kume praymer

9
Praymer hinggil sa 2011 UP Diliman Land Use Plan 2012 6 Praymer hinggil sa 2011 UP Diliman Campus Land Use Plan Inilabas ng Multi-Sectoral Alliance Unang burador, Oktubre 2012 Layunin Nilalayon ng praymer na ito na: 1. Malaman kung ano ang 1994 UP Diliman Campus Land Use Plan at kung bakit ito pinalitan; 2. Maintindihan kung ano ang 2011 UP Diliman Campus Land Use Plan at ang mga iskema ng komersyalisasyong nakasalabay dito; 3. Malaman kung anu-ano ang mga proyektong nakatuntong sa 2011 UP Diliman Campus Lang Use Plan; 4. Maliwanagan kung anu-ano ang maaaring maging epekto nito sa mga estudyante, mga guro, mga kawani, at ng buong komunidad sa pangkabuuan; at 5. Mamulat ang lahat na may institusyong tulad ng Multi- Sectoral Alliance na kinapapalooban ng lahat ng sektor sa loob ng UP Diliman campus na siyang magtatanggol sa mga demokratikong karapatan at kapakanan ng bawat sektor. Ano ang 1994 UP Diliman Campus Land Use Plan? Ang 1994 UP Diliman Campus Land Use Plan ay inaprubahan noong Hunyo 23, 1994 ng Regent’s Committee on Land Use and Development na pinangungunahan ni Edgardo B. Espiritu kasama sina Nelia T. Gonzales, Paulo C. Campos, Jerry Barican, David M. Consunji, Fortunato T. Dela Peña, at Joseph Roy Vinuya bilang mga miyembro. Ito ay isang dokumento na naglalaman ng ng mga klasipikasyon sa paggamit ng lupa na kasalukuyang ipinagtitibay ng Pamantasan bilang gabay para sa pagpapaunlad ng campus. Tampok dito ang mga sumusunod na klasipikasyon o designasyon ng lupa: Campus Core (20 has), Academic Units (107 has), Research and Development Services ( 13 has), Technology Park (57 has), Commercial Development (88 has), Faculty and Staff Housing (82 has), Dormitories (18 has), Community services (6 has),

Upload: dennis-raymundo

Post on 16-Jan-2016

45 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

kUME

TRANSCRIPT

Page 1: Kume Praymer

Praymer hinggil sa 2011 UP Diliman Land Use Plan 2012

6

Praymer hinggil sa 2011 UP Diliman Campus Land Use PlanInilabas ng Multi-Sectoral Alliance

Unang burador, Oktubre 2012

Layunin

Nilalayon ng praymer na ito na:

1. Malaman kung ano ang 1994 UP Diliman Campus Land Use Plan at kung bakit ito pinalitan;

2. Maintindihan kung ano ang 2011 UP Diliman Campus Land Use Plan at ang mga iskema ng komersyalisasyong nakasalabay dito;

3. Malaman kung anu-ano ang mga proyektong nakatuntong sa 2011 UP Diliman Campus Lang Use Plan;

4. Maliwanagan kung anu-ano ang maaaring maging epekto nito sa mga estudyante, mga guro, mga kawani, at ng buong komunidad sa pangkabuuan; at

5. Mamulat ang lahat na may institusyong tulad ng Multi-Sectoral Alliance na kinapapalooban ng lahat ng sektor sa loob ng UP Diliman campus na siyang magtatanggol sa mga demokratikong karapatan at kapakanan ng bawat sektor.

Ano ang 1994 UP Diliman Campus Land Use Plan?

Ang 1994 UP Diliman Campus Land Use Plan ay inaprubahan noong Hunyo 23, 1994 ng Regent’s Committee on Land Use and Development na pinangungunahan ni Edgardo B. Espiritu kasama sina Nelia T. Gonzales, Paulo C. Campos, Jerry Barican, David M. Consunji, Fortunato T. Dela Peña, at Joseph Roy Vinuya bilang mga miyembro.

Ito ay isang dokumento na naglalaman ng ng mga klasipikasyon sa paggamit ng lupa na kasalukuyang ipinagtitibay ng Pamantasan bilang gabay para sa pagpapaunlad ng campus. Tampok dito ang mga sumusunod na klasipikasyon o designasyon ng lupa: Campus Core (20 has), Academic Units (107 has), Research and Development Services (13 has), Technology Park (57 has), Commercial Development (88 has), Faculty and Staff Housing (82 has), Dormitories (18 has), Community services (6 has), Athletic Field and Major Open Spaces (86 has), at Protected Forest Area (16 has).

Sinasabing ang 1994 UP Diliman Campus Land Use Plan ay idinulot batay sa academic freedom at institution autonomy na iginawad sa UP bilang isang national university.

Samantala, lubos na nakababahala ang pagko-komersyalisa ng mga lupain ng UP Diliman na siyang ginagamit ng mga pribadong kumpanya sa pagpapalaki ng kanilang mga kita imbes na gamitin para sa pang-akademikong kalinangan ng mga estudyante sa pamantasan o para sana sa ibang sektor sa loob ng UP Diliman campus. Tulad halimbawa ng ilang taon nang pagookupa ng AyalaLand ang malaking bahagi ng campus sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na kinikilala ngayon bilang UP-Ayala TechnoHub. Buhat ng 1994 UP Diliman Campus Land Use Plan, tahasan nang kinomersyalisa ang lupa ng UP para tayuan ng mga call centers,

Page 2: Kume Praymer

Praymer hinggil sa 2011 UP Diliman Land Use Plan 2012

6

establisyimento para sa pagkain at aliwan, at iba pang opisina ng mga malalaki at dayuhang kumpanya (tulad ng Convergys, HSBC, IBM, Manulife, Teletech, at iba pa).

Nakababahala rin na tila suportado ng mga pambansang batas at palisiya ang komersyalisasyon ng mga lupain sa UP (maging ito man ay sa Diliman o hindi). Tulad halimbawa ng sa Education Act of 1982 na nagsasabing:

“Real property, such as lands, buildings and other improvements thereon used actually, directly and exclusively for educational purposes shall be subject to the real property tax based on an assessment of fifteen per cent of the market value of such property: Provided, That all the proceeds from the payment thereof shall accrue to a special private education fund which shall be managed and disbursed by a local private school board which shall be constituted in each municipality or chartered city with private educational institutions with the mayor or his representative as chairman and not more than two representatives of the institutional taxpayers, and, likewise, not more than two residents of the municipality or chartered city who are alumni of any of the institutional taxpayers as members: Provided, further, That fifty percent of the additional one percent tax on real estate property provided for under Republic Act 5447, shall accrue to the special private education fund: Provided, finally, That in municipalities or chartered cities wherein the number of private institutions with individual enrollment of pupils and students over five thousand exceeds fifteen, the members of the private school board shall be increased to not more than fourteen members determined proportionately by the Minister of Education, Culture and Sports. The private school board shall adopt its own rules which shall enable it to finance the annual programs and projects of each institutional taxpayer for the following purposes; student-pupil scholarships; improvement of instructional, including laboratory, facilities and/or equipment; library books and periodicals acquisition; and extension service in the community, in that order of priority.” (Sec. 46, Chapter 5 of Republic Act 232)

Bukod pa riyan, nandiyan pa ang Higher Education Modernization Act of 1997 na nagsasabing:

“…Any provision of existing laws, rules and regulations to the contrary notwithstanding, any income generated by the university or college from tuition fees and other charges, as well as from the operation of auxiliary services and land grants, shall be retained by the university or college, and may be disbursed by the Board of Regents/Trustees for instruction, research, extension, or other programs/projects of the university or college: Provided, That all fiduciary fees shall be disbursed for the specific purposes for which they are collected…” (Sec. 4d of Republic Act 8292)

At siyempre pa, nandiyan din ang Long-Term Higher Education Plan (LTHEDP) 2001-2010 na binalangkas ng Commission Higher Education (CHED) upang gabayan ang porma ng higher education sa bansa. Ayon pa sa CHED, kailangan na maging angkop ang porma ng edukasyon ngayong tayo ay namumuhay na sa ilalim ng globalisasyon (i.e., “borderless education”). Sa ilalim ng LTHEDP 2001-2010, hinihikayat ang mga state universities and colleges (SUCs), kasama ang UP, na magkaroon ng mga income-generating projects tulad ng pagbebenta ng mga pag-aari (e.g., lupa).

Page 3: Kume Praymer

Praymer hinggil sa 2011 UP Diliman Land Use Plan 2012

6

May mga institusyon rin tulad ng Presidential Commission on Educational Reform (PCER) na binuo noong 1999 na may mga rekomendasyon sa edukasyon na inaprubahan ng pamahalaan kasama ang World Bank, Asian Development Bank, Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines, at Philippine Chamber of Commerce, kasama ang mga negosyanteng sina Aguiluz at Ayala. Ang PCER ang nagtulak ng moratorium ng pagdadagdag ng panibagong SUCs noong Oktubre 1999. Binalangkas din ng PCER ang pagbabawas ng badyet sa edukasyon at iminungkahi ang pagtaas ng matrikula sa mga SUCs na kaparehas ng sa mga pribadong paaralan.

Sinasabing may tatlong maituturing na aspeto ng komersyalisasyon ng mga serbisyo at pasilidad ng UP: (1) pagpapaubaya sa mga pribadong kumpanya na magmay-ari o magpatakbo ng mga ito o ilang bahagi nito, (2) pagtaas o pagpataw ng mga singilin para sa mga serbisyo, at (3) pagbabawas ng gastusin sa iba’t-ibang pamamaraan. Bagamat magkakaiba ang porma ng komersyalisasyong nararanasan ng UP, naitatahi ito sa iisang kaisipan – ang pagpapatakbo sa UP na parang isang negosyo.

Page 4: Kume Praymer

Praymer hinggil sa 2011 UP Diliman Land Use Plan 2012

6

Ano ang inaprubahang 2011 UP Diliman Campus Land Use Plan?

Ang 2011 UP Diliman Campus Land Use Plan ay ang updated UP Diliman Campus Land Use Plan buhat ng maraming pagbabago sa nagdaang labimpitong taon simula ng ibinunga ang 1994 UP Diliman Land Use Plan.

Ayon sa hindi nailathalang papel ni Arch. Maureen Anne Araneta ng UP Diliman College of Architecture, sinasabing isang malaking hamon para sa pamantasan na pamahalaanan ang 493 ektarya ng lupa ng UP Diliman dahil sa mga sumusunod na aspeto:

ang malapit na lokasyon ng campus sa Quezon Memorial Circle; ang pagpapalawak ng mga pangunahing kalye tulad ng sa Commonwealth Avenue, C.P.

Garcia Avenue, Katipunan Avenue na nagdudulot ng trapiko sa loob at labas ng campus; at

ang iba’t-iba pang problemang patungkol sa urban development, tulad ng pagsisikip ng trapiko, polusyon, at pagpasok ng mga informal settlers sa loob ng campus.

Ayon pa kay Araneta, ang mga external forces na ito ay ang siyang dahilan kung bakit lumiliit ang espasyo para sa mga guro, mga mag-aaral, at mga kawani, o sa pang-akademikong kalinangan sa kabuuan.

Samantala, tulad ng naunang 1994 UP Diliman Land Use Plan, nilalaman din ng updated na Land Use Plan ang mga klasipikasyong o designasyon para sa lupain ng UP Diliman. Ngunit, tulad rin ng aprubadong UP Diliman Campus Land Use Plan, sadya ring binago ang mga klasipikasyong ito. Kabilang dito ang mga sumusunod: Campus Core (21.66 has), Academic/Academic Support Units (137.70 has), Science and Technology Park (113.41 has), Resource Generation Zone (42.51 has), Faculty and Staff Housing (95.18 has), Dormitories with Support Facilities (15.69 has), Community Services (3.79 has), Other Parks and Major Open Spaces (44.82 has), at Protected Forest Area (18.25 has).

Sa pagbabagong ito, makikitang lumiit ng bahagya ang posyento ng ibang kalsipikasyon. Ngunit, sa realidad, sinadya ang mga “pagpapaliit” na ito habang pinagsasama-sama ang iba’t-ibang klasipikasyon:

1994 UP Diliman Campus Land Use Plan

2011 UP Diliman Campus Land Use Plan

Land Use Classifications

Ares (in hectares) Land Use Classifications

Areas (in hectares)

Campus Core 20 Campus Core 21.66Academic Units 107 Academic/Academic

Support Units137.70

Research and Development Services

13

Technology Park 57 Science and Technology Park

113.41

Page 5: Kume Praymer

Praymer hinggil sa 2011 UP Diliman Land Use Plan 2012

6

Commercial Development

88 Resource Generation Zone

42.51

Faculty and Staff Housing

82 Faculty and Staff Housing

95.18

Dormitories 18 Dormitories with Support Facilities

15.69

Community Services 6 Community Services 3.79Athletic Field and Major Open Spaces

86 Other Parks and Major Open Spaces

44.82

Protected Forest Area (Arboretum)

16 Protected Forest Area (Arboretum)

18.25

Ang mga 2011 UP Diliman Campus Land Use Plan ay binago, mula sa orihinal na 1994 UP Diliman Campus Land Use Plan, sa mga sumusunod na aspeto:

1. Pinagsama ang Academic Units at Research and Development Services (1994) para maging Academic/Academic Support Units (2011);

2. Pinalitan ang pangalan ng Technology Park (1994) at naging Science and Technology Park (2011);

3. Binago ang konsepto ng Commercial Development (1994) at naging Resource Generation Zone (2011);

4. Pinalawak ang konsepto ng Dormitories (1994) at naging Dormitories with Support Facilities (2011).

Page 6: Kume Praymer

Praymer hinggil sa 2011 UP Diliman Land Use Plan 2012

6

Mga kongkretong proyekto ng UP na nakahanay sa 2011 UP Diliman Campus Land Use Plan

Malapit na:

- ASTI (Daan Tubo)- Waterways- Technopark (Daan Tubo)- Water Treatment Facility (Arboretum)- Phase 2 ng TechnoHub (Arboretum)- College of Law and College of engineering’s dormitories- House of Senate or Land Transportation Office leasing - Town Center (Pansol)- Faculty and Staff Housing (C.P. Garcia at Village C)

Dati na:

- Kiosks bidding- Shopping Center’s increase of rent- Parking spaces for jeepneys- Carless academic oval and/or One-way academic oval- GT Toyota

Ang sistema ng edukasyon at ang mga palisiya ng komersyalisasyon sa ilalim ng administrasyon ni Noynoy

- Roadmap ni PNoy- Si Noynoy bilang tuta ng Amerika- Ang konsepto ng “komunidad” sa UP

Epekto ng UP Diliman Campus Land Use Plan at ng komesyalisasyon sa bawat sektor ng UP Diliman

Sa ganang ito, makikita natin na lubos na kinokomersyalisa ng UP Administration ang mga lupa ng pamantasan. Tulad halimbawa ng kanilang pagkukubling ginagawa sa Science and Technology Park (S & T Park). Kalakhan ng nasa S & T Park ay malinaw na hindi para sa pagpapaunlad ng pang-akademikong kalinangan ng mga estudyante, o ng kung sino pa man. Bagkus, ito ay nagsisilbi lamang sa mga kapitalistang interes. Dahil sa UP Diliman Campus Land Use Plan, maging ito man ay noong 1994 o nitong 2011, sistematiko nang nailatag ang pagpapasidhi ng komersyalisasyon sa loob ng UP Diliman Campus na isang pamantasan ng bayan.

Ano ang MSA? Ano ang magagawa nito?

[To follow!]