kolonisasyong espanyol

16
Ang Soberanya at Kalayaan ng Bansa Aralin 1 ng Ika-Apat na Kwarter University of the Philippines Integrated School Araling Panlipunan VI Kalayaan ni Romi C. Mananquil Ito ay kopya ni: _________________________________ Seksyon: _________________________________

Upload: sue-quirante

Post on 22-Nov-2014

14.093 views

Category:

Education


4 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Kolonisasyong Espanyol

Ang Soberanya at Kalayaan ng Bansa Aralin 1 ng Ika-Apat na Kwarter

University of the Philippines Integrated School

Araling Panlipunan VI

Kalayaan ni Romi C. Mananquil

Ito ay kopya ni: _________________________________

Seksyon: _________________________________

Page 2: Kolonisasyong Espanyol

S O B E R A N Y A A T K A L A Y A A N

Ang ____________ ay kalayaan sapagkat ang soberanong estado ay malaya at hindi mapanghihimasukan o madidiktahan ng ibang bansa. Ito ang eksternal na soberanya. May kalayaan at ganap na kapangyarihan rin ang pamahalaan ng soberanong estado na magpatupad ng batas sa nasasakupan nito na nangangailangan ng pagsunod ng lahat ng tao. Ito ang ____________ na soberanya ng estado. Bilang soberanong estado, taglay ng Pilipinas ang sumusunod na karapatan: Pagsasarili. Taglay ng ng Pilipinas ang karapatang di-pakialaman o panghimasukan ng ibang estado. Pagkakapantay-Pantay. Tinatamasa ng mga soberanong estado na kinikilala ng United Nations gaya ng Pilipinas ang magkakatulad na pribilehiyo at tungkulin sa batas internasyonal. Pagsakop. Taglay ng Pilipinas ang kapangyarihang mamuno at mangasiwa sa teritoryo. Pagmamay-ari. Taglay ng Pilipinas ang karapatan sa pagkakaroon ng mga ari-arian na mapamamahalaan tulad ng likas na yaman, imprastraktura, lupain, kagamitang publiko, at marami pang iba. Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa. Nagpapadala ang Pilipinas sa ibang bansa ng mga diplomatikong kinatawan na nagsulong sa interest ng bansa lalo na sa aspetong pang-ekonomiya.

Page 3: Kolonisasyong Espanyol

Ang __________________ ay isang uri ng imperyalismo kung saan

inaangkin ng mananakop ang soberanya ng malayang bayan.

Binabago ng mananakop ang lipunan, pamahalaan, at ekonomiya ng

bayan at direkta itong pinamamahalaan bilang kolonya.

Ang __________ ay isang salaysay na may saysay. May dalawang pagkakahati sa perspektiba ng pagsasalaysay na bibigyan natin ng pansin: history from _______ □ pagpapaliwanag sa mga kaganapan ng kasaysayan mula sa

perspektiba ng naghaharing uri gaya ng pagsasalaysay tungkol sa mga dakilang lider

history from _______ □ pagsasalaysay ng kasaysayan mula sa pananaw ng karaniwang

tao kaysa sa mga politikal na lider

Pag-agaw sa Kalayaan ng mga Kolonisador Malayang pinamahalaan ng mga sinaunang Pilipino ang kani-kanilang mga komunidad na nagkalat sa buong kapuluan mula sa mga baybayin hanggang sa pinakamataas na kabundukan. Masagana ang kapaligiran kaya’t maginhawa ang pamumuhay at malakas ang kalakalan sa mga kapitbayan tulad ng mga Tsino at Hapones.

Subalit noong 1521, dumating sa kapuluan ang mga dayuhan sa pamumuno ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na naglayag sa Silangan sa ngalan ng Kaharian ng Espanya upang mangalap ng mga pampalasa at makahanap ng rutang pangkalakalan tungo sa Tsina. Bagama’t napaslang si Magellan sa sagupaan sa pagitan ng mga Espanyol at tauhan ni Datu Lapu Lapu, nakaligtas ang ilang dayuhan

na nagbigay alam sa kinahinatnan ng ekspedisyon sa Espanya. Naudlot ang malayang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa muling pagbalik ng mga Espanyol noong 1565 sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi. Sa kabila ng paglaban ng

mga Pilipino, napasimulan ni Legazpi ang kolonisasyon ng kapuluan sa pamamagitan ng ________, ________ at _________.

Page 4: Kolonisasyong Espanyol

Mestisong Tsino

Mestisong Espanyol

Sa loob ng mahigit tatlong daan taon na pananakop ng Espanya, walang humpay ang paglaban at pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. May mga grupong nag-alsa dahil sa personal na hinanakit sa pamahalaan at simbahan, mga imposisyong ekonomiko tulad ng pagbabayad ng buwis, pagtutugis dahil sa pananampalataya, at mga pagmamalabis sa mga hacienda. Narito ang ilang halimbawa: 1635 – 1671. Matagumpay na ipinaglaban ni Sultan Kudarat ang kalayaan ng Maguindanao mula sa pananakop ng mga Espanyol. Dahil sa maunlad na konseptong pulitikal nabuklod niya ang iba’t ibang grupo at nalinang ang pagpapahalaga sa kasarinlan. Sa huli, napilitan ang mga Espanyol na kilalanin ang kanyang kapangyarihan. 1744. Nagsimula sa hindi paglibing sa kanyang kapatid na si Sagarino sa Katolikong sementeryo ang pag-aaklas ni Francisco Dagohoy. Makikita rito ang pagsanib ng kamalayang Europeo sa katutubong paniniwala. Sa panahong ito naging mahalaga na sa mga Pilipino ang pagbasbas sa mga patay dahil pumasok na ang Kristiyanong konsepto ng impiyerno sa paniniwala ng mga Pilipino. Nakapagtatag ng isang malayang bayan sa loob ng 85 taon sa mga kabundukan ng Bohol si Dagohoy. 1762 -1763. Makikita rin ang pagsanib ng kamalayang Europeo at paniniwalang katutubo sa pag-aalsang Iloko na pinamunuan nina Diego at Gabriela Silang nang ang Maynila ay panandaliang nasakop ng mga Inggles. El Rey de Ilocos (Ang ___________________) ang tawag kay Diego Silang at ginamit niyang modelo ng estado ang istrukturang Espanyol. 1871. Kaiba sa mga naunang pag-aklas, relihiyoso ang katangian ng pag-aalsa na pinamunuan ni Hermano Pule. Ikinabahala ng mga

Page 5: Kolonisasyong Espanyol

_______ ang tawag ng mga Espanyol sa mga Pilipino na nagpapakita ng mababang pagtingin nila sa ating lahi.

Espanyol ang malawak na kasapian ng Kapatiran ng San Jose na itinayo ni Pule para lamang sa mga Pilipino. Pinatay sa pamamagitan ng firing squad si Pule, hinati-hati ang katawan at inilagay ang ulo malapit sa daan. Bagama’t karamihan ng mga pag-aalsa ay nagapi ng mga pwersang Espanyol sa tulong ng mga ka-alyadong katutubo, mahalagang ambag ng mga pag-aalsa bago ang himagsikan ng 1896 ang paglinang sa nasyonalismong Pilipino. Lumitaw mula sa mga pag-aalsa ang pag-unawa sa kahalagahan ng ______________. Ganap na nabuo ang ideya ng pagkakaisa ng buong kapuluan sa konstitusyon ng La Liga Filipina na inorganisa ni Jose Rizal. Subalit, hindi ang mga ilustrado na ka-uri niya ang nagsakatuparan ng adhikaing ito, kundi ang samahang masa na binuo ni Andres Bonifacio.

Ang Mga Ilustrado at Paglinang ng Nasyonalismong Pilipino Dumami ang bilang ng mga estudyanteng Pilipino sa mga bansang Europeo sa huling bahagi ng 1800. Natutunan nila mula sa mga unibersidad ng Europa ang mga liberal at makabagong kaisipan. Bansag sa kanila ay __________ o naliwanagan. Isang grupo ng mga ilustrado ang bumuo sa ________________________. Hangad nila ang ___________________ upang maging probinsya ng Espanya at hindi lamang kolonya ang Pilipinas. Ipinakita nila ang kahusayan ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan upang mabago ang mababang pagturing ng mga Espanyol sa mga indio. Sa kanilang paniniwala, ito ang susi sa pagtanggap ng mga Espanyol sa mga Pilipino bilang kapantay na lahi. Anila, matitiyak ng asimilisasyon ang pagkakamit ng mga karapatang kapantay sa mamamayang Espanyol at magwawakas sa pagmamalabis na nagaganap sa kolonya.

Page 6: Kolonisasyong Espanyol

Sa pamamagitan ng La Solidaridad, nanawagan ang mga Propagandista para sa mga reporma at ibinulgar ang pagmamalabis ng mga ________ at mga opisyal. Subalit hindi nagtagal, nagkawatak-watak sila dahil sa mga personal na alitan, pagkakaiba ng paniniwala at pamamaraan. Bagama’t nabigo ang mga Propagandista sa pagkamit ng kanilang mga layunin, naging ambag ng kilusan ang higit na paglinang sa kamalayang _________________ ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mga isinulat tulad ng Sucesos de las Islas Filipinas at El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

Ang Amain Namin Amain naming Sumasaconvento ka, Sumpain ang ngalan mo, Malayo sa amin ang kasakiman mo, Guitlin ang liig mo dito sa lupa Para nang sa langit. Saulian mo cami ngayon Nang aming kaning iyong inaraoarao At patauanin mo kami sa iyong pag-ungal Para nang pagpapataua mo kung kami nacucualtahan, At huag mo kaming ipahintulot sa iyong panunukso At iadya mo kami sa masama mong dila. Amen.

Our Father Our Father, Go back to the convent Cursed be thy name Thy incomparable greed begone Thy throat be slit on earth As it should be in heaven. Give us back our daily bread Thou taketh away from us everyday And make us laugh as thou laughs When thou taketh it away from us. Lead us not into thy temptations And deliver us from thy foul tongue. Amen.

Mula sa Dasalan at Tocsohan na isinulat ng Propagandistang si Marcelo H.

del Pilar ang panalanging Ang Amain Namin. Sino ang pinapatamaan ni del

Pilar sa kanyang panalangin? Anong pagmamalabis ang pinupuna nito?

Page 7: Kolonisasyong Espanyol

Panunumpa gamit ang sariling dugo

Mula sa Liga Tungo sa Katipunan Tatlong araw bago ipatapon sa Dapitan si Rizal, nakipagkita siya sa mga negosyante at aktibista ng Maynila upang itatag ang ____________________. Layunin ng samahan ang pambansang pagkakaisa; pagtutulungan ng bawat kasapi; paghihikayat sa edukasyon, agrikultura, at kalakalan; at pagsasagawa ng reporma. Kasapi si Andres Bonifacio sa mga unang miyembrong nagtatag ng Liga. Bagamat batid niya na walang saysay ang mapayapang paggiit sa repormang panlipunan, nagsumikap siyang bumuo ng iba’t ibang sangay ng Liga sa Kamaynilaan. Subalit nagpasya ang mga mayamang kasapi ng Liga na buwagin ang samahan nang matuklasan nilang tutol ang mga binuong sangay ni Bonifacio sa patuloy na pagsuporta sa mga Propagandista dahil na rin sa kawalan nito ng bisa sa pagtaguyod ng reporma. Natakot ang mga mayamang kasapi na masangkot sa mga aktibidad laban sa Espanya at sa maaaring pagtugis ng mga autoridad. Maging si Bonifacio ay hindi nasiyahan sa Liga dahil sa pagdiin nito sa pagkakaiba ng mga mayayaman (Liga Alta) at mahihirap (Liga Baja) na miyembro. Ito ang tuluyang nagpakita sa kanya sa kahalagahan ng pagbubuo ng isang samahang masa para sa mabisang paggiit sa ganap na kalayaan ng bansa.

Sa huli, binuo ng ilang mayamang kasapi ng Liga ang Cuerpo de Compromisarios upang tustusan ang La Solidaridad sa panawagan nito ng reporma mula sa Espanya. Samantala, binuo naman nina Bonifacio ang ______________ Layunin nito ang pagkamit ng _____________ ng buong kapuluan.

Nagmula sa middle class ang mga unang kasapi nito. Sa katunayan, si Bonifacio na kilala bilang dakilang dukha sa popular na pagsasalarawan ay lower middle class. Isang mananahi at teniente mayor ng Tondo ang kanyang ama. Habang cabecilla sa isang

Page 8: Kolonisasyong Espanyol

*Sa salitang tagalog katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangakapuluang ito sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din.

~Sa May Nasang Makisanib sa Samahang ito

pagawaan ng tabako ang kanyang ina na isang mestisang Espanyol. Nakapagtrabaho bilang bodegero ng Fressel Company si Bonifacio na mas mataas ang pasahod kaysa karaniwang guro sa panahong iyon. Bago sumiklab ang rebolusyon ng 1896, sumapi naman ang ilang ____________ o lokal na elite sa Katipunan tulad nina Emilio Aguinaldo, Mariano Trias, Daniel Tirona, Paciano Rizal, Miguel Malvar at Mariano Llanera. Ipinakikita nito na tinanggap ng Katipunan ang lahat, mayaman man o mahirap, edukado man o mangmang.

Mula sa Katipunan Tungo sa Pamahalaang Rebolusyonaryo Matapos mabunyag ang lihim na samahan ng Katipunan, naging hudyat ng pagsisimula ng rebolusyon laban sa pamahalaang Espanyol ang ____________________________ sa Unang Sigaw sa Sitio Pugadlawin, Barrio Balintawak, Kalookan, Maynila noong ika-23 ng Agosto 1896. Napag-isa at nabuo ng Katipunan ang hanay ng mga Pilipino sa pagtaguyod ng himagsikan. Nagbunga ito sa deklarasyon ng kasarinlan ng sambayanang Pilipino noong ika-12 ng Hunyo 1898.

Ang dalawang taong pagitan mula 1896 hanggang 1898 marahil ang mga pinakakontrobersyal na taon sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong ika-22 ng Marso 1897 nagtawag ng pagpupulong sa Tejeros upang mapag-usapan ang pagdepensa sa Cavite laban sa hukbong Espanyol. Nagtungo roon si Bonifacio upang ayusin ang alitan sa pagitan ng _____________ at _____________, dalawang magkagalit na paksyon ng Katipunan sa Cavite. Sa halip na mapag-usapan ang pagdepensa sa probinsya, iminungkahi ni Severino de las Alas na talakayin ang uri ng pamahalaan ng Pilipinas na itatatag ng Katipunan.

Iginiit ni Bonifacio ang posisyon ng mga Magdiwang: umiiral na ang _____________________________* sa pamamagitan ng Katipunan at mayroon na itong mga batas na sumasaklaw sa buong kapuluan. Subalit patuloy na ipinagpilitan ng mga nagsidalo sa pulong ang pagtatag sa isang bagong pamahalaang rebolusyonaryo. Napilitan si

Page 9: Kolonisasyong Espanyol

Takdang Aralin: Paano kaya magbabago ang kasaysayan ng ating bansa kung hindi pinatay si Andres Bonifacio? Sagutan ang tanong sa pamamagitan ng pagguhit, paggawa ng kwento o paggawa ng tula. Pangalan: Seksyon:

Bonifacio na mangasiwa sa eleksyon. Ayon sa tatlong magkaibang batis, marumi ang naging eleksyon. May naisulat nang mga pangalan sa mga balota bago pa maipamigay ang mga ito. Bagay na napansin ni Gregoria de Jesus at Heneral Artemio Ricarte. Nanalo bilang pangulo si Emilio Aguinaldo at direktor ng panloob si Bonifacio. Bago magtapos ang pagpupulong, tinutulan ni __________________ ang pagkakahalal ni Bonifacio. Aniya nakareserba lamang ang posisyon para sa mga edukado. Matapos ang insidente, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang nangyaring eleksyon. Nanumpa sa pagkapangulo si Aguinaldo noong ika-18 ng Abril. Iniutos niya ang pag-aresto kay Bonifacio. Matapos ang minadaling paglilitis, pinatay ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio. Samantala, lumakas ang pwersa ng mga Espanyol at napilitan si Aguinaldo na lisanin ang Cavite. Naging himpilan ng pamahalaang rebolusyonaryo ang _________________. Doon, sa pamamagitan ni Pedro Paterno, nilagdaan ni Aguinaldo ang Kasunduan sa Biak-na Bato at isinuko ang himagsikan sa mga Espanyol kapalit ang Php800,000 bayad sa mga lider ng rebolusyon at Php900,000 na ipapamahagi sa mga sibilyan bilang bayad pinsala sa digmaan.

Page 10: Kolonisasyong Espanyol

Narito ang panayam ng ________________ kay Aguinaldo bago siya nagtungo sa ______________ kasama ang kanyang pamahalaan:

Sumali kami sa digmaan hindi dahil sa kagustuhan naming humiwalay ang Pilipinas sa Espanya, kundi dahil sa pagod na kami sa pang-aabuso ng mga prayle. Ang pagkamit ng kasarinlan ng Pilipinas na ipinanukala ng Katipunan ay imposibleng makamtan at laban ito sa aming tunay na layunin. Ang pag-aklas sa Espanya ay layunin ni Andres Bonifacio,isang malupit na pinuno na aking pinabaril, at sa kanyang pagpanaw naglaho ang Katipunan. Ito ang tiyak, ang tanging repormang aming hinihingi ay

ang paglimita sa impluwensiya ng mga prayle sa aming mga bayan. Hindi namin hinihingi ang pagpapalayas sa kanila bagkus ang pagpapatupad ng ___________________. Bukod dito, hinihingi rin namin ang paglilipat sa pamamahala ng ilang mga hacienda mula sa mga prayle tungo sa amin. Gawain: Magsulat ng negatibo at positibong reaksyon sa pahayag ni Aguinaldo.

Sa kabila ng paglisan ng pamahalaan ni Aguinaldo, nagpatuloy ang himagsikan at pakikipaglaban ng mga _________ sa pamumuno ng mga heneral na hindi lumagda sa kasunduan. Ilan sa mga ito sina Heneral Makabulos, Emilio Jacinto at Feliciano Jhocson. Bukod pa rito, nag-alsa rin ang mga mamamayang Cebuano at Hiligaynon ng Panay. Sunud-sunod ang naipanalong laban ng mga mamamayan sa kabila ng pagkawala ng pambansang liderato, kakulangan sa armas, kasanayang militar, at kawalan ng isang pamahalaang pambansa.

Page 11: Kolonisasyong Espanyol

Ang Papel ng Mga Kababaihan sa Himagsikan Naging mahalaga ang ambag ng mga kababaihan sa pagkapanalo ng himagsikan. Sa katunayan, hindi lang pag-aruga ang naging papel ng mga babae kundi pati na rin ang mismong paglaban sa digmaan. Ang ilan sa kanila ay naging mga henerala ng mga hukbo tulad nina Trinidad Tecson ng Bulakan at Teresa Magbanua ng Iloilo.

Ang Elite at Pagkakatatag sa Unang Republika

Malapit nang makamit ang kalayaan ng mga naghimagsik nang nagbalik si Aguinaldo. Prinoklama niya ang pagkakatatag ng isang ________________________ noong ika-24 ng Mayo 1898 at sumali sa mga naghihimagsik sa paglusob sa ___________. Tatlong beses niyang hiningi ang pagsuko ng mga Espanyol. Lingid sa kanyang kaalaman, nakikipagsabwatan ang mga ito sa mga Amerikano matapos magapi ng hukbong pandagat ni Dewey ang armada ng mga Espanyol.

Samantala, idineklara ni Aguinaldo ang kasarinlan ng bansa mula sa mga Espanyol noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Pagdaan ng dalawang buwan, napasakamay ng mga Amerikano ang Maynila noong ika-13 ng Agosto. Matapos mapasailalim ang Maynila sa mga Amerikano, itinuon ni Aguinaldo ang kanyang pansin sa mga

Maralita, mayaman, mangmang, marunong, lahat dito’y magkakapantay-pantay at tunay na

magkakapatid.

Ang babai’y wag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan…

~Mga Aral ng Katipunan

“at palibhasa’y kasama ako at sumaksi sa maraming laban, kaya’t kabilang din akong isa sa mga kawal at upang maging ganap na kawal, ako’y nagsanay ng pagsakay ng kabayo at nag-aral na mamamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon”

-Gregoria de Jesus

Page 12: Kolonisasyong Espanyol

Gawain: Pagbukud-bukurin ang mga pangalang nasa loob ng kahon sa uring masa at uring elite.

Emilio Aguinaldo negosyante vagamundos panginoong maylupa principalia magsasaka manggagawang bukid Jose Rizal

probinsya. Ipinadala niya ang mga pinagkakatiwalaang kasamahan upang mapagtibay ang kanyang pamumuno sa mga probinsya.

MASA ELITE

Nararapat banggitin na naipanalo ang kalayaan sa mga probinsya dahil sa sariling pagsisikap ng mga mamamayang naghimagsik at sa pamumuno ng mga lider batay sa lumang istruktura ng Katipunan. Bagama’t nakapagtatag na ng mga lokal na pamahalaan ang iilan, nanumpa pa rin ang mga ito ng pag-anib sa pamahalaan ni Aguinaldo.

Nilipat ni Aguinaldo ang kanyang kabisera sa Malolos noong Setyembre 1898 at pinulong niya ang Kongreso ng Malolos sa pamamagitan ng paghirang sa mahigit na 60 kinatawan ng mga probinsya na hindi naman niya kontrolado. Binuo ang Kongreso ng Malolos ng ___________________________. Mayorya ay panginoong maylupa at karamihan ay lantarang tagasuporta ng Espanya at sa kalaunan ay tagasuporta sa ideya ng pagpapasailalim ng Pilipinas sa Estados Unidos bilang ___________. Mapapansin sa mismong deklarasyon ng kasarinlan ang hangaring ito ng pambansang elite:

Page 13: Kolonisasyong Espanyol

Lamang ay hindi ito natupad dahil sa di-pagkilala ng Estados Unidos sa deklarasyon ng kasarinlan. Klaro na tanging pangangalaga ng pansariling politikal at pang-ekonomikong interes ang inatupag ng Kongreso. Sa kadahilanang ito, maituturing na isang oligarkiya at hindi isang republikanong lehislatura ang nabuong Kongreso. Noong ika-21 ng Enero 1899, prinoklama ni Aguinaldo ang Konstitusyon ng Malolos na sinasabing unang demokratikong konstitusyon sa buong Asya. Subalit kung susuriin ang prinoklamang konstitusyon makikita na mas malaki ang nakasaad na kapangyarihan ng ______________ kumpara sa sangay ehekutibo at hudisyal. Wala ring naganap na tunay na pagdedebate tungkol sa konstitusyon dahil sa kakulangan ng quorum. Bukod sa paghihiwalay ng pamahalaan at simbahan walang ibang pagbabago ang naipasok sa konstitusyon na isinulat ni Felipe Calderon. Opisyal namang napasinayaan ang Unang Republika noong ika-23 ng Enero na pinamununuan ni Emilio Aguinaldo bilang unang pangulo. Matapos ang labindalawang araw, sumiklab ang digmang Pilipino-Amerikano.

Pagkawala ng Kalayaan ng Pilipinas

Panlabas na Dahilan (external cause)

Panloob na Dahilan (internal cause)

“And summoning as a witness of the rectitute of our intentions, the Supreme Judge of the Universe, and under the protection of the Mighty and Humane North American Nation, we proclaim and solemnly declare, in the name and by the authority of the inhabitants of all these Philippine Islands, that they are and have a right to be free and independent; that they are released from all obedience to the crown of Spain…”

~Kawit Declaration of Independence

Page 14: Kolonisasyong Espanyol

Gawain: Paghambingin ang Kongreso ng Republika ng Malolos sa kasalukuyang Kongreso ng Republika ng Pilipinas. Ano ang uri (class) ng mga miyembrong bumubuo nito?

Page 15: Kolonisasyong Espanyol

Sintesis at Pagkukumpara

Mga Pag-Aklas Bago Ang 1896

Konsepto ng Nasyon

Layunin

□ mabalik ang sinaunang pamumuhay

□ mapatigil ang polo □ ayaw magbayad ng

tributo □ pananampalataya □ at iba pa

Miyembro iba-iba subalit hindi napag-isa ang mga uri

Pamaraan

Rebolusyon ng Katipunan

Konsepto ng Nasyon

Layunin

Miyembro

Pamaraan

Pagtimbang sa Pamahalaang Aguinaldo

Nang isinagawa ang eleksyon sa mga probinsya nakatanggap ang pamahalaan ng Malolos ng mga reklamo mula sa principalia o lokal na elite sa pagkakahalal ng mga di-edukadong indibidwal na ibinoto ng mga “mangmang” na nakararami. Ayon sa mga lokal na elite, sa kabila ng popular na pagkaboto, hindi magagampanan ng mga di-edukado ang pangangasiwa sa lokal na pamahalaan. Kadalasang pumanig ang mga nakatalagang opisyal ng Malolos sa mga principalia.

Natanggap ng pamahalaan ng Malolos ang maraming reklamo tungkol sa pang-aabuso ng mga opisyal ng militar gaya ng Kawit regiment na nagsagawa ng pagnanakaw, planong pagpaslang at pananakit sa karaniwang mamamayan.

Ipinatuloy ni Aguinaldo ang sistema ng pagbubuwis ng mga Espanyol.

Ipinatuloy ni Aguinaldo ang sistema sa lupa ng mga Espanyol.

Likes _____ Dislikes _____

Ano ang nagustuhan mo sa leksiyon? Ano ang hindi mo nagustuhan sa leksiyon?

Page 16: Kolonisasyong Espanyol

Samahan Miyembro Layunin Pamaraan Resulta

Kilusang Propa- Ganda

pagsulat

La Liga Filipina

ilustrado, iilang middle class

Compro-misarios

reporma

Katipunan nakamit ang kalayaan subalit naudlot

Sinaunang Lipunan Lipunang Kolonyal

Guerrero, M.C. & Schumacher, J.N. (Eds.). (1998). Reform and Revolution. Mandaluyong: Asia Publishing Company Limited.

Lorenzo-Abrera, M.B. et al. (Eds.). (2005). Kasaysayang Bayan: Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino, 2

nd ed. QC: Adhika ng Pilipinas, Inc.

National Historical Institute Website (www.nhi.gov.ph) Ocampo, Ambeth. (2007). “Red Pants for a Revolution.” The Philippine Daily Inquirer.