aksesorya o parapernalya na maaring gamitin na may kaugnayan sa Cannabis pero hindi naman naglalaman ng anumang Cannabis.

• Ang "Lugar ng Pagbenta nang Tingi ng Cannabis" ay mangangahulugang ang lugar kung saan ibinebenta ang Cannabis sa pangkalahatang publiko sa loob ng isang Lugar Pamahagian ng Cannabis.

• Ang "Manedyer ng Lungsod" ay mangangahulugang ang nararapat na hinirang na manedyer ng Lungsod ng Solana Beach, o ang kanyang nararapat na hinirang na designado.

• Ang "Cannabis Clone" ay mangangahulugang isang murang babaeng halaman ng Cannabis.

• Ang "Kumpletong Aplikasyon sa Cannabis" ay mangangahulugang ang kinompletong aplikasyon para sa paglisensya at/o permit mula sa Lungsod ng Solana Beach para kung saan ibinigay ang lahat ng kinakailangang dokumentasyon para sa aplikasyon, at para kung saan binayaran ang lahat ng mga kinakailangang bayaran.

• Ang "Sumusunod na Negosyo ng Cannabis" ay mangangahulugang isang Negosyo sa Cannabis na pinapalakad alinsunod sa Kabanatang ito at sa mga batas ng Estado ng California.

• Ang "Pagkultiba" at "Kultibasyon" ay mangangahulugang ang pagtatanim, pagpapalago, pag-aani, pagpapatuyo, paggamot, paggagrado, at/o pagpuputol ng cannabis.

• Ang "Gusali ng Lugar Pamahagian" ay mangangahulugang ang bahagi ng anumang gusali sa loob ng kung saan pinapalakad ang isang Lugar Pamahagian ng Cannabis.

• Ang "Permit sa Lugar Pamahagian" ay mangangahulugang ang permit sa Lugar Pamahagian na inisyu alinsunod sa Kabanatang ito.

• Ang "Kard ng Identipikasyon" ay mangangahulugang isang dokumento na inisyu ng Kagawaran ng Pampublikong Pangkalusugan ng Estado; kinikilala nito ang taong awtorisadong gumamit ng Cannabis para sa medikal na layunin at ang designadong pangunahing tagapangalaga ng tao, kung mayroon man.

• Ang "Kabataan" ay mangangahulugang ang sinumang natural na tao na wala pang 21-taong-gulang.

• Ang "Manedyer" ay mangangahulugang isang taong may pananagutan para sa pagtatag, rehistrasyon, superbisyon, o pangangasiwa ng pagpapalakad ng isang Negosyo sa Cannabis, kabilang, ngunit hindi natatakda sa, isang taong nagsasagawa ng mga tungkulin ng isang miyembro ng lupon, direktor, opisyal, may-ari, nagpapalakad na opisyal, o manedyer ng Negosyo sa Cannabis.

• Ang "Medikal na Cannabis" ay mangangahulugang ang Cannabis na ginagamit para sa mga medikal na layunin alinsunod sa Batas Ukol sa Compassionate na Paggamit (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.5) at ng Batas Ukol sa Programa ng Medikal na Marijuana (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California mga seksyon 11362.7 at ang mga kasunod).

• Ang "(Mga) Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis" ay mangangahulugang ang Negosyo sa Cannabis na may kinalaman sa pagbebenta, distribusyon, at/o probisyon ng Cannabis at mga produkto ng Cannabis sa mga kwalipikadong pasyente, mga pangunahing tagapangalaga, o mga taong may balidong Kard ng Identipikasyon para sa mga medikal na layunin, alinsunod sa Batas Ukol sa Compassionate na Paggamit (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California §11362.5); ng Batas Ukol sa Programa ng Medikal na Marijuana (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California §§ 11362.7 at ang mga kasunod); ng mga Patnubay para sa Seguridad at Non-Diversion ng Marijuanang Pinalago para sa Medikal na Paggamit, na inisyu ng Attorney General ng California noong Agosto 2008; at ng kabanatang ito. Hindi kabilang sa Lugar Pamahagian ng Medikal na

SD General 2020-307

Page 10: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-10-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

Cannabis ang sumusunod: (i) isang klinikang lisensyado alinsunod sa Kabanata 1 ng Dibisyon 2 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California; (ii) isang pasilidad ng pangangalaka ng kalusugan na lisensyado alinsunod sa Kabanata 2 ng Dibisyon 2 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California; (iii) isang pasilidad ng residensyal na pangangalaga para sa mga taong may kronikong sakit na nakamamatay, na lisensyado alinsunod sa Kabanata 3.01 ng Dibisyon 2 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California; (iv) isang pasilidad ng residensyal na pangangalaga para sa mga nakatatanda, na lisensyado alinsunod sa Kabanata 3.2 ng Dibisyon 2 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California; (v) o isang residensyal na hospisyo o ahensiya para sa pangangalaga ng kalusugan sa tahanan, na lisensyado alinsunod sa Kabanata 8 ng Dibisyon 2 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California, basta ang anumang ganoong paggamit ay tumutupad sa mga angkop na batas kabilang, ngunit hindi natatakda sa, Batas Ukol sa Compassionate na Paggamit (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.5), Batas Ukol sa Programa ng Medikal na Marijuana (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.7 at ang mga kasunod), at Kodigong Munisipal ng Solana Beach.

• Ang "Miyembro" ay mangangahulugang ang sinumang kwalipikadong pasyente, pangunahing tagapangalaga, o taong may Kard ng Identipikasyon na rehistrado sa isang Negosyo sa Cannabis.

• Ang "Taong may Kard ng Identipikasyon" ay mangangahulugang ang isang indibidwal na kwalipikadong pasyente, na nag-aplay para sa at nakatanggap ng isang balidong kard ng identipikasyon alinsunod sa Artikulo 2.4 ng Kabanata 6 ng Dibisyon 10 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California.

• Ang "Manggagamot" ay magkakaroon ng parehong kahulugan tulad ng itinakda sa Kodigo ng Negosyo at mga Propesyon sa California, § 4039.

• Ang "pangunahing tagapangalaga" ay magkakaroon ng parehong kahulugan tulad ng itinakda sa Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California §§ 11362.7(d)(1)-(3).

• Ang "mga pribadong medikal na rekord" ay mangangahulugang mga rekord na may kinalaman sa medikal na kasaysayan ng isang kwalipikadong pasyente, pero hindi kasama rito ang rekomendasyon ng isang manggagamot para sa medikal na paggamit ng medikal na Cannabis, ang pagtatakda ng Kwalipikadong Pasyente para sa isang Pangunahing Tagapangalaga, o ang Kard ng Identipikasyon.

• Ang "Kwalipikadong Pasyente" ay mangangahulugang isang taong may karapatan sa mga proteksyon ng § 11362.5 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California, pero walang Kard ng Identipikasyon.

• Ang "tauhan" ay mangangahulugang isang tao, maliban sa isang manedyer, na nagtratrabaho o nagbibigay ng mga serbisyo sa lugar ng isang Negosyo sa Cannabis, maging bilang isang empleyado, independyenteng kontratista, o boluntaryo.

• Ang "Volatile Solvent" ay mangangahulugang isang solvent na gas o singaw na madaling magliyab, na kapag nasa hangin sa sapat na dami ay maglilikha ng mga halong maaring pumutok o magpasiklab.

17.60.1904 Mga Pangkalahatang Probisyon na may Kaugnayan sa mga Pinahihintulutan at Pinagbabawalang Pangkomersiyong Aktibidad sa Cannabis

• Alinsunod sa mga probisyon ng Kabanatang ito, ang mga sumusunod na aktibidad sa Cannabis ay awtorisado sa loob ng Lungsod ng Solana Beach. Ang mga ganoong aktibidad ay isasagawa lamang ng isang Negosyo sa Cannabis na may kasalukuyang balidong Permit sa Negosyo sa Cannabis na inisyu ng Lungsod ng Solana Beach.

• (Mga) Lugar Pamahagian ng Cannabis at (mga) Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis – Hanggang dalawang (2) (mga) lugar pamahagian sa kabuuan ang pinahihintulutan. Ang Mga Lugar Pamahagian ng Cannabis at Mga Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis para sa Paggamit ng Taong May-Sapat na Gulang ay pahihintulutan sa loob ng Lungsod ng Solana Beach. Ang isang lokasyon ay maaring maging isang Lugar Pamahagian ng Cannabis at Lugar

SD General 2020-308

Page 11: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-11-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

Pamahagian ng Medikal na Cannabis, at kung gayon ay bibilangin ang lokasyon na iyon bilang isang lugar pamahagian lamang.

• Walang tao ang magtatatag, magpapalakad, magmimintina, magsasagawa, o lalahok sa isang Negosyo sa Cannabis para sa anumang layunin sa loob ng Lungsod ng Solana Beach na hindi sumusunod sa Kabanatang ito ng Kodigong Munisipal ng Solana Beach.

• Walang Negosyo sa Cannabis ang magpapalakad sa loob ng Lungsod ng Solana Beach maliban kung ito ay mayroon ng lahat ng naaangkop na mga pang-Estado at lokal na lisensya at permit na kinakailangan bago simulan ang pagpapalakad. Ang probisyon na ito ay hindi ituturing na humahadlang sa anumang Negosyo sa Cannabis na inaaplayan, at sa pagkuha ng mga lokal na permit na kinakailangan bago kunin ang anumang mga permit na inisyu ng estado; gayunman, walang aktwal na Negosyo sa Cannabis ang maaring isagawa hangga't hindi pa naiisyu ang lahat ng mga permit.

• Bago simulan ang pagpapalakad, ang bawat Negosyo sa Cannabis ay magbibigay sa Manedyer ng Lungsod ng isang kopya ng lahat ng mga pang-estado at lokal na lisensya at permit na kinakailangan para sa pagpapalakad nito.

• Walang Negosyo sa Cannabis ang maglilipat ng Cannabis o (Mga) Produkto ng Cannabis sa o mula sa ibang Negosyo sa Cannabis, maliban kung ang kapwa dalawang negosyong ito ay nararapat na lisensyado at pinahihintulutan tulad ng kinakailangan ng pang-Estado at lokal na batas.

• Ang "(Mga) Permit sa Negosyo sa Cannabis" na inisyu alinsunod sa kabanatang ito ay maari lamang ibenta o ilipat na may kaugnayan sa pagbenta o paglipat ng isang kasalukuyang Negosyo sa Cannabis. Ang anuman at lahat ng mga naglilipat ng isang Negosyo sa Cannabis ay dapat sumunod sa lahat ng mga pang-estado at lokal na batas na may kaugnayan sa Mga Negosyo sa Cannabis. Ang isang bayad sa aplikasyon sa paglipat, na nagkakahalaga ng $5,000.00, ay aasesuhin na may kaugnayan sa anumang aplikasyon na ilipat ang isang Permit sa Negosyo sa Cannabis; ang bayad na ito ay ibibigay sa Lungsod ng Solana Beach na may kaugnayan sa anumang aplikasyon na ilipat ang pagmamay-ari ng isang Permit sa Negosyo sa Cannabis.

• Walang tao ang magbibigay, magbebenta, magdi-didistribusyon, o sa anumang paraan ay maglilipat ng anumang Cannabis o Mga Produkto ng Cannabis mula sa isang pinapahintulutang Negosyo sa Cannabis sa sinumang tao sa anumang paraan na lumalabag sa pang-Estado o lokal na batas.

• Sa loob ng 30 araw ng pagsimula, ang anumang Negosyo sa Cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ay magbibigay sa Manedyer ng Lungsod ng mga pangalan, address, at mga numero ng telepono ng lahat ng mga sumusunod na intersadong partido:

• Mga opisyal, direktor, at anumang kasapi na may-ari ng mahigit sa 25% ng stock sa anumang korporasyon na nagpapalakad ng isang Negosyo sa Cannabis.

• Ang lahat ng mga pangkalahatan o limitadong kasosyo sa anumang pagsasama na nagpapalakad ng isang Negosyo sa Cannabis.

• Ang lahat ng mga manedyer, mga opisyal, mga direktor, at mga miyembro na may-ari ng mahigit sa 25% ng mga membership interest sa anumang limited liability company na nagpapalakad ng isang Negosyo sa Cannabis.

• Ang lahat ng nag-iisang may-ari na nagpapalakad ng anumang Negosyo sa Cannabis gamit ang isang di-totoong pangalan.

• Ang mga manedyer ng Negosyo sa Cannabis.

• Ang taong nagpapahintulot ay magbibigay-paunawa sa lungsod tungkol sa anumang pagbabago sa impormasyon sa loob ng 30 araw ng pagbabago.

• Ang Mga Negosyo sa Cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ay magbibigay sa Manedyer ng Lungsod ng pangalan at mga pangunahin at pangalawang numero ng telepono ng kahit isa

SD General 2020-309

Page 12: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-12-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

man lamang na on-call na manedyer na sasagot sa mga tanong ukol sa paglilisensya, permit, pagpapatupad ng kodigo, at iba pang mga katanungan ng Lungsod.

• Ang Mga Negosyo sa Cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ay magbibigay sa Manedyer ng Lungsod ng pangalan at mga pangunahin at pangalawang numero ng telepono ng kahit isa man lamang na on-call na manedyer na sasagot sa mga tanong ukol sa mga komunikasyon mula sa mga negosyo, mga residente, at mga may-ari ng lupa sa kapitbahayan. Ang mga Negosyo sa Cannabis ay gagawa ng mga makatwirang pagsisikap, nang walang masamang hangarin, na lutasin ang mga reklamo mula mga negosyo, residente, at mga may-ari ng lupa sa kapitbahayan.

• Ang Mga Negosyo sa Cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ay magmimintina ng seguridad sa lugar, alinsunod sa inaprubahang plano ng seguridad na isinumite para sa kanilang aplikasyon para sa isang Permit sa Negosyo sa Cannabis. Hindi babaguhin ng Mga Negosyo sa Cannabis ang kanilang plano ng seguridad sa lugar nang walang nakasulat na pahintulot mula sa Manedyer ng Lungsod.

• Sa lahat ng mga panahon, ang Mga Negosyo sa Cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ay gagamit at magmimintina ng mga security camera. Ang mga ganoong security camera ay dapat man lamang magmonitor sa lahat ng mga pasukan at labasan, at sa lahat ng mga lugar kung saan itinatago o ibinebenta ang (Mga) Produkto ng Cannabis. Ang lahat ng mga Negosyo sa Cannabis ay dapat magtago ng security video footage nang kahit 30 araw man lamang.

• Sa lahat ng mga panahon, ang lahat ng Mga Negosyo sa Cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ay dapat may propesyonal na sistema ng alarma na may off-site monitoring mula sa isang lisensyadong kompanya ng seguridad. Ang lahat ng mga alarm sensor ay dapat ilagay sa lahat ng mga pasukan, labasan, at mga bintana. Ang mga sistema ng seguridad ng Negosyo sa Cannabis ay dapat may motion sensors para sa lahat ng mga lugar kung saan itinatago ang Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis kapag hindi mga oras ng negosyo, at ang mga ito ay dapat laging may mga sistema ng backup na bateriya.

• Gagawin ng lahat ng mga Negosyo sa Cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ang mga makatwirang kinakailangang pag-iingat upang masigurado na ang mga amoy na nanggagaling sa manupaktura, pagproseso, at pagtago ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis ay hindi sobrang lakas kung kaya't ito’y makakasuya sa isang makatwirang tao na may normal na pagiging sensitibo sa labas ng mga gusali ng kinaroroonan ng Negosyo sa Cannabis.

• Ang lahat ng Mga Negosyo sa Cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ay dapat kaagad mag-ulat sa tagapagpatupad ng batas kung may anumang kriminal na aktibidad na nangyayari sa lugar ng Negosyo sa Cannabis.

• Bukod pa sa anumang mga bayad na itinatag at ipinataw alinsunod sa kabanatang ito, ang lahat ng Mga Negosyo sa Cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ay magbabayad ng lahat ng naaangkop na pang-estado at lokal na buwis.

• Mimintinahin ng lahat ng mga Negosyo sa Cannabis sa loob ng Lungsod ng Solana Beach ang mga sumusunod na rekord ng negosyo sa nakalimbag na format nang kahit man lamang dalawang taon sa lokasyon, at magbibigay ito ng mga kopya nito sa Manedyer ng Lungsod sa loob ng dalawang araw ng negosyo pagkatapos nito makatanggap ng nakasulat na kahilingan para dito:

• Ang pangalan, tirahan, at numero ng telepono ng may-ari ng ari-arian kung saan isinasagawa ang Negosyo sa Cannabis.

• Ang pangalan, tirahan, at numero ng telepono, at petsa ng pag-empleyo sa bawat manedyer at miyembro ng tauhan ng negosyo sa cannabis.

• Isang kopya ng pangkomersiyong polisa ng seguro para sa pangkalahatang liyabilidad o bono ng Negosyo sa Cannabis, at ang lahat ng ibang mga polisa ng seguro na may kinalaman sa pagpapalakad ng negosyo.

SD General 2020-310

Page 13: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-13-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

• Iuulat ng isang Negosyo sa Cannabis ang anumang pagkawala, pinsala, o sira ng mga rekord na ito sa Manedyer ng Lungsod, nang nakasulat, sa loob ng dalawang araw ng negosyo ng pagkawala, pinsala, o sira.

• Hindi pauupahan, uupa, o sa anuman paraan ay pahihintulutan ng isang may-ari ng ari-arian ang anumang Negosyo sa Cannabis sa kanilang ari-arian kapag ang ganoon ay hindi nagpapalakad alinsunod sa Kabanatang ito at sa lahat ng mga angkop na pang-estadong batas at mga regulasyon.

• Walang Negosyo sa Cannabis ang maaring pahintulutan sa loob ng 600 talampakan ng anumang pampublikong paaralan.

• Ang Lungsod ng Solana Beach ay mag-iisyu ng mga Permit sa Negosyo sa Cannabis sa mga aplikante alinsunod sa Kabanatang ito.

• Ang Mga Negosyo sa Cannabis ay iisyuhan ng mga Permit sa Negosyo sa Cannabis sa halip na isyuhan ng mga regular na lisensya sa negosyo.

• Ang anumang Negosyo sa Cannabis na nagpapalakad nang labag sa Kabanatang ito ay mapapailalim sa mga parusang itinakda sa Kodigong Munisipal ng Solana Beach.

• Ang mga paglabag sa Kabanatang ito ay maaring mapatupad alinsunod sa bawat isa at lahat ng probisyon sa tagapagpatupad na nakatakda sa Kodigong Munisipal ng Solana Beach.

17.60.1905 Mga Lugar Pamahagian ng Cannabis at mga Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis• Ang Mga Lugar Pamahagian ng Cannabis at mga Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ay

pahihintulutan sa Lungsod ng Solana Beach. Ang mga ganoong Lugar Pamahagian ay maaring magbenta ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis para sa Paggamit ng Taong nasa Hustong-Gulang sa mga taong mahigit sa 21 taong-gulang, o maaring magpalakad bilang Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis, o pareho nito. Hindi hihigit sa dalawang (2) lugar pamahagian sa kabuuan ang pahihintulutan sa Lungsod ng Solana Beach sa anumang isang panahon.

• Walang tao o entidad ang magpapalakad ng isang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis nang walang balidong Permit sa Negosyo sa Cannabis na inisyu alinsunod sa Kabanatang ito.

• Walang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ang maaring may lokasyon sa loob ng 600 talampakan mula sa ibang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis.

• Ang mga Lugar Pamahagian ay pahihintulutang magpalakad sa mga sumusunod na zoning na lugar:

• Espesyal na Komersyal (SC); • Magaang Komersyal (LC); • Pangkalahatang Komersyal (GC); • Magaang Industriyal (LI); • Opisinang Propesyonal (OP);

• Ang mga Lugar Pamahagian na magtitinda ng (mga) Cannabis Clone ay itatakda bilang nursery sa kanilang lisensiya ng negosyo sa cannabis.

• Walang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ang magkakaroon ng doktor sa lugar upang tasahan ang mga pasyente o upang magbigay ng rekomendasyon para sa medikal na cannabis.

• Ang Mga Permit sa Negosyo sa Cannabis na inisyu sa Mga Lugar Pamahagian ng Cannabis at Mga Lugar Pamahagian ng Cannabis ay klaklasipikahin tulad ng sumusunod:

• Type M na Klasipikasyon. Ang isang negosyong may balidong Permit sa Negosyo sa Cannabis na may Type M na klasipikasyon na inisyu alinsunod sa Kabanatang ito ay awtorisadong bumili ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis mula sa (Mga) Negosyo ng Lugar Pamahagian

SD General 2020-311

Page 14: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-14-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

ng Cannabis. Ang mga ganoong negosyo ay awtorisado ring magbenta, maglipat, at mag-distribusyon ng Medikal na Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis sa:

• (Mga) Kwalipikadong Pasyente na may kasalukuyang balidong rekomendasyon ng doktor alinsunod sa 1996 na Batas Ukol sa Compassionate na Paggamit (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.5), Batas Ukol sa Programa ng Medikal na Marijuana (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.7 at ang mga kasunod), at balidong ID na inisyu ng Gobyerno tulad ng Lisensya ng Drayber mula sa Departamento ng mga Sasakyang De-Motor o Kard ng Identipikasyon ng Estado.

• (Mga) Pangunahing Tagapangalaga na may beripikadong designasyon ng Pangunahing Tagapangalaga mula sa kanilang (Mga) Kwalipikadong Pasyente, isang kopya ng balidong rekomendasyon ng manggagamot ng Kwalipikadong Pasyente, alinsunod sa 1996 na Batas Ukol sa Compassionate na Paggamit (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.5), ng Batas Ukol sa Programa ng Medikal na Marijuana (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.7 at ang mga kasunod), at balidong opisyal na ID tulad ng Lisensya ng Drayber mula sa Departamento ng mga Sasakyang De-Motor o Kard ng Identipikasyon ng Estado tulad ng Lisensya ng Drayber mula sa Departamento ng mga Sasakyang De-Motor o Kard ng Identipikasyon ng Estado.

• Type R na Klasipikasyon. Ang isang negosyong may balidong Permit sa Negosyo sa Cannabis na may Type R na klasipikasyon na inisyu alinsunod sa Kabanatang ito ay awtorisadong bumili ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis mula sa (Mga) Negosyo ng Distribusyon ng Cannabis. Ang mga ganoong negosyo ay awtorisado ding magbenta, maglipat, at mag-distribusyon ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis para sa Paggamit ng mga Taong May-Sapat na Gulang sa mga kustomer na nagre-retail na 21 taong-gulang o mas matanda na may balidong kard ng identipikasyon na inisyu ng gubyerno.

• Type M/R na Klasipikasyon. Ang isang negosyong may balidong Permit sa Negosyo sa Cannabis na may Type R/M na klasipikasyon na inisyu alinsunod sa kabanatang ito ay awtorisadong bumili ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis mula sa (Mga) Negosyo ng Distribusyon ng Cannabis.

Ang mga ganoong negosyo ay awtorisado ring magbenta, maglipat, at mag-distribute ng Medikal na Cannabis at mga Produkto ng Cannabis sa:

• (Mga) Kwalipikadong Pasyente na may kasalukuyang balidong rekomendasyon ng doktor alinsunod sa 1996 na Batas Ukol sa Compassionate na Paggamit (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.5), Batas Ukol sa Programa ng Medikal na Marijuana (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.7 at ang mga kasunod), at balidong ID na inisyu ng Gubyerno tulad ng Lisensya ng Drayber mula sa Departamento ng mga Sasakyang De-Motor o Kard ng Identipikasyon ng Estado.

• (Mga) Pangunahing Tagapangalaga na may beripikadong designasyon ng Pangunahing Tagapangalaga mula sa kanilang (Mga) Kwalipikadong Pasyente, isang kopya ng balidong rekomendasyon ng manggagamot ng Kwalipikadong Pasyente, alinsunod sa 1996 na Batas Ukol sa Compassionate na Paggamit (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.5), ng Batas Ukol sa Programa ng Medikal na Marijuana (Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California seksyon 11362.7 at ang mga kasunod), at balidong opisyal na ID tulad ng Lisensya ng Drayber mula sa Departamento ng mga Sasakyang De-Motor o Kard ng Identipikasyon ng Estado tulad ng Lisensya ng Drayber mula sa Departamento ng mga Sasakyang De-Motor o Kard ng Identipikasyon ng Estado.

SD General 2020-312

Page 15: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-15-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

Ang mga ganoong negosyo ay awtorisado ding magbenta, maglipat, at mag-distribusyon ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis para sa Paggamit ng mga Taong May-Sapat na Gulang sa mga kustomer na nagre-retail na 21 taong-gulang o mas matanda na may balidong kard ng identipikasyon na inisyu ng gubyerno.

Ang Mga Lugar Pamahagian na may M/R na klasipikasyon ay dapat magsagawa ng lahat ng pagbebenta ng Medikal na Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis sa isang counter na hiwalay mula sa mga pagbebenta ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis para sa Paggamit ng Taong May-Sapat na Gulang.

• Ang Mga Lugar Pamahagian para sa Cannabis at Mga Lugar Pamahagian para sa Medikal na Cannabis na may mga balidong Permit sa Negosyo sa Cannabis ay maaring gumawa ng mga paghahatid, alinsunod sa mga sumusunod na kondisyon

• Ang mga paghahatid ay dapat gawin sa mga lokasyon ng tahanan at negosyo lamang. Walang anumang paghahatid ang magagawa sa mga pampublikong lokasyon o mga paradahan ng sasakyan.

• Ang bawat paghahatid ay dapat aktibong trina-track ng GPS, at ang Lugar Pamahagian ng Cannabis ay magtatago ng rekord ng lahat ng GPS tracking para sa mga paghahatid, nang kahit 30 araw man lamang.

• Walang taong tagahatid ang maaring magdala ng mahigit sa limang (5) order bawat biyahe.

• Ang bawat paghahatid ay dapat alinman sa:

• Loob ng mga limit ng Lungsod ng Lungsod ng Solana Beach; o kaya,

• Buong sumusunod sa mga batas at mga pangangailangan ng permit hurisdikyon kung saan ginagawa ang paghahatid.

• Ang lahat ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis na ihahatid ay kukunin nang diretso mula sa lokasyon ng Negosyo sa Cannabis na awtorisadong maghatid ng Cannabis. Walang Cannabis o mga Produkto ng Cannabis ang maaring ihatid mula sa anumang offsite na pasilidad ng storage o pasilidad sa pagmamanupaktura.

• Walang tao ang maghahatid ng Cannabis o Mga Produkto ng Cannabis sa anumang sasakyan na may mga marka na kumikilala dito bilang isang sasakyan na maaring naglalaman ng Cannabis.

• Ang sinumang taong naghahatid ng Cannabis o Mga Produkto ng Cannabis para sa isang lugar pamahagian ay magdadala ng kopya ng kasalukuyang permit ng lugar pamahagian.

• Walang tao o kompanya ang maghahatid ng Cannabis o mga Produkto ng Cannabis sa sinuman maliban sa taong nag-order ng paghahatid. Kokompirmahin ng taong naghahatid ng cannabis na ang tagatanggap sa taong naghahatid ay pinahihintulutan ng batas na bumili ng Cannabis sa pamamagitan ng pag-inspeksyon sa nauugnay na mga dokumento ng identipikasyon at, tulad ng naaangkop, Kard ng Identipikasyon o rekomendasyon ng manggagamot, bago ihatid ang Cannabis o mga Produkto ng Cannabis sa kostumer.

• Ang Negosyo sa Cannabis ay hindi pahihintulutang magawang makikita ang cannabis o mga produkto ng cannabis sa lugar ng lugar pamahagian mula sa anumang pampublikong right-of-way, anumang mga di-siguradong lugar sa paligid ng mga gusali sa lugar, o sa pangunahing pasukan ng lugar.

• Walang taong wala pang 21-taong-gulang ang magmamay-ari o magpapalakad ng tindahan ng Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis sa anumang kapasidad, kabilang, ngunit hindi natatakda sa, bilang isang manedyer, tauhan, empleyado, kontratista, o boluntaryo.

SD General 2020-313

Page 16: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-16-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

• Walang taong wala pang 21-taong-gulang ang maaring nasa loob ng isang gusali ng Lugar Pamahagian ng Cannabis at Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis, o yunit sa loob ng isang gusali, maliban kung siya’y isang Kwalipikadong Pasyente o isang Pangunahing Tagapangalaga at ang lugar pamahagian ay may Type M o Type M/R na Permit sa Negosyo sa Cannabis.

• Walang taong wala pang 18-taong-gulang ang maaring nasa loob ng isang gusali ng Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis o yunit sa loob ng isang gusali, maliban kung siya’y isang Kwalipikadong Pasyente o isang Pangunahing Tagapangalaga, at siya’y sinasamahan ng kanyang magulang na nasa hustong-gulang o ng legal na guardian.

• Walang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ang magbubukas sa publiko sa pagitan ng mga oras ng ika-10 ng gabi at ika-7 ng umaga.

• Ang bawat Lugar Pamahagian ng Cannabis at Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ay dapat mayroong lobby, foyer, o lugar na hintayan na katabing-katabi ng pasukan upang tanggapin ang mga tao at maberipika na sila’y pinahihintulutang pumasok sa lugar pamahagian. Ang bawat Lugar Pamahagian ng Cannabis at Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ay dapat ding mayroong hiwalay at ligtas na lugar na itinalaga para sa pagbenta ng Cannabis para sa Paggamit ng Taong May-Sapat na Gulang, Medikal na Cannabis, mga Produkto ng Cannabis, at mga aksesoriya ng cannabis.

• Walang lugar pamahagian ang magpapahintulot sa sinumang tao na manigarilyo, magpasok sa bibig, o sa ibang paraan ay kumain ng Cannabis para sa Paggamit ng Taong May-Sapat na Gulang, Medikal na Cannabis, o mga Produkto ng Cannabis sa loob ng gusali ng lugar pamahagian o yunit sa loob ng gusali.

• Walang lugar pamahagian ang Magku-kultiba ng Cannabis o magkakaroon sa lugar ng anumang buhay na halaman ng Cannabis maliban sa (mga) Clone ng Cannabis. Ang mga Clone ng Cannabis ay hindi pararamihin sa isang lugar ng lugar pamahagian, pero maari itong panatilihing buhay gamit ang artipisyal na ilaw sa lugar na ibinebenta. Hindi hihigit sa 6 na clone ang ibebenta sa iisang tao sa iisang transaksyon.

• Ang isang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ay dapat mayroon, sa lahat ng mga panahon, ng siguradong storage sa lugar para sa storage ng Cannabis at Mga Produkto ng Cannabis pagkatapos ng mga oras ng negosyo, tulad na nakatakda sa inaprubahang plano ng seguridad ng lugar pamahagian. Ang ligtas na storage ay binubuo ng isang lubos na pinalilibutang silid na may security na pinto na inaprubahan ng Manedyer ng Lungsod, at walang mga bintana, o isang naka-lock na safe na naka-tornilyo sa sahig.

• Ang lahat ng signage para sa Mga Lugar Pamahagian ng Cannabis at Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ay dapat sumunod sa mga pamantayan ng Solana Beach para sa signage. Walang sign para sa anumang Lugar Pamahagian ng Cannabis at Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ang maaring maglaman ng mga sumusunod na salita: Cannabis, Marijuana, Weed, Pot, Reefer, High, o Ganja.

• Ang bawat Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ay dapat may madaling makikitang sign sa pasukan na nagpapahayag na ang "Paninigarilyo, pagpasok sa bibig, o pagkonsumo ng cannabis o mga produkto ng cannabis sa lugar na ito o sa anumang publikong lugar ay pinagbabawalan."

• Ang isang lugar pamahagian na awtorisado lamang na magbenta ng Medikal na Cannabis ay dapat may sign na ilalagay sa pasukan sa lugar na madaling makita, na nagpapahayag na "Medikal cannabis lamang ang ibinebenta. Ang mga kwalipikadong pasyente at mga pangunahing tagapangalaga lamang ang maaring pumasok. Ang sinumang kwalipikadong pasyente o pangunahing tagapangalaga na wala pang 18-taong-gulang ay dapat sinasamahan ng kanyang magulang o legal na guardian."

• Ang lugar pamahagian na awtorisado lamang na magbenta ng Cannabis para sa Paggamit ng Taong May-Sapat na Gulang ay dapat may madaling makitang sign sa pasukan na nagpapahayag na

SD General 2020-314

Page 17: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-17-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

"Cannabis para sa paggamit ng taong nasa hustong-gulang ang binebenta lamang." Ang mga taong wala pang 21-taong-gulang ay mahigpit na pinagbabawalang pumasok. Ang balidong identipikasyon na inisyu ng gubyerno ay dapat ipakita para makapasok."

• Ang lugar pamahagian na awtorisadong magbenta ng Medikal na Cannabis at ng Cannabis para sa Paggamit ng Taong May-Sapat na Gulang ay dapat may madaling makitang sign sa pasukan na nagpapahayag na "Medikal na cannabis at cannabis para sa paggamit ng taong nasa hustong-gulang ang binebenta lamang. Ang mga taong wala pang 21-taong-gulang ay mahigpit na pinagbabawalang pumasok sa ari-ariang ito maliban kung sila’y kwalipikadong pasyente o pangunahing tagapangalaga. Ang sinumang kwalipikadong pasyente o pangunahing tagapangalaga na wala pang 18-taong-gulang ay dapat kasama ng kanyang magulang o legal na guardian. Ang balidong identipikasyon na inisyu ng gubyerno ay dapat ipakita para makapasok."

• Sa lahat ng mga bukas na oras ng isang Negosyo sa Cannabis na nagpapalakad ng isang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis, dapat nito ipakita ang kanyang kasalukuyang balidong Permit sa Negosyo sa Cannabis na inisyu alinsunod sa Kabanatang ito. Ang ganoong Permit sa Negosyo sa Cannabis ay dapat ipakita sa isang lugar na madaling makikita ng lahat ng mga taong pumapasok sa lugar pamahagian.

• Walang tao ang magpapalakad ng isang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis sa anumang lugar maliban sa ispesipikong lokasyon para kung saan ibinigay ang naangkop na Permit sa Negosyo sa Cannabis. Ang isang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ay maari lamang magbago ng mga lokasyon sa pamamagitan ng pag-file ng aplikasyon ng relokasyon sa Lungsod ng Solana Beach at pagtupad sa lahat ng mga kondisyon ng Kabanatang ito sa bagong lugar.

• Ang bayad para sa aplikasyon para sa isang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ay $2,500.00, at ito’y babayaran sa Lungsod ng Solana Beach.

• Ang bayad para sa aplikasyon para ilipat ang isang Lugar Pamahagian ng Cannabis o Lugar Pamahagian ng Medikal na Cannabis ay $2,500.00, at ito’y babayaran sa Lungsod ng Solana Beach.

• Ito’y bukod pa sa anumang excise taxes o sales tax. Ang mga Lugar Pamahagian ay aatasang magbayad sa Lungsod ng Solana Beach ng karagdagang 1.25% sales tax, na kinalkula sa gross sales na presyo, para sa lahat ng nabentang di-Medikal na Cannabis at di-Medikal na Produkto ng Cannabis. Ang mga Lugar Pamahagian ay magtatago ng mga sapat na rekord ng pagbebenta at pahihintulutan nito ang Manedyer ng Lungsod na inspeksyunin ito. Ang dinagdagang sales tax na nararapat sa Lungsod ng Solana Beach ay babayaran alinsunod sa normal na iskedyul ng pag-uulat at pagbayad ng Negosyo sa Cannabis na titiyakin ng Departamento ng Buwis at Pamamahala ng Bayad ng California, at/o ng Lupon ng Pagpapantay ng Estado ng California.

17.60.1906 Kultibasyon ng Cannabis—Dineklarang abala.• Ang kultibasyon ng Cannabis, sa labas, para sa medikal, di-medikal, o iba pang mga layunin,

ay pinagbabawalan sa lahat ng lugar sa lungsod, pati na rin sa lahat ng mga zoning na distrito, mga lugar ng ispesipikong plano, overlay zone, at mga zone para sa nakaplanong pagpapaunlad, at ito’y dinedeklarang labag sa batas at isang abala sa publiko, maliban kung iba ang nakalaan dito. Walang taong nagmamay-ari, umuupa, nagpapaupa, umookupa, o may hawak o mayroong anumang parsela, ang magdudulot o magpapahintulot na magamit ang ganoong parsela para sa kultibasyon ng marijuana sa labas. Ang naunang prohibisyon ay ipapataw, anuman ang bilang ng mga kwalipikadong pasyente o mga pangunahing tagapangalaga na naninirahan sa lugar, o diretso o di-diretsong lumalahok sa kultibasyon. Bukod pa rito, ang prohibisyon na ito ay ipapataw, sa kabilang ng anumang iginigiit na ang tao o mga taong nagkukultiba ng marijuana ay ang pangunahing tagapangalaga o mga tagapangalaga para sa mga kwalipikadong pasyente, o na ang ganoong tao o mga tao ay sama-sama o nagtutulungang magkultiba ng marijuana. May limitadong eksempsyon mula sa pagpapatupad ng subseksyon na ito gaya ng nakalagay sa Seksyon 17.60.1907.

SD General 2020-315

Page 18: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-18-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

• Ang kultibasyon ng marijuana sa loob ng tahanan para sa mga medikal na layunin ay ipinagbabawal. May limitadong eksempsyon mula sa pagpapatupad ng subseksyon na ito gaya ng nakalagay sa Seksyon 17.60.1907.

• Ang kultibasyon ng marijuana sa loob ng tahanan ay pahihintulutan alinsunod sa batas ng estado. Tulad ng iniaatas ng batas sa estado, hindi hihigit sa anim na buhay na halaman ng marijuana ang maaring itanim, ikultiba, anihin, tuyuin, o iproseso sa loob ng isang pribadong tirahan o sa loob ng isang aksesoryang istrukturang nasa lupa ng pribadong tirahan na lubos na pinalilibutan at sigurado. Ang anumang kultibasyon ng marijuana para sa di-medikal na layunin ng marijuana, na lumalampas sa mga limitasyon na nakalagay sa subseksyon na ito ay dinedeklara na lumalabag sa batas at na ito’y isang abala sa publiko.

17.60.1907 Limitadong Eksempsyon Mula sa Pagpapatupad para sa Medikal na Marijuana.• Ang lungsod ay nakatalagang gumawa ng mahusay at makatwirang paggamit ng kanyang mga

limitadong pang-imbestiga at pang-usig na yaman. Ang anumang ilegal na mga negosyo sa cannabis ay hindi papayagan at magiging priyoridad ng pang-usig na yaman ng Solana Beach. Magkakaroon ng limitadong eksempsyon mula sa pagpapatupad para sa mga paglabag ng kabanatang ito ng mga pangunahing tagapangalaga at mga kwalipikadong pasyente para sa kakaunting dami ng kultibasyon ng marijuana para sa kanilang sariling medikal na paggamit sa isang single-family detached dwelling kapag ang lahat ng mga sumusunod na kondisyon at mga pamantayan ay sinusunod:

• Ang mga lugar ay dapat mayroong isang legal na pinahihintulutang single-family detached dwelling.

• Ang kultibasyon ng hindi hihigit sa labing-dalawang halaman ng marijuana para sa bawat kwalipikadong pasyente. Kung ang isang kwalipikadong pasyente ay may pangunahing tagapangalaga na nagkukultiba ng mga halaman ng marijuana para sa kwalipikadong pasyente, iisang pangunahing tagapangalaga lamang ang maaring magkultiba ng hihigit sa labing-dalawang halaman ng marijuana para sa kwalipikadong pasyenteng iyon para sa anumang iisang panahon. Hindi kailanman maaring magkultiba ang maraming mga pangunahing tagapangalaga ng isang kwalipikadong pasyente ng mga halaman ng marijuana para sa kwalipikadong pasyente sa parehong panahon sa lungsod.

• Ang dalawang kwalipikadong limit sa pasyente para sa kabuuang bilang ng halaman ng marijuana ay mauuwi sa hanggang dalawampu't apat na mga halaman ng marijuana para sa bawat lugar.

• Ang kahit isa man lamang na kwalipikadong pasyente, o isang pangunahing tagapangalaga, na kumikilos para sa kwalipikadong pasyente, ang dapat nakatira sa lugar.

• Ang lahat ng mga halaman ng marijuana ay dapat makatwirang sigurado upang pigilan ang pagnanakaw at akseso sa mga halaman para sa mga taong wala pang dalawamput-isang-taong-gulang, sa isang pamantayang kasiya-siya para sa opisyal sa pagpapatupad.

• Ang lahat ng kultibasyon ng marijuana sa labas ng anumang gusali ay dapat lubos na kalakip ng isang bakod na malabo, na anim na talampakan man lamang ang taas. Ang bakod ay dapat sapat na sigurado upang maiwasan ang di-awtorisadong pagpasok. Ang mga hedgerow, mga bakod na halaman, plastik na sheeting, tarps, o telang materyales ay hindi bumubuo ng isang sapat na bakod sa ilalim ng subseksyon na ito. Ang mga lugar na mas malaki sa limang akre ay hindi sinasaklaw ng probisyon na ito sa pagbabakod, basta ang lahat ng ibang mga pamantayan at mga kondisyon ng subseksyon A ng seksyon na ito ay tinutupad, at ang anumang mga hadlang na ginagamit ay umaalinsod sa kodigong ito sa ibang paraan.

• Ang bawat gusali o panlabas na lugar kung saan kinukultiba ang mga halaman ng marijuana ay dapat ilayo nang sampung talampakan man lamang mula sa lahat ng mga hangganan ng lugar. Ang ganoong distansiya ng paglayo ay susukatin sa isang diretsong linya mula sa gusali kung saan kinukultiba ang mga halaman ng marijuana, o kung ang mga halaman ng

SD General 2020-316

Page 19: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-19-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

marijuana ay kinukultiba sa isang panlabas na lugar, mula sa bakod hanggang sa linya ng hangganan ng lugar.

• Ang designadong lugar ng kultibasyon para sa marijuana ay hindi dapat makikita mula sa anumang pampublikong right-of-way.

• Kung ang taong nagkukultiba ng mga halaman ng marijuana sa anumang lugar ay hindi ang siyang may-ari ng lugar, ang ganoong tao ay dapat magsumite ng sulat mula sa (mga) may-ari kung saan nakapahayag na pinahihintulutan ang kultibasyon ng marijuana sa parsela. Ang orihinal ng sulat na ito ay isusumite sa at itatago ng departamento ng pagpapaunlad ng komunidad. Iuutos ng lungsod ang mga porma para sa ganoong mga sulat.

• Ang mga nasa parolado o mga nasa probasyon ay hindi maninirahan sa lugar, maliban kung ang mga nasa parolado o mga nasa probasyon ay nakatanggap ng nakasulat na pagpapatunay mula sa korte na sila’y pinahihintulutang gumamit ng medikal na marijuana habang parolado o nasa probasyon, alinsunod sa Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan Seksyon 11362.795, na siyang kailangang beripikahin ng isang opisyal sa pagpapatupad.

• Ang mga kwalipikadong pasyente para kung kanino ang mga halaman ng marijuana ay kinukultiba ay dapat may mga balidong kard ng identipikasyon para sa medikal na marijuana na inisyu ng County ng San Diego o ng departamento ng Estado para sa pampublikong kalusugan. Ang sinumang pangunahing tagapangalaga na nagkukultiba ng mga halaman ng marijuana para sa isang kwalipikadong pasyente ay dapat may balidong kard ng identipikasyon para sa medikal na marijuana na inisyu para sa kwalipikadong pasyente ng Estado ng California o ng departamento ng pampublikong kalusugan ng County ng San Diego; ito’y itatago doon sa lugar.

• Ang address para sa lugar ay dapat nakapaskil at madaling makikita mula sa anumang pampublikong right-of-way.

• Ang kultibasyon ng marijuana ay hindi dapat nasa loob ng isang gusali na naglalaman ng dalawa o higit pang mga dwelling yunit.

• Ang kultibasyon ng marijuana ay hindi dapat nasa anumang lugar na nasa loob ng isang libong talampakan ng anumang paaralan, sentro ng komunidad, o parke.

• Ang kultibasyon ng marijuana ay hindi dapat nasa anumang lugar na naglalaman ng isang sentro ng pag-aalaga sa bata, simbahan (relihiyosong pasilidad), o pasilidad na nasa loob ng isang libong talampakan ng anumang paaralan, sentro ng komunidad, o parke.

• Ang anumang kultibasyon ng marijuana para sa mga medikal na layunin na hindi sumusunod sa lahat ng mga pamantayan at mga kondisyon ng seksyon na ito ay isang abala sa publiko, at mapapailalim sa mga parusa at pagbawas, tulad ng nakalaan sa Title 1 at Kabanata 17.60.190 ng kodigo ng lungsod ng Solana Beach.

17.60.1908 Pagbawas ng ibang mga abala.Wala sa kabanatang ito ang ituturing na limitasyon sa awtoridad ng Lungsod na bawasan ang anumang abala

na sa ibang paraan ay mamalagi mula sa pagtatanim, pagpapalago, pagpapatuyo, pagproseso, o pagtago ng mga halaman ng marijuana o anumang bahagi nito mula sa anumang lokasyon, sa loob o sa labas, kabilang ang mula sa loob ng isang lubos na kalakip at siguradong gusali, basta ang ganoong pagbawas ay alinsunod sa batas ng Estado. Gayunman, ang Lungsod ay hindi gagawa ng anumang pagbawas na aksyon laban sa isang Sumusunod na Negosyo sa Cannabis basta ang negosyong iyon ay lubos na sumusunod sa Kabanatang ito at sa batas ng Estado.

17.60.1909 Mga paglabag at mga parusa.• Ang paglabag sa anumang probisyon ng Kabanatang ito ay isang misdemeanor at mapapailalim

sa pagpapatupad alinsunod sa mga probisyon ng Title 1 ng kodigong ito. Ang mga probisyon ng Kabanatang ito ay maaring ipatupad ng sinumang opisyal ng tagapagpatupad ng batas na may hurisdiksyon; mga taong empleyado ng lungsod na ipatupad ang mga probisyon ng kodigong ito, kabilang, ngunit hindi natatakda sa, mga opisyal ng tagapagpatupad ng kodigo, at mga ganoong iba

SD General 2020-317

Page 20: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-20-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

pang opisyal ng tagapagpatupad. Walang probisyon ng Title 1 o ng kabanatang ito ang magbibigay awtorisasyon sa isang kriminal na prosekusyon o pagdakip na sa ibang paraan ay ipinagbabawal ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan §§ 11362.71 o 11362.1 at ang mga kasunod, dahil ito’y maaring baguhin sa pana-panahon. Kung may anumang pagtutunggali sa pagitan ng mga parusang nakalista sa ilalim ng Title 1 ng Kodigong Munisipal ng Solana Beach, ng Kabanatang ito, at ng anumang mga parusang nakatakda sa batas ng Estado, ang pinakamataas na mga parusang makukuha sa ilalim ng batas ng estado ang iiral.

• Ang anumang paglabag sa Kabanatang ito ay, at ang pareho ay idedeklara na, labag sa batas at isang abala sa publiko, at ang Lungsod ay maaaring, bukod pa o sa halip ng pag-usig sa isang kriminal o administratibong aksyon sa ilalim nito, magsimula ng aksyon o mga aksyon, paglilitis o mga paglilitis para sa pagbawas, pagtanggal, at enjoinment nito, sa paraang inilaan ng batas, at maaari nitong kunin ang iba pang mga hakbang at iaplay ang mga ito sa Korte o mga korte na maaaring may hurisdiksyon na magbigay ng ganoong ginhawa na magbabawas o magtatanggal sa lugar ng Kultibasyon ng Cannabis, Lugar Pamahagian, Lugar ng Distribusyon, o Pagmamanupaktura, sa paraang sumasalungat sa mga probisyon ng Kabanatang ito.

17.60.1910 Paraan ng Aplikasyon• Ang sinumang taong nais kumuha ng Permit para sa Negosyo sa Cannabis ay dapat magsumite ng

aplikasyon sa Lungsod ng Solana Beach, Departamento ng Pagpapaunlad ng Komunidad.

• Tatanggapin ng Lungsod ng Solana Beach ang mga aplikasyon para sa Permit para sa Negosyo sa Cannabis sa unang dalawang (2) linggo ng bawat buwan, at ipoproseso at iiskoran nito ang mga aplikasyon sa huling dalawang (2) linggo ng buwan kung kailan isinumite ang aplikasyon. Ang Lungsod ay mag-iisyu o tatanggi sa mga aplikasyon sa Permit para sa Negosyo sa Cannabis sa loob ng 30 araw ng pagtanggap nito. Ang prosesong ito ay magpapatuloy hanggang naibigay na ang lahat ng available na Permit sa Negosyo sa Cannabis. Ang parehong proseso na ito ay aaplay kung sakaling magiging available ang anumang mga Permit sa Negosyo sa Cannabis, o kung itinigil ang isang Permit sa Negosyo sa Cannabis.

• Ang lahat ng mga Kumpletong Aplikasyon sa Cannabis ay rerepasuhin at tatasahan ng Lungsod ng Solana Beach upang malaman kung aling (mga) Aplikante ang pinakamainam na tumutupad sa mga pangangailangan para sa limitadong bilang ng mga permit na available. Ang pagtitiyak na ito ay gagawing transparent ng Lungsod, batay sa isang sistema na base sa mga punto. Kapag mas marami ang punto ng aplikante, mas mataas ang kanyang priyoridad na makuha ang isang Permit para sa Negosyo sa Cannabis.

• Ang Lungsod ay mag-iisyu ng mga Permit sa Negosyo sa Cannabis para lamang sa mga aplikanteng nagsumite ng kumpletong aplikasyon at na may iskor na lumalampas sa mga punto ng ibang mga aplikante na nag-aplay sa panahon ng aplikasyon sa buwan na iyon. Kung ang bilang ng mga aplikante ay sumosobra sa bilang ng mga available na permit sa panahon ng proseso ng aplikasyon, ang Mga Permit sa Negosyo sa Cannabis ay ibibigay sa mga aplikanteng may pinakamataas na iskor.

• Kung mahigit pa sa isang aplikante ang nakikipagtalo para sa parehong Permit sa Negosyo sa Cannabis at pareho ang iskor nila sa proseso ng aplikante, ang aplikanteng nauna sa pagsumite ng kanyang aplikasyon ang siyang bibigyan ng Permit sa Negosyo sa Cannabis. Ang lahat ng mga aplikasyon na natanggap ng Lungsod ng Solana Beach ay tatatakan ng oras ng pagtanggap oras na natanggap ang aplikasyon.

• Ang mga aplikasyon sa negosyo sa Cannabis ay tatanggapin ng Lungsod ng Solana Beach sa petsa ng pagkabisa at pagsasabatas ng ordinansang ito.

• Ang Lungsod ng Solana Beach ay hindi mananagot para sa anumang mga gastos na may kaugnayan sa paghahanda ng mga aplikasyon; ang mga aplikasyon lamang ang mananagot para sa mga gastos para dito.

17.60.1911 MGA DAPAT NILALAMAN NG APLIKASYON

SD General 2020-318

Page 21: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-21-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

• Dapat kasama sa mga aplikasyon ang sumusunod na impormasyon at ito’y dapat ibigay sa malinaw at maikling salita. Ang mga aplikante ay dapat lumikha ng balangkas ng aplikasyon na kapareho ng balangkas na inilaan sa ibaba, at dapat nito sagutin ang mga katanungang makikita sa ibaba, at dapat nito sagutin ang mga katanungang makikita sa eksaktong pagkakasunud-sunod na ipinapakita sa ibaba. Ang mga outline ng mga aplikasyon ay dapat maikli at nakatuon lamang sa impormasyon na hinihiling. Ang isang kumpletong outline ng aplikasyon ay kinakailangan para sa isang aplikasyon.

1. Magbibigay ng mga punto para sa bawat seksyon ng aplikasyon. Basta tinutugunan ng aplikante ang hinihiling na impormasyon sa bawat seksyon, iaaplay ang pinakamaraming puntong pinahihintulutan para sa bawat seksyon. Ang mga aplikasyon na may pinakamataas na mga punto ay bibigyan ng anumang available na permit sa cannabis.

B. Outline ng aplikasyon:1: Cover Letter (5.5 puntos): Isang cover letter (hanggang 2 pahina) na nagbibigay ng buod tungkol sa pagkakaunawa ng Tagasagot na may kaugnayan sa kung ano ang kinakailangan upang magpalakad ng isang pasilidad ng pagbenta nang nagre-retail ng cannabis sa Solana Beach, at ang kagustuhan ng Tagasagot na magtatag ng pasilidad ng pagbenta nang nagre-retail ng cannabis sa Solana Beach. Ibigay ang pangalan ng aplikante, ang pangalan ng negosyo, at ang impormasyon kung paano siya makokontak (kasama ang telepono at email).

2: Pisikal na Paglalarawan at Layout (24.5 puntos):1. PANLABAS – Ilarawan nang may detalye kung ano ang iniisip ninyong magiging itsura ng panlabas ng inyong pasilidad. (3.5 puntos)

2. PANLOOB – Ilarawan nang may detalye kung ano ang iniisip ninyong magiging itsura ng panloob ng inyong pasilidad. (3.5 puntos)

3. KARANASAN NG MGA KOSTUMER – Ilarawan nang may detalye ang karanasan na iniisip ninyong magkakaroon ang inyong mga kostumer habang nagdaraan sila sa pisikal na lugar ng inyong pasilidad. Ilarawan ang bawat hakbang ng salaysay ukol sa mararanasan ng inyong mga kostumer mula sa simula ng kanilang interaksyon sa inyong pasilidad hanggang sa katapusan ng kanilang interaksyon sa inyong pasilidad. Kung may maraming iba't-ibang mga uri ng interaksyon, ilarawan ang bawat uri ng interaksyon. (3.5 puntos)

4. SUKAT NG BAWAT KWARTO SA PASILIDAD – Ilang kuwadradong talampakan ang magiging sukat ng inyong pasilidad. At ipahayag din kung paano paghahati-hatiin ang pasilidad. Anong proporsyon sa loob ng lugar ang magiging dedikado para sa iba't-ibang mga komponente ng pasilidad? Bukod pa sa isang paglalarawan, inirerekomenda rin ng Lungsod ang lumikha ng talaan katulad nito: (3.5 puntos)

KOMPONENTE NG PASILIDAD MABABANG TINATANTIYANG KUWADRADONG

TALAMPAKAN

MATAAS NA TINATANTIYANG KUWADRADONG TALAMPAKAN

Banyo 50sf 150sfLugar ng storage 100sf 300sfOpisina ng tauhan 120sf 250sfLugar ng pagbenta nang nagre-retail #1 500sf 2,000sfAtbp.Atbp.Atbp.Atbp.KABUUANG KUWADRADONG TALAMPAKAN sf sf

SD General 2020-319

Page 22: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-22-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

5. MGA PAMUMUHUNAN/MGA PAGPAPABUTI – Ilarawan ang panloob at panlabas na mga pamumuhunan/mga pagpapabuti na plano ninyong gawin sa lugar kung saan plano ninyong ilagay ang inyong pasilidad. Ilarawan ang panloob at panlabas na mga pamumuhunan/mga pagpapabuti na plano ninyong gawin sa ispesipikong lokasyon na iyon. (3.5 puntos)

6. MGA PAGHAHATID – Ang inyo bang pasilidad ay magkakaroon din ng mga paghahatid? Kung gayon, ilarawan nang may detalye kung paano gagana ang mga paghahatid. Magbigay ng detalye tungkol sa logistics ng paghahatid ng cannabis sa mga kostumer. (3.5 puntos)

7. KARANIWANG BILANG NG MGA KOSTUMER – Ipahayag ang karaniwang bilang ng mga kostumer na inaasahan ninyong pumasok sa inyong pasilidad sa unang taon, at ang karaniwang bilang ng mga kostumer na inaasahan ninyong pumasok sa inyong pasilidad sa ikatlong taon. (3.5 puntos)

D. SEKSYON 3: Misyon at Identidad (25 puntos):

1. PAHAYAG NG MISYON – Balangkasin ang "Pahayag ng Misyon" ng inyong negosyo. (2.5 puntos)

2. IDENTIDAD – Ilarawan ang "identidad" ng inyong negosyo. Ano ang magiging itsura ng negosyo sa isang malawak na esoterikong paglalarawan? Ano ang magiging pag-unawa ng inyong mga kostumer sa negosyong ito? Ano ang magiging pag-unawa ng komunidad sa negosyong ito? (2.5 puntos)

3. BAKIT sa Solana Beach? – Ilarawan ang may detalye kung bakit nais ninyong ilagay ang inyong negosyo sa Solana Beach. Bakit ninyo pinipili ang Solana Beach sa halip na sa ibang mga lugar? (5 puntos)

4. PANGANGATAWAN SA Solana Beach – Paano ninyo kakatawanin ang Solana Beach at San Diego County kapag inilalarawan ninyo ang inyong negosyo? (2.5 puntos)

5. BAKIT KAYO ANG PIPILIIN? – Ilarawan kung bakit espesyal ang inyong negosyo. (2.5 puntos)

6. ANG MAINAM NA TAUHAN – Ilarawan ang mainam na uri ng mga taong nais ninyong magtrabaho sa inyong pasilidad. Ano ang hahanapin ninyo sa inyong tauhan? (2.5 puntos)

7. ANG MAINAM NA MGA KOSTUMER – Ilarawan ang mainam na uri ng mga taong nais ninyong mamili sa inyong pasilidad. Ano ang hahanapin ninyo sa inyong mga kostumer? (2.5 puntos)

8. KAUGNAYAN SA TURISMO – Ilarawan ang inyong ugnayan sa turismo sa Solana Beach. Paano ninyo pagsisilbihan ang mga bisita sa ating lugar? Ang pagiging popular sa mga turista ay hindi naman masama o mabuti; nais lamang namin maunawaan ang inyong iniisip na model ng negosyo. (2.5 puntos)

9. PAGLAHOK SA KOMUNIDAD – Ilarawan kung paano ninyo nais lumahok sa ating komunidad sa pamamagitan ng paboluntaryo o pag-donate sa mga lokal na dahilan. Paano mabebenepisyuhan ng inyong negosyo ang Solana Beach? (2.5 puntos)

10. MIX NG MGA PRODUKTO – Ilarawan ang mix ng mga produktong ibebenta ninyo. Lumikha ng isang kopya ng talaan sa ibaba na magpapakita ng rasyo ng iba’t-ibang mga produkto. (2.5 puntos)

KATEGORIYA

% NG KABUUANG BENTA

(MABABANG TANTIYA)

% NG KABUUANG BENTA

(MATAAS NA TANTIYA)

Buong bulaklak

Vape pens at iba pang kargadong vaporizers

Tinctures at iba pang makakain

Mga losyon, krema, at pabangong may inpusyon ng Cannabis, at iba pang mga di-nakakaing produktong may inpusyin ng cannabis

SD General 2020-320

Page 23: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-23-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

KATEGORIYA

% NG KABUUANG BENTA

(MABABANG TANTIYA)

% NG KABUUANG BENTA

(MATAAS NA TANTIYA)

Parapernalya (mga pipa, hookah, lighter, hindi kargadong vaporizer, pangrolyong papel, mga walang lamang garapon, atbp.)

Mga kasuotan, sombrero, alahas, poster, etiketa, at iba pang tinda

Pagkaing hindi cannabis

Iba pa (ilarawan sa ibaba)

3: Mga Pagpapalakad ng Negosyo (20 puntos):A. Pangalan ng Negosyo. (2 puntos)

B. ISTRUKTURA NG PAGMAMAY-ARI – Ilarawan nang may detalye ang istrukture ng pagmamay-ari ng inyong negosyo. Gagawing inkorporado ba ang negosyo? Ang negosyo ba ay magiging isang sole-proprietorship? Atbp. (2 punto)

C. ISTRATEHIYA NG PANGANGALAKAL – Balangkasin nang may detalye ang inyong iminumungkahing istratehiya ng pangangalakal, kasama ang: (2 puntos)

1. Mga mekanismong gagamitin ninyo upang mag-anunsyo.

2. Ang istilong gagamitin ninyo upang ipakita ang inyong negosyo sa mundo.

3. Ilarawan ang inyong target na (mga) tagapakinig na isasaisip ninyo kapag lumilikha at nagdi-distribusyon kayo ng inyong mga materyales sa pangangalakal.

4. Ilarawan ang dalawa hanggang limang hipotetikal na kostumer na iniisip ninyo bilang inyong target na (mga) tagapakinig. Sila ba’y mga bata, matanda, lokal, turista, beterano, madalas na kostumer, isang beses lamang na kostumer, malusog, may sakit, atbp. Ilarawan sila nang may detalye.

D. MGA ORAS NG PAGPAPALAKAD – Ipahayag ang mga oras at araw ng linggo na bukas ng mga nagre-retail na pasilidad. (2 puntos)

E. MGA POSISYON AT MGA RANGE NG SUWELDO – Balangkasin ang mga uri ng mga posisyon sa inyong negosyo. Ipahayag ang range ng suweldo na kikitain ng bawat indibidwal. (2 puntos)

F. BILANG NG MGA EMPLEYADO PARA SA BAWAT URI – Ipahayag ang pinakamarami at pinakakaunting bilang ng mga empleyado (para sa bawat uri) na iniisip ninyong pagtrabahuhin. (2 puntos)

G. PAGKUHA NG TAUHAN – Ilarawan ang inyong mga proseso ng pagkuha ng tauhan at screening. (2 puntos)

H. PINANSIYAL NA AKAWNTING – Ilarawan nang may detalye kung paano ninyo planong isagawa ang pang-araw-araw na akawnting at kung paano ninyo pamamahalaan ang mga koleksyon at pagbabayad ng buwis. (2 puntos)

I. KONTROL NG IMBENTARYO – Ilarawan kung paano ninyo isasagawa ang kontrol ng imbentaryo. (2 puntos)

J. LEGAL NA PAGSUNOD – Balangkasin kung paano ninyo planong sumunod sa mga lokal at pang-Estadong regulasyon. (2 puntos)

4: Mga Kwalipikasyon at Karanasan (20 puntos):A. PAGSASANAY AT EDUKASYON SA NEGOSYO – Balangkasin ang lahat ng mga pagsasanay at/o

edukasyon na may kinalaman sa negosyo, na kinumpleto ng mga may-ari at/o pangkat ng pamamahala ng iminumungkahing negosyo. (5 puntos)

SD General 2020-321

Page 24: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-24-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

B. PANGKALAHATANG KARANASAN SA NEGOSYO – Ilarawan ang lahat ng karanasan, na may kinalaman sa negosyo, ng mga may-ari at/o pangkat ng pamamahala ng iminumungkahing negosyo. (5 puntos)

C. KARANASAN SA CANNABIS - Ilarawan ang lahat ng may kinalamang karanasan sa cannabis industriya. (5 puntos)

D. MGA SALUNGATAN NG INTERES – pahayag na nagbubunyag ng anumang mga dati, kasalukuyan, o maaring maging salungatan ng kagustuhan na maaring mayroong ang Tagasagot bilang resulta ng pagsasagawa ng trabaho sa kanyang aplikasyon. (5 puntos)

5: Pahina ng Buod (5 puntos):A. PAHINA NG BUOD – Bilang huling, buong-pahina ng mungkahi, lumikha ng isang maikling buod ng

iminumungkahing negosyo at pasilidad. Gawing isang madaling mareperensiyang patnubay ang istruktura ng paphinang ito na magagamit ng panig na nagrerepaso upang maunawan ang inyong aplikasyon "nang mabilis". Gawin itong maikli at organisado, at huwag lalampas ng isang pahina. Gawin itong pinakahuling pahina ng balangkas ng aplikasyon.

B. PIRMA – Ang ibaba ng pahina ng buod ay dapat pirmahan ng isang awtorisadong kinatawan ng Tagasagot.

6: Mga karagdagang puntos (40 puntos) Tinatanggap ng lungsod ng Solana Beach na ang mga aplikanteng nagsagawa ng karagdagang bagay maliban sa mga pinakakaunting pangangailangan sa aplikasyon na ito ay tatanggap ng mga karagdagang puntos na iaaplay sa rating ng kanilang aplikasyon. Ang mga Aytem 1-3 ay magiging mga kondisyon ng inyong lisensiya para sa negosyo sa cannabis para sa unang taon ng pagpapalakad. Ang mga Aytem 4-8 ay dapat may kasamang dokumentadong ebidensiya ng pagtupad sa mga pangangailangang ito.

1. Opisyal na Panseguridad na Lisensiyado ng Estado ay nasa lugar sa mga panahon ng pagpapalakad. (ipinapakita nito ang pangako sa pampublikong kaligtasan) = (5 puntos) 2. Off-Site video storage ang kahit man lamang 30 araw ng video footage.(ipinapakita nito ang pangako sa kaligtasan at pagtago ng dato) = (5 puntos)3. Pinahintulutan ng Lungsod ang live access sa mga security video camera sa pasilidad ng cannabis.(ipinapakita nito ang pangako sa kaligtasan at pagiging transparent ng pagpapalakad) = karagdagang (5 puntos)4. Ang aplikante ay isang entidad sa negosyo sa cannabis na namamarati sa o bago ng Ika-1 ng Enero, 2016 (ipinapakita ang karanasan at kaalaman sa industriya) = (5 puntos)5. Ang aplikante ay may notarisadong pahayag mula sa isang namamarating lisensiyadong nagkukultiba ng cannabis na nagpapatunay na mayroong isang kasalukuyang ugnayan sa negosyo. (ipinapakita ang kaugnayan ng aplikante sa legal na industriya at makakamit na legal na cannabis at mga produkto ng cannabis) = (5 puntos)6. Ang aplikante ay kasalukuyang mayroong lisensiya sa negosyo sa mga limit ng lungsod ng Solana Beach. (ipinapakita na ang aplikante ay sumusunod na sa mga regulasyon ng lungsod ng Solana Beach) = (5 puntos)7. Ang aplikante ay nagpalakad ng isang legal na lugar pamahagian o paghahatid sa nakaraan o sa kasalukuyan, nang may balidong lisensiya sa negosyo habang nagpapalakad. (Ang negosyo sa lisensiya ay dapat ilaan, at dapat ito nagpapakita ng karanasan sa industriya at legal na pagsunod = (5 puntos))8. Ang aplikante ay isang walang-tubong mutual benefit na korporasyon.(ipinapakita na ang negosyo ay para sa mga layuni ng kawanggawa ng mga mamamayang magkakatulad ang pag-iisip)= (5 puntos)

7: Iba Pang mga Pangangailangan (0 puntos, pero kinakailangan):A. MGA PISIKAL NA KOPYA – Dalawang (2) bound na kopya at isang (1) hindi bound na kopya ng

aplikasyon ang isusumite sa isang nakasarang sobre o kahon, at ang pamagat ng proyekto ay dapat malinaw na markado sa labas ng sobre o kahon. Ang mga ak ay ilalagay sa karaniwang 8.5" x 11" na papel.

B. NASA-PANAHONG PAGSUMITE – Isusumite ng mga aplikante ang mga kopya ng kanilang aplikasyon sa LUNGSOD sa pamamagitan ng pag-abot nito sa kamay. Ang mga aplikasyon ay tatanggapin lamang sa panahon ng pagtanggap ng aplikasyon. (Ang unang 2 linggo ng bawat buwan hanggang naisyu na ang lahat ng mga lisensiya)

SD General 2020-322

Page 25: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-25-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

17.60.1912 Format ng Aplikasyon sa CannabisTatanggapin ng lungsod ng Solana Beach ang ganitong aplikasyon sa negosyo sa cannabis:

Aplikasyon sa Negosyo sa Cannabis

City of Solana Beach, Planning Dept.City Hall 635 S. HWY 101Solana Beach, CA 92075

(858) 720-2400

SD General 2020-323

Page 26: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-26-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

Porma ng Aplikasyon

May-ari/Aplikasyon/Ahente

Pangalan ng May-ari ng Ari-arian:

Adres na Pangkoreo: Lungsod: Estado: Zip:

Telepono: Email:

Pangalan ng Aplikante (kung naiiba sa May-ari):

Adres na Pangkoreo: Lungsod: Estado: Zip:

Telepono: Email:

Pangalan ng Ahente (kung naiiba sa Aplikante):

Adres na Pangkoreo: Lungsod: Estado: Zip:

Telepono: Email:

Lokasyon ng Proyekto

Adres ng Lokasyon: APN:

Awtorisasyon ng Aplikante:Sa pamamagitan nito ay binibigyan ko ng awtorisasyon ng Lungsod ng Solana Beach na iproseso ang aplikasyon na ito, at binibigyan ko ng awtorisasyon ng Lungsod ng Solana Beach na pumasok sa ari-arian na inilarawan dito, tulad ng makatwirang kinakailangan, upang asesuhin ang proyekto. Nakumpleto, o narebyu ko ang aplikasyon na ito, ang mga nakalakip na porma, at nalaman ko na ang mga nilalaman nito ay totoo at wasto sa aking sariling nalalaman, at tinatanggap ko ang lahat ng pananagutan para sa kawastuhan ng mga ito. Sumasang-ayon ako na pananatilihin kong di-mapipinsala, bibigyan ko ng kompensasyon, at dedepensahan ko ang Lungsod, ang mga officer nito, mga opisyal, mga empleyado, at mga boluntaryo mula sa at laban sa lahat ng mga claim, pagkasira, pagkawala, at mga gastos, kabilang ang mga gastos sa abogado, na nagmumula sa o na may kaugnayan sa aplikasyon na ito. Pinapahayag ko na mayroon akong awtoridad na magsagawa ng negosyo na may kinalaman sa cannabis sa lokasyon na (nakalista) sa itaas.

Pirma ng Aplikante:Petsa:

Ang Awtorisadong Tauhan Lamang ng Lungsod ng Solana Beach ang Maaring Magkumpleto sa Seksyong Ito:

Natanggap ni:

Petsa ng Pagtanggap:

Itinakdang Tagaplano:

Itinakdang Pamamahala

Tagaplano:

Itinakdang Bilang ng Kaso:

SD General 2020-324

Page 27: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-27-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

Ako’y nag-aaplay, o nagre-renew, ng sumusunod na Lisensya Para sa Pasilidad ng Cannabis (isa lamang ang lagyan ng tsek):

Medikal na Lugar Pamahagian

Lugar Pamahagian para sa Paggamit ng Taong May-Sapat na Gulang

Medikal/Taong May-Sapat na Gulang

Pamamalakad na Zero Tolerance na may Kaugnayan sa Panunuhol at korapsyonPamamalakad ng Lungsod ng Solana Beach na isagawa ang lahat ng mga negosyo sa isang tapat at etikong paraan. Ang Lungsod ay may zero-tolerance na paraan sa panunuhol at korapsyon, at dedikado itong kumilos nang propesyonal, makatarungan, at nang may integridad sa lahat ng ating mga pagnenegosyo at mga ugnayan. Sa pamamagitan ng pag-aplay para sa isang Aplikasyon sa Cannabis, kinikilala ninyo na kayo ay kikilos sa mga regular at paulit-ulit na interaksyon sa iba’t-ibang mga empleyado ng Lungsod. Kinikilala rin ninyo na sa inyong mga komunikasyon sa mga empleyado ng Lungsod, ang anumang mungkahi o pagpapahiwatig na may kaugnayan sa mga regalo, mga pabor, mas mainam na pagtrato, o sinulsulang pagkaligaw sa batas, pamamalakad, o ordinansa ay agad na iuulat sa Departamento ng Pulisya ng Solana Beach para sa isang kumpleto at ganap na imbestigasyon. Tratuhin ng Departamento ng Pulisya ng Solana Beach ang mga ganoong mungkahi o mga pagpapahiwatig bilang isang malubhang pagkakasala. Bukod pa rito, ang anuman at lahat ng mga aplikasyon para sa isang Lisensiya sa Cannabis ay sususpindihin kaagad. Kung may natuklasang kamalian, ang kompanya at mga indibidwal ay pagbabawalan mula sa konsiderasyon sa darating na panahon, at ang lahat ng mga aplikasyon ay ititigil at tatanggihan. Kinikilala ko ang pahayag na ito at susundin ko ang mga pangangailangan nito.

Pirma ng Aplikante: Date:

Pangalan ng Aplikante

Pangalan ng Negosyo

Address ng Lugar

Uri ng Aplikasyon Inisyal Renewal

Kung renewal, mangyaring ilakip ang

Lisensiya sa Estado; o Kopya ng Aplikasyon para sa Lisensiya sa Estado at lahat ng mga sulatan na may kinalaman dito

MGA PASILIDAD NG MEDIKAL NA CANNABIS OO HINDI

A Banggitin ang zoning na distrito ng inyong iminumungkahing lokasyon:

B Kayo ba ay nasa isang inaprubahang Zone para sa mga negosyo sa cannabis?

SBMC § 17.60.1905: MGA PASILIDAD NG LUGAR PAMAHAGIAN AT MGA SERBISYO SA PAGHAHATID

OO HINDI

A Kayo ba ay nag-aaplay para sa isang lisensiya para sa lugar pamahagian? (kung "hindi", lumaktaw at magpunta sa susunod na seksyon)

B Magkakaroon ba ng mga serbisyo sa paghahatid ang inyong lugar pamahagian? Kung oo, ilarawan ang mga serbisyo ng paghahatid nang may detalye sa ulat ukol sa paglalarawan ng proyekto.

SD General 2020-325

Page 28: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-28-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

SBMC § 17.60.1904: MGA KINAKAILANGANG KONDISYON AT MGA NATUKLASAN OO HINDI

A Mayroon ba kayong isang balidong Lisensiya sa Medikal na Cannabis mula sa Estado? (Kung oo, laktawan ang susunod na tanong).

A

Kung hindi, ilarawan ang prosesong sinusunod ninyo upang makatanggap ng isang Lisensiya sa Medikal na Cannabis mula sa Estado:

OO HINDI

B "Ang bawat pasukan sa pasilidad ng cannabis ay dapat may nakapaskil na malinaw at nababasang paunawa na nagpapahayag na ang mga taong wala pang 21-taong-gulang ay pinagbabawalang pumasok sa lugar, maliban sa mga kwalipikadong pasyente, pero na lamang kung sila’y sinasamahan ng isang magulang o legal na guardian." Ang mga sign ay dapat gawing simple upang sabihing, "Ang mga taong wala pang 21-taong-gulang ay pinagbabawalang pumasok sa lugar." Kumpirmahin dito na ipapaskil ninyo ang impormasyon na ito sa lahat ng mga pasukan sa lugar.

C "Walang permit o lisensya ng pagpapalakad ang ibibigay sa anumang pasilidad na nasa loob ng 600 talampakang radius o distansya... ng isang namamarating pampublikong K-12 na paaralan." Ilang talampakan ang inyong pasilidad sa pinakamalapit na pampublikong paaralan?

D "Ang pagpapalakad ng mga pasilidad ng cannabis ay hindi dapat makaapekto nang masama sa kalusugan o kaligtasan ng mga okupante o empleyado ng pasilidad, o ng mga malapit na ari-arian, sa pamamagitan ng paglikha ng amag, mildew, alikabok, matinding liwanag, init, ingay, nakakalasong gas, amoy, usok, trapik, pagyayanig, surface runoff, o iba pang mga epekto, o maging mapanganib dahil sa paggamit o storage ng mga materyales, mga proseso, mga produkto, o mga basura." Kumpirmahin na ang inyong pasilidad ay susunod sa lahat ng mga pangangailangang ito.

E Hahadlangan ng isang nagpapalakad ng negosyo sa cannabis ang lahat ng amoy na nanggagaling sa pagmamanupaktura ng mga produkto ng cannabis at storage ng cannabis na makalabas sa mga gusali sa lugar upang ang amoy ay hindi mapapansin sa labas ng mga gusali ng isang makatwirang tao na may normal na pagiging sensitibo. Kumpirmahin na ang inyong negosyo ay susunod

F Ang "mga nagpapalakad ng pasilidad ng cannabis ay hindi magpapahintulot ng di-wastong storage o paggamit ng anumang mga gasolina, solvent, o anumang ibang mapanganib na bagay. Kumpirmahin na susundin ninyo ang pangangailangang ito at na ang lahat ng mga ganoong materyales ay isisiwalat sa inyong floor plan

SD General 2020-326

Page 29: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-29-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

G Ang "mga nagpapalakad ng mga pasilidad ng cannabis" ay magmimintina ng aktibong enrollment at lalahok sa isang track and trace na programang inaprubahan ng estado." Kumpirmahin na susunod kayo sa pangangailangang ito.

SBMC § 17.60.1904: MGA PERMIT AT PAGLILISENSIYA OO HINDI

A Ang lahat ng mga Negosyo sa Cannabis sa Solana Beach ay dapat sumunod sa batas ng Estado na may kaugnayan sa medikal na cannabis. Nalalaman ba ninyo ang mga naaangkop na batas ng estado at binabalak ba ninyong sumunod sa mga batas na ito?

B Ang lahat ng mga lisensiya sa negosyo sa Cannabis ay dapat i-renew bawat taon. Kilalanin ninyo dito na nauuwaan ninyo na ang inyong lisensiya ay dapat i-renew sa loob ng isang taon ng pag-isyu nito, at ito’y dapat i-renew bawat taon pagkatapos noon.

C Binibigyan ko ng awtorisasyon ang Lungsod, ang mga ahente nito, at ang mga empleyado, na beripikahin ang impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito, kabilang ang mga pagbisita sa lugar at pagtsek ng mga reperensiya.

D KALAKIP B: AREA PLAN: Kumpirmahin ang pagsumite, kabilang ang lahat ng kinakailangang impormasyon.

E KALAKIP C: PLAN NG SITE: Kompirmahin ang pagsumite, kabilang ang lahat ng kinakailangang impormasyon.

F KALAKIP D: FLOOR PLAN: Kompirmahin ang pagsumite, kabilang ang lahat ng kinakailangang impormasyon.

G Anong mga oras at araw nglinggo magbubukas ang pasilidad ng medikal na cannabis?

OO HINDI

H KALAKIP E: MGA PANUKALA SA KONTROL NG AMOY: Kompirmahin ang pagsumite ng Floor Plan ng mga Panukala sa Kontrol ng Amoy, kabilang ang lahat ng kinakailangang impormasyon.

I Magbigay ng nakasulat na paglalarawan ng lahat ng kagamitan at mga sistema para sa Mga Panukala sa Kontrol ng Amoy:

• Ilarawan nang detalyado sa ibaba ang mga ispesipikasyon at mga gawain ng lahat ng kagamitan• Cross referenced sa Floor Plan ng Mga Panukala sa Kontrol ng Amoy.

J Paano ninyo dodokumentuhin ang pangalan, lokasyon, at taong nagpapalakad ng (mga) pasilidad ng cannabis na nagsu-supply ng cannabis sa pasilidad?

SD General 2020-327

Page 30: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-30-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

K Ilarawan ang inyong proseso ng screening ng tauhan, kabilang ang mga angkop na background check:

L Ilarawan ang screening, rehistrasyon, at proseso ng validation para sa mga kwalipikadong pasyente (lugar pamahagian lamang):

M Ilarawan ang mga pamamaraan sa pagkuha at pagtago ng mga rekord ng kwalipikadong pasyente (medikal na lugar pamahagian lamang, type M):

N KALAKIP F: PLANO NG KALIGTASAN AT SEGURIDAD: Kompirmahin ang pagsumite, kabilang ang lahat ng kinakailangang subseksyon.

INSPEKSYON AT PAGMOMONITOR OO HINDI

A Ang mga inspektor sa Lungsod ng Solana Beach ay bibigyan ng walang-limitasyong access sa lahat ng mga parte ng pasilidad upang siguraduhin ang pagsunod sa mga tadhana ng lisensiya sa cannabis sa anumang panahon sa mga karaniwang oras ng pagpapalakad, tulad ng nakapahayag sa aplikasyon para sa lisensiya. Dapat magbigay ng 24-oras na paunawa.

B Bago ng taunang ekspirasyon at renewal ng lisensiya sa cannabis upang masigurado ang pagsunod sa mga tadhana ng lisensiya sa cannabis. Maaring piliin ng lungsod ng Solana Beach na inspeksyunin ang pasilidad ng cannabis. Ang lahat ng mga rekord na itinago alinsunod sa lisensiya sa cannabis ay bubuksan para mainspeksyon. Dapat magbigay ng 24-oras na paunawa. Handa ba kayong sumunod sa pangangailangang ito?

C Kung ang inspeksyon ay tinanggihan ng taong may lisensiya sa cannabis, o kung natuklasan ng inspeksyon na ang pasilidad ay hindi nagpapalakad alinsunod sa inaprubahang aplikasyon sa lisensiya, ang lisensiya sa cannabis ay mapapailalim sa isang 45-araw na panahon ng remediation kung saan kung ang mga paglabag ay hindi inayos, ang lisensiya sa cannabis para sa pasilidad ay babawiin. Handa ba kayong sumunod sa pangangailangang ito?

D Pagkatapos ng inspeksyon alinsunod sa (B) sa itaas, ang Lungsod ay magbibigay ng pahayag ukol sa di-pagsunod sa loob ng 45-araw na timeline para sumunod, o ire-renew nito ang lisensiya sa cannabis sa loob ng sampung araw ng negosyo ng petsa ng inspeksyon. Handa ba kayong sumunod sa pangangailangang ito?

SD General 2020-328

Page 31: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-31-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

E Sa looob ng sampung araw ng pag-isyu ng pahayag ng di-pagsunod, ang determinasyon ng di-pagsunod ay maaring apelahin ng sinumang intersadong partido sa konseho ng lungsod ng Solana Beach. Ang apela ay dapat gawin nang nakasulat sa isang pormang inilalaan ng Lungsod. Handa ba kayong sumunod sa pangangailangang ito?

PAGPAPATUPAD OO HINDI

Ang anumang paglabag sa kabanatang ito ay mapapailalim sa mga administratibo, sibil, o kriminal na parusa, gaya ng inihanda sa Kodigong Munisipal ng Solana Beach, bukod pa sa pagsasailalim sa ibang mga remedyong inilaan ng batas, kabilang, ngunit hindi natatakda sa, ginhawa mula sa makapangyarihang utos ng korte, aksyon sa pagbawas ng abala, buod ng pagbawas ng mga kondisyong kagyat na mapanganib, at lahat ng iba pang mga naa-angkop na multa, parusa, at remedyo. Handa ba kayong sumunod sa pangangailangang ito?

Nauunawaan Ko/Namin na Ako/Kami ay may independyenteng obligasyon na malaman at sumunod sa pederal na batas. Nauunawaan Ko/Namin na kinaklasipika ng pederal na gubyerno ang cannabis bilang isang Iskedyul I na droga. Nauunawaan Ko/Namin na maaring magpataw ang pederal na gubyerno at ang Lungsod ng Solana Beach ng mga magkakaibang pangangailangan at mga restriksyon sa mga negosyong may kinalaman sa marijuana, at na Ako/Kami ay may pananagutang malaman kung ano ang at sumunod sa bawat isa nito. Nauunawaan Ko/Namin na ang pagsunod sa mga pangangailangan ng Lungsod ng Solana Beach, at/o sa batas ng California, ay hindi ibig sabihing sumusunod din sa pederal na batas. At sa kahulihan, pinananatili Ko/Namin na di-mapipinsala ang Lungsod ng Solana Beach para sa anumang pagkasira na maaring magresulta mula sa paglabag sa pederal na batas, kabilang, ngunit hindi natatakda sa, pederal na prosekusyon.

Pinananatili Ko/Namin, bilang aplikante para sa pasilidad ng cannabis, na di-mapipinsala ang Lungsod ng Solana Beach at ang mga ahente, opisyal, ibinotong mga opisyal, at mga empleyado nito, para sa anumang mga claim, sira, o pinsala na inihain ng katabi o malapit na mga may-ari ng ari-arian o iba pang mga pangatlong partido dahil sa pagpapalakad ng pasilidad ng cannabis, at para sa anumang mga claim mula sa sinuman sa kanilang mga kliyente para sa mga problema, pinsala, sira, o liyabilidad, o anumang uri na maaring mangyari dahil sa pagproseso, pagmanupaktura, pagtransport, pag-distribute, at pagbigay ng medikal na cannabis.

MGA PANGANGAILANGAN SA BUILDING PERMIT OO HINDI

Kinikilala ko na ang iba't-ibang mga uri ng konstruksyon at/o mga pagbabago sa loob o labas ng aking iminumungkahing lugar ng proyekte ay maaring mangailangan ng isang Building Permit. Ang anumang ganoong iminumungkahing pagbabago ay dapat isiwalat sa Site Plan. Dapat ninyo konsultahin ang Departamento ng Gusali ng Lungsod ng Solana Beach na may kaugnayan sa inyong proyekto upang matiyak kung kinakailangan ang isang building permit. Kinikilala ko ang pangangailangang ito.

SD General 2020-329

Page 32: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-32-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

Mga Kalakip

Ang lahat ng nilalaman ay dapat isumite sa pormang ito. Ang aplikasyon ay dapat isumite sa sumusunod na pagkakahanay:

1. Balangkas at Porma ng Aplikasyon at bayad sa aplikasyon (dapat kumpleto)

2. Kalakip A: Area Plan (dapat kasali)

• Ang inyong lokasyon sa lungsod

• Ang zoning ng iminumungkahing lugar ng cannabis.

3. Kalakip B: Site Plan (dapat kasali)

Ang Site Plan ay bubuuin ng isang mapa o mga mapa na nagpapakita o naglalaman ng lahat ng mga sumusunod:

Isang scale ay sapat upang ipakita ang iminumungkahing lugar ng proyekto;

Isang bahagi man lamang ng mga ari-arian na katabing-katabi ng iminumungkahing lugar;

Ang mga kalye/eskinita na katabi ng iminumungkahing lugar;

North arrow;

Mga linya ng ari-arian;

Isang malinaw na pagpapahayag ng kung aling mga istruktura/pasilidad ang naroroon, at kung alin ang iminumungkahi;

Ang lokasyon at paggamit ng lahat ng mga istrukturang iminumungkahing gamitin para sa iminumungkahing paggamit ng cannabis;

Mga dimensiyon ng lahat ng mga kasalukuyang/iminumungkahing istruktura;

Mga dimensiyon ng lahat ng mga kasalukuyang/iminumungkahing istruktura mula sa mga linya ng ari-arian;

Mga lokasyon ng mga kasalukuyang/iminumungkahing man doors;

Mga kasalukuyang/iminumungkahing roll-up doors;

Mga kasalukuyang/iminumungkahing bakod/gates;

Kasalukuyang/iminumungkahing square footage

4. Kalakip C: Floor Plan (dapat kasali)

Ang Floor Plan ay bubuuin ng isang mapa o mga mapa na nagpapakita o naglalaman ng lahat ng mga sumusunod:

Mapa sa isang iskalang sapat na nagpapakita ng buong panloob ng pasilidad;

North arrow;

Isang malinaw na pagpapahayag ng kung aling fixtures/kagamitan/mga dingding ang naroroon, at kung alin ang iminumungkahi;

Isang malinaw na pagpapahayag ng mga panlabas na dingding;

Mga lokasyon ng lahat ng mga dingding, malalaking fixtures, malalaking kagamitan, malalaking elektrikal na kagamitan, at malaking HVAC na kagamitan;

Mga lokasyon ng mga kasalukuyang/iminumungkahing man doors;

Mga lokasyon ng mga kasalukuyang/iminumungkahing roll-up doors;

SD General 2020-330

Page 33: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-33-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

Mga lokasyon ng mga kasalukuyang/iminumungkahing mga bintana/skylight;

Mga panloob na dingding; iminumungkahing paggamit ng bawat silid;

Mga dimensiyon/area ng bawat silid;

5. Kalakip D: Floor Plan ng mga Panukala sa Kontrol ng Amoy (dapat kasali)• Mapa o dayagram ng pasilidad

• Parehong iskala at istilo ng mapa na ginagamit sa Kalakip D

• Lokasyon ng aktibong kagamitan/mga sistema sa bentilasyon;

• Kagamitan/mga sistema sa carbon odor filtration;

• Lahat ng ibang kaparehong kagamitan/mga sistema sa odor control;

6. Kalakip E: Plano ng Kaligtasan at Seguridad (dapat kasali)

Dapat ipakita o nilalaman ng Plano ng Kaligtasan at Seguridad ang lahat ng mga sumusunod sa sumusunod na pagkakasunud-sunod:

(Mga) mapa at/o (mga) dayagram ng pasilidad (Mapa ng Plano ng Kaligtasan/ Seguridad) na nagpapakita ng lokasyon ng lahat ng kinakailangang elementong nakabalangkas sa mga pahina sa ibaba. Gagamitin ng (mga) mapa at (mga) dayagram ang parehong iskala at istilo ng mga mapang ginamit sa Kalakip Cannabis at/o Kalakip D.

Isang nakasulat na paglalarawan ng lahat ng mga kinakailangang elemento, nakalaan sa pagkakasunud-sunod na nakabalangkas sa mga pahina sa ibaba: Ilarawan ang mga ispesipikasyon at mga gawain ng lahat ng kabamitan nang may detalye, at kung paano tinutupad ng kagamitan ang mga pangangailangang nakalista sa ibaba (siguraduhing ilaan ang mga materyales sa pagkakasunud-sunod na nakabalangkas sa mga pahina sa ibaba).

Mga Pangangailangan sa Kaligtasan at Seguridad

Ang lahat ng mga aplikante na nais kumuha ng lisensiya para sa mga pasilidad sa cannabis ay dapat magsumite ng isang Plano ng Kaligtasan at Seguridad sa Lungsod ng Solana Beach, na nagbabalangkas "…ng mga panukalang seguridad na gagamitin sa lugar…" binabalangkas ng seksyon na ito ang Pamamalakad sa Kaligtasan at Seguridad upang talagang linawan kung ano ang inaasahang makita ng Lungsod sa Mga Plano ng Kaligtasan at Seguridad. Ang mga pangangailangan ay base sa mga pamantayan ng industriya.

Ang pagsasagawa ng mga takdang uri ng mga panukalang seguridad sa mga pangkomersiyong pasilidad ay napatunayang nakakabawas ng mga ispesipikong uri ng krimen, kabilang ang bandalismo, pagnanakaw, at armadong nakawan. Pagnanais ng Lungsod ng Solana Beach na siguraduhing ang mga pasilidad ay gumagamit ng mga makatwirang pagsisikap upang bawasan ang krimen sa pamamagitan ng mga nakikilalang panukala upang hadlangan ang krimen. Ito’y tinatawag na Situational Crime Prevention, at may limang saligang istratehiya: dagdagan ang pagsisikap na kinakailangan upang gawing biktima, dagdagan ang panganib ng pangamba, bawasan ang kabayaran ng krimen, bawasan ang pagpupukaw, at tanggalin ang mga dahilanan. Ang kombinasyon ng bawat isa sa mga istratehiyang ito ay makakatulong na hadlangan o bawasan ang krimen sa mga mapanganib na pasilidad na ito. At habang isinasaisip ito, ang mga sumusunod na mga pangregulasyong pamantayan ay kakailanganin sa mga pasilidad ng cannabis upang mahadlangan ang krimen.

Nasa Panganib na mga Pasilidad: Isang uri ng pasilidad na walang rekord ng pagtawag-pansin sa krimen o sa mga tawag sa serbisiyo dahil sa pampublikong kaligtasan, pero nagmamanupaktura o nagbebenta ng isang uri ng produkto at/o uri ng serbisyo na maaring makatawag-pansin sa krimen. Ang lahat ng mga Negosyo sa Cannabis ay itinuturinig na "Nasa Panganib". Ang Mga nasa-panganib na mga Pasilidad ay uutusang ipakita ang sumusunod sa kanilang mga Plano sa Kaligtasan at Seguridad:

SD General 2020-331

Page 34: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-34-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

1. Signage na may kaugnayan sa mga Panukala Ukol sa Kontrol ng Pagnanakaw: Malinaw at madaling makitang signage na may kaugnayan sa mga panukala ukol sa kontrol ng pagnanakaw sa ibaba, at anumang ibang mga panukala ukol sa kontrol ng pagnanakaw na ginagamit sa lugar.

2. Video Surveillance: High resolution video surveillance na nagrerekord ng galaw at nagpapanatili ng digital footage sa loob at labas (360° ng lokasyon, 720p resolution o mas mataas). Ang video ay dapat may backup sa isang external device kahit man lamang isang beses bawat linggo. Dapat pahintulutan ng external device ang pag-upload ng video sa isang portable device tulad ng isang thumb drive. Inirerekomenda rin ang cloud-based storage.

3. Mga alarma: Commercial grade na security, burglar, at panic alarm na sistema. Mag-install ng isang sapat na sistgema ng seguridad upang mahadlangan at ma-detect ang diversion, pagnanakaw, o pagkawala ng cannabis, o di-awtorisadong pagpasok, gamit ang commercial grade equipment, na dapat man lamang mayroong:

A. Isang perimeter alarm sa lahat ng mga pasukan at mga perimetrong bintana.

B. Isang duress alarm, panic alarm, o holdup alarm na konektado sa mga awtoridad ng lokal na pampublikong kaligtasan o tagapagpatupad ng batas.

C. Mga video camera sa lahat ng mga lugar na maaring maglaman ng cannabis, sa lahat ng mga pasukan at labasan, at sa anumang paradahan, na siyang aangkop para sa mga normal na kaliwanagan ng kondisyon ng lugar na napapailalim sa surveillance. Maaring gumamit ng infrared cameras sa mga madidilim na lugar. Ang mga camera ay itututok sa lahat ng mga kaha de yero, vault, mga lugar ng pagbebenta, at mga lugar kung saan ang cannabis ay kinukultiba, inaani, prinoproseso, hinahanda, tinatago, hinahawakan, o ibinibigay. Ang mga anggulo ng camera ay dapat magpahintulot sa pagkuha ng malinaw at siguradong identipikasyon ng sinumang taong pumapasok o lumalabas sa gusali o lugar.

D. Dalawampu't-apat-na-oras ng recording mula sa lahat ng mga video camera ang available upang kaagad na matitingnan ng Lungsod kapag hiniling, at ang mga ito’y itinatago nang kahit man lamang 30 kalendaryong araw. Kung ang aplikante ay may nalalamang nakabiting kriminal, sibil, o administratibong imbestigasyon, o legal na paglilitis para kung saan ang recording ay maaring naglalaman ng may-kinalamang impormasyon, ang mga recording ay hindi sisirain o babaguhin, at ito’y itatago hangga't kinakailangan.

E. Ang kakayahang gumawa ng malinaw at may kulay na retrato (live o recorded).

F. Isang date at time stamp na naka-embed sa lahat ng mga recording. Ang petsa at oras ay dapat sinkronisado at naka-set nang tama, at hindi nito sobrang matatakpan ang retrato.

G. Ang lahat ng mga security system na kagamitan at recording ay pananatilihin sa isang siguradong lokasyon upang mahadlangan ang pagnanakaw, pagkawala, pagsira, at mga pagbabago.

H. Ang access sa surveillance na mga lugar ay gagawing limitado lamang sa mga taong kinakailangan sa surveillance, sa mga awtoridad ng tagapagpatupad ng batas na kumilos sa kanilang legal na hurisdiksyon, mga tauhan ng serbisyo sa security system, at sa Departamento. Ang kasalukuyang listahan ng mga awtorisadong empleyado at mga tauhan sa serbisyo na may access sa silid ng surveillance ay dapat available sa Departamento kapag hiniling. Kung ang on-site na mga kuwarto ng surveillance ay pananatilihing nakakandado at hindi gagamitin para sa anumang gawain.

I. Ang lahat ng mga kagamitan sa seguridad ay dapat gumagana nang mabuti.

4. Kontrol ng Pangkalahatang Lugar: Isagawa ang sumusunod na mga panukalang seguridad sa kontrol ng pangkalahatang lugar upang mapigilan at mahadlangan ang di-awtorisadong pagpasok sa mga lugar na naglalaman ng cannabis.

A. Hadlangan ang mga indibidwal na maiwan sa lugar ng isang pasilidad sa Cannabis kung hindi sila gumagawa ng isang ispesipikong aktibidad.

B. Magtatag ng mga lugar na may limitadong access, na accessible lamang sa mga ispesipikong awtorisadong tauhan, awtorisadong tauhan mula sa mga awtorisadong pansuportang negosyo, at mga awtorisadong kostumer. Ang bawat isa sa mga kategoryang ito ng mga awtorisadong indibidwal ay dapat may limitadong access sa mga lugar lamang na iyon na kailangan nilang puntahan.

B1. Kabilang sa mga awtorisadong tauhan ang pinakakaunting bilang lamang ng mga empleyadong kinakailangan para sa mahusay na pagpapalakad. Ang mga awtorisadong tauhan ay dapat i-screen ng mga may-ari/nagpapalakad ng pasilidad ng cannabis.

SD General 2020-332

Page 35: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-35-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

B2. Kabilang sa mga awtorisadong pansuportang tauhan mula sa awtorisadong pansuportang negosyo ang pinakakaunting bilang lamang ng mga empleyado mula sa mga awtorisadong pansuportang negosyo na kinakailangan para sa mahusay na pagpapalakad. Kabilang sa mga halimbawa ang mga serbisyo ng paghahatid, mga serbisyo ng paglilinis, at iba pang mga may kinalamang serbisyo.

C. Itago ang lahat ng pinutol, namanupaktura, o nakapaketeng cannabis sa isang sigurado at nakakandadong kaha de yero o vault, sa isang paraang makakahadlang ng diversion, pagnanakaw, at pagkawala.

D. Ang lahat ng mga kaha de yero, vault, at anumang ibang kagamitan o lugar na ginagamit para sa produksyon, pagproseso, o pagtago ng cannabis at mga produkto ng cannabis ay dapat siguradong nakakandado at protektado mula sa pagpasok ng mga tao, maliban sa aktwal na oras na kinakailangan upang ilabas o palitan ang cannabis.

E. Panatilihing nasa mabuting gumaganang kondisyon ang lahat ng mga kandado at mga kagamitin sa seguridad.

F. Pagbawalan ang pag-iwan ng mga susi, kung naaangkop, sa mga kandado, o ang pagtago o paglagay ng mga ito sa isang lokasyon na accessible sa mga ibang tao maliban sa mga ispesipikong awtorisadong tauhan.

G. Pagbawalan ang accessibility ng mga panukala sa seguridad, tulad ng mga numero ng kombinasyon, mga password, o mga elektroniko o biometric na sistema ng seguridad, sa ibang mga tao maliban sa mga ispesipikong awtorisadong tauhan.

H. Siguraduhing ang panlabas na perimetro ng pasilidad ng cannabis ay sapat na naiilawan upang mapahintulot ang surveillance.

Maaring gumamit ng infrared cameras sa mga madidilim na lugar.

I. Siguraduhing ang mga puno, bushes, at iba pang mga dahon sa labas ng pasilidad ng cannabis ay hindi nagpapahintulot sa isang tao o mga tao na magtago nang hindi makikita o humarang sa mga camera view.

j. Mag-develop ng mga pamamalakad sa emerhensiya at mga pamamaraan upang gawing ligtas ang lahat ng mga produkto pagkatapos ng anumang pangyayari ng diversion, pagnanakaw, o pagkawala ng cannabis, at magsagawa ng pagtatasa upang matiyak kung kinakailangan ang mga karagdagang pag-iingat.

K. Pagtanggi na pahintulutan ang tauhan, tauhan ng pansuportang serbisyo, o mga kostumer na pumasok sa pasilidad nang may mga backpack, may dalang mga lalagyan, o mga may-gulong na bag.

L. Tanggihang bigyan ng serbisyo ang mga kostumer, tauhan, o pansuportang tauhan na dati nang naaresto sa pasilidad.

KATAPUSAN NG APLIKASYON

SD General 2020-333

Page 36: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-36-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

17.60.1913 KRITERYA NG SELEKSYON

• Ang Lungsod ng Solana Beach ay gumagamit ng kompetitibong proseso ng proposal, kung saan ang lahat ng mga isinumiteng aplikasyon ay rerebyuhin at bibigyan ng mga puntos alinsunod sa mga sumusunod na kriteryang tinutugunan:

KRITERIYA AT MGA PANGANGAILANGAN MGA PUNTOS

Takip na sulat na nagbabalangkas ng ninanais/pag-unawa ng Tagasagot na may kaugnayan sa pagbenta nang nagre-retail ng cannabis 4.5 puntos

Pisikal na paglalarawan at layout 24.5 puntos

Misyon at identidad 25 puntos

Mga pamamalakad ng negosyo 20 puntos

Mga kwalipikasyon 20 puntos

Pahina ng buod 5 puntos

Mga Karagdagang Puntos Variable

Pinakamaraming puntos na maaari100 puntos +

mga karagdagang puntos

• Ang isang Komite ng Pagrerepaso ng Cannabis (Komite) na hinirang ng Manedyer ng Lungsod ay magtatasa sa bawat aplikasyon upang matiyak kung natutupad nito ang mga pinakakaunting pangangailangan ng Kodigong Munisipal ng Solana Beach 17.60.90 Maaring makipagkita ang Komite sa ilan o sa lahat ng mga Aplikante, at maaring hilingin nito ang ilan o ang lahat ng mga aplikasyon na linawin, dagdagan, o baguhin ang ilang mga takdang aspeto ng kanilang isinumite.

• Pipiliin ng Komite ang mga aplikanteng may mga pinakamataas na iskor upang bigyan sila ng mga Lisensiya sa Negosyo sa Cannabis para sa available na uri ng lisensiya.

• Ang mga iskor ng mga aplikante ay gagawing available sa publiko oras na natanggap ang isang kahilingan ng balidong Batas Para sa mga Pampublikong Rekord

• Ang Paggamit ng Kinitang Buwis Mula sa Cannabis

All lahat ng kinitang buwis mula sa Mga Negosyo sa Cannabis ay iaaplay sa pagprotekta ng kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga mamamayan sa Lungsod ng Solana Beach [at] upang bawasan ang mga gastos sa komunidad ng pamamahala sa mga aktibidad na awtorisado sa pamamagitan nito. Ang priyoridad para sa paggamit ng mga ganoong pondo ay ibibigay sa tagapagpatupad ng batas at sa mga bombero. Ang kinitang buwis mula sa Mga Negosyo sa Cannabis ay gagamitin din upang iusig at bawasan ang mga paglabag sa Kabanatang ito.

SD General 2020-334

Page 37: LUNGSOD NG SOLANA BEACH PANUKALA S BUOD NG BALOTA

PR-09X0-S-37-FIL

BUONG TEKSTO NG PANUKALA S (IPINAGPATULOY)

17.60.1914 Lawak ng mga Prohibisyon; Severability.• Ang mga prohibisyon sa kabanatang ito ay hindi ituturing na magbawal sa isang taong dalawampu't-

isang taong-gulang o mas matanda na: (1) magkaroon, magproseso, bumili, mag-transport, kumuha o magbigay sa mga taong dalawampu't-isang taong-gulang o mas matanda, nang walang anumang kompensasyon, ng hindi hihigit sa dalawampu't-walo at kalahating gramo ng marijuana na hindi nasa anyo ng concentrated cannabis o hanggang walong gramo na nasa anyo ng concentrated cannabis; (2) magsigarilyo o magpasok sa bibig ng marijuana o mga produkto ng marijuana; (3) magkaroon, mag-transport, bumili, kumuha, gumamit, magmanupaktura, o magbigay ng mga aksesorya sa marijuana sa mga taong dalawampu't-isang taong-gulang o mas matanda nang walang kompensasyon, sa abot na ang ganoong mga aktibidad ay awtorisado ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan § 11362.1.

• Ang Kabanatang ito ay hindi ituturing na sumasagabal sa karapatan ng sinumang tao na kumuha at gumamit ng Cannabis tulad ng awtorisado ng batas ng Estado, at hindi rin nito inaalis ang pagiging krimen ng pagkakaroon, paggamit, o kultibasyon ng Cannabis labag sa batas ng Estado. Ang Mga Negosyo sa Cannabis ay susunod sa lahat ng mga probisyon ng Kabanatang ito, lahat ng mga naaangkop na batas ng Estado, at lahat ng ibang mga naaangkop na lokal na kodigo at mga regulasyon.

• Kung may pangungusap man, clause, o phrase ng Ordinansang ito ay, para sa anumang dahilan, ipinalagay na labag sa konstitusyon o mapapagwalang-bisa ng isang hukuman ng may kakayahan na hurisdiksyon, ang ganoong pagpapalagay ay hindi dapat makakaapekto sa bisa ng mga natitirang probisyon ng Ordinansang ito. Ang mga mamamayan ng Solana Beach ay nagdedeklara sa pamamagitan nito na ipapasa nila ang Ordinansang ito at ang bawat pangungusap, clause, o phrase nito, kahit na ang isa o higit pang mga pangungusap, clause, o phrase ay dineklarang labag sa Konstitusyon o kung hindi man ay walang-bisa.

17.60.1915 Petsa ng Pagkabisa ng OrdinansaAng Ordinansang ito ay magkakabisa at magiging batas 30 araw pagkatapos ng passage nito o sa ika-1 ng

Enero, 2019. Alinmang petsa ang mauuna.

SD General 2020-335