kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

22
Kolonisasyon at Kolonisasyon at Kristiyanisasyon Kristiyanisasyon

Upload: markjasondiaz

Post on 23-Dec-2014

6.353 views

Category:

Education


18 download

DESCRIPTION

paraan ng pagsakop ng mga Kastila sa mga Pilipino

TRANSCRIPT

Page 1: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Kolonisasyon at Kolonisasyon at KristiyanisasyonKristiyanisasyon

Page 2: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7
Page 3: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Mga Layunin sa Mga Layunin sa Pananakop ng mga Pananakop ng mga

EspanyolEspanyolMerkantilismoIto ang kaisipang nagsusulong na

ang lakas at kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng pilak at ginto nito. Nanguna ang mga bansang Portugal at Espanyal sa paghahanap ng mga ito. Ang mga bansang mananakop (mother country) ang nakikinabang sa yaman ng lupaing sinakop (kolonya). Ang mga kolonya ang naging tagatustos ng mga hilaw na materyales na ginagamit ng mga bansang Europeo.

Page 4: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Sa pagsara ng pasilangang ruta patungong Asya dahil sa mga Turkong Muslim, naghanap ang mga manlalakbay ng pakanlurang ruta. Sa pangunguna ng Espanya at Portugal, nilakbay ng mga ito ang Karagatang Atlantiko. Isa sa mga layunin nito ay upang mapuntahan ang isla ng mga rekado o spices --- Moluccas (Indonesia).

Ilan sa mga halimbawa ng panrekado ay paminta, bawang, luya, nutmeg, at cinnamon.

Page 5: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Ang isa sa mga pinakakilalang manlalayag sa Europa na nakarating sa Asya ay si Ferdinand Magellan. Sa kanyang paglalayag ay dala ng kanyang pangkat ang limang barko: Trinidad San Antonio Santiago Concepcion Victoria

Page 6: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7
Page 7: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Mga Estratehiya sa Mga Estratehiya sa Pananakop ng mga Pananakop ng mga

EspanyolEspanyolAng ganap na kolonisasyon ng

Espanya sa Pilipinas ay natupad lamang ni Miguel Lopez de Legazpi. Nagtatag siya ng unang permanenteng pamayanan sa Cebu matapos talunin si Raja Tupas (Abril 1565). Noong Hunyo 24, 1571, itinatag ang Maynila bilang punong-lungsod ng Espanya sa Pilipinas.

Page 8: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Ang estratehiyang ginamit ng mga Espanyol sa pagsakop ay ebanghelisasyon at kolonisasyon. Ang ebanghelisasyon ay mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ito ay kinakatawan ng krus. Ang kolonisasyon naman ay paggamit ng puwersa at lakas-militar. Ito ay kinakatawan ng espada.

Page 9: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Sa paggamit ng mapayapang paraan, napalapit ang loob ng mga Pilipino sa mga dahuyang mananakop.

Tinawag ng mga Espanyol ang mga Pilipino noon bilang di-sibilisado, barbaro, at pagano. Ang mga Pilipino noon ay nakatira sa mga lupaing kaiba sa Espanya kaya’t tinawag na barbaro o di-sibilisado. Tinawag ding infieles o pagano ang mga Pilipino dahil wala silang pinaniniwalaang diyos noon.

Page 10: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Patakarang Espanyol na Patakarang Espanyol na Bumago sa Pamayanang Bumago sa Pamayanang

PilipinoPilipinoGobernador-heneral ang pinakamataas

na pinunong Espanyol sa Pilipinas. Ito ang kumakatawan sa hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya ay may kapangyarihang panghukuman, pangmilitar, at panrelihiyon. Siya rin ang presidente ng Real Audiencia o Kataas-taasang Hukuman sa bansa. Ang kapangyarihan bilang tagapagbatas ay hindi hawak ng gobernador-heneral. Ito ay nasa ilalim ng Consejo de las Indias na nasa Espanya. Pero dahil sa cumplase, binibigyan ang gobernador-heneral ng karapatan na hindi ipatupad ang mga batas na pinagtibay ng Consejo de las Indias kapag hindi ito akmas sa bansa.

Page 11: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Sa pamahalaang lokal, alcalde mayor ang namumuno sa mga alcaldia o probinsiya. Nasa ilalim nito ang gobernadorcillo na pinuno ng pueblo. Cabeza de barangay naman ang tawag sa pinuno ng barangay. Mayroong mga bayan o probinsya na di ganap na mapayapa. Ito ay tinatawag na corregimiento na pinamumunuan ng corregidor.

Page 12: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Entrada, Reduccion, at DoctrinaIto ay mga patakaran ng Espanyol

para magkaroon ng sentro na magsisilbing siyudad ang pamayanang Pilipino. Una, ang entrada ay ginagawa sa paggamit ng lakas-militar para masakop ang mga katutubong komunidad. Pangalawa, ang reduccion ay ang pag-iipon ng mga tao sa iba’t ibang barangay sa iisang sentro na tinatawag na cabecera. Pangatlo, ang mga paring misyoneryo naman ang nagpapatupad ng doctrina. Ito ay paghahanda sa pagtatayo ng parokya.

Page 13: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7
Page 14: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Sistemang EncomiendaEncomienda ang tawag sa mga

lupaing ipinagkakatiwala ng mga Espanyol sa mga tao. Ang tawag sa tumatanggap ng encomienda ay encomendero.

Polo y Servicio PersonalIto ay tumutukoy sa sapilitang

pagbibigay ng serbisyo para sa hari ng Espanya. Ang mga kalalakihang nasa edad 16-60 ang pilit na pinagtatrabaho sa loob ng 40 araw sa isang taon. Ito ay tinatawag ding prestacion personal.

Page 15: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Polista ang tawag sa mga nagbibigay ng serbisyo.

TributoIto ang tawag sa

pangkalahatang buwis na ipinapataw ng mga Espanyol sa mga Pilipino noon. Nang tinanggala ang tributo, pinalitan ito ng cedula personal. Ang paniningil dito ay nakabatay hindi sa edad kundi sa laki ng kita.

Page 16: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Patakarang Pangkabuhayan na Patakarang Pangkabuhayan na Bumago sa mga PilipinoBumago sa mga Pilipino

BandalaIto ang sapilitang

pagbebenta ng ilang produkto tulag ng niyog at bigas sa pamahalaan. Ang pamahalaan ang nagtatakda sa presyo ng produkto na mas mababa sa orihinal na presyo. Naging kahulugan nito ang pagsamsam ng pamahalaan sa mga produkto o kalakal.

Page 17: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Monopolyo ng TabakoSapilitang itinakda ang ilang lugar sa

bansa bilang eksklusibong taniman ng tabako. Bilang monopolyo, tanging sa gobyerno lang maaaring ibenta ang mga tabako sa presyong itinakda nito.

Kalakalang GalleonIto ang kalakalan sa pagitan ng

Maynila at Acapulco, Mexico sa pamamagitan ng barkong tinatawag na galleon. Ito ay tinawag ding Kalakalang Manila-Acapulco. Ang Kalakalang Galleon ang naging tagapag-ugnay ng Pilipinas sa Kanluran. Dahil dito, nagkaroon ng pagpapalitan ng mga halaman at hayop sa pagitan ng Silangan at Kanluran.

Page 18: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Mga Reaksiyon at Pagtutol Mga Reaksiyon at Pagtutol ng mga Pilipino sa ng mga Pilipino sa

PananakopPananakopHindi pareho ang reaksiyon ng mga

Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol. May mga nag-alsa o naglunsad ng rebelyon ngunit mayroon ding sumang-ayon at nakipagsabwatan.

May mga Pilipinong tinanggap nang buong-buo ang kulturang Espanyol (akulturasyon). May mga Pilipino ring iniangkop ang bagong kultura sa katutubong kulta upang makabuo ng isang panibagong kultura (asimilasyon).

Page 19: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Mga Pag-aalsa Bilang Pagtutol Mga Pag-aalsa Bilang Pagtutol sa Pananakopsa Pananakop

Iba-iba ang mga pag-aalsang naganap sa bansa dahil sa pananakop ng mga dayuhan.

Pinamunuan ni Lakan Dula at Sulayman ang pag-aalsa sa Maynila (1574) para hilingin sa mga Espanyol na malibre sila pagbabayad ng buwis. Isang panrelihiyong pag-aalsa naman ang ginawa ni Tamblot sa Bohol (1621) para ibalika ng kanilang mataas na katayuan sa lipunan. At si Bankaw naman ay sinubukang ibalik ang katutubong relihiyon sa Limasawa (1622).

Page 20: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Si Apolinario de la Cruz o Hermano Pule naman ay nag-alsa sa Tayabas (1841) dahil sa diskriminasyon ng mga prayle sa mga Pilipino sa pagpapatupad ng Kristiyanismo. Hindi tinanggap ng mga prayle si De la Cruz bilang pari. Dahil dito, itinatag niya ang kapatiran na Cofradia de San Jose na nakapaghikayat ng mga miyembro.

Ang pinakamahabang pag-aalsa naman ay pinangunahan ni Francisco Dagohoy ng Bohol. Ito ay dahil tinanggihan ng prayleng bigyan ng Kristiyanong libing ang kapatid ni Dagohoy na namatay sa duwelo. Naganap ang rebelyon noong 1744-1829 at tumaggal ng 85 taon.

Page 21: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Pagtutol ng mga Muslim sa Pagtutol ng mga Muslim sa PananakopPananakop

Ang higit na organisadong pamahalaang sultanato ng Muslim ang tumakot sa mga Espanyol para hindi agad sakupin ang Mindanao. Hindi rin naging priyoridad ng mga Espanyol na sakupin ang mga katutubong nakatira sa kabundukan.

Tinawag ng mga Espanyol ang mga Muslim nilang moro o moors. Sinimulan nila ang pagsakop sa Sulu (1578) at sinunod naman nila ang Maguindanao (1579). Nang matalo ang pinuno ng mga Muslim (Datu Dimacasnay at Buisan) ay napilitan silang makipagkasundo sa mga Espanyol.

Page 22: Kolonisasyon at kristiyanisasyon ap7

Kawalan ng Diwang Makabansa:Kawalan ng Diwang Makabansa:Sanhi ng KabiguanSanhi ng Kabiguan

Higit sa 300 pag-aalsa ang nagawa ng mga Pilipino sa bansa. Kawalan ng pambansang pagkakaisa ang sanhi ng pagkabigo ng mga Pilipino. Hindi pa nagigising ang damdamin ng nasyonalismong Pilipino. Karaniwang pansarili, pangrelihiyon, at pamprobinsiya lang ang dahilan ng mga pag-aalsa. Bunga nito, maituturing lamang na patriotismo o pagmamahal sa partikular na lugar ang nagbuklod sa pag-aalsa at hindi pa matatawag na makabansa o nationalist. Ang ilan sa mga patriot ay sina Dagohoy, Diego Silang, at Lapu-lapu.