hypertension
TRANSCRIPT
High BloodAlta PresyonHypertension
January 25, 2010
Paolo Victor N. Medina MDMunicipal Health Officer
Quezon, Quezon
Mga Layunin
• Balikan ang depinisyon ng alta presyon/high blood pressure– Ano ang blood pressure?
• Matutunan ang kahalagahan ng kaalaman ukol sa sakit na alta presyon bilang mga primary health worker
• Base sa depinisyon ng alta presyon, matuto ng tamang diagnosis nito– Paano ang tamang pagkuha ng presyon
• Matutunan ang basic na gamutan ng high blood pressure– “First line Drugs”
• Matutunan ang tamang pagpapayo sa mga pasyenteng may alta presyon
• Ilang mga pagpapaala• Malinawan sa mga maling konsepto’t paniniwala
ukol sa High blood para makapagturo sa mga pasyente
Ano ang Blood Pressure?
• Puwersa ng daloy ng dugo sa ating mga ugat
• Hindi kaparehas ng anemia na ang dami ng pulang bahagi ng dugo ang kadalasang tinutukoy
• Samakatuwid… – Pupuwedeng magkaroon ng high blood ang isang
tao kahit na may anemia siya• HINDI magkaparehas ang anemia at “low
blood”
Kahalagahan ng Kaalaman Ukol sa Alta Presyon• Bilang mga Primary Health Care Workers…– Nakikita natin at Kumukunsulta sa atin ang mga
pasyenteng may Alta Presyon– Marami rami na rin ang may ganitong karamdaman– Maaaring ang mga may sakit na ito ay walang
sintomas na nararamdaman• Makikita na lang natin kapag sila’y nagpa “vital signs”
para sa ibang problema o pakay sa RHU• Kilala ang Alta Presyon sa tawag na SILENT KILLER
–Ang Alta Presyon ay maaring maging senyales ng iba pang malubhang sakit gaya ng Sakit sa Puso at Diabetes–Bilang mga manggagawang pangkalusugan,
TAYO ay mayroong napakagandang oportunidad upang magbigay ng kaalaman sa ating mga pasyente upang kanilang MAIWASAN at MATUGUNAN ang prublemang ito
– Kapag hindi napanatiling NORMAL ang presyon, maaaring mauwi sa komplikasyon
– UTAK, PUSO at BATO ang mga pangunahing bahagi ng katawan na tinatamaan ng komplikasyon
– STROKE, ATAKE SA PUSO at tuluyang PAGPALYA NG BATO ang mga kadalasang sakit na nangyayari
Mga Karaniwang Sintomas ng Alta Presyon• Ang mga sintomas ay HINDI ESPESIPIKO– Sakit ng ulo at batok– Nahihilo o nanlalabo ang paningin (“naliliyo”)– Pamumula ng mukha– Pagkarindi– Madaling pagkahapo– Nahihirapang huminga– Labis ang bilis ng pintig ng puso– Paminsan-minsang pagsakit ng dibdib– Balinguyngoy o pagdurugo ng ilong
Mga “Risk Factors” ng Alta Presyon• Paninigarilyo• Pagkahilig sa pagkain ng MATABA at MAALAT
na pagkain• MATAAS na TIMBANG• KULANG sa EHERSISYO• Labis na pag-aalala o pag-iisip • “STRESS”• Edad
Kailan masasabing “High Blood” ang Isang tao?
Ilang Paalala• Kailangan ng 2 magkaibang pagkuha ng presyon bago
masabing totoong “high blood” ang isang tao• Siguruhing TAMA ang paraan ng pagkuha ng presyon• Pagpahingahin muna ang pasyente ng di kukulang sa 5
minuto bago kunan ng presyon. Siguraduhin ding hindi balisa ang pasyente.
• Siguruhing ang pagbaba ng dial o ng merkuryo sa bp apparatus ay may bilis na 2mmHg
• Ang systolic blood pressure (SBP) ay binabasa sa unang tunog na maririnig at ang diastolic blood pressure (DBP) ay binabasa ayon sa huling tunog na maririnig
Gamutan ng May Alta Presyon• Seventh Report of
the Joint NationalCommittee on Prevention, Detection, Evaluation and Treatment of High BloodPressure (JNC 7)
• Target BP: < 140/90• Sa may Diabetes o Sakit sa Bato: < 130/80• KUNG MATAAS ANG PRESYON:• Tingnan kung may COMPELLING INDICATIONS
(ibang sakit) ang pasyente– Kung mayroon: nararapat na makita at masuri ng
duktor
• “Compelling Indications”– Heart Failure– Kakagaling lang sa Atake sa Puso– Diabetes– Nagka Stroke na dati o malaki ang tyansang magka
Stroke– Sakit sa bato
Kung wala, ipaliwanag at bigyang diin ang mga LIFESYLE MODIFICATION
• Mga Gamot na Maaari Ninyong Ibigay:
• Stage I Hypertension (140-159/90-99)– Thiazide type diuretics for MOST• Hydrochlorothiazide (HCTZ) 12.5 mg/tab Once a day
– May consider using other drug classes• Metoprolol 50 mg – 100 mg /tab 2 times a day• Enalapril 10 mg/tab once a day• Losartan 50 mg/tab once a day
• Stage II Hypertension (≥160 SBP or ≥100 DBP)– 2-drug combination: usually a thiazide type
diuretic + another drug• Example: Losartan 50mg + HCTZ 12.5 mg (Combizar)• 12.5 mg HCTZ + Enalapril 5 mg• 12.5 mg HCTZ OD + Metoprolol 50 mg BID
• Kung hindi pa rin nakokontrol ang presyon:– Siguraduhing araw araw na naiinom ng pasyente
ang kanyang gamot– Maaring taasan ang dosage ng gamot hanggang sa
maximum nito– I-monitor ang presyon sa loob ng isang buwan• Karaniwang ganito katagal bago tuluyang makita ang
epekto ng gamutan
• Kung aayaw pa rin makontrol ang BP, I-refer sa Duktor
Muli, Bigyang Diin ang mga Sumusunod!!!• ITIGIL ang paninigarilyo• Iwasan ang matataba at maaalat na pagkain• Panatilihing tama ang timbang• Mag-ehersisyo• Bawasan ang sobrang pag-aalala at pag-iisip• Matuto ng tamang paraan ng pag-aayos ng mga
prublema• Matutong magpahayag ng damdamin sa tamang
paraan• Iwasan ang pag-inom ng alak
Mga maling konsepto…
• Nakakapagpababa ng alta presyon ang pineapple juice, bawang, miracle tea, etc– Walang mga pag-aaral na sumusuporta sa mga
kasabihang ito• Kapag normal na ang presyon ay pupuwede
nang itigil ang pag-inom ng gamot– Ang mga gamot ay tinatawag na “maintenance
medications” sa kadahilanang ang pag-inom nila ang nakakapagpanatili ng normal na presyon
• Hindi nagkakaroon ng alta presyon ang mga bata (edad 15 pababa)– Maaari ngunit mas malaki ang tsansa sa mga
matatanda.– Kung may alta presyon ang taong bata pa,
kinakailangang masuri siya ng duktor upang matukoy kung ano ang dahilan ng kanyang high blood
Mga Pinagkunang Sipi:
• JNC 7 Hypertension Guidelines• Ang mga litratong nakapaloob sa presentasyong ito ay nakalap sa iba’t ibang source mula sa internet.
Walang intensiyong pagkakitaan o angkinin ang mga nasabing imahe. Ginamit lamang ang mga ito upang makatulong sa mas madaling pag-intindi sa paksa ng Alta Presyon para sa staff ng RHU Quezon. Ang lahat ng karapatan sa mga larawang ito ay pag-aari ng mga orihinal na nag-upload ng mga ito sa internet. Lubos na nagpapasalamat ang may-akda dahil napakalaking tulong ng mga larawang ito para sa mga pasyente namin sa Bayan ng Quezon, Isla ng Alabat, Quezon Province
May mga Tanong pa ba Kayo?
Pre-Test
• Ano ang Blood Pressure/Presyon ng Dugo?a. Dami ng daloy ng dugo sa ugat ng taob. Puwersa ng daloy ng dugo sa ugat ng taoc. Pintig ng daloy ng dugo sa ugat ng taod. Direksyon ng daloy ng dugo sa ugat ng tao
• Ano ang Systolic Blood Pressure?a. Binabasa ayon sa huling tunog na maririnig sa
pagkuha ng BPb. Binabasa ayon sa panggitnang tunog na
maririnig sa pagkuha ng BPc. Binabasa ayon sa unang tunog na maririnig sa
pagkuha ng BPd. Hindi nababasa kapag kumukuha ng BP
• Ano ang Diastolic Blood Pressure?a. Binabasa ayon sa huling tunog na maririnig sa
pagkuha ng BPb. Binabasa ayon sa panggitnang tunog na
maririnig sa pagkuha ng BPc. Binabasa ayon sa unang tunog na maririnig sa
pagkuha ng BPd. Hindi nababasa kapag kumukuha ng BP
• Ayon sa JNC 7, ano ang pinakamainam na posisyon ng pagkuha ng BP?a. Nakatayo na kapantay ng brasong pinagkukunan
ng presyon ang pusob. Nakahiga na kapantay ng brasong pinagkukunan
ng presyon ang pusoc. Nakatuwad na kapantay ng brasong
pinagkukunan ng presyon ang pusod. Nakaupo na kapantay ng brasong pinagkukunan
ng presyon ang puso
• Ayon muli sa rekomendasyon ng JNC 7, ilang minuto ng matiwasay na pagkakaupo ang kailangang palipasi bago kunin ang BP ng isang tao?a. 3 minutob. 5 minutoc. 10 minutod. 15 minutoe. 20 minuto
• Alin sa mga sumusunod ang mga bahagi ng katawan na kadalasa’y sinisira ng alta presyon?a. Utak, baga, bitukab. Utak, bituka, batoc. Utak, puso, batod. Utak, puso, bituka
• Alin sa mga sumusunod ang normal na blood pressure?a. 110/40b. 110/50c. 110/70d. 110/80e. 110/90
• Alin sa mga sumusunod ang normal na blood pressure?a. 120/80b. 120/70c. 120/60d. 120/90e. Wala sa mga nasa itaas
• Alin sa mga sumusunod ang Hypertension Stage 1a. 140/90b. 160/90c. 140/100d. 160/100
• Alin sa mga sumusunod ang “First-line” treatment o unang gamot na ginagamit para sa alta Presyon?a. Metoprololb. Losartanc. Enalaprild. Amlodipinee. Hydrochlorothiazide
Post Test