kabanata 7 - sining sa pagtula

33
K A BAN A T A 7 ANG SINING NG PAGTULA

Upload: erwin-maneje

Post on 24-May-2015

1.616 views

Category:

Education


6 download

DESCRIPTION

Panulaan

TRANSCRIPT

Page 1: Kabanata 7 - sining sa pagtula

KABANAT A 7

ANG SINING NG PAGTULA

Page 2: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ano ang Tula?

IKAW ALAM MO??

HINDI RIN EH…

AKO ALAM KO!

Page 3: Kabanata 7 - sining sa pagtula

“Sa isang Pilipino ang pagtula o pag-awit ay isang

lamang taghoy ng kanyang kaluluwa.”

- Ligaya Tiamson-Rubin

Ano ang Tula?

Page 4: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ang tula noong pa mang unang panahon hanggang sa

kasalukuyan ay malinaw at ganap na katututran ng kanilang pangarap. Hanggang ngayon sila ay mahalaga sa pagbuo nito sa daigdig ng mga makatang puspos ng

imahinasyon, matayaog na damdamin at kaisipan.

- Angeles (1991)

Ano ang Tula?

Page 5: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Larawan ng kasaysayan ng bayan, ng pagtulak ng

panahon tungo sa pag-unlad ng daigdig at ng lahat, matatayog man; karaniwan o kababaan ng nararating ng kaisipan at naisasaloob sa dibdib ng tao tungkol sa

kanyang pananalig sa Diyos, tungkol sa kanyang pakikipagkapwa-tao, tungkol sa kanyang sarili at iba

pang may kaugnayan o sumasaklaw sa kanyang pagkatao.

- Arrogante (1991)

Ano ang Tula?

Page 6: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay-na ipinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga may sukat na taludtod. Ang kahulugan tula ay likha at ang makata ay isang

manlilikha.

- Alejandro mula kay Villafuerte

Ano ang Tula?

Page 7: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng

kagandahan ng kariktan, ng kadakilaan:tatlong bagay na kailangang magkatipun-tipon sa isang kaisipan

upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.

- Balmaceda

Ano ang Tula?

Page 8: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at

kabuuan ng tanang kariktang makikita sa silong ng alin mang langit.

- Iñigo Ed. Regalado

Ano ang Tula?

Page 9: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ang tula ay kamalayang napasisigasig (Hightened

Consciousness).

- Edith Sitwell

Ano ang Tula?

Page 10: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ang pagtula ay gaya ng nasabi na may dalawang libong

taon na ang nakararaan-ay panggagad. Ang puso ng isang tula ng isang nilikha ay siyang bayan ng tula at

tanging sa tula lamang.

- Lord Macaulay

Ano ang Tula?

Page 11: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ang tula’y hiningang sa puso nagbuhat,

Mula man sa puso’y dibdib ang nagsiwalat;

Simbuyo’y damdaming gamit ay panulat

At sa titik niyo’y lahat naihayag

Ang tula’y hinaing, tibok pati pulso,

Pintig na ang bukal biyaya sa tao,

Sikil ng damdaming siyang patotoo,

Ang tula ay buhay, isip at diwa ko.

Ano ang Tula?

Page 12: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ang tula kung minsa’y nakahuhumaling

Magbasa’t magsulat nakaaliwgawin,

Lalo pa’t kung tunay nasa ‘yo nanggaling

Ang diwa’t kalatas nagawang likhain.

Ang tula ay wika nitong kaluluwa,

Sambit niyang bibig minsa’y may tugma pa;

Bilang niyang pantig, sukat iyong dala

Taludtod sa saknong sadyang ipinila.

Ang tula ay aliw sa taynga ng madla,

Kariktan ay taglay nitong paksa;

Indayog at tono diyan ka hahanga,

Aliw-iw naro’n din hindi mawawala

Page 13: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ang tula ay hiyas nitong kamlayan,

Bumukal sa puso’t daloy sa isipan;

Umagos na diwa’y sahod gunamnam.

Nagbatis sa lupa, nadilig ang tigang.

Ang tula’y gumagamit ng piling salita,

At sa pamamangka’y sagwan yaong dila,

Sa pagpapahayag bagwis ng makata

Ginagawang timbulang sumadsad sa lupa.

Tula nang dumaong sa dalampasigan,

Kayraming lumimot, isip ang nagtangan;

Puso at damdamin ang naging sisidlan

At plumang panulat ginawang sasakyan.

Page 14: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ang tula’y nabuo nang di sinadya

At sa mga aklat yao’y nalathala;

Dito na nagmula alamat ng bansa,

Ang tula ay likha, gawa ng makata.

Page 15: Kabanata 7 - sining sa pagtula

“ ang sukat ay bilang ng pantig sa loob ng isang

hati o bahagi ng isang pangngusap. Ito ang sinasabing tagal o ang bilang ng bagsak ng

tunog sa diin o bigkas ng mga salita sa taludtod “

- Gener

Ang Sukat

Page 16: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Light Pause sa gitnang bahagi ng taludtod

Ang Sesura

Matay kong pagmasdan/ang iyong larawan,Nakikita rito’y/ang anyo mong taglay;Ang dakilang pita’t/mga kasaysayanSa aklat ng ginto’y/waring mamamasdan.

(Quezon, sa iyong paglisan ni Milagros B. Macaraig)

Page 17: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Kopla

“bakit ako’y ibong binuhay pang muliKung sa iyong palad ay kikitiling dagli.”

- (C.M. Vega, “Sa Tagpuan ng Araw at Gabi)

Ang Estropa o Saknong

Page 18: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Terseto

“Animong maitim sa mukha ng araw,Tabing na pannga sa ngiti ng buhay,-

Palagay ko’y ganyan pag may kakulangan.”

- (J.V. Panganiban, “kalooban”)

Ang Estropa o Saknong

Page 19: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Kwarteto

“ Sa yungib na yao’y ibig kong ibalikAng hubad na bakas nang ako’y umalis,

Sa yungib na yao’y ibig kong isilidAng sugat-sugatng yabag ng daigdig!”

- (C.C. Marquez, Jr., “Sa Yungib na Yaon”)

Ang Estropa o Saknong

Page 20: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Kinteto

“ Ikaw ba ay ano?Ikaw ba’y pag-ibig.

Halamang ligaya ng tigang na dibdib?Bakit nang nupling ka sa puso kong sabik,Ang mga ugat mo’y may pighating hatid?”

- (A.I. Dizon, “ Ikaw Ba’y Ano?”)

Ang Estropa o Saknong

Page 21: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Senteto

“ Hindi na mabilangSa buhok ng uban …

Sa pisngit’t sa noo ay nakabalatayAng guhit na tanda ng pinagdanasan …Limampu’t tatlo na ang kapanahunangLumipas sa kanya, sapul nang isilang”

- (P.A Dionisio, “Panibugho”)

Ang Estropa o Saknong

Page 22: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Karaniwan ( ordinary ) Ganap ( perfect )

Ang Tugma

Page 23: Kabanata 7 - sining sa pagtula

At sa durungawan ikaw ay nanungaw,

At sumulyap-sulyap sa dakong karimlan;Nagmasid-masid pa’t saka mo inusal,Sino kaya siya … Siya kaya’y nasaan?

- “ Maging Sino Ka Man!”

Karaniwan

Page 24: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Pilipinas bayan ko, tanggapin itong tagubilin,Na sa aking paglisan at kahilingang hihilingin;Sa bayan ko ay ilaan, manarawi’y kandilihin,Isapuso’t isaisip balang araw pagyamanin.

- Mula sa tulang “ang Bayan Ko’y Pilipinas”

Ganap

Page 25: Kabanata 7 - sining sa pagtula

“Ang sintunog ay siyang tinatawag na salitang magkakatugma sa dulo ng mga taludtod o mga salitang magkakatugma na may iisang tunog,

bagama’t mga salitang nagkakaiba ang kahulugan.”

- Fernando B. Monleon

Sintunog

Page 26: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Karagdagang paliwanag tungkol sa iba’t ibang

uri ng tugma (rhymes). Ang sintunog ay hindi lubhang angkop sa kahulugan. Sa salitang tugma ang ibig sabihin, ang huling bahagi o pantig ng salita sa dulo ng taludtod ay magkapareho o hawig ang tunog.

Sintunog

Page 27: Kabanata 7 - sining sa pagtula

_____A____________B____________C____________D_______

Kung hindi magkakatugma ang bawat taludtod:

Page 28: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Kaputol na bakal na galling sa bundokSa dila ng apoy, kanyang pnalambotSa isang pandaya’y matiyagang pinukpokAt pinagkahugis na nasa ng loob

Kung magkakapareho naman ang tunog na bawat taludtod:

_____A___________A___________A___________A______

Tunghayan ang isang saknong sa tulang “Ang Panday” at pansinin ang dulong pantig ng bawat

taludtod

Page 29: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Ugali ng Pilipino kapag mayro’ng suliraninKaisipang matalino’y hahanapi’t sasangguniinItatanong ang nararapat at matuwid na GawainO kaya’y pag-uusapan bawat panig lilimiinSa tulang “Isang Dipang Langit”, ang tugmaan naman ay:

_____A__________B__________A__________B_____

Tunghayan din ang isang saknong sa Balagtasang Midyum ng Instruksyon: Ingles ba o Filipino? Pansinin ang dulong

taludtod.- A, A, A, A DIN HINDI BA?

Page 30: Kabanata 7 - sining sa pagtula

O, mahal kong asawa

Ano’t iniwan mo?Ako’y iyong inulila

Paano ang buhay ko?

Halimbawa:

Page 31: Kabanata 7 - sining sa pagtula

o Abo Ako Ago Apo Ato Aso Ad

Makatugma sa huling pantig:

o Ito Iso Ipo Igo Ibo Ido Ik

o Ayo Alo Amo Ano Awo Aro Ang

o Ogo Opo Oko Odo Oso Oto Ob

o Ino Iyo Imo Ingo Iro Iwo Il

o Ono Ongo Olo Omo Oro oy

Page 32: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Tatlo ang ginagampanan ng aliw-iw ayon kay Alden:

1. Nagbibigay lugod 2. Nagpapahayag ng damdamin

Aliw-iw o Indayog

Page 33: Kabanata 7 - sining sa pagtula

Thank YOU!