k to 12 kurikulum- napapanahon para sa magulang at mag …€¦ · ng kurikulum, at ito ay ang...

2
7 June 2017 Publications K TO 12 KURIKULUM: NAPAPANAHON PARA SA MAGULANG AT MAG-AARAL ni: Mike Gino Diego Ang ika-dalawampu’t isang siglo ay nagbukas ng iba’t-ibang antisipasyon tungo sa pagbabago hindi lamang sa mga indibidwal, kungdi pati na rin saiba’t-ibang organisasyon, lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon. Maraming mga pagbabago ang nadama at naranasan, at paghahambing sa mga nagdaang dekada ng nakaraang milenyo. Isa sa mga pagbabagong nadama ng mga Pilipino ay ang pagbabago ng kurikulum, at ito ay ang paglulunsad ng K to 12 Program. Ano ang malaking dahilan at nagkaroon ng ganitong mga pagbabago. Ayon sa Department of Education (DepEd) ay dalawa na lamang ang mga bansa na may 10 taon ng pag-aaral, at isa sa dalawang bansang ito ay ang Pilipinas. Sinasabi sa Department of Education Order # 31 s 2012, na ang mga paaralan ay inaasahang ipapatupad ang mga kautusang ito sa masining at may pagpapalago at pagbabago upang ang kurikulum ay maituro ng naaayon sa mga batayan ng lokalidad nang hindi naaapektuhan ang pilosopiya ng pagpapayabong ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ang disenyo ng kurikulum ay tinaguriang spiral progression approach na ang ibig sabihin ang lahat ng mga asignatura ay itinuturo batay sa mga kaparehong konsepto mula Grade 7 hanggang Grade 10 at ito ay itinuturo na may pagbabago sa kahirapan ng aralin mula sa umpisa hanggang sa katapusan ng Grade 10..Inaasahan din na sa katapusan ng Grade 10 ay maipapakita ang kahusayan sa pakikipagugnayan, matalinong pag-iisip, sa kritikal at sa mga makasining na sitwasyon sa buhay. Dagda dito ay

Upload: phamnga

Post on 13-Jun-2018

237 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

7 June 2017

Publications

K TO 12 KURIKULUM: NAPAPANAHON PARA SA MAGULANG AT MAG-AARAL

ni: Mike Gino Diego Ang ika-dalawampu’t isang siglo ay nagbukas ng iba’t-ibang antisipasyon tungo sa

pagbabago hindi lamang sa mga indibidwal, kungdi pati na rin saiba’t-ibang organisasyon,

lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon.

Maraming mga pagbabago ang nadama at naranasan, at paghahambing sa mga nagdaang

dekada ng nakaraang milenyo. Isa sa mga pagbabagong nadama ng mga Pilipino ay ang pagbabago

ng kurikulum, at ito ay ang paglulunsad ng K to 12 Program. Ano ang malaking dahilan at

nagkaroon ng ganitong mga pagbabago.

Ayon sa Department of Education (DepEd) ay dalawa na lamang ang mga bansa na may

10 taon ng pag-aaral, at isa sa dalawang bansang ito ay ang Pilipinas. Sinasabi sa Department of

Education Order # 31 s 2012, na ang mga paaralan ay inaasahang ipapatupad ang mga kautusang

ito sa masining at may pagpapalago at pagbabago upang ang kurikulum ay maituro ng naaayon sa

mga batayan ng lokalidad nang hindi naaapektuhan ang pilosopiya ng pagpapayabong ng

kaalaman ng mga mag-aaral.

Ang disenyo ng kurikulum ay tinaguriang spiral progression approach na ang ibig sabihin

ang lahat ng mga asignatura ay itinuturo batay sa mga kaparehong konsepto mula Grade 7

hanggang Grade 10 at ito ay itinuturo na may pagbabago sa kahirapan ng aralin mula sa umpisa

hanggang sa katapusan ng Grade 10..Inaasahan din na sa katapusan ng Grade 10 ay maipapakita

ang kahusayan sa pakikipagugnayan, matalinong pag-iisip, sa kritikal at sa mga makasining na

sitwasyon sa buhay. Dagda dito ay

7 June 2017

Publications

makagawa ng mga desisyon ng may pagpapahalaga, magampanan ang mga gawain sa lipunan ng

maayos, magamit at lumahok ng buong sigla sa mga kultural na mga gawain at sa pagpapanatili

ng kalusugan . Ang mga natutuhan ng mga mag-aaral ay naipakikita sa pamamagitan ng tinatawag

na Performance Standards, Kailangang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang lebel ng

kahusayan sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa tunay na sitwasyon sa buhay at kailangang

magawa nila ito ng hindi humihingi ng tulong sa iba.Halimbawa sila ay makagawa ng mga

produktong natutuhan, Mailuto at maipakita

ang natutuhan. Magamit nang tama ang mga natutuhan na makatutulong sa pagtahak sa tunay na

buhay ng mag-aaral.

Sanggunian:

Department Order # 31 s.2012.Policy Guidelines on The Implementation of Grades 1 to 10 of the K to 12 Basic Education Curriculum (BEC) Effective School Year 2012-2013.