kagawaran ng edukasyon mtb-mle 3

13
1 Cristina C. Tuscano Manunulat Mary Ann O. Wijetunge Nelia G. Abejar Tagasuri Mga Validator Marissa S. Muldong Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 Pagmamalabis (Hyperbole) Ikalawang Markahan – Ikawalong Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Upload: others

Post on 05-Oct-2021

26 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

1

Cristina C. Tuscano

Manunulat

Mary Ann O. Wijetunge

Nelia G. Abejar

Tagasuri

Mga Validator

Marissa S. Muldong

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Kagawaran ng Edukasyon

MTB-MLE 3 Pagmamalabis (Hyperbole)

Ikalawang Markahan – Ikawalong Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

2

Inaasahan

Ang aralin na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan upang makamit mo ang itinakdang

pamantayan sa Kurikulum ng K to 12. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang pagkakataon sa pagkatuto

habang wala ka sa loob ng paaralan. Taglay ng modyul na ito ang

mga gawain sa pagkatuto sa Ikapitong Linggo ng Ikalawang

Markahan.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga araling

nakapaloob sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Natutukoy ang pagmamalabis sa pangungusap

Unang

Pagsubok

A. Panuto: Basahin ang tula. Piliin at isulat ang letra ng

wastong sagot

Sa Aming Bakuran

Sa aming bakuran,

maraming halaman,

Sari-saring gulay,

inyong makakamtan.

May mga patola, kalabasa at sitaw,

talong, ampalaya, sigarilyas at bataw.

Lahat ng tao na napapadaan,

Namamangha’t humahanga

sa aming bakuran.

Kaygandang pagmasdan,

masarap matikman,

masusustansyang gulay

sa aming bakuran.

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

3

1. Tungkol saan ang binasa mong tula?

A. mga hayop sa paligid

B. mga gulay sa bakuran

C. magagandang bulaklak sa bakuran

D. hardin sa bakuran

B. Panuto: Basahin ang pabula at sagutan ang mga tanong.

Si Pagong at si Kuneho

Nagkita isang umaga ang magkaibigang sina Pagong at

Kuneho.

“Kaibigang Pagong, wala rin lamang tayong magawa,

magkarera na lang tayo,” yaya ni Kuneho.

“Oo, Kaibigan. Sige, magkarera tayo mula dito hanggang doon

sa simbahan.”

Napaisip si Pagong. Malayo ang simbahan. Kakayanin kaya

niya?

At nagsimula na silang magkarera. Malayo na agad ang

narating ni Kuneho. Ubod naman ng bagal si Pagong. Natanaw

niya si Pagong.

“Napakalayo pa ni Pagong. Sobrang bagal. Matutulog muna

ako”.

Malilim at malamig sa ilalim ng puno. Mahimbing na nakatulog

si Kuneho. Di niya namalayan na nilampasan na siya ni Pagong.

Laking gulat niya nang madatnan na niya si Pagong sa simbahan.

“Kaibigang Kuneho, mabilis ka nga subalit wala kang tiyaga.

Ako’y mabagal nga ngunit matiyaga.”

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

4

2. Bakit natalo sa karera si Kuneho?

A. Tiwala sa sarili na matulin siyang tumakbo ngunit di naman

matiyaga.

B. Mabagal kasi si Pagong.

C. Mabilis tumakbo si Kuneho.

D. Pinagbigyan niya ang kaibigang si Pagong.

C. Panuto: Basahin ang alamat.

Noong unang panahon sa isang malayong baryo, mayroong

dalawang magkasintahan.Si Aging na diwata at si Maria na isang

mortal na tao. Isang bawal na pag ibig ang nabuo sa pagitan ng

dalawa sapagkat hindi maaaring magsama ang dalawang

magkaibang nilalang. Naparusahan si Aging dahil sa pagsuway

niya, pinutol ang kanyang kamay at ibinaon sa lupa at mula nooy

naglaho na siya. Makalipas ang ilang panahon ay tumubo ang

isang puno sa bakuran nina Maria at ang mga bunga nito ay hugis

kamay na katulad ng kay Aging. Mula noon, tinawag na ang puno

na Saging.

3. Tungkol saan ang alamat na binasa mo?

A. diwata B. kamay C. saging D. puno

4. Saan nagmula ang saging?

A. pinutol na paa C. pinutol na kamay

B. pinutol na binti D. puno

5. Alin ang huling nangyari sa alamat ng saging?

A. naglaho si Aging

B. naparusahan si Aging

C. pinutol ang kamay ni Aging

D. ibinaon ang kamay ni Aging sa lupa

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

5

Balik-tanaw

Pagsasanay 1:

Sumulat ng1halimbawa ng pamagat ng sumusunod na alam mo:

Tula _________________________

Alamat _________________________

Pabula _________________________

Pagsasanay 2:

Anong uri ng akda ang sumusunod na seleksyon?

Isulat ang sagot sa patlang. Gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsagot.

1. ____________ Ang Aking Manika

Isang bagong manika ang natanggap ko,

Mula sa Ninong ko nung araw ng Pasko,

Pag may pasok ako nakatago ito,

Pag Sabado’t Linggo siya’y kalaro ko.

2. ____________ Si Ana at ang Diwata

Si Ana ay bata pa pero siya ay kuba.

Tinutuya siya ng ibang bata. Bihira siyang

ngumiti o tumawa. Hindi siya masaya.

Isang diwata ang naawa kay Ana. Hinipo

siya ng tala na mahiwaga. Himala! Si Ana ay

gumanda. Hindi na siya kuba. Nagpasalamat

si Ana sa diwata. Ang diwata ay ngumiti at

biglang nawala. Nakita si Ana ng mga tao.

Humanga sila sa ganda ng anyo at ugali ni Ana.

Marami ng kakilala at kalaro si Ana. Lagi na

siyang nakatawa. Lagi na siyang masaya.

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

6

3. ____________ Si Pinang ay biglang naglaho. At nang lumaon,

ang halaman na tumubo sa silong ng kanilang

bahay ay tinawag na Pinya.

MaiklingPagpapakilala

ng Aralin

Ang susunod na aralin ay mga teksto tungkol sa alamat,

tula, pabula na tatalakayin sa tulong ng pagsasadula at iba’t

ibang gawain at istratehiya na makatutulong upang higit na

malinang ang kaalaman sa bagong konsepto.

Gawain

Gawain 1:

Basahin ang pabula.

Si Pagong at si Kuneho

Nagkita isang umaga ang magkaibigang sina Pagong at

Kuneho.

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

7

“Kaibigang Pagong, wala rin lamang tayong magawa,

magkarera na lang tayo,” yaya ni Kuneho.

“Oo, Kaibigan. Sige, magkarera tayo mula dito hanggang doon

sa simbahan.”

Napaisip si Pagong. Malayo ang simbahan. Kakayanin kaya

niya?

At nagsimula na silang magkarera. Malayo na agad ang

narating ni Kuneho. Ubod naman ng bagal si Pagong. Natanaw

niya si Pagong.

“Napakalayo pa ni Pagong. Sobrang bagal. Matutulog muna

ako”.

Malilim at malamig sa ilalim ng puno. Mahimbing na nakatulog

si Kuneho. Di niya namalayan na nilampasan na siya ni Pagong.

Laking gulat niya nang madatnan na niya si Pagong sa simbahan.

“Kaibigang Kuneho, mabilis ka nga subalit wala kang tiyaga.

Ako’y mabagal nga ngunit matiyaga.”

Pag-unawa sa binasa:

1. Tungkol saan ang pabula?

2. Bakit natalo sa karera si Kuneho?

3. Anong aral ang natutuhan mo sa pabula?

Isadula ang pabula: Si Pagong at si Kuneho. Mag-

imbita ng kapatid/magulang/sinumang

nakatatandang kasama sa bahay. Makipagpulong sa

kanila upang maisadula ang pabula. Basahin muli ang

teksto ng pabula.

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

8

Gawain 2:

Basahin ang tula.

1. Tungkol saan ang binasa mong tula?

Gawain 3:

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang mga halamang

binanggit sa tula. Kulayan.

Rubriks:

Lagyan mo ng marka ang iginuhit mong mga larawan. Maaaring

gumamit ng ginupit na larawan ng sumusunod sa iyong

pagmamarka.

Sa Aming Bakuran

Sa aming bakuran, maraming halaman, Sari-saring gulay,

inyong makakamtan.

May mga patola, kalabasa at sitaw,

talong, ampalaya, sigarilyas at bataw.

Lahat ng tao na napapadaan,

Namamangha’t humahanga

sa aming bakuran.

Kaygandang pagmasdan,

masarap matikman,

masusustansyang gulay

sa aming bakuran.

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

9

Pinakamahusay Mahusay Di-gaanong

mahusay

Gawain 4:

Isulat sa bawat patlang ang mga gulay na tinukoy sa tula.

______________ ________________ __________________

______________ ________________ __________________

Gawain 5:

Basahin ang alamat.

Ang Alamat ng Bayabas

Noong unang panahon, may isang sakim

at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay

walang pakialam sa kaniyang mga

nasasakupan. Wala siyang ibang ginawa

kundi ang utusan ang kaniyang mga alipin.

Tuwing may mga handaan ay sobra siyang

maghanda. Kahit na may mga natirang

pagkain ay hindi siya namimigay kahit na alam

niyang maraming nangangailangan.

Isang araw habang nagpipyesta ang hari ay may lumapit na

isang pulubi sa kaniya at humingi ng pagkain. Sa halip na bigyan

ay pinalayas niya ito. Nagalit ang pulubi sa kaniya at nagsabi na

bibigyan siya ng leksiyon. Bigla na lang naglaho ang hari at lumitaw

ang isang halaman. Napansin ng mga tao na nagbunga ito. Ito ay

bilugan at may koronang nakapatong.

Pag-unawa sa binasa:

Tungkol saan ang alamat?

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

10

Iguhit ang mga sumusunod:

1. Hari na may korona

2. bayabas

3. Iguhit ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari

sa alamat.

Tandaan

Matututunan mo ang teksto tungkol sa mga alamat,

pabula at tula sa pamamagitan ng pagsasadula sa tulong ng

mga kasama mo sa bahay.

Pag-alam sa mga

Natutunan

Panuto: Punan ang patlang ng nawawalang salita ayon sa

iyong natutuhan sa aralin.

Ang __1___ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa

ritmo, mga tunog at paglalarawan at bnubuo ng mga

tayutay.

Ang ___2__ ay isang uri ng panitikan na kathang isip lamang

na kinapupulutan ng magandang aral. Mga hayop o bagay

na walang buhay ang karaniwang gumaganap na

pangunahing tauhan dito.

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

11

Ang ___3__ay kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga

bagay-bagay sa daigdig.

Pangwakas na

Pagsusulit

A. Basahin ang tula.

Ang Sampagita

Bulaklak na puting-puti

Sagisag ng ating lahi

Maganda na, mabango pa

Tunay na kaaya-aya.

Ako ay humahanga

Sa bango ng sampagita

Samyong walang kapara

Buong mundo’y humahanga.

1. Tungkol saan ang tula?

A. sa buong mundo C. sa bakuran

B. sa bulaklak na sampagita D. sa hardin ng bulaklak

2. Ano ang isang katangian ng Sampaguita na hinahangaan?

A. Maputi ang bukaklak C. Humahalimuyak ang bango

B. Maliit ang bulaklak D. Maganda ito

B. Basahin ang tula.

Ang Pandemya

Isang umaga, nagkagulo ang tao

Buhay ng bawat isa ay nagbago

Bawal ang lumabas, lahat ay sarado

Biglang tumigil ang ikot ng mundo

Sa isang iglap naglaho ang lahat,

Umiiwas na sumayad ang balikat

Ngiti sa mukha’y di halos maaninag

Puro takot ang mababanaag

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

12

3. Tungkol saan ang binasa mong tula?

A. pagbabago ng mundo

B. nawalang sigla ng tao

C. sakit na nakahahawa

D. kawalan ng pag-asa

Sanggunian

Belvez, Paz M. Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo, 1997. PNU.

Dane Publishing House

2-ADM-Template-Grades 1 to 3 Tagalog

Condez et al. Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 3.

Binagong Edisyon

Elvira DV. Et al. National Achievement Test Grade III. 2009

MTB –MLE Curriculum Guide Grade 3

MELC, Grade 3

Susi sa Pagwawasto

Page 13: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3

13