impormasyon para sa mga dayuhan ota city navigation · high school sa lungsod ng ota, ipaalam rin...
TRANSCRIPT
2018.4 Vol.70Ota City Navigation
●Petsa: May 16,2018 (Wed)
Oras ng Pagbubukas: 5:45pm
Oras ng Pagsisimula: 6:30pm
●Lugar: Sa paligid ng “Iketsukibashi(Bridge)” sa bandang kanluran
ng Senzokuike Park ( 2-14-5 Minami-senzoku Ota-ku Tokyo).
●Kapasidad: Nakatayong manonood (may upuan para sa maunang
300 katao)
●Nararapat: Bukas para sa lahat
●Bayad : Walang bayad
【Kapag umulan】
●Petsa: May 16,2018 (Wed)
Oras ng Pagbubukas: 6:30pm
Oras ng Pagsisimula: 7:00pm
●Lugar: Ota-kuritsu Omori Dairoku Chugakko Taiikukan[Omori 6th
Junior H.S. gymnasium] (1-33-1 Minami Senzoku Ota-ku)
※ Kapag umulan, may upuan para sa mauunang 400 katao,
magdala ng indoor shoes o slippers.
●Magtatanghal:
[Flute]
Toru Fukuhara, Hyakutaka Fukuhara , Satoka Fukuhara
[Noh Chants]
Osamu Kobayakawa, Yasuki Kobayakawa
[Bamboo Flute]
Keisuke Zenyoji
[Hayashi(Accompaniment)]
Hyakunosuke Fukuhara, Kiyoho Tosha, Tasano Mochizuki
[Piano]
Toshio Nakagawa
Makipag-
ugnay sa
Organizer: [Senzoku-ike Sound of Spring
Evening] Executive Committee Offi ce〒144-8621
5-13-14 Kamata Ota-ku Tokyo
☎ 03-5744-1226 FAX 03-5744-1539
Japanese Music Concert
[Sound of Spring Evening at Senzoku-ike]
Filming: Akira Shinozuka
Impormasyon para sa mga dayuhan
Tagalog
Maaaring ma download ang listahan ng mga boluntaryong Japanese class sa Ota City sa URL sa ibaba.
https://www.city.ota.tokyo.jp/kokusaitoshi/kouryu/nihongo_kyositu_multilingual.fi les/tagalog.pdf2
Mayroong 217 na asosasyon ng komunidad at asosasyon ng
magkakapitbahay sa lungsod ng Ota. Ang asosasyon ng komunidad
at magkakapitbahay ay mga boluntaryong samahan na may layuning
mapadali ang komunikasyon at palalimin ang pagkakaibigan ng mga
naninirahan sa komunidad.
●Pangunahing Gawain
* Pagbabantay ng mga bata sa pagpasok sa paaralan at pag-uwi mula
dito
*Gawain para sa Kaligtasan sa Trapiko
*Pagsasanay sa Panahon ng Pagdating ng Sakuna
*Pagpapatupad ng Piesta at mga Kaganapan
*Aktibidad sa Paglilinis
*Pagkolekta ng mga Basura na mapapakinabangan
*Pamamahagi ng mga Impormasyon tungkol sa lungsod
● Paano ang pagsali sa asosasyon ng komunidad at konseho ng
bayan?
Mangyaring makipag-ugnay sa
pinaka-malapit na special branch offi ce o tumawag sa nakasaad na
sanggunian.
④Pagbabago
ng Kabuuan ng
Sambahayan
Pagbabago ng pinuno ng
sambahayan, paghihiwalay o
pagsasama ng sambahayan
Sa loob ng 14 araw mula ng
pagbabago ng sambahayan
● Ang pag-uulat ay isasagawa ng mismomg taong magsa-submit o
ng pinuno ng sambahayan na kailangang magdala ng personal
na impormasyon ng pagkakakilanlan o ID. Kung ang pag-uulat ay
isasagawa ng kahalili o proxy, kailangang magdala ng dokumento
ng pagbibigay-kapangyarihan at pagkakakilanlan o ID.
● ①Dalhin ang sertipiko ng paglilipat na inisyu ng pinuno ng bayan
o lungsod ng dating tirahan, passport kung galing sa ibang bansa,
residence card o special permanent resident certifi cate para sa mga
dayuhan.
● ②Ang mga dayuhan ay kailangang magdala ng residence card o
special permanent resident card, iba’t-ibang uri ng insurance cards,
at medical certifi cate.
● ③④Dalhin ang iba’t-ibang uri ng insurance cards at medical
certifi cate kung mayroon nito.
● Ang Ulat ng Paglilipat ay maaari rin isagawa sa pamamagitan ng
koreyo.
※ Kung hindi marunong makipag-usap sa wikang Hapon, mangyaring
sumangguni sa mics Ota. ☎03-6424-8822
●Nararapat
※Mga tumutugon sa sumusunod na mga kondisyon:
(1) Naninirahan, nagtatrabaho, nag-aaral sa lungsod na mahigit 16
yrs. old
(2) Hindi marunong makipag-usap sa wikang Hapon
(3) Makakapag-aral sa buong taon
※Kahit anong nasyonalidad
●Kapasidad: mauunang 60 Katao
●Petsa/Oras: Sundays 2:00pm~4:00pm
●Takdang Panahon: May 6, 2018 (Sun)~Feb.24,2019 (Sun)
●Lugar: City Offi ce Main Building, at iba pang lugar
● Pangangalaga ng anak: may mag-aalaga ng bata (sa mauunang 9
na bata mula 1 yr. 6mths. old~grade 3 sa elementarya)
Kapag nabago ang address o kabuuan ng sambahayan, mangyaring
ipaalam ito sa pamamagitan ng pagpunta sa special branch office
o sa Family Register Section counter sa Ota City Public Office sa
sumusunod na nakasaad na takdang panahon. Gayundin, kapag may
anak na nag-aaral sa pampublikong paaralan ng elementarya at junior
high school sa lungsod ng Ota, ipaalam rin ito sa pagsubmit ng ulat.
UlatKailangan ang Pagsubmit ng
UlatTakdang Panahon ng Ulat
①Ulat ng Paglipat
sa lungsod ng Ota
Paglipat ng address sa lungsod
ng Ota mula sa ibang distrito o
bayan Sa loob ng 14 araw mula sa
araw ng paglipat②Ulat ng Paglipat
sa ibang tirahan
Paglipat ng address sa loob ng
lungsod ng Ota
③Ulat ng Paglipat
sa ibang lungsod
Paglipat sa ibang distrito o
bansa mula sa lungsod ng Ota
Mga 14 araw bago dumating
ang araw ng paglilipat
Notisya mula sa City Offi ce
大田区生活展Sumapi sa Asosasyon ng Komunidad at Asosasyon ng Magkakapitbahay
大田区生活展Kapag nabago ang tirahan at kabuuan ng sambahayan, tiyakin ang pagsubmit ng Ulat ng Pagbabago ng Residente
Naghahanap ng mga Mag-aaral sa Pagbabasa at Pagsusulat ng Wikang Hapon (24 na araw)
SanggunianCommunity Activities Promotion Division, Community
Activities Promotion Section
☎03-5744-1224 FAX03-5744-1518
Sanggunian
Resident Registration Section, Household
Residents Registry Division
☎03-5744-1185 FAX03-5744-1513
Mailing section (Ulat sa pamamagitan ng koreyo)
☎03-5744-1233 FAX 03-5744-1546
Libreng serbisyo ng interpretasyon gamit ang Tablet sa Ota City Office atbp.
● Mga Wika: English, Chinese, Korean, Spanish, Portugese, Vietnamese, Tagalog, Thai, French, Nepalese Russian at Hindu
Makipag-ugnay sa: Internationalization & Multiculturalism Promotion Division ☎ 03-5744-1227
3
Ang kasalukuyang bilang ng mga dayuhang naninirahan sa lungsod
ng Ota ay lumagpas na sa 22,000. Inaasahang patuloy na tataas ang
bilang ng mga dayuhang maninirahan dito sa darating pa na panahon.
Itinatag ang International City Ota Association sa lungsod ng Ota
upang ipatupad ang pagtugon sa iba’t-ibang kultura, pag-uugnayan
ng mga mamamayan na mula sa iba’t-ibang bansa, pagpapaunlad ng
human resource at pagtutulungan ng mga mamamayan mula sa iba’t-
ibang bansa sa komunidad.
●Ilan sa mga halimbawa ng mga gawain ng asosasyon:
(1)Paglikha ng komunidad na binubuo ng iba’t-ibang kultura, pagpabuti
ng suporta para sa komunikasyon, pamamahala ng konsultasyon sa
iba’t-ibang wika, pagsasanay ng mga boluntaryo sa pag-uugnay ng
mga mamamayan mula sa iba’t-ibang bansa, pagsisimula ng mga
klase sa pag-aaral ng wikang Hapon (beginners), pagpapadala ng
tagasalin ng wika o interpreter, translator, at iba pa.
(2)Pagsimula ng bagong panukala sa pakikipagtulungan ng turismo at
ibang bahagi ng industriya.
Pagsasanay ng mga manggagawa mula sa iba’t-ibang panig ng
mundo, regular na pagsasagawa ng pag-aaral ng wika ng mga
Naglimbag ng mga aklat na gabay sa pamumuhay para sa mga
banyagang naninirahan o mga magsisimulang mamuhay sa lungsod
ng Ota.
Nakasaad dito ang mga makakatulong na impormasyon tulad ng
paraan sa pagproseso ng rehistro ng pamilya, buwis sa city hall, pag-
iwas sa sakuna, pagtatapon ng basura at iba pa.
Mababasa ito sa sumusunod na 5 wika at bagong karagdagan ang
wikang Nepalese dito.
[Nakasalin na Wika]
Ingles, Intsik, Koreyano, Tagalog, Nepalese
[Lugar ng Pamamahagi]
Family Register Section (Ota Public Office 1F), Special Branch Office,
Multicultural Society Promotion Center, atbp.
●Walang Bayad
● Nilalaman ng Pag-aaral: Klase para sa karunungan sa hiragana,
katakana, mga simpleng pangungusap na kailangang matutuhan
para sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
● Paraan sa Pag-apply: Magpunta o tumawag sa nakasaad na lugar
ng sanggunian sa April 3, 2018 (Tue) mula 9:00a.m
Noong Feb. 25, araw ng Linggo ginanap ang Japan Day sa Ikegami
Baien Plum Garden, isang kaganapan para sa mga banyagang
residente upang maranasan ang kultura ng Japan at itaguyod ang
international exchange. Ako ay masigasig na lumahok sa pagbuo ng
kaganapan na nagtatampok ng tea ceremony, workshop ng paggawa
ng tatami sa pangunguna ng tatami craftsman, kaligrapya, pagpinta sa
pamaypay, laro ng Hapon tulad ng kendama at ang World Tea Party
kung saan ang mga Global City Ota Ambassadors ay nagbigay ng tsaa o
tea mula sa kanilang sariling bansa. Napakaganda ng araw na ito at ang
ganap na pamumulaklak ng mga puno ng sirwelas o plum ay nagdulot
ng tunay na kahulugan ng panahon ng tagsibol sa Japan. Napakaganda
ng tanawin ng mga tao na nag-uusap at nagsasaya at umaasa ako na
magkaroon pa ng ganitong kaganapan sa darating na panahon!
Makipag-ugnay sa
Internationalization & Multiculturalism Promotion Division
☎ 03-5744-1227 FAX 03-5744-1323
Itinatag ang [International City Ota Association]
Para sa mga Dayuhang Residente [Gabay sa Pamumuhay sa Banyagang Wika 2018]
Matilda’s Corner: Miyembro ng International Exchange
Sanggunian
Community Promotion Division Lifelong Learning
Section
☎ 03-5744-1443 FAX 03-5744-1518
Sanggunian
Internationalization & Multiculturalism Promotion
Division
☎ 03-5744-1227 FAX03-5744-1323
SanggunianInternationalization & Multiculturalism Promotion
Division ☎ 03-5744-1227
banyagang guro, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagluluto, at
iba pa.
4Ota City Navigation 2018/4/15 (Inilalathala tuwing ika-15 ng buwan (maliban sa buwan ng Enero at Agosto)
Issued by Internationalization & Multiculturalism Promotion Division, Ota City Office
144-8621 5-13-14, Kamata, Ota ☎ 03-5744-1227 FAX 03-5744-1323
Balita mula sa mics
~ Konsultasyon tungkol sa ~ Batas na Sumusuporta sa Solong Magulang na Sambahayan
●M○D, Kumonsulta ang isang Vietnamese na babae na nahiwalay sa
asawang Hapones at mag-isang nangangalaga o nagpapalaki sa 2 anak. Ang
konsultasyon ay tungkol sa suporta ng pamahalaan para sa solong magulang.
Para sa mga solong magulang, maaring makatanggap ng [ ① child-
development allowance at [ ② child-support allowance], maliban sa child-
care allowance. Kapag may kapansanan ang anak, maaring makatanggap
ng [ ③ child-development allowance(disability allowance) [ ④ special child-
care allowance] ayon sa kalagayan. Ang mga allowance ay binabatay sa
mga kondisyon tulad ng limitasyon sa kita, at iba pa, kailangang isagawa ang
pamamaraan sa pag-apply.
Bilang karagdagan sa tulong sa pananalapi, mayroon rin suporta sa
paghahanap ng tirahan [ ⑤ suporta para sa pabahay ng solong magulang],
pagpadala ng homehelper upang pansamantalang makatulong sa gawaing
bahay o pangangalaga sa anak [ ⑥ homehelper service para sa solong
magulang].
Ang gastos sa medikal na pagpapasuri ng solong magulang ay maaring
maangkop sa [ ⑦ Single-parent Household Medical Subsidy Program, kung
saan makakatanggap ng pinansyal na tulong para sa bahagi o kabuuang
gastos kapag naayon sa mga kondisyon.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa section-in-
charge.
[Sanggunian]
Para sa ① - ④ , ⑦ , Child-rearing Support Division Child Development
Section
☎ 03-5744-1274
⑤ Construction Coordination Division Housing Section ☎ 03-5744-1343
⑥ Welfare Division/Consultation Section
Omori ☎ 03-5843-1028 Chofu ☎ 03-3726-0791
Kamata ☎ 03-6715-8800 Kojiya, Haneda ☎ 03-3741-6521
[Makipag-ugnay sa]
IMultilingual consultation desk sa Global City Ota Cooperation Association
☎ 03-6424-8822
Multilingual consultation desk of Global City Ota Cooperation Association
Mayroong mga serbisyo sa Multilingual consultation desk sa Global City Ota
Cooperation Association tulad ng konsultasyon tungkol sa mga bagay na
may kinalaman sa pang-araw araw na pamumuhay, pagsasalin ng lingwahe
(translation at interpretation).
● Konsultasyon tungkol sa Pamumuhay
Ang mga konsultasyon tungkol sa pang-araw araw na pamumuhay katulad
ng pamilya / anak, pagpapakasal / diborsyo, trabaho at kahirapan sa
komunikasyon ay maaari sa iba’t-ibang lingwahe.
● Pagsasalin ng lingwahe(Interpretation service)
May mga interpreters na nakalaang tumulong sa mga banyaga sa pagsama
sa mga iba’t-ibang seksyong nakatakdang puntahan sa Ota City office at
tutulong sa pagsasalin ng lingwahe sa pamamaraan ng pag-aayos ng mga
papeles/bagay na itinakda ng City office.
● Pagsasalin ng lingwahe(Translation service)
Mayroong translation service na isinasagawa para sa mga dokumento
katulad ng mga sertipiko atbp. na kailangang i-submit sa Ota City office.
● Impormasyon tungkol sa mga Japanese language classes
Mayroong mga impormasyon tungkol sa mga Japanese language schools at
volunteer-organized Japanese classes na isinasagawa sa Ota City.
● Iskedyul ng konsultasyon sa iba’t-ibang lingwahe
Araw at Oras
Mon. – Fri. 9:00a.m - 12:00p.m 1:00p.m - 5:00p.m
1st at 3rd Sun. 1:00p.m - 5:00p.m
Global City Ota Cooperation AssociationMultilingual consultation desk
Address:
Consumer Center 1st floor,
5-13-26 Kamata, Ota-Ku
☎ 03-6424-8822
FAX 03-5710-6330
http: www.ota-goca.or.jp
Email: [email protected]
Multilingual consultation desk
of Global City Ota Cooperation
Association
Tokyu Line
RJ
to Kawasaki
Kampachi Ave.
東口East Exit
Kamata Sta.
Ota City Office
East Exit
To Kawasaki
Counsumer
Center
Lingwahe
Chinese Mon. – Fri. 10:00a.m - 12:00p.m 1:00p.m - 5:00p.m
1st Sun. 1:00p.m - 5:00p.m
English Mon. – Fri. 9:00a.m - 12:00p.m 1:00p.m - 5:00p.m
Tagalog Mon, Tue, Thurs at Fri 10:00a.m - 12:00p.m 1:00p.m - 5:00p.m
1st at 3rd Sun. 1:00p.m - 5:00p.m
Nepalese Wed 1:00p.m - 5:00p.m
Vietnamese Thurs 9:00 - 12:00
Mangyaring tandaan na kinakailangang magpa-reserba para sa mga
sumusunod na lingwahe: Hangle / Korean, Thai, Spanish, Portuguese,
Russian, Urdu, Hindi at Bengali.