impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika · bumalik sa top ng e trabaho at...

1
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training E Trabaho at Training 2 Kontrata ng trabaho (roudou keiyaku) at kondisyon sa trabaho 2-2 Kondisyon sa trabaho (1) Oras ng trabaho at oras ng pagpapahinga Bilang alituntunin, hindi dapat lalampas sa mahigit sa 8 oras sa bawat araw at 40 oras sa bawat linggo ang oras ng trabaho. Hindi kasama sa oras ng trabaho ang oras ng pagpapahinga, subalit kung isasaad ng employer na kasama sa oras ng trabaho ang oras ng paghahanda bago ng trabaho at pagliligpit pagkatapos ng trabaho, maaari itong makasama sa tinatawag na oras ng trabaho. Kung lalampas sa 8 oras ang oras ng trabaho, kailangang bigyan ang manggagawa ng higit sa isang oras na pagpapahinga. (2) Mga holiday at sistema ng annual leave Ayon sa Labor Standards Law, kailangang bigyan ang mga manggagawa ng 1 araw na pahinga sa bawat linggo, o mahigit sa 4 na araw na pahinga sa bawat apat na linggo ng pagtatrabaho. Bilang alituntunin, maliban sa itinakdang araw ng pahinga, ang isang manggagawa ay maaaring magpahinga kung kailan niya gusto at tumanggap ng sahod. Dahil ito sa tinatawag na annual leave with pay, kung saan maaaring magkaroon ng 10 araw na pahinga at tumanggap ng sahod ang isang manggagawa kung nagtatrabaho ito ng tuloy-tuloy na 6 na buwan simula sa pagpasok nito sa kompanya, at nakapagtrabaho na ng 80% o higit pa sa kabuuang bilang ng araw ng pagtatrabaho. Pagkatapos ng 6 na buwan, maaaring magpahinga ang manggagawa batay sa bilang ng taon na nagtrabaho sa kompanya. Kahit ang mga manggagawang may konting takdang araw ng pagtatrabaho tulad ng mga part-timer ay maaaring makakuha ng annual leave with pay batay sa bilang ng araw ng kanilang trabaho. Ngunit dhail maaaring magbago ang panahon na maaaring magpahinga kung makakaabala ito sa negosyo, mabuting makipag-usap sa inyong employer tungkol dito bago kumuha ng bakasyon. (3) Sahod (base pay, bonus, atbp.) Ang sahod ay perang dapat ibinibigay nang diretso sa manggagawa sa takdang petsa, nang mahigit sa isang beses bawat buwan. Nakatakda ang pinakamababang suweldo (minimum wage) na maaaring tanggapin ng isang manggagawa depende sa uri ng trabaho at rehiyon kung saan ito nagtatrabaho. Kung tumatanggap ng sahod na mas mababa sa itinakdang minimum wage, hindi lang kailangang bayaran ng employer ang diperensya sa sahod, kundi, mapaparusahan din ang employer ayon sa batas. Saklaw ng Minimum Wage Law pati ang mga part-timer at ang mga nagtratrabaho ng arubaito. Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng Labor Standard Supervision Office.

Upload: others

Post on 09-Feb-2020

7 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika · Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training E Trabaho at Training 2 Kontrata ng trabaho (roudou keiyaku) at kondisyon sa trabaho

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training

E Trabaho at Training

2 Kontrata ng trabaho (roudou keiyaku) at kondisyon sa trabaho

2-2 Kondisyon sa trabaho

(1) Oras ng trabaho at oras ng pagpapahinga

Bilang alituntunin, hindi dapat lalampas sa mahigit sa 8 oras sa bawat araw at 40 oras sa bawat linggo ang oras

ng trabaho. Hindi kasama sa oras ng trabaho ang oras ng pagpapahinga, subalit kung isasaad ng employer na

kasama sa oras ng trabaho ang oras ng paghahanda bago ng trabaho at pagliligpit pagkatapos ng trabaho,

maaari itong makasama sa tinatawag na oras ng trabaho.

Kung lalampas sa 8 oras ang oras ng trabaho, kailangang bigyan ang manggagawa ng higit sa isang oras na

pagpapahinga.

(2) Mga holiday at sistema ng annual leave

Ayon sa Labor Standards Law, kailangang bigyan ang mga manggagawa ng 1 araw na pahinga sa bawat linggo, o

mahigit sa 4 na araw na pahinga sa bawat apat na linggo ng pagtatrabaho.

Bilang alituntunin, maliban sa itinakdang araw ng pahinga, ang isang manggagawa ay maaaring magpahinga

kung kailan niya gusto at tumanggap ng sahod. Dahil ito sa tinatawag na annual leave with pay, kung saan

maaaring magkaroon ng 10 araw na pahinga at tumanggap ng sahod ang isang manggagawa kung nagtatrabaho

ito ng tuloy-tuloy na 6 na buwan simula sa pagpasok nito sa kompanya, at nakapagtrabaho na ng 80% o higit pa

sa kabuuang bilang ng araw ng pagtatrabaho. Pagkatapos ng 6 na buwan, maaaring magpahinga ang

manggagawa batay sa bilang ng taon na nagtrabaho sa kompanya.

Kahit ang mga manggagawang may konting takdang araw ng pagtatrabaho tulad ng mga part-timer ay maaaring

makakuha ng annual leave with pay batay sa bilang ng araw ng kanilang trabaho. Ngunit dhail maaaring magbago

ang panahon na maaaring magpahinga kung makakaabala ito sa negosyo, mabuting makipag-usap sa inyong

employer tungkol dito bago kumuha ng bakasyon.

(3) Sahod (base pay, bonus, atbp.)

Ang sahod ay perang dapat ibinibigay nang diretso sa manggagawa sa takdang petsa, nang mahigit sa isang

beses bawat buwan.

Nakatakda ang pinakamababang suweldo (minimum wage) na maaaring tanggapin ng isang manggagawa

depende sa uri ng trabaho at rehiyon kung saan ito nagtatrabaho. Kung tumatanggap ng sahod na mas mababa

sa itinakdang minimum wage, hindi lang kailangang bayaran ng employer ang diperensya sa sahod, kundi,

mapaparusahan din ang employer ayon sa batas.

Saklaw ng Minimum Wage Law pati ang mga part-timer at ang mga nagtratrabaho ng arubaito. Makipag-ugnayan

sa pinakamalapit na tanggapan ng Labor Standard Supervision Office.