kaganapan at pokus ng pandiwa

34
KAGANAPAN NG PANDIWA Inihanda ni: Gng. Mishelle C. Arintoc

Upload: yamish29

Post on 15-Nov-2014

21.852 views

Category:

Documents


40 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

KAGANAPANNG

PANDIWA

Inihanda ni:Gng. Mishelle C. Arintoc

Page 2: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Ang kaganapan ay ang relasyon ng pandiwa sa panaguri ng pangungusap.

Page 3: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Mga Uri ng

Kaganapan ng

Pandiwa

Page 4: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

1. Kaganapang Tagaganap

Bahagi ito ng panaguri na gumaganap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Page 5: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa:

Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ng kalayaan ng bansa.

Page 6: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

2. Kaganapang Layon

Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.

Page 7: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa:

Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag-aaral, sapangdating ng mga panauhin.

Page 8: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

3. Kaganapang Tagatanggap

Bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa.

Page 9: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa:

Nagbigay ng donasyon angkanilang samahan para sa mga biktima ng sunog.

Page 10: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

4. Kaganapang Ganapan

Bahagi ng panaguri na  nagsasaad ng lugar na siyang pinaggaganapan ng kilos na ipinahayag ng pandiwa.

Page 11: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa:

Nanood ng pagtatanghal sa plasa ang mga kabataan.

Page 12: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

5. Kaganapang Kagamitan

Bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Page 13: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa:

Iginuhit niya ang larawan ni

Rizal sa pamamagitan ng

lapis.

Page 14: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

6. Kaganapang Direksyunal

Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Page 15: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa:

Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong araw.

Page 16: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

7. Kaganapang Sanhi

Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Page 17: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa:

Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.

Page 18: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

POKUS NG

PANDIWA

Page 19: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Ang pokus ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.

Page 20: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Mga Uring Pokus

ng Pandiwa

Page 21: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

1. Pokus sa Tagaganap/ AktorAng paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”.

[mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-]

Page 22: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa: Naglunsad ng proyekto ang

mga kabataan.

Page 23: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

2. Pokus sa LayonAng paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “ano?”.

[-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an]Sa Ingles, ito ay ang direct object.

Page 24: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa: 

Nasira mo ang mga props para sa play.

Page 25: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

3. Lokatibong Pokus o Pokus sa Ganapan

Paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na  “saan?”.

[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]

Page 26: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa: 

Pinagtaniman namin ang bakuran ng maraming gulay.

Page 27: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

4. Benepaktibong Pokus o Pokus

sa TagatanggapAng paksa ang tumatanggap

sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na“para kanino?”.

[i- , -in , ipang- , ipag-]Sa Ingles, ito ay ang indirect object.

Page 28: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa: 

Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

Page 29: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

5. Instrumentong Pokus o Pokus sa Gamit

Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”.

[ipang- , maipang-]

Page 30: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa: 

Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.

Page 31: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “bakit?”.

[i- , ika- , ikina-]

6. Kosatibong Pokus o Pokus sa Sanhi

Page 32: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa:

Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.

Page 33: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

7. Pokus sa Direksyon

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”.[-an , -han , -in , -hin]

Page 34: Kaganapan at Pokus ng Pandiwa

Halimbawa:

Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.