kaligirang pangkasaysayan ng noli me tangere
TRANSCRIPT
Noli Me Tangere Ito ang kauna-
unahang nobelang isinulat ni Rizal.
Magdadalawampu’t
apat na taon pa lamang siya nang
isulat niya ito.
Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon:
The Wandering Jew Uncle Tom’s Cabin
Biblia
Ang Ideya ng
Pagsulat
Nang mabasa ni Rizal ang aklat na The
Wondering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ay
nabuo sa kanyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising sa
natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol.
EUGENE SUE
Ang The Wandering Jew
ay tungkol sa isang lalaking kumutya
kay Hesus habang siya ay patungo sa
Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na
maglakad sa buong mundo nang
walang tigil.
Tungkol ito sa pagmamalupit ng
mga puting Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang pagnanais ni Rizal
na makabuo ng aklat na
tumatalakay sa pagmamalupit ng
Kastila sa mga Pilipino.
Ang pamagat na
‘’Noli Me Tangere’’ ay salitang
Latin na ang ibig sabihin sa wikang Filipino
ay ‘’huwag mo akong
salingin’’ na hango sa Bibliya sa
Ebanghelyo ni San Juan.
dicit ei Iesus “noli me tangere” nondum enim
ascendi ad Patrem meum vade autem ad fratres meos et dic eis ascendo ad Patrem meum et Patrem vestrum et Deum meum et Deum vestrum”
Iohannes 20:17
Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong dalawampu’t anim na taong gulang siya.
Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng
pambansang pagkakakilanlan.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakakabatid sa uri ng lipunan
sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging nobela. Ngunit hindi ito
nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang
katulong.
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong
isulat sa Madrid at doo’y natapos niya nag kalahati ng
nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong
1885 at natapos ang sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang huling
ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya noong Pebrero 21,
1887.
Natapos niya ang Noli Me Tangere ngunit wala siyang
sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na
lamang at dumalaw sa kanya si Maximo Viola na nagpahiram sa kanya ng salapi na naging daan
upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa imprenta.
Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela.
Pinili ni Rizal ang mga elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang ang aspektong astetiko ang kanyang naging konsiderasyon- higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo.
Pabalat ng Noli Me Tangere
Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang kanyang pamilya na baka siya’y mapahamak inibig parin niyang makabalik sa Pilipinas dahil:Una, hangarin niyang maoperahan ang kanyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng kanyang mata.Pangalawa, upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang mga sulat mula taong 1884-1887.
Panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng kanyang
nobela sa kanyang bayan at mga kababayan.
Umalis si Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero,1888. Sa kanyang pag-alis ay nagpunta siya sa Hong Kong, Hapon, San Francisco at New York sa Estados Unidos, at London sa United Kingdom.
Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal ang kanyang panahon sa pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa kanya.
Ang layunin ni Dr. Jose Rizal kung bakit niya isinulat ang Nobelang Noli Me Tangere.
1. Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon
sa pagkakamit ng kalayaan at kaunlaran para sa bansang
Pilipinas.
2. Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral
upang ang pagkatuto ay maging integratibo,
makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng
kritikal at mapanuring pag-iisip, at nakapaghahanda sa mga
mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay.
3. Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang
susunod at maging sa kasalukuyang
henerasyon na maging lider ng ating bansa at magiging pag-asa ng
ating bayan.
Ang Kabuluha
nIsinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na
nangyayari sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga
Kastila sa Pilipinas.