karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)

40
ARALIN 2: Mga Isyu sa Kasarian At Lipunan edwin planas ada Teacher 1, dasmarinas west nhs

Upload: edwin-planas-ada

Post on 23-Jan-2018

3.219 views

Category:

Education


70 download

TRANSCRIPT

ARALIN 2: Mga Isyu sa Kasarian At Lipunan

edwin planas adaTeacher 1, dasmarinas west nhs

PAKISTAN PILIPINAS

Gawain 19.House Husband(Pagsusuri ng larawan)

Gamit ang kasunod na larawan, suriin ang kalagayan ng lalaki na nananatili satahanan sa pamamagitan ng pagsagot sa pamprosesong tanong.

Pamprosesong mga Tanong

1. Sino sa tingin mo ang nasa larawan? Ipaliwanag.

2. Ano-ano ang gawaing bahay na ipinakikita sa larawan?

3. Sa inyong tahanan, sino ang kadalasang gumagawa ng mgagawaing ito? Ipaliwanag.

4. Sa isang bahay na lalaki o ama ang naiiwan na gumagawang mga gawaing bahay,ano kaya ang pangunahing dahilannito?

5. Mayroon ka bang kakilala na lalaki o ama na naiiwan sabahay? Bakit kaya sila ang naiiwan sa bahay?

Paksa:

Karahasan sa mga Lalaki, Kababaihan, at LGBT

Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations

Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga LGBT may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyongmedikal, pabahay at maging sa edukasyon.Sa ibang pagkakataondin, may mga panggagahasa laban sa mga lesbian. At angpatuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na patuloy angpanawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uring diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpataymula 2008- 2012.

Noong 2011, ang United Nations Human

Rights Council ay nagkaroon ulat tungkol sa mgaebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBT. Ang bansangUganda ay nagpasa ng batas na “Anti-

Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na angsame- sex relations at marriages ay maaaringparusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.

Gawain 20.Huwag Po! Huwag Po!

Narito ang ilang larawan na may kinalamansa isyung pangkasarian. Tingnan ang mgalarawan at sagutin ang mga tanong sagawain.

BABALA:Ang

larawang inyongnakikita ay patungkol sakarahasan. Pinapaalalahanan angmga mag-aaral na itoay hindi nararapatgayahin.

Sa tulong ng mgalarawan na iyongnakita at napapanoodsa mga komersyal satelebisyon, isa-isahinang karahasangnararanasan ngkababaihan. Isulat itosa loob ng mga bilog.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang opinyon at saloobin mo sakarahasang nararanasan ng ilangkababaihan?

2. Paano mawawakasan ang ganitonggawain sa kababaihan?

Gawain 21. Komik-Suri!Narito ang isang komiks tungkol sa isyung may kinalaman sa kasarian. Basahin at unawain mongmabuti ang diyalogo. Pagkatapos ay sagutin angmga tanong sa gawain.

Pamprosesong mga Tanong

1. Tungkol saan ang komiks?

2. Sa iyong palagay, anong isyu ang ipinakikitarito?

3. Gaano kaya kadalas nangyayari ang ganitongsitwasyon? Bakit kaya nagaganap ang ganitongpangyayari?

Mga Tanong Sagot

1. Ilarawan ang pakikitungo ni Marco

sa kaniyang asawa. Makatuwiran ba

ito?

2. Ano ang reaksyon mo sa ginawa ni Marco?

Kung ikaw ay anak ng mag-asawang tauhan

sa komiks ano ang iyong mararamdaman?

3. Nakasaksi ka na ba ng ganitong

pangyayari? Ibahagi sa klase ang iyong

karanasan.

Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan

Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan. Ang mababangpagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’tibang kultura at lipunan sa daigdig. Mababanggit angkaugaliang foot binding noon sa China na nagingdahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.

Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunangbabae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng itoay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit angpagbalot ng isang pirasong bakal o bubog satalampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sabakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mgabuto ng paa nang paunti-unti gamit ang telangmahigpit na ibinalot sa buong paa.

Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral angtradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ngpaa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.

Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sapanahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.

Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian nahumahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mgapagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan nanagpapakita ng paglabag sa karapatan ngkababaihan. Subalit ang nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa malingpaniniwala. Mababanggit na halimbawa ang

breast ironing o breast flattening sa Africa.

Ang breast ironing o breast flattening ay isangkaugalian sa bansang Cameroon sa kontinenteng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasaheng dibdib ng batang nagdadalaga sapamamagitan ng bato, martilyo o spatula napinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaengmay edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na angpagsagsagawa nito ay normal lamang at angmga dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sapag-aaral; at (3) pagkagahasa. Ang mga dahilanna nabanggit ay mula sa paniniwala ng ina naang paglaki ng dibdib ng anak ay maaaringmakatawag-pansin sa mga lalaki upang sila ay gahasain.

The flattening is carried out by female family members, either at home or with the assistance of a healer. The process begins as soon as the girls hit puberty—for some, that means as early as eight years old. The consequences of this can be disastrous for the victims' health—cysts, breast

cancer, and breastfeeding issues are all common, not to mention the abundance of psychological consequences linked to the practice. According to a 2011 GIZ report, one out of every ten Cameroonian girls has been subjected to breast ironing.

French photographer Gildas Paré recently traveled to Cameroon to photograph some of those victims and take note of their stories.

Victims of breast ironing or breast flattening and their Stories

When my breasts started to grow, people in

my house began to talk about it. Neighbors,

my mom's friends, our elders. So much

talking! Even I started to feel ashamed

because people were talking about it.

Eventually, my mom decided to iron my

breasts. 'If we don't iron them, it will attract

men. And we know that men mean

pregnancy,' she said. We needed to kill those

breasts, she claimed. She used hot rock on

my right boob, then the left, then the right. This

went on for weeks. I suppose she meant well.

Breasts are what makes a woman beautiful,

though. Today, mine are flabby. They can't even stand." –Carole B., 28 years old.

I was eight when my mother told me: 'Take your top off. Do you have breasts already? When a girl your age has breasts, men look at her.' I didn't understand what she was doing. Every day, sometimes three times a day, she would flatten my chest with a hot spatula. She would just say: 'It's for your own good.' It was a nightmare. I noticed that the more she massaged me, the more my breasts grew. When she realized it wasn't working, she used a rock. That was hell. It felt like my body was on fire. A guidance counselor, who I told everything, tried to talk to my mom and get her to stop. I was happy because I thought it was over. But she did it again—with heated fruit pits this time. She massaged and massaged. I packed my stuff and moved to my aunt's immediately. Sometimes, I try to understand my mother's actions. It hurts so much when I look at myself in the mirror." –Doriane, 19 years old.

"Every morning, before going to school, my mom makes me lift up my top so she can make sure I haven't taken my bandage off. It's been two years now and she still checks it on a daily basis. It's humiliating. I'd like her to stop. When I grow up, I want to be a lawyer or play piano. I hope that wearing this bandage will help me to continue my education." –Cindy, 14 years old.

Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin angbreast ironing o breast flattening sa mga bansang Benin, Chad, Ivory Coast, Guinea-Bissau, Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe. Bukod sa pagiging mapanganib ng breast ironing, marami ring kritisismo ang binabato sa pagsasagawa nito. AngGIZ (German Development Agency) at RENATA (Network of Aunties), ay ilan sa mga organisasyong sumusuporta sakampanya ng mga batang ina na labanan ang patuloy na pag-iral ng gawaing ito. Ayon sa ulat ng GIZ, 39% ng mgakababaihan sa Cameroon ang di panig sa pag-iral ng breast ironing, 41% ang nagpapakita ng pagsuporta at 26% ay walangpakialam.

Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problemasa Pilipinas kundi pati narin sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilangInternational Day for the Elimination of Violence Against Women. Tunghayan mo ang istadistika sa susunod napahina.

ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN

Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit napisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.

6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal

Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ngemosyonal, pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa kanilang mga asawa.

Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal/seksuwal napang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang sarbey, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.

Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan saPilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasangnararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly

Sins Against Women. Ang mga ito ay ang (1)

pambubugbog/pananakit, (2) panggagahasa, (3) at iba pang seksuwal na pang-aabuso, (4) sexual harassment, (5)sexual discrimination at exploitation, (6) limitadong access sa reproductive health, (7) sex trafficking at prostitusyon.

Karahasan sa Kalalakihan

Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihanang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o angtinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktimarin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri; emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon. Ngayon, iyong tunghayan ang mgapalatandaan ng ganitong uri ng karahasan.

Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:

tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyoat sa ibang tao, iniinsulto ka;

pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;

pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mgakaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;

nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;

nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;

nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;

pinagbabantaan ka na sasaktan;

sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;

pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban at

sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapatlamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.

Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:

Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at transgender:

Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mgakaibigan at mga kakilala ang iyong oryentasyong seksuwalat pagkakakilanlang pangkasarian

Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan angmga gay, bi-sexual at transgender

Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente

Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong pangyayari:

pinagbabantaan ka ng karahasan.

sinasaktan ka na(emosyonal o pisikial)

humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol.

Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.

Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng panahon.