i am loveless

643
Copyright © 2013 by weifiwafer stories (August 2, 2012-May 21, 2013) ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Upload: tayah16090

Post on 20-Nov-2015

271 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

lovelessss CREDITS

TRANSCRIPT

  • Copyright 2013 by weifiwafer stories

    (August 2, 2012-May 21, 2013)

    ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any

    form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or

    by any information storage and retrieval system, without the written permission of the

    author, except where permitted by law.

  • Prologue

    Loveless

    Meaning: Unloved; Giving or receiving no love;

    Yan yung nakalagay sa dictionary.com, Tanya e.

    Ayoko niyan, gusto ko yung meaning ng loveless para sa'yo. Hahaha.

    Pinagtitripan na naman nila ako. Pero okay lang naman kasi..

    Sanay na ako.

    Ano nga ba ang loveless para sa'kin?

    Walang love life. Tapos! Eh! Very literal naman, parang tinagalog ko lang e.

    Boring ang buhay pag-ibig. Aish! Parang ganun din yun eh!

    Mga taong palaging feeling Broken-hearted! Kahit hindi naman.

    Kung ako lang ang tatanungin, yan ang mga magiging sagot ko e.

    Pero para sa iba ang loveless masasagot nila ng isa at napakasimpleng salita. Walang iba kundi...

    AKO. -_____-

    Masama bang maging single? Nasa 10 commandments ba na kapag SINGLE ka...

  • sa impyerno ka mapupunta at haharangin ka ni San Pedro kapag nagpumilit kang sa langit ka nalang?

    Nasa BATAS na rin ba na kapag single ka..

    makukulong ka?

    Wala pa naman, diba?

    Haynako. Mga walang kwentang bagay iniisip ko pa.

    Napakaraming bagay sa buhay ang mas dapat pagkaabalahan.

    Mga bagay na pwede mong mas ikasaya.

    Maraming pwedeng magpasaya sa'tin tulad ng..

    Pamilya.

    at

    Kaibigan.

    Sabi nga nila masaya daw ang mabuhay, bonus points nalang kapag may love life ka.

    I've lived 18 years of my life ng walang nagiging boyfriend so ibig sabihin kaya ko pa rin magtiis. Hahahaha.

    But honestly...

  • I fell in love once.

    Pero pagkatapos nun... ayoko na. That was so 3 years.

    Na-in love lang ako sa kanya, pero siya? BIG NO!

    Ni HINDI nga ako kilala nung tao e. Hahaha!

    ***

    There are different kinds of love. Kay God, sa family, sa kaibigan, even sa kaaway, at syempre para sa taong mahal

    mo. Kaya nga napakarami ring definition ng mga tao sa love eh.

    Merong Love is like a rosary that's full of mysteries.

    Meron ding Love is blind.

    Meron pa ngang Love is letting go.

    Pero para sa'kin ang love, yan yung simpleng masaya ka lang.

    Minsan magmumukha kang tanga, pero okay lang lalo't alam mong dun ka sasaya pero dapat alam mo ring...

    ..dun ka masasaktan. Happiness and Pain often go together.

    Kaya ako, masaya na ako kahit na...

  • I am loveless.

    Chapter 1

    Lacey's POV

    Grabe. Walang man lang magpaupo kahit isa? Sila prenteng prenteng nakaupo at yung iba nagsa-soundtrip pa,

    samantalang kaming mga babae kulang nalang gumulong gulong at tumilapon sa labas. Lumapit na sakin yung

    kondoktor..

    Miss, bayad mo? sabi niya. Inabot ko naman sa kanya yung 10 pesos.

    Ilan 'to miss? tanonng niya. Seryoso ba siya? Ilang tao kaya ang kasya sa 10 PESOS? Eh 10 pesos ang

    pamasahe ng ISANG TAO dito sa bus.

    Dalawa yan kuya. Bakit magkano na po ba ang pamasahe ngayon? Bumaba po ba? Kasya ho ba sa ilang tao

    yang sampung piso ko? pamimilosopo ko. Nakakainis. Obvious naman na mag-isa ako eh! Napakamot naman si

    kuya sa batok niya. Gets na niya. Buti naman. Hahaha. Nakakaloka.

    Maya maya may matandang babaeng sumakay, in short lola. Kung nakaupo lang ako, tumayo na siguro ako para si

    lola ang paupuin.. Kaso sa kasamaang palad, mga walang pusong lalaki ang mga sayang saya at relax na relax na

    nakaupo sa mga upuan.

    Nakakainis, itong isa mas malaki pa ang katawan kila Ha at Ho sa eat bulaga at sa mga bouncers pero NAKAUPO!

    Batukan ko 'to e! Nakakainis talaga! Napaka-ungentleman! Kung susumahin mo, 80% ng nakaupo dito sa bus ay

    puro LALAKI! Tapos 20% lang ang babae! Dahil sa inis ko....

    Kuya, excuse me po. Pwede po bang kayo nalang at tumayo at si Lola po ang paupuin niyo? mahinahon

    kong sabi dun sa oh-so-bouncer-look na lalaki. Tumingin siya sakin tapos..

  • Bakit? Pare-pareho lang tayong nagbayad ah! Swerte lang ako dahil ako ang unang nakasakay diyan sa

    matandang yan! Magtiis kayo! sigaw niya sakin.. ABA ang kapal ng mukha! -___- Kalalaking tae, este tao eh

    bastos!

    Alam ko naman ho iyon manong e, ang akin lang naman ho kayo ho ang mas may kayang tumagal ng

    nakatayo habang umaandar ang bus na 'to na parang jet na kung magpatakbo kesa kay lola. Kaya kung okay

    lang ho maging gentleman naman po kayo. buti naman at natauhan siya. Napakamot nalang siya sa ulo at

    tumayo.

    Salamat ho. mahinang sabi ko sa kanya tapos inakay na si lola para makaupo.

    Salamat iha.. sabi naman ni Lola. Wala ho yun, la. at ngumiti lang ako.

    Ngayon, sobrang naisip ko talaga ni di advisable ang mag-boyfriend. Wala ng gentleman ngayon. Naubos na ata,

    mukhang nilamon ng mga baha noong mga pagbagyo noon.. Tsk tsk..

    Maya maya bumaba na ako dahil dito na yung school ko. Nag-swipe lang ako ng ID ko at dumiretso na sa classroom.

    ***

    Yung prof namin sa Philosophy, dumating pero di naman nagklase. Nag-attendance lang tapos aalis na daw siya

    dahil may meeting siya. As always.

    Bilang president ng klase, ako ang mag-aayos ng kung anu-ano. Pumunta muna ako sa Registrar's Office dahil yung

    isa kong kaklase may problema sa Personal Information niya na kailangang baguhin.

    Pagbalik ko sa classroom, ang ingay na naman nila. Wala na naman kasi kaming prof kaya ang ingay na naman po

    nilang lahat. At ang usapan ng halos lahat ay walang iba kundi.. Ako. Sikat ba ako? -_-

  • Sanay na ako. Hahaha paulit-ulit nalang din naman kasi yung mga sinasabi nila e at hanggang ngayon issue pa rin

    ang pagiging single ko. Pinagkakaabalahan nila yun? Seryoso ba sila? Kung ako nga hindi ko nagrereklamong wala

    akong manliligaw eh! Wala naman kasi akong magagawa. Jusko. Hahaha.

    Ako nalang magmamahal sa'yo Lacey!aray" sigaw ni Andy. HAHAHAHA!

    Hay nako Andy, kaya ka nababatukan niyan ni Mae e. Hahaha. Osha sige, aalis muna ako ah. May meeting

    daw ang Student Council. Bye! nagpaalam na rin sila at lumakad na ako papunta sa SC room.

    Habang naglalakad ako, napaisip ako..

    Bakit nga kaya walang nanliligaw sa'kin?

    Waahhh! Scratch that! Ang sabi ko nga wala naman akong pakielam e. Nabuhay ako ng 18 years sa mundong

    ibabaw ng walang love life so kaya ko 'to!

    Ako nga pala si Lacey Erin Samantha Morales, 18, 3rd year college in Hersen University taking up BS

    Accountancy. Kilala ako bilang dakilang estudyante daw. Ang dami-dami ko daw kasing ginagawa sa buhay. Kung

    magkakaroon daw ng award na MOST ACTIVE STUDENT, sigurado daw sa'kin na yun mapupunta.

    I admit active talaga ako. Marami kasi akong gustong pagkaabalahan. Marami akong gustong gawin. Life is short,

    kaya susulitin ko talaga! Hahaha.

    Hi ate Les! tawag sa'kin ng isang freshman. They sometimes call me Les.. WAAHHH rephrase ko!

    They OFTEN call me Les. Kasi daw ang initials daw ng mga pangalan ko ay LES. Ewan ko ba sa kanila. Mga

    scientist as in imbentor! -___-

    Hello Kia! at nag-wave ako sa kanya. Ngumiti siya at lumakad na ulit. Ganun din ako.

  • Habang naglalakad pa ako, kung sinu-sinong bumabati sa'kin. Eh di ako na ang kilala ng sambayanan! Hahahaha.

    Masaya naman ako dun.

    Sa wakas nakarating na ako dito sa SC room! Jusme medyo malayo nilakad ko ah! Kailangan ko umupo! Nung may

    nakita akong upuan na bakante tumakbo agad ako pero may biglang naglapag ng bag niya sa upuan....

    Diyan ako. tinignan ko siya, aba mahusay talaga 'tong blockmate kong 'to! Napaka-ungentleman tapos ang sungit

    sungit pa. Tss. Yan ba ang tinuturo sa maganda University na itooo?

    Ah, okay sige upo ka na. tapos umalis ako dun. Grabe. Biglang may tumawag sa'kin.

    Laceeeey! nilingon ko siya at tumatakbo siya papunta sa'kin.

    Hoy hoy Luke ano yan? Yayakap ka pa e. sabi ko sa kanya tapos binatukan ko siya. Kainis. Ang init init, tapos

    ang lagkit niya pa. -__-

    Eehhhh, ang sama mo ate Les! kita mo 'to. Kanina Lacey, ngayon ATE naman! Di rin maintindihan 'to minsan e.

    Tinignan ko siya ng masama.

    Oo na, I'm sorry. Hahaha! biglang sabi niya.

    Che! Tampo na ako sa'yo akala mo. Bakit hindi ka umattend kahapon sa Photography Club ha? Gusto mo

    mabalian ng buto?Hahaha, syempre joke lang yun. Pero bakit di ka umattend? tanong ko sa kanya habang

    pinandidilatan ko siya ng mata.

  • Kasi ate marami akong ginawa e, I'm really sorry. Babawi ako promise! sabay taas pa niya ng isang kamay.

    Tsk, ikaw ang junior vice president so dapat present ka. Paano ka susundin ng mga members kung

    mismong ikaw wala? seryosong tanong ko.

    Hmm. Sorry na po talaga ate. Promise aattend na ako palagi! sabi niya tapos yumakap pa sa'kin. Medyo

    abnormal talaga 'to e.

    Oo na nga sige na. Kung hindi lang kita kapatid e. sabi ko tapos kinurot ko yung ilong niya. Tangos!

    Hahahahaha.

    Yes, he's my younger brother. Jusko sakit sa ulo yang batang yan. He grew up in California. Happy-go-lucky ang peg

    kaya ayan nasanay! Tsaka diba doon wala namang 'ate' o 'kuya' kaya minsan talaga Lacey lang tawag niyan sa'kin.

    Nagtext si Yssa, free cut na daw kami kasi hindi daw papasok si Prof. Semera. Wala na namang mga profs! Bakit ba

    sila absent ng absent! Lahat tuloy inaaral ko nalang mag-isa. Akala nila madali yun para sa'kin? Aba petics sila ah!

    Ireklamo ko sila sa Dean namin e.

    Ate Lacey, bakit nakasimangot po kayo diyan? pang-aasar ni Michael sabay akbay sa'kin. Michael talaga oh!

    Tsk tsk.

    Naku, wala kasi kaming prof at uwian na. nanlaki yung mata niya tapos pumunta sa harap ko.

    ATE LACEY SIGURADO KA?? NAAASAR KA DUN? NORMAL KA BA TALAGA? KUNG YUNG IBA

    NAGPAPAPARTY PA, IKAW PARANG NAGLULUKSA?! malakas niyang sabi. -___- Sa pagkakaalam ko, hindi pa

    naman ako bingi e.

  • Michael, pakihinaan nga yang boses mo. Masakit sa tenga. Sino bang mahihirapan kapag walang prof?

    Tayo diba? Sige mauuna na ako para makapag-aral. Mga tambay lang naman kayo dito sa SC Room e. By

    hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko. Nagsalita na agad siya.

    Ate, ayan puro ka ARAL ARAL ARAL! Kaya wala kang love life e! sabi niya sa'kin tapos umiling iling pa.

    Sapakin ko kaya to? Hahaha joke.

    Eh di ligawan mo ako, para magka-love life ako! Kainis! pagbibiro ko sa kanya tapos kinurot ko siya sa pisngit.

    Natawa naman siya kaya binawi ko agad yung sinabi ko. Joke lang, OA ka. Hindi ko kailangan yan, okay?

    Bye! tapos umalis na ako.

    Naglakad na ako. Bakit ba kasi lahat nila dinidikdik sa'kin na wala akong buhay pag-ibig? Jusme wala akong

    pakielam tsaka ako lang ba ang WALA HAAA!!!!! Nakakasawa na kapag paulit-ulit! Wala namang nagbabago.

    Sumakay na ako ng jeep. Ano ba naman yan. Lahat halos ng kasakay ko, lovers. Nakaka-bitter naman yung ganito

    Haaay..

    Sinuot ko nalang earphones ko at nagpatugtog. Pumikit nalang ako at nakatulog...

    Miss, saan ka ba? Nakaikot na kami nandito ka pa rin e. Ehhhh?? o_______o

    HAAA? Sure ka manong? Hala naku sorry po. Ito po yung bayad ko. Sorry po. Tsk, napasarap yung tulog ko.

    Bumaba na ako, lumakad nalang ako ulit pabalik.

    Ang haba ng nilakad ko. In all fairness masakit sa paa. Nakarating na ako sa bahay namin. Malaki yung bahay namin

    pero walang tao. Wala pa ring tao. Palagi naman e. Kami lang ni Luke palagi dito. Ang parents namin... Wala. Sa

    California kasi ang work nila e.. Si papa nagtayo ng maliit na business doon. Pero umuuwi naman sila dito, twice a

    year.

  • Umakyat na muna ako at nagbihis. Maaga pa naman pala. 5pm pa lang? Humiga ako at tumingin sa kisame.

    Buti pa yung kisame nakikipagtitigan din sa'kin. Hahahaha! Nababaliw na ako! Pero seriously, okay lang talaga sa'kin

    promise! Wala talaga akong pakielam kung wala akong love life. Kung NBSB pa rin ako kahit 19 na ako sa October,

    okay na okay lang! May more than 2 months pa ako, Mag-August pa lang naman eh.

    BAKIT KO BA KINUKUMBINSI YUNG SARILI KO HA? WAAAHHHH! tinadyakan ko mga unan ko sa paanan.

    HINDI KO NA KAYA MAG-ISA! SA BUHAY MAG-ISA PATI BA NAMAN SA BAHAY? sigaw ko pa. Nakakainis.

    Lagi nalang mag-isaokay, joke lang.

    Tumayo ako at pinulot ko yung mga tinadyakan kong unan. Hahaha. Sabi ko sa inyo, baliw ako e. Lumabas ako

    tapos pumunta ako dun sa pond sa tapat ng bahay namin.

    Hindi naman kasi ako magsesenti ng ganito kung hindi ipapaalala sa'kin ng mga taong nakakasama araw-araw na

    wala akong love life eh!

    Kung bakit ba kasi parang walang nagmamahal sa'kin eh! mahinang sabi ko sabay bato ng limang piso dun sa

    pond. Tss, kahit ata 1 million na barya na ang ihulog ko sa pond na to o sa wishing wellwala pa ring mangyayari e.

    .

    .

    .

    .

    Meron kaya o___o

  • Chapter 2

    Lacey's POV

    Kahit kelan talaga bwiset 'tong kapatid ko eh! Ang sarap itapon sa Marianas Trench!!!! Waaahhhh! Nabibiyak na nga

    ang ulo ko kaiisip sa seryosong bagay tapos.. whoooo! Kalma. Kalma.

    Ate Les, sorry na po. Hehe. paulit-ulit niyang sabi habang kinakalabit pa ako sa braso. Bahala siya hindi ko siya

    papansinin. Manigas ka diyan, ungas ka.

    Ateeeee. I'm really sorry. I didn't know you'll be that affected. I'm sorry. sabi niya ulit sabay yuko.

    Nakakainis ka kasi e. Alam mo ba yung pakiramdam na umasa ka? Alam mo ba yun? Nakakainis! Tamang

    eksena ka kasi, Luke e. Nag-eemote ako dun sa labas tapos sasagot sagot ka diyan. Akala ko tuloy sabi ko

    habang may nangingilid pang luha sa mata ko. Nakakaiyak naman. Baliw na talaga ako, sure na.

    (Flashback)

    Kung bakit kasi parang walang nagmamahal sa'kin eh! mahinang sabi ko sabay bato ng limang piso dun sa

    pond. Tss, kahit ata 1 million na barya na ang ihulog ko sa pond na to o sa wishing wellwala pa ring mangyayari e.

    .

    .

    .

    Meron kaya o___o

    Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan. Para bang nabuhayan ako ng loob. Basta parang biglang ang

    saya ko. Dahan dahan akong lumingon para tignan kung sino yun. Malay mo may gusto pala sa'kin? Hahaha. Dejoke

    lang.

  • Paglingon ko... Sana pala hindi ko nalang nilingon. Baka makasapak pa ako ng di oras e.

    .

    .

    .

    Ateee! Whaaaat? Ang unggoy kong kapatid lang pala?? Ewan ko ba pero parang bigla akong nalungkot na

    naman, na sobrang naiinis! Gusto ko siyang hampasin eh! Kaya di ko siya pinansin at pumikit ako. Tapos huminga

    ako ng malalim.. kailangan kong kumalma.. Sayang ang ganda.

    Hey ate, ano bang ginagawa mo dito? Meron namang nagmamahal sa'yo ah. Kami nila mama, tapos uhm..

    friends mo o ano pa bang kulang dun? Hehe. Tama naman siya eh.. Pero alam mo yun, yung pakiramdam na di

    mo talaga maiwasang isipin na...

    hindi naman sa pagiging masama pero bakit yung mga iba na mas bata sa'kin, mga di naman ganun kaganda o

    kapogi.. most of them are in a relationship. Pero.. kailangan ba yun?

    Hindi ko na pinansin si Luke at pumasok nalang ako sa bahay.

    (End of flashback)

    Kahit naman ako e, hindi ko alam na ganito ako maaapektuhan. Tsaka kasi yung crush ko kanina.. tsk nakita ko sila

    nung girlfriend niya. Nakaka-bitter lang talaga. Isa sila dun sa sinasabi kong kasabay ko sa jeep. Bakit kasi di nalang

    ako? De biro lang.. Nakakainis talagaaa!

    PAASA. PAASA. PAASA. Bwiset siyaaa!! Naalala ko na naman yung ginawa nun. Tss. Nakakaiyak. Whooo!

  • Ate sorry na po talaga ah? sabi na naman ni Luke tapos nakangiti pa. Tinignan ko lang siya at

    Nakakainis ka talaga!! Umalis ka na nga dito! Umakyat ka na o kaya lumabas ka, puntahan mo yung

    girlfriend mo! Umalis ka nga muna dito. sabi ko na inis na inis na talaga.

    Nagulat ako ng bigla siyang naging seryoso at tumayo. Tumingin siya sa'kin at sinabing...

    Ate, di lang ikaw ang walang love life sa mundo. Hindi lang ikaw ang nalulungkot kaya hindi porket wala

    kang boyfriend o manliligaw man lang

    Hindi ka na pwede maging masaya. Marami kang bagay na dapat ipagpasalamat at yun ang tignan mo, hindi

    yung kung anong wala ka. pagkasabing-pagkasabi niya nun... lumabas na siya.

    Ako? Naiwang mag-isa. Pakiramdam ko sinaksak ako sa mga sinabi niya. Ang arte arte ko ba? Masaya naman ako

    e. Masaya ako sa pamilya ko, sa kaibigan ko, sa school.. pero bakit ganun, para talagang may kulang o sadyang ako

    lang ang nag-iisip nun?

    Habang lugmok ako, biglang may narinig akong ingay sa labas... parang pamilyar e.

    Oh my ghaaad Les, nandiyan ka ba sa loob? narinig kong sabi nung isa na sa tingin ko e si Amethyst.

  • Shet hindi kaya nagpakamatay na yung kaibigan natin? Ayy takte! pahabol naman ulit ni Amethyst.

    Teka... o____o Nagpakamatay??

    Gaga, hindi niya yung gagawin. May utang pa siya sa'kin kaya di pa siya pwede mamatay! Hahahaha. sabi

    naman ni Bea.

    Tatayo palang sana ako para buksan yung pintuan ng bigla nalang pumasok yung dalawa Tama nga ako, sila nga.

    Manggugulo na sila. Hahahaha! Joke lang.

    Waahhh!! Buhay ka nga kaibigan! bungad sa'kin ni Amethyst. Oo nga. Sino bang nagsabing hindi? sagot ko

    naman sa kanya tapos tinaasan ko siya ng kilay.

    Wait umupo nga muna tayo. Kailangan mong magkwento, dahil tinawagan kami ng kapatid mo at ang sabi

    niya malungkot ka daw? seryosong sabi ni Bea sakin.

    Sila ang mga best friends ko. Si Amethyst, isa sa mga best friends ko. Pareho kami ng school. Tsaka si Beatrice na

    nandito rin. Wala daw si Therese may date kasama yung nanliligaw sa kanya. Actually triple date nga daw sila, mas

    kailangan ko daw sila.. :') Sweet ng mga kaibigan ko.

    Kinuwento ko sa kanila yung ginawa ni Luke, ayun natatawa tawa pa sila kasi daw ang init daw ng ulo ko. Ganun

    daw ba nagagawa ng alone?

    Eh kung pauwiin ko kaya kayo ngayon na? pagbibiro ko sa kanila kaya bigla silang naging seryoso, pero kitang-

    kita namang natatawa.

  • Okay, sorry. Hehe. Alam mo Les, tama naman yung kapatid mo e. Di mo kailangan malungkot. Isa pa hindi

    ka loveless! Maraming may gusto sa'yo, yun nga lang.. di kasama dun yung taong gusto mo. seryosong sabi

    ni Amethyst..

    Huy ano ka ba! Grabe ka naman magsalita sa kaibigan natin! Gusto mo malagutan na ng hininga, as in now

    na? sabi naman ni Bea. Haaay, mga baliw.

    Anna, este Bea okay lang yun. Isa pa tama naman siya e. Tsaka tanggap ko naman na yun dati pa.

    Haha. pilit kong tawa. Muntimang naman kasi ako e.

    Oo nga tignan mo, tsaka the truth will set you free Le di pa man din natatapos magsalita si Amethyst biglang

    nagsalita si Bea.. I'm sure ipagtatanggol niya akHindi pala.

    SIRA! Mas bagay yung 'The truth hurts.' kesa sa truth will set you free. Psh -__- Nagkamali ako, akala ko

    ipagtatanggol ako.. pinagtulungan pa ako. Hahahahaha! Natawa ako bigla.

    Oh diba? Eh di natawa ka? Hahaha. Mas maganda ka kapag nakangiti! Yiieeee palakpak tenga siyaaa!

    Ganda ganda mo kaya wag mo sinasayang ang beauty mo sa pag-iyak o kung ano pa man! Sige ka tatanda

    ka niyan agad. Magiging mas maganda na kami sa'yo. Hahaha. sabi ni Bea tapos nag-apir sila ni Amethyst. Ako

    rin natawa.

    Che! Bolera kayo masyado! Pampalubag loob lang yan, if I know. sabi ko sabay tawa.

    Uyyyy hindi ah. Totoo yun. In fact dahil dun lang sa tawanan na yun, may pumasok na idea sa utak ko agad

    agad eh! Please wag ka masyadong magalingan o mahenyo-han sa'kin ah kasi sobrang award winning 'to.

    Eto na huminga siya ng malalim tapos

  • Ayy wait may nagtext. Baka nagtext na ang baby ko. Stay put lang kayo diyan. tsk, talaga 'to basta yung

    boyfriend na niya parang tumitigil ang mundo. Hahaha. Kayang iwan ang lahat. Dejoke lang.

    Lumabas siya kasi biglang tumawag si Carlo, yung boyfriend nga niya. Tama na ayoko na sabihin. Nasasaktan ako.

    Hahaha. Ako lang wala sa aming apat e. 'tong dalawa, may boyfriend tapos si Therese may manliligaw. Ansabeeeh

    naman ang love life ko diba? Hahaha.

    Kung bakit kasi biglang naglahong parang bula yung bwisit na Russel na yun e. Ex-M.U.? ko. Di pa nga ako sigurado

    kung naging ano ba kami e.

    Mga lalaki kasi puro paramdam lang, mga feeling multo. Paramdam ng paramdam, di naman dumadamoves. So

    anong gusto nila, babae pa kikilos? Babae NA ang kikilos? Ano sila sinuswerte? Sila magpapaligaw? Asa!

    Syempre, ang isa sa pinakamasarap na feeling para sa isang babae ay yung maligawan siya. Kasi alam mo yun

    parang pakiramdam mo sobrang special mo na gagawin lahat ni guy para lang maging sa kanya ka. Kasi dapat

    naman talaga, ang mga babae hindi binabasta basta na sabihan mo lang ng 'I love you' , 'I love you too' agad tapos

    kayo na. Ano yun? Eh di nagdiwang yung lalaki, masyadong natuwa kasi ganun lang pala kabilis yun. Baka ganun pa

    ang isipin

    Hoy Amethyst, ano ka na diyan? Inamag na kami dito ni Les ah! Baka gusto mo na bumalik at tapusin yang

    daldalan portion with Carlo? sabi ni Bea na natatawa tawa pa. Hahaha. Adik, panira din ng moment 'to minsan e.

    Oo na eto na, eto na. Masyado naman akala mo naman siya hin--- nag-away pa eh pareho lang naman sila.

    Hahaha. Tsaka gets ko naman yang mga ganyan, hello kahit wala naman akong experience alam ko naman na

    masaya yung ganung feeling. Na kausap mo yung taong mahal mo.

    Bilisan mo, sabihin na natin plano natin sa kanya. NATIN? IBIG SABIHIN, KASAMA SIYA? PLANO NILA??

    Nakooo, kilala ko tong dalawang to at sigurado ako, hindi nakakatuwa ang mga naiisip nila.

  • Sige game eto na talaga yun, sabay tayo Bea ah. Hahahaha. Baka di kayanin ng kaibigan natin at himatayin

    ng di oras. Okay seryoso na, eto na. 1, 2, 3

    .

    .

    .

    .

    You're going on a blind date! Ahhh yun lang paWHAT?! B-BLIND DATE?

    Chapter 3

    Lacey's POV

    B-BLIND DATE? S-seryoso kayo? tanong ko sa kanila sabay tayo pa. Tumawa lang silang dalawa at tumango

    tango. Hindi pwede, dapat nagbibiro lang sila. Hindi ko nga talaga kakayanin!!! Ayoko ng mga set up set up na

    ganyan! Hindi nagiging successful yan!

    Kaya mo yan! Hahaha. Hindi ka pwedeng humindi dahil ayos na lahat at naka-set na ang lahat. Hahaha.

    Nakausap na namin 'siya', may date na rin kung kelan at sa Friday na yun dahil wala kang class nun diba?

    Kaya sa ayaw at sa ayaw mo, tuloy na tuloy na. Wag ka mag-alala tiwala ka naman sa taste namin

    diba?Hahaha. Gwapo yun tsaka mukha namang mabait. sabi ni Bea tapos ngumiti. Yung ngiti niyang may

    kahulugan. Pucha, ngayon palang dapat na akong matakot.

    Gwapo? Mukhang mabait? Eh kahit na! Ayoko pa rin! Paano kung di naman niya ako magustuhan? Paano kung di

    mag-work ang blind date? Paano kung ako lang ang mahulog tapos hindi naman niya ako masalo? Ayokooo!

    P-pero, wala namang masama kung susubukan ko diba? Waahh naguguluhan ako!! Bahala na nga si batman

  • Oo na, oo na! Sige na, payag na ako." sabi ko nalang. Tsk, lagot na. Wala ng atrasan 'to, naka-oo na ako e. Wala

    na akong magagawa. Whoo!

    OMG talaga? Yaaay! Okay na yun ah? Promise yan. Wala ng bawian kundi ipapalapa ka namin sa bulldog!

    Hahaha. sabi ni Amethyst.

    Oo na nga. Oo na. sagot ko naman. Yaaaay! Wag ka mag-alala kami ang bahala sa'yo! Maganda ka na

    naman kaya wala ng dapat ayusin pa sa'yo. sabi ni Bea sabay kindat pa sa'kin..

    Pagkatapos ng usapan, nag-dinner na muna kami at umuwi na rin sila agad. Sinundo ni Nigel si Bea tapos si Warren

    naman sinundo si Amethyst. Oh, si Warren at Carlo ay iisa lang ah. Baka isipin niyo pa playgirl yung best friend ko.

    Hahahaha.

    Naisip ko bigla si Luke. Nakonsensya ako e, pinaalis ko pa naman siya kanina. Text ko kaya? Ayy wag na. Ehh text

    ko na!

    Message to: Oh-so-handsome Luke

    | Pst. Uwi na. Wala ng kasama si ate. Bati na tayo. :* |

    Message sent!

    Kapal ng mukha niya noh? Oh-so-handsome talaga ang inilagay. May tama talaga 'to e. Hahaha. Pero gwapo naman

    talaga ang kapatid ko noh!

    Maya maya lang, bumukas na yung gate at pumasok na nga siya.

    Ateee! tumakbo ako palapit sa kanya tapos niyakap siya.

  • Waahh! Sorry na kanina ah. Haha thank you din kasi pinapunta mo pa talaga dito sina Bea! Mahal na mahal

    mo talaga si ate. Mwa mwa. sabi ko sa kanya habang pilit pa rin siyang niyayakap.

    Sus, wala yun ate. Sabi niya tapos pinat ako sa ulo.

    Umakyat na siya pagkatapos. Ako rin pumunta na sa kwarto ko. Nag-check muna ako ng mga kailangang gawin.

    Nag-aral ng mga dapat aralin, scan lang naman kasi baka mamaya bigla na namang may surprise quiz! Eh kung

    pumapasok sana sila e di hindi kami parang tangang manghuhula kung ano ang i-eexam. Psh.

    Mga 10pm, natulog na rin ako.

    ***

    I was believing in you. Was I mistaken do you mean, do you mean what you say... When you say our love could

    last forever..

    But I'd rather you'd be mean than love and lie. I'd rather hear the truth and have to say goodbye.. I'd rather take a

    blow at least then I would know.. But baby don't you break my heart sloooow..

    *BOOGSH* Napatayo ako bigla. Shet nahulog cellphone ko! Ayy tanga ko, alarm ko nga pala yun! Ang pangit naman

    kasi e di pampagising.

    Tumayo na ako agad at kumain. Thursday pala ngayon so ibig sabihin..... o_____o Bukas na yung blind date? Bura,

    bura. Wag ko muna isipin yun. Bahala na. Kaya ko 'to! Aja!

  • Dahil kailangan kong maaga pumasok, aalis na ako. May tinext kasi yung Prof. namin sa Biology. Pinapa-announce

    yung project. Ano naman kaya yung project na yun. Jusme.

    Pagdating ng University, sinalubong agad ako ng tatlong best friends ko. This time kasama na nila si Therese.

    Namiss ko siya!!

    Thereseee! Namiss kita! Wala ka kahapon e. Pero ayos lang, gets ko na. Hahaha. niyakap naman niya ako at

    nag-sorry.

    Di ko naman kasi alam na may balak pala 'tong dalawang 'to na pumunta sa inyo e. Bawi ako promise! Miss

    na din kaya kita! Nagyakap yakap pa kaming apat.

    Umalis na rin agad ako, sabi ko mauuna na ako dahil kailangan na ako sa classroom. Tumakbo takbo pa ako wala pa

    naman pala siya. Tss. Pauso talaga e.

    Les, nagtext si ma'am ah. Natanggap mo ba? tanong ni Mae sakin, vice president namin.

    Ah oo. Nasabi mo na ba sa kanila? tanong ko naman. Naku di pa nga e, wala ka pa kasi. sabi niya naman.

    Ahh okay gets ko na, nahihiya na naman siya. Hahaha.Takot kasi yan sa harapan magsalita e.

    Sige ako na. kinuha ko sa mini cabinet namin yung parang pang-draw lots namin. Ginagamit kasi yun sa

    groupings e. May assigned number kami tapos yung mga bubunutin, sila magkakagrupo.

    Guys! Makinig muna kayo. Magkakaroon tayo ng project, it has something to do with plants daw. This will

    be our research paper for Biology of Plants malamang. Si Prof. Cruz bukas ang mag-eexplain further. May

  • sakit daw siya. Baka nga mamatay na yun e. Parang every other day ata may sakit. Hahahahaha! nagtawanan

    naman din sila..

    Shh. Quiet haha wag masyadong maingay baka marinig tayo ng mga dumadaan, maisumbong pa ako.

    President pa man din, pasimuno. Pagsaway ko sa kanila tapos bumunot na ako ng mga leaders.

    Oh eto yung limang leaders. Numbers 14, 16, 28, 3 and 10. Alam niyo naman siguro yung assigned na

    number sa inyo diba? So sige na leaders punta na kayo sa harap para bumunot ng groupmates. 6 lang per

    group okay? Pagkasabi ko nun, tumayo na sila agad. Hahaha. Ayaw na ayaw maubusan ng members ah. I mean.

    Hinintay ko yung pangalan ko sa group 1 pero wala. Sayang gusto ko pa naman kina Andy.. Pero okay lang haha

    baka sa group 2 ako. Pero natapos na't lahat sa group 2, wala pa rin! -_-

    2, 17, 11, 15, and 22. Wala pa ri22? A-ako yun ah! Hala naman, bakit sa kanya pa? Sungit sungit niyan e.

    Waahhhhh. Di ako swerte ngayon, hindi talagaaaa!!!

    LAGOT. PATAY. BUHAY. Crush kita, pero di mo lang alam..

    Hahahahahahaha. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mamamalasan ako sa sarili ko..

    Nice Calix! Ganda ng ka-group mo este ng group mo! sigaw sa kanya ni Tommy. Siya? Ngumiti lang tapos

    dedma na. Dumiretso sa upuan niya at umupo. So ganun? Di man lang pinatawag members niya? Suplado. Sungit!!

    Nilakasan ko na yung loob ko, kahit alam kong pwede akong mag-red alert kapag lumapit ako sa kanya. Semi-crush

    ko kasi yan. Astig kasi e kaso mukhang may girlfriend, tapos lahat pa kinakausap niya except sa'kin. Ano, may sakit

    lang? Ikamamatay niya yun? Psh. Eto na nga lalapit na ako. Whoo! Aja!

  • Ah.. Calix, di ba tayo mag-uusap usap? tanong ko. Shet huminga ka, Lacey, hinga. Hahaha. Tinignan niya ako

    tapos.... -__- bumalik ulit yung tingin niya sa desk niya. Ano ko nakikipag-usap sa hangin ganoon?? Sana pala sa

    upuan ko nalang ako mismo nakipag-usap, baka sakaling sumagot pa. Psh.

    Narinig mo ba ako? Tinatanong ko kung mag-uusap usap man lang ba tayo para kahit bukas makapag-

    umpisa na. 3 weeks lang 'to. Tumingin ulit siya sa'kin.. Wahhhhh! Nakakatakot. Deadly.

    Eh di tawagin mo sila. SHET NAGSALITA SIYA? Hahahaha. Himala, kinausap niya ako!! Napaka-suplado at

    sungit, kaasar. Baka sa girlfriend niya mabait siya. Yun ay kung may girlfriend nga siya!

    Okay. maiksing sagot ko tapos tinawag ko na yung ibang groupmates namin. Lumapit kami sa kanya at umupo

    dun sa mga upuan sa paligid niya.

    Bukas start na. 5pm sharp. Walang male-late. Ge alis na kayo. Ehhh?? Yun na yun? Feeling Derek Ramsey

    naman 'to. Ano siya, MAN OF FEW WORDS? Di bagay. Sige. Okay. sagot nalang namin. 5pm sharp daw. Pag

    siya na-late ipapakain ko talaga siya sa buwaya.

    Umalis na rin ako dun, tapos lumipat ako sa upuan ko. Boring ah, in fairness. Hahaha. Nilabas ko yung phone ko.

    Check muna ako ng messages.

    2 Messages received

    Galing kay Amethyst at Bea. Binuksan ko muna yung kay Amethyst.

    Message from: Amethyst

    | Butihing kaibigan, magpaganda bukas okay? Di ka namin mapupuntahan today. Ingat.

    Don't worry di naman gabi yun. Baka mamaya rapist pala yun diba? haha joke. Labyu. ;) |

  • Baliw talaga 'to! Kinabahan naman ako dun! Paano kung rapist nga, shet ayoko matapon sa madamong lugar!!

    Ayoko!!

    Ayy hindi yun. Hahaha. Binuksan ko na yung kay Bea.

    Message from: Bea

    | Leees! Tomorrow ang blind date ah? Don't forget! 5pm yun. ;) |

    5pm.... 5pm...

    .

    .

    .

    5 pm?? napasigaw ako ng di oras kaya napatingin sila sa'kin. Nakakahiya. Les bakit? tanong agad ni Mae. Ah

    e, wala wala. Hehe. sabi ko nalang.

    Ah jusko akala ko kung ano ng nangyari sa'yo. sabi niya na para bang nakahinga ng maluwag.

    HALAAA! Paano yan? 5pm ang blind date, 5pm din ang project making. Sxzin0nq m4sxz anq4t? Sxzin0ng m4sxz

    sziicqkat? (Translation: Sinong mas angat? Sinong mas sikat?)

    Wahahahaha. jejemon. Ang sakit sa mata. -_____- =)))

    De seryoso, anong gagawin ko?? ANONG UUNAHIN KO? ANG KASIYAHAN KO o ANG KASIYAHAN KO?

    Hahahaha. Parang yun din yun e. Pero sige bahala na bukas.

  • ***

    Friday: July 27, 2012

    Pupunta muna ako dun sa date. Hahaha. Kahit sisilipin ko lang siya, okay na. Tapos magpapa-sorry nalang ako.

    Ipapasabi ko nalang kina Bea. Tama tama.

    Umalis na ako agad. Nakaka-excite naman! Yun nga lang sisilipin ko lang siya. Hahahaha. Sabi nila Bea naka-sky

    blue daw na damit e.

    Dumiretso ako sa restaurant na sinasabi nila, 4:56 na. Whooo! Bahala na malate sa meeting. First time 'to! Tsaka

    malay mo nauna na siya..

    Pumasok ako at nilibot yung mga mata ko... Boom! Ayun ata? NAKITA ko na siya!!!! Oo nga pogi nga siya, eh di siya

    na! T-tsaka mukha ngang mabait. Tinitignan niya yung watch niya. Hala.. kawawa naman..

    Nandito lang ako hanggang sa 5:10 na. Ayoko kasi siyang puntahan kasi baka mamaya naman di na ako umalis.

    Hahahaha. Tsaka na, siguro di pa 'to ang right time.

    Maya maya may tumatawag sa'kin..

    +63917******* Calling

    Hello? sagot ko sa kanya. Di ko naman siya kilala e.

    Nasaan ka na? inis niyang tanong. Teka sino ba to??

    Ha? Sino ba 'to? Baka pwedeng magpakilala muna siya? Hahaha.

    Tss. Calix. Anong oras na ah O///O Eh?

    Ah, oo s-saglit lang. Malapit na ako sorr

  • toot toot toot. -___- Wow. Thanks Calix. Thank you.

    BINABAAN AKO?? Spell bastusan, C-A-L-I-X. Waah. Sige na, aalis na. Bye Mr. Blind date... :(

    Huhuhu. Next time...

    Bye mahinang sabi ko at umalis na.

    Naglakad nalang ako since malapit na naman kami dun sa meeting place. Nalulungkot naman ako. Sayang.. pero

    siguro hindi pa talaga meant.. Tama! May next time pa! Hahaha.

    Pagdating na pagdating ko, nandun na silang lahat. Shet, spell nakakahiya naman.. L-A-C-E-Y. Lumapit na ako.

    Nanginginig mga laman ko shet, sobrang kaba. Nakaka-tense. Yung feeling na gusto mong himatayin nalang nang

    sa ganun maawa sila sa'yo at mabura yung inis dahil sa pagka-late mo. Omygad. This is crazy Kinakabahan ako.

    Paksht.

    o_____o

    Alam mo ba kung anong oras na? tanong ni Calix na mukhang galit na. Scary naman 'to. Pang-horror pero

    gwapong multo.

    Ahh. 5:43? pm? sarcastic kong sagot. LAGOT. Niloloko mo ba ako? Kanina pa kami dito. Hindi ka VIP kaya

    sa susunod, wag kang pa-importante. WAAAAHHHHHH. Pagkasabi niya nun umalis na siya. Huhu. Sorry na nga

    e

    Psh! Ang arte! Para 43 minutes late lang eh! Nakakainip ba yun? Oo nakakainip talaga yun! Nakakapagod kayang

    maghintay, lalo na kung hindi ka sigurado sa hinihintay mo..

  • Lumapit bigla sa'kin iba naming ka-group. Mga ka-close ko, mga babae. Siguro dalawa lang sina Calix na lalaki.

    Malas nila.

    Huy, Lacey. Bakit ba ang tagal mo? tanong ni Yany sa'kin.

    Eh kasi may blind date dapat ako ngayon. Set up ng mga kaibigan ko. Dumaan lang ako, tinignan ko lang

    itsura nung ka-date ko dapat. Inindian ko na nga siya e. malungkot kong sabi sa kanila. Sila naman aww okay

    lang yan mga ganyan yung sinabi.

    Ah oo nga pala. Alam mo bang di talaga kami umaalis hangga't wala ka. Sabi kasi namin kay Calix umalis na

    kami.. dahil hanggang 5:30 lang talaga ang hintayan. Si Erica dumating siya 5:10. Tapos nung 5:30 na, ang

    sabi namin umalis na itetext ka nalang kung saan pero nagalit samin si Calix. Nagulat nga kami e. Sabi niya

    pa

    .

    .

    .

    Wala pa si Lacey. Baka maligaw pa yun.

    UYYYY PAKSHT KINILIG AKO. Seryoso. >///< Yumuko ako para di halata. Kyaahh! Syempre, crush crush-an ko

    yuuun kahit masungit yun! Hahahaha. Wait oo nga pala? Alam ni Yany? P-paano? Ay yaan na nga.

    T-talaga? Ano pang sinabi? tanong ko, pero di pahalatang sobrang interesado akong malaman.. Hahahaha! Ehh

    kasi naman diba?

    Yun lang naman. Kaya nga nagulat kami nung pinagalitan ka pa niya. Samantalang nataranta pa yun kanina,

    kinuha pa nga phone ko tapos hinanap yung number mo. Hahaha. Sabi niya pa na parang may pang-aasar pa

    sa tono ng boses.

  • Hindi ko na kaya... WAAAHHH hahahaha. So, number niya pala talaga yung kanina? Nakakakilig. This is so high

    school. Hahaha.

    Eto pa pala! Narinig ko palang sinabi niya ng mahina lang

    .

    .

    .

    baka inuna mo daw ang blind date. What.The.Fudge?

    Chapter 4

    Lacey's POV

    Alam ni Calix ang tungkol sa blind date ko? o____o Mahihiya ba ako o matutuwa? Wahhh! Saan niya yun napulot?

    Ako at ang tatlong kaibigan ko lang ang nakakaalam nun! Kami laaaang! Kaya paano nangyaringaish! Masisiraan

    ata ako ng bait!

    Habang naglalakad kami, medyo lutang pa ako kaya naman

    Aww. Aray, tss tanga mo Lacey. Nakakainis. Tsk. sabi ko. Nauntog kasi ako sa pintuan. Teka nasaan na ba

    kasi kami?

    Ah! Parang flower shop. Bibili siguro kami ng mga kailangang mga hala-halaman. Lumapit ako dun sa mga cacti. Ang

    cute! Hahahaha. Pero nakakasakit 'to e.

  • Dahil sa katangahan ko, hinawakan ko. Full force pa yung paghawak ko. Wah, araaay! sigaw ko. Bigla namang

    may mabilis na nilalang na lumapit sa'kin.. Hinawakan yung kamay ko... tinignan ko kung sino..

    *gulp*

    Anong ginawa mo? mahinang sigaw, oo mahinang sigaw nga. Na parang nag-aalala siya. A-ano, hinawakan

    ko kasi 'to. sabi ko sabay turo dun sa cactus.

    Tanga ka ba? Bakit mo hinawakan? Alam mo namang nakakatusok yan diba? sunud-sunod niyang tanong..

    uwaahhh. Naiiyak na ako, ang hapdi.. Alam sabi ko sa kanya sabay tango.

    Alam mo naman palang masasaktan ka e, hinawakan mo pa rin. Tss. Lika nga! habang hila hila niya ako

    nakatingin lang ako sa likod niya.. Ang gwapo e. Hahaha.

    Tinanong niya dun sa tindera kung may cr daw ba sila. Tapos dinala niya ako dun. Habang hinuhugasan niya maigi

    yung kamay ko na medyo may mga dugo.. :(

    S-sorry, Calix. mahinang sabi ko. Tinignan lang niya ako.

    Ayan na. Tigas kasi ng ulo mo. Asar. sabi niya. Bakit ba nagagalit 'to? Ah kasi sagutin niya ako pag may

    nangyari sa'kin. Psh, akala ko pa naman worried siya sakin. -____-

    Eh di ko naman sinasadya e. Napadiin lang talaga yung hawak ko. palusot ko pa. Ang sabihin mo tanga ka.

    Tss. Diyan ka na nga.

  • TANGA? AKO? SIGURADO BA SIYA? KASI AKO.. OO. Tanga talaga ako. Sino ba namang isa't kalahating tanga

    ang hahawak ng cactus ng madiin diba? Bobo lang? -_-

    Ah.. thank you. sabi ko.. pero di na siya ulit lumingon sa'kin. Laki ng problema. Tsaka in fairness improving siya

    ah! Mahahaba na mga sinasabi niya ngayon! Hahaha. Di tulad dati, puro K. Ge. Bye. Yup. Sure. Mga ganyan lang.

    Hahaha.

    Natapos na kami bumili ng kung anu-anong halaman. Mga different divisions of Kingdom ek ek. Di ko matandaan e.

    Sorry wala akong kwenta, I know.

    Dito pala kami sa bahay nila Yany.. Ganda din ng bahay nila, ang laki. Dun kami sa garden tapos naglagay ng mat.

    Ang saya naman parang picnic lang ang peg. Pero nakaka-relax yung ganitong upo. Nagpaalam ako, sabi ko cr

    muna ko. Jusko sasabog na ata pantog ko. Ihing-ihi na talaga ako.

    Pagbalik ko, nakaupo na silang lahat ng pabilog. Bakit ganun, lagi akong nahuhuli? Kaloka naman. Hahaha. Ang

    bakante nalang na pwede kong upuan yun sa gitna ni Calix at Sydney... dun sana ako uupo sa likod ni Yany para

    safe kaya lang...

    Les! Dito ka na sa tabi ko. sabi ni Sydney. Halaaa. Okay lang naman, sige na nga dun nalang ako. Project

    making 'to hindi kung ano. Baliw na naman kasi ako e.

    Umupo na ako dun, tapos inumpisahan na namin yung mga dapat gawin. Observation palang naman ngayon since

    first meeting palang. May mga nilalagay kami, ino-note namin kung ano yung mga magiging reaction nung plants dun

    sa iba't ibang chemicals na nilalagay namin. Mukha kaming tanga dito. Hahaha.

    Maya maya medyo pahinga pahinga muna kami.. Yung tatlo pumasok sa loob, tapos ang natira dito tatlo din kami.

  • Lumapit ako kay Mikey, nakipagdaldalan ako. Hahaha. OP si Calix, wala naman 'to e. Di naman kasi siya talaga

    nagsasalita. Nagpapapanis ng laway. Hahaha. Pero nagkamali ata ako kasi...

    Kumusta naman yung blind date mo? Gwapo naman ba? o___o EHH?? Napatingin ako sa kanya, sobrang

    gulat ko talaga! PARANG TUMALON yung puso ko sobra e.

    Chance ko na 'to itanong sa kanya kung bakit at sa paanong paraan niya nalaman ang chismax na ito??? GRAB

    THE OPPORTUNITY LACEY! Don't be lazy! Hahaha. Korni lang.

    Oo, gwapo. Pero di ko naman na-meet e. Tsaka teka nga, paano mo naman nalaman yun at

    kanino? Whoooo! Dire-diretso kong sabi.. mahirap na ma-tense pa ako e.

    *smirk* Stalker mo kaya ako. Sus, kaya naman paehhh?

    .

    .

    .

    STALKER??? malakas kong tanong. Tengene, stalker? Hah! Wag niya akong niloloko diyan!

    Asa ka naman. Tss. Joke yun, joke. K? Yan kasing mga kaibigan mo, masyadong madaldal. Di nag-iingat.

    Nakasabay ko sila kahapon, naglalakad sila. Dalawa lang yun. Sabi pa nga nung isa, OMG exciting 'to!

    Bukas na talaga ang blind date ng bff natin! Tapos sabi naman nung isa Oo nga e, teka anong oras ba?

    Nasabihan mo na ba si Lacey? ayun sabi nung isa, malay ko kung sino yun. Sagot nung isa, Oo, 5pm sabi

    ko. Hahaha. Ayun. Malinaw na ba? tss. Kwento niya tapos umiling-iling pa.

    TekaNGANGA. Nagkwento siya sa'kin?? KINUWENTO niya yun sa'kin? Waaahhhh!! Natutuwa ako shet. Babala:

    Bawal masyadong matuwa baka mamatay.

  • T-talaga? Paano ka naman naging sigurado na ako nga yung Lacey na yun? Malay mo ibang tao yun. Ako

    lang ba yung may ganun pangalan? sabi ko naman at tanong ko na parang naghahamon. Ba! Malay ba natin

    kung ibang tao yun!

    Tanga ka talaga. Lagi mo kayang kasama yung mga yun. Tss. sabi niya naman. Ahh ganun?

    Ahhh okay. Hehe. sabi ko nalang. Bahala na. Wala akong masabi, nahihiya akong ewan. Hahahahahaha. Gusto

    ko magtago sa puno o kung saan man pwede.

    Natawa na lang ako, siya naman tagtipid kaya ngiti lang. Sayang daw laway. Hahaha!! Pero at least nakakausap ko

    na talaga siya at masaya naman ako. Suplado overload kasi siya. Halata naman diba? Tapos kung maka-tanga akala

    mo naman... hahaha!

    Dumating na sila. Medyo natagalan kasi may ginawa pa daw. Niligpit na namin mga kinalat namin at ayun kumain at

    uwian naaa! Gabi na kaya! Hahaha.

    Bye guys! Thank you! sabi ko tapos umalis na ako. "Bye Lacey! Ingat youuuu!" sabi nila. Tapos ang

    pinakamasaya...

    Pst. Bye. sabi niya sa'kin pero di naman nakatingin sa'kin nakapamulsa lang. Eeeeek. >//< Hahaha! Ah, eh

    bye. Bye crush!! Hahahaha.

    Sulit naman pala, kahit di ko nakilala si Mr. Blind Date kasi si crush naman pala ang semi-papalit.

    Hahahahahahahahaha!

  • Ang saya saya kong umuwi. Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep, nag-vibrate yung phone ko..

    Bea calling

    Helloooo! sabi ko.

    Hello ka diyan! May kasalanan ka samin! Bakit di ka nagpunta sa blind date mo ha? HA? aray! Sakit sa

    tenga ng boses nitong bruhang 'to. Akala mo naman criminal ako e. Hahaha.

    Eh kasi Bea, nagkataon na may project making kami eh same time.. Sorry.. Pinuntahan ko naman siya tsaka

    nakita ko mukha niya. Hahaha. Pakisabi nalang sorry, tsaka mag-set nalang tayo ng ibang date. Promise

    talaga pupunta na ako. tuluy-tuloy kong sabi. Narinig ko naman siyang nagbuntung hininga.

    Oo na, sige. Kami nalang ulit bahala. Tigas talaga ng ulo mooo! Minsan lang yun, pinalampas mo pa!

    Sabunutan kita diyan eh! sabi niya sakin.

    Ehhh sorry na nga diba? diba? Basta yung sa next talaga, pupunta na ako! Kahit kayo pa magdala sa'kin

    dun okay na okay lang! sabi ko nalang. Kulit ng lahi e.

    Kdot bye na, bukas magkita tayo! Papa-massacre kita eh! Hahaha joke. Bye mwah mwah! kita mo, baliw 'to

    e. Minsan mabait, sweet, pero madalas.. BALIW.

    Okieee. Bye! Mwah mwah!

    *toot toot*

    Ilalagay ko na sana yung phone ko sa bag ko biglang may... HUMABLOT! OH SH*T! SNATCHER? OHMYGOSH.

    GUSTO KO PANG MABUHAY!!! WAAAHHHHH!!

    Katangahan mo na naman. Pano kung tunay na snatcher ako, baka pinaglalamayan ka na ngayon. SIYA NA

    NAMAN? KABUTE lang? Lulubog lilitaw?

  • Papatayin mo ba ako ha? tanong ko sabay taas ng kilay sa kanya. Grabe ah, natakot kaya ako dun!! Mag-isa

    lang ako dito naglalakad tapos biglang may snatcher! Jusko!!

    Pwede. yun lang yung sinabi niya. Baliw ata 'to e. Pwede din bang wag mo ako tatakutin ulit ng ganun? Dahil

    kung hindi lumapit siya sa'kin.. Kung hindi ano? *gulp*

    B-baka ako pa ang pumatay sa'yo! sabi ko tapos lumakad na ako. Siya ayun naiwan, ngumingisi ngisi. Mukhang

    ewan 'tong Calix na 'to!

    Kung di lang kita crush baka nasuntok pa kita!

    ***

    Saturday: 1pm

    Ready ka na ba babaita? tanong ni Amethyst. Oo? Ata? Ewan! sagot ko.

    BRUHA! Baliw ka ba? Dapat sigurado ka! OO! Ganun dapat! Isa pa, ready ka na ba? tanong niya ulit. So

    ganun, scripted?? Hahaha.

    OO! sigaw ko. Nagtawanan naman silang tatlo. Yun! Mahusay! Tara na, walang tatakas okay? Masasapak

    kita. banta ni Bea. Mga banta ng mga kaibigan ko pang lalaki e. Puro sasapakin. Hahaha.

    Ihhhh wait! T-teka lang. Kinakabahan ako e. tensed kong sabi. Dali na! Buti nga na-resched 'to agad e. Kita

    mo, interesado siya sa'yo! Yiieee omg!! kilig na kilig na sabi naman ni Therese.

  • Oo, tama kayo. As in ngayon agad ang blind date. As in now na now na! Grabe talaga 'tong mga 'to. Very powerful!

    Hahahaha. Papunta na kami dun sa restaurant, tulad din nung kahapon..

    Nandito pa kami sa labas. Para kaming nagsa-spy dito. Mga nakasilip kami sa loob. Hahaha. AYUN! NAKITA KO NA

    SIYA!! Ang tanong, tama kaya ako??? -__-

    Ayun siya, kaibigan! Yun naka-black siya ngayon! Gora na! Goodluck! Dito lang kami! Tawagan mo kami

    agad kung sakaling hipuan ka man o ano ah? Pagbibilin nila sakin. HAHAHAHAHA shet, mga siraulo talaga

    tong mga kaibigan ko e.

    Sira! Sige sige. Bye friends! pagkasabi ko nun pumasok na agad ako.

    Pagpasok ko, nagkatinginan kami. Gwapo naman nga, pero... eh basta! Parang may mas gusto akong makita..

    Dejoke basta.

    Tumayo siya tapos lumapit sa'kin... eehhhhh. Ah hi. So, you're Lacey right? shet english, baka duguin ako dito.

    Pero dibali marami akong tissue. Jokeee.

    Ah oo. Ikaw si? leche fail ko, hayup.

    .

    .

    .

    I'm Patrick. Nice meeting you, Lacey.

  • Chapter 5

    Lacey's POV

    Kanina pa kami nag-uusap, so far okay naman siya. Hindi pa pala siya nagtatrabaho. Hahahaha. Baliw kasi 'tong

    mga kaibigan ko, ang sabi sa'kin nagwo-work na daw 'tong si Patrick.

    Saan ka nga pala nag-aaral? tanong niya. Awkward moment ito dahil natigil ang pag-uusap namin ngayon

    ngayon lang.

    Ah, Hersen University. Ikaw saan? tanong ko nalang. Jusko laughtrip parang autograph, wahaha yung mga

    slamnote dati?

    Ivrea Academy, malapit lang din sa inyo. sabi niya. OMG! OMG! OMG!

    IVREA? AS IN? Waahh! Dun nag-aaral ang Parking 5 diba? Tama ba? Anong year na nga nila? Freshmen?

    Sophomore? Junior? Ano? sunud-sunod kong tanong. Ehhh fan ako nun e, di lang halata. Bigla siyang tumawa..

    (a/n: Guys pa-promote lang ng story ng kaibigan ko, Perfect Chance ang title. Parking 5 Fan fiction po yun. Thank

    youuuuu!)

    Hahahahaha, fan ka nun? Palagi ko lang nakakasalubong yung mga yun. Nakasama ko na rin sila mga

    dalawang beses. SHEEEEEEEEET! *himatay*

    Hindi nga? Waahhh! Gusto ko silang makitaaa! Pwede ba? Pwede? tanong ko ulit. Di pwede to, chance ko ng

    makilala sila! Buti nalang pala nakipag-blind date ako dito.

    Oo naman sige. Minsan dadalhin kita dun para makilala mo sila. Haha meet & greet. sabi niya sabay tawa.

    Ohmaygaaad! Katuparan ng mga pangarap ko yun!

  • Pagkatapos nun, kung anu-ano pang mga pinag-usapan namin. May isa daw siyang kapatid, mas bata sa kanya.

    Syempre hindi ko tinanong kung sino.

    Siguro mga 4pm na din, marami pa akong dapat gawin kaya nagpaalam na ako. Sabi ko mauuna na rin ako. Pero

    sabi niya ihahatid na raw niya ako, eh nakakahiya naman tsaka isa pa kasama ko mga kaibigan ko noh. Hahahaha.

    Naku, wag na. Okay lang ako. Salamat. sabi ko nalang. Pero biglang nag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko at

    tinignan messages..

    1 New Message from: Bea

    | Hoy, pumayag ka! Pumayag ka magpahatid! Gaga ka talaga, okay lang kami. Go naaa! :) |

    HAAAAAA?? NAKAKAHIYA! Nasabi ko na sa kanya na wag na e. Bwisit naman 'tong mga 'to. Lagot talaga 'tong

    mga 'to sa bulldog namin sa bahay!

    Napakamot ako sa ulo ko, shet lang.. Bigla naman siyang nagsalita..

    Sige na, please pumayag ka na. Ihahatid na kita. sabi niya na akala mo ba parang batang nagmamakaawa pa.

    OO na, gwapo mo di ako makatanggi.

    Ah, hehe. Sige na nga. sabi ko nalang tapos tumingin dun sa side kung nasaan sina Amethyst. WALA NA SILA!

    Napakahuhusay talaga ng mga kaibigan ko.

    Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya, malamang! Tapos pumasok na ako at umalis na kami. Sinabi ko

    lang yung address namin at siya na bahala. Kung dun niya ako gusto dalhin o iuwi ako sa kanila. Hahahaha! Joke!

    Joke yun, okay? Hahaha.

  • Okay, nandito na kami sa tapat ng bahay. Ayoko pa bumaba. Dito lang ako. Hahahahahahaha! Kaso bigla siyang

    lumabas at pinagbuksan ulit ako ng pinto e. So talagang gusto na niya akong idispatya ganun? K fine. Hahahaha.

    Paglabas ko, dumiretso agad ako sa may gate. Papapasukin ko muna kaya siya o wag na? Kabastusan naman ata

    kung di ko man lang siya tanungin diba? Pagharap ko..

    Ah, Lacey ?_? ansabeeeh? Bakit? Hehe. tanong ko nalang. Yumuko siya bigla na parang nahihiyang

    magtanong. Duh? Nangangain ba ako ng tao? Di ako cannibal noh!

    Kunin ko sana number mo? Sus, number lang pala eh! Di naman ako artista para ipagbawal ang pagbibigay ko

    ng number. Hahaha. Sure. pagkasabi ko nun, iniabot niya yung cellphone niya sa'kin tapos pina-enter number ko.

    Adik lang e.

    Thank you. Uhm.. I'll text you later. May pupuntahan pa kasi ako e, kaya aalis na siguro ako. Sana may next

    time pa. I really had a great day with you. :) KYAAAAAAAAAH!!! Wag kang mag-alala, bibili ako ng maraming

    maraming next time para sa'yoooo! Hahaha.

    Ako rin. Thank you. Ingat ka. pagkasabi ko nun nag-wave lang ako at siya rin tapos umalis na.

    WAAAAAHHHHHHH! Honestly, masaya naman ako. Mabait siya talaga at di maipagkakailang... GENTLEMAN SIYA!

    Omg tagal kong naghanap ng ganun lalaki. Nagkaubusan na sa Quiapo e. Hahahaha. Joke.

    Pagpasok ko ng bahay, kinikilig kilig pa ako at bigla akong tumili... Kyaaaahh~ Ang saya sheeet! sigaw ko. Bigla

    namang bumaba si Luke.

    Ate, anong nangyari sa'yo?? tanong niya tapos hinawakan pa ako sa magkabilang balikat at tinignan ako mula

    ulo hanggang paa na para bang chinecheck kung may galos, sugat or what ako.

  • Wala naman, Luke! Masaya lang ako. Hahaha. OMG sana magka-love life na ang ate mo! Please ipagdasal

    mo. Hahaha. Love you lil'broooo! Akyat na si ate. La la la la la

    Pag-akyat ko, nagbihis ako agad agad. Tumalon ako sa kama ko at dumapa. Hahaha. Kinikilig ako, di ko alam kung

    bakit. Di naman ganun ka-special yung date na yun kanina pero pakiramdam ko ang saya saya ko.

    Inaalala ko pa mga nangyari kanina nang biglang may tumunog..

    Ah! Cellphone ko pala.

    3 Messages Received

    Amethyst:

    | Hoooooy! Kumusta ang date? Hinatid ka ba ha? :") Siyeeet! Kwento!

  • Sunod kong nireplyan si Patrick the Starfish. Dejoke. Hahaha. Korni lang.

    To Patrick:

    | Thank you din! :) Hehe, really? Ingat! Take care din. |

    Alam mo yung walang kwentang reply?? Yung reply ko yun eh! Pero yaan mo na, pwede na yun. Alangan namang

    magpa-sweet ako agad agad? PBB Teens lang? Ayoko muna maramdaman o malaman niyang medyo bet ko rin

    siya. Pakipot effect! Pak na pak!

    At syempre, next ko na nireplyan si bruhildong CALIX!!! Hahaha joke, si gwapong gwapong Calix.

    To Calix:

    | Ha? Magpahinga naman tayo. Sunday na Sunday e. Tapos 11am pa? Calix naman.. |

    Nireply ko sa kanya. Nakakainis kasi e. Gusto ko petics ako bukas. Nganga! Walang gagawin. Magsisimba lang

    tapos matutulog buong araw..

    Nag-vibrate bigla yung phone ko, so ibig sabihin may nagreply na..

    From Calix:

    | Reklamador ka masyado. D wag ka pumunta! |

    SUNGIT SUNGIT talaga neto. Sarap ihulog... sa'kin. Wahahahaha! Charot lang, may nililigawan naman ata tong

    gwapong nilalang na to e.

  • To: Calix:

    | Oo na, pupunta na! |

    Sinungitan ko rin siya. Akala ba niya siya lang may super powers na magsungit? Pwes ako rin! Di porket nasanay

    silang mabait na ako, di na ako pwedeng mainis ah! Ano siya sinuswerte??

    Nag-shower na ako, nag-check muna ng fb at twitter at natulog na... :)

    ***

    Sunday: 10:30am

    Aww, sakit ng paa ko. Puro paltos na naman. BV naman 'tong doll shoes na 'to, ang tigas ng likod! Bibili nga muna

    ako ng band aid.

    Pumunta ako dun sa maliit na tindahan, mukha naman chichirya lang ang tinda dito. Hahahaha! Tsaka iilang candies.

    Pero susubukan ko pa rin, malay naman natin kung meron diba?

    Manang, may band aid ho ba kayo? tanong ko kay manang na medyo matanda na.

    Aba iha! Nang-iinsulto ka ba? Alam kong kakaunti ang paninda ko, wag mo na ipamukha pa! Wala akong

    band aid! Hala sige alis na! sigaw niya sa'kin. Malay ko ba, sinubukan ko lang naman ah. Napasama pa. Tsk.

    Pasensya na ho kayo manang, sinubukan ko lang naman ho. Pasensya na po. tapos umalis na ako. Sungit ni

    manang..

  • Naglakad-lakad pa ako at may nakita akong botika, dito sigurado na akong meron! At syempre, meron nga! Sa

    wakas! Nilagyan ko na magkabila kong paa. Sarap sa pakiramdam.. Walang masakit.

    Pumunta na ako dun sa meeting place namin.. saktong 11 ako nakarating! Yes on time na on time! Walang labis,

    walang kulang! Hahahaha. Nakita ko na si Calix na nakatayo dun sa harap ng isang bench. Yung totoo, ayaw

    umupo? Nilapitan ko na siya.

    Calix, nandito na ba sila? tanong ko. Tumingin naman siya sa'kin. Tingin mo? Mukha bang kasama ko na

    sila? sarcastic niyang sagot. WOW ang husaaay ah!

    Tss, pasalamat ka crush kita. mahinang sabi ko. Sabi mo? tinignan ko siya.

    Wala yun. Sabi ko dun tayo maghintay. sabay turo dun sa parang maliit na upuan. Bigla naman niyang hinigit

    yung kamay ko at sinabing

    .

    .

    .

    .

    Di sila darating. Tayong dalawa lang ang gagawa. o______o

  • Chapter 6

    Laceys POV

    HAAAAAA? A-anong ibig mong sabihing hindi sila darating? H-hoy di pwede yun! Pumunta punta pa tayo

    dito ng maaga tapos wala tayong ibang kasama? Walang ibang makakatulong? Uuwi nal hindi ko pa

    natatapos yung sasabihin ko nang bigla siyang huminto.

    Di ka ba titigil kangangawa diyan? Totoo yung sinabi ko. Lahat sila may dahilan, kaya tayo nalang ang

    gumawa. Sabi niya. Di ko alam kung matutuwa ba ako sa lalaking to e.

    Lumakad lang kami ng lumakad, hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan na ba kami. Baliw to e, ililigaw pa ata

    ako. Nakakaasar na ah! Imbes na mahimbing pa akong natutulog ngayon e.

    Hoy nasaan ba ako? tanong ko. Anong nasaan ka, baka nasaan tayo? Tss. Makasarili. Iritableng sagot niya.

    Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hayup ka, mamaya ka sakin Calix Dale Vasquez!!! Pangit mo! Di na kita crush!

    Salbaheeee! Kapal pa ng mukha, di man lang bitawan yung kamay ko bwisit. Kamay niya? Kamay niya???

    Ah uy, di na ako mawawala dito. Pwede mo na akong bitawan. Sabi ko nalang. Kesa naman mag-inarte pa ako

    diba?? Masyadong masaya yun! Hahahaha.

    Tss, yan na. Bahay mo saan? biglang tanong naman niya. Sheeeet iuuwi na niya ako tapos di na kami gagawa

    ng project!!

  • Sinabi ko sa kanya yung address namin. Sumakay nalang kami ng bus. Hahahahaha! Nakakatawa siya, ang cute

    cute niya. Takot na takot si kuya, di sanay tumayo. =))) Oo, ako lang pinaupo niya. Medyo may pagka-gentleman

    naman pala to.

    Oy, sabihin mo nalang kapag malapit na tayo. Baka mamaya malagpasan natin subdivision niyo. Sabi

    naman niya sakin pero di naman nakatingin. Parang timang. Hahahahahaha laughtrip! Ngumiti lang ako.

    Maya maya lang bumaba na rin kami. Nakakatawa talaga yung itsura niya parang weird. Napatawa ako bigla.

    Laughtrip lang kasi talaga.

    Saan ba kayo dito? Bagal mo namang lumakad e. Palibhasa medyo maiksi kasi yung legs mo e.

    Hahaha. Bigla siyang tumawa ng tumawa. He he he.

    Bye, diyan ka na. Uuwi na ako. Tapos tumakbo ako. Maiwan ka diyan! Maiksi pala ang legs ah! FYI mahaba na

    to kumpara sa ibang babae!! Medyo matangkad naman ako ah. EPAL neto.

    Hoy saglit lang, joke lang yun. Hahaha. Sabi niya sabay hawak sa braso ko. Pigil pigil ka ngayon sakin. Kung

    kelan tumakbo na ako, tss.

    Di ko nalang siya pinansin. Bakit ba ganito to sakin ngayon? Di naman ako pinapansin masyado neto noon ah,

    ngayon kung makapanloko at mantrip akala mo naman CLOSE kami! Oo, gusto ko talaga siya maging ka-close

    pero.. ayyy ewan! Mababaliw na naman ako.

    Nakarating na kami sa tapat ng bahay. Kinuha ko na yung susi at pumasok na sa loob. Sumusunod lang naman siya

    sakin. Pinaupo ko nalang muna siya dun.

    Erin, dito ka na dalian mo. UTUSAAAN? Wala nga samin mga gamit e. Lahat nandun kina Yany. Wala naman

    siyang kahit anong dala e. Lumapit ako sa kanya at umupo dun sa tabi niya, pero medyo malayo. Bigla naman siyang

    tumayo tapos pumunta dun malapit sa tv. Mga lagayan ng DVD.

  • Hmm.. anong magandang movie? Meron kayong Shutter? o___o Shutter? Meron, bakit? ano namang

    gagawin niya sa Shutter?

    Nood tayo. Nood daw?? Akala ko ba. WHOOOOO! Naha-high blood na ako ah! Ang pasensya ko, konting-konti

    nalang!

    ANONG NOOD? AKALA KO BA GAGAWA TAYO NG PROJECT HA? TAPOS NGAYON SASABIHIN MO

    MANOOD TAYO?! NILOLOKO MO BA AKO, CALIX?

    Sigaw ko sa kanya. Bigla naman siyang ngumisi. Bwisit talaga! Sasagot palang sana siya nang biglang bumaba yung

    kapatid ko. Tapos gulat na gulat.

    Dale? Hayup pare, ginagawa mo dito? tanong niya kay Calix. Si Calix naman medyo nagulat pero tumawa

    nalang.

    Wala naman pare, movie marathon kami ng ate mo. Gulat namang tanong ni Luke.

    Hoy anong mov

    Wow, close pala kayo ng ate ko? Nice nice, gusto ko yan. Hahaha alam na pre. Pagkasabi nun ni Luke, nag-

    apiran sila tapos tumawa. Bahala sila diyan.

  • LAHAT NG LALAKI, EPAL. EPAL in DIFFERENT WAYS. Badtrip!

    Nagpaalam muna si Luke, maglalaro daw muna sila ni Trina diyan sa labas. Parang weird, sila ni Trina maglalaro?

    Ano naman kaya lalaruin nila, tagu-taguan? Langit lupa? Block 1,2,3? Mataya-taya? Piko? Garter??

    OMG bakla si LUKE??? o______o

    BAKLA YUNG KAPATID KO? napasigaw ako. Shet huhu bakla siya, bakla siyaaaa. Anong bakla sinasabi mo

    diyan? tanong niya.

    Hindi kaya bakla si Luke, Calix? Sa tingin mo? pagkatanong ko nun, umupo ako. Sira ka ba, di bakla yun.

    Baka naman kung anu-anong iniisip mo? Oo nga baka nga. Nababaliw na ako.

    Siguro nga. Ayy teka! Teka nga Calix, paano pala kayo nagkakilala ni Luke? natawa naman siya.

    Ah yun ba? Pinsan ko si Trina, tsaka sa Photography Club. SHEEET? Pinsan niya si Trina? Yung girlfriend ni

    Luke? Kaya pala! Ang ganda ng lahi nila Hihi.

    Photography Club? Ah talaga, kasali ka pala dun? tanong ko naman. Tinignan naman niya ako ng masama.

    Hindi, hindi ako kasali dun. Nakikisawsaw lang ako sa Club na yun kapag wala akong magawa. Malamang

    kasali ako. Mga tanong mo, lahat obvious ang sagot e. -__- sabi ko nga e, hiyang-hiya naman ako sayooo! Psh.

    Tumahimik nalang ako.

    Hawak hawak na pala niya yung DVD na Shutter. Inabot niya sa'kin tapos ipinasalang. Bahay niya e. Nakakahiya

    naman sa'kin masyado. After kong isalang yung dvd, tumabi na ako sa kanya. Hindi naman super malapit ah.

    Mahirap na, baka di ko matiis yakapin ko pa 'to. Hindi naman ako matatakutin pero malay mo diba? Sobrang magulat

    ako.

  • Habang nanonood kami ng movie, wala man lang siyang reaction! Sayang kuryente! Hahaha. Joke, medyo nagugulat

    gulat naman siya kahit paano. Ganun din ako, malapit na kami sa part na may picture. Yung sunud-sunod na picture,

    tapos parang may multong ewan na palapit sa bookshelf.

    I was believin in you. Was I mistaken do you mean, do you mean what you say... When you say our love could last

    forever.. But I'd rather you'd be mean than love and lie. I'd rather hear the truth and have to say goodbye.. I'd rather

    take a blow at least then I would know.. But baby don't you break my heart sloooow..

    May tumatawag sa'kin? Meron ngaaa! Tinignan ako ni Calix tapos sumenyas ako na sasagutin ko lang. Lumabas

    muna ako para masagot ko kung sino man 'tong istorbo na 'to.

    Patrick calling OMG! Si Patrick! Binabawi ko na, hindi siya istorbo! Hahaha. Joke lang.

    Ah, hello?

    Hi Lacey, uhm are you busy? Oo, busy ako. Nanonood kami ng movie ng crush ko, okay? Please wag ka ng

    tumawag. Hahahaha. Joke lang.

    Ah hindi naman, bakit? shet wala ba akong kwentang kausap? Ang sarap kong babaan!

    Wala naman. Kumusta? tanong naman niya sa'kin. Hindi okay, kasi may baliw akong kasama dito. Sarap

    bugbugin ng yakap! Jooooke! Lakas ng pagnanasa ko kay Calix, nakakahiya.

    Okay naman, ikaw kumusta ka? Nandiyan ka pa sa tita mo? tanong ko. Ayan medyo okay na ako kausap. May

    sense na.

    Hmm.. I'm doing good. Ah oo, wala kasing tao sa bahay e. Who's with you? Nasa bahay ka ba? kaasar

    naman 'to, englishero pa. Wala ako sa mood mag-english ngayon, Patrick. Wag kang magpaka-Mike Enriquez diya't

    tantanan mo na ako! Hahahaha.

    Yes nasa bahay ako pe naputol na yung sasabihin ko dahil nagsalita siya agad. Atat e.

    Good, so pwede ba akong dumaan diyan then labas tayo? Kung okay lang sa'yo? WHAAAT? Dadaan siya

    dito, tapos aalis kami? Tama ba ang rinig ko? Nag-cotton buds ako kanina kaya sure akong malinis ang tenga ko.

  • I'm on my way. See you. Bye, Lacey

    *toot toot*

    Waaaahhhh! BINABAAN na niya ako! Di man lang niya ako hinintay sumagot ganun? Talagang mahusay siya,

    gumagawa siya ng sariling desisyon! Sasapatusin ko yun pagdating e!

    HALA! Nandito pa si Calix! Pumasok agad ako sa loob at binuksan yung mga ilaw. Oo pinapatay niya kasi para daw

    mas feel ang pagka-horror ng movie.

    Medyo mabilis ka dun ah. sarcastic niyang sabi. Hehe, sorry. sabi ko nalang. Nate-tense ako, feeling ko

    aabutin ng Cagayan ang buhok ko mamaya kaya kailangan kong pauwiin 'tong groupmate ko. Hahaha.

    Sino yun? biglang tanong niya naman. Ah, eh yung, yung anonaka-blind date ko. alanganin kong sabi sa

    kanya. Ewan ko ba, feeling ko kasi ayokong sabihin sa kanya e.

    Ah, bakit daw? tanong niya ulit. Dadaanan daw kasi niya ako dito e, uhmaalis daw kami? patanong ko

    namang sagot.

    Bakit ganun, bakit parang ayoko 'tong paalisin? Parang gusto ko sabihin kay Patrick na sa susunod na lang. Once in

    a lifetime lang 'tong pagkakataon na 'to. Pang-movie at telenovela lang ang eksenang nakakasama mo ang crush

    magkaroon ng ganitong moment e.

    So, aalis na ako? parang malungkot niyang sabi. Pero assumera lang ako kaya wag kayo nagpapaniwala sa'kin.

    Okay lang sa kanya yan.

  • Ha? A-ano, h-hindi naman, kasi ano e utal utal kong sabi.

    Tss, di pa masabi. Bulol. Ge alis na ako. Bye. WAAAG! Dito ka nalang no.1 crush please?? :( Hindi mo ba ako

    ipaglalaban? JOKE. Hehehe.

    Sobrang gusto kong sabihin pero parang ayaw talaga lumabas sa bibig ko Waahhh! Dito ka lang, dito ka laaaang.

    Wag ka nalang umalis.

    Alam niyo bang si Calix ang number 1 crush ko since 1st year college. Palagi nga sinasabi sa'kin dati ng mga best

    friends ko na baka daw mahal ko na or something pero di ako naniniwala. Di naman kasi nasusukat yun kung gaano

    kabilis o katagal diba? Dati di niya talaga ako kilala as in! Kaya sobrang saya ko nung mag-shift siya sa course

    namin.. Pero suplado kasi siya kaya mahirap lapitan.. akala ko salbahe siya, pero ngayon parang nagbabago..

    Mabait naman pala siya. Di lang talaga expressive.

    Tumakbo ako palabas ng bahay kasi nga umalis na siya e.

    Calix! Hoooy Dale! Bumalik ka nga dito! sigaw ko, pero di niya ako niliingon. Salbahe talaga. Huhuhu.

    Nakakainis.

    MR. VASQUEZ! ANG DI LUMINGON, PANGIT! sigaw ko ulit, pero di talaga niya ako niliilngon. Nakakainis naman

    'tong lalaking 'to. Pahabol masyado.

    SCHOOLMATE! BLOCKMATE! GROUPMATE! SOULMAAAAATE! oops! Shet, anong sabi ko? Soulmate?

    Uwaaahhh kill me now. Lumingon siya tapos naglakad palapit.

    Anong sabi mo? Soulmate? Tss. tanong niya. Kailangan ko magpalusot. Wait, URL www.palusot.com, hanap

    hanap.. ayun!

  • Ha? Anong soulmate? Kapal mo ah! Sabi ko, SEATMATE! Bingi! Assuming! Feelingero! Lahat na! sabi ko

    sa kanya. Shet sana effective...

    Ah k, bye. pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya ulit... wala na. Di na yan babalik. Bye, Calix.. next time

    ulit..

    Kahit na pakiramdam ko palusot ka lang na may project, maniniwala akong yun talaga ang dahilan mo. Dahil

    ayokong umasa... lalo na sa'yo. Bye number 1 crush. Ingat ka..

    Naglakad ako pabalik sa bahay, kasi medyo napatakbo ako ng konti lang naman sa paghabol ko sa kanya.. Maya

    maya may ilaw na tumapat sa'kin. Ahh, ilaw ng kotse ni Patrick.

    Bumaba siya tapos tumingin sa'kin. Nakangiti pa. Kailangan maging normal na tao ulit ako. Whoo! Hahaha.

    Ah, hi. sabi niya tapos ngumiti pa. Eeeek. Hello. parang ang awkward, kahit magkatext naman kami kanina pati

    kagabi. Mahirap talaga kapag personal ulit e.

    Parang may hinahabol ka ata kanina? talas ng paningin ah! Puro kalabasa ata ang kinakain neto.

    Ah, oo. hehe. sagot ko lang. Ano? ANO? Baka sino? Pauso ka, di naman hayop yun si Calix. Hahaha joke di

    naman niya alam e.

    Ah yung groupmate ko, nandito kasi siya kanina. sabi ko nalang.

    Talaga? Bakit mo hinahabol? kasi gusto ko siya. JOKE ulit! Hahahahaha. Grabe, nakatira ba ako ngayon? Di

    naman ako umorder ng shabu kay Berto ah. Biro lang ulit. Naku, wag kayo nagpapaniwala sa'kin!

    Ano kasi.. may naiwan siya. Oo may naiwan nga siya. sabi ko nalang ulit. Ano yun? puso ko. WAAAAHHHH!

    Hahahaha. Dami mong tanong, Patrick. Balik ka nalang sa dagat. -_-

    Yung sapatos niya, haha joke. Yung panyo niya. Mahalaga ata sa kanya. Kahit wala naman. Syempre pauso

    ko nalang yun. Bahala na si Phineas.

  • Hindi ko na siya hinayaang magtanong pa ulit dahil sayang laway ko. Hahahaha. Niyaya ko na siyang tumuloy muna

    sa loob, baka kasi gusto niyang pumasok e. Baka lang naman.

    Sabi ko sa kanya, wag nalang kaming umalis. Tinuloy nalang namin yung movie. Sabi niya ilang beses na daw

    niyang napanood yun kasama mga pinsan niya. So what? Eh di alisin na niya! Haha joke ulit.

    Nagkuwentuhan lang kami. Nadagdagan mga kaalaman ko sa kanya. Haha, syempre nagkwento din ako. Give and

    take dapat.

    Tawa siya ng tawa samin ng kapatid ko. Dami ko kasing kinuwento e. Ang cool daw namin, para daw kaming

    barkada ni Luke. Sila daw kasi ng kapatid niyang babae, di daw sila close. Di daw sila nagkukwentuhan. Wala nga

    daw siyang alam dun e. Yun din daw walang alam sa kanya. Nalungkot naman siya kaya sabi niya wag nalang daw

    namin pag-usapan.

    Sabi ko sa kanya, magluluto muna ako para mag-dinner kami.. pero sabi niya lumabas nalang daw kami para daw di

    na ako mapagod. Pero feeling ko wala lang siyang tiwala sa itsura ko e. Baka tingin niya sa'kin walang matinong

    gagawin sa kusina e. Excuse me, master chef ako noh! Hahahaha.

    Sige, tara. syempre pumayag nalang ako, libre niya naman daw. Kaya okay, fine nalang ang peg ko.

    Dinala niya ako sa Yellow Cab sa isang mall malapit samin. Gutom na gutom na ako, buti nalang. Jusko breakfast

    ang huli kong kain. Buti pala di pa ako hinihimatay. Mabilis pa naman akong himatayin dahil sa gutom. 4x na ako

    nahihimatay since college. Hahahaha. Babaw ng katawan ko, mukhang ewan!

    Okay ba? Hahaha. tanong niya, nag-nod lang ako at ngumiti.

  • Sabihin mo lang kung may gusto ka pa ah? Wag ka ng mahiya sa'kin. sabi niya. Gusto ko sana sabihing

    Ikaw. Chos! Hindi noh. Hindi pa kita gusto... magugustuhan palang. May tao pa kasi sa puso ko e.

    Alam niyo trivia lang sa'kin ah, marami akong nagustuhan, marami akong gustong mga tao.. pero sabi ko nga sa inyo

    at sabi din ng friends ko... hindi nila ako gusto. So it's better na quiet nalang ako kung sinu-sino sila, mahirap na..

    ayoko na masaktan ulit.

    Ahm.. Patrick, nagka-g-girlfriend ka na ba? tanong ko. Nahihiya ako, pero gusto ko talagang itanong e.

    Ah, oo. Isa palang naman. Pero wala na siya e. wala na? Umalis ng bansa o baka namanwala na silang pag-

    asa?

    What do you mean wala na siya? tanong ko ulit. At yung sagot niya ang talaga namang nagpataas ng mga

    balahibo ko sa katawan.

    She died 2 years ago. Ohmygaaad! Kung sakaling ako kaya ang maging next niyang girlfriend, mamatay din kaya

    agad ako? Baka may sumpa siya? Paano kung parang kay Ai-Ai pala tulad sa Tanging Ina Mo? Namamatay lahat ng

    nagiging asawa niya??

    AYOKOOOO! *shake ng ulo* Tsaka ano bang pinag-iisip ko. Seryoso yung usapan tapos puro kalokohan ang nasa

    utak ko. Tsk.

    Sorry to hear that. Pero kung okay lang, I just want to ask kung bakit? Lakas loob kong tinanong para naman

    malaman ko.

  • Because of Colon cancer. Sobrang daming nagulat because she's too young daw to have that kind of

    illness. Pero sabi ng doctor, that's really possible naman daw lalo sa case niya. It's a family history. Namana

    daw yun ni Sharlene sa mom niya. Her mom died because of colon cancer as well. That's the story. aww,

    pakiramdam ko nanghina ako sa narinig ko.

    Nakakatakot. Nakakalungkot.

    G-grabeSorry kung naitanong at pinakwento ko pa. Sorry talaga, hindi ko kasi alam na ganun pala ang

    nangyari. sabi ko nalang sa kanya.

    No, it's okay. Matagal na namin tanggap yun. We all moved on, Lacey. That's life. Minsan may mga taong

    kailangang umalis sa buhay mo kahit ayaw mo.. Maybe because there's a better plan for you. Kailangan mo

    lang matutunan tanggapin lahat. sunud-sunod niyang sabi sakin.

    *sigh* Tama ka, Patrick.. Salamat sa mga sinabi mo.

    Iniba na namin ang topic, tinanong din niya ako kung nagka-boyfriend na daw ba ako. Gulat na gulat siyang wala pa

    kahit isa. Sabi ko naman, may dalawang sumulpot dati pero nawala din. Paasa lang kumbaga. Hahaha. Ang sabi ko

    naman sa kanya, baka sadyang assuming lang ako. Kumontra nga siya e, hindi naman daw siguro at baka talagang

    nagpakita lang ng motibo yung guy/s.

    Medyo kwela pala 'tong si Patrick, puro jokes kaso korni. Hahahaha. Tinatawanan ko nalang kasi kawawa naman din.

    Nag-eeffort naman si kuya. Hahahaha.

    Inabot kami ng 8:30 sa Yellow Cab, jusko! Hatid na daw niya ako. Pumayag na ako tutal late na rin.

    Takot ako mag-isa.

    Nakarating na kami sa bahayLumabas na ako ng kotse niya..

  • Pasok ka pa? tanong ko. Hindi na siguro, uwi na rin ako agad. Salamat ulit ah? Sobrang masaya ka talaga

    kasama. Haha. sabi niya naman. Hahaha. Natuwa naman ako dun.

    Wow talaga? Haha, ikaw din. Salamat din pala ha. Ahm, ingat ka sa daan. sabi ko lang.

    Okay, text nalang ulit kita. Thank you ulit. ay talagang paulit-ulit? Nag-UNLI ata siya? -_____- Hahahahahaha!

    Nakakatawa talaga to.

    Sige sige. Bye! sabi ko. Last na talaga yung words ko na yun, kapag sumagot pa 'to ng words na kailangan ko ulit

    sagutin, iiwanan ko talaga 'to dito sa labas! Bye. tapos pumasok na siya sa kotse at umalis na.

    Ang saya ko ulit. Bumaba ulit si Luke. Hmm.. parang naulit lang yung nangyari kahapon? Galing ah! Hahaha. Dejavu.

    Redundancy. Paulit-ulit. Unli. Ganyan yung mga nangyayari.

    .

    .

    .

    Sana maging masaya na nga talaga ako

  • Chapter 7

    Lacey's POV

    Three days na ang nakakaraan, pero ganito pa rin. Di pa rin niya ako pinapansin masyado. Kung anong kina-okay

    namin ni Patrick.. Haaay.

    Naglalakad ako dito sa hallway nang may narinig akong parang may nag-uusap usap. Gumilid muna ako at medyo

    nakinig. Wag niyo na ako pakielaman, gusto ko maging tsismosa ngayon! Hahaha.

    Pare, yaan mo na. Bakit ba kasi di mo pinapansin? Tapos maghihimutok ka ngayon diyan? Tanga ka? sabi

    nung isang lalaki. grabe naman siya maka-tanga sa kaibigan niya.

    Ayoko e. Isa pa, masaya na yun. Tama na. sabi ni isang guy. waahhh! Nakaka-curious. Sino kaya yun? Silipin ko

    kaya? Wala namang masama diba?

    Habang dahan-dahan akong sumisilip...

    Huy! WAAAHHHHH! WAAHHHH! Napatakip ako bibig ko, kasi dapat wag maingay. Mabubuking kung gaano ako

    ka-chismosa!

    Bakit mo ako ginugulat Maria Therese? Gusto mo masapak? Ha? tanong ko kay Therese.

    Abnormal 'to, tawa ng tawa. Ang abnoy daw ng mukha ko. Sige nga gulatin ko siya, kapag maganda pa rin siya

    bibigyan ko siya award! Hahahaha.

    Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Ikaw ha. sabi naman niya sa'kin.

  • Ah, wala naman. Hahaha. Ikaw intrigera ka! sabi ko naman sa kanya. Baliw talaga 'to. Para nakikinig lang

    naman ako ng usapan ng iba e, masama ba yun?? Ang alam ko, masama lang talaga yun. Okay, the insane Lacey's

    present again. Hahaha.

    Sus, I think nakiki-chismis ka. Tama ako noh? Umamin ka kundi ililibre mo ako ng Mcdo twister fries!

    Hahaha. Anooo? suko na ako

    Ililibre nalang kita, kaibigan. Tara na! sabi ko tapos hinila ko na siya pababa.

    Tuwang-tuwa naman ang loka. Hahaha. Lumabas kami ng campus. Konting lakad lang, Mcdo na. Pumunta na kami

    sa counter. Aba ang thickeroo talaga ng face ng kaibigan ko, maawa naman daw ako kasi pinaglakad ko pa siya!

    Kaya dapat daw samahan ko na ng meal! Juskooo! Kasalanan ko pa ngayon na naglakad siya?? WOW AH! Ganito

    kahusay ang kaibigan ko!

    Oh ayan na ang order mo madam. Hiyang-hiya naman ako sa'yo eh! Haha joke. sabi ko nalang.

    Charotera ka! Tinatanong lang kita kung nakiki-tsismis ka dun sa kung sinong mga nag-uusap e. Hahaha

    bigla mo 'kong hinila para mag-Mcdo nalang! Pauso kaaa! sabi naman niya sa'kin. Oo nga naman. Tanga din

    ako minsan e no?

    Hahaha, oo na. Ako na nga sabi ang may kasalanan. Kain na tayo. 1hour nalang, babalik na ako. Tapos na

    ang break time ko. Ikaw hanggang what time ka? tanong ko.

    Hmm. 2pm pa, 2hours vacant pa ako at Calculus ang next subject ko! My ever favorite calculus! sabi niya

    pa. Eh di siya na talaga ang mahusay sa Math! Siya na! -_-

    Ikaw na. sabi ko naman sa kanya. Palagi kaya yang uno sa mga Math subjects niya. Math wizard.

    Nagsalita! Magaling ka rin sa mga math subjects mo noh! Ansaveeeh ng 1.50 na grades? Ano yun, tsamba?

    Feeling mo pasang awa yun? Sabi naman niya sakin. Mehehehe oo nga pala.

  • Tawanan lang kami ng tawanan. Namiss ko 'to. Siya kasi yung pinaka-close ko dati e. Kaso naging busy siya sa kung

    saan saan, kaya madalas kaming tatlo nalang nila Amethyst at Bea ang nagkakasama sama. Yung dalawang yun

    kahit may mga boyfriend, magaling talaga mag-balance e. Hahaha. Ganun din naman si Therese, kaso kasi siyempre

    bago palang. Nanliligaw palang e.

    Kaibigan, may sasabihin pala ako sa'yo. biglang sabi ni Therese na medyo seryoso yung mukha.. A-ano

    yun? tanong ko nalang.

    Nakita ko pala si Russel Russel.. RUSSEL??? Yung lalaking gusto kong isumpa, sagad hanggang buto? WTF.

    SHET saan?? Kelan? Paano? sunud-sunod kong tanong..

    Hmm. Kahapon, sa mall kasama yung si you know. sabi niya. Psh, kilala ko na.. Yung pinili niya over

    you. dagdag pa niya. Alam ko naman yun, pinagduduldulan pa! Hahahaha.

    Minsan kahit masakit na ipagdiinan sa'yo na hindi ka talaga gusto ng taong gusto mo, okay rin e. Nakakatulong din

    pala yun para medyo mauntog at matauhan ka. Hahaha. Madalas kasi kahit ilang beses ka ng nasaktan, walang

    epekto. Matigas talaga ang ulo natin, mahilig tayo magpumilit sa mga bagay na hindi naman talaga pwedeng

    mangyari.

    Tunay ka talagang kaibigan, Therese. Kaya mahal kita e. pagkasabi ko nun, niyakap ko siya. Natawa naman

    siya tapos tinap ako likod. Hay

    Pasaway ka talaga. Tahan na bakit ba ganito ang mga kaibigan? Alam agad nila kung ano yung

    nararamdaman mo. Alam nila kung kelan mo sila kailangan.. Iyak lang ako ng iyak..

    Si Russel kasi e. Bakit ganun, di ko naman naging boyfriend yun e pero ang sakit lang talaga. Yung feeling na bigla

    ka nalang niyang iwan.. biglang di nalang nagparamdam sa'yo. Nalaman mo nalang na may girlfriend na siya, ulit.

  • Paasa siya. Palagi niyang sinasabing gusto niya ako, everyday kaming magkatext pati magkausap sa phone. Minsan

    sinasabayan niya pa akong mag-lunch, pero isang araw biglang nawala nalang. Ni hindi ko nga alam kung bakit e.

    Dahil ba naramdaman niyang gusto ko na rin siya? Pero ang palagi daw nun sinasabi kapag napag-uusapan ako,

    hindi ko daw kasi siya sinagot. Eh hello naman, paano ko naman sasagutin ang taong di naman nanliligaw? I mean,

    di naman nanligaw. Tapos ang gusto niya, alam ko na dapat yun? Ano ako, may pwesto sa Quiapo? Di ako

    manghuhula at lalong ayokong mag-assume. Mahirap yun, masakit.

    Bakit ba kasi ang hirap maging babae e? Sobrang daling ma-fall. Eh kasi naman diba, wala namang mafo-fall kung

    walang pa-fall? Ayy ewan! Sa totoo lang, di totoo yung sinasabi nilang babae lang o lalaki lang ang mahirap intindihin

    e. Actually pareho naman e.

    Iyak lang ako ng iyak tapos si Therese naman, tinawagan yung dalawa kaya sumunod agad sila dito. Para talaga

    akong baby. Lalo akong naiyak. Mahal na mahal nila ako. Hahaha.

    Bruha ka tumigil ka na. Tahan na.. adik ka ayan si UC as in Ultimate Crush mo, papasok dito! sabi bigla ni

    Bea... ultimate crush? Sino naman dun? Marami ako nun.

    Ha? Sino? tanong ko sabay tingin sa pinto ng Mcdo. OMG! Si Calix! Itago niyo ako, bibitin ko kayo sa puno

    sige! Itago niyo ako, please. mahinang sabi ko tapos sumubsob ako sa table at tinakpan naman nila ako.

    Hahahaha.

    Maya maya naman sabi nila, wala na daw. Bumili lang daw ng Chicken burger. Hahaha. Tagtipid siya ngayon ah?

    Dati di yan dito kumakain e.

    Bakit ka nagtago? Baliw ka ba? Groupmate mo yun diba? mga tanong ni Amethyst. Kung makapagtanong

    akala mo naman di ko kinuwentuhan!

    Hahaha, eh baka kasi di kami bati e. sabi ko nalang. Aray naman Bea! reklamo ko matapos niya akong

    batukan.

  • Ano kayo, bata? May nalalaman ka pang di bati diyan! Kutusan kaya kita? pananakot niya. Umiling iling

    naman ako.

    Okay, sorry naman. Hahaha. Eh alangan namang LQ? Eh di naman kami lovers? Hahaha. tawang tawa kong

    sabi.

    Friends, tara uwi na tayo. Sarap sakalin ng kaibigan natin e. sabi ni Therese. HAHAHAHAHA. sabay sabay

    kaming natawa sa mga kalokohan namin. Buti nalang kahit may mga love life 'tong mga 'to di nila ako kinakalimutan.

    I feel so loved. Hahaha. Arte ko, takte.

    Sabay sabay na kaming bumalik sa school. Tumakbo na ako pabalik sa room, may 20 minutes pa naman e kaso

    gusto ko makipagdaldalan kina Mae. Hahaha. =))))

    Ano ba? uh-oh. Dahil na naman sa katangahan ko 'to, sigurado. Naku sorrCalix? sa kamalas-malasan

    naman oh. Yung iniiwasan ko pa yung nakabungguan ko. Lagot na. Bakit ba kapag iniiwasan mo parang lalo kayong

    pinaglalapit ng tadhana? Kung tuluyan ko na kaya siyang iwasan? Wahaha!

    Ako nga. sabi niya naman. Sorry mahinang sabi ko. Di naman siya sumagot at nagpatuloy na sa paglalakad.

    Sumunod pa rin ako hanggang sa makatapat ko na siya.

    Ahm.. Calix, galit ka ba? naglakas loob na akong magtanong, kesa naman wala akong kaalam alam

    diba? Hindi. matipid niyang sagot. Tss, may bayad per letter e. Leche.

    Eh bakit di mo ako pinapansin? tanong ko, chance na 'to e. Huminto naman siya at tumingin sa'kin..

    .

    .

  • .

    Dati naman di talaga kita pinapansin ah, pero wala lang sa'yo. Bakit ngayon ganyan ka maka-

    react? pagkatanong niya nun umalis na siya. ewan ko.. parang napahiya ba akong ewan? :(

    Tama naman siya e. Pero yun ang akala niya. Akala niya ba wala lang sa'kin na di niya ako pinapansin dati? Kung

    alam mo lang, Calix.. Dahil sa'yo naging papansin ako.. Wahaha joke lang yun! OA ko naman magka-crush. Tahimik

    lang ako magka-crush. Pero back to serious mode..

    Nalungkot naman ako dun. Lalo ngayon, kasi kahit paano naramdaman ko na kung paano kami maging okay.. tapos

    ngayon.. mawawala na naman? Palagi nalang. Paulit-ulit nalang..

    Pumasok na ako sa room namin. Tahimik lang ako, yung mga bumabati sa'kin nginingitian ko nalang..

    Les, may problema ka ba? tanong ni Mae sa'kin. Tinignan ko siya at umiling. Eh parang wala ka kasi sa sarili

    e. sabi niya naman..

    Mae talaga okay lang ako. sabi ko sabay ngiti.. ayoko ng magpaliwanag jusko.. Iisa-isahin ko pa. Heheh.

    Nakakapagod yun.

    Sige ah, sabi mo yan. Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap. sabi niya sabay tap sa likod

    ko. Thanks, Mae. sabi ko naman tapos nginitian ko siya.

    Tumayo na siya at bumalik sa upuan niya. Maya maya dumating na si Prof. Marquez. Nag-discuss siya ng nag-

    discuss pero di ako nakikinig. Ano ba naman ako! Kaya ayoko ng ganitong pakiramdam e.

    Napatingin ako sa upuan niya eh nagkataong napalingon din siya, pero iniwasan lang niya ako. Haaay. Napabuntong

    hininga nalang ako. Yaan ko na nga...

  • Di ko na hahabulin yung taong, pilit naman akong tinatakbuhan..

    WAAAHHHH! Ayoko na, mamamatay ako sa kadramahan! Ititigil ko na 'to. FOCUS, Lacey! FOCUS! Mag-aral ka nga!

    Wag mo atupagin ang walang kwentang buhay pag-ibig! Hahahahaha.

    Sa dalawang sumunod na subjects, medyo active na ako. Nagpa-participate na ako, di tulad kanina.. napaka-passive

    ko. -___-

    Nung uwian na, masaya na ako. Nagtext kasi si Patrick! Buti nalang nandito siyaaa. Hahahaha. Kahit paano

    sumasaya ako.

    Bye blockmates! Uwi na agad ha? Byebye! paalam ko sa kanila tapos umalis na agad ako dala dala ko yung

    bag ko.

    Paglabas ko... Patrick? omg, ginagawa niyan dito? Sabi lang niya ingat ako ah. Ninja ata 'to e.

    Hi, haha you look so surprised. sabi naman niya sabay lapit sa'kin. Oo noh! Surprised talaga ako! Nakakagulat

    ka kuya shetty ka! Hahahaha.

    Ah eh.. oo eh. Hehe. sabi ko nalang. Teka ano nga palang ginagawa mo dito?

    .

    .

    .

    Hmm.. Sinusundo kita? so hindi siya sure, ganun? Hahahaha!

  • Chapter 8

    Lacey's POV

    Kaya pala siya nagtext, may nalalaman pang surprise surprise sus napakapauso. Hahaha joke lang. Sinundo ako

    para maglaro daw kami sa Tom's World! -_- Jusko po... hahahaha! Akala ko naman kung saan niya gusto pumunta o

    anong gusto niyang gawin biglang sabi Tom's World tayo! parang tanga diba?

    Pagod na ako, Patrick. Hahaha. Nakakaloka ka. sabi ko sa kanya.

    Sus, kaya mo yan dali na! Oh eto pa tokens. sabay abot sa'kin ng sampu pang tokens. Ang laki na ata ng

    nagagastos niya sa tokens. Nung pagpasok palang namin ang dami na niyang binili. Feeling ko nga naka-500 na 'to

    e. Kanina pa kaya kami nandito.

    Naglalaban kami sa basketball. Di daw ako kakain hangga't di ko siya natatalo. Eh hello? Hiyang-hiya naman ako sa

    kanya noh! Lalaki kaya siya at babae ako! Patawa ba siyaaaa? Papatayin niya ba ako? Eh halos di ko na nga

    mahabol hininga ko e. Tulad kanina, 45 lang score ko tapos siya 83!

    LOKOHAN BA TALAGA 'TO?

    Hoy ayoko na, di ko talaga keri. Ikaw nalang maglaro diyan. Papanoorin nalang kita. Tsaka okay lang kahit

    di mo ako ilibre, ako bibili ng pagkain ko! Hahahaha. sabi ko sabay upo dun sa motor. Yung laruan din.

    Tumabi naman siya sa'kin tapos tatawa tawa pa. Nakakairita. May nakakatawa ba dun? Nakakainis kaya.

    Hahahahahaha. Pag natatalo, nakakainis agad?

    Ganun? Hahaha, sige na nga. Kawawa ka naman e. Di na rin ako maglalaro. tinignan ko siya..

  • Videoke tayoooo! pagsa-suggest ko. Sige ba! Tara! hinila niya ako papunta dun sa kantahan.. kaso parang

    biglang ayoko naaaa. Weird, Lacey. Parang gusto ko nalang umuwi..

    YES! Sakto, walang bakante! Wahahaha! Ang sama ko. Ehh kasi biglang sumama pakiramdam ko, gusto ko na

    talagang umuwi as in.. Gusto ko matuloooog.

    Les, walang bakante e. Paano na? Timez

    Talaga? Sayang naman.. Ahm.. sige uwi nalang kaya tayo? waahh pumayag ka.. pumayag ka na, Patrick...

    Parang awa mo na.

    Sige SIGE? SIGE? SIGE?! Yeheeeey! Sorry ah, sumama kasi pakiramdam ko e. Dibali next time nalang

    ulit. pagkasabi ko nun, ngumiti nalang ako.

    Umalis na kami at hinatid na niya ako pauwi. Mabilisang paalaman lang at tumakbo na ako sa loob ng bahay. Ewan

    ko, gusto ko biglang tumakbo.

    Waahh Luke! Hi Trina! bati ko sa kanilang dalawa. Taray sweet pala 'tong kapatid ko noh?

    Pinagbabalat pa ng hipon si Trina. Ang cute! Simple lang pero I really find it sweet. Akala ko walang kwentang

    boyfriend 'to e.

    Hi ate Les! Bakit para po kayong hinabol? May tinataguan po ba kayo? tanong ni Trina, sabay punas ng bibig

    gamit ang tissue.

  • Ah, wala naman. Haha ano kasi nagmamadali lang talaga ako. Inaantok na ako e. Hehe. Osha sige iwan ko

    na kayo ah? Akyat na meee! Byeee! tapos nagbeso nalang ako sa dalawa at umakyat na.

    Hinanda ko na yung gamit ko para bukas, P.E. pala namin. Haggard na naman. Sakit sa ulo, sa kasu-kasuan!

    Hahahahaha.

    Pagkatapos kong ihanda lahat, natulog na ako. Pagod na ako e.

    ***

    Okay, we'll have a game class. Since walang ready mag-report mas mabuti ng may magawa naman tayo

    kahit paano. Haha, maglaro nalang tayo. Haaaay salamat!! Nakakapagod physically, okay na... wag lang muna

    mentally, jusko sasabog na utak ko! Mga lessons namin kanina heavy eh. Hahaha. Buti last subject namin ang P.E.

    Yeheeey! Husay mo ma'am! sigaw ni Andy. Baliw talaga kahit kelan. Natawa naman yung prof namin pati mga

    ka-block namin.

    Shhh quiet. Okay ganito, since saktong 30 naman kayo.. Well have ten groups. 3 members per group and

    by friends, okay? I'll tell you later after niyo mag-groupings kung anong gagawin.

    10 GROUPS? Ang dami naman nun, tapos 3 members lang? Okay, gusto niya yan e. Hahaha tutal siya naman ang

    prof.

    Walang lumalapit sa'kin, tapos pumunta ako kina Andy at Mae nireject naman nila ako. :( Sabi nila may ka-group na

    daw sila.. huhu. Anyareee? Dati lang sila agad lumalapit sa'kin ah. Ang bilis naman magbago.. Chooos! :)

    Halaaaa! Lahat sila kumpleto na! Paano ako? Kawawang nilalang.. wala namang absent samin ah, kaya siguradong

    dapat sakto kami.

  • Okay, lahat na ba may 3 members? Sinong wala pang ka-group? nagtaas ako ng kamay. Nakatingin silang

    lahat sa'kin.. si Mae naman nag-peace sign tapos nag-sad face pa. Nag-okay naman ako.

    Oh Lacey? How come nawalan ka ng groupmates? Oh wait, sinong dalawa pa lang ang members? nagtaas

    naman ng kamay si Tommy at CALIX. -_______- sabi na e, habang umiiwas talaga mehehehe.

    Ayun naman pala e, oh go kay Calix ka nalang Oh