lliyabiyab - philippinerevolution.info · pnp (philippine national police), cafgu (citizen’s...

8
A ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA) ay taas kamaong saludo sa ipinamalas na kadakilaan at kabayanihan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nitong nakaraang 40 taon, at patuloy pa, bilang tunay na tagapagtanggol at mandirigma ng pambansa-demokratikong interes ng sambayanang Pilipino. Saksi at kalahok, sa tuwiran at di tuwiran, ang daang libong guro at milyong mamamayang Pilipino sa muling pagsulong, paglagablab at pagkamit ng mga kongkretong tagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan at ng digmang bayan sa buong kapuluan – dahil sa Bagong Hukbong Bayan. Patuloy na may depensa at kasangga ang mamamayan laban sa kontra-mamamayang LIYAB LIYAB Opisyal na Pahayagan ng Katipunan ng Gurong Makabayan Ispesyal na Isyu para sa Ika-38 Anibersaryo ng KAGUMA, 28 Marso 2009 Kasapi: National Democratic Front of the Philippines Lumahok sa demokratikong rebolusyong bayan! Suportahan ang Bagong Hukbong Bayan! Editoryal MGA TAMPOK SA ISYUNG ITO... Rebolusyonaryong katarungan para kay Rebelyn Pitao at sa lahat ng biktima ng pasistang pamamaslang! pahina 3 Mao Zedong on the Question of the Integration of the Intellectuals with the Masses of Workers and Peasants pahina 4

Upload: dangkhanh

Post on 04-Jun-2018

223 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: LLIYABIYAB - philippinerevolution.info · PNP (Philippine National Police), CAFGU (Citizen’s Armed Forces Geographical Unit) at ... SOCO ng Davao City, siya ay 20 oras nang patay

Ang Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA) ay taas kamaong saludo sa ipinamalas na kadakilaan at kabayanihan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nitong nakaraang 40 taon, at patuloy pa, bilang tunay na tagapagtanggol at mandirigma ng pambansa-demokratikong interes ng sambayanang Pilipino.

Saksi at kalahok, sa tuwiran at di tuwiran, ang daang libong guro at milyong mamamayang Pilipino sa muling pagsulong, paglagablab at pagkamit ng mga kongkretong tagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan at ng digmang bayan sa buong kapuluan – dahil sa Bagong Hukbong Bayan.

Patuloy na may depensa at kasangga ang mamamayan laban sa kontra-mamamayang

LIYABLIYABOpisyal na Pahayagan ng Katipunan ng Gurong MakabayanIspesyal na Isyu para sa Ika-38 Anibersaryo ng KAGUMA, 28 Marso 2009 Kasapi: National Democratic Front of the Philippines

Lumahok sa demokratikong rebolusyong bayan!Suportahan ang Bagong Hukbong Bayan!

Editoryal

MGA TAMPOKSA ISYUNG ITO...

Rebolusyonaryong katarungan para kay Rebelyn Pitao at sa lahat ng biktima ng pasistang pamamaslang! pahina 3

Mao Zedong on the Question of the Integration of the Intellectuals with the Masses of Workers and Peasants pahina 4

Page 2: LLIYABIYAB - philippinerevolution.info · PNP (Philippine National Police), CAFGU (Citizen’s Armed Forces Geographical Unit) at ... SOCO ng Davao City, siya ay 20 oras nang patay

2 KAGUMA LIYAB 28 Marso 2009

gera (tulad ng Oplan Bantay Laya), terorismo at pasismo ng imperyalismo at ng lokal na papet nitong estado at berdugong mersinaryong AFP (Armed Forces of the Philippines), PNP (Philippine National Police), CAFGU (Citizen’s Armed Forces Geographical Unit) at iba pang armadong sekta o grupo – dahil sa Bagong Hukbong Bayan at digmang bayan.

Patuloy ang pagkamulat at pagkatuto ng mamamayan hinggil sa tunay nilang kalagayan at suliraning panlipunan; patuloy na nabubuo, lumalawak at lumalakas ang kanilang pagkakaisa at pagkaorganisa; at, patuloy na sumusulong ang pakikibaka at pagkamit ng mga kongkretong ganasya para sa kanilang pang-ekonomya’t pampulitikang kagalingan at karapatan – dahil sa Bagong Hukbong Bayan at digmang bayan.

Patuloy na sumusulong ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mga magbubukid para sa lupa at sa pag-unlad ng kanilang pagsasaka; at, patuloy na nabubuo ang mga rebolusyonaryong samahan at organo ng pampulitikang kapangyarihan ng mamamayang nagsisilbing binhi ng panibagong rebolusyonaryong gubyerno na tunay na nagsisilbi at nagseserbisyo sa mga batayang pangangailangan at interes ng mamamayan – dahil sa Bagong Hukbong Bayan at digmang bayan.

Kung wala ang Bagong Hukbong Bayan at digmang bayan, walang sandigan ang sambayanan upang ibagsak at wakasan ang mahigit sang-daan taon nang pandarambong at pagmamalupit ng imperyalismong U.S. sa bansa; ibagsak at wakasan ang reaksyunaryong papet na lokal na estadong pinamumunuan ngayon ng rehimeng Arroyo; at, itatag ang bagong malaya at demokratikong lipunang Pilipino.

Kaya naman lubos na pinag-iibayo ng KAGUMA ang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa hanay ng mga guro at mamamayan para patuloy na sumuporta at lumahok sa Bagong Hukbong Bayan at digmang bayan. Muli, ang KAGUMA, kaisa ng sambayan, ay nagpupugay sa 40 taong kadakilaan at kabayanihan ng Bagong Hukbong Bayan!

Sulong hanggang sa tagumpay!

Page 3: LLIYABIYAB - philippinerevolution.info · PNP (Philippine National Police), CAFGU (Citizen’s Armed Forces Geographical Unit) at ... SOCO ng Davao City, siya ay 20 oras nang patay

3KAGUMA LIYAB 28 Marso 2009

Ang Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA) ay mariing kinukondena ang rehimeng U.S.-Arroyo at ang berdugo’t

mersinaryong Armed Forces of the Philippines(AFP) sa brutal na pagpaslang kay Rebelyn Pitao, anak ni Leoncio Pitao, na kilala bilang “Kumander Parago”, pinuno ng 1st Pulang Bagani Command ng Bagong Hukbong Bayan(BHB o NPA) sa Southern Mindanao Region.

Si Rebelyn ay 20 taong gulang at isang guro sa St. Peter College sa Toril, Davao City. Siya ay dinukot ng apat (4) na armadong kalalakihan noong Marso 4, 2009 6:30pm sa Bago de Oro Subdivision, Bago Gallera, Tolomo, Davao City. Kinabukasan nakitang lumutang ang kanyang hubad na bangkay sa isang irigasyon sa Barangay San Isidro, Carmen, Davao Del Norte. Siya ay ginapos, binusalan, ginahasa, at pauli-ulit na sinaksak. Mayroon din bakat ng lubid ang kanyang leeg at punung-puno ng putik ang kanyang katawan. Ayon sa Scene of Crime Operatives o SOCO ng Davao City, siya ay 20 oras nang patay bago pa man siya nakita ng magsasaka.

Walang ibang may motibo at may kapasidad na gumawa ng makahayop na pagpaslang kay Rebelyn kundi ang AFP at ang rehimeng Arroyo. Patunay lamang ito kung gaano ka-berdugo ang militar at walang awang pumatay ng mga inosenteng mamamayan.

Desperado na ang rehimeng Arroyo at AFP na durugin ang rebolusyonaryong kilusan. Kaya kahit ang mga inosenteng pamilya ng mga

Rebolusyonaryong katarungan para kay Rebelyn Pitao at sa lahat ng biktima ng pasistang pamamaslang!

rebolusyonaryo ay walang awang pinapaslang ng mga pasistang militar.

Ang karumal-dumal na pagpaslang kay rebelyn ay tahasang pagyurak sa karapatang pantao ng mga inosenteng mamamayan. Mahaba na ang listahan ng mga biktima ng rehimeng ito sa pagdukot, pagtorture at pamamaslang. Pasismo at terorismo ang sagot ng rehimeng Arroyo sa mamamayang naghihirap na naghahangad ng katarungan, kalayaan, kapayapaan at pagbabago.

Rebolusyonaryong katarungan ang sigaw natin para kay Rebelyn at sa lahat na biktima ng berdugo’t mersinaryong AFP at ng terorismo’t pasismo ng rehimeng U.S.-Arroyo. Ngunit hindi natin makakamit ang tunay na katarungan para sa kanila, at ang malaon na nating hinahangad na tunay na demokrasya’t kalayaan, habang nanatili sa poder at nakapaghahari pa rin ang pasista at papet na rehimeng Arroyo at ang sinasandigan nitong bulok na reaksyunaryong sistema ng lipunan na pinaghaharian ng imperyalistang U.S. at ng mga

Sundan sa pahina 5

Page 4: LLIYABIYAB - philippinerevolution.info · PNP (Philippine National Police), CAFGU (Citizen’s Armed Forces Geographical Unit) at ... SOCO ng Davao City, siya ay 20 oras nang patay

4 KAGUMA LIYAB 28 Marso 2009

Since they are to serve the masses of workers and peasants, intellectuals must, fi rst and foremost, know them and be familiar with their life, work and ideas.

We encourage intellectuals to go among the masses, to go to factories and villages. It is very bad if you never in all your life meet a worker or a peasant. Our state personnel, writers, artists, teachers and scientifi c research workers should seize every opportunity to get close to the workers and peasants.

but we hope that as many as possible will go. Nor can they all go at the same time; they can go in batches at different times.

In the Yenan days, intellectuals were urged to make direct contact with workers and peasants. Many intellectuals in Yenan were very confused in their thinking and came forth with all sorts of queer arguments. We held a forum and advised them to go among the masses. Later on, many did, and the results were very good.

Until an intellectual’s book knowledge is integrated with practice, it is incomplete or indeed very incomplete. It is chiefl y through reading books that intellectuals acquire the experience of our predecessors. Of course, reading books cannot be dispensed with, but by itself it does not solve problems.

One must study the actual situation, study practical experience and factual material, and make friends with the workers and peasants.

Mao Zedong on the Question of the Integration of the Intellectuals with the Masses of Workers and Peasants

Some can go to factories or villages just to look around; this may be called “looking at the fl owers on horseback” and is better that doing nothing at all. Others can stay for a few months, conducting investigations and making friends; this may be called “dismounting to look at the fl owers”. Still others can stay and live there for a considerable time, say, two or three years or even longer; this may be called “settling down”.

Some intellectuals do live among the workers and peasants, for instance, technicians in factories, technical personnel in agriculture and teachers in rural schools. They should do their work well and become one with the workers and peasants.

We should make it the common practice to get close to the workers and peasants, in other words, we should have large numbers of intellectuals doing so. Not all of them of course; some are unable to go for one reason or another,

Page 5: LLIYABIYAB - philippinerevolution.info · PNP (Philippine National Police), CAFGU (Citizen’s Armed Forces Geographical Unit) at ... SOCO ng Davao City, siya ay 20 oras nang patay

5KAGUMA LIYAB 28 Marso 2009

lokal na malalaking panginoong maylupa, burgesya komprador at burukrata kapitalista-militarista.

Habang umiiral ang pagsasamantala at pang-aapi ng mga naghaharing uri sa naghihirap at inaaping sambayanang Pilipino, wala tayong maaasahang pagbabago.

Tanging demokratikong rebolusyong bayan lamang ang wastong solusyon para mapawi ang pagsasamantala, pang-aabuso at pang-aapi ng rehimeng ito at ng berdugo’t mersenaryong AFP.

Tanging demokratikong rebolusyong bayan lamang ang magbibigay katarungan sa lahat ng mamamayang biktima ng brutal na paglabag sa

Making friends with the workers and peasants is no easy job. Today also there are people who go to factories or villages, and the results are good in some cases but not in others. What is involved here is the question of stand or attitude, that is, of one’s world outlook.

We advocate “letting a hundred schools of thought contend”, and there may be many schools and trends in every branch of learning, but on the matter of world outlook, there are basically only two schools in our time, the proletarian and the bourgeois. It is one or the other, either the proletarian or the bourgeois world outlook. The communist world outlook is the world outlook of the proletariat and of other class.

Most of our present intellectuals come from the old society and from families of non-working people. Even those who come from workers’ or peasants’ families are still bourgeois intellectuals, because the education they received before liberation was a bourgeois education and their world outlook is fundamentally bourgeois.

If the intellectuals do not discard the old and replace it by the proletarian world outlook,

Excerpts from the article: Speech at the Chinese Communist Party’s National Conference on Propaganda Work, March 12, 1957; Seleceted Works of Mao Tsetung, Volume V; 1950-1957, The Period of The Socialist Revolution and Socialist Construction; Foreign Language, Press, Peking; First Edition, 1977.

they will remain different from the workers and peasants in their viewpoint, stand and feelings and will be like square pegs in round holes, and the workers and peasants will not open their hearts to them.

If the intellectuals integrate themselves with the workers and peasants and make friends with them, the Marxism they have learned from books can become truly their own.

In order to have a real grasp of Marxism, one must learn it not only from books, but chiefl y through class struggle, through practical work and close contact with the masses of workers and peasants.

When in addition to studying some Marxism our intellectuals have gained some understanding of it through close contact with the masses of workers and peasants and through their own practical work, we will all be speaking the same language, not only the common language of patriotism and of the socialist system, but probably even that of the communist world outlook. If that happens, all of us will certainly work much better. #

karapatang pantao, at ng terorismo’t pasismo ng imperyalismo at ng lokal nitong papet na estado.

Tanging demokratikong rebolusyon lamang ang makapagbabago sa aping kalagayan ng sambayanang Pilipino tungo sa ganap katarungan, demokrasya’t kalayaan ng bayan.

Ang brutal na pagpaslang kay Rebelyn Pitao at sa lahat ng mamamyang biktima ng terorismo’t pasismo ng estado at ng imperyalismo ay ibayo lamang nagbibigay katwiran at pagiging makatarungang ng pursigidong paglahok sa demokratikong rebolusyon ng daang libo’t milyong guro at mamamayang Pilipino! #

Rebolusyonaryong katarungan para kay Rebelyn...mula sa pahina 5

Page 6: LLIYABIYAB - philippinerevolution.info · PNP (Philippine National Police), CAFGU (Citizen’s Armed Forces Geographical Unit) at ... SOCO ng Davao City, siya ay 20 oras nang patay

6 KAGUMA LIYAB 28 Marso 2009

Marso 2009

Sa mga mahal kong kasama,Kamusta?Opisyal na tatlong linggo na ko dito sa loob ng

sona. Nasa pag-aaral pa kami. May ED kase nang pumasok ako dito.

Masaya naman ako dito. Mas naiintindihan ko na mga aktitud natin ngayon (kasama na ako). Ibig kong sabihin, yung mga ugali natin dyan pareho lang rin dito. Diversed. May mga seryoso at GND, may makulit at may tahimik. Minsan, nag-aaral kami sa iskul (ginawa ng mga kasama), biglang may nahulog na ahas mula sa likod ng iskul. Ang iskul kasi ay nasa tabi ng patay na maliit na sapa. Hinuli ng mga kasama yung ahas, nagkagulo, na-interrupt ang pag-aaral. Gumapang yung ahas hanggang iskul. Nagtilian yung mga kasamang babae. Sa dulo, napatay yung ahas at hinapunan namin. Sarap, parang manok, masyado lang mabuto. Nakakain na rin ako ng kalabaw dito. Parang baka, mas matigas nga lang.

Naka-maikling baril lang ako. Kapag may mga kasama na lalabas, nakikipagpalit sa akin ng baril. Ako naman, feel na feel ang pagdadala ng M16! Minsan, M14 ang pinapalit sa akin, mas mahaba ang M14 kesa M16 at mas mabigat.

Ngayon pa lang, nakakapag-adjust na ang balat ko dito, kasi nung 3rd day ko palang, puros sugat na binti ko dahil sa niknik. Ngayon niknik, bukas higad, tapos limatik, tapos linta.

Grabe gising dito, 4AM lang nanggigising na yung C.O. Mabait yung C.O., malambing nga eh. Grabe concern niya sa mga kasama. Nung isang lingo, tinuruan ako ng basic na agaw baril, depensa sa agaw baril, mga suntok at sipa.

Sana lalo tayong lumawak at lumakas. Kailangan nating dumami at humusay para sa lalong pagsulong ng digmang bayan. Pag andito kayo, makikita nyong may abot ang ating mga pagsusumikap. Matatagumpay ang digmang bayan! Kaya magpakahusay tayo sa lahat ng gawain. Kumprehensibong tanawin at positibong tanawin ang bawat gawain.

Miss ko na kayo!Ingat kayo lagi!Magpakahusay! Magparami!Magparami! Magpakahusay!

Para sa tagumpay,

Kasamang Rod

Liham mula sa kanayunanIlang sipi mula sa liham ng isang kasapi ng KAGUMA mula sa isang pamantasan sa Kamaynilan na tumungo sa isang larangang gerilya sa Timog Luzon bilang pagtugon sa planong integrasyon sa armadong kilusan sa kanayunan.

Page 7: LLIYABIYAB - philippinerevolution.info · PNP (Philippine National Police), CAFGU (Citizen’s Armed Forces Geographical Unit) at ... SOCO ng Davao City, siya ay 20 oras nang patay

7KAGUMA LIYAB 28 Marso 2009

Ang Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA) ay ang lihim na pambansa-demokratikong organisasyon ng mga guro, mga estudyanteng guro at mga kawani sa edukasyon na

nagkakaisa para isulong ang demokratikong rebolusyong bayan.Ang KAGUMA ay isa sa mga alyadong organisasvon ng

Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas o National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na nagtataguyod sa pagsusulong sa Programa para sa Demokratikong Rebolusyong Bayan. Mahigpit na nakikiisa ang KAGUMA sa lahat ng inaapi’t pinagsasamantalahang uri para wakasan ang paghaharing imperyalista’t pyudal, maipagtagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan at mailatag ang isang lipunang sosyalista.

Itinatag ang KAGUMA noong Marso 28, 1971. Sa pagpataw ng batas militar noong Setyembre 1972, idineklarang ilegal ang lahat ng hayag na pambansa-demokratikong organisasyong masa kabilang na ang KAGUMA.

Idinaos ang Ikatlong Pambansang Kongreso ng KAGUMA noong Abril 2003. Sa kongresong ito, kinilala ang kahalagahan at papel ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto na

inilunsad ng Partido Komunista ng Pilipinas sa muling paglalagay sa tamang direksyon ng rebolusyonaryong pakikibaka ng mga guro sa Pilipinas. Binalangkas ang isang pangkalahatang programa ng pagkilos sa layuning muling mapatibay ang rebolusyonaryong kasaysayan at militanteng tradisyon ng KAGUMA.

Ang KAGUMA

Pangkalahatang Programa ng PagkilosImulat, organisahin, at pakilusin ang 1. pinakamalaking bilang ng mga guro, kawani sa sektor ng edukasyon, at mag-aaral sa pagkaguro para sa pambansang demokratikong rebolusyon at para sa pagtatatag ng demokratikong republikang bayan. Ilantad at labanan ang 2. estadong mala-kolonyal at mala-pyudal na nagpapanatili ng sistema ng edukasyon na nagsisilbi sa imperyalista at pyudal na paghahari. Isulong ang kilusang propaganda laban sa imperyalismo, pyudalismo, at burukratang kapitalismo at para sa pambansang demokratikong rebolusyon.Isulong ang pambansa, 3. siyentipiko,at pangmasang kultura at edukasyon

Itaguyod at makiisa sa rebolusyonaryong 4. pakikibaka ng masang anakpawis.Isulong ang kagalingan at karapatan ng mga 5. guro at kawani sa sektor ng edukasyon. Mahigpit naikawing ito sa pakikibakang antipasista, antiimperyalista, at antipyudal ng mamamayan. Sumuporta sa kilusang

estudyante. Lumahok sa kilusan para sa 6.

pagpapalaya ng kababaihan.Mag-ambag sa pagbubuo 7.

ng malawak na nagkakaisang prente para sa pambansang demokratikong rebolusyon sa hayag at lihim.

Makipagkaisa sa mga 8. progresibo at anti-imperyalistang organisasyon, grupo, at indibidwal sa ibang bansa laluna sa hanay ng mga guro at kawani sa sektor ng edukasyon, at mangalap ng suporta para sa rebolusyong Pilipino.

Page 8: LLIYABIYAB - philippinerevolution.info · PNP (Philippine National Police), CAFGU (Citizen’s Armed Forces Geographical Unit) at ... SOCO ng Davao City, siya ay 20 oras nang patay

8 KAGUMA LIYAB 28 Marso 2009

Ang paggigiit sa mga layunin ng edukasyon, ang paggigiit sa pambansa at panlipunang layunin nito, ay isang hamon ngayon na

dapat nating harapin lahat. Hindi na ngayon oras ng ipokritong pagsasabi na malaya na tayo at independyente bilang bansa. Panahon na ngayon na nagkakalansag-lansag ang mga salalayan ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino at pati ang mga salalayan ng panginoong estado ng “malayang mundo’” ang imperyalismong US. Ang mga rebolusyonaryong pwersa sa Pilipinas at iba pang mga bayan ay napakabilis na bumabangon para palitan ng bago ang luma. Ang masang anakpawis at ang intelihensya sa ating bayan ay tiyak na nananawagan para sa pambansa-demokratikong rebolusyon upang mapalaya sila sa paghaharing dayuhan at pyudal.

Napakabilis ng mga pangyayari sa bansang ito at sa buong mundo. Kung inaakala nating mga guro tayo, lagi tayong maging alertong estudyante,

ni Jose Ma. SisonHinggil sa Pambansa-Demokratikong Kilusan ng mga Guro

kung hindi’y magiging hiwalay na tagalako ng lipas nang mga kaisipan at ilusyon ang ating mga eskwelahan. Kung hindi iaangkop ng guro sa panahon ang nilalaman at kalidad ng kanyang itinuturo, siguradong mabibigo siyang ihanda ang kanyang mga estudyante sa mabunga at praktikal na pakikibaka. Ang daluyong ng pambansa-demokratikong rebolusyon ay tiyak na maglalantad sa kawalan ng kakayahan at kakulangan ng kaalaman ng mga guro. Nagiging instrumento ng reaksyon ang mga guro na masyadong nagpapatali sa tradisyunal na mga relasyon, pamamaraan at ilusyon. Tungkulin natin ngayon na muling suriin at itakwil ang istruktura ng pag-iisip na sadyang ipinaloob ng nagsasamantalang mga bansa at nagsasamantalang mga uri sa ating sistema ng edukasyon.

Ang lahat ng guro at magiging guro na pumapanig sa katotohanan, katarungan at progreso ay dapat magkaisa sa Ikalawang Kilusang Propaganda at maging depinidong pwersa sa pambansa-demokratikong kilusan. Dapat nilang itakwil ang lahat ng klase ng walang kabuluhang kaisipan sa eskwelahan; sapulin ang teorya na makakagabay sa pambansa-demokratikong rebolusyon;

at mahigpit na ilapat ang teoryang ito sa kongkretong kalagayan ng Pilipinas. Hindi sapat na ituring nilang incubator ng rebolusyonaryong

kilusan ang apat na sulok ng kanilang mga silid-aralan. Kailangan din nilang magsikap nang walang pag-aatubili na gawing malaking silid-aralan ang buong bayan para sa rebolusyon. Sa

Ikalawang Kilusang Propaganda, para sa edukasyon sa sarili, dapat sumama

ang mga guro at magiging guro sa pangmasang mga aktibidad ng mga manggagawa, magsasaka at petiburges ng lunsod at iba pang elementong rebolusyonaryo.

[Mga sipi mula sa artikulong: Tungo sa Pambansa-Demokratikong Kilusan ng mga Guro; Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya ni Jose Ma. Sison, 1967; Kapisanan ng mga Tagasalin para sa Bayan

(Kasabay), Mayo 1998]