kagawaran ng edukasyon mtb-mle 2 - deped muntinlupa

12
Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 Ikalawang Markahan – Unang Linggo Pagkilala at Paggamit nang Wasto ng mga Panghalip Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Edelyn O. Caacbay Manunulat Ester A. Dungca Maria Hazel B. Hernandez Mga Tagasuri Reynaldo O. Comisario, Rhodora V. Mandap, Melesa L. Calapano Mga Validator Marissa S. Muldong Tagapangulo-Katiyakan sa Kalidad

Upload: others

Post on 16-Oct-2021

28 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

Kagawaran ng Edukasyon

MTB-MLE 2 Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Pagkilala at Paggamit

nang Wasto ng mga Panghalip

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Edelyn O. Caacbay Manunulat

Ester A. Dungca

Maria Hazel B. Hernandez Mga Tagasuri

Reynaldo O. Comisario, Rhodora V. Mandap, Melesa L. Calapano Mga Validator

Marissa S. Muldong Tagapangulo-Katiyakan sa Kalidad

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

Kumusta na mahal kong mag-aaral? Handa ka na ba sa bagong

aralin?

Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa panghalip. Malalaman mo

kung ano at paano ginagamit ang panghalip. Ano nga ba ang

panghalip? Bakit natin ito kailangang gamitin sa ating pang - araw

- araw na buhay?

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o

pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod

na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang

"panghalili" o "pamalit". May mga iba’t ibang uri tayo ng panghalip,

ilan dito ay ang: panghalip pamatlig, panghalip panao at

panghalip paari. Malalaman at mas maiintindihan ninyo ito sa

patuloy na pag-aaral sa araling ito.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

a. nakapagbibigay ng mga panghalip;

b. nakikilala ang mga iba’t ibang panghalip;

c. natutukoy ang mga panghalip sa pangungusap.

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

B. Ako

A. Kanya

A. Panuto: Piliin ang letra ng pinakatamang sagot. Isulat ang

napiling sagot sa patlang. (Panghalip Panao)

Halimbawa: _______ Si Marco ang mag-aayos ng mga mesa at

upuan.

A. Ikaw B. Ako C. Sila

______ 1. Sina Andres at Amalia ay naghahanda ng maganda at

malaking pagdiriwang para sa anibersaryo ng kanilang

mga magulang.

A. Ako B. Kami C. Sila

______ 2. Tutulong ako at ang kapatid ko na si Manuel sa paglinis

ng kanilang bahay at bakuran.

A. Ako B. Kami C. Siya

______ 3. “Si Ariel ang magdadala ng inumin at yelo para sa

salu-salo,” sabi ni Ariel.

A. Ako B. Kayo C. Siya

B. (Panghalip Paari)

Halimbawa: ________ ba ang pitakang napulot mo kanina?

A. Kanya B. mo C. kanina

______ 4. Akin ang maong na may punit sa tuhod.

A. Akin B. may C. na

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

A. Akin

______ 5. Ang malinis na silid-aralan ay amin.

A. Ang B. amin C. ay

______ 6. Atin ang tropeyong hawak ng punongguro.

A. ang B. Atin C. ng

______ 7. Ang tatlong pisong sukli ng tindera ay iyo.

A. Ang B. iyo C. ng

C. (Panghalip Pamatlig)

Halimbawa: ______ ang itim na backpack. Ito ang dadalhin ko sa

biyahe.

A. Akin B. Ito C. ko

______ 8. Dito ka umupo sa tabi ko para magkausap tayo.

A. Dito B. ka C. ko

______ 9. Nauna na sila sa hotel. Magkita na lang daw tayo roon.

A. roon B. na C. sila

______ 10. Ang bulkan ay ang Bulkang Taal. Iyon ang pinakamaliit

na bulkan sa Pilipinas.

A. Ang B. Iyon C. sa

Aralin Pagkilala at Paggamit

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

1 nang Wasto ng mga Panghalip

Buuin ang mga tanong mula sa Panghalip gamit ang “crossword

puzzle”. Piliin ang tamang sagot sa loob nito.

Pababa

1. Sina Arnold Clavio at Mike Enriquez ang mga tagabalita na nag

– uulat tungkol sa COVID – 19. Salamat sa ______ walang

sawang pagbabalita sa ating mamamayan.

2. Magkakaroon ng pag-uulat ang ating pangulo sa

mamamayan mula sa mga nakalipas na buwan tungkol sa

kinahaharap nating pandemya. Sinu – sino sa ______ ang

nanood ng kanyang pag-uulat sa telebisyon?

kanilang sila

dito inyo

mo

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

Ang panghalip ay salita o katagang panghalili o pamalit sa

pangngalan. May iba’t ibang panghalip ang ilan na dito ay;

panghalip panao, panghalip paari, at panghalip pamatlig.

Panghalip Panao ay humahalili sa ngalan ng tao upang

ito ay hindi na paulit – ulit na babanggitin o isusulat.

Halimbawa:

ako ko ikaw ka mo

niya siya kami tayo namin kayo

Ako ay mabait.

Sila ay naglalaro.

Pumunta tayo sa palaruan.

Panghalip Paari ay mga panghalip na nagsasaad ng

pagmamay – ari.

Halimbawa:

akin iyo kanya atin amin inyo kanila

Akin ang sasakyan na iyan.

Sa iyo ba ang lapis?

Para sa kanila ang mga pagkain na nasa mesa.

• Panghalip Pamatlig ay ginagamit sa pagtuturo ng tao,

hayop, lugar o pangyayari. Sa panghalip na ito

nalalaman ang layo o lapit ng bagay na itinuturo.

Halimbawa:

Ito iyan iyon dito diyan doon

Ito ang alaga kong pusa.

Ibalik mo diyan ang plato.

Mabigat iyon kaya hindi ko nadala.

3. Narinig ____ ba ang balita na mula sa (ECQ) Enhance

Community Quarantine ang Metro Manila tayo ngayong ay

nasa (GCQ) General Community Quarantine?

Pahalang

4. Nais magbigay ng tulong ng mga mamamayan sa nangyaring

pandemya kabilang na _____ ang aktres na si Angel Locsin na

nagbigay ng mga gamit na tent sa BJMP Muntinlupa.

5. Ang mga tao sa Pilipinas ay nagsisimula nang magbisikleta.

______ ay bumibiyahe papunta sa kanilang mga trabaho o

pamamalengke.

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

Tingnan ang sumusunod na mga larawan. Ano kaya ang sinasabi

ng mga tauhan sa bawat larawan. Bilugan ang letra ng tamang

sagot.

A. Ako ay naglilinis sa aming

silid -aralan.

B. Kami ay naglilinis ng aming

silid – aralan.

A. Ito ay ang aking lollipop, gusto

mo ba nito?

B. Sa kanya ang lollipop na ito.

1.

2.

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

A. Sa kanila ba ang aklat na iyan?

B. Sa iyo ba ang aklat na iyan?

A. Doon po nakatira si Ken,

Bb. Dalisay.

B. Dito po nakatira si Ken,

Bb. Dalisay.

A. Kami ay naglalaro ng mataya –

taya.

B. Ako ay naglalaro ng mataya –

taya.

1. ____________________ ay panghalili sa ngalan ng tao.

2. ____________________ ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay.

3.

4.

5.

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

3. ____________________ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at

iba pa na tinuturo o inihihimaton.

Pagsasanay 1

Panuto: Isulat ang letra ng angkop na pangugusap na may

panghalip ayon sa larawang ipinakikita.

______ 1. ______ 2. ______ 3.

______ 4. ______ 5.

A. Sa iyo ba ang lapis na ito?

B. Inay, nandito na ako. Mano po.

C. Gusto ko sanang maglaro ng basketbol ngunit ako ay

nahihiyang sumali sa kanila.

D. Masaya kaming naglalaro sa parke kasama ang aking mga

kaibigan.

E. Gusto mo bang makipaglaro sa akin?

Pagsasanay 2

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

ako ko ikaw

akin iyo atin inyo

ito iyan dito

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

A. Hanapin at bilugan ang mga panghalip na

nakikita sa ibaba ng “crossword puzzle”.

A P U M U N T A G I

K M I K A W M R L Y

O S D S K L E U O A

T A I I I I N Y B N

E A T I N T N K O L

K D O T S I Y O D O

A O M O S I G A W L

Pagsasanay 3

Isulat ang A – Panghalip Panao,

B – Panghalip Paari at

C – Panghalip Pamatlig.

_______ 1. Ako ay pupunta mamaya sa trabaho.

_______ 2. Sa kanya ba ang napulot na pitaka ni Sam?

_______ 3. Dito ba si Gab nakatira?

_______ 4. Sa inyo ba namin kukunin ang ibinigay na ayuda ng

lokal na pamahalaan?

_______ 5. Kami ng aking pamilya ay tutulong sa mga nawalan

ng trabaho, namigay kami ng bigas, sabon at alkohol.

A. Basahin ang mga panghalip na nasa loob ng kahon.

Magbigay ng pangungusap mula dito.

Siya Kanya iyon

Ikaw dito

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

_______________________________________________________________

B. Piliin ang tamang panghalip na angkop sa pangungusap.

1. Si Sandra ay magaling kumanta. _______ (Siya, Tayo) ang

kakanta bukas.

2. Anika ang pangalan ko. _______ (Ikaw, Ako) ay pitong taong

gulang.

3. Malambot na ang gulong ng bisikleta _____ (iyo, mo).

4. Ang asul na sipilyo ay akin. Ibigay mo iyan sa _____ (kanya, akin).

5. _______ (Doon, Dito) ka umupo sa tabi ko.

Sanggunian

https://tl.wikipedia.org/wiki/Panghalip

https://samutsamot.com/tag/panghalip-na-panao-worksheets/

https://samutsamot.com/tag/panghalip-na-paari/

https://www.youtube.com/watch?v=xdVdtlkPfcw

https://www.google.com/search?q=panghalip+panao+larawan+halimbawa+no+copyright&

sxsrf=ALeKk00YCrgUoTN_QNFevrVFHEm3sXK3FA:1592377391886&source=lnms&tbm=isch&sa=

X&ved=2ahUKEwijqKqGpIjqAhXO7GEKHViMABwQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&

http://www.filipinohomeschooler.com/free-panghalip-panao-worksheets/

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 2 - DepEd Muntinlupa

Tandaan

1.Panghalip Panao

2.Panghalip Paari

3.Panghalip Pamatlig

http://www.filipinohomeschooler.com/filipino-worksheets-panghalip-panao-set-1/

https://www.scribd.com/document/275961701/Panghalip-Panao-Set-B-pdf

Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok

1.C

2.B

3.C

4.A

5.B

6.B

7.B

8.A

9.A

10.B

Balik-tanaw

Pababa

1. Kanilang

2. Inyo

3. Mo

Pahalang

4. Dito

5. sila

Gawin

1. B

2. A

3. B

4. A

5. A Pagsasanay 1

1. B

2. E

3. C

4. D

5. A

Pagsasanay 2

Pagsasanay 3

1.A

2.B

3.C

4.B

5.A

Pangwakas na

Pagsusulit

A.Hayaan silang

magbigay ng sarili

nilang sagot.

B.1. Siya

2. Ako

3. mo

4. akin

5. Dito