lesson 22 ano ang hindi tama sa aking iglesiya

29
Ano ang HINDI TAMA sa Aking Iglesia? Lesson 22

Upload: mandaluyong-youth-advent-mission

Post on 22-Jul-2015

36 views

Category:

Spiritual


7 download

TRANSCRIPT

Ano ang HINDI TAMA sa

Aking Iglesia?

Lesson 22

1. Paano sinagisagan ni Jesus ang Babilonia sa aklat ng Apocalipsis?

“Ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig. “At nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay. At nararamtan ang babae ng kulay ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa

Kaniyang kamay ay may isang sarong ginto at na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng Kaniyang pakikiapid, at sa Kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.”

Apocalipsis 17:1,3-5

2. Sino ang tinaguriang dalisay na babae sa Apocalipsis kapitulo 12?

3. Ano ang pinangangatawanan ng patutot sa hula ng Biblia?

“Ipakilala mo sa Jerusalem ang Kaniyang mga kasuklamsuklam.” “Ikaw ay tumiwala sa iyong kagandahan, at nagpututol.”

Ezekiel 16:2,15

4. Makikilala ba natin ang patutot na tinuringang “Dakilang Babilonia, ang Ina ng mga Patutot” sa Apocalipsis kapitulo 17?

5. Ano ang literal na kahulugan na salitang “Babilonia,” at ano ang pinagmula nito?

“Magtayo tayo…ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit.” “at sinabi ng Panginoon,…tayo’y bumaba, at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa’t sila’y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.” “Kaya’t ang pangalang itinwag ay Babel, sapagka’t doon ginulo ng Panginoon ang wika.”

Genesis 11:4,6,7,9

6. Sinu-sino ang mga anak ng patutot ng Inang Babilonia na inilarawan sa Apocalipsis 17:5?

7. Bakit ang inang Babilonia ay inilarawang nakasakay sa isang hayop sa Apocalipsis 17? Ano ang pinangangatawanan ng hayop ng ito?

8. Anong ibang kapangyarihan ang makikiisa sa kapapahan sa pagpapatupad ng mga kaganapan sa huling panahon.

“At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at bibig ng hayop ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka: Sapagka’t sila’y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunan sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.”

Apocalipsis 16:13,14

9. Paano magkakaisa ang mga organisasyon na may magkakaibang paninindigan?

“Ang mga ito ay may isang kaisipan nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop.”

Apocalipsis 17:13

10. Anong mga kasalanan ang ipinaratang ng Dios sa Babilonia?

A. “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia.” Apocalipsis 18:2

B. “At naging tahanan ng mga demonio at kulungan ng bawa’t espiritung karamaldumal.” “Sapagkat dinaya ng inyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.”

Apocalipsis 18:2,23

C. “Ang mga nanahan sa lupa ay nalasing” mula sa alak ng

kasuklamsuklam at pakikiapid na natatagpuan sa Kaniyang saro Apocalipsis 17:2,4; 18:3

D. “Ang mga hari sa lupa nangakiapid sa kanya.” Apocalipsis 18:3

E. Pakikipagkalakal sa “Kaluluwa ng mga tao.” Apocalipsis 18:13

11. Ano ang ilang sa mga maling pangaral na tinataglay ng alak ng Babilonia na dahilan ng espiritual na pagkalasing at pagkalito ng mga tao?

12. Sino ang nasa panig sa Panginoon sa digmaan ng Armageddon?

13. Anong pamamaraan ang gagamitin si Satanas sa huling labanan sa pagitan ng katapatan ng Dios at kasinungalingan ni Satanas?

14. Ano ang ganting-paraan ng Dios?

“Sa kautusan at sa patotoo! Kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.”

Isaias 8:20

15. Maging mabisa pa kaya ang mga panghuling-panahong babala at pag-asa?

“Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng Kaniyang kaluwalhatian.”

Apocalipsis 18:1

16. Ano ang mahalagang huling panawagan ni Jesus para sa mga nasa Babilonia?

17. Paano tutugon ang bayan ng Dios, nanasa Babilonia, kung kanilang marinig angKaniyang panawagan na sila’y lumabas?

Para sa karagdagang pag-aaral,

paglilinaw o mga katanungan,

Magpost lamang sa group

timeline at bibigyan po namin

kayo ng kasagutan.