kagawaran ng edukasyon mtb-mle 1 - depedmuntinlupa.ph

12
1 Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 Pagpapantig ng mga Salita, Pagsunod sa mga Salita mula sa Kaliwa patungo sa Kanan, Itaas tungo sa Ibaba at sa Bawat Pahina, Paghihinuha sa Nararamdaman at Katangian ng mga Tauhan at Pagpapahayag ng mga Pangunahing Pangangailangan, Pagtukoy sa mga Pangngalan, Pakikinig at Pagtugon sa Pakikipag-usap sa Iba, Pakikilahok nang Masigla sa Kuwento Unang Kuwarter - Modyul 6 Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Jonamie R. Iligan / Krissa Mae M. Manal / Ma. Rowena P. Candelaria Mga Manunulat Arvilita P. Rodin Tagasuri Dr. John Albert B. Colle Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Upload: others

Post on 18-Dec-2021

23 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

1

Kagawaran ng Edukasyon

MTB-MLE 1 Pagpapantig ng mga Salita, Pagsunod sa mga Salita mula sa

Kaliwa patungo sa Kanan, Itaas tungo sa Ibaba at sa Bawat

Pahina, Paghihinuha sa Nararamdaman at Katangian ng mga

Tauhan at Pagpapahayag ng mga Pangunahing

Pangangailangan, Pagtukoy sa mga Pangngalan, Pakikinig at

Pagtugon sa Pakikipag-usap sa Iba, Pakikilahok nang Masigla

sa Kuwento

Unang Kuwarter - Modyul 6

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Jonamie R. Iligan / Krissa Mae M. Manal / Ma. Rowena P. Candelaria

Mga Manunulat

Arvilita P. Rodin

Tagasuri

Dr. John Albert B. Colle

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

2

Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga araling

nakapaloob sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Napagsasama ang tiyak na letra sa pagbuo ng mga

pantig at mga salita;

• Nasusundan ang mga salita mula sa kaliwa patungo

sa kanan, itaas tungo sa ibaba at sa bawat pahina;

• Nakapagpagpahayag ng mga pangunahing

pangangailangan;

• Napapantig nang pasalita ang mga salitang binubuo

ng 2- 3 pantig; at

• Nahihinuha ang mga nararamdaman at mga

katangian ng mga tauhan sa kuwentong

napakinggan.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Ilan ang pantig sa salitang bibingka?

A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

_____ 2. Bakit nagulat si Betina isang umaga pagkagising

niya?

A. Dahil nawawala ang bilao niya at si Lola Belen

B. Dahil maraming kakaning nakalagay sa bilao

C. A at B

D. Wala sa nabanggit.

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

3

_____3. Alin sa sumusunod ang pangunahing

pangangailangan?

A. alahas B. laruan C. pagkain D. telebisyon

_____4. Anong pantig ang kailangan upang

mabuo ang salita sa larawan? ____hay

A. ba B. ka C. ma D. sa

_____5. Ano ang pangalan ng nasa larawan?

A. babae B. baso C. bata D. bibe

Hanapin at bilugan sa bawat hanay ang salitang katunog

sa hulihan ng salitang nasa loob ng kahon.

mataas 1. mataba matalas matangkad

maputi 2. maitim makinis mabuti

pandak 3. malalim padyak mataas

baso 4. laso plato tasa

talon 5. labis balon pambura

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

4

Pagbasa ng Kuwento:

“Bibingka…Putobumbong…Bibingka...Putobumbong!”

malakas na sigaw ni Betina tuwing umaga habang

sunong-sunong ang bilao. Mahalaga ang bilaong ito sa

kaniyang buhay. Ito ang naging katuwang ni Lola Belen sa

pagpapalaki sa kaniya. Matanda na si Lola Belen kaya

hindi na siya nakapagtitinda. Ulila na si Betina. Silang

dalawa lamang ang magkasama sa bahay.

Isang umaga, nagulat si Betina. Nawawala ang bilao

niya. Wala rin si Lola Belen sa kaniyang higaan. Naglakad-

lakad si Betina sa kanilang baryo. Nakita niya si Lola Belen.

Sunong-sunong ang bilao. Nilapitan niya ito at kaniyang

niyakap. Sabay na silang nagtinda.

A. Sagutin ang mga tanong mula sa kuwento. Isulat sa

patlang ang tamang sagot.

1. Ano ang pamagat ng kuwento? ______________________

2. Sino ang may bilao? __________________________________

3. Bakit hindi na nakakapagtinda si Lola Belen?

________________________________________________________

4. Totoo bang nawala ang bilao ni Betina?

________________________________________________________

5. Anong aral ang natutuhan mo sa kuwento?

________________________________________________________

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

5

B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Alin sa sumusunod ang may wastong

pagpapantig sa salitang tutubi?

A. tut-u-bi B. tuut-bi C. tu-tu-bi D. tu-bi

_____ 2. Ang salitang watawat ay may ______ pantig.

A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

_____ 3. Ilan ang pantig sa salitang bilao?

A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

_____4. Ilan ang pantig ng salitang bibingka?

A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

_____ 5. Ang salitang nagtinda ay may ______ pantig.

A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

Ang pantig ay ang bawat bukas ng labi sa pagbigkas

ng salita. Ang bawat pantig ay binubuo ng letra o

kombinasyon ng mga letra. Ang pagpapantig ay

paghahati ng salita sa pantig.

Iba’t ibang damdamin ang namamayani sa bawat

tauhan sa kuwento at ito’y depende sa pangyayari o

sitwasyong kinakaharap ng bawat tauhan.

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

6

Panuto: Pagdugtungin ang pantig upang mabuo ang

pangalan ng larawan. Isulat ito sa patlang.

1. ba___ ba

2. ___so lo

3. bila__ o

4. ___la bi

5.__bingka ta

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.

Tukuyin at bilugan ang letra ng angkop na sagot.

1. Alin ang tamang pantig ng salita sa kaliwa?

Babae A. ba-ba-e B. bab-a-e C. ba- bae

2. Alin ang tamang pantig ng salita sa kaliwa?

Wala A. w-a-l-a B. wa-l-a C. wa-la

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

7

3. Ano ang angkop na salita sa larawan?

A. bata B. bibe C. bilao

4. Ang salitang bata ay may ______ pantig.

A. 1 B. 2 C. 3

5. Ilan ang pantig sa salitang Betina?

A. 1 B. 2 C. 3

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

Natutukoy ang mga Pangngalan (tao, lugar o pook,

bagay, hayop) Pambalana at Pantangi

(MT1GA-le-f-2.1)

Magbigay ng tig- dalawang ngalan ng tao, bagay,

hayop at lugar. Isulat ang mga ito sa talahanayan.

Tao Bagay Hayop Lugar

Bilangin ang pantig ng bawat salita. Isulat ito sa patlang

bago ang bilang.

__________1. Betina __________ 4. Belen

__________2. bilao __________ 5. bibingka

__________3. bahay

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

8

Basahin nang malakas ang sumusunod na mga salita.

Isulat ang mga ito sa loob ng tamang kahon.

sapatos Adidas aso Bantay

restawran Jollibee nanay Maria

Tao Bagay Hayop Lugar

A. Balikan ang isinulat mong ngalan ng tao, bagay,

hayop at lugar.

Tao- nanay Maria Bagay- sapatos Adidas

Hayop- aso Bantay Lugar- restawran Jollibee

B. Pansinin ang unang letra ng mga salita.

Tao- nanay Maria

Bagay- sapatos Adidas

Hayop- aso Bantay

Lugar- restawran Jollibee

C. Ang mga salitang nagsisimula sa maliit na letra ay

mga pangngalang pambalana at ang salitang

nagsisimula sa malaking letra ay mga pangngalang

pantangi.

Ang Pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook

o lugar.

Pangngalang Pambalana- ay karaniwang ngalan ng

tao, bagay, hayop at pook o lugar. Ito ay isinusulat na

nagsisimula sa maliit na letra.

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

9

Pangngalang Pantangi- ay tiyak na ngalan ng tao,

bagay, hayop at pook o lugar. Ito ay nagsisimula sa

malaking letra.

A. Bilugan ang Pangngalang Pantangi at ikahon ang

Pangngalang Pambalana.

Andres Bonifacio basurahan Starmall

sanggol kalabaw Jose Rizal

Bear Brand Jamboree Lake lata

B. Isulat ang PT kung pangngalang pantangi at PB kung

pambalana. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago

ang bilang.

_____1. Sara ____6. aklat

_____2. bangka ____7. Pangulong Aquino

_____3. pinto ____8. silid- aralan

_____4. bangus ____9. kapatid

_____5. Brgy. Poblacion ____10. Muntinlupa

Pagtambalin ang Pangngalang Pantangi na nasa Hanay

A sa Pangngalang Pambalanang nasa sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

_______1. Pangulong Duterte A. guro

_______2. Muning B. paaralan

_______3. Mongol C. pangulo

_______4. Paaralang Elementarya D. pusa

ng Muntinlupa

_______5. Bb. Santos E. lapis

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

10

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakikinig at tumutugon sa pakikipag-usap sa iba; at

2. Nakalalahok nang masigla habang binabasa ang

kuwento sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga

komento o pagtatanong (MT1OL-le-i-5.1)

Pagmasdan ang mga larawan at sabihin kung ano ito.

Isulat sa patlang kung ang pangngalan ay PANTANGI

o PAMBALANA.

____________1. bilao ____________4. kabayo

____________2. Bb. Reyes ____________5. lapis at papel

____________3. Starmall

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

11

“Matalino Ka Meng”

Papasok na si Meng sa paaralan. Maagang umalis

ang kaniyang ama patungo sa bukid. Narinig ni Meng ang

tawag ng inang hindi makabangon. May sakit si Aling

Mina. Mataas ang kaniyang lagnat. Naisip ni Meng na

huwag na lamang pumasok sa paaralan.

Dali-dali siyang pumunta sa bahay ng kaniyang Tiya

Manda. Binigyan siya ng pera ng kaniyang tiya. Mabilis na

pumunta sa botika ni Mando si Meng at bumili ng gamot

para sa ina. Nang makabalik sa bahay ay agad niyang

pinainom ng gamot ang ina. “Salamat anak, kaybuti mo.”

ang sabi ni Aling Mina.

Sagutin ang mga tanong. Piliin at bilugan ang iyong sagot.

1. Sino ang papasok sa paaralan?

A. Mena B. Mina C. Meng

2. Ano ang nangyari sa nanay ni Meng?

A. maysakit B. umalis C. naglaba

3. Ano ang naisip na gawin ni Meng?

A. Naisip ni Meng na maglaro.

B. Naisip ni Meng na matulog muna.

C. Naisip ni Meng na huwag na lamang pumasok.

4. Sino ang pinuntahan niya?

A. Tiya Manda B. Tiya Minda C. Tiya Menda

5. Saan tayo pupunta kapag bibili ng gamot?

A. botika B. karinderya C. tindahan

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 1 - depedmuntinlupa.ph

12

Sa pakikinig ng kuwento, dapat ay: (1) Makinig nang mabuti. (2)

Umupo nang maayos. (3) Sumagot sa mga tanong. (4) Maaaring

magbigay ng iyong idea o tanong tungkol sa kuwento.

Lagyan ng tsek (/) ang mga dapat tandaan sa pakikinig ng

kuwento at ekis (X) kung hindi.

____Makinig nang mabuti.

____Maupo nang maayos.

____Magbigay ng iyong idea o tanong.

____Maglaro habang nasa “online class”

____Makipag-usap sa kaklase habang nagkukuwento

ang guro.

Basahin ang pangungusap. Bilugan ang tamang sagot sa loob ng

panaklong.

1. Nasa ( ilog, bayan, bukid ) ang tatay ni Meng.

2. Nagkasakit ang ( ate, ina, lola ) ni Meng.

3. Naisip ni Meng na huwag na lamang pumasok sa

( paaralan, palengke, tinahan )

4. Binigyan si Meng ng pera pambili ng gamot ng kaniyang (

Tiya Menda, Tiya Minda, Tiya Manda )

5. Bumili siya sa ( bodega, bangko, botika ) ng gamot.

Susi sa Pagwawasto:

Balik-Tanaw: 1matalas 2mabuti 3padyak 4laso 5balon

Pagsusulit: 1A 2C 3C 4B 5C

Balik-Tanaw: 1Pambalana, 2Pantangi, 3Pantangi,

4Pambalana, 5Pambalana

Pangwakas na Pagsusulit: 1bukid, 2ina, 3paaralan, 4Tiya

Manda, 5botika Sanggunian: Mother Tongue

Based-Multilingual Education:

Kagamitan ng Mag-aaral sa

Tagalog (Binagong Edisyon,

2017),