iba’t ibang pokus ng pandiwa.pptx

27
Iba’t Ibang Pokus ng Pandiwa

Upload: edessamarietiwanak

Post on 08-Jul-2016

687 views

Category:

Documents


23 download

TRANSCRIPT

Iba’t Ibang Pokus

ng Pandiwa

Ang pandiwa ay nasa aktor pokus kung ang paksa ng pangungusap ang siyang gumagawa o tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Ang mga pangunahing panlaping nasa aktor pokus ay ang –um-, mag-/nag-, mang-, maka- at makapag-.

Bukod dito maaari ring maging tagaganap ng kilos ang mga panghalip panao sa anyong ang tulad ng ako, ka, siya gayundin ang maramihang anyo nito.

Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus

Halimbawa:Bumabasa ng dyaryo ang titser.Namitas ng santol sa bakuran si Alex.

Nagtungo ako sa bahay ampunan.

Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus-

Ang pandiwa ay nasa gol pokus kung ang paksa o ang binibigyang-diin ng pangungusap ay ang layon / goal / objek na isinasaad ng pandiwa.

Ang mga panlaping kadalasang naghuhudyat ng pokus na ito ay ang –in-, i-, ipa- at –an.

Pokus sa Layon o Gol Pokus

Halimbawa:Diniligan ni Roxanne ang mga halaman sa bakuran

Ibinaon ng tatay sa bakanteng lote ang labi ni Tagpi.

Pinag-uusapan ng mga bata sa klasrum ang globalisasyon.

Pokus sa Layon o Gol Pokus

Ang pandiwa ay nasa lokatib pokus kung ang paksa o ang binibigyang-tuon ng pangungusap ay ang lugar kung saan ginanap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.

Ang mga panlaping ginagamit sa pagpapahayag ng pokus na ito ay ang: -an, pag-…-an, mapag-…-an, pang-…-an.

Pokus sa Ganapan o Lokatib Pokus

Halimbawa:Pinaglalaruan ng mga bata ang parke.

Pagkukuhanan ng tatay ang bukid ng bayabas para kay Totoy.

Pinagbaunan ni Lucas ng patay na daga ang likod-bahay.

Pokus sa Ganapan o Lokatib Pokus

Ang pandiwa ay nasa benefaktib pokus kung ang paksa o ang binibigyang-tuon ng pangungusap ay ang pinaglalaanan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Ang panlahat na panlaping ginagamit sa pagpapahayag ng pokus na ito ay ang i-, ipang- at ipag-.

Pokus sa Tagatanggap o Benefaktib Pokus

Halimbawa: Ikukuha ng Tatay sa bukid ng bayabas si Totoy.

Ipinagluto ng nanay si Amy ng paborito nitong adobo.

Ipinamili ni Lita ang biyenan ng mga kakailanganin nito sa pagluluto ng kare-kare.

Pokus sa Tagatanggap o Benefaktib Pokus

Ang pandiwa ay nasa instrumental pokus kung ang paksa o ang binibigyang pansin ng pangungusap ay ang gamit na bagay o kasangkapan upang maisakatuparan ang kilos na isinasaad ng pandiwa.

Ang kadalasang panlapi na ginagamit upang maihudyat ang pokus na ito ay ang unlaping pinang-.

Pokus sa Gamit o Instrumental Pokus

Halimbawa: Ipinanggupit niya ng papel ang gunting ni Vina.

Ipinamunas ni Rodel ng mesa puting katsa.

Ipinangwalis ko ng alikabok ang walis tambo.

Pokus sa Gamit o Instrumental Pokus

Ang pandiwa ay nasa kawsatib pokus kung ang paksa o ang binibigyang-tuon ng pangungusap ay ang sanhi o dahilan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Ang mga panlaping kadalasang ginagamit sa pagpapahayag ng pokus na ito ay ang i-, ika- at ikapang

Pokus sa Sanhi o Kawsatib Pokus

Halimbawa: Ikinalungkot ni Henry ang pagkakahiwalay nila ni April.

Ikinasiya niya ang nakitang pagkakadapa ng ale.

Ikinapamayat niya ang labis na pagtratrabaho.

Pokus sa Sanhi o Kawsatib Pokus

Ang pandiwa ay nasa direksyunal pokus kung ang paksa o ang binibigyang-tuon na pangungusap ay ang direksyon ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Ang pangkalahatang panlapi na ginagamit upang maipahayag ang pokus na ito ay ang hulaping –an/-han.

Pokus sa Direksyunal o Direksyunal Pokus

Halimbawa:Tiningnan ko ang bulakalakPinasyalan ng mga bata ang Corregidor

Tinabihan niya ang dalaga.

Pokus sa Direksyunal o Direksyunal Pokus

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang LETRA ng pinakatamang sagot.

Pagsusuri sa mga aytem

1. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Pinasalubungan ko ng sariwang gatas ng kalabaw si Lita.”

A. Pokus sa direksyon B. Pokus sa kagamitan C. Pokus sa sanhi D. Pokus sa aktor

1. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Pinasalubungan ko ng sariwang gatas ng kalabaw si Lita.”

A. Pokus sa direksyon B. Pokus sa kagamitan C. Pokus sa sanhi D. Pokus sa aktor

2. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Ikinamatay ng hari ang pagkain ng bibeng may asupre.”

A. Pokus sa kaganapanB. Pokus sa layonC. Pokus sa sanhi D. Pokus sa tagataggap

2. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Ikinamatay ng hari ang pagkain ng bibeng may asupre.”

A. Pokus sa kaganapanB. Pokus sa layonC. Pokus sa sanhi D. Pokus sa tagataggap

3. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Pinaglutuan niya ang kawali.”

A. Pokus sa kaganapanB. Pokus sa layonC. Pokus sa sanhi D. Pokus sa tagatanggap

3. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Pinaglutuan niya ang kawali.”

A. Pokus sa kaganapanB. Pokus sa layonC. Pokus sa sanhi D. Pokus sa tagatanggap

4. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Nakahinge siya ng piyesa sa kaklase.”

A. Pokus sa kaganapanB. Pokus sa tagaganapC. Pokus sa sanhi D. Pokus sa tagatanggap

4. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Nakahinge siya ng piyesa sa kaklase.”

A. Pokus sa kaganapanB. Pokus sa tagaganapC. Pokus sa sanhi D. Pokus sa tagatanggap

5. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Ikinatuwa niya nang labis ang pagkakapasa ng anak sa LET.”

A. Lokatib PokusB. Benefaktib PokusC. Kawsatib PokusD. Instrumental Pokus

5. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Ikinatuwa niya nang labis ang pagkakapasa ng anak sa LET.”

A. Lokatib PokusB. Benefaktib PokusC. Kawsatib PokusD. Instrumental Pokus