lp ekawp 5

113
 LESSON 1 I. Layunin: Naisasagawa ang paraan upang mapanatiling malinis at ligtas ang pamayanan II. Paksang Aralin B.P . : Kalusugan K.P. : Kalinisan L.B : Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan PELC : EKA WP pah. 1 III.Pamamaraan: A. Panimula ng Gawain 1.  Balik-aral: Ano ang inyong magiging pakiramdam kung rnalinis at maango ang kapaligiran! ".  Pagganyak: #agpakita ng mga larawan ng isang malinis at kapaligira n B. Panlinang na Gawain Nang lalangin ng $iyos ang mundo% ginawa niya itong isang maganda% malinis at maayos na kapaligiran. #alinis na ilog% mayaong na mga punongkahoy. na nagiigay ng sariwang hangin. &inawa ito gg $iyos dahil sa pagmamahal sa atin. Ano ang nararapat nating gawin upang mapanatili itong malinis!  C. Pa gl al apat  Ang ating ang kapaligiran ngayon ay kasing-linis ng rnundo noong ito'y lalangin ng $iyos! Paa no natin maiaalik ang dating linis ng ating kapaligiran!  IV. Pagtataya: Ano sa mg a sumusuno d ang dapa t nating ga win upa ng ma kat ul on g sa pagtataguyod ng kalinisan ng pamayanan! 1. (tap on ang a sura sa il og at sa mga a kant )ng lug ar ". #agla gay nn asura han sa mga po ok pa mpul ik o *. (tap on ang asura k ahit saan dahil may as ur)r o namang nag wawa lis. +. Pul uti n ang k ala t na nadaanan. ,. ip ai n ng k ala t na nada anan V . Kasunuan: umulat ng mga paraan k ung paano mapananatilrng malinis ang kapaligiran.  Lesson Guide in Edukasyo ng Pagpapakatao - Grade 5  Page 1

Upload: marjorie-manlosa

Post on 06-Oct-2015

393 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

lesson plan

TRANSCRIPT

CHARACTER EDUCATION I

LESSON 1I. Layunin:

Naisasagawa ang paraan upang mapanatiling malinis at ligtas ang pamayananII.Paksang Aralin

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kalinisan

L.B:Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan

PELC:EKAWP pah. 1III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang inyong magiging pakiramdam kung rnalinis at mabango ang kapaligiran?

2.Pagganyak:

Magpakita ng mga larawan ng isang malinis at kapaligiran

B.Panlinang na Gawain

Nang lalangin ng Diyos ang mundo, ginawa niya itong isang maganda, malinis at maayos na kapaligiran. Malinis na ilog, mayabong na mga punongkahoy. na nagbibigay ng sariwang hangin. Ginawa ito gg Diyos dahil sa pagmamahal sa atin. Ano ang nararapat nating gawin upang mapanatili itong malinis?

C.Paglalapat

Ang ating bang kapaligiran ngayon ay kasing-linis ng rnundo noong ito'y lalangin ng Diyos?

Paano natin maibabalik ang dating linis ng ating kapaligiran?

IV.Pagtataya:

Ano sa mga sumusunod ang dapat nating gawin upang makatulong sa pagtataguyod ng kalinisan ng pamayanan?

1.Itapon ang basura sa ilog at sa mga bakanteng lugar

2.Maglagay nn basurahan sa mga pook pampubliko

3.Itapon ang basura kahit saan dahil may basurero namang nagwawalis.

4.Pulutin ang kalat na nadaanan.5.Sipain ng kalat na nadaanan

V.Kasunduan:

Sumulat ng mga paraan kung paano mapananatilrng malinis ang kapaligiran.

LESSON 2I. Layunin:

Isinasaalang-alang ang kalusugan sa pagpapasya tungkol sa kalinisan

II.Paksang Aralin

B.P.:KaIusugan

K.P.:Kalinisan

L.B:Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan

PELC:EKAWP pah. 1

Kagamitan:larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

a.Ano ang masasabi ninyo sa ating kapaligiran?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagpapakita ng larawan (tindahan ng pagkain, marumi at mga langaw)

Anu-ano ang mga napapansin sa larawan?

Kaya ba ninyong bumili o kumain sa ganoong uri ng tindahan Bakit?

Ano ang maaaring idulot ng maruming pagkain sa ating katawan?

2.Anu-ano pa ang mga bagay na maaaring makaapekto sa ating kalusugan bukod sa marurning pagkain?

Paano natin ito maiiwasan?

3.Anu-anc ang mga dapat nating isaalang-alang upang mapanatili nating malusog ang ating katawan?

IV.Pagtataya:

Sagutin ng Tama o Mali

1Kumain ng maraming "fishball" araw-araw.

2.Dapat maligo araw-araw.

3.Lagyan ng takip ang mga pagkain upang huwag dapuan nglangaw.

4.Isuot muli ang damit na natuyuan ng pawis.

5.Panatilihing malinis ang paligid sa pamamagitan ng pagwawalis nito arawaraw.

V.Kasunduan:

Paano ninyo mapananatiling malinis ang inyong kapaligiran upang rnaging ligtas sa karamdarnan?

LESSON 3I. Layunin:

Tumutulong sa pagtataguyod sa kalinisan ng pamayanan sa pamamagitan ng paglalagay ng basurahan sa mga pook pampubliko.

II.Paksang Aralin

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kalinisan

L.B:Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan

PELC:EKAWP pah. 2

II.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang inyong mararamdaman kung malinis at maayos ang inyong kapaligiran?

2.Pagganyak:

Ano ang maaari ninyong gawin para sa inyong barangay upang mapanatili itong nialinis?

B.Panlinang na Gawain

Bakasyon na Nannan

Isang kampanya sa kalinisan ang inilunsad ng Barangay Captain sa nayon , ng Taliptip. Lahat ng mamamayan, bata man o matanda ay pinag-isip kung ano ang maitutulong sa karnpanyang ito.

Si Oscar, Ruel, at Ben ay nag-isip kung ano ang kanilang magagawa. Una nilang naisip ay mamulot ng basura sa paligid, gaya ng qinagawa nila sa loob ng paaralan. May premyo ang mga pinakamaraming mapupulot" sabi ni Oscar.

C.Paglapat

Anong magandang ideya ang naisip ng tatlo para makatulong kampanya sa kalinisan?

Ano sa palagay mo ang kanilang naramdaman pagkatapos na magawa ang pagtulong?

IV.Pagtataya:

May kampanya sa kalinisan, alin sa sumusunod ang nakatulong sa kampanya?

1.Nagwalis si Luisa sa kalye sa tapat ng kanilang bahay.

2.Nag-itsa Si Chito ng ilang balutan rig dumi sa isang lugar na walang tao.

3.Pinulot ni Lorna ang isang balat ng kendi sa tabi ng daan.

4.Kumain ng kendi si Carlo at itinapon niya sa basurahan any balat.

5.Balutin ang "chewing gum" bago itapon sa basurahan.

V.Kasunduan:

Sumulat ng talata at ipaliwanag kung paano makakatulong sa pagpapanatili sa kalinisan.

LESSON 4I. Layunin:

Nagsusuot ng pananggalang gaya ng guwantes upang mapangalagaan ang sarili.

II.Paksang Aralin

Mga Gawaing Pangkaligtasan

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kaangkupang Pisikal

PELC:EKAWP 1.1.1 pah. 3

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang mga mabibigat na gawain na ginagawa mo sa bahay?

2.Pagganyak:

Anu-ano any mga kagamitang maaaring gamitin ss mga gawain tulsd ng paghahalaman sa bakuran?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagpapakita ng larawan ng nagtatanim ng halaman sa bakuran, paghuhukay ng lupa. at iba pa.

Paano mo mapapangangalagaan ang mga kamay sa pagtatanim upang di masugatan o masaktan?

2Pagpapakita ng larawan ng iba't-ibang kagamitan sa pagtatrabaho at ang kabutihang dulot nito.

C. Paglalapat

Bakit mahalaga ang paggamit ng guwantes sa paggawa ng mabibigat na gawain?

IV.Pagtataya:

Ibigay ang kahalagahan ng pagsusuot ng guwantes sa pagtatrabaho

V.Kasunduan:

Gumupit ng rnga larawan no mga kagamitan na mangangalaga sa sarili.

LESSON 5I. Layunin:

Naisasagawa ang gawaing pangkaligtasan tutad ng paglalagay ng marka sa mga lalagyan ng gamut/lason.

II.Paksang Aralin

Paglalagay ng Marka sa mga Lalagyan ng Gamot o Lason

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kaangkupang Pisikal

PELC:EKAWP pah. 3

Kagamitan:Sitwasyon, mga bote ng gamut na may marka

III.Pamamaraan:

A.Paano mo matitiyak ang kaligtasan kung ikaw ay iinom ng gamot?

B.1.Ipakita ang mga bote ng gamot na may marka o pangalan

Ano ang napapansin ninyo sa mga bote?

2.Pagbibigay paliwanag ng guro tungkol dito3.Pagtalakay.

Anu-anong mga pag-iingat ang dapat nating gawin upang maiwasan ang aksidente sa pag-inom ng gamot o lason'

Pagsasagawa ng mga bata sa nnoa gawaing pangkaligtasan

a.nakakalat na mga aspili/karayom

b.paglalagay ng marka sa mga bote.

IV.Pagtataya:

Isulat ang Wasto sa patlang kung tama ang sinasabi ng pangungusap Mali kung hindi tama.

_____ 1.Hayaang magkasama-sama ang bote ng lason at gamot.

_____ 2.Lagyan ng marka ang mga bote ng gamot kung para sa anong sakit ito ginagamit.

_____ 3.Ihiwalay ang gamot ayon sa gamit nito.

_____ 4.Alisin ang mga marka ng bote ng gamot.

_____ 5.Palitan 'ang marka ng naalis sa bote ng gamot.

V.Kasunduan:

Paano ninyo mapananatiiing ligtas ang mga bote ng gamot at lason sa inyong tahanan o paaralan?

LESSON 6I. Layunin:

Napananatili ang kaligtasan sa tahanan sa pamamagitan ng pagliligpit ng mga matutulis na bagay, posporo/lighter sa mga lugar na hind maaabot ng bata.

II.Paksang Aralin

Mga Gawaing Pangkaligtasan

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kaangkupang Pisikal

PELC:EKAWP pah. 4

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Isang araw muntik ng masunog ang tahanan ni Gng Rosa sa palagay ninyo ano ang naging dahilan ng pangyayaring iyon?

B.Panlinang na Gawain

1.Sitwasyon:

Naiwan ni Ate ang kutsilyong ginagamit sa ibabaw ng mesa, lingid sa kaalarnan ng ate ito'y kinuha at pinaglaruan rig kanyang kapatid na may tatlong taong gulang. Ang kutsilyo ay pinaglaruan niya na naging sanhi ng pagkasugat ng kamay nito.

Sino ang dapat sisihin sa nangyari?

Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, ano ang dapat nating laging isasaisip?

2.Anu-ano pang mga bagay ang dapat nating bigyan ng pansin upang mapanatili ang kaligtasan sa loob ng tahanan?

3.Ano ang mga dapat gawin sa mga bagay na makapagbibigay sa atin ng kapahamakan?

4.Kung ikaw ay nasa bahay, anu-anong mga bagay ang kailangang pagtuuan ng pansin upang makaiwas sa aksidente? Paano ka magiging ligtas sa paligid?

IV.Pagtataya:

Ilista ang mga bagay na maaaring itabi dahil mapanganib kung mapaglalaruan ng mga bata.

V.Kasunduan:

Paano ninyo mapananatiling ligtas sa mga matutulis na bagay, posporo, lighter at lason ang inyong mga kasambahay?

LESSON 7I. Layunin:

Nakalalahok sa mga pagsasanay pangkaligtasan tulad ng lindol, o sa panahon ng may sunog at iba pang kalamidad.

II.Paksang Aralin

Mga Gawaing Pangkaligtasan

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kaangkupang Pisikal

PELC:EKAWP 1-13. Pah. 4

Kagamitan:larawan dula-duIaan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang kalikasan?

2.Pagganyak:

Anu-ano ang maaaring malikha ng kalikasan?

Ang kapabayaan na pinagmumulan ng sunog?

Paano ka makapaghahanda kung dumating ang ganitong pagkakataon?

B.Panlinang na Gawain

Pagkukuwerto ng isang kalagayan.-nasa paaralan ka, walang anu-ano'y bigla na lang lumindol, Ano ang gagawin mo?

-biglang nagkaroon ng sunog sa inyong tahanan. Ano ang dapat mong gawin?

Paano mo maililigtas ang iyong sari?

C. Paglalapat

Pagsadula ng mga pagsasanay pangkaligtasan sa panahon ng mga lindol o di kaya'y kung may sunog.

IV.Pagtataya:

Sumulat ng 5 wastong pagsasanay pangkaligtasan sa panahon ng lindol o kaya'y kung may sunog

V.Kasunduan:

Sumulat ng limang tuntuning pangkaligtasan

LESSON 8I. Layunin:

Nakasusunod sa mga tuntuning pangkaligtasan

II.Paksang Aralin

Mga Gawaing Pangkaligtasan

B.P.:Kalusugan

K.P.:Kaangkupang Pisikal

PELC:EKAWP 1. 1.4 pah. 4

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Pagbibigay ng mga halimbawa ng mga sakunang maaaring mangyari sa ating paligid

2.Pagganyak:

Pagpapakita ng mga larawan ng mga sakunang maaaring mangyari sa isang tao tulad ng sakuna sa daan

B.Panlinang na Gawain

SA PAGPUTOK NG BULKAN

Si Virginia ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Mula nang mamatay ang kanyang ina, sa kanya naatang ang bigat ng pagaasikaso sa dalawa niyang kapatid. Ang tatay niya ay isang magsasaka at may taniman ng mga gulay sa gilid ng Buikang Taal.

Isang umaga ay nagigising Si Virginia sa lakas ng putok at pag-uga ng paligid. Ginising niya ang kanyang tatay at mga kapatid. Naging mahinahon siya upang hindi matakot ang kanyang mga kapatid. Narinig niya ang sigaw sa labas na nagsasabing pumutok ang bulkan at kailangang makarating sa tabing dagat.

Nasa isip ni Virginia ang mga tuntuning pangkaligtasan na natutunan niya sa paaralan. Sinunod niya ang mga ito at ligtas silang nakarating sa dalampasigan at naisakay silang magkakapatid sa bangka.

C. Paglalapat

Anong tuntuning pangkaligtasan ang sinunod ni Virginia sa pagkakataong iyon?

Anu-ano ang nararapat gawin kung dumarating ang sakuna?

Paano mo ito paghahandaan?

IV.Pagtataya:

Bilang isang mag-aaral, ano ang gagawin mo sa kaiagayang ito:

1.Anu-ano ang mga paraan upang mapigil ang polusyon sa hangin?

2.Bakit mahalaga ang pangangalaga sa polusyon sa hangin?

3.Sino ang higit na maaapektuhan kung mayroon tayong polusyon sa hangin?

V.Kasunduan:

Sumulat ng 5 dahilan ng pinangagalingan ng polusyon sa hangin.LESSON 9I. Layunin:

Naisasagawa ang paraan sa pagpigil ng polusyon sa hangin tulad ng pagbabaon ng patay na hayop at basurang nangangamoy.

II.Paksang Aralin

Pag-iingat at Pagpigil sa Polusyon

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa Kapaligiran

PELC:EKAWP I, 1.1. pah.5

Kagamitan:larawan,

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu--ano ang iba't-ibang uri ng polusyon?

2.Pagganyak:

Pagpapakita ng mga larawan na nagpapamalas ng pagbabaon ng mga namatay na hayop at mga basurang nangangamoy.

3. Paglalahad:

Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ng mga larawan? Ito ba ay ating laging ginagawa?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad ng kuwento

Si Mario ay isang batang mahilig sa paglalaro at matigas ang ulo isang araw ay inutusan siya ng kanyang Nanay na ibaon ang namatay nilang pusa sa likod bahay. Kinuha niya ang supot na kinalalagyan ng patay na pusa at kanyang itinapon sa kanilang likod-bahay. Mabilis siyang tumakbo sa palaruan at nakipaghabulan sa mga kaibigan.

Kinabukasan sa kanilang hapag-kainan ay dumating ang kanilang aso na bitbit ang nangangarnoy na patay na pusa. Nagalit ang kanyang mga kasambahay dahil hindi pala sinunod ni Mario ang ipinag-uutos sa kanya. Hindi sila nakain dahil sa mabahong amoy. Pinagsabihan siya ng kanyang ina at nangako naman si Marie na hindi na niya uulitin an kanyang pagkakamali.

2.Pagtalakay:1.Ilarawan si Mario.

2.Ano ang inuutos ng Nanay kay Mario?

3.Paano nabisto si Romy?

C. Paglalapat

Bakit dapat na binabaon natin ang patay na hayop at basurang nangangamoy?

D.Paglalapat:

Anu-ano ang mga paraan ng pagpipigil ng polusyon sa hangin?

IV.Pagtataya:

Ipaliwanag sa sariling pangungusap:

Bakit mahalaga ang wastong paraan ng pagpipigil ng polusyon sa halintulad ng pagbabaon ng patay na hayop at basurang nangangamoy?

V.Kasunduan:

Gumawa ng mga plaskard ng wastong pagpipigil sa polusyon sa hangin.

LESSON 10I. Layunin:

Nakikiisa sa pagpipigil sa polusyon sa tubig sa pamamgitan ng pag-iwas ng pagtatapon ng basura sa ilog

II.Paksang Aralin

Pag-iingat at Pagpigil sa Polusyon

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pay-ayon sa Kapaligiran

PELC:EKAWP 1, 1.1 pah 6

Kagamitan:larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bakit pangunahing suliranin pa rin ng mga taga Maynila ang tubig?

2.Pagganyak:

Bakit mahalaga ang tubig sa buhay ng tao?

B.Panlinang na Gawain

1Paglalahad:

Paano tayo nakatitiyak na malinis at ligtas ang tubig na ating iniinom at ginagamit?

2.Pagpapakita ng larawan ng batang nagtatapon ng basura sa ilog.

3.Pagtalakay:a.Bakit kaya namamatay ang mga isda sa ilog?

b.Bakit kaya mabaho ang singaw rig tubig sa ilog na ginagawang tapunan ng mga basura?

c.Bakit maitim ang tubig sa ilog na ginagawang basurahan?

4.Paglalahat:

Ikaw, paano ka makatutulong sa programa ng pamahalaan na maiwasan ang polusyon sa tubig?

C. Paglalapat

Anu-ano ang nararapat nating gawin upang mapigil ang polusyon sa tubig? Magbigay ng rnga halimbawa.

IV.Pagtataya:

Sumulat ng mga paraan kung paano ka makikiisa sa pagpipigil sa polusyon sa ating tubig, lalong lalo na sa tubig.

V.Kasunduan:

Ipaliwanag sa sariling pangungusap: "ANG TUBIG AY BUHAY"LESSON 11I. Layunin:

Tumutulong sa paglilinis ng ilog/kanal/estero

II.Paksang Aralin

Pag-iingat at Pagpipigil sa Polusyon

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa Kapaligiran

PELC:EKAWP I, 1.3. pah. 6

Kagamitan:1arawan, dula-dulaan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang mga anyong tubig?

2.Pagganyak:

Kumakain ba kayo ng talaba, tahong at iba pang yamang dagat?

Bakit kaya kung minsan ay pinagbabawal ang pagkain ng mga ito?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagpapakita ng larawan ng isang lugar sa Maynila na laging binabaha.

2.Pagtalakay:

a.Bakit kaya sa konting ulan ay binabaha kaagad ang ilang bahagi sa Metro Manila?

b.Ano kaya ang dahilan nito?

c.Bakit dapat na iwasan natin ang pagtatapon ng mga basura sa ilog? o sa bangketa?

3.Paglalahat

Bakit kailangang makiisa tayo sa paglilinis ng mga ilog, kanal at estero?

C. Paglalapat

Nagkaroon tayo ng epidemya sa "Dengue" sa maraming bahagi ng Maynila?

Ano kaya ang dahilan nito?

Saan gustong manirahan ng mga lamok, langaw at ipis? Anong sakit ang naidudulot ng maruming ilog, kanal estero?

IV.Pagtataya:

Sabihin king Tama o Mali ang mga sumusunnd na pangungusap:

1.Tumutulong upang umagos ang daloy ng tubig sa kanal.

2.Naiiwasan ang pagtatapon ng dumi sa ilog o kanal.

3Laging lilinisin ang ating mga kanal.

V.Kasunduan:

Gumuhit ng isang larawang nagpapakita ng pagtulong sa paglilinis ng ilog/kanal o estero.

LESSON 12I. Layunin:

Nakakalahok sa mga kampanya laban sa polusyon tulad ng pagpapahina sa pagtugtog ng radyo at telebisyon.

II.Paksang Aralin

Pag-iingat at Pagpigil sa Polusyon

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa Kapaligiran

PELC:EKAWP 1 1.3. pah. 6

Kagamitan:larawan, plaskard

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano ka makatutulong sa paglilinis ng ilog, kanal at estero.

2.Pagganyak:

Anong uri ng polusyon ang nililikha ng ugong o tunog ng tren. eroplano, tambutso ng trak at malakas na tugtog ng radio?

Paano at ano ang naaapektuhan nito?

B.Panlinang na Gawain

Paglalahad ng isang sitwasyon:

1. Ang inyong kapitbahay ay sobrang magpatugtog ng kanilang radyo. Labis na nakabubulahaw sa mga ibang kapit-bahay na may batang natutulong at maysakit Ano ang gagawin mao?

C. Paglalapat

Paano ka makatutulong sa pagsugpo ng polusyon sa ingay?

IV.Pagtataya:

Magbigay ng mga paraan sa pagkampanya laban sa polusyon sa ingay.

V.Kasunduan:

Gumuhit ng larawan ng pakikilahok sa kampanya laban sa polusyon sa ingay.LESSON 13I. Layunin:

Nakakalahok sa mga kampanya laban sa polusyon tulad pagsusumbong sa nnga sasakyang naglalabas ng maiitim na usok.

II.Paksang Aralin

Pag-iingat at Pagpigil sa Polusyon

B.P.:Kalusugan

K.P.:Pag-ayon sa Kapaligiran

PELC:EKAVJP 11.3. pah. 6

Kagamitan:larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Magbigay rig ilang paraan ng pakikilahok sa kampanya laban sa polusyon sa tubig.

2.Pagganyak:

Pagpapakita ng iba't-ibang larawang nagsasaad ng iba't ibang polusyon sa ating kapaligiran. Sabihin kung anong uri ng polusyon ang mga ito

B.Paglalapat

Talakayan sa isang kalagayan

Ang mga tao ay pawang nagtatakip ng panyo sa kanilang mga ilong tuwing may dumaraang sasakyan. Bakit kaya? Anong mayroon ang mga sasakyang nagdaraan? Ano ang naaapektuhan nito?

IV.Pagtataya:

Sagutin sa sariling pangungusap.

Bilang isang mag-aaral sa ika-5 baitang, paano ka makatutulong sa pagsugpo ng polusyon sa mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok.

Kanino ma ito ipaaalam?

Sino ang higit na makatutulong sa pagsugpo nito?

V.Kasunduan:

Paano nakapipinsala sa katawan at kalusugan ng mga tayo ang maitim na usok buhat sa mga sasakyan?

LESSON 14I. Layunin:

Naipagliliwanag na ang karunungan ay dapat gamitin sa ikauunlad at ikabubuti ng sarili.

II.Paksang Aralin

B.P.:Katoohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais- nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 7

Kagamitan:larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-anong kaalaman ang natutuhan ninyo tungkol sa ating katawan?

2.Pagganyak:

Pagpapakita ng larawan ng isang batang malusog, malinis at maayos. Ano arrg masasabi ninyo tungkol sa larawan?

B.Panlinang na Gawain

Dumating nang maaga si Celso sa tipanan nila rig kanyang mga barkada. Masaya siya at masigla.

"Tignan mo Nilo," sabi niya. Tumanggap ako ng paanyaya para sa isang "party". Tiyak na matutuwa ang ating barkada".

"Pero, Celso, tingnan muna natin kung ano at para saan ang "party' iyan. Ang sagot ni Nilo. "Kailanganna maging maingat sa pagtanggap ng mga imbitasyon. Kailangan nating pangalagaan ang ating sarili laban sa masamang elemento."

C. Paglalapat

Ano ang inyong masasabi sa pagtutol ni Nilo sa imtasyong dala ni Celso

Ano ang inyong gagawin kung ikaw si Nilo? Si Celso?

IV.Pagtataya:

Ipaliwanag sa ilang pangungusap ang kahulugan nito:

Ang ating katawan ay isang mahalagang regalo mula sa Diyos Paano natin ito pangangalagaan?

V.Kasunduan:

Niyaya ka ng iyong barkada na mag-eksperimento sa paghitit ng -isang sigarilyo, sabi niya, ano ang gagawin mo?

LESSON 15I. Layunin:

Naipaliliwanag na ang karunungan, ay dapat gamitin sa ikauunlad at ikabubuti ng sarili

II.Paksang Aralin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalman

PELC:EKAWP pah. 7

Kagamitan:larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-anong kaalaman ang natutuhan ninyo tungkol sa ating katawan?

2.Pagganyak:

Pagpapakita ng larawan ng isang batang babaeng malusog ,akinis at malinis.

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa larawan?

B.Panlinang na Gawain

Ang sangkap ng katawan ng isang babae ay iba kaysa sa isang lalaki. Ano ang pagkakaiba? Dahil sa mga pagkakaibang ito ang isang batang babae ay dapat manatiling maingat sa kanyang sarili, sa kanyang katawan. Ano ang mga pag-iingat na ito.

C.Paglalapat

Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon?

1. Isang batang lalaking maharot ang lumapit sa iyo at tangkang kakalabitin.

2. Malapit nang bumagsak ang ulan, gusto mo nang makauwi agad, kayat naghintay ka ng traysikel. May dumating na trysikel, ngunit ang drayber ng traysikel na ito ay may masamang reputasyon sa mga nakasakay na rito. Sasakay ka pa rin ba?IV.Pagtataya:

Paano natin pangangalagaan ang ating katawan laban sa mga taong may masamang isip?

V.Kasunduan:

Ano ang kahalagahan ng pag-iingat sa ating katawan?

LESSON 16I. Layunin:

Naipaliiiwanag na ang karunungan ay dapat gamitin sa ikauunlad at ikabubuti ng sarili.

II.Paksang Aralin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais-nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 7

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang raga gamit na matatagpuan sa inyong mga tahanan? Sa paaralan?

2.Pagganyak:

Paano iniingatan ang mga gamit na ito?

B.Panlinang na Gawain

Nag-uwi ng isang telebisyon ang Tatay mo. Gusto mo na itong subukan upang mapanood ang paborito mong programa. Ano ang gagawin mo?

C. Paglalapat

Ano ang gagawin mo sa susunod na sitwasyon?

1.Ang inyong aralin sa musika ay pag-aaral ng isang bagong awit. Kailangan ang radyo-kaset at "tape". lnutusan ka ng guro na ikaw ang magpatugtog, ngunit hindi mo alam ang pagbubukas ng radyo. Ipagtatapat mo ba na hindi mo alam o hindi mo ipahahalata na wala kang alam? At bakit?

IV.Pagtataya:

1.May mga bagong kagamitan at kasangkapan na uwi ang iyong Tatay na galing sa pagtatrabaho mula sa Saudi. Paano mo malalaman ang paggamit nito?

V.Kasunduan:

Sumulat ng 5 kapakibangan makukuha kung nararagdagan ang inyong kaalaman sa makabagong kagamitan at kasangkapan.

LESSON 17I. Layunin:

Nasisiyasat ang sitwastuan ng sukat, timbang, dami o laki ng mga binibilang na bagay.

II.Paksang Aralin

B.P.:Katotohanan

K.P.:KaalamanI.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais-nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 8III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano mo pinangangalagaan ang mga kasangkapan ninyo sa bahay

2.Pagganyak:

Anu-ano ang mga panukat na matatagpuan sa inyong mga tahanan? sa paaralan? sa mga tindahan?

Pagpapakita ng mga bagay na ginagamit na panukat. Hal. Ruler. tape measure, timbangan, atbp.

B.Panlinang na Gawain

Kung ikaw ay bibili ng prutas, anong panukat ang gagamitin ng tindera sa palagay mo? Paano mo malalaman na hindi ka namahalan sa iyong nabili?

C. Paglalapat

Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon?

1. Pinabili ka ng Nanay mo ng tela. Nakita mo na ang ginawa ng tindera ay sinukat lamang sa kanyang balikat at isang kamay ang tela. Papayag ka ba at bakit?

IV.Pagtataya:

Pinabili ka ng Nanay mo ng asukal. Paano ito susukatin?

V.Kasunduan:

Sumulat ng 5 kapakinabangang makukuha kung nararagdagan ang yong kaalaman sa iba't-ibang panukat at timbangan sa pagbili ng mga gamit.

LESSON 18I. Layunin:

Nakikilala ang kaibahan ng sariwa sa bulok/maruming pagkain

II.Paksang Aralin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais-nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 8

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang ginagamit na panukat sa mga prutas?

2.Pagganyak:

Ano ang paborito mong pagkain?

B.Panlinang na Gawain

Kung ikaw ay bibili ng prutas, halimbawa'y abokado, paano mo malalaman na ang nabili mo ay sariwa?

C.Paglalapat

Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon?

1. Pinabili ka ng Nanay mo ng isda sa palengke. Pinipilit ka ng unang tinderang nilapitan mo na bilhin ang tumpok rig galunggong sa murang halaga. Sa ikalawang tindera, may kamahalan ang kanyang tinda, ngunit sa tingin mo ay mas maganda at sariwa. Alin ang bibilhin mo? At bakit?

IV.Pagtataya:

Sabihin kung wasto o mali ang sumusunod na mga pangungusap:

1.Ang sariwang prutas ay makikilala sa balat.

2.Bumili si Ana ng tinapa. Binalot ng tindera ang tinapa sa diyaryo.

3.Bumibili lamang si Rico ng lutong pagkain kung ito ay nakabalot sa malinis na balutan.

V.Kasunduan:

Ilarawan ang hitsura ng sariwang gulay at prutas.

LESSON 19I. Layunin:

Ginagawa ang nararapat para sa sariling kapakanan at kapakanan ng iba.

II.Paksang Aralin

Paggawa ng Nararapat para sa Sariling Kapakanan at ng Iba

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais-nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 8

Kagamitan :Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano mo malalaman kung sariwa o bulok ang prutas o gulay?

2.Pagganyak:

Naranasan mo na ba any pumili ng gagawin mo?

Ano ang laging isinasaalang-alang mo? Ano ang dapat mong isaisip?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad: Pagbasa sa Sitwasyon

Si Jose ay inutusang magtapon ng basura sa kanto ng kanyang Ina. Habang papunta sa kanto si Jose, bigla siyang napatigil at pinagmasdan ang malabundok na basurang nandoon. Naitanong niya sa sarili kung ano ang idudulot kung daragdagan pa niya any basura. Sino ang maaapektuhan nito?

2.Pagtalakay Sino ang pangunahing tauhan?

Ano ang malaking katanungang sumagi sa isip niya?

Ano ang katangiang ipinakita ni Jose sa binasang sitwasyon?

C. Pangwakas na Gawain1.Paglalahat

Ano ang dapat mong isaisip sa paggawa o pagtupad ng gawain?

2.PaglalapatKung ikaw si Jose, ano rin ba ang gagawin mo? Ano ang isasaalang-alang mo?

IV.Pagtataya:

Lagyan ng tsek (() ang patlang kung tama ang gagawin at ekis (x) kung mali.

1.Bago gumawa ng isang bagay isipin muna ang idudulot nito sa iyo at sa iba.

2.Kung ikaw ang pinuno, gawin mo kung ano ang maganda sa sarili mo.

3.Hayaan mo ang iba, mahalaga'y matupad ang layunin mo

V.Kasunduan:

Anu-anong halimbawa ang magagawa mo para sa ikabubuti ng lahat at sarili? Paano mo to gagawin?LESSON 20I. Layunin:

Nagpapakita ng kawilihan sa pagbasa/pagsusuri ng mga aklat at magasinII.Paksang Aralin

Pagpapakita ng Kawilihan sa pagbasa/Pagsusuri ng Akiat at Magasin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais-nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 8

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang dapat mong isaisip kung gagawin mo ang isang bagay?

2.Pagganyak:

Kung tapos na kayo sa mga gawaing pambahay o pampaaralan, ano ang madalas ninyong gamin sa paglilibang?

Sino sa inyo ang nawiwili sa pagbasa ng aklat at magasin?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad: Pagbasa sa Sitwasyon

Si Eddy ay likas no mahiligin sa pagbasa ng mga aklat at magasin. Pagkatapos ng gawain sa pagsagot sa mga takdang aralin, binabasa niya ang mga aklat o magasin na hinihiram niya sa kanilang silid-aklatan. Nasisiyahan siyang basahin ang mga ito at ikuwento sa mga kaibigan o kamag-aral ang mga nilalaman nito.

2.Pagtalakay

Sino ang pangunahing tauhan?

Ano ang kanyang libangan? Nasisiyahan ba siyang gawin ito?

C.Pangwakas na Gawain

1.PaglalahatAno ang ibubunga ng pagiging maibigin sa pagbabasa? Dapat bang magkaroon ng kawilihan sa pagbasa ng aklat o magasin?

2.PaglalapatNatapos mo ng gawin ang takdang-aralin mo at mga iniutos sa iyo ng nanay. Ano ang gagawin mo sa paglilibang? Gagayahin mo ba si Eddy?

IV.Pagtataya:

Lagyan ng tsek (() ang tamang palagay mo.

Lagi Minsan

Hindi

1.Nagbabasa ng aklat tuwing walang gagawin

2.Mahilig magbasa ng mga magasin

3.Bumibili ng makabuluhang aklat para paglibangan

V.Kasunduan:

1.Anu-anong aklat at magasin ang nais mong basahin?

2.Bakit gusto mo itong basahin?

LESSON 21 I. Layunin:

Naiisip ang kabutihan ng ibang tao bago magbigay ng pasya

II.Paksang Aralin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

PELC:EKAWP 1.1. p.9

Kagamitan : "blackstrips

Inaasahang Kaisipan: Sa pagpapasiya isipin tuwina kung makabubuti sa kapakanan ng iba.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang maitutulong sa atin ng paglalalaan ng oras sa pagbabasa?

2.Pagganyak:

Naranasan mo na bang maghintdy? Ano ang masasabi mo?

B.Panlinang na Gawain

1.Malapit nang umalis ang bus na may "field trip" nang maalala ni Lita na naiwan niya ang kanyang baong pagkain. Ibig niyang utusan ang kanyang kaklase na katabi nya sa bus.

2.Pangkatang gawain

Anong desisyon ang dapat niyang gawin?

3.Paghahanda sa Paglalahad

Isadula ang positibo at negatibong maaaring maging kasunod ng naturang sitwasyon.

4.Paglalahad ng bawat pangkat:

5.Pagtalakay:

Ano ang maaaring mangyari sa kaibigan ni Lita?

Ano ang maaaring ipalit niyang pasiya?

6.Pagbuo ng Kaisipan:

Ano ang dapat isaalang-alang bago magbigay ng pasiya?

7.Paglalapat

Kung ikaw si Lito ganon din ba ang gagawin mo? Bakit?

IV.Pagtataya:

Sagutin ng Oo o Hindi at ipaliwanag ang bawat sagot.

1.Tinitingnan ko ba ang kalagayan ng iba bago ako magpasiya?

2.Pumapayag ba ako na isantabi ang sarili para sa iba?

3.Sumasangguni ba ako sa aking guro bago magpasya sa kapakanan ng aking mga kamag-aral.

V.Kasunduan:

Anong pangyayari sa iyong buhay ang kinailangan mong gumawa ng pasiya na ma kabubuti sa iba?

LESSON 22 I. Layunin:

Bumubuo ng pasya pagkatapos pag -aralan ang dalawang panig ng isang isyu.

II.Paksang Aralin

Sariling Pasya

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

PELC:p.9 EKAWP p. 1-1 1

Kagamitan :mga larawan

Inaasahang Kaisipan:

Ang isang pasya kung makatwiran bago ibigay ang dalawang panig ay pag-aralan.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bakit dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba bago magpasya?

2.Pagganyak:

Kilalanin ang mali sa larawan (mga larawang may dibalanseng bahagi)

B.Panlinang na Gawain

1.Gawain:Palabunutan ng "activity card" na may larawan sa likod at harap

2.Pangkatang Gawain:Suriin ang larawan sa "activity card"

3.Pangkatang Talakayan:Bakit umiiyak ang kapatid?

Bakit itinuturo niya sa kaklase?

Suriin ang kabilang panig

Ibigay ang desisyon

4.Pangkatang Paglalahad:

Pagsasadula ng susunod na tagpo o desisyon

5.Paqtalakay:Suriin ang panig ng kapatid. Ano ang iyong desisyon?

Makatwiran na ba ito? Bakit?

6.Pagbuo ng Kaisipan:

Ano ang dapat gawin bago magpasya?

7. Paglalapat:

Ano ang gagawin mo kung nagkagalit ang dalawa mong kaibigan?

IV.Pagtataya:

Punan ang patlang.Simula ngayon sisikapin kong ________ bago magpasya. Sapagkat _______________.V.Kasunduan:

Maghanda ng dula-dulaan tungkol sa pagbubuo ng pasya.

LESSON 23I. Layunin:

Inaalis ang mga impormasyon na walang kaugnayan sa isyu at walang maidudulot na mabuti sa ibang tao.

II.Paksang Aralin

Sariling Pasya

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

PELC:EKAWP 1.1.1 1. pah. 9

Kagamitan :Larawan, "blacktripe"

Inaasahang Kaisipan:

Mga impormasyong di-kaugnay sa suliranin ay huwag ibigay pagkatdi nakabubuti sa sino pa man

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bakit mahalaga ang manood ng "Balita" araw-araw?

2.Pagganyak:

Ano ang gusto ninyong maging paglaki ninyo?B.Panlinang na Gawain

1.Tingnan ang larawan

2.Pangkatang Gawain:Paano mo iaangkop ang idea sa larawan sa sitwasyon?

Napagalitan ng nanay ang kuya mo dahil sa madalas na pag-uwi nito nang gabi, pinapangaralan siya at panay ang singit ni Ben ng iba pag-atraso sa kanya sa kanyang kuya.

3.Talakayan

Ano sa palagay mo ang ibubunga ng pagsabat ni Ben sa usapan?

Ano ang dapat gawin ni Ben?

Nakakabuti ba ito sa kaniya?

4.Paglalahad ng bawat pangkat

Isadula ang susunod na mangyayari

5.Talakayan

Ano ang dapat timbangin?

6.Pagbubuo ng kaisipan

Ano ang dapat gawin upang mapadali o maiwasan ang paglala ng isag suliranin?

7.Paglalapat

"Staring Time

Magbahagi ng isang karanasang may hawig sa sitwasyong inilahad kanina.

IV.Pagtataya:

Alisin ang di kaugnay na impormasyon sa ikakalutas ng sitwasyon

1.Si Karla ay maraming utang sa kanyang kaklase. Dahil dito sinali.

2.Si Eva ay madalas magsumbong sa kanyang ina, kaya't lagi malakas ang loob niyang makipag-away.

V.Kasunduan:

Magtala ng 2 sariling karanasan na may kinalaman sa aralin.

LESSON 24I. Layunin:

Nagsasaliksik ng sapat na impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang pagkukunan tulad ng naging karanasan.II.Paksang Aralin

Bunga ng Sariling Pasya

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

PELC:p.9 EKAWP p. 1-1 1

Kagamitan :ibatibang aklat at babasahin

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Napagitna ka sa pagtatalo ng iyong dalawang kaibigan. Ano ang iyong gagawin?

2.Pagganyak:

Saang mga bagay tayo makakakuha ng mga impormasyon na lagi nang malapit sa katotohanan?

B.Panlinang na Gawain

1.Ipakita ang mga aklat gayundin ang mga babasahin. Anu-ano ang mga bagay na makukuha mula rito? Alam ninyo ang bukod sa mga ito mayroon tayong iba pang mapagkakatiwalaang pagkukunan ng mga impormasyon? Ito ay ang ating karanasan.

2.Ilahad ang KalagayanHangang-hanga ka sa iyong guro dahil ang galing-galing niyang magpayo sa mga batang may problema. Lahat ay pawang may katotohanan kung kaya't marami ang sa kanyay lumalapit. Minsan, lumapit ka sa kanya at nagtanong "Ma'm saan po kayo nagsasaliklik ng mga bagay na ipinapayo sa amin". Mataman niya akong tiningnan at sinabing ang lahat ay mula is kaniyang mga naging karanasain sa buhay. Sa kanya ko narinig ang mga salita sa wikang ingles na ''Experience is the best Teacher''.

3.Pagtalakaya.Ilarawan ang guro

b.Saan niya kinukuha ang mga na bagay na kanyang ipinapayo?

c.Epektibo ba ang ganitong paraan ng paghahanap ng impormasyon.

C.Pangwakas na Gawain1.Paglalahat:

Maituturing ba ang karanasan ay isang mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon?

2. Paglalapat

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng "Experience is the best teacher?

IV.Pagtataya:

Isulat ang iyong gagawin sa kalagayan sa ibaba.

Produkto ng "broken family" ang iyong matalik na kaibigan at ikaw naman ay galing sa masayang pamilya. Paano mo siya matutulungan kung siya ay naghahanap ng pagmamahal at pang-unawa?

V.Kasunduan:

Iguhit ang larawan ng guro sa kuwentong nabanggit.

LESSON 25I. Layunin:

Nakikilahok nang kusa at aktibo sa mga gawaing pampaaralan

II.Paksang Aralin

Paglahok ng kusa at aktibo sa Gawaing Pampaaralan

B.P. :Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

I.B:Naipamamalas ang Pag-unawa sa Sariling Kakayahan at mga Kahinaan

PELC:p. 11 EKAWP p. 1-1 1

Kagamitan :larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Sumasali ka ba sa mga samahan sa ating paaralan? Saan dapat naaayon ang sasalihan mong samahan?

2.Pagganyak:

Maraming gawain pampaaralan ang issasakatuparan bawat buwan

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad:

Pagbasa ng Sitwasyon

Buwan ng Agosto, kaya ang mega bata ay nagbabalak ng magandang gawain para sa Linggo ng Wika. Isang palatuntunan ang idinaraos para sa okasyong ito. Nang malaman ito ni Josie, kaagad siyang nagprisinta kay Gng. Santos, ang kanilang guro. na isali siya sa pagtula. Tuwang-tuwa ang guro sa inasal ni Josie.

2.Pagtalakay:Sino ang pangunahing tauhan?

Bakit may idinaraos na palatuntunan sa paaralan?

Ano ang kaagad na ginawa ni Josie?

Dapat bang tularan siya?

C. Pangwakas na Gawain:1.Paglalahat

Ano ang dapat gawin kung may gawaing pampaaralan?

Anu-ano ang mga katangiang dapat mong ipamalas?

2.PaglalapatAraw ng pagkakaisa ng mga Bansa. Ang bawat klase ay magpapakita ng isang palabas. Ano ang nararapat nating gawin?

IV.Pagtataya:

Piliin ang tamang sagot

1.May palatuntunan sa inyong paaralan at ang inyong pangkat ang mamumuno. Ano ang iyong gagawin

a.Pababayaan sila

b.Sumali at makipagtulungan sa kasapi

k.Sumali ngunit limitahan ang pagtulong

2.Nais mong sumali sa paligsahan sa pagtula. Ano ang gagawin mo?

a.Lalapit sa namumuno at magpapalista

b.Magpapalista pero aayaw sa oras ng labanan

k.Huwag sumali at itoy sagabal lamang

V.Kasunduan:

1.Anu-anong gawain ang sinasalihan mo sa paaralan?

2.Paano mo maipapakita ang pagiging aktibo sa mga gawaing pampaaralan?

LESSON 26I. Layunin:

Nakakasali sa mga samahan ayon sa hilig o interes

II.Paksang Aralin

Pagsali sa mga samahan ayon sa hilig o interes

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong pagkilala sa Sarili

I.B:Naipamamalas ang Pag-unawa sa Sariling Kakayahan at mga Kahinaan

PELC:p. 11 EKAWP p. 1-1 1

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Pagganyak:

Anu-ano ang mga samahang nasa ating paaralan?

Alin dito ang interesado kayong salihan? Bakit?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad: Pagbasa ng Sitwasyon

Pagkatapos ng klase, dumaan si Ben sa harap ng tanggapan ng punong-guro. Doon ay may isang "bulletin board" na nakapaskil ang mga panawagan sa mga batang nais sumali sa iba't-ibang samahan. Pinag-aaralan ni Ben ang listahan. Bigla siyang napangiti nang nabasa ang samahan para sa mga batang mahilig sa pagguhit. Ito ang kanyang sasalihan dahil mahilig siya sa pagguhit.

2PagtalakaySino ang pangunahing tauhan?

Ano ang ginagawa niya pagkatapos ng klase? .Anong samahan kaya ang sasalihan niya? Bakit? Tama kaya ang gagawin niya?

C.Pangwakas na Gawain:

1. PaglalahatSaan dapat naaayon ang sasalihan mong samahan? Ano ang dapat mayroon sa pagsali sa isang samahan?

2.PaglalapatSa inyong paaralan ay mayroon din iba't-ibang samahan .Anong samahan ang sasalihan mo at bakit ito ang pinili?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang rnga sumusunod na tanong.

1.Dapat bang sumali sa mga samahan sa ating paaralan?

2.Dapat bang may interes ka sa sinalihan mong samahan?

3.Dapat bang ipakita mo ang iyong galing dito?

V.Kasunduan:

1.Anong samahan sa paaralan ang nais mong salihan?

2.Bakit ito ang iyong pinili?LESSON 27I. Layunin:

Naibabahagi ang talino sa kapwa

II.Paksang Aralin

Pagbabahagi ng Talino sa Kapwa

B.P. :Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

I.B:Naipamamalas ang Pag-unawa sa Sariling Kakayahan at mga Kahinaan

PELC:p. 11 EKAWP p. 1-1 1

Kagamitan :larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-anong dapat gawin kung may gawang pampaaralan? Anu-ano ang mga katangiang dapat mong ipamalas?

2.Pagganyak:

Anu-ano ang mga gawain sa loob ng silid-aralan? Naipamamalas mo ba dito ang iyong talino? Paano?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad:

Pagbasa ng Sitwasyon

Masayang pumasok sa paaraan si Noli. Sa Hekasi magkakaroon sila ng talakayan. Ibinabahagi ni Noli ang kanyang mga nalaman sa pagbabasa ng mga aklat at magasin Hindi niya ipinagmamaramot ang mga impormasyong kanyang natutinan sa pagbabasa. Dahil dito, maraming karagdagang kaalarnan ang nabatid ng kanyang kaklase. Tuwang-tuwa sila.

2.Pagtalakay Sino ang pangunahing tauhan?

Ano ang ginagawa ni Noli sa kanyang mga nalalaman? Ano ang naging bunga nito?

Dapat ba siyang tularan?

C.Pangwakas na Gawain:

1.PaglalahatAno ang nararapat gawin kung may nalalaman ka o natatanging talino?

2.PaglalapatMahusay ka sa paggawa ng rnga artipisyal na bulaklak Ang inyong silid sa ''Home Economics" ay dapat lagyan nito. Ano ang iyong gagawin?

IV.Pagtataya:

Tama o Mali

_____ 1.Huwag mong sabihin sa iba ang nalalaman mo sa pagluluto.

_____ 2.Ang talino ay dapat ibahagi sa ibang tao

_____ 3.Kung alam mong gumawa ng mga pang-dekorasyon, Ituro mo ito sa mga kaibigan mo.

V.Kasunduan:

1.Anu-anong kaalaman o talino ang nais mong ibahagi sa iyong mga kaibigan?

2.Paano mo ito ibabahagi?

LESSON 28I. Layunin:

Naibibigay ng mungkahi sa ikagaganda ng samahan

II.Paksang Aralin

Pagbibigay ng Mungkahi sa Ikagaganda ng Samahan

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

I.B

:Naipamamalas ang Pag-unawa sa Sariling Kakayahan at mga Kahinaan

PELC:p. 11 EKAWP p. 1-1 1

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang nararapat mong gawin kung may natatanging talino o kakayahan ka?

2.Pagganyak:

Ano ang iyong gagawin kung may nakita kung dapat baguhin sa inyong samahan?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad: Pagbasa ng Sitwasyon

Kasali si Mark sa samahan ng mga batang may hilig sa Matematika. Masaya ang kanilang samahan.Ngunit may napansin Si Mark. Madalas lumiban ang mga opisyal nila. Isang araw, sa kanilang pulong, nasabi niya sa harap ng lahat ang kanyang napapansin. Ayaw niyang masira ang kanilang samahan bagkus umunlad pa ito. Sa mahinahon na paraan nagbigay siya ng mungkahi.

2.PagtalakaySino ang pangunahing tauhan?

Ano ang ginagawa niya isang araw?

Sa iyong palagay, maganda kaya ang ibubunga nito? Bakit?

Tama ba ang ginagawa ni Mark?

C.Pangwakas na Gawain:

1.PaglalahatAno ang nararapat mong gawin kung may napupuna ka sa inyong samahan? Paano mo to sasabihin?

2.PaglalapatNapansin mong kaunti lamang ang gawain sa inyong samahan. Ano ang gagawin mo bilang kasapi ng nagmamalasakit?

IV.Pagtataya:

1.Anong mungkahi ang ibibigay mo kung nag-aaway ang mga kasapi?

V.Kasunduan:

1.Anong mungkahi ang ipapaalam mo kung nalalabag na ang mga tuntunin ng samahan

LESSON 29I. Layunin:

Lumalahok sa mga pagplano/pagpasya ng mga gawain ng samahan

II.Paksang Aralin

Paglahok sa mga Pagplano/Pagpasya ng mga Gawain ng Samahan

B.P. :Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

I.B :Naipamamalas ang Pag-unawa sa Sariling Kakayahan at mga Kahinaan

PELC:p. 12 EKAWP p. 1-1 1

Kagamitan :larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang nararapat mong gawin kung may napupuna ka sa inyong samahan? Paano mo to sasabihin?

2.Pagganyak:

Bilang kasapi ng isang samahan, paano ka nakikibahagi? Sumasali ka ba sa pagpaplano?

B.Panlinang na Gawain

1.PaglalahadPagbasa ng Sitwasyon

Si Carlos ay kasapi sa samahan para sa mga batang mahilig sa pagguhit. Nais ng samahan na umunlad ang kanilang kaalaman sa pagguhit. Nagbigay ng mungkahi si Carlos. Sinabi niya na maaari nilang kumbidahin ang isang pintor na kakilala niya upang turuan ang kanilang samahan. Masayang sumang-ayon ang pangkat.

2.Pagsusuri Sino ang pangunahing tauhan?

Ano ang suliranin ng samahan?

Ano ang mungkahi ni Carlos?

Tama ba ang ginagawa ni Carlos?

C.Pangwakas na Gawain:

1PaglalahatAno ang nararapat gawin ng isang kasapi sa mga gawain ng samahan? Dapat ka bang sumali sa pagpaplano?

2.Paglalapat

Bilang isang aktibong kasapi ng samahan, ano ang dapat mong gawin kung may pagpaplanong gagawin ang pangkat?

IV.Pagtataya:

Pillin ang tamang sagot

1.Alam mo ang kasagutan sa suliranin ng samahan, ano ang gagawin ono?

a.Tatahimik na lang

b.Aalis at magkukunwaring hindi alam ang kasagutan

c.Makikilahok sa pagpapasya

2.Ginaganyak kayo na inyong pinuno na sumali sa pagpapasya sa samahan, ano ang gagawin mo?

a.Tutugon sa panawagan ng pinuno

b.Pabayaan siya sa kanyang panawagan

c.Umalis at huwag ng sumali sa samahan

V.Kasunduan:

1.Sumali ka ba sa pagpaplano ng samahan?

2.Ano ang iyong ibinabahagi sa samahan?

LESSON 30I. Layunin:

Naipagliliwanag na ang karunungan ay dapat gamitin sa ikauunlad at ikabubuti ng sarili.

II.Paksang Aralin

B.P.:Katoohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais- nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 7

Kagamitan:larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-anong kaalaman ang natutuhan ninyo tungkol sa ating katawan?

2.Pagganyak:

Pagpapakita ng larawan ng isang batang malusog, malinis at maayos. Ano arrg masasabi ninyo tungkol sa larawan?

B.Panlinang na Gawain

Dumating nang maaga si Celso sa tipanan nila rig kanyang mga barkada. Masaya siya at masigla.

"Tignan mo Nilo," sabi niya. Tumanggap ako ng paanyaya para sa isang "party". Tiyak na matutuwa ang ating barkada".

"Pero, Celso, tingnan muna natin kung ano at para saan ang "party' iyan. Ang sagot ni Nilo. "Kailanganna maging maingat sa pagtanggap ng mga imbitasyon. Kailangan nating pangalagaan ang ating sarili laban sa masamang elemento."

C. Paglalapat

Ano ang inyong masasabi sa pagtutol ni Nilo sa imtasyong dala ni Celso

Ano ang inyong gagawin kung ikaw si Nilo? Si Celso?

IV.Pagtataya:

Ipaliwanag sa ilang pangungusap ang kahulugan nito:

Ang ating katawan ay isang mahalagang regalo mula sa Diyos Paano natin ito pangangalagaan?

V.Kasunduan:

Niyaya ka ng iyong barkada na mag-eksperimento sa paghitit ng -isang sigarilyo, sabi niya, ano ang gagawin mo?

LESSON 31I. Layunin:

Naipaliliwanag na ang karunungan, ay dapat gamitin sa ikauunlad at ikabubuti ng sarili

II.Paksang Aralin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalman

PELC:EKAWP pah. 7

Kagamitan:larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-anong kaalaman ang natutuhan ninyo tungkol sa ating katawan?

2.Pagganyak:

Pagpapakita ng larawan ng isang batang babaeng malusog ,akinis at malinis.

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa larawan?

B.Panlinang na Gawain

Ang sangkap ng katawan ng isang babae ay iba kaysa sa isang lalaki. Ano ang pagkakaiba? Dahil sa mga pagkakaibang ito ang isang batang babae ay dapat manatiling maingat sa kanyang sarili, sa kanyang katawan. Ano ang mga pag-iingat na ito.

C.Paglalapat

Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon?

3. Isang batang lalaking maharot ang lumapit sa iyo at tangkang kakalabitin.

4. Malapit nang bumagsak ang ulan, gusto mo nang makauwi agad, kayat naghintay ka ng traysikel. May dumating na trysikel, ngunit ang drayber ng traysikel na ito ay may masamang reputasyon sa mga nakasakay na rito. Sasakay ka pa rin ba?IV.Pagtataya:

Paano natin pangangalagaan ang ating katawan laban sa mga taong may masamang isip?

V.Kasunduan:

Ano ang kahalagahan ng pag-iingat sa ating katawan?

LESSON 32I. Layunin:

Naipaliiiwanag na ang karunungan ay dapat gamitin sa ikauunlad at ikabubuti ng sarili.

II.Paksang Aralin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais-nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 7

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang raga gamit na matatagpuan sa inyong mga tahanan? Sa paaralan?

2.Pagganyak:

Paano iniingatan ang mga gamit na ito?

B.Panlinang na Gawain

Nag-uwi ng isang telebisyon ang Tatay mo. Gusto mo na itong subukan upang mapanood ang paborito mong programa. Ano ang gagawin mo?

C. Paglalapat

Ano ang gagawin mo sa susunod na sitwasyon?

1.Ang inyong aralin sa musika ay pag-aaral ng isang bagong awit. Kailangan ang radyo-kaset at "tape". lnutusan ka ng guro na ikaw ang magpatugtog, ngunit hindi mo alam ang pagbubukas ng radyo. Ipagtatapat mo ba na hindi mo alam o hindi mo ipahahalata na wala kang alam? At bakit?

IV.Pagtataya:

1.May mga bagong kagamitan at kasangkapan na uwi ang iyong Tatay na galing sa pagtatrabaho mula sa Saudi. Paano mo malalaman ang paggamit nito?

V.Kasunduan:

Sumulat ng 5 kapakibangan makukuha kung nararagdagan ang inyong kaalaman sa makabagong kagamitan at kasangkapan.

LESSON 33I. Layunin:

Nasisiyasat ang sitwastuan ng sukat, timbang, dami o laki ng mga binibilang na bagay.

II.Paksang Aralin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais-nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 8

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano mo pinangangalagaan ang mga kasangkapan ninyo sa bahay

2.Pagganyak:

Anu-ano ang mga panukat na matatagpuan sa inyong mga tahanan? sa paaralan? sa mga tindahan?

Pagpapakita ng mga bagay na ginagamit na panukat. Hal. Ruler. tape measure, timbangan, atbp.

B.Panlinang na Gawain

Kung ikaw ay bibili ng prutas, anong panukat ang gagamitin ng tindera sa palagay mo? Paano mo malalaman na hindi ka namahalan sa iyong nabili?

C. Paglalapat

Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon?

1. Pinabili ka ng Nanay mo ng tela. Nakita mo na ang ginawa ng tindera ay sinukat lamang sa kanyang balikat at isang kamay ang tela. Papayag ka ba at bakit?

IV.Pagtataya:

Pinabili ka ng Nanay mo ng asukal. Paano ito susukatin?

V.Kasunduan:

Sumulat ng 5 kapakinabangang makukuha kung nararagdagan ang yong kaalaman sa iba't-ibang panukat at timbangan sa pagbili ng mga gamit.

LESSON 34I. Layunin:

Nakikilala ang kaibahan ng sariwa sa bulok/maruming pagkain

II.Paksang Aralin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais-nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 8

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang ginagamit na panukat sa mga prutas?

2.Pagganyak:

Ano ang paborito mong pagkain?

B.Panlinang na Gawain

Kung ikaw ay bibili ng prutas, halimbawa'y abokado, paano mo malalaman na ang nabili mo ay sariwa?

C.Paglalapat

Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon?

1. Pinabili ka ng Nanay mo ng isda sa palengke. Pinipilit ka ng unang tinderang nilapitan mo na bilhin ang tumpok rig galunggong sa murang halaga. Sa ikalawang tindera, may kamahalan ang kanyang tinda, ngunit sa tingin mo ay mas maganda at sariwa. Alin ang bibilhin mo? At bakit?

IV.Pagtataya:

Sabihin kung wasto o mali ang sumusunod na mga pangungusap:

1.Ang sariwang prutas ay makikilala sa balat.

2.Bumili si Ana ng tinapa. Binalot ng tindera ang tinapa sa diyaryo.

3.Bumibili lamang si Rico ng lutong pagkain kung ito ay nakabalot sa malinis na balutan.

V.Kasunduan:

Ilarawan ang hitsura ng sariwang gulay at prutas.

LESSON 35I. Layunin:

Ginagawa ang nararapat para sa sariling kapakanan at kapakanan ng iba.

II.Paksang Aralin

Paggawa ng Nararapat para sa Sariling Kapakanan at ng Iba

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais-nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 8

Kagamitan :Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Paano mo malalaman kung sariwa o bulok ang prutas o gulay?

2.Pagganyak:

Naranasan mo na ba any pumili ng gagawin mo?

Ano ang laging isinasaalang-alang mo? Ano ang dapat mong isaisip?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad: Pagbasa sa Sitwasyon

Si Jose ay inutusang magtapon ng basura sa kanto ng kanyang Ina. Habang papunta sa kanto si Jose, bigla siyang napatigil at pinagmasdan ang malabundok na basurang nandoon. Naitanong niya sa sarili kung ano ang idudulot kung daragdagan pa niya any basura. Sino ang maaapektuhan nito?

2.Pagtalakay Sino ang pangunahing tauhan?

Ano ang malaking katanungang sumagi sa isip niya?

Ano ang katangiang ipinakita ni Jose sa binasang sitwasyon?

C. Pangwakas na Gawain1.Paglalahat

Ano ang dapat mong isaisip sa paggawa o pagtupad ng gawain?

2.PaglalapatKung ikaw si Jose, ano rin ba ang gagawin mo? Ano ang isasaalang-alang mo?

IV.Pagtataya:

Lagyan ng tsek (() ang patlang kung tama ang gagawin at ekis (x) kung mali.

1.Bago gumawa ng isang bagay isipin muna ang idudulot nito sa iyo at sa iba.

2.Kung ikaw ang pinuno, gawin mo kung ano ang maganda sa sarili mo.

3.Hayaan mo ang iba, mahalaga'y matupad ang layunin mo

V.Kasunduan:

Anu-anong halimbawa ang magagawa mo para sa ikabubuti ng lahat at sarili? Paano mo to gagawin?

LESSON 36I. Layunin:

Nagpapakita ng kawilihan sa pagbasa/pagsusuri ng mga aklat at magasin

II.Paksang Aralin

Pagpapakita ng Kawilihan sa pagbasa/Pagsusuri ng Akiat at Magasin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Kaalaman

I.B:Naipamamalas ang kagustuhang nais na tuklasin ang katotohan at mga

kanais-nais na gawi ng pagtuklas ng katotohanan.

PELC:EKAWP pah. 8

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang dapat mong isaisip kung gagawin mo ang isang bagay?

2.Pagganyak:

Kung tapos na kayo sa mga gawaing pambahay o pampaaralan, ano ang madalas ninyong gamin sa paglilibang?

Sino sa inyo ang nawiwili sa pagbasa ng aklat at magasin?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad: Pagbasa sa Sitwasyon

Si Eddy ay likas no mahiligin sa pagbasa ng mga aklat at magasin. Pagkatapos ng gawain sa pagsagot sa mga takdang aralin, binabasa niya ang mga aklat o magasin na hinihiram niya sa kanilang silid-aklatan. Nasisiyahan siyang basahin ang mga ito at ikuwento sa mga kaibigan o kamag-aral ang mga nilalaman nito.

2.Pagtalakay

Sino ang pangunahing tauhan?

Ano ang kanyang libangan? Nasisiyahan ba siyang gawin ito?

C.Pangwakas na Gawain

1.PaglalahatAno ang ibubunga ng pagiging maibigin sa pagbabasa? Dapat bang magkaroon ng kawilihan sa pagbasa ng aklat o magasin?

2.PaglalapatNatapos mo ng gawin ang takdang-aralin mo at mga iniutos sa iyo ng nanay. Ano ang gagawin mo sa paglilibang? Gagayahin mo ba si Eddy?

IV.Pagtataya:

Lagyan ng tsek (() ang tamang palagay mo.LagiMinsanHindi

1.Nagbabasa ng aklat tuwing walang gagawin

2.Mahilig magbasa ng mga magasin

3.Bumibili ng makabuluhang aklat para paglibangan

V.Kasunduan:

1.Anu-anong aklat at magasin ang nais mong basahin?

2.Bakit gusto mo itong basahin?

LESSON 37I. Layunin:

Naiisip ang kabutihan ng ibang tao bago magbigay ng pasya

II.Paksang Aralin

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

PELC:EKAWP 1.1. p.9

Kagamitan : "blackstrips

Inaasahang Kaisipan:

Sa pagpapasiya isipin tuwina kung makabubuti sa kapakanan ng iba.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-ano ang maitutulong sa atin ng paglalalaan ng oras sa pagbabasa?

2.Pagganyak:

Naranasan mo na bang maghintay? Ano ang masasabi mo?

B.Panlinang na Gawain

1.Malapit nang umalis ang bus na may "field trip" nang maalala ni Lita na naiwan niya ang kanyang baong pagkain. Ibig niyang utusan ang kanyang kaklase na katabi nya sa bus.

2.Pangkatang gawain

Anong desisyon ang dapat niyang gawin?

3.Paghahanda sa Paglalahad

Isadula ang positibo at negatibong maaaring maging kasunod ng naturang sitwasyon.

4.Paglalahad ng bawat pangkat:

5.Pagtalakay:

Ano ang maaaring mangyari sa kaibigan ni Lita?

Ano ang maaaring ipalit niyang pasiya?

6.Pagbuo ng Kaisipan:

Ano ang dapat isaalang-alang bago magbigay ng pasiya?

7.Paglalapat

Kung ikaw si Lito ganon din ba ang gagawin mo? Bakit?

IV.Pagtataya:

Sagutin ng Oo o Hindi at ipaliwanag ang bawat sagot.

1.Tinitingnan ko ba ang kalagayan ng iba bago ako magpasiya?

2.Pumapayag ba ako na isantabi ang sarili para sa iba?

3.Sumasangguni ba ako sa aking guro bago magpasya sa kapakanan ng aking mga kamag-aral.

V.Kasunduan:

Anong pangyayari sa iyong buhay ang kinailangan mong gumawa ng pasiya na ma kabubuti sa iba?

LESSON 38I. Layunin:

Bumubuo ng pasya pagkatapos pag -aralan ang dalawang panig ng isang isyu.

II.Paksang Aralin

Sariling Pasya

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

PELC:p.9 EKAWP p. 1-1 1

Kagamitan :mga larawan

Inaasahang Kaisipan:

Ang isang pasya kung makatwiran bago ibigay ang dalawang panig ay pag-aralan.

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bakit dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba bago magpasya?

2.Pagganyak:

Kilalanin ang mali sa larawan (mga larawang may dibalanseng bahagi)

B.Panlinang na Gawain

1.Gawain:Palabunutan ng "activity card" na may larawan sa likod at harap

2.Pangkatang Gawain:Suriin ang larawan sa "activity card"

3.Pangkatang Talakayan:Bakit umiiyak ang kapatid?

Bakit itinuturo niya sa kaklase?

Suriin ang kabilang panig

Ibigay ang desisyon

4.Pangkatang Paglalahad:

Pagsasadula ng susunod na tagpo o desisyon

5.Paqtalakay:Suriin ang panig ng kapatid. Ano ang iyong desisyon?

Makatwiran na ba ito? Bakit?

6.Pagbuo ng Kaisipan:

Ano ang dapat gawin bago magpasya?

8. Paglalapat:

Ano ang gagawin mo kung nagkagalit ang dalawa mong kaibigan?

IV.Pagtataya:

Punan

Simula ngayon sisikapin kong ________ bago magpasya. Sapagkat _______________.

V.Kasunduan:

Maghanda ng dula-dulaan tungkol sa pagbubuo ng pasya.

LESSON 39I. Layunin:

Inaalis ang mga impormasyon na walang kaugnayan sa isyu at walang maidudulot na mabuti sa ibang tao.

II.Paksang Aralin

Sariling Pasya

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

PELC:EKAWP 1.1.1 1. pah. 9

Kagamitan :Larawan, "blacktripe"

Inaasahang Kaisipan:

Mga impormasyong di-kaugnay sa suliranin ay huwag ibigay pagkatdi nakabubuti sa sino pa man

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bakit mahalaga ang manood ng "Balita" araw-araw?

2.Pagganyak:

Ano ang gusto ninyong maging paglaki ninyo?

B.Panlinang na Gawain

1.Tingnan ang larawan

2.Pangkatang Gawain:Paano mo iaangkop ang idea sa larawan sa sitwasyon?

Napagalitan ng nanay ang kuya mo dahil sa madalas na pag-uwi nito nang gabi, pinapangaralan siya at panay ang singit ni Ben ng iba pag-atraso sa kanya sa kanyang kuya.

3.Talakayan

Ano sa palagay mo ang ibubunga ng pagsabat ni Ben sa usapan?

Ano ang dapat gawin ni Ben?

Nakakabuti ba ito sa kaniya?

4.Paglalahad ng bawat pangkat

Isadula ang susunod na mangyayari

5.Talakayan

Ano ang dapat timbangin?

6.Pagbubuo ng kaisipan

Ano ang dapat gawin upang mapadali o maiwasan ang paglala ng isag suliranin?

7.Paglalapat

"Staring Time

Magbahagi ng isang karanasang may hawig sa sitwasyong inilahad kanina.

IV.Pagtataya:

Alisin ang di kaugnay na impormasyon sa ikakalutas ng sitwasyon

1.Si Karla ay maraming utang sa kanyang kaklase. Dahil dito sinali.

2.Si Eva ay madalas magsumbong sa kanyang ina, kaya't lagi malakas ang loob niyang makipag-away.

V.Kasunduan:

Magtala ng 2 sariling karanasan na may kinalaman sa aralin.

LESSON 40I. Layunin:

Nagsasaliksik ng sapat na impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang pagkukunan tulad ng naging karanasan.II.Paksang Aralin

Bunga ng Sariling Pasya

B.P.:Katotohanan

K.P.:Mapanuring Pag-iisip

PELC:p.9 EKAWP p. 1-1 1

Kagamitan :ibatibang aklat at babasahin

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Napagitna ka sa pagtatalo ng iyong dalawang kaibigan. Ano ang iyong gagawin?

2.Pagganyak:

Saang mga bagay tayo makakakuha ng mga impormasyon na lagi nang malapit sa katotohanan?

B.Panlinang na Gawain

1.Ipakita ang mga aklat gayundin ang mga babasahin. Anu-ano ang mga bagay na makukuha mula rito? Alam ninyo ang bukod sa mga ito mayroon tayong iba pang mapagkakatiwalaang pagkukunan ng mga impormasyon? Ito ay ang ating karanasan.

2.Ilahad ang KalagayanHangang-hanga ka sa iyong guro dahil ang galing-galing niyang magpayo sa mga batang may problema. Lahat ay pawang may katotohanan kung kaya't marami ang sa kanyay lumalapit. Minsan, lumapit ka sa kanya at nagtanong "Ma'm saan po kayo nagsasaliklik ng mga bagay na ipinapayo sa amin". Mataman niya akong tiningnan at sinabing ang lahat ay mula is kaniyang mga naging karanasain sa buhay. Sa kanya ko narinig ang mga salita sa wikang ingles na ''Experience is the best Teacher''.

3.Pagtalakaya.Ilarawan ang guro

b.Saan niya kinukuha ang mga na bagay na kanyang ipinapayo?

c.Epektibo ba ang ganitong paraan ng paghahanap ng impormasyon.

C.Pangwakas na Gawain

1.Paglalahat:

Maituturing ba ang karanasan ay isang mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon?

3. Paglalapat

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng "Experience is the best teacher?

IV.Pagtataya:

Isulat ang iyong gagawin sa kalagayan sa ibaba.

Produkto ng "broken family" ang iyong matalik na kaibigan at ikaw naman ay galing sa masayang pamilya. Paano mo siya matutulungan kung siya ay naghahanap ng pagmamahal at pang-unawa?

V.Kasunduan:

Iguhit ang larawan ng guro sa kuwentong nabanggit.

LESSON 41I. Layunin:

Nakikilahok nang kusa at aktibo sa mga gawaing pampaaralan

II.Paksang Aralin

Paglahok ng kusa at aktibo sa Gawaing Pampaaralan

B.P. :Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

I.B:Naipamamalas ang Pag-unawa sa Sariling Kakayahan at mga Kahinaan

PELC:p. 11 EKAWP p. 1-1 1

Kagamitan :larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Sumasali ka ba sa mga samahan sa ating paaralan? Saan dapat naaayon ang sasalihan mong samahan?

2.Pagganyak:

Maraming gawain pampaaralan ang issasakatuparan bawat buwan

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad:

Pagbasa ng Sitwasyon

Buwan ng Agosto, kaya ang mega bata ay nagbabalak ng magandang gawain para sa Linggo ng Wika. Isang palatuntunan ang idinaraos para sa okasyong ito. Nang malaman ito ni Josie, kaagad siyang nagprisinta kay Gng. Santos, ang kanilang guro. na isali siya sa pagtula. Tuwang-tuwa ang guro sa inasal ni Josie.

2.Pagtalakay:Sino ang pangunahing tauhan?

Bakit may idinaraos na palatuntunan sa paaralan?

Ano ang kaagad na ginawa ni Josie?

Dapat bang tularan siya?

D. Pangwakas na Gawain:

1.Paglalahat

Ano ang dapat gawin kung may gawaing pampaaralan?

Anu-ano ang mga katangiang dapat mong ipamalas?

2.PaglalapatAraw ng pagkakaisa ng mga Bansa. Ang bawat klase ay magpapakita ng isang palabas. Ano ang nararapat nating gawin?

IV.Pagtataya:

Piliin ang tamang sagot

1.May palatuntunan sa inyong paaralan at ang inyong pangkat ang mamumuno. Ano ang iyong gagawin

a.Pababayaan sila

b.Sumali at makipagtulungan sa kasapi

k.Sumali ngunit limitahan ang pagtulong

2.Nais mong sumali sa paligsahan sa pagtula. Ano ang gagawin mo?

a.Lalapit sa namumuno at magpapalista

b.Magpapalista pero aayaw sa oras ng labanan

k.Huwag sumali at itoy sagabal lamang

V.Kasunduan:

1.Anu-anong gawain ang sinasalihan mo sa paaralan?

2.Paano mo maipapakita ang pagiging aktibo sa mga gawaing pampaaralan?

LESSON 42I. Layunin:

Nakakasali sa mga samahan ayon sa hilig o interes

II.Paksang Aralin

Pagsali sa mga samahan ayon sa hilig o interes

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong pagkilala sa Sarili

I.B:Naipamamalas ang Pag-unawa sa Sariling Kakayahan at mga Kahinaan

PELC:p. 11 EKAWP p. 1-1 1

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Pagganyak:

Anu-ano ang mga samahang nasa ating paaralan?

Alin dito ang interesado kayong salihan? Bakit?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad: Pagbasa ng Sitwasyon

Pagkatapos ng klase, dumaan si Ben sa harap ng tanggapan ng punong-guro. Doon ay may isang "bulletin board" na nakapaskil ang mga panawagan sa mga batang nais sumali sa iba't-ibang samahan. Pinag-aaralan ni Ben ang listahan. Bigla siyang napangiti nang nabasa ang samahan para sa mga batang mahilig sa pagguhit. Ito ang kanyang sasalihan dahil mahilig siya sa pagguhit.

2PagtalakaySino ang pangunahing tauhan?

Ano ang ginagawa niya pagkatapos ng klase? .Anong samahan kaya ang sasalihan niya? Bakit? Tama kaya ang gagawin niya?

C.Pangwakas na Gawain:

1. PaglalahatSaan dapat naaayon ang sasalihan mong samahan? Ano ang dapat mayroon sa pagsali sa isang samahan?

2.PaglalapatSa inyong paaralan ay mayroon din iba't-ibang samahan .Anong samahan ang sasalihan mo at bakit ito ang pinili?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang rnga sumusunod na tanong.

1.Dapat bang sumali sa mga samahan sa ating paaralan?

2.Dapat bang may interes ka sa sinalihan mong samahan?

3.Dapat bang ipakita mo ang iyong galing dito?

V.Kasunduan:

1.Anong samahan sa paaralan ang nais mong salihan?

2.Bakit ito ang iyong pinili?

LESSON 43I. Layunin:

Naibabahagi ang Talino sa Kapwa

II.Paksang Aralin

Pagbabahagi ng Talino sa Kapwa

B.P. :Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

I.B:Naipamamalas ang Pag-unawa sa Sariling Kakayahan at mga Kahinaan

PELC:p. 11 EKAWP p. 1-1 1

Kagamitan :larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Anu-anong dapat gawin kung may gawang pampaaralan? Anu-ano ang mga katangiang dapat mong ipamalas?

2.Pagganyak:

Anu-ano ang mga gawain sa loob ng silid-aralan? Naipamamalas mo ba dito ang iyong talino? Paano?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad:

Pagbasa ng Sitwasyon

Masayang pumasok sa paaraan si Noli. Sa Hekasi magkakaroon sila ng talakayan. Ibinabahagi ni Noli ang kanyang mga nalaman sa pagbabasa ng mga aklat at magasin Hindi niya ipinagmamaramot ang mga impormasyong kanyang natutinan sa pagbabasa. Dahil dito, maraming karagdagang kaalarnan ang nabatid ng kanyang kaklase. Tuwang-tuwa sila.

2.Pagtalakay Sino ang pangunahing tauhan?

Ano ang ginagawa ni Noli sa kanyang mga nalalaman?

Ano ang naging bunga nito?

Dapat ba siyang tularan?

C.Pangwakas na Gawain:

1.PaglalahatAno ang nararapat gawin kung may nalalaman ka o natatanging talino?

2.PaglalapatMahusay ka sa paggawa ng rnga artipisyal na bulaklak Ang inyong silid sa ''Home Economics" ay dapat lagyan nito. Ano ang iyong gagawin?

IV.Pagtataya:

Tama o Mali

_____ 1.Huwag mong sabihin sa iba ang nalalaman mo sa pagluluto.

_____ 2.Ang talino ay dapat ibahagi sa ibang tao

_____ 3.Kung alam mong gumawa ng mga pang-dekorasyon, Ituro mo ito sa mga kaibigan mo.

V.Kasunduan:

1.Anu-anong kaalaman o talino ang nais mong ibahagi sa iyong mga kaibigan?

2.Paano mo ito ibabahagi?

LESSON 44I. Layunin:

Naibibigay ng mungkahi sa ikagaganda ng samahan

II.Paksang Aralin

Pagbibigay ng Mungkahi sa Ikagaganda ng Samahan

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

I.B

:Naipamamalas ang Pag-unawa sa Sariling Kakayahan at mga Kahinaan

PELC:p. 11 EKAWP p. 1-1 1

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang nararapat mong gawin kung may natatanging talino o kakayahan ka?

2.Pagganyak:

Ano ang iyong gagawin kung may nakita kung dapat baguhin sa inyong samahan?

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad: Pagbasa ng Sitwasyon

Kasali si Mark sa samahan ng mga batang may hilig sa Matematika. Masaya ang kanilang samahan.Ngunit may napansin Si Mark. Madalas lumiban ang mga opisyal nila. Isang araw, sa kanilang pulong, nasabi niya sa harap ng lahat ang kanyang napapansin. Ayaw niyang masira ang kanilang samahan bagkus umunlad pa ito. Sa mahinahon na paraan nagbigay siya ng mungkahi.

2.PagtalakaySino ang pangunahing tauhan?

Ano ang ginagawa niya isang araw?

Sa iyong palagay, maganda kaya ang ibubunga nito? Bakit?

Tama ba ang ginagawa ni Mark?

C.Pangwakas na Gawain:

1.PaglalahatAno ang nararapat mong gawin kung may napupuna ka sa inyong samahan? Paano mo to sasabihin?

2.PaglalapatNapansin mong kaunti lamang ang gawain sa inyong samahan. Ano ang gagawin mo bilang kasapi ng nagmamalasakit?

IV.Pagtataya:

1.Anong mungkahi ang ibibigay mo kung nag-aaway ang mga kasapi?

V.Kasunduan:

1.Anong mungkahi ang ipapaalam mo kung nalalabag na ang mga tuntunin ng samahan

LESSON 45I. Layunin:

Lumalahok sa mga pagplano/pagpasya ng mga gawain ng samahan

II.Paksang Aralin

Paglahok sa mga Pagplano/Pagpasya ng mga Gawain ng Samahan

B.P. :Pagmamahal

K.P.:Positibong Pagkilala sa Sarili

I.B :Naipamamalas ang Pag-unawa sa Sariling Kakayahan at mga Kahinaan

PELC:p. 12 EKAWP p. 1-1 1

Kagamitan :larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Ano ang nararapat mong gawin kung may napupuna ka sa inyong samahan? Paano mo to sasabihin?

2.Pagganyak:

Bilang kasapi ng isang samahan, paano ka nakikibahagi? Sumasali ka ba sa pagpaplano?

B.Panlinang na Gawain

1.PaglalahadPagbasa ng Sitwasyon

Si Carlos ay kasapi sa samahan para sa mga batang mahilig sa pagguhit. Nais ng samahan na umunlad ang kanilang kaalaman sa pagguhit. Nagbigay ng mungkahi si Carlos. Sinabi niya na maaari nilang kumbidahin ang isang pintor na kakilala niya upang turuan ang kanilang samahan. Masayang sumang-ayon ang pangkat.

2.Pagsusuri Sino ang pangunahing tauhan?

Ano ang suliranin ng samahan?

Ano ang mungkahi ni Carlos?

Tama ba ang ginagawa ni Carlos?

C.Pangwakas na Gawain:

1PaglalahatAno ang nararapat gawin ng isang kasapi sa mga gawain ng samahan? Dapat ka bang sumali sa pagpaplano?

2.Paglalapat

Bilang isang aktibong kasapi ng samahan, ano ang dapat mong gawin kung may pagpaplanong gagawin ang pangkat?

IV.Pagtataya:

Pillin ang tamang sagot

1.Alam mo ang kasagutan sa suliranin ng samahan, ano ang gagawin ono?

a.Tatahimik na lang

b.Aalis at magkukunwaring hindi alam ang kasagutan

c.Makikilahok sa pagpapasya

2.Ginaganyak kayo na inyong pinuno na sumali sa pagpapasya sa samahan, ano ang gagawin mo?

a.Tutugon sa panawagan ng pinuno

b.Pabayaan siya sa kanyang panawagan

c.Umalis at huwag ng sumali sa samahan

V.Kasunduan:

1.Sumali ka ba sa pagpaplano ng samahan?

2.Ano ang iyong ibinabahagi sa samahan?

LESSON 46I. Layunin:

Naipakikita ang katapatan sa pakikitungo sa kapwa sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo. Kahit masaldan man ang kalooban kung ito ay para sa kabutihan.

II.Paksang Aralin

Katapatan sa Kapwa

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Katapatan

PELC:EKAWP 5 pah. 13

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Isang araw ay hinamon ka ng suntukan ng iyong kaklase dahil sa ikaw ang ginawang lider ng guro ninyo. Ano ang iyong gagawin? Paano mo siya kakausapin at pagpapaliwanagan?

2. Larawan ng isang masungit at nakatawang bata.

Ano ang napapansinsa dalawang larawan, "Sino sa kanila ang gusto mong maging kaibigan? Bakit?

B.Panlinang na Gawain

1.Isang araw pilit na nagpapasama ang iyong kaibigan na gustong sumali sa isang "Beauty Contest" Pero alam na alam mo na hindi siya maaaring sumali dahil sa bukod sa siya'y maliit lamang, bulol pa.

2.lkaw, bilang kaibigan papayagan o hahayaan mo ba siyang tumuloy na makilahok sa "Contest" na iyon? Bakit?

Paano niya malalaman ang kanyang mga kakulangan o kapintasan kung sa pagsasabi mo sa kanya ng katatohanan ay ikagagalit niya , sa iyo? Ano ang iyong mararamdaman? Bakit?

3.Sa palagay mo nailigtas mo ba siya sa isang kahihiyan? Nakabuti, ba ang pagsasabi mo sa kanya ng katotohanan?

4.Bakit kailangang ipagtapat ang katotohanan, kahit ito'y masakit sa kalooban?

IV.Pagtataya:

1.Tama bang ipagtapat ang katotohanan sa husgado, kahit ang nasasakdal ay iyong kamag-anak? 2.Ang pagtatapat ng totoong dahiJan kung bakit madalas lumiban sa klase ay tama?

V.Kasunduan:

Maglahad ng sariling karanasan tungkol sa pagsasabi ng katotohanan laban sa kamag-aral/ kaibigan/kaanak. Sabihin anong kabutihang nagawa nito.

LESSON 47I. Layunin:

Iniiwasan ang panloloko sa kapwa

II.Paksang Aralin

Katapatan sa Kapwa

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Katapatan (Katapatan sa Gawa)

PELC:EKAWP pah. 13

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Nakita mong hindi angkop ang suot ng iyong kapatid para sa dadaluhang pagtitipon? Ano ang iyong gagawin?

B.Panlinang na Gawain

1.Isang araw ay may bisitang dumating ang ate mo. Agad kang pinabili ng mamimiryenda. Alam mong sobra ang ipinadala sa iyong pera. Anoang iyong gagawin?

2. Hayaang magbigay ng mga karanasan ang mga bata gaya ng narinig na sitwasyon.

Ano ang kapalit ng di mo panloloko sa iyong kapwa?

K.Paglalapat

Lutasin ang Suliranin

1.Malaki ang kinikita ng magkasosyong Mang Pepe at Mang Pedro sa kanilang negosyo. Pero hindi alam ni Mang Pepe. Ano ang dapat gawin ni Mang Pepe? Bakit?

IV.Paggamit ng tseklis:Sagutan ng madalas, paminsan-minsan. Hindi kailanman

1. Nugsisinungaling ako kapag inuutusan.

2. Nagtatapat ako ng katotohanan pag ako'y tinatanong.

3. Nagsasabi aka ng katotohanan kung ako ay may maysala kahit parusahan ako.

4. Ibinibintang ko sa iba ang ginagawa kong kasalanan.

5. Sinasabi ko ang tunay na halaga ng bagay na aing binibili.

V.Kasunduan:

Ano ang napatunayan mo sa iyong sarili kung nagsasabi ka ng totoo sa iyong kapwa?

LESSON 48I. Layunin:

Naisasagawa ang pakikitungo nang matapat sa kapwa

II.Paksang Aralin

Katapatan sa Kapwa

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Katapatan (Katapatan sa Gawa)

Kagamitan:Larawan ng mga nagbubulungang tao

PELC:EKAWP ph. 13

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral

Kaibigan mo ang kumuha ng "ballpen" ng iyong kaklase at ito'y hilung-hila na sa paghahanap nito, sasabihin mo ba ang katotohanan?

2.Pagganyak

Ano ang ibig sabihin ng kasabihan sa wikang Ingles na "No man is an Island"?

B.Panlinang na Gawain

1.Ipakita ang larawan. Ano kaya ang kanilang ginag.awa? Sino kaya ang kanilang pinag-uusapan?

2.Ilahad ang kuwento.Si Marta ay isang batang laging nag-jisa. Mayroon siyang kaibigan, si karen, lahat halos ng kanyang lihim ay sinasabi niya rito. Ang, kaso sa tuwing nakatalikod si Maria lagi niya itong kinukuwento sa iba niyang kaklase kung kaya't lagi nila itong pinag-uusapan. Dahil dito hindi na muling nagtiwala si Marta.

3.Pagtalakay a.Ilarawan si Maria

b.Sino ang kaniyang itinuturing na kaibigan/ilarawan ito.

c.Tama ba ang kanyang ginagawa para kay Marta? Bakit?

K.Pangwakas na Gawain

1.Paglalahat:

Ano ang tamang paraan ng pakikitungo sa kapwa?

2.Paglalapat:

Pangkatin ang klase sa apat. Hikayatin ang bawat pangkat na magpakita ng maikling dula-dulaan upang maipakita ang matapat na pakikitungo sa kapwa. Piliin ang may pinakamagandang palabas.

IV.Pagtataya:

1.Nagkagalit kayo ng iyong kaibigan at alam mo ang kaniyang mga kahinaan. Pagkakataon mo na para makaganti, ano ang gagawin mo?

2. Asar ka sa isa mong kaklase, nagkataong ikaw ang kanyang nilapitan upang humingi ng tulong. Ano ang iyong gagawin?

3.Kapitbahay mo ang iyong kaklaseng napatayo sa loob ng klase, alam no na siya ay napahiya. Pinakiusapan ka niya na kung maaari ay huwag mo itong ikuwento sa bahay, ano ang gagawin mo?

V.Kasunduan:

Magtala ng dalawang paraan kung paano maipakikita ang pagiging tapat sa iyong kapwa.

LESSON 49I. Layunin:

Naipapakita ang pagpigil/pagtitimpi sa sarili na gumawa ng marahas na hakbang kapag galit.

II.Paksang Aralin

Disiplina sa Sarili

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Disiplina

PELC:EKAWP pah. 15

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Isang Awit

2.Pagbasa ng pang-umagang pahayagan tungkol sa magkaibigan na nagkapatayan dahil sa maliit na dahilan at di pagkakaunawaan. (o alin man sa balita na angkop sa paksa)

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad:

Isang Sitwasyon:

Magkaibigang matalik sina Alice at Melody. Naiinggit sa kanila si Zeny na dating pinakamatalik na kaibigan ni Alice. Isang araw ay may isinumbong sa guro nila si Zeny tungkol kay Melody. Nagpaliwanag si Melody sa guro na di naman tatoo ang isinumbong ni Zeny tungkol sa kanya. Ibig nang sugurin ni Melody si Zeny, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili at malumanay na kinausap, si Zeny. Humingi ng paumanhin si Zeny at naging magkaibigan na sila.

Ano kaya ang nangyari kung hindi nagpigil ng kalooban si Melody?

2.Hayaan/Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na magsalaysay ng kani-kanilang karanasan sa pagpipigil ng kalooban at pananalita.

Paano mo ipinakita ang pagpipigil mo sa iyong sarili?

Anong kabutihan ang naidulot nito?

Anu-anong mga "tips" O dapat gawin upang maiwasan ang , paggawa ng marahas kung ikaw ay galit?

3. Dula-dulaan:

Magbibigay ang guro ng iba't-ibang sitwasyon a pangyayari na isasadula ng bawat pang kat. Pansinin kung paano ipinakita ng bawat pang kat ang pagpipigil/pagtitimpi sa sarili.

IV.Pagpapahalaga:

Sagutin ang sumusunad na mga tanong:

1.Sa anu-anong pagkakataon dapat na magpigil ng kalaoban/sarili at pananalita?

2.Bakit kailangang magpigil ng sarili at pananalita kung nagagalit sa kapwa?

V.Kasunduan:

Iwasan ang paggawa ng marahas na hakbang kapag galit.

LESSON 50I. Layunin:

Naiiwasan ang masamang Gawain tulad ng pagsama sa masamang barkada at pagpapagabi sa lansangan/kalye.

II.Paksang Aralin:

Disiplina sa sarili

B.P.:Pagmamahal

K.P.:Disiplina (Katapatan sa Gawa)

PELC:EKAWP ph. 15

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Nagyayaya ang iyang kaklase na mamasyal muna, kailanang makauwi muna dahil hinihintay ka ng iyong ina. Ano ang iyong gagawin at bakit?

2.Pagganyak:

Bakit hindi tama ang sumama sa barkada at magpagabi sa lansangan laluna kung hindi alam sa inyo?

B.Panlinang na Gawain

Naglalakad pauwi sina Alfred, Dan at Luis. Nadaan nila ang ilang kaibigan na naglalaro ng cara y cruz. Tinawag sila upang sumali sa kanila. Umayaw sina Alfred dahil ang laro ay isang uri ng sugal. Pinagtawanan sila ng mga batang nagsusugal, ngunit hindi sila napilit at nagpatulay sila ng paglakad pauwi.

Tama ba ang ginawa ni Alfred?

K.Paglalapat

Magagawa ba ninyo ang ginawa nina Alfred? At bakit? Ano ang dapat ninyong sabihin sa mga batang nagsusugal?

IV.Pagtataya:

Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap ng:

MadalasMinsanHindi

Kailanman

1. Sumasama ako sa mga kaibigan na maglaro ng Video Game

2. Tumitikim-tikim ako ng beer.

3. Umuuwi ako nang gabi dahil masarap ang mamasyal kasama ng mga kaibigan.

4. Sumasama ako sa mga barkada na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

V.Kasunduan:

Sumulat ng isang karanasan na nagpapakita ng pagpipigil sa sarili na sumama sa masamang barkada.

LESSON 51I. Layunin:

Natutupad ang mga obligasyon/tungkulin ng sariling relihiyon

II.Paksang Aralin:

Pamumuhay ng naayon sa Sariling Paniniwala

B.P.:Ispiritwal

K.P.:Pananalig sa Panginoon

PELC:EKAWP ph. 17

Kagamitan:Larawan ng ibat-ibang simbahan, talaan ng ibat-ibang Gawain sa simbahan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Bakit mahalaga ang pagdarasal bago at matapos kumain?

2.Pagganyak:

Sa anong relihiyon ka nabibilang? Alam mo ba ang iyaong mga obligasyon bilang isang __________?

B.Panlinang na Gawain

1.Ipakita ang mga larawan. Anong relihiyon ang may simbahang ganito (larawan)?

2.Ilahad ang kuwento.

Semana Santa, isang kulturang Pilipinong minana pa natin sa ating mga ninuno. Sinasariwa ditto ang pagkamatay ng Dakilang Lumikha ng dahil sa pag-ibig sa kanyang sambayanan. Bilang isang Kristiyano ating tungkulin ang magtika sa panahong ito. Ngunit ano an gating nakikita tuwing darating ang panahong ito, ang maraming lasing sa lansangan gayundin ang ibat-ibang sugalan. Bahagi ba ito ng pagsunod sa ating tungkulin?

3.Pagtalakay:

Sabihin ang mga obligasyon at tungkulin ng mga

a.Kristiyano

b.Iglesia ni Kristo

c.Muslim

d.Born Again Christian

K.Pangwakas na Gawain:

1.Paglalahat:

Bakit mahalagang tuparin an gating mga obligasyon at tungkulin sa ating relihiyon?

2.Paglalapat:

a.Sagutin ang mga sumusunod:

1.May masama bang relihiyon? Bakit tila ang mga namumuno dito ay mayroong magkasalungat na paniniwala?

2.Pag-usapan kung tamang isa ito sa mga ugat ng pagkakagulo ng mga Pilipino.

IV.Pagtataya:

Lagyan ng tsek (() kung ito ay iyong ginagawa at ekis ( x ) kung hindi

________1.Nagsisimba kung araw ng Linggo.

________2.Nag-aalay ng bukal sa sarili.

________3.Iginagalang ang mga araw ng pangolin

________4.Tumutulong sa kapwa lalo na sa kaaway

________5.Iginagalang ang paniniwala ng iba.

V.Kasunduan:

Pumili ng isang relihiyong matatagpuan sa bansa at itala ang mga tungkulin at obligasyon dapat tupadin ng mga kasapi nito.

LESSON 52I. Layunin:

Nasusunod ang mga ipinagbabawal ng sariling relihiyon

II.Paksang Aralin:

Pamumuhay ng naayon sa Sariling Paniniwala

B.P.:Ispiritwal

K.P.:Pananalig sa Panginoon

PELC:EKAWP ph. 17

Kagamitan:Larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aral:

Magsabi ng kaugalian sa ating bayan kapag sumasapit ang Semana Santa?

2.Pagganyak:

Ano ang itinuturo sa inyo ng inyong relihiyon tungkol sa kagandahang asal?

B.Panlinang na Gawain

Si Maria ay isang magandang huwaran ng kapwa niya bata. Siya ay palasimbahin. Pag araw ng Linggo makikita mo siya kasama ng mga kapatid at tatay at nanay niya na nagsisimba. Siya ay magalang matulungin at maalalahanin. Walang hindi natutuwa sa kanya. Ang lahat ng magagandang katangiang makikita sa kanya ay bunga ng mga itinuturo sa kanya sa paaralan ngunit lalung lalu na sa kanyang pagiging isang junior legionary, isang samahang pansimbahan para sa mga batang katulad niya.

K.Paglalapat:

Saan natutuhan ni Maria ang katutihang asal na ipinakikita niya?

Ano ang iyong nararamdaman kung kayo ay napupuri kapag kayo ay nakagawa ng mabuti?

Ano ang magandang bagay na itinuturo ng inyong relihiyon?

IV.Pagtataya:

Ano ang itinuturo ng sarili ninyong relihiyon? Gumawa ng lista at lagyan ng tanda kung sinusunod ninyo o hindi.V.Kasunduan:

Magtala ng 3 mga Gawain sa inyong relihiyon at ibahagi ito sa klase bukas.

LESSON 53

I. Layunin:

Naisasagawa ang paggalang sa mga karapatang pantao

II.Paksang Aralin

Paggalang sa Karapatang Pantao

B.P.:Pananagutang Panlipunan

K.P.:Paggalang

PELC:EKAWP pah. 19

Kagamitan:Larawan ng mga batang nagsisipaglaro

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aralBakit dapat nating igalang ang mga gawain ng hindi nating karelihiyon?

2.PagganyakPagsasabi ng kanya-kanyang palayaw na ginagamit sa tahanan

B.Panlinang na Gawain

1.Isang kalagayan:

Isang umaga inutusan ni Aling Celia ang anak, si Celso upang bumili ng suka. Madali namang sumunod si Celso. Makaraan ang isang oras, may nugsisigawan sa may kalsada. Ang bawat isang bata ay may tawag o bansag kay Celso. Ang isa ay sumisigaw ng Sissy. Ang isa ay Siling. Ang isa naman ay Selly. Nang marinig ng Nanay ni Celso, ito ay nagalit at pinalayas ang mga bata. Si Celso naman ay nakatawa sa halip na magalit. Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?

2. Pangkatin ang mga bata. Sabihin kung ano ang magandang palayaw o magandang bansag ng bawat bata.

3.Paglalahad:

Anu-ano ang dapat mong isipin bago ka magbansag ng hindi maganda sa iyong kapwa.

4.Paglalapat:

Ano ang dahilan kung bakit hindi dapat magbigay ng bansag sa kapwa?

Ano ang gagawin kung may kaibigang mapagbigay ng bansag?

IV.Pagtataya:

Sumulat ng ilang pangungusap tungkol sa idudulot ng pagbibigay ng bansag sa kapwa.

Paano mo namang magagawang igalang ang karapatang pantao?

V.Kasunduan:

Maglista ng mga pangalan ng mga kaklse at lapatan ng magandang alyas.LESSON 54

I. Layunin:

Pakinggan ang opinyon ng iba

II.Paksang Aralin

Paggalang sa Karapatang Pantao

B.P.:Pananagutang Panlipunan

K.P.:Paggalang

PELC:EKAWP pah. 19

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.Balik-aralDapat bang buksan mo ang sulat na para sa kapatid mo at bakit?

2.Pagganyak

Anong gagawin mo kung ayaw magpatalo sa katwiran ang dalawa mong kaibigan?

B.Panlinang na Gawain

1.Pagbasa sa isang sitwasyon:

Nagtatalo sa klase ni Bb. Mangahas kung sino ang dapat magtanim sa paligid ng paaralan at kung sino ang dapat maglinis. Sabi ng mga lalaki ay sila ang magtatanim dahil gawaing panlalaki iyon at ang mga babae naman ang dapat maglinis dahil iyon ay gawaing pambabae. Ayaw pumayag ng mga babae. Gusto nila ay pare-parehong magtanim at maglinis. Ipinaliwanag nilang ang bawat isa ay may tungkuling pagandahin at linisin ang kapaligiran ng paaralan. Nakinig naman ang mga lalaki at sama-sama na silang nagtrabaho.

C.Paglalapat

T ama ba ang ginawa ng mga lalaki?

Kung hindi nakinig ang mga lalaki, ano kaya ang mangyayari?

IV.Pagtataya:

Nagpapalagayan kayo ng opinyon tungkol sa paglgmg pikan ni Pangulong Estrada laban sa mga puna ng media, magkakaiba ang inyong mga palagay sa mga pangyayari. Sasalungatin mo ba ang iba o aayon ka sa kanila at bakit?

V.Kasunduan:

Paano mo masasabi ang pagsalungat mo sa sinasabi ng iyong kaibigan nang hindi siya magagalit?

LESSON 55

I. Layunin:

Nagbibigay ng tulong sa mga bi