iba't ibang teorya ukol sa agham

26
Rebolus ong Siyenti

Upload: joel-rostata

Post on 26-Jun-2015

2.107 views

Category:

Education


12 download

DESCRIPTION

Pls message me on facebook [email protected]

TRANSCRIPT

Rebolusong

Siyentipiko

Noong 1500, ang pang-unawa ng mga Europeo ukol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle.

Nasesentro ito sa dagdig at ang mga banal na nagpapagalaw nito. Bahagya lamang ang kanilang kaalaman ukol sa agham. Hindi pa nila abot ang paraan ng pagsusuring pansiyentipiko.

Noong ika-16 at ika-17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng rebolusyong siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pasisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob at mundo. Nagkaroon ng pagliliwanag ukol sa kaibahan ng likas na agham at karunungang pangkulto.

Aristotelian Orthodoxy

Sa pagbagsak ng Greece sa mga Romano, hlos walang pagbabago sa kaalaman ng tao ukol sa agham, nanatili itong hindi kilala sa Europe. Maliban sa kalinangang pang-Muslim na kanilang sinusunod.Nagbago lamang ito noong ika-13 siglo ng magsagawa si Thomas Aquinasng paglalagom ukol sa kabuuan ng

Aristotelian Science.Katulad ng ginawa ni Roger Bacon,

nag mungkahi siya na kailanganang eksperimentasyon upang maging gabay nila

sa kanilang pagtuklas.

Hindi pinansin ang mga ito ng maraming tao.

Iba’t Ibang Teorya ukol sa Agham

Makabagong pagtingin sa Kalawakan

Ptolemy

PtolemyAng daigdig ang sentro ng kalawakan. Ito ay tinatawag na geocentric view. Ang teoryang ito ni Ptolemy ay nagtataguyod ng paniniwalang Kristiyano na disenyo ng Diyos ang kalawakan para sa mga tao.

Geocentric view

Si Aristotle ay nag ambag sa teorya ni Ptolemy. Ito ang komposisyon ng mga bagay sa kalawakan at sa daigdig.

Ayon sa kanya, malaki ang pagkakaiba ng komposisyon ng mga bagay na matatagpuan sa kalangaitan at sa daigdig. Ang una ay binubuo ng puro at espiritwal na elementong tinatawag na ether. At ang huli ay binubuo ng tubig, apoy, hangin at lupa. Ang apat na elemento ay nagbabago maliban sa ether.

Aristotle

Limang Elemento

Nicolaus CopernicusHindi daigdig ang sentro ng kalawakan kundi ang araw at ang daigdig ay umiikot sa paligid nito.

Dito sa paglalarawan ng heliocentric view (kaliwang larawan) ni Copernicus sa kalawakan ay ang araw ang sentro at hindi ang daigdig.

Pinabulaanan nito ang teoryang geocentric (kanang larawan) ni Ptolemy kung saan ang daigig ang sentro ng kalawakan.

Copernicus

PtolemyVS

Galileo GalileiNakaimbento ng teleskopyo na ginamit niya sa pag-aaral ng kalawakan noong 1609.

Nagpatunay iyon na hindi lubhang magkaiba ang materyal na bumubuo sa daigdig at sa mga bagay na makikita sa sansinukob o universe

Sinabi niya na ang lahat ng bagay sa kalawakan ay napapasailalim sa parehong likas na mga batas. Ito ay inilathala niya sa kanyang

aklat na Dialogue Concerning the Two Chief World Systems noong 1632.

Nahikayat siya sa katotohanan ng teorya ni Copernicus. Ilan sa kanyang makabuluhan na pag-aaral ay ang realisasyon na maraming bulubundukin at maraming bundok sa buwan at hindi patag.Dialogue Concerning the Two Chief World Systems

Ang akdang ito ay nagpapatunay na sa unang pagkakataon ay ang daigdig ay umiikot sa paligid ng araw.Inilagay ang aklat na ito sa Index ng Simbahan.

Dahil sa kanyang mga ideya, sumailalim si Gaileo sa Roman Inquistion at inilagay sa house arrest hanggang sa kanyang pagkamatay.

Tycho Brahe

Sumuporta at lalong nagpatibay sa teorya ni Copernicus. Pinatunayan niya na ang kometa ay hindi lamang penomenong atmosperiko.

Inobserbahan ang pagkilos ng buwan at mga planeta upang pag-aralan ang kabuuang orbit nito. Nakatulong ang kanyang mga obserbasyon sa pagkakatuklas ni Kepler na eliptikal ang orbit ng mga planeta.Nakadiskubre siya ng bagong bituin sa cassiopeia, isang kontelasyon o pangkat ng bituin sa Hilagang Hemispero.

Johannes Kepler

Katuwang ni Brahe mula sa Germany. Naglathala ng akda ni Brahe pagkamatay nito noong 1601.

Sinabi niyang hindi pabilog ang orbit ng mga planeta sa araw kundi eliptikal. Natuklasan niya na ang paggalaw ng isang planeta sa orbit ay bumibilis habang lumalapit ito sa araw.

Isaac NewtonIsang English na mathematician na ibinase ang pananaliksik sa mga naunang pag-aaral sa mga naunang pag-aaral nina Coernicus, Galileo, Brahe, Kepler at iba pang siyentista.Natuklasan niya ang law of gravity bilang paliwanag sa paggalaw ng mga planeta. Ayon dito, kung mas malaki ang mass, mas malakas ang gravitational pull.

Kung hindi dahil sa gravitational pull mula sa mass ng araw, ang mga planeta ay maglalakbay sa isang tuwid na linya gaya ng ipinapanukala ng kanyang law of inertia.

Bilang kongklusiyon, sinabi ni Newton na angparehng puwersang nagpapagalaw a mga planeta sa paigid ng araw ay siya ring puwersang nagiging dahilan sa pagbagsak ng mansanas sa lupa. Ang kaniyang mga ideya ay makikita sa akdang Mathematical Principles of Natural Philosophy na iniathala noong 1687.

Propeta ng Pagbabagong Pang-agham

Dalawang tao ang kinilalang propeta ng mga pagbagong pang-agham, sina Francis

Bacon at Rene Descartes.

- Pag-aalinlangan sa mga kasagutan tungkol sa kalikasan sa pamamagitan ng mga klasika

Pagkakatulad ng kanilang pananaw tulad ng mga sumusunod,

- Paniniwala sa pagtuklas ng katotohanan sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pag-eeksprerimento.- Paggamit ng mga kaalamang natuklasan sa kabutihan ng tao.

Francis Bacon

Ang kanyang akdang Novum Organum (1620) ang nagpalaganap a pamamaraang induktibo at naghudyat ng pilospiyang emperisismo.

Sa pamamagitan ng paggamit ng kaalaman at pamamahala sa kalikasan ng mga tagasunod ni Bacon, nagsimula ang kasabihang “ang kaalaman ay kapangyarihan”

Rene DescartesNag-imbento ng Coordinate Geometry, prinsipyo ng systematic doubt at ng pilosopiya ng Cartesian Dualism.

Mababasa ang kanyang mga ideya sa Discourse on Method.

Coordinate Geometry

Cartesian Dualism

Isaac Newton Unang nagpanukala ng prinsipyo grabitasyon.

Siya ang pinakabantog na kasapi ng Royal Society of London noong 1700.

Ginamitan niya ng sariling pagsusuri ang Batas Kepler na naglalarawan ng pag-inog ng mga plaenta at ng mga eksperimento ni Galileo tungkol dito.

Natuklasan niya na ang Batas ng Grabitasyon na siyang dahilan upang patuloy sa pag-inog ang mga planeta.

Noong 1698, tinanggap bilang mga batas ang mga teoryang napaloob sa kanyang aklat na The Mathematical Principles of Natural Philosophy.

William HarveyItinuro niya ang tamang paglalarawan sa pagdaloy ng dugo. Nag-aaral siya sa ilalim ni Galileo. Nag-eksperimento siya kung paano dumadaloy ang dugo sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagtali ng benda sa itaas ng siko.

Nakatulong ang tuklas na ito ni Harvey sa pag-oopera

Charles Darwin

Sa pamamagitan ng mga aklat niyang Origin f Species (1859)

Origin of Species

at Descent of man and Selection in Relation to sex (1871),

Descent of man and Selection in Relation to sex

ipinahayag niya ang sanhi ng ebolusyon ng mga hayop at lupa.

Hugo de Vries

Gregor Johann Mendel

Augusto Weismann

Sila ang nag ayos ng toerya sa ebolusyon ni Darwin. Side Vries, isang Olandes, ang lumikha ng teorya sa pag-iibang anyo o mutation sa batas ng pagmamana.

Si Mendel ang nagsabing ayon sa teoryang mutation, sanhi ng ebolusyon ang pagkakaiba ng anyo at hindi ng pagkakaiba ng mga uri.Ayon kay Weismann, ang mga katangian na matatagpuan lamang sa plasma ng magulang ang mamanahin ng anak.

Karl Ernest Von Baer

Teodor Schwann

Si Schwann ang nakatuklas noong 1835 na naglalaman din ng selula ang mga hayop.Si Von Baer ang tinaguriang “Ama ng Agham sa Embriyolohiya.” Siya ang nakagawa ng batas sa rekapitulasyon na pinaunlad naman ni Ernest Hasokel. Ang pag-aaral nila ang nagbigay-daan sa pagbuo ng teorya sa selula.

Antoine Lavoisier

Napatunayan niyang ang pagsunog o pag-iinit ng isang bagay ay nakapagpapabago sa mga kombinasyon ng mga elemento.

Si Lavoisier tinaguriang “Ama ng Kemika”

Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko

Epekto ng Rebolusyong SiyentipikoNapalitan ng bago ang lumang pananaw nila ukol sa

sansinukob sa pamamagitan ng pagpapatunay ng agham.sTinanggap at maraming tao ang naiwala sa Natural Science.Maraming aklat ang naisulat ukol sa agham

Naitatag ang mga paaralang pang-agham sa buong Europe.Nakatuklas ng panganib na ang pagkakatuklas ng Gravity ay makapagbibigay katwiran sa tinatawag na Bagong Agham at mahika.

Naging pangunahing dahilan ito sa kamalayan ng mga taga-kanluran.

Submitted by:Group III

III-DiamondS.Y. 13-14

Members:Regine Catacutan

Ara Joy NantinKathleen Panagsagan

Arck Judiel ValienteEdgel CapistranoJoel Rostata