isang patnubay para sa mga baguhang mag-aaral sa junior ... for parents... · “ang ating mga...

1

Upload: vandung

Post on 12-Feb-2018

291 views

Category:

Documents


37 download

TRANSCRIPT

Page 1: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Filipino-Tagalog Version

Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa

Junior High ng Edmonton Catholic Schools

Page 2: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Acknowledgements

We would like to acknowledge the dedication of the following individuals who assisted the

Intercultural Services, One World…One Centre in the development and production of “A

Newcomers’ Guide to Junior High Education in Edmonton Catholic Schools”.

This handbook is adopted from “The Newcomers’ Guide to Elementary School in Ontario” and

“The Newcomers’ Guide to High School in Ontario”, the projects of the Settlement Workers in

Schools program (SWIS) in Ontario which were funded by Citizenship and Immigration Canada’s

ISAP Project.

Contributors: Karen Fabris, Manager, One World…One Centre

Michelle Koshka, Consultant, Junior High ESL

JoAnne Snihurowych, Consultant, Elementary ESL

Emilie DeCorby, retired School Principal/former ESL Consultant

The late Karen deMilliano, former ESL Consultant

Kerri McLaughlin-Phillips, former Consultant, ESL- AISI Project

Lidija Simcisin, Intercultural Liaison - Slavic Languages, Intercultural Services

Design and Typeset: Lidija Simcisin, Intercultural Liaison -Slavic Languages, Intercultural Services

Translators: Amharic, Berhanu Demeke, Amharic Liaison Worker, Intercultural Services

Filipino/Tagalog - Evangeline Aguilar, Filipino Liaison Worker, Intercultural Services

Polish - Eva Gazzola, Contracted Polish Translator

Russian - Lesia Hyzha, Contracted Russian Translator

Spanish - Susana Runge, former Spanish Liaison Worker

Ukrainian - Lesia Hyzha, Contracted Ukrainian Translator

Vietnamese - Mai Nguyen, Vietnamese Liaison Worker, Intercultural Services

Lidija Simcisin, Intercultural Liaison - Slavic Languages, Intercultural Services

Page 3: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Mga Nilalaman

Panimula .................................................................................................................................... 1

Paghahanda Para sa Pagpasok sa Mataas na Paaralan Para sa Mga Dyunyor

Ang Mga Sistema ng Mataas na Paaralan Para sa Mga Dyunyor ...................................... 2

Papaano Naiiba ang Mga Paarralang Katoliko ng Edmonton ............................................. 2

Pagtanggap sa mga Pamilyang ELL/Protokol sa Pagkuha Ng Impormasyon .................... 3

Mga Kinakailangang Dokumento................................................................................. ....... 4

Mga Serbisyong Pangkultura ............................................................................................... 5

Pagtulong sa Inyong Anak sa Pakikiakma sa isang Bagong Paaralan

Pagtalakay sa Pagka-bagabag ............................................................................................ 6

Pagtuturo at Pag-aaral sa mga Silid Aralan ng Edmonton Catholic Schools

Papaano Tinuturuan ang mga Estudyante .......................................................................... 7

Mga Aklat at Materyales sa Pag-aaral ................................................................................. 8

Lagayang May Susi (Lockers) ............................................................................................. 8

Gawaing Bahay .................................................................................................................... 8

Walang Gawaing Bahay? ................................................................................................... 8

Ano ang Natututuhan ng mga Estudyante

Ang Mga Programa sa Pag-aaral ........................................................................................ 9

Pag-proprograma sa Ingles bilang Pangalawang Wika (ESL) ............................................ 10

Mga Antas sa Pag-aaral ng Ingles ....................................................................................... 10

Mga Oras na Maaaring Ipagpalit (Flex Time) ...................................................................... 11

Edukasyong Pang-Relihiyon ................................................................................................ 11

Pagsasama ng Pananampalataya sa lahat ng mga Asignatura ......................................... 12

Paghahanda Para sa mga Sakramento............................................................................... 12

Mga Programa sa Wika ...................................................................................................... 12

a) Imersyon sa wikang Pranse ........................................................................................ 13

b) Programang Pranse bilang Pangalawang Wika ......................................................... 13

c) Mga Programa sa Wika at Kultura .............................................................................. 13

d) Mga Programang Gumagamit ng Dalawang Wika ..................................................... 14

Isinamang Edukasyon (Inclusive Education) ....................................................................... 14

Mga Paaralang May mga Pokus at Mga Alternatibong Programa…………………… ......... 15

Pag-uugali ng Estudyante

Kodigo sa Pag-uugali ........................................................................................................... 16

Mga Sapilitang Konsekwensya ............................................................................................ 16

Pag-uugali na Maaaring Humantong sa Pagkakasuspinde o Pagpapatalsik at

Pakikialam ng Pulis .............................................................................................................. 17

Ang Tungkulin ng Mga Magulang sa Paglutas sa mga Problema sa Pag-uugali .............. 17

Mga Pagkabahala Tungkol sa Pag-uugali ng ibang Estudyante ........................................ 18

Pagharap sa Mga Pagkabahala ......................................................................................... 18

Ang Report Kard

Pag-unawa sa Report Kard .................................................................................................. 19

Mga Kakayahan ng Mag-aaral ............................................................................................. 19

Page 4: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Papaano Sinusuri ang ginawa ng Mga Mag-aaral ng Ingles (ELLs) sa Report Kard ......... 19

Mga Patakaran sa Paaralan

Ang Pagpasok sa Paaralan ay Sapilitan ............................................................................. 20

Paglalagay sa Grado Ayon sa Edad .................................................................................... 20

Mga Hangganan ng Paaralan (School Boundaries) ............................................................ 20

Pagiging Kumpidensyal ....................................................................................................... 21

Pag-uulat ng Posibleng Hudyat ng Pinsala sa Mga Bata ................................................... 21

Panunupil o Pananakot ....................................................................................................... 21

Mga Pamamaraan sa Paaralan

Pagliban sa Paaralan o sa Klase ......................................................................................... 22

Numero ng Estudyante sa Alberta (ASN- Alberta Student Number) ................................... 22

Pananghalian ...................................................................................................................... 22

Bus na Pambiyahe ng Paaralan .......................................................................................... 23

Mga Pagbibiyahe sa Labas ng Paaralan (Field Trips)......................................................... 23

Pangangasiwa sa mga Estudyante sa loob ng Yarda ng Paaralan ................................... 23

Pagpapanatiling nasa Kasalukuyanb ang mga Impormasyong Tungkol sa Kontak ........... 23

Kodigo ng Pananamit (Dress Code) .................................................................................... 23

Patakaran sa Malamig na Panahon ..................................................................................... 24

Mga Araw na Walang Pasok ................................................................................................ 24

Paggamit ng Kompyuter....................................................................................................... 24

Mga Paaralang libre sa Nuts ................................................................................................ 24

Kung ang Inyong anak ay Magkasakit sa Paaralan ............................................................ 24

Pagpapabakuna ................................................................................................................... 25

Taluhiyang at Mga Problema sa Kalusugan ........................................................................ 25

Paningin at Pandinig ........................................................................................................... 25

Pakikisangkot ng Magulang at Mabuting Komunikasyon sa Guro

Ang Pakikisangkot ninyo ay Tumutulong sa Pagtatagumpay Ng Inyong Anak .................. 26

Mga Katanungan Para sa Guro ........................................................................................... 26

Pakikipag-usap sa Guro ....................................................................................................... 26

Komunikasyon ng Paaralan sa Mga Magulang ................................................................... 27

Gabi ng Pakikipagkita sa Guro (Meet the Teacher Night) ................................................... 27

Pang-isahang Plano sa Programa – IPP (Individual Program Plan) o Programa sa

Pangsariling Pag-aaral (Personalized Learning Program) ................................................. 28

Mga Panayam ng Magulang at Guro .................................................................................. 28

Pagpapakita sa Paaralan (Open House) ............................................................................. 29

PowerSchool Parent Portal ................................................................................................. 30

Mga Pagpupulong at mga Pagdiriwang sa Paaralan ......................................................... 30

Mga Pakiusap sa Paghalap ng Pondo ................................................................................ 31

Konseho ng Paaralan ........................................................................................................... 31

Mga Panlalawigang Pagsusulit sa mga Ginawa .................................................................... 32

Paghahanda Para sa Mataas na Paaralan ............................................................................... 33

Mga Gabi sa Pagpaparehistro sa Mataas na Paaralan ...................................................... 33

Mga Makakatulong na Ugnayan .............................................................................................. 34

Page 5: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 1 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Panimula

“Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa

mundo. Ang mga mag-aaral na may pangangailangan ng Ingles bilang Pangalawang Wika

(ESL) ay bahagi ng halos lahat ng populasyon ng paaralan sa Alberta.

Alberta Education - ESL Guide to Implementation 1996 (Elementary)

Ang patnubay na ito ay nagbibigay ng

impormasyon at mga mungkahi na

makakatulong sa inyo para

magkaroon ng magandang

komunikasyon sa guro ng inyong

anak. Ang magandang komunikasyon

ay tumutulong sa guro para madaling

makilala ang inyong anak at para

maintindihan din ninyo kung ano ang

nangyayari sa paaralan. Gagawin

nitong lalong napakadali ang

pakikiakma sa naiibang sistema ng

paaralan. Ang inyong pakikipag-

ugnay ay makakatulong sa inyong

anak para siya ay maging

matagumpay na mag-aaral.

Sangguniin ang patnubay na ito habang ang inyong anak

ay patuloy na nag-aaral sa mataas na paaralang pang-

dyunyor. Gamitin ang talatuntunan para piliin ang mga

bahaging inyong kailangan.

Ang patnubay na ito ay nasasalin sa siyam na wika:

Amharic, Ingles, Filipino/Tagalog, Polish, Russian,

Tigrinya, Espanyol, Ukrainian at Vietnamese. Ito ay

isasalin sa iba pang mga wika kung kinakailangan at kung

may sapat na pondo.

Sa patnubay na ito, ang salitang “magulang” ay

sumasaklaw sa mga tagapatnubay, tagapag-alaga at iba

pang miyembro ng pamilya.

Page 6: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 2 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Paghahanda sa Pagpasok sa Mataas na Paaralan Para sa Mga Dyunyor

Ang Mga Sistema ng Mataas na Paaralan Para sa Mga Dyunyor (Junior High) sa Alberta Ang pagpili ay isa sa mahalagang prinsipyo sa sistema ng edukasyon sa Alberta. Pagdating sa

pagpili ng paaralan, ang mga magulang at estudyante ay maaaring mamili mula sa

napakalawak na hanay ng mga pinondohang pampublikong mga opsyon tulad ng mga

paaralang Publiko, Katoliko, mga paaralan para sa mga nagsasalita ng Pranse at mga

paaralang tsarter. Sa bawa’t isang sistema, ang mga konseho ng paaralan ang namamahala

ng mga ito.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa edukasyon sa Alberta, tingnan: Choosing a School in Alberta o Education Options.

Paano Naiiba ang mga Paaralang Katoliko ng Edmonton

Ang mga Paaralang Katoliko ng Edmonton ay

nagbibigay ng mga buod na programa katulad

ng ibinibigay ng mga paaralang Publiko.

Subalit ang mga Paaralang Katoliko ng

Edmonton ay naiiba sa ilang mga paraan:

Lahat ng asignatura ay itinuturo mula

sa Katolikong pananaw at ang mga

pagpapahalagang Katoliko ay bahagi

ng lahat ng natututuhan ng mga

estudyante.

Lahat ng mga estudyante ay nag-aaral

ng Relihiyon bilang isang buod na

asignatura sa bawat taon ng pag-aaral.

Ang mga estudyante ay lumalahok sa pang-araw-araw na pagdarasal, pagmumuni-muni

at iba pang mga gawaing humuhubog sa kanilang Katolikong paniniwala.

Sa mga paaralang Katoliko, natututuhan ng mga estudyante ang mga kasanayan at

dunong na nagpapaunlad ng pagkakapantay-pantay, demokrasya at pagkakaisa para

sa isang makatarungan, matahimik at maawaing lipunan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa edukasyon sa mga Paaralang Katoliko ng Edmonton,

tingnan: www.ecsd.net.

Sa mga Paaralang Katoliko ng Edmonton, itinuturing namin ang bawat isang bata bilang isang mahalaga at natatanging miyembro ng pamilya ng Diyos.

Page 7: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 3 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Pagtanggap sa mga Pamilyang ELL/Protokol sa Pagkuha ng Impormasyon

Ang pagrerehistro at pagkuha ng mga impormasyon

ng mga baguhang estudyante ay ginagawa sa One

World…One Centre. Sa oras ng pagrerehistro, lahat

ng mga baguhang estudyanteng ang unang wika ay

hindi Ingles ay tatasahin upang malaman ang

kanilang galing at antas ng suporta para sa

pagproprograma sa ESL. Kasabay nito, tutulungan

kayo ng mga Liyeyson mula sa Iba’t-ibang Kultura

sa pagkukumpleto ng mga dokumento sa

pagtanggap at bibigyan ng impormasyon tungkol sa

mga ibat-ibang mapagkukunan at suporta na

maaaring makuha ng mga baguhang estudyante at ng kanilang pamilya.

Kakailanganin ninyong punuan ang mga pormularyong pampaaralan, tulad ng:

• Pormularyo para sa Pagrerehistro ng Estudyante

• Pormularyo ng Permiso para sa Pagtatasa sa Ingles bilang Pangalawang Wika (ESL)

• Pormularyo sa Pagkuha ng Impormasyon tungkol sa Estudyante base sa koleksyon ng mga

impormasyon at nakaraang edukasyon ng inyong anak. Lahat ng mga impormasyong nakolekta ay

tutulong sa guro na planuhin ang nararapat na maging resulta ng pag-aaral para sa inyong anak.

• Mga Katanungang Nagtataya ng mga Pangangailangan ng Pamilya na magsasaad kung

anong mga impormasyon tungkol sa mga programang pang-komunidad at suporta ang interes

ninyo. Ang kakulangan ng mga impormasyon tungkol dito ay maaaring maging sagabal sa paggamit

ninyo ng mga ito.

Sa ika-4 na pahina ng Pormularyo para sa Pagrerehisto ng Estudyante, kinakailangan ng mga

magulang/tagapag-alaga na basahin at isaad ang kanilang pagsang-ayon o pagpayag sa nararapat

na lugar sa mga sumusunod na kondisyon :

• Kasunduan tungkol sa Responsableng Paggamit

Ang dokumentong ito ay naglalarawan ng mga responsibilidad ng inyong anak na may

kaugnayan sa paggamit ng mga kompyuter, internet at email ng Edmonton Catholic Schools.

• Paggamit at Paglalahad ng mga Impormasyong Pang-sarili

Ang dokumentong ito ay naglalarawan kung papaano at kailan maaaring kolektahin at gamitin ng

distrito ng paaralan ang mga pansariling impormasyon ng inyong anak.

• Mga Patnubay sa Pampublikong Website ng Distrito

Ang dokumentong ito ay naglalarawan kung kailan at anong mga impormasyong pang-sarili ang

maaaring ilagay sa isang website ng Distrito.

• Pahintulot sa Pakikilahok sa Midya

Nangangailangan ang mga paaralan ng pahintulot mula sa magulang bago nila payagan ang

mga estudyanteng makilahok sa mga pagtatanghal sa paaralan. Ang pahintulot ay kinakailangan

sa dahilang sa mga pagtatanghal na ito, ang mga bagay na maaring ituring na pribado tulad ng

mga ginawa ng mga estudyante o ang mga estudyante mismo ay maaaring litratuhin, i-bidyo o i-

rekord ng mga magulang, bisita o midya. Ang mga impormasyong ito ay maaaring gamitin sa

Page 8: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 4 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

pagdiriwang ng pagtatapos ng estudyanyte at para magbigay ng mga impormasyon tungkol sa

pag-aaral sa mga paaralang Katoliko o sa mga ginagawa ng Lupon ng mga Paaralang Katoliko

(Catholic School Board). Mangyari lamang na pag-ukulan ito ng oras na basahin at i-tsek ang

lahat ng mga seksyon na sinasang-ayunan ninyo. Kung sakaling magbago ang isip ninyo,

maaari ninyong alisin ang inyong pahintulot ano mang oras.

• Pahintulot sa Pakikipag-ugnayan gamit ang Paraang Elektroniko

Isinasaad ng nasasa ibaba ng ika-4 na pahina na kinakailangan ng Edmonton Catholic School

ang inyong pahintulot na gamitin ang email bilang isang opsyon para maipabatid sa inyo ang

mga impormasyong pampaaralan o impormasyon mula sa distrito. Ilan sa mga pahatid na ito ay

tungkol sa mga impormasyong naghahandog (offers), mga anunsyo (advertisements) o mga

promosyong may kaugnayan sa mga gawaing pampaaralan tulad ng mga taunang aklat

(yearbooks), pagbibiyahe sa labas ng paaralan (field trips), mga programa sa

pananghalian (lunch programs), mga larawan (photos), o mga magkakaparehong gawaing

pampaaralan (similar school related activities). Kung pipiliin ninyong hindi magpahintulot dito,

makakatanggap lamang kayo ng mga mensahe tungkol sa pagpasok o mga mensaheng

pangkagipitan (emergency messages).

Mga Kinakailangang Dokumento

Ito ang mga kakailanganin ninyong ihanda para maiparehistro ang inyong anak sa paaralan:

1. Katunayan ng estado ng imigrasyon ng estudyante – alin man sa isa sa:

• Kard ng pagiging Permanenteng Maninirahan (Permanent Resident) ng estudyante at Kard

ng Pagiging Permanenteng Maninirahan ng isa sa

mga magulang o Kumpirmasyon ng Permanenteng

Paninirahan

• Permiso ng Pagtratrabaho ng Magulang o

Permiso ng Pag-aaral kung mayroon nito

• Dokumento ng Pangangalaga sa Repudyi

(Refugee Protection Claimant Document) o Notisya

ng Desisyon para sa mga Kumbensyon Repudyi

• Permiso ng Pag-aaral ng Estudyante (International Students)

2. Sertipiko ng Kapanganakan

3. Sertipiko ng Binyag ng Estudyante, kung ang estudyante ay Katoliko at kung mayroon nito

4. Katunayan ng Pag-aalaga (guardianship) – kinakailangan kung ang estudyante ay wala pang

18 taon at hindi kapisan ng magulang

5. Dokumento na nagpapatunay sa tirahan (address) – lisensya sa pagmamaneho, bil ng koryente

o telepono, kasunduan sa pangungupahan (lease agreement) na may pangalan at tirahan

ninyo.

Page 9: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 5 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Mga Serbisyong Pangkultura

Ang tagumpay sa edukasyon ng mga imigranteng estudyante ay nadadagdagan kung ang

koneksyon sa pagitan ng paaralan, pamilya ng estudyante at mga komunidad ay mananatili at

mapapatibay. Ginagampanan ng Sentro ng Serbisyong Pangkultura ang napakahalagang tungkulin

para mapabilis ito.

Ang Sentro ng Serbisyong Pangkultura at ang mga Liyeyson mula sa Iba’t-ibang Kultura

(Intercultural Liaisons) ay sumasalubong at sumusuporta sa mga Mag-aaral ng Ingles (ELLs) at

kanilang pamilya sa Paaralang Katoliko ng Edmonton.

Anim ng kawani mula sa Opisina ng Mga Serbisyong Pang-kultura (Intercultural Services) na

nagsasama sa mga Liyeyson mula sa Iba’t-ibang Kultura (Intercultural Liaisons) at Immigrant Youth

Facilitator na nasasa ilalim ng direksyon ng Manager ng One World…One Centre ang

nagbibigay ng mga serbisyong pang-suporta sa iba’t-ibang wikang ito: Amaharik, Arabik,

Croatian, Dinka, Serbian, Swahilli, Ruso, Espanyol, Filipino/Tagalog, Tigrinya, Ukrainian at

Vietnamese. Kung ang wika ninyong ginagamit ay wala sa listahang nasasa itaas, ipaalam

lamang sa guro ng inyong anak at sisiguraduhin ng paaralang mabibigyan kayo ng tagasalin

(interpreter) kung kinakailangan. Ang mga kawani ng Serbisyong Pangkultura ay nagbibigay

ng kaparehong serbisyo sa mga bagong dating na pamilya sa ECSD na ang wika ay Ingles.

Ang mga kawani ng Serbisyong Pangkultura (Intercultural Services staff) ay hindi lamang mga

tagasalin sa wika. Sila rin ay nagpunta sa Canada mula sa iba’t-ibang bansa at dahil dito ay

mayroon ding pangsariling kaalaman sa komunidad na kanilang kinabibilangan, sa uri ng

pamumuhay na kanilang pinagmulan at sa sistema ng edukasyon sa kanilang pinagmulang

bansa. Ang Liyeyson mula sa inyong komunidad ay maaaring makaunawa din ng inyong mga

pangangailangan, pangamba at mga bagay na dapat ninyong asahan. Sila ang

makapagbibigay sa inyo at sa inyong anak ng napakaraming tulong.

Gagawin ng mga Kawani ng Mga Serbisyong Pangkultura na:

bigyan kayo ng impormasyon tungkol sa sistema ng paaralan sa Alberta, mga

pamamaraan at mga pangyayari sa paaralan, mga bagay na inaasahan ng paaralan,

ganon din ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa buhay at kultura ng Canada.

bigyan ang mga guro at kawani ng paaralan ng mga impormasyon tungkol sa sistema ng edukasyon sa inyong bansa, kultura nito, at mga bagay na inyong maaasahan at

inyong mga pangangailangan,

magbigay sa inyo ng mga serbisyo sa pagsasalin sa wika para sa inyo kung

kinakailangan ninyong makipag-ugnayan sa paaralan at iba pang kawani ng paaralan

na may kaugnayan sa pag-aaral ng inyong anak sa panahon ng pagpapalista, mga

panayam ng guro at magulang, mga pagpapakita sa mga paaralan at iba pang mga

pangyayari dito,

pagsasalin sa wika ng mga dokumento, report kard, rekord ng bakuna, liham, liham na nagbabalita at iba pang mga bagay na hinihingi ng paaralan,

iugnay kayo sa mga iba’t-ibang ahensyang lokal at pang-komunidad na may kinalaman

sa paninirahan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng mga Liyeysong mula sa

Iba’t-ibang Kultura (Intercultural Liaisons), tawagan lamang ang (780) 944-2001. Kung

nahihirapan kayong makipag-usap sa Ingles, mag-iwan lamang ng mensahe sa inyong

sariling wika.

Page 10: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 6 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Pagtulong sa Inyong Anak sa Pakikiakma sa Isang Bagong Paaralan

Pagtalakay sa Pagka-bagabag

Kalimitan, mahirap para sa mga kabataan ang lisanin ang

kanilang mga kaibigan at kamag-anak para lumipat sa ibang

bansa. Normal para sa kanilang makaramdam ng halong

pagkagalak, galit at kalungkutan habang sila ay nakikiakmang

tumira sa isang bagong kultura.

Maaari ding maging napakahirap para sa kanilang makiakma sa

isang bagong paaralan. Ang pagkabagabag ay maaaring

makaapekto sa paraan ng pag-iisip at pakiramdam ng inyong anak.

Ang malimit na pakikipagtalakayan sa inyong anak tungkol sa

paaralan ay tutulong sa inyo na malaman ang mga bagay-bagay

na nangyayari sa paaralan at magbibigay ng pagkakataon na

makapagbigay ng payo at suporta. Ang pakikipagtalakayan ay

tumutulong sa inyo na malaman kung ang inyong anak ay

nahihirapan at kung kinakailangan na ang guro o ang tagapayo ay

kontakin.

• Pag-usapan palagi ang tungkol sa paaralan. Huwag nang hintayin pang magkaproblema.

• Himukin ang inyong anak na magkwento tungkol sa paaralan. Pakinggan kung ano ang

magagandang nangyayari at kung alin ang mahirap.

• Ibahagi ang inyong nararamdaman tungkol sa kung papaano kayo nakikiakma sa isang

bagong bansa.

• Kapag sama-sama ang pamilya, pag-usapan kung papaano makikibagay sa bagong

kultura. Ipaliwanag na normal lamang na sila ay matakot habang gumagawa ng mga

malalaking pagbabago sa kanilang buhay.

• Pag-usapan ang mga sitwasyong dati ay may kahirapan ngunit ngayon ay maalwan na.

Ipagbunyi ang mga maliliit na tagumpay tulad ng pagkumpleto ng unang dalawang buwan

sa Canada.

• Kilalanin ang mga kaibigan ng inyong anak at gawing kaaya-aya ang inyong lugar para sa

kanila.

• Sabihin sa guro ng inyong anak na siya ay nakakaramdam ng pagkabalisa para siya ay

matulungan ng guro na maging kumportable.

K a t a p a t a n

Maging marangal sa isip at puso, mapagbigay ng kapatawaran

Mga Mungkahi

Page 11: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 7 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Pagtuturo at Pag-aaral sa mga Silid-Aralan ng Edmonton Catholic Schools Papaano Tinuturuan ang mga Estudyante

Ang mga guro ay gumagamit ng maraming mga paraan para tulungan ang mga estudyante na

matuto sa klase: mga lektura, diskusyon, mga sesyon ng tanungan at sagutan, mga gawain sa

pananaliksik, mga pagbibiyahe sa labas ng paaralan, mga proyekto at itinakdang gawaing kasama

ang ibang mga estudyante. Ilan sa mga paraang ito ay maaaring hindi pangkaraniwan sa mga

estudyanteng bagong dating.

Ang mga guro ay maaari ding magbigay sa mga estudyante ng mga problemang tatalakayin at

hahanapan ng kasagutan imbes na mga katotohanang sasauluhin. Sa bawat asignatura, ang mga

estudyante ay hinihimok na matuto ng masusing pag-iisip. Ito ay nangangahulugan na natututo

silang mag-desisyon kung ano ang totoo at ano ang hindi. Sila ay natututong magpaliwanag,

magsuri at magtantiya ng impormasyon. Natututo rin sila ng masusing pag-iisip, magtanong,

gumawa ng mga kuro-kuro at magsabi ng kanilang mga niloloob sa buong klase.

Ang mga kasanayan sa wika ay isang

napakalaking bahagi ng bawat isang aralin. Ang

mga estudyante ay inaasahang makilahok sa

mga diskusyon sa klase, magsalita sa harap ng

klase o grupo ng mga estudyante. Halimbawa,

sa matematika, ang isang estudyante ay

maaaring sabihang ipaliwanag kung papaano

niya kinalkula ang isang kasagutan.

Ang mga estudyante ay inaasahang

makapagsaliksik ng isang paksa sa aklatan o

Internet, makapagsulat kung ano ang kanilang natutuhan at makapagbigay ng kanilang kuro-kuro.

Sinusumada nila ang kanilang mga ginawa sa isang proyekto.

Tayo ay nakatira sa komunidad ng mundo. Ang mga guro ay nagplaplano ng mga gawain sa pag-

aaral para tulungan ang mga estudyante na pahalagahan ang mga karanasan at kontribusyon ng

mga tao sa lahat ng mga kultura at mga pinag-mulan.

• Kausapin ang inyong anak tungkol sa mga pagkakaiba sa istilo ng pagtuturo at mga

pamamaraan sa pag-itan ng mga paaralan sa Alberta at sa kanilang bansa. Ipaliwanag

na maaaring magtagalan sila bago makaakma dito.

• Himukin ang inyong anak na makipag-usap sa mga guro at sabihin ang kanyang

kalagayan. Ipakikita nito sa guro na gustong-gusto niyang matuto.

• Sabihin sa inyong anak na nararapat lamang na humingi siya ng tulong mula sa kanyang

mga guro. Inaasahang ang mga estudyante ay magtatanong kung hindi nila nauunawaan

ang isang bagay o nangangailangan sila ng tulong.

• Tingnan ang tungkol sa mga ekstrang gawain matapos ang klase katulad ng mga laro,

mga klab at mga programa sa musika. Karaniwan ang mga ito ay

bukas para sa lahat ng mga estudyante at pinamumunuan ng isang guro. Ang mga

Pagtratrabaho ng Grupo-grupo

Sa pagtratrabaho sa isang grupo, natutulungan din ang inyong anak na matutong makisama sa

ibang mga mag-aaral, makibahagi sa responsibilidad at makinig at matuto sa mga

kuro-kuro ng iba. Masasanay niya ang kanyang Ingles at mapapalago niya ang mga kakayahan tulad ng papaano manaliksik, gumawa at mag-

eksamen ng mga kuro-kuro, magkusa, magtanong at humarap sa mga peligro.

Page 12: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 8 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

programa pagkatapos ng klase ay magandang paraan para ang mga estudyante ay

makapagsanay ng kanilang Ingles.

Sinusunod ng Edmonton Catholic Schools ang mga programa ng Alberta Education na inihahandog

sa nalolooban ng komunidad ng mga Kristyanong Katoliko. Ang mga karagdagang impormasyon

tungkol sa mga asignatura, programa at kurso ay maaaring makita sa My Child’s Learning: A Parent

Resource, 2Learn.ca for Teens.

Mga Aklat at Materyales sa Pag-aaral

Sa Canada, hindi ninyo kinakailangang bumili ng mga aklat para sa inyong anak. Ibibigay ang mga

ito sa estudyante sa paaralan. Ang mga aklat ay pag-aari ng paaralan at dapat ay isauli sa

magandang kondisyon. Kinakailangan ninyong bayaran ang mga napinsalang aklat.

Lagayang may susi (Lockers)

Ang mga estudyante ay bibigyan ng lagayang may susi para lagyan ng kanilang mga gamit at

damit. Ito ay pag-aari ng paaralan at karaniwan ay nililinis sa pagtatapos ng yugto o semestre. Ang

lagayang may susi ay hindi dapat gamiting taguan ng mga mahahalagang gamit at ang paaralan ay

hindi mananagot sa mga kasiraan o nawawala sa mga nakalagay doon. Karaniwan, ang paaralan

ay nagbebenta ng mga susi na nais nilang gamitin ng mga estudyante. Paminsan-minsan, ang mga

estudyante ay binibigyan ng patlang na oras para magpalit ng mga aklat sa mga klase.

Gawaing Bahay

Ang gawaing bahay ay isang mabuting paraan kung papaano makikita ng mga magulang ang mga

nangyayari sa kanilang anak sa paaralan. Dapat ninyong asahan na ang estudyante ay mayroong

gawaing bahay halos gabi-gabi. Ang dami ng gawaing bahay ay nababase sa grado.

Ang mga estudyante ay nangangailangan ng pinakamababa ang isang oras para sa paggawa ng

gawaing bahay. Sa ika-9 na grado, maaasahan nilang magkakaroon ng hanggang dalawang oras ng

gawaing bahay gabi-gabi. Lahat ng estudyante ay inaasahang magbabasa gabi-gabi. Ang guro ng

inyong anak ang makakapag-paliwanag kung ano ang mga gawaing bahay na inaasahan nilang dapat

magawa.

Para makakuha ng tulong sa inyong gawaing bahay sa pamamagitan ng mapagkukunang multi-

media, tingnan: LearnAlberta.ca.

Walang Gawaing Bahay?

• Itanong sa inyong anak kung ano ang ginawa niya sa paaralan.

• Kausapin ang guro kung malimit ay walang gawaing bahay.

• Himukin ang inyong anak na repasuhin kung ano ang napag-aralan sa

nakaraang ilang araw at pagplanohan ang mga darating pang gawain at pagsusulit

• Siguraduhing ang inyong anak ay nagbabasa sa Ingles o sa unang wika gabi-gabi.

Page 13: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 9 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Ano ang Natututuhan ng mga Estudyante

Ang mga Programa sa Pag-aaral

Sa Aberta, lahat ng paaralang pinondohan ng

publiko ay sumusunod sa kurikulum na

isinasaad sa Mga Programa ng Pag-aaral.

Inilalarawan nila kung ano ang inaasahang

dapat malaman at gawin ng mga estudyante

sa bawat asignatura sa katapusan ng kurso.

Ang Alberta Education ay naglilimbag ng mga

dokumento ng kurikulum sa bawat isang

asignatura. Ginagamit ng mga guro ang mga

dokumento ng kurikulum para pagplanuhan

ang mga ituturo. Ang mga dokumento ay

nakapaskil sa: Programs of Study.

Ang mga buod na asignatura sa mga Mataas

na Paaralan para sa Mga Dyunyor ay:

Matematika, Ingles, Araling Pang-lipunan, Agham, Relihiyon, Sining, Musika, Gawaing Pang-

kalusugan at Pang-kabuhayan at Edukasyong Pisikal.

Ang mga asignaturang opsyonal ay sumasaklaw sa: Pundasyon para sa Karera at Teknolohiya,

Pagkain at Moda (Food andFashion), mga Kurso sa Teknolohiya ng Kompyuter, etc.) isang wika

bukod sa Ingles (Pranse Bilang Pangalawang Wika, Mga Lenguahe ng Mundo, Mga Lenguahe ng

Unang Nasyon, etc), Etika, Edukasyong Panlabas at Pangkapaligiran (Environmental and Outdoor

Education), Sining na Pino (Fine Arts) (Art, Drama, Musika) at mga kursong lokal na binuo.

Para malaman kung ano ang inaasahang

matututuhan ng mga estudyante sa bawat

isang grado, kasama ng mga kuro-kuro at mga

aralin at paksa, tingnan ang Curriculum

Handbooks for Parents sa: My Child's

Learning: A Parent Resources.

Maaari kayong makakuha ng impormasyon

tungkol sa Kultura ng Canada at ng mga

programang magagamit sa Edmonton

Catholic Schools at mas marami mula

sa mga Liyeysong Pangkultura sa wikang

gusto ninyo.

Tumawag sa 780-944-2001

Hango mula sa Kurikulum ng Sining ng Wikang Ingles, Baitang 1 hanggang 12: Mula Kindergarten hanggang ika-12 Grado, ang mga

estudyante ay nagpapalago ng mga kaalaman, kasanayan at saloobin sa anim na mga bahagi ng

sining ng wika, Pakikinig at Pagsasalita, Pagbasa at Pagsulat, Pagtingin at Pagkatawan. Natututo ang

mga estudyante na bumuo, umunawa at sumagot sa mga tekstong sinasabi, sinusulat at iba pang

tekstong pang-midya.

Nararanasan nila ang mga iba’t-ibang teksto mula sa maraming kagawiang pang kultura.

Pangsarili at Pangkalahatang Pag-unlad

Sa mga Paaralang Katoliko ng Edmonton, kami ay isang samahan ng mga tao,

nakatalaga para sa pag-unlad ng buong katauhan.

Page 14: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 10 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Pag-proprogram sa Ingles bilang Pangalawang Wika (ESL)

Nang sila ay dumating sa Canada,

karamihan sa mga bagong dating na

estudyante ay mahusay sa kanilang

sariling wika, ngunit may limitadong

kasanayan sa Ingles. Ang iba sa kanila ay

maaaring ipinanganak sa Canada pero

bahagya pa lang nagsisimulang matuto ng

Ingles nang sila ay magsimulang

pumasok. Ang mga programa sa Ingles

bilang Pangalawang Wika ay tumutulong

sa mga estudyanteng ito para makapantay

ng kanilang mga kaklaseng Ingles ang

kinagisngang wika.

Ibat-iba ang bilis ng pagkatuto ng mga

estudyante, kahit dalawang bata sa isang

pamilya. Sa loob ng isa o dalawang taon,

marami sa mga bagong dating na

estudyante ang nakakagamit ng Ingles

para makipag-usap sa mga pang-araw-araw na sitwasyon. Subalit, sila ay maaaring mangailangan

ng lima hanggang pitong taon para makabasa, makasulat at makaunawa ng mga akademikong

bagay sa loob ng klase sa kaparehong libel ng mga kaklase nilang Ingles ang kinagisngang wika.

Ang ilang estudyante ay maaaring nawala ng mahabang panahon sa paaralan o maaaring hindi

natutong magbasa o magsulat sa kanilang sariling wika. Ang mga estudyante sa ESL sa Mataas na

Paaralan Para sa Mga Dyunyor na limitado ang karunungan o pormal na pag-aaral ay maaaring

irekomenda sa Newcomer Program ng Distrito.

Mga Antas sa Pag-aaral ng Ingles

Ang lahat ng mga batang nag-aaral ng bagong wika ay dumadaan sa serye ng antas habang sila ay

natututo ng Ingles. Maaaring tukuyin ito ng guro ng inyong anak na mga antas sa pag-aaral ng

Ingles. Simpleng inilarawan, sila ay:

Mga Uri ng Suporta sa ESL

Sinusuportahan ng Edmonton Catholic Schools ang magkasamang (inclusive) paproprograma sa ESL

na maaaring magsama sa:

▪ ekstrang tulong mula sa kanilang guro sa silid aralan,

▪ mag-aral kasama ng guro sa ESL sa silid-aralan, Learning Coach o Educational Assistant

▪ magpalista sa isang opsyon sa ESL

Page 15: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 11 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

1. Pag-aaral gumamit ng Ingles para sa simpleng

komunikasyon,

2. Pag-aaral gumamit ng Ingles sa mga pamilyar na

sitwasyon na may suporta,

3. Pag-aaral gumamit ng Ingles sa mga bagong

sitwasyon na may suporta; ang bata ay nagiging

mas mapag-isa,

4. Pag-aaral gumamit ng Ingles sa libel na ginagamit

ng mga kaklaseng Ingles ang kinagisngang wika.

Ang yugtong ito ay karaniwang nangyayari mula

5-7 taon.

Para sa mga karagdagang impormasyon sa pag-aaral ng Ingles bilang Pangalawang Wika, tingnan:

English as a Second Language (ESL).

Kausapin ang inyong anak sa inyong sariling wika. Bigyan ang inyong anak

ng pagkakataong ituloy ang pag-aaral ng kanyang unang wika habang nag-

aaral ng Ingles. Ang mga batang nakakapagsalita ng maayos sa kanilang

unang wika ay mas madaling matuto ng Ingles.

Hikayatin ang inyong anak na ituloy ang pagbasa at pagsulat sa kanyang

unang wika. Nakikita ng mga guro na ang mga estudyante na maayos na

nakakabasa at nakakasulat sa kanilang unang wika ay natututong magbasa

at magsulat ng mabilis sa Ingles. Nakikita din nila na ang mga estudyante ay

nagiging maayos din sa agham at matematika. Maraming mga aklatang

pampubliko ang may mga aklat sa iba’t-ibang wika, cds, bidyo at koleksyon

ng DVDs. Ang kard pang-aklatan ay libre para sa mga bata.

Hikayatin ang inyong anak na sumali sa mga ginagawa ng grupo kasama

ang ibang mga estudyante pagkatapos ng klase kung saan siya ay

magsasalita ng Ingles.

Mga Oras na Maar ing Ipagpa l i t ( F lex T ime )

Ilan sa mga mataas na paaralang pang-dyunyor ang naghahandog ng mga kapana-panabik na

inisyatibo sa pag-aaral na tinatawag na Flex. Ang mga sesyong flex (Flex sessions) ay nagbibigay

sa mga estudyante ng pagkakataong makapamili mula sa mga iba’t-ibang uri ng mga sesyong

nagbabago linggo-linggo. Ang mga sesyong ito ay itinakdang mga bloke ng oras sa loob ng isang

araw (karaniwan ay Huwebes) na binibigyang direksyon ng mga estudyante ngunit

pinangangasiwaan ng guro. Maaring pahabain ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral,

ipagpatuloy ang kanilang mga pang-sariling interes, makipag-tulungan sa mga kasamahan, o, kung

kinakailangan, humanap ng mga pang-remedyo at suporta sa pag-aaral.

Edukasyong Pang-Relihiyon

Ang Edukasyong Pang-relihiyon sa mga Paaralang Katoliko ng Edmonton ay sumusuporta sa

umiiral na mga programa naaayon sa pagkaka-balangkas ng KatolikongTanggapang Nasyonal ng

Mga Mungkahi

Page 16: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 12 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Edukasyong Pang-relihiyon ganon din sa mga

programang lokal na ginawa at sinang-ayunan ng

mga Obispong Katoliko ng Alberta. Ang

Edukasyong Pang-relihiyon ay isang

kinakailangan at kasamang bahagi ng

pamumuhay at kultura sa mga Paaralang Katoliko

ng Edmonton. Sa pamamag-itan ng Edukasyong

Pang-relihiyon, ang mga estudayante ay

inaanyayahang palaguin ang kaalaman,

paniniwala, kakayahan, pagpapahalaga at mga

pakikitungo na kinakailangan para makabuo ng

relasyon sa Diyos at komunidad sa pamamag-itan

ng pagkatao ni Hesukristo.

Bilang isang kasamang bahagi ng programa ng Edukasyong Pang-relihiyon, ang pagdadasal ay

makakatulong sa mga bata para matuto at makapagmuni-muni sa paglalakbay nila sa kanilang

pananampalataya kasama ang Panginoon at si Hesus.

Pinagsasama-sama ng Edukasyong Pang-relihiyon ang mga magkakaparehong hangarin at layunin

ng lahat ng mga mabuting pag-aaral. Napapaloob dito ang pagpapa-unlad ng isang tao sa kanyang

pangangatawan, kaisipan, kalooban, pakikisalamuha ganon din ang pagiging ispiritwal.

Pagsasama ng Pananampalataya sa lahat ng mga Asignatura

Para patatagin ang paglago ng pananampalataya ng mga mag-aaral, lahat ng aspek ng kurikulum ay kumakatawan sa mga Katolikong pagtuturo at mga pagpapahalaga, e.g. ang mga estudyante ay natututo ng mga awit bilang bahagi ng programa sa musika.

Paghahanda Para sa Mga Sakramento

Kung ang inyong anak ay hindi pa nakakatanggap ng mga sakramento ng Kumpisal, Unang

Komunyon o Kumpil, mangyari lamang kontakin ang inyong simbahan. Ilan sa mga paaralan ay

nakikipag-ugnayan sa lokal na parokya para ihanda ang mga bata para sa mga sakramentong ito.

Mga Programa sa Wika

Ang mga programa sa wika ng Edmonton Catholic Schools ay nagbibigay ng mayamang karanasan

at kabutihan sa mga bata na nakabubuti sa kanila sa loob ng silid aralan at sa dako pa roon. Ang

mga impormasyon tungkol sa ilan sa mga programang ito na inihahandog ng ating distrito ay

kasama sa Patnubay na ito. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga programa sa wika na

inihahandog ng Edmonton Catholic Schools, mga benepisyo sa pag-aaral ng pangalawang wika, at

iba pa ay makikita sa Language Programs.

“Ano man ang gagawin mo, gawin ang lahat sa ngalan ng ating Panginoong Hesukristo.”

Colossians 3:17

Page 17: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 13 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

a) Imersyon sa Wikang Pranse

Ang Imersyon sa Wikang Pranse ay

idinisenyo para sa mga estudyante na may

nais na matuto ng wikang Pranse. Ang mga

estudyante ay maaaring magparehistro sa

Kindergarten o unang grado. Sa Mababang

grado, ang wikang ginagamit sa pagtuturo

ay Pranse, maliban sa Relihiyon, at ang

mga estudyante ay may mga klase din sa

Sining sa Wikang Ingles (English Language

Arts) simula sa ika-2 Grado.Partikular na

atensyon ay ibinibigay para palaguin ang

pagpapahalaga sa kulturang Pranse sa

pamamagitan ng paghahandog ng mga

pagdiriwang na pang-kultura at/o libangan. Labing-tatlong paaralan ang naghahandog ng mga

programa sa Pagsasanay sa Wikang Pranse.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa programa sa Pagsasanay sa Wikang Pranse sa

ating mga paaralan, tingnan: French Immersion Program o makipag-usap sa kawani ng paaralan.

b) Programang Pranse bilang Pangalawang Wika

Ang Pranse bilang Pangalawang Wika (French as a Second Language (FSL) ay tumutukoy sa mga

kurso kung saan ang wikang Pranse ay itinuturo bilang isang asignatura. Hinahayaan din ng FSL

ang mga estudyante na lalong maunawaan ang mga kulturang Pranse sa Canada at sa iba pang

mga bansa sa mundo. Ang FSL ay itinituro sa loob ng 95 oras kada taon sa mababa at dyunyor na

antas, at 125 na oras kada taon sa mataas na paaralan.

c) Mga Programa sa Wika at Kultura

Ang pag-aaral ng pangalawang wika ay

tutulong sa inyong anak na madagdagan ang

paglago at galing nila, payamanin at dagdagan

ang unang wika ng inyong anak, padaliin ang

galing sa pagsasalita ng karagdagang mga

wika, himukin sa mga bagong pamamaraan ng

pag-iisip, at palaguin ang pagpapahalaga sa

kalawakan ng kultura sa Canada at sa buong

mundo. Ang Distrito ng Edmonton Catholic

Schools ay naghahandog ng ibat-ibang uri ng

mga programa sa pangalawang wika:

Intsik, Cree, Pilipino, Pranse, Italian, Hapon,

Latin, Polish, Espanyol at Ukrainian. Ang pag-

aaral ng pangalawang wika ay tutulong sa pagbubukas ng mga kapana-panabik na oportunidad sa

karera at mas maayos na pakikibahagi bilang isang miyembro ng komunidad sa mundo.

Page 18: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 14 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

d) Mga Programang gumagamit ng Dalawang Wika

Nilalayon ng mga programang gumagamit ng dalawang wika (bilingual programs) na matuto ang

mga estudyante nang husto at magkaroon ng mahusay na kasanayan sa Ingles at sa iba pang

(pangalawang) wikang tinatarget. Nagbibigay sila ng isang mayamang kapaligiran sa pag-aaral ng

mga wika, kultura at nilalaman ng bawat asignatura. Ninanais din ng edukasyong gumagamit ng

dalawang wika na makapagbigay ng mga kapaligiran para sa isang masusing pag- aaral ng wika na

magpapalaki ng mga oportunidad para sa pag-aaral. Lumalago ang pagpapahalaga ng mga

estudyante sa iba pang mga kultura at komunidad sa buong mundo.

Ang Paaralang Katoliko ng Edmonton ay naghahandog ng mga programang dalawahang wika sa

Polis, Espanyol at Ukrainian.

I-tsek kung alin sa mga programang may dalawahang wika ang inihahandog sa Paaralang Katolika

ng Edmonton sa: Bilingual Programs.

Isinamang Edukasyon (Inclusive Education)

Ang mga programa sa Isinamang Edukasyon ay nagbibigay ng ekstrang suporta sa mga estuyante

na may malubhang kahirapan na matuto o espesyal na mga pangangailangan sa kanilang

paaralang pang-komunidad. May mga ilang estudyante na nangangailangan ng panandaliang

tulong at ang mga iba ay mayroong mga masalimuot na pangangailangan na matuto at sitwasyon sa

kalusugan.

Ang mga bata ay maaaring mangailangan ng tulong dahil may kapansanan sa katawan, sa kaisipan,

kalooban, pag-uugali, pagsasalita, wika, paningin o pandinig o dahil sa mga malulubhang problema

sa pakikipagkapwa-tao. Ang modelo ay base sa pagsasama-sama ng lahat (full inclusion), na may

suporta mula sa silid-aralan/libel pampaaralan, mga espesyal na klaseng isinama sa rigular na mga

paaralan, at mga paglalagay sa mga programa sa distrito. Ang pagpro-programa sa paaralang pang

komunidad ay itinuturing na unang opsyon.

Ang kakulangan sa kakayahan sa wikang Ingles ay hindi palatandaan ng pangangailangan ng mga

espesyal na programa. Subalit, kung ang inyong anak ay nahihirapan sa kanyang pag-aaral o

makisama sa ibang mga mag-aaral, ito ay maaaring isang hudyat ng malaking kahirapan sa pag-

aaral. Paminsan-minsan, ang mga problema ay normal na bahagi ng pakikiakma sa isang bagong

wika at paaralan. Ang mga impormasyon tungkol sa mga kakayahan ng estudyante sa akademik sa

kanyang unang wika, katulad ng mga nakaraang report kard, ay kalimitang tumutulong sa mga guro

para masabi ang pinag-mumulan ng paghihirap ng estudyante.

Kung kayo ay nababahala na ang inyong anak ay maaaring mayroong malubhang problema sa pag-

aaral, makipag-usap sa guro niya. Ang guro ay may mga ilang hindi pormal na paraan para tayahin

ang inyong anak. Kung kinakailangan, kayo o ang guro ay maaaring humiling ng pormal na

pagtataya sa inyong anak.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa edukasyon ng mga estudyante na mayroong

espesyal na pangangailangan at Isinamang Edulkasyon. Tingnan: Inclusive Education o Diverse

Learning Needs.

Page 19: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 15 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Ang paaralan ay kinakailangang sumunod sa mga patakaran ng Isinamang Edukasyon (Inclusive

Education) para mataya at malaman kung ang inyong anak na may espesyal na pangangailangan

ay nararapat tumanggap ng Programa ng Distrito (District Program). Kayo ay hinihingiang magbigay

ng nasusulat na pahintulot na nagsasaad ng inyong pagsang-ayon para sa pagtataya sa inyong

anak. Kayo ay pipiliting pumunta sa mga pagpupulong na pang-konsultasyon na may kaugnayan sa

paraan ng pagtataya. Ang mga kwalipikadong empleyado na gagawa ng pagtataya ang magsasabi

ng mga resulta sa mga magulang, guro at iba pang may kaugnayan sa programa ng estudyante.

Sila ay gagawa ng mga rekomendasyon sa pagplaplano ng programa. Kung kayo ay

mangangailangan ng tulong para sa pagsasalin sa wika para sa mga pagtataya, mangyari lamang

kontakin ang One World…One Centre sa (780) 944-2001 at makipag-usap sa isang miyembro ng

kawani ng Mga Serbisyong Pangkultura na nagsasalita ng inyong wika.

Para sa mga karagdagang impormasyong tungkol sa mga programa para sa mga estudyante na

may mahigpit na pangangailangan, tingnan: Special Education District Programs.

Mga Paaralang May Mga Pokus at Mga Alternatibong Programa

Ang mga estudyanteng pumapasok sa mga

Edmonton Catholic Schools ay may mga

mapapagpilian mula sa ibat-ibang mga pokus

na programa. Ang mga ito ay nagsasama sa:

Jean Forest All-Girls Leadership Academy,

International Languages Programs, (Mga

Programa sa Wikang Internasyonal) mga

programa sa Maaga at Gitnang taon ng

International Baccalaureate (Early and Middle

Years International Baccalaureate Programs),

Pinabilis na mga Programa sa Matematika at

Agham (Accelerated Math and Science

Programs) at marami pang iba. May mga

paaralang nakapokus din na mayroong Pinong

Sining (Fine Arts), Paglalaro (Sports), Agham at Akademya ng Teknolohiya.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga paaralang may mga pokus at alternatibong

programa, maaari ninyong tingnan sa: Focus Schools and Alternate Programs.

P a g k a k a p a n t a y - p a n t a y

Hinahanap natin ang pagkakaisa na walang pagkakapare-pareho, pagkaka- pantay-pantay na walang pagkakahalintulad, at pagkakaiba-iba na walang paghihiwa-hiwalay.

Page 20: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 16 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Pag-uugali ng Estudyante

Kodigo sa Pag-uugali

Ang mga kawani ng paaralan ay

nakatalagang gawin ang paaralang libre sa

mga bagay na negatibo tulad ng pang-

aabuso, pananakot, diskriminasyon,

pagbabanta, mga mapagmuhing salita at

aksyon at ano mang uri ng pisikal na dahas.

Ang inyong paaralan ay may Kodigo sa Pag-

uugali na nanghihikayat ng mga mapayapang

paraan sa paglutas ng mga problema at

paglikha ng isang ligtas at mapag-anyayang

kapaligiran.

Ang paaralan at ang guro ng inyong anak ay

gagawa ng mga kautusan para matulungan ang mga estudyante na sumunod sa Kodigo ng Pag-

uugali. Ang mga kautusan ay ipinaliliwanag sa mga estudyante at karaniwang nakapaskil sa

paaralan. Sila ay nababase sa tungkulin ng estudyante na nakabanghay sa ika-12 Seksyon ng

Alberta School Act.

Ang sino mang sumasali sa isang gawain sa paaralan kasama na dito ang mga estudyante, mga

magulang o tagapag-alaga, mga bolontir, mga guro at iba pang mga miyembro ng kawani, ay

inaasahang susunod sa Kodigo ng Pag-uugali. Ang Kodigo ng Pag-uugali ay sinusunod kahit na ang

aktibidad ay wala sa loob ng paaralan subalit may relasyon dito.

Humingi ng kopya ng Kodigo ng Pag-uugali sa inyong paaralan.

Himukin ang inyong anak na maging pamilyar sa mga kautusan ng paaralan

at silid-aralan.

Ipaala-ala sa inyong anak na may mga grabeng konsikwensya para sa

pakikipag-away at iba pang uri ng hindi tamang mga pag-uugali.

Sabihin sa guro na nais ninyong ipaalam niya sa inyo kung siya ay may

pagkabahala tungkol sa pag-uugali ng inyong anak.

Kausapin ang guro ng inyong anak, at ang punong guro kung kinakailangan,

kung nararamdaman ninyong ang Kodigo ng Pag-uugali o ang mga pag-

uutos ng paaralan ay hindi makatarungan para sa inyong anak.

Makipag-usap sa guro kung kayo’y nababahala tungkol sa pag-uugali ng

ibang estudyante.

Mga Sapilitang Konsekwensya

Gagamitin ng mga paaralan ang mga sapilitang konsekwensya kailan mang ang mga estudyante ay

gumawa ng hindi magandang mga pag-uugali. Kasama sa hanay ng mga konsekwensya ay ang

Mga Mungkahi

Page 21: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 17 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

sinasabi at nasusulat na pagbababala, mga detensyon, mga suspensyon at mga pagpapatalsik sa

paaralan. Ang Punong Guro ang nagpapasiya sa haba ng suspensyon. Ang mga magulang ay

tatawagan kailan mang ang estudyante ay nasuspinde at pananatilihing nalalaman nila at bibigyan

sila ng lahat ng pagkakataon sa ano mang proseso ng pagpapatalsik.

Pag-uugali na Maaaring Humantong sa Pagkakasuspinde o Pagpapatalsik at Pakikialam ng Pulis

▪ Pakikipag-away

▪ Pagbabanta

▪ Panunumpa sa guro

▪ Pagtitinda at pamimigay ng droga o mga armas

▪ Pagnanakaw

▪ Paggamit ng mga armas para makasakit o mahigpit na pagbabanta

▪ Pananakit

▪ Paninira

▪ Atakeng sekswal

▪ Pagbibigay ng alkohol sa mga

▪ batang wala sa hustong gulang

▪ Pagkakaroon ng alkohol

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa suspensyon at pagpapatalsik, i-tsek ang Patakaran sa Pamamahala 110 sa: Student Suspension and Expulsion.

Hango mula sa mga Patakaran at Palakad, ECSD/Pag-uugali sa Paaralan Mga Kahulugan:

Panggugulo ay nangyayari kung ang isang tao ay nagsasabi ng hindi kaaya-ayang salita o

nananakit sa iba dahil sa kanyang lahi, paniniwala sa relihiyon, kulay, kasarian, kawalang

kakayahan na pisikal at pang-kaisipan, edad, angkang pinagmulan, o lugar na pinag-mulan. Hindi

nararapat na paghipo sa katawan, pagpansin, sapilitang paghingi, mga pagbibiro o mga panunuya

ay mga panggugulo kapag sila’y nakakasama sa kapaligiran ng pag-aaral.

Ang sandata ayon sa ipinakahulugan ng Criminal Code ng Canada ay sumasaklaw sa anumang

bagay na itinalagang gamitin bilang isang sandata o ano mang bagay na ginagamit ng isang tao o

pinag-aakalaang gamitin bilang isang sandata para makasakit.

Ang Tungkulin ng Mga Magulang sa Paglutas sa mga Problema sa Pag-uugali

Ilan sa mga pagbabago sa pag-uugali ng isang estudyante ay maaaring isang normal na bahagi ng

pakikiakma sa bagong paaralan, wika at bansa. Kung ang guro ay nababahala tungkol sa pag-

uugali o pakikitungo ng estudyante sa kapwa estudyante, maaaring kontakin ang mga magulang.

Page 22: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 18 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Ipaliliwanag ng guro kung ano ang ginagawa ng

paaralan para matulungan ang estudyante at maaari

ding magmungkahi ng mga bagay na dapat gawin sa

bahay. Sa pagtutulungan ng mga magulang at guro,

makakapagbigay sila ng malinaw na mensahe

tungkol sa kung ano ang nararapat na pag-uugali sa

paaralan.

Kung kayo ay may ikinababahala, huwag mag-

atubiling makipag-usap sa guro o sa gurong

tagapayo. Ang mga mahahalagang impormasyon

tungkol sa mga iba’t-ibang usapan tungkol sa kaligtasan at kabutihan ng inyong anak ay makikita sa :

Partners with Parents - Wellness and Safety Information Series

Mga Pagkabahala Tungkol sa Pag-uugali ng Ibang Estudyante

Kung nararamdaman ng mga estudyante na sila ay hindi pinakikitunguhan ng isang estudyante sa

paraang naaayon sa Kodigo ng Pag-uugali, nararapat nila itong ipaalam sa guro. Hindi nila ito dapat

lutasin na wala ang guro. Halimbawa, ang isang estudyante

na sinuntok ng kapwa estudyante ay dapat umiwas at

lumayo sa halip na lumaban. Kinakailangang ipaalam

kaagad ng estudyante ang pang-aasulto sa guro.

Pagharap sa Mga Pagkabahala Kung kayo ay mayroong mga ikinababahala tungkol sa

kung ang inyong anak ay tinatrato ng makatarungan,

mahalagang kayo ay makipag-usap sa kawani ng paaralan.

Karaniwan, ang unang hakbang ay ang pakikipag-usap sa

kinauukulang guro, bago ang punong-guro o pangalawang

punong-guro. Kung ang problema ay hindi nalutas,

kontakin ang School Operation Services sa (780-441-6000)

at humingi ng tulong.

Marami pang impormasyon tungkol sa protokol sa hindi

pagkakaunawaan ng magulang at paaralan at ang mga

patakaran ay maaaring makita sa: Dealing with Conflict

Management.

D i g n i d a d a t P a g g a l a n g

Tayo ay tinawag para pahalagahan ang bawat tao at taratuhin

ang bawat isa na may pagkahabag

Page 23: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 19 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Ang Report Kard

Pag-unawa sa Report Kard

Ang mga estudyante sa paaralan ay makakatanggap ng report kard tatlong beses isang taon. Sa

bawat panahon ng pag-uulat, makakatanggap sila ng dokumentong may ilang pahina na mayroong

napakaraming impormasyon tungkol sa mga natutuhan at pag-unlad.

Ang ginawa ng inyong anak ay tatayahin sa pamamagitan ng mga tagalarawan (descriptors) na

nagpapakita ng mga resulta ng pag-aaral (learner outcomes) na nasasa Programa ng Pag-aaral ng

Alberta (Alberta Program of Study). Ang report kard ay mag-uulat sa inyong anak tungkol sa:

▪ Nagawa – isang lugar ng pagtatagumpay o pangkalahatang pagpuna (comment) tungkol sa

pagkaunawa sa mga resulta sa yugtong iyon na may kinalaman sa isang proyekto, trabaho o

mga aktibidad sap ag-aaral mula sa nasabing yugto (term).

▪ Mga Puna sa Pag-aaral ng Estudyante – isang lugar ng kaunlaran at isang tiyak na

estratehiya na nagbibigay patnubay sa pag-unlad ng estudyante.

Ilan sa mga paaralan ngayon ang gumagamit na ng elektronikong pag-uulat, mangyari lamang i-tsek

sa inyong paaralan kung aling paraan ang ginagamit.

Mga Kakayahan ng Mag-aaral

Sa mga Mataas na Paaralan ng Mga Dyunyor (junior high schools), may dalawang kategoriya para sa

mga kakayahan ng mga mag-aaral: Pag-aasikasong Pangsarili (Self-Management) at

Pagkamamamayan (Citizenship). Ang mga kakayahang ito ay naglalarawan ng pagiging handa ng

inyong anak (child’s preparedness), pagganyak (motivation) at pagkumpleto ng mga gawaing itinakda,

ganon din ang hangganan kung saan ay nagpapakita ang inyong anak ng pakikisama,

pakikipagtulungan at tamang pag-uugali. Pinipili ng mga guro ang mga tagapagpabatid (indicators)

para sa bawat isang kategoriya.

Maaari ninyong makita ang mga nakatakdang gawain ng inyong anak, impormasyon sa mga marka,

pagpasok sa klase at impormasyong pang-demograpiko sa pamamagitan ng Power School Edmonton

Catholic Schools website at: powerschool.ecsd.net.

Papaano Sinusuri ang Ginawa ng mga Mag-aaral ng Ingles (ELLs) sa Report Kard

Ang mga Mag-aaral ng Ingles ay nangangailangan ng panahon para mapalago ang kanilang

kakayahan sa Ingles. Ang libel ng kakayahan sa Ingles ng inyong anak ang magsasaad ng araling

kanilang gagawin. Ang libel ng ESL ay malalaman sa pamamag-itan ng mga taunang pagtataya

(annual assessments) sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat gamit ang mga Alberta

Education ESL Proficiency Benchmarks. Sa ilang mga pagkakataon, ang isang estudyante ay

gumagawa ng kaparehong gawaing ginagawa ng ibang mga estudyante. Sa iba pang mga

pagkakataon, ang isang estudyante ay maaaring gumawa ng mga gawaing kung titingnan ay naiiba

sa kung ano ang mga ginagawa ng iba dahil ito ay ibinagay para matugunan ang libel ng benchmark

ng inyong anak. Kung ang inyong anak ay tumatanggap ng mga pagbabagay (adaptations), ito ay

isasaad sa report kard. Habang ang inyong anak ay natututo ng Ingles, sisimulan siyang bigyan ng

guro ng mga programa at pagtataya sa loob (mainstream) ng klase.

Siguraduhin lamang na dumalo sa mga Kumperensya ng Magulang at Guro (Parent-Teacher

Conference) sa paaralan ng inyong anak. Doon ay maaari ninyong itanong sa mga guro ng inyong

anak kung mayroon pa kayong mga katanungan.

Page 24: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 20 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Mga Patakaran sa Pag-aaral

Hinihingi ng batas panlalawigan sa lahat ng mga

paaralan na sundin ang ilang mga patakaran at

kaugalian para mapag-ingatan at matulungan ang

mga batang maging matagumpay sa paaralan.

Itinalaga ng inyong paaralan ang isang kapaligiran

kung saan lahat ng mga estudyante ay tinatrato na

may paggalang, dignidad at pag-unawa.

Isinisigurado ng mga patakaran ng paaralan na

walang ibubukod sa kadahilanan ng lahi, bansang

pinagmulan, lugar na pinagmulan, kulay, lahing

pinagmulan, pagkamamamayan, relihiyon,

kasarian, oryentasyong sekswal, kapansanan at

katayuan sa buhay. Isinisiguro din ng mga

patakarang ito na ang mga nasasaad sa itaas ay hindi mga balakid para maging matagumpay sa

paaralan. Kung kayo ay may ikinababahala, napakahalagang kayo ay makipag-usap sa guro o sa

punong guro.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga karapatan ng lahat ng mga miyembro ng

komunidad ng paaralan, tingnan ang Alberta Human Rights and Citzenship Commission at mga

lathala nito sa: Alberta Human Rights Commission .

Ang Pagpasok sa Paaralan ay Sapilitan

Isinasaad ng batas na lahat ng mga estudyante sa pag-itan ng edad na 6 hanggang 17 taon ay

nararapat na pumasok. Kung ang isang estudyante ay hindi pumasok sa loob ng mahabang panahon,

iimbestigahan ng lupon ng paaralan ang mga dahilan sa hindi pagpasok at maaaring ipaalam ang

bagay na ito sa Attendance Board ng Alberta Learning.

Kung ang estudyante ay mawawala sa paaralan sa loob

ng mahabang panahon, nararapat itong ipaalam ng mga

magulang sa guro habang maaga. Minsan ang guro ay

maaaring magmungkahi ng mga aralin para sa estudyante

habang siya ay wala sa paaralan. Para sa karagdagang

impormasyon tungkol sa pagpasok, tingnan ang Guide to

Education, School Act pg.10: The Education Act.

Paglalagay sa Grado ayon sa Edad

Kapag ang estudyante ay nagpatala sa paaralan, ang kalalagyan nilang grado ay pinagpapasiyahan

ayon sa kanilang edad, hindi sa grado na kanilang tinapos sa bansang kanilang pinagmulan.

Mga Hangganan ng Paaralan (School Boundaries)

Karaniwan, ang inyong tirahan ang magsasabi kung saang paaralan papasok ang inyong anak. Bawa’t

isang paaralan ay may hangganan ng mga kalye at pamamahay na kinasasakupan ng paaralan na

tinatawag na sakop na lugar (catchment area).

Paaralang Katoliko ng Edmonton

Patakarang Pang-Distrito

Nararapat na grado para sa edad

Na may nararapat na pagtuturo

ayon sa grado.

Page 25: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 21 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Ang mga estudyante ay maaaring pumasok sa paaralang nasasa labas ng kanilang sona kung ang

programang inihahandog sa paaralang iyon ay mas aakma para sa estudyante. Tinatanggap muna

ng mga paaralang ito ang mga estudyanteng mula sa lugar na kanilang kinasasakupan at kung

mayroon pang lugar, saka nila tatanggapin ang mga estudyante na nakatira sa labas ng lugar na

nasasakop nito.

Para matagpuan ang paaralan sa inyong lugar, punuan ang hinihiling na impormasyon sa

sumusunod na link: Locate a School. Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga

programa sa Edmonton Catholic High Schools, tingnan: Guide to Schools.

Pagiging Kumpidensyal

Lahat ng mga pakikipag-usap sa mga kawani ng paaralan ay kumpidensyal. Kapag wala kayong

pahintulot, hindi magbabahagi ang kawani ng paaralan ng mga impormasyon tungkol sa inyong

anak, gawain sa paaralan, o sitwasyon ng pamilya sa hindi kawani, iba pang mga magulang o mga

miyembro ng komunidad

Pag-uulat ng Posibleng Hudyat ng Pinsala sa mga Bata

Kung ang isang miyembro ng kawani ng paaralan ay nakakapuna ng mga hudyat na ang isang tao

ay maaaring nang-aabuso, tumatrato ng hindi tama, nagpapabaya sa isang bata o kung ang isang

estudyante ay nagsusumbong na may masamang nangyayari sa kanya, hinihingi ng batas na

ipagbigay-alam ito ng guro sa organisasyon sa inyong komunidad na may responsibilidad sa

pangangalaga ng mga bata (tinatawag na Alberta Children’s Services).

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan: Human Services Alberta - Abuse & Bullying,

Edmonton Police Service - Family Protection.

Panunupil o Pananakot Kung kayo ay nagsususpetsang ang inyong anak ay

sinusupil o tinatakot ng ibang estudyante, magtanong kung

ano ang nangyayari sa paaralan.

May mga estudyanteng natatakot na sila ay paghigantihan

ng manunupil kung ito ay ipaaalam nila sa paaralan.

Makipag-usap sa kawani ng paaralan kung papaano nila

sisiguraduhing ang inyong anak ay wala sa peligro. Lahat

ng mga paaralan ay may mga patakaran laban sa

panunupil at pananakot at nais nilang malaman kung ang

isang estudyante ay sinusupil o tinatakot, kahit ito ay

nangyayari sa labas ng paaralan.

Ang maraming mga impormasyon tungkol sa mga

mapapagkunan at suportang ibinibigay sa mga estudyante

at kawani ng Edmonton Catholic Schools ay maaaring makita sa: A Safe, Caring, and Nurturing

Learning Environment.

Para malaman at maiwasan ang panunupil at maipanatili ang malusog at kagalang-galang na

mga relasyon sa komunidad ng inyong paaralan, tingnan: Bullying Prevention, Bullying

Helpline.

Page 26: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 22 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Mga Pamamaraan sa Paaralan

Pagliban sa Paaralan o sa Klase

Ang mga estudyante ay inaasahang papasok araw-araw at

darating sa paaralan bago magsimula ang klase. Ang mga

guro ay mayroong talaan ng mga estudyante na lumiliban at

iniuulat ang mga ito sa opisina ng paaralan. Kung ang inyong

anak ay liliban, tumawag sa paaralan bago magsimula ang

klase. Karamihan sa mga paaralan ay may mga makina para

sa mensahe para itala ang mga pagliban. Tumawag muli sa

paaralan sa mga araw nang hindi pagpasok. Kung mag-

aayaw ng mensahe, magsalita nang mahinahon.

Ang ibang paaralan ay gumagamit ng mensaheng naka-rekord para tawagan ang mga magulang.

Kung kayo ay wala sa bahay at walang makinang maaaring pag-iwanan ng mensahe, maaaring

hindi ninyo makuha ito. Bukod sa mga tawag sa telepono, maraming mga paaralan ang

nangangailangan ng isang sulat na nilagdaan ng mga magulang kapag ang estudyante ay bumalik

sa klase.

Ang mga estudyante ay lubhang pinagbabawalang lumiban sa klase para magbakasyon sa loob ng

taon ng pasukan. Sa mga hindi maiiwasang pagkakataon na ito ay kinakailangan, nararapat na ito

ay ipagbigay alam kaagad ng mga estudyante at magulang sa paaralan at kumpletuhin ang

nararapat na pormularyo.

Numero ng Estudyante sa Alberta (Alberta Student Number) (ASN)

Ang Alberta Student Number (ASN) ang nagpapakilala sa bawat isang mag-aaral sa Alberta. Sa pamamagitan ng paggamit ng numero ng Alberta Education ID ang mga komunidad ng edukasyon sa Alberta ay magkakaroon ng mas mabuting impormasyon para suriin ang mga pagproprograma at mga lumilitaw na kalakaran sa mga pagpilian ng estudyante sa naloobaan ng sistema ng edukasyon.

Pananghalian

Ang mga estudyante ay may patlang na oras sa

kalagitnaan ng araw para sa pananghalian. Ang oras

ay maaaring magkakaiba sa mga paaralan.

Karamihan sa mga estudyante ay nagdadala ng

pananghalian sa paaralan. Ilan sa mga mataas na

paaralang pang dyunyor ay may mga konsesyon na

may mga malulusog na pagpipilian para sa

pananghalian. Ang pananghalian ay pangkaraniwang

nangyayari sa mga hallways o dyimnasyum. Ang mga

estudyante ay inaasahang titigil sa loob ng paaralan

sa nalooban ng oras ng pananghalian. Ang mga

estudyanteng nagbabalak lumabas sa paaralan para

umuwi sa bahay at mananghalian ay maaari lamang

lumabas kung may nasusulat na paghiling mula sa magulang/tagapag-alaga sa Punong Guro.

Halimbawa ng mensahe sa telepono:

Ito ay si (sabihin ang pangalan).

Ang aking anak (pangalan ng

anak) ay may sakit ngayong araw

na ito. Ang guro niya ay (sabihin

ang pangalan ng guro).

Page 27: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 23 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Bus na Pambiyahe ng Paaralan

Kung ang inyong anak ay nasasa isang pokus na programa o akademya o kung kayo ay nakatira sa

malayo sa paaralan sa nasasakupan ng inyong lugar, maaari silang mangailangan ng ETS bus para

sa pagbibiyahe. Ang serbisyo ng Yellow Bus ay maaari ding magamit sa ilang mga Mataas na

Paaralang pang-Dyunyor. Ang buwanang kabayaran ay sinisingil para sa serbisyong ito. Ang mga

pases para sa Bus (ETS at Yellow Bus) ay maaaring mabili sa presyong diniskwento mula sa

paaralan ng inyong anak.

Para sa mga karagdagang impormasyon, mangyari lamang i-tsek sa kanya-kanya ninyong paaralan

o tingnan: Student Transportation, ETS Trip Planner..

Mga Pagbibiyahe sa Labas ng Paaralan (Field Trips)

Ang mga pagbibiyahe sa labas ng paaralan ay mahalagang bahagi ng programa sa silid aralan.

Maaaring isaayos ng mga guro ang pag-bisita ng mga estudyante sa museo, liwasan o pati teyatro

para manood ng palabas. Bago maglakbay o pagkatapos nito, ang mga estudyante ay gumagawa

ng mga gawain na may kaugnayan sa kanilang paglalakbay.

Kinakailangan ng paaralan ang nasusulat na pahintulot para makasama sa pagbibiyahe sa labas ng

paaralan (field trip). Dadalhin ng inyong anak ang isang sulat para pirmahan ninyo. Mangyari

lamang lagdaan ninyo ito at ipabalik sa paaralan sa lalong madaling panahon. Maari kayong hingian

ng bayad para makasali sa ilan sa mga pagbibiyahe sa labas ng paaralan.

Kalimitan, ang mga magulang ay inaanyayahan ng mga guro upang samahan ang mga estudyante

sa pagbibiyahe sa labas ng paaralan.

Pangangasiwa sa mga Estudyante sa loob ng Yarda ng Paaralan

Sa oras ng pananghalian, ang inyong anak ay

pangangasiwaan sa loob ng yarda ng paaralan. Ang mga

estudyante ay hindi pinangangasiwaan sa ibang oras kaya

hindi ninyo dapat iniiwan ang inyong mga anak sa loob ng

yarda ng paaralan nang napakaaga o huling-huli matapos

ang klase. Kung ang inyong anak ay nasasa paaralan sa

oras ng pananghalian, ang inyong anak ay

pangangasiwaan ng paaralan. Sa lahat ng mga kaso, hindi

dapat umalis ang mga estudyante sa loob ng paaralan

kung walang pahintulot mula sa magulang.

Pagpapanatiling nasa Kasalukuyan ang mga Impormasyon Tungkol sa Kontak

Noong inirehistro ninyo ang inyong anak sa paaralan, inilista ninyo ang inyong tirahan at numero ng

telepono sa trabaho tulad din ng pangalan at numero ng inyong kaibigan o miyembro ng pamilya na

maaaring kontakin sa oras ng kagipitan. Ginagamit ng mga guro ang mga numerong ito para

tawagan kayo tungkol sa mga isyu sa paaralan o sa oras ng kagipitan. Kung may mga pagbabago

sa mga numerong ibinigay, sabihan lamang ang paaralan.

Kodigo ng Pananamit (Dress Code)

Lahat ng mga paaralan ay mayroong kodigo ng pananamit. Sa oras ng pagpaparehistro, ang bawat

isang estudyante ay bibigyan ng impormasyon tungkol sa kodigo ng pananamit. Sa ilang mga mataas

Tawagan ang paaralan kung:

▪ ang inyong anak ay hindi makakapasok sa anumang dahilan

▪ nagpalit kayo ng numero ng telepono o tirahan

▪ mayroon kayong tanong, iki-nababahala o mungkahi.

Page 28: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 24 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

na paaralan para sa mga dyunyor, (junior high schools), ang mahalagang impormasyong ito ay

maaaring makita sa mga Manwal ng Estudyante (Student Handbooks). Karaniwan, ipinakikiusap ng

lahat ng mga paaralan na ang mga estudyante ay gumamit ng nararapat na kasuotan sa kaparaanang

nagpapakita ng paggalang at kahinhinan, at nararapat sa isang kapaligiran ng Katolikong pag-aaral.

Kinakailangan ng karamihan sa mga Mataas na Paaralan Para sa Mga Dyunyor na ang mga

estudyante ay magsuot ng mga sapatos na pangtakbo, mga syorts na pang-dyim sa mga klase ng

Edukasyong Pisikal. Bawat paaralan ay may mga magkakahiwalay na kwartong bihisan para sa mga

lalaki at babae at ang mga ito ay kinakailangang labahan palagi.

Patakaran sa Malamig na Panahon

Sa panahon ng tag-lamig, sa panahong makapal ang niyebe, maaaring mahuli o makansela ang

biyahe ng bus. Kapag masama ang panahon, makinig lamang sa mga pagbabalita ng lokal na radyo

at telebisyon para sa mga pahayag sa pagkansela ng serbisyo ng bus. Sa panahong sobra ang

lamig o sa mga araw na umuulan, ang mga estudyante ay maaaring tumigil sa loob ng paaralan sa

oras ng pananghalian at rises.

Mga Araw na Walang Pasok

Karaniwan, ang klase ay nagsisimula sa unang Martes pagkatapos ng Labour Day sa Setyembre

hanggang sa katapusan ng Hunyo. Mayroong bakasyon para sa Pasko habang nalalapit ang

katapusan ng Disyembre at bakasyon sa panahon ng Tag-tunaw (Spring) sa pagtatapos ng Marso.

Sa pagsisimula ng klase, ang mga eksaktong petsa ay ibibigay sa mga estudyante. Ang mga

paaralan ay sarado rin sa mga araw na walang pasok at mga araw na hindi ipagtuturo (non-

instructional).

Paggamit ng Kompyuter

Lahat ng mga paaralan ay mayroong mga kompyuter na maaaring gamitin ng mga estudyante sa

araw, bago magsimula o matapos ang oras ng klase. Ang pagpasok sa internet ay sinasaklaw ng

patakaran ng distrito. Ang awtorisasyon ng magulang ay kinakailangan para makagamit ang

estudyante ng internet. Ang hindi tamang paggamit ng mga kagamitan sa kompyuter ay maaaring

maging dahilan ng pagkawala ng kalayaang makapasok sa network at mga kompyuter.

Ang mga aklatang pampubliko at mga senter na pang-komunidad ay may mga kompyuter na

maaaring gamitin ng libre. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa lokasyon at mga serbisyo

na inihahandog ng Edmonton Public Library, tingnan: Computers at EPL.

Mga Paaralang Libre sa Nuts

May mga estudyante na may matinding taluhiyang sa mga nuts at lubhang magkakasakit kung

makakakain o makakalanghap ng mga pagkaing mayroong nut kahit kakaunti. Para maisigurado

ang kaligtasan nila, maraming mga paaralan ang sumusunod sa kalakarang “libre sa nut”. Kung ang

inyong paaralan ay “libre sa nuts”, ipinakikiusap na huwag padalhan ang inyong anak ng anumang

pagkaing may mga produktong galing sa nuts.

Kung Ang inyong Anak ay Magkasakit sa Paaralan

Kung ang inyong anak ay magkasakit o magkaroon ng aksidente habang nasasa paaralan, may

tatawag sa inyo sa numero ng teleponong nasasa Rekord ng mga Impormasyon ng Estudyante

(Student Information Record). Kung ang mga magulang ay hindi makausap, kokontakin ng paaralan

Page 29: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 25 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

ang taong nakalista bilang pambiglaang kontak (emergency contact) na nasasa Rekord ng

Impormasyon ng Estudyante sa paaralan. Karamihan sa mga paaralan ay may mga kawani na may

pagsasanay sa madaliang paggagamot (first aid). Kung ang aksidente o karamdaman ay malubha,

ang paaralan ay tatawag ng ambulansya at isang miyembro ng kawani ang sasama sa inyong anak

sa ospital.

Pagpapabakuna

Bigyan ang paaralan ng rekord ng bakuna ng inyong anak mula sa inyong bansa. Makakapagbigay ang

mga paaralan ng mga pagsasalin sa wika ng dokumentong ito kung kinakailangan. Ang inyong anak ay

dapat mabakunahan naaayon sa iskedyul ng pagbabakuna sa Alberta.

Para sa karagdagang impormasyon, kontakin ang klinika ng Capital Health sa inyong komunidad o

bisitahin ang website: Immunization.

Taluhiyang at mga Problema sa Kalusugan

Sabihin sa guro kung ang inyong anak ay mayroong mga

problema sa kalusugan o mga taluhiyang. Kung kinakailangan

ng inyong anak na uminom ng gamot sa araw na may klase,

kayo at ang manggagamot ng inyong anak ay magsusulat sa

isang pormularyo. Lahat ng gamot ay kinakailangang nakatago

sa opisina ng paaralan sa araw ng klase.

Paningin at Pandinig

Ang mga problema sa paningin at pandinig ay maaaring

makapagpahirap sa pag-aaral ng inyong anak. Maraming mga

bata ang hindi nakakaalam na sila ay mayroong problema sa

paningin at pandinig. Maaari nilang isipin na ang bawat isa ay

nakakakita at nakakarinig katulad ng pagkakakita at

pagkakarinig nila. Ang paningin at pandinig ay maaaring

magbago habang ang mga bata ay lumalaki. Dahil dito, ang

rigular na pagpapa-tsek-up ay napakahalaga para sa mga

estudyante.

• Ipa-tsek ang mga mata ng inyong anak pagkakadalawa o tatlong taon.

Binabayaran ng Alberta Health and Welness ang mga taunang pagbisita sa

mga optometrist o opthalmologist hanggang sa ika-18 taong edad.

• Hikayatin ang inyong anak na magsuot ng salamin kung kinakailangan ito.

Kung ayaw ng anak ninyong magsuot ng salamin, makipagpulong sa

tagapayo ng paaralan o sa isa sa mga guro at pareho ninyong matutulungan

ang inyong anak para siya ay maging kumportable.

• Kausapin ang doktor tungkol sa pagpapa-tsek ng pandinig ng inyong anak.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung ano-anong mga serbisyo ang inihahandog ng

Gobyerno ng Alberta para sa mga pamilyang mababa ang kita, tingnan: Alberta Child Health Benefit

Program.

Mga Mungkahi

Page 30: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 26 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Pakikisangkot ng Magulang at Mabuting Komunikasyon sa Guro

Ang Pakikisangkot Ninyo ay Tumutulong sa Pagtatagumpay ng Inyong Anak

Ang mga magulang ay hinihikayat na masigasig na

makisangkot sa edukasyon ng kanilang mga anak

at kausapin ang mga guro kung sila ay may mga

katanungan o ikinababahala. Napakahalaga na

magkaroon ng magandang komunikasyon sa mga

guro. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang

pakikisangkot ng magulang ay tumutulong sa mga

bata para sila ay maging matagumpay.

Kapag ang mga magulang at guro ay nag-uusap,

naririnig ng mga magulang kung ano ang

inaasahan ng mga guro mula sa mga estudyante at

kung papaano sila makakapagbigay ng suporta sa

bahay. Ang magandang komunikasyon ay

tumutulong sa mga guro na makilalang mabuti ang

mga estudyante para magawa nilang maging mas maalwan ang pagdating nila sa isang bagong

paaralan.

Mga Katanungan Para sa Guro

Naririto ang ilang mga katanungan na karaniwan ay itinatanong ng mga magulang sa guro:

• Mga ano-ano ang kanilang mga lakas at kahinaan sa Ingles?

• Gaano kahaba ang oras ang kinakailangan nila para gumawa ng mga

araling pambahay?

• Nagpapakita ba sila ng mga espesyal na interes?

• Papaano sila nakikibagay sa mga ibang estudyante?

• Papaano ko matutulungan ang aking anak sa bahay?

Pakikipag-usap sa Guro

Nalalaman ng mga guro na iyong mga magulang na nag-aaral ng Ingles ay maaaring mahirapang

makipag-usap sa kanila. Pinahahalagahan nila ang pagsisikap ninyong makipag-usap sa kanila

tungkol sa inyong anak.

Tawagan ang opisina ng paaralan at mag-ayaw ng mensahe para sa guro.

Ibigay sa kawani ng opisina ang inyong pangalan at numero, pangalan at

grado ng inyong anak at ang pinakamagandang oras para tawagan kayo ng

guro. Maaari kayong matawagan ng mga guro sa araw na iyon o sa kanilang

pinakamaagang pagkakataon.

Itanong sa paaralan kung may kawani mula sa Mga Serbisyong Pangkultura

na maaaring tumulong sa inyo sa pakikipag-usap sa guro. (Tumawag sa

780-944-2001 para hingin ang kanilang mga serbisyo.)

Mga Mungkahi

Page 31: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 27 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Sabihin sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya (hindi bata) na samahan

kayo sa paaralan o para kausapin ang guro sa telepono. Alalahaning

makipag-areglo sa oras para makasiguradong ang guro ay maaaring

makipag-usap sa inyo.

Isulat ang inyong mga katanungan o mga pagkabahala at ipadala ito sa

sobre sa inyong anak.

Komunikasyon ng Paaralan sa mga Magulang

Ang paaralan ay palagiang nagbibigay ng impormasyon sa inyong anak para dalahin sa bahay, tulad

ng mga pahayag sa klase at mga pangyayari sa paaralan, mga liham na nagbabalita, mga

pormularyo ng pagpapahintulot para sa mga biyaheng pang-edukasyon at iba pang mga mensahe.

Ipaala-ala sa inyong anak na nais ninyong makita ang mga impormasyon mula

sa paaralan.

Lumikha ng isang espesyal na lugar sa inyong bahay para sa mga

impormasyon mula sa paaralan.

Ipaskil sa inyong bahay ang mga importanteng pahayag.

Ipabalik ang mga pormularyo sa inyong anak sa lalong madaling panahon.

Kontakin ang kawani ng opisina ng paaralan, ang guro o ang tagapayo ng

paaralan kung kayo ay may katanungan.

Gabi ng Pakikipag-kita sa Guro (Meet the Teacher Night)

Karamihan sa mga paaralan ay nagbibigay ng

pagkakataon para makita ng mga magulang ang

mga guro at malaman ang tungkol sa mga

programa ng paaralan. Ito ay karaniwang

nangyayari sa simula ng taon ng pasukan.

Ang Gabi ng Pakikipag-kita sa Guro ay hindi siyang

tamang oras para makipagtalakay sa guro tungkol

sa inyong anak, subalit maari kayong gumawa ng

pakikipagtiyap o magbalak tumawag sa telepono

sa guro kung kayo ay may ikinababahala.

1. Sabihin sa guro na pahahalagahan ninyo

ang isang tawag sa telepono kung siya ay

may mga ikinababahala tungkol sa inyong

anak o kung ang inyong anak ay may

espesyal na mga nagawa.

2 . Maglibot sa paaralan. Bisitahin ang aklatan at ang dyim ng paaralan. Tutulong ito sa inyo

para kausapin ang inyong anak tungkol sa kanilang dyim at mga ginagawa sa aklatan.

Mga Mungkahi

Ang Pagtatanghal ng Gabi ng Pakiki-

pagkita sa Guro ay kaugaliang suma-

saklaw sa:

▪ ano ang pag-aaralan ng mga

estudyante,

▪ mga espesyal na proyekto o mga

pangyayari sa silid-aralan,

▪ mga inaasahan tungkol sa mga gawaing

bahay,

▪ ang mga nararapat na kautusan sa pag-

uugali para sa mga estudyante at

▪ papaano ninyo matutulungan ang inyong anak sa bahay.

Page 32: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 28 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Pang-isahang Plano sa Programa – IPP (Individual Program Plan) o Programa

sa Pangsariling Pag-aaral (Personalized Learning Program)

Lahat ng mga estudyante na nalamang may mga espesyal na pangangailangan, na ang isa sa mga

ito ay ang pag-aaral ng pangalawang wika, ay nangangailangan ng isang Pang-isahang Plano sa

Programa (IPP) o Pangsariling Programa sa Pag-aaral (PLP). Ang planong ito ay sumada ng mga

layunin, hangarin, estratehiya at mga pagtanggap na may layuning paunlarin ang pag-aaral ng

estudyante. Ang mga magulang ng mga Mag-aaral ng

Ingles ay hinihimok na maging aktibo sa proseso ng

IPP o PLP. Ang pangkasalukuyang pagrerepaso at

pagbabago ay mga mahahalagang bahagi ng proseso

ng IPP/PLP. Ang mga pagpupulong na ito ay mga

pagkakataon para sa mga magulang na talakayin ang

pagproprograma sa kanilang anak at tingnan ang mga

posibleng pagbabago. Sa mga pagpupulong, ang mga

magulang ay papipirmahin sa dokumento.

Mga Panayam ng Magulang at Guro

Ang panayam mg magulang at guro ay isang pag-

uusap sa pag-itan ng magulang at bawat guro tungkol

sa mga nangyayari sa estudyante sa paaralan. Ang

panayam ay tumatagal na 5 hanggang 10 minuto at

karaniwan ay ginagawa sa loob ng kwarto, dyim o

kapeteriya. Marami sa mga paaralan ay

makakapagbigay ng mga tagasalin sa wika kung ang

mga ito ay hihilingin ng maaga o maaari ding kontakin

ang Intercultural Services, One World…One Centre

at hilingin ang serbisyo ng isang Liyeysong

Pangkultura (Intercultural Liaisons) na

makakapagsalin sa inyong unang wika.

Ang mga panayam ay ginagawa sa Nobyembre at

sa Marso. Sa panayam, tatalakayin ng guro ang

report kard at kung papaano ginawa ang marka.

Maaari ding talakayin ng guro kung papaano niya

tinutulungan ang estudyante at kung papaano ninyo

siya matutulungan sa bahay.

Sa panayam, paminsan-minsan ay maaaring

mapagkasunduan ng mga magulang at mga guro

na magkita o mag-usap uli sa telepono. Manatiling

nakikipag-kontak kahit walang problema. Sabihin sa

mga guro na ninanais ninyong matawagan nila kayo

kung sila ay may mga pagkabahala o kung ang

inyong anak ay may espesyal na nagawa.

Kalimitang itinatanong ng mga Magulang

sa Guro:

▪ Papaano ang aking anak umuunlad sa

kanyang pag-aaral ng Ingles?

▪ Sa mga ano-anong mga asignatura

nag-aaral ang aking anak ng rigular na

kurikulum para sa kanyang grado?

▪ Saan-saang mga asignatura ang aking

anak tumatanggap ng ekstrang

suporta? Anong klaseng suporta?

▪ Gaano kahaba ang oras na dapat

gamitin ng aking anak sa gawaing

bahay?

▪ Papaano nakikisalamuha ang aking

anak sa ibang mga estudyante?

Page 33: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 29 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Hinihikayat ng mga guro ang mga estudyante na dumalo sa panayam para pag-usapan ang tungkol

sa kanilang gawain. Kung mayroong mga isyu na nais ninyong talakayin nang wala ang inyong

anak, magkaroon ng panibagong panayam sa guro.

Kausapin ang inyong anak bago ang panayam para malaman kung ano ang

nagugustuhan niya tungkol sa paaralan at kung ano ang mahirap para sa

kanya

Limiin ang mga bagay na gusto ninyong itanong sa guro. Magsulat ng mga

nota para matulungan kayong matandaan ang inyong mga katanungan.

Ang mga panayam ay karaniwang nakatakda pagkaka 10 o 15 minuto.

Siguraduhing kayo ay naroroon nang mas maaga ng mga 5 minuto para

magkaroon kayo ng sapat na oras kasama ang guro

Paminsan-minsan, kinakailangan ng mga magulang at mga guro na

magpulong muli o mag-usap sa telepono para maituloy ang kanilang

pagpupulong. Kayo o ang guro ay maaaring magmungkahi ng ibang panahon

para sa pagtutuloy.

Pagkatapos, talakayin ang panayam sa inyong anak. Ipagdiinan ang mga

magagandang bagay na nasaklaw at maging partikular sa mga ikinababahala.

Ipaliwanag ang ano mang mga plano na naisaayos.

Patuloy na makipag-ugnayan sa guro kahit na ang lahat ng mga bagay ay

nasasa ayos. Nagbibigay ito ng isang positibong mensahe sa inyong anak.

Pagpapakita sa Paaralan (School Open House)

Ang mga paaralan ay nagkakaroon ng mga

espesyal na pagdiriwang na tinatawag na

Pagpapakita sa Paaralan (Open House). Sa

mga pagdiriwang na ito, magkakaroon kayo ng

pagkakataon para maglibot sa paaralan,

lubusang makita ang mga partikular na

programa nito, makita ang mga kawani, mga

estudyante, at iba pang mga miyembro ng

komunidad. Sa panahon ng Pagpapakita ng

Paaralan ang mga guro ay naroroon para

talakayin ang kanilang kurikulum at mga

programa sa silid-aralan. Ang layunin ng

Pagpapakita ng Paaralan ay para ipagbigay-

alam sa mga magulang ang tungkol sa

kanilang mga dapat na isaalang-alang sa

pagpili ng isang paaralan. Ang mga Pagpapakita ng Paaralan (Open Houses) ay karaniwang

nangyayari sa buwan ng Pebrero, Marso at Abril. Kayo ay maaaring pasabihan tungkol sa mga

pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng mga liham na nagbabalita (newsletters) mula sa paaralan o

mga liham na ipinadadala sa bahay. Ang pagpunta sa mga Pagpapakita ng Paaralan ay lalong

makabubuti kung ang inyong anak ay manggagaling sa mababang paaralan papunta sa dyunyor o

Mga Mungkahi

Page 34: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 30 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

manggagaling sa dyunyor na papunta sa sinyor ng Mataas na Paaralan.Para sa karagdagang

impormasyon tungkol sa Pagpapakita ng Paaralan, tingnan: Open House Dates.

PowerSchool Parent Portal

Ang PowerSchool Parent Portal ay isang

sistema ng pakikipag-ugnayan ng bahay at

paaralan na nakabase sa web at nag-

uugnay sa mga magulang at paaralan sa

pamamag-itan ng internet. Pinahihintulutan

ng programang ito ang mga magulang na

makapasok sa website ng Power School at

makita ang mga itinakdang gawain

(assignments), mga impormasyon tungkol

sa marka, pagpasok, mga puna ng guro at

mga impormasyong demograpiko. Maaaring

maging madali ang pakikipag-ugnayan ng

mga magulang sa guro sa pamamag-itan ng

e-mail o pagtanggap ng awtomatik na

notisya ng mga paglibang hindi pinayagan,

mga gawaing hindi naiisumite o mga hulog

na marka. Maaari ding gawin ang

pagbabayad ng mga bayarin sa paaralan sa

pamamagitan ng internet. Dagdag dito, kung

ang inyong anak ay sumasakay sa yellow bus, maaari ninyong makita ang iskedyul ng bus, pati na

ang oras ng pagkuha at pagbababa (pick-up and drop-off times). Maaari lamang makita ng mga

magulang ang mga impormasyon tungkol sa kanilang estudyante doon sa website ng Power School

matapos na sila ay makapagparehistro sa paaralan at makatanggap ng user ID at password. Ang

mga instruksyon kung papaano makakagawa ng account, papaano makikita ang report kard ng

inyong anak at kung papaano magdagdag ng isa pang estudyante sa kasalukuyang account sa

portal ng magulang (parent portal account) ay isinalin sa maraming wika. Mangyari lamang bisitahin

ang link ng Parent Resources - PowerSchool Information - Translated kung kayo ay

nangangailangan ng tulong sa inyong wika. Kung ang wikang kinakailangan ninyo ay wala dito,

mangyari lamang kontakin ang One World…One Centre sa 780-944-2001. Isang miyembro ng

kawani ng Serbisyong Pangkultura ang tutulong sa inyo at kokontakin ang isang tagasalin

(interpreter) sa iyong unang wika.

Dagdag pa dito, para mapapanatili ang integridad ng mga data, itinatago ng aplikasyon ng

PowerSchool ang mga impormasyon ng estudyante sa isang sistemang “babasahin lamang” (“read

only”) nang sa gayon ang mga ito ay hindi maaaring mapalitan. Para sa karagdagang impormasyon,

bisitahin: Parent Tools and Links.

Mga Pagpupulong at mga Pagdiriwang sa Paaralan

Ang mga paaralan ay maaaring bumuo ng mga espesyal na pagdiriwang tulad ng mga pagtatanghal

ng mga estudyante at mga pagdiriwang ng iba’t–ibang kultura (multicultural fairs).

Page 35: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 31 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Oras-oras, ang mga paaralan ay bumubuo ng mga presentasyon tungkol sa mga magkakaugnay na

isyung may kinalaman sa paaralan katulad ng Karunungan, Matematika at kung papaano

matutulungan ang inyong anak na maging matagumpay. Ang mga pagdiriwang na ito ay magandang

paraan para makasama ninyo ang inyong anak at malaman ang maraming bagay tungkol sa

paaralan.

Mga Pakiusap sa Paghalap ng Pondo

Paminsan-minsan, maaari kayong makatanggap ng liham mula sa paaralang humihingi ng

kontribusyon para suportahan ang mga gawain sa paaralan na hindi karaniwang nasasakop ng

regular na badyet ng paaralan. Ang mga donasyon ay boluntaryo.

Konseho ng Paaralan

Bawat paaralan ay may mga grupo ng mga

magulang na tagapayo, komunidad at mga

miyembro ng simbahan at mga kawani ng

paaralan na tinatawag ng Konseho ng Paaralan

(School Council). Ang Konseho ay tumatalakay

sa mga patakaran at mga plano ng paaralan sa

Punong Guro. Lahat ng mga magulang ay

maaaring dumalo sa mga pagpupulong ng

konseho at hinihikayat na makilahok sa

talakayan. Lahat ng mga magulang ay maaring

maging miyembro ng konseho. Sa ilang mga

Paaralang Katoliko ng Edmonton, ang mga miyembro ay pormal na inihahalal para sa konseho; sa

ibang mga paaralan, ang mga magulang ay nagbobolontir lamang para mapabilang dito.

• Hingin sa opisina ng paaralan ang pangalan at numero ng telepono ng

pangulo ng Konseho ng Paaralan.

• Kontakin ang pangulo ng Konseho para talakayin kung papaano ninyo nais

na makisangkot sa konseho.

• Dumalo sa mga pagpupulong ng Konseho ng Paaralan para malaman kung

papaano sila nagtratrabaho, magtanong, magmungkahi o magbigay ng

inyong mga kuro-kuro sa mga bagay na kawili-wili para sa inyo tungkol sa

paaralan.

• Makipag-usap sa pangulo o mga miyembro ng Konseho kung papaano

matutulungan ang mga kawani ng paaralan at mga magulang na lalong

malaman ang tungkol sa inyong komunidad at ang mga pangangailangan

ng mga mag-aaral ng Ingles.

• Lumikha ng paraan para ipaalam sa ibang mga magulang ang tungkol sa

mga pagtatanghal sa paaralan at para tanggapin ang mga bagong dating na

pamilya.

Mga Mungkahi

Page 36: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 32 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Mga Panlalawigang Pagsusulit sa mga Ginawa

Sinusulit ng Alberta Education ang mga

bata sa lahat na mga buod na

asignatura sa ika- 6 at 9 na grado para

siguraduhing napapapanatili ng sistema

ng ating edukasyon ang mataas na

pamantayan. Sumusulat ang mga bata

ng panlalawigang mga pagsusulit sa

mga nakuha nila sa Mayo at Hunyo. Ilan

sa mga estudyanteng nasasa ika-9 na

grado ang sumusulat ng PAT sa Enero

ng bawat taon. Magpapadala ang

paaralan ng sulat sa bahay na

naglalaman ng mga eksaktong petsa.

Ang mga pagsusulit ay nababase sa

Programa sa Pag-aaral ng Alberta

(Alberta Program of Study) at ito ay ginawa para makapagbigay ng impormasyon tungkol sa kung

gaano kagaling ang mga estudyante sa buong lalawigan ay natututong magbasa, magsulat at

makaunawa ng Ingles at matuto ng Matematika, Araling Panlipunan at Agham.

Ang mga resulta ng Panlalawigang Pagsusulit ay hindi nakatala sa report kard o ginagamit sa mga

pag-aaplay sa kolehiyo o unibersidad. Ang mga resulta ay hindi rin ginagamit para sukatin ang alin

mang aspeto ng inyong anak.

Bawat paaralan at mga awtoridad ng paaralan ay

tumatanggap ng detalyeng pag-uulat ng kanyang

mga resulta. Tumatanggap din ito ng dalawang

kopya ng Pang-isahang Balangkas ng Estudyante

(Individual Student Profile): ang isa ay para sa

rekord niya at ang isa ay para sa kanyang mga

magulang.

Sa ibang mga kaso, kung ang inyong anak ay

kararating lamang sa Canada at bago lamang

natututo ng Ingles, siya ay maaaring malibre sa

pagkuha ng pagsusulit. Lahat ng mga mag-aaral ng

ESL ay binibigyan ng ekstrang oras para matapos

ito. Hihingian kayo na magbigay ng nasusulat na

pahintulot para ang inyong anak ay malibre sa pagkuha ng Mga Panlalawigang Pagsusulit Para Sa

mga Nakamit (Provincial Achievement Tests).

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Alberta Education web site: Provincial

Achievement Tests (PAT).

Papaano Matutulungan ng mga Magulang ang kanilang mga anak para maghanda

para sa mga pagsusulit?

“Ang isang paraan para matulungan ng mga

magulang ang kanilang mga anak ay palaguin

ang kanilang kakayahan sa pagbabasa.

Marami sa mga kakayahang tumutulong sa

mga mag-aaral na maging mabuti sa mga

pagsusulit ay kakayahan sa pagbasa at mga

kaalaman na ginagamit sa lahat ng larangan

ng pag-aaral”.

Parent Guide to Provincial Achievement

Alberta Learning

Page 37: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 33 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Paghahanda Para sa Mataas na Paaralan (High School)

Ang paglipat mula sa paaralang pang-dyunyor patungo sa mataas na paaralan (high school) ay

maaaring maging mapag-hamon. Matapos ang ilang taong pagtigil sa isang kilala at matiwasay na

kapaligiran, ang mga estudyante ay magsisimulang muli. Ito ay maaaring nakakatakot at

nakakabiglang karanasan para sa kanila. Maaari din naman itong maging isang bago at kapana-

panabik na pagbabakasakali.

Matutulungan ninyo ang inyong anak na magkaroon ng banayad ang pagbabago sa pamamagitan

ng tuluyang pakikisangkot sa paaralan at pagpapanatiling bukas ang komunikasyon sa pagitan

ninyo at ng inyong anak.

May mga paaralan na may mga gurong nakatalaga na tutulong sa inyong anak sa panahon ng pagbabago mula sa paaralang pang-dyunyor patungo

sa mataas na paaralan (high school) at sisiguraduhing ang pagbabagong ito

ay magiging banayad hangga’t maaari.

Pumunta sa mga Pagpapakita ng Paaralan (Open Houses) sa malapit na

mataas na paaralan para sa mga dyunyor para malaman ang mga ito.

Sabihin sa isang Liyeysong Pangkultura (Intercultural Liaison) na samahan kayo sa araw ng Pagpapakita ng Paaralan. Sila ay maaaring makapagbigay

sa inyo ng mga mahahalagang paliwanag tungkol sa mga programa at mga

bagay na dapat asahan ng inyong anak ngayon.

Kilalanin ang mga kaibigan ng inyong anak, ganon din ang kanilang mga

pamilya. Papuntahin ang mga bagong kaibigan sa inyong bahay para kayo

ay magkakila - kilala.

Mga Gabi sa Pagpaparehistro sa Mataas na Paaralan

Bawat isa sa mga Mataas na Paaralan Para sa Mga Dyunyor ay magtatanghal ng isang Gabi Para

sa Pagpaparehistro sa Mataas na Paaralan na karaniwan ay ginagawa sa Pebrero at Marso. Ang

mga Mataas na Paaralan sa loob ng lugar na nasasakupan ay pupunta at maghahandog ng mga

espesyal na presentasyon tungkol sa mga programa at proseso ng pagpaparehistro sa mga

estudyanteng nasa sa ika-9 na grado. Habang ang mga estudyante ay naghahandang magsimula

para sa pagpaparehistro sa mataas na paaralan, ang mga marka nila sa ika-dalawang yugto (term

two) ay magiging napakahalaga dahil dito sa mga markang ito na mula sa report kard sa Marso ang

gagamitin ng paaralan para matiyak ang nararapat na pagproprograma para sa mga estudyante.

Hinihikayat ang mga estudyante at magulang na dumalo sa mga sesyong ito, ganon din sa mga

pagtatanghal ng Open House sa Mataas na Paaralan para malaman nila ang tungkol sa mga pag-

pipilian ng mga estudyante para sa mataas na paaralan.

Mga Mungkahi

Ang mga Magulang ng mga Mag-aaral ng Ingles ay Malimit na Nagtatanong

▪ Anong suporta sa ESL ang ibinibigay ng malapit na paaralan?

▪ Mayroon bang mga espesyal na programa o mga kurso kung saan magiging interesado ang aking anak?

▪ Papaano maibibigay ng mataas na paaralan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral ng Ingles?

Page 38: Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior ... for Parents... · “Ang ating mga silid- aralan ay nagmumukhang mga nayon ng maraming kultura at wika sa ... sa ilang

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa 34 Junior High ng Edmonton Catholic Schools

B a g u h a n s a C a n a d a ? Mga Impormasyon at Mungkahi Para sa Pag-unlad ng inyong Anak sa Paaralan

Mga Makakatulong na Ugnayan Kung kayo ay bagong imigrante, kayo ay maaaring mangailangan ng suporta sa pagtira sa Alberta.

Mayroong mga iba’t-ibang ahensya sa paninirahan na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga

bagong imigrante sa ating probinsya. Nakalista sa ibaba ay ang mga web sites na maaaring

makapagbigay sa inyo ng mga impormasyon tungkol sa komunidad, kalusugan, mga serbisyong

sosyal at mga serbisyo at ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng mga serbisyo para sa mga

bagong dating.

Ang mga Liyeysong Pangkultura ay palaging naririto para tulungan kayong makipag-ugnayan sa

mga ahensyang lokal, pang-gobyerno at pang-komunidad. Sa loob ng maraming taon nilang

karanasan sa pagsiisilbi sa mga bagong dating, nakabuo sila ng mga manwal na gigiya sa inyong

pag-aaral sa Edmonton Catholic Schools gayon din sa bago ninyong buhay sa Canada. Maaari

ninyo itong makita sa website ng Edmonton Catholic School sa ilalim ng One World...One Centre -

Intercultural Services.

Government of Alberta and the City of Edmonton Links for Newcomers Immigration, Refugee and Citizenship Canada (IRCC)

Immigrating to Alberta

Welcome to Alberta - Information for Newcomers

City of Edmonton - New Resident Programs

ONE WORLD…ONE CENTRE Intercultural Services – Liaison Workers

12050 – 95A Street Edmonton, AB T5G 1R7

Phone: 780-944-2001

Immigrant Serving Agencies in Edmonton Catholic Social Services

Edmonton Mennonite Centre for Newcomers

Edmonton Immigrant Service Association - EISA

ASSIST Community Services Centre

Welcome Centre for Immigrants