liksyon 10 para sa ika-7 ng setyembre, 2019ang pundasyon ng ebanghelyo ay pag-ibig. hindi ang ating...

8
Liksyon 10 para sa ika-7 ng Setyembre, 2019

Upload: others

Post on 01-Feb-2020

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Liksyon 10 para sa ika-7 ng Setyembre, 2019Ang pundasyon ng ebanghelyo ay pag-ibig. Hindi ang ating pag-ibig, kundi sa Dios. Ang pag-ibig ng Dios ang nag-uudyok sa Kanya na ibuhos

Liksyon 10 para sa ika-7 ng Setyembre, 2019

Page 2: Liksyon 10 para sa ika-7 ng Setyembre, 2019Ang pundasyon ng ebanghelyo ay pag-ibig. Hindi ang ating pag-ibig, kundi sa Dios. Ang pag-ibig ng Dios ang nag-uudyok sa Kanya na ibuhos

Ang ebanghelyo ay ang mabuting balita ng kaligtasan. Iniaalok ng libre ng Dios ang kaligtasan.

Ang ebanghelyo ay praktikal na bagay. Hindi maaaring tanggapin ang ebanghelyo at manatiling walang pagbabago.

Nagbabago ang ating mga isip at kilos, kaya paano natin dapat isakabuhayan ang ebanghelyo?

Page 3: Liksyon 10 para sa ika-7 ng Setyembre, 2019Ang pundasyon ng ebanghelyo ay pag-ibig. Hindi ang ating pag-ibig, kundi sa Dios. Ang pag-ibig ng Dios ang nag-uudyok sa Kanya na ibuhos

Ang pundasyon ng ebanghelyo ay pag-ibig. Hindi ang ating pag-ibig, kundi sa Dios.

Ang pag-ibig ng Dios ang nag-uudyok sa Kanya na ibuhos ang Kanyang pagpapala sa lahat, maging mabuti man o masamang tao (Mateo 5:45). Mahal ng Dios ang lahat, kabilang ang

mga hindi pa tumatanggap ng ebanghelyo.

Mahal Niya ang mga mahal natin, at mahal din Niya ang mga hindi natin gusto at pati na ang nananakit sa atin.

Nagiging daluyan tayo ng pag-ibig ng Dios kung ibinabahagi natin ang ebanghelyo sa kanila.

Page 4: Liksyon 10 para sa ika-7 ng Setyembre, 2019Ang pundasyon ng ebanghelyo ay pag-ibig. Hindi ang ating pag-ibig, kundi sa Dios. Ang pag-ibig ng Dios ang nag-uudyok sa Kanya na ibuhos

Nang makakita si Jesus ng karamdaman, sakit at kamatayan, “Tumangis si Jesus.” (Juan 11:35)

Ang nakakakilabot na dulot ng kasalanan ay kapansinpansin saan man dito sa mundo.

Kadalasan ang kasalanan ng natatanging mga tao ang nagbibigay ng mapait na bunga.

Ang mga naunang mga propeta ay nagmaktol, at umiyak dahil sa kasakiman, pagkamakasarili, kawalan ng hustisya at kasamaan ng mga tao (Awit 35; Jeremias 9).

Ang unang hakbang sa pagbabago ay tanggapin ang ebanghelyo at magsisi at iiwan ang ating mga kasalanan. Nagiging normal na lang ang pag-ibig at awa sa mga tumatanggap ng ebanghelyo. Pinapahupa nila ang mapaminsalang resulta ng kasalanan.

Page 5: Liksyon 10 para sa ika-7 ng Setyembre, 2019Ang pundasyon ng ebanghelyo ay pag-ibig. Hindi ang ating pag-ibig, kundi sa Dios. Ang pag-ibig ng Dios ang nag-uudyok sa Kanya na ibuhos

Sinabi ni Pablo na tayo ay iniligtas sa pamamagitan ng biyaya, “hindi sa pamamagitan ng mga gawa.” (Efeso 2:8-9)

Wala tayong maidaragdag sa sakripisyo ni Jesus. Wala tayong magagawa upang mabayaran ang ating kaligtasan.

Kung tatanggap tayo sa biyaya ng Dios, " tayo'y Kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa." Sa ibang salita, tayo ay instrumento ng Dios upang gumaling at ibalik ang nasira at pagaanin ang paghihirap ng mga tao.

Kumakalinga tayo sa iba dahil sinasalamin natin ang pag-ibig ng Dios sa atin (1 Juan 3:16-17).

Page 6: Liksyon 10 para sa ika-7 ng Setyembre, 2019Ang pundasyon ng ebanghelyo ay pag-ibig. Hindi ang ating pag-ibig, kundi sa Dios. Ang pag-ibig ng Dios ang nag-uudyok sa Kanya na ibuhos

Tinawagan ang iglesia upang ipangaral ang ebanghelyo sa mundo (Gawa 1:8). Matagal nila itong naunawaan.

Sa huli’y tinanggap ng iglesia ang pagbilang sa lahat sa ebanghelyo.

Bakit sumasakop sa lahat ang ebanghelyo?

BAWAT ISA ay may Ama: Dios (Malakias 2:10)

BAWAT ISA ay inapo ni Adan at Eba (Gawa 17:26)

BAWAT ISA ay nagkasala (Roma 3:23)

BAWAT ISA ay iisa kay Kristo (Galacia 3:28)

Bawat isa ay may karapatang tumanggap sa pagpapala ng ebanghelyo. Huwag mong isipin kung sino ang dapat mong paglingkuran, humayo ka lang at maglingkod sa bawat isa.

Page 7: Liksyon 10 para sa ika-7 ng Setyembre, 2019Ang pundasyon ng ebanghelyo ay pag-ibig. Hindi ang ating pag-ibig, kundi sa Dios. Ang pag-ibig ng Dios ang nag-uudyok sa Kanya na ibuhos

Ang pagpapahayag ng Ebanghelyo sa Huling Araw ay nagdidiin ng tatlong puntos na nagpapakita kung gaano nag-aalala ang Dios sa kasamaan, kahirapan at pang-aapi:

Paghuhukom. Dinidinig ng Dios ang daing ng mga inaapi at gagawa sya ng katarunganice

Pagsamba. Ang pagsamba na nais matanggap ng Dios ay ipinapahayag sa pamamagitan ng mga gawa ng kabutihan sa

mahihirap at mga nangangailangan (Isaias 58:6-7)

Paglikha. Nilikha tayo sa Kanyang wangis, hindi natin dapat apihin ang iba

Sa huli, magkakaroon ang Dios ng bayang magpapahayag ng ebanghelyo at tatayo para sa katarungan sa makasalanang mundo.

Page 8: Liksyon 10 para sa ika-7 ng Setyembre, 2019Ang pundasyon ng ebanghelyo ay pag-ibig. Hindi ang ating pag-ibig, kundi sa Dios. Ang pag-ibig ng Dios ang nag-uudyok sa Kanya na ibuhos

“Kung ang pag-ibig ni Kristo ay nananatili sa puso,

gaya ng mabangong samyo ay hindi ito maitatago. Ang

banal na impluwensya nito ay madadama ng lahat na

makakasalamuha natin. Ang espiritu ni Kristo sa puso

ay gaya ng bukal sa disyerto, umaagos upang palakasin

ang lahat at binibigyan ang mga handa nang mamatay

ng pagkakataong uminom ng tubig ng buhay.

Ang pag-ibig kay Jesus ay maihahayag sa isang

hangaring gumawa gaya ng Kanyang paggawa upang

pagpalain at itaas ang sangkatauhan. Magdadala ito sa

pag-ibig, kalambingan, at simpatiya sa lahat ng nilikha

ng ating Amang nasa langit.”

E.G.W. (Steps to Christ, cp. 9, p. 77)