kultura ng pilipinas.docx

Upload: dmark-kram-ned

Post on 04-Jun-2018

272 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

  • 8/14/2019 KULTURA NG PILIPINAS.docx

    1/2

    KULTURA NG PILIPINAS

    Ang kultura ng Pilipinaso kalinangan ng Pilipinasay pinaghalong impluwensya ng mga

    katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.

    Ang pananakop ng mgaKastila sa Pilipinas, sa pamamahala ngMehiko,na tumagal ng mahigit

    333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. AngWikang Pilipino,na maskadalasang kilala bilangTagalog,ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa

    mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na

    seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng

    malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan,barangay,o ng mga

    distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang

    lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga

    bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig

    Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.

    Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing

    saIndia,Malaysia,Indonesia,Tsina atHapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng

    Pilipinas. AngHinduismo atBudismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng

    mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal naMuslim.Ang

    wikangTagalog at iba pang wika saPilipinas ay maraming hiniram sa wikangSanskrito.Isang

    mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino.

    Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopaoat iba pa ay

    minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng

    pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng

    edukasyon, musika at pamahalaan.

    Lipunang Pilipino

    Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa

    pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang

    bansa ay nahahati sa pagitan ng mgaKristiyano,Muslim,at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga

    nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at

    ng mga mahihirap.

    Kaugaliang Pilipino

    Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay nanagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang

    bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang

    mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang

    inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay

    sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di

    gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugalingindibidwalismo ng mga

    lipunang Europeo at Amerikano.

    http://tl.wikipedia.org/wiki/Kastilahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Mehikohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipinohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Tagaloghttp://tl.wikipedia.org/wiki/Barangayhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Indiahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Malaysiahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Indonesiahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Tsinahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Haponhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Hinduismohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Budismohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Islamhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Tagaloghttp://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinashttp://tl.wikipedia.org/wiki/Sanskrithttp://tl.wikipedia.org/wiki/Kristiyanohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Islamhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Indibidwalismohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Indibidwalismohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Islamhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Kristiyanohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Sanskrithttp://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinashttp://tl.wikipedia.org/wiki/Tagaloghttp://tl.wikipedia.org/wiki/Islamhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Budismohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Hinduismohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Haponhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Tsinahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Indonesiahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Malaysiahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Indiahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Barangayhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Tagaloghttp://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipinohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Mehikohttp://tl.wikipedia.org/wiki/Kastila
  • 8/14/2019 KULTURA NG PILIPINAS.docx

    2/2