hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)

13
Dennimar O. Domingo 2nd year/BSBA-Marketing Management Panitikang Pilipino/TTh 12:30-2:00 Prof. Violeta Dulatre Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni Hermenegildo Flores Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, nasaan ang iyong pagtingin sa anak? akong iyong bunsong abang Pilipinas tingni't sa dalita’y di na makaiwas. Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw, sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; ngayo’y inuusig at di pagitawin ng mga prayleng kaaway mong lihim. Sa bawat nasa mong kagaling- galingan, ayaw ng prayleng ako’y makinabang, sa mga anak ko’y ang ibig lamang isip ay bulagin, ang bibig ay takpan. Nang di maisigaw ang santong matuwid na laban sa madla nilang ninanais palibhasa'y wala silang iniisip kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib. Sa pagpapalago ng kanilang yaman bendita't bendisyon lamang ang puhunan, induluhensiya't iba't ibang bahay ng mga sagrado naman ang kalakal. Sapagkat anumang bilhin sa kanila, kaya namamahal, dahil sa bendita, kahit anong gawin pag may halong kanta ay higit sa pagod ang hininging upa. Ibig ng simbaha't kumbentong marikit organo't kampana aranyang nagsabit; damasko't iba pa, datapwa't pawis ng bayan kukunin, mahirap mang kahit. Ani sa asyenda't kita sa simbahan sa minsang mapasok sa mga sisidlan ng mga kumbento'y di na malilitaw

Upload: dennimar-domingo

Post on 22-Jan-2015

2.272 views

Category:

Education


60 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)

Dennimar O. Domingo2nd year/BSBA-Marketing ManagementPanitikang Pilipino/TTh 12:30-2:00Prof. Violeta Dulatre

Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanyani Hermenegildo Flores

Inang mapag-ampon, Espanyang marilag,nasaan ang iyong pagtingin sa anak?akong iyong bunsong abang Pilipinas

tingni't sa dalita’y di na makaiwas.

Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw,sa pagmamalasakit ng dahil sa akin;

ngayo’y inuusig at di pagitawinng mga prayleng kaaway mong lihim.

Sa bawat nasa mong kagaling-galingan,ayaw ng prayleng ako’y makinabang,

sa mga anak ko’y ang ibig lamangisip ay bulagin, ang bibig ay takpan.

Nang di maisigaw ang santong matuwidna laban sa madla nilang ninanais

palibhasa'y wala silang iniisipkundi ang yumaman at magdaya ng dibdib.

Sa pagpapalago ng kanilang yamanbendita't bendisyon lamang ang puhunan,

induluhensiya't iba't ibang bahayng mga sagrado naman ang kalakal.

Sapagkat anumang bilhin sa kanila,kaya namamahal, dahil sa bendita,

kahit anong gawin pag may halong kantaay higit sa pagod ang hininging upa.

Ibig ng simbaha't kumbentong marikitorgano't kampana aranyang nagsabit;

damasko't iba pa, datapwa't pawisng bayan kukunin, mahirap mang kahit.

Ani sa asyenda't kita sa simbahansa minsang mapasok sa mga sisidlanng mga kumbento'y di na malilitawkaya naghihirap, balang masakupan.

Ang dulo’y marami sa mga anak koang di makabayad sa mga impuwestosa gayong katataas ng mga rekargopagka’t kailangan naman ng estado.

Sa bagay na iyan, ang mga mahirapna walang pagkunan ng dapat ibayad,

sa takot sa Sibil, aalis ngang agad,iiwan ang baya’t tutunguhi’y gubat.

Dito pipigain naman ang maiiwan,na di makalayo sa loob ng bayan,

siyang pipiliting magbayad ng utangkahima’t wala ng sukat na pagkunan.

Maghanapbuhay ma’y anong makikitawala nang salapi, ibayad ang iba

pagkat naubos nang hititin ng kurasa pamamagitan ng piyesta’t iba pa.

Sa limit ng mga piyesta’t mga kasayahanay walang ginhawang napala ang bayankundi ang maubos ang pinagsikapangsa buhay ng tao’y lalong kailangan.

Ang kapalaluang paggugol ng pilaknang dahil sa pyesta ay di nag-aakyatsa langit, kundi ang santong pagliyagng puso ang siya lamang hinahanap.

Niyong an gating Amang hindi madadayasa inam ng pyesta at lagi ang ganda,

sapagkat ang ating gawang masasamaay di mangyayaring bayaran ng tuwa.

Ibigin ang Diyos nang higit sa lahatat ito ang siyang lalong nararapat

ngunit ang prayle’y walang hinahangadkungdi magpalalo’t ang baya’y maghirap.

Page 2: Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)

Ang pangako nila sa mga anak koay magbigay lamang sa mga kumbentong kuwalta’y sa langit naman patutungoat ligtas sa madlang panganib sa mundo.

Saka sasabihing ang kanilang aralay utis ni Kristong dapat na igalangbago hindi’y gayo’t kauna-unahanglumalabag sila sa Poong Maykapal.

Ang mga anak ko’y turuan nga lamangng balak-balaking dapat matutuhan

kahima’t maubos ang lahat ng yamankikilanlin ko pang darakilang utang.

Dapwa’y sa akin ang daya at pag-apiang siyang nakayang pawing iginanti,kaya hanggang ngayon sa ikabubuti

ng kalagayan ko’y wala pang masabi.

Gayunmay’y ako pa ang siyang masamakung aking idaing yaring pagkaaba,sarisaring dusa nama’y nagbabala

sa balang dumamay sa aking pagluha.

Yamang may hustisyang hindi humihibikkung dili sa balang ayon sa makatuwid

sa di natutulog na awa ng langitipauubaya yaring pagkaamis.

Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pulang ibang potensya sa balat ng lupa

ang kamahalan mo kung mapag-unawangsa anak ay inang tunay ang dumusta?

Hanggang ditoina’t ang bahala’y ikawdangal mo’y tanghalin ng sansinukubanang pagkakasundo ng lahat mong kawal

ay lumagi nawa sa kapayapaan.

Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinasni Marcelo H. Del Pilar

Puso ko’y nahambal ng aking marinigbunso, ang taghoy mo’t mapighating hibik,

wala ka, anak kong, sariling hinagpisna hindi karamay ang in among ibig.

Wala kang dalita, walang sa kahirapanna tinitiis kang di ko dinaramdam:

ang buhay mo’y bunga niring pagmamahal,ang kadustaan mo’y aking kadustaan.

Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanagnang panahong ako’y di pa nagsasalatwalang inadhika ang in among liyag

kundi puspusin ka ng ginhawa’t galak.

Sa awa ng langit ikaw ay saganang sukat iyamang malalagong lupa,lahat ng pananim wala mang alaga

sa kaparangan mo’y tumutubong kusa.

Ang tabako’t kape, palay, tina’t bulakabaka at tubo’y kailangang lahat,

sa mga lupa mo’y tantong naggugubatitong sa sangmundo’y hirap mahagilap.

Sarisaring kalap na sakdal ng tibaysakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal;hindi makikita sa sangdaigdigan,

ngunit sa budok mo’y nangagkalat lamang.

Ang asupre’t tingga, ang tanso at bakalang ginto at pilak ay nangahuhukaysa mga lupa mo’t sa dagatan nama’ysarisaring perlas ang matatagpuan.

Tantong naliligid ang mga lupa mong dagat ng China’t dagat Pacifico

balang mangangalakal sa buong sangmundopawang naakit dumalaw sa iyo.

Talaga nga manding ikaw ang hantunganng sa ibang nasyong sinimpang puhunan;

ikaw nga’t di iba dapat makinabangnang yaman sa iyo’y gawad ng Maykapal.

Sa gayo’y kailangan mata mo’y mamulatisip ay gisingi’t nang makatalastas

ng sukat asaliing ipagkakapaladsa buhay na ito’t nang di ka maghirap.

Page 3: Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)

Akong iyong ina’y taga-tupad bilangng mga tadhana ng Poong Maykapal,ipinaiwi ka’t ang hangad ko lamang

musmos na isip mo’y sakiting aralan.

Ituro sa iyo ang utang na loobsa nagkakandiling maawaing Diyos;

matuto ka namang sumamba’t umirog,puso mo sa kanya’y huwag makalimot.

At para mo na ngang pasalamat bilang,makapagtanggol ka sa kapanahunanng aring tinamo’t maapamahalaan

tapat na paggamit ng santong katwiran.

Ang tagapagturo’y pinakapili ko,hinirang sa lalong mabait na tao;

ako’y nabighani’t umaasang totoosa may sinumpaang mahigpit na boto.

Ang lahat ng prayle ay may sinumpaansa harap ng Diyos, na anaki’y tunay,

na ito raw mundo’y kusang tatalikdan,kusang tumatangi sa lahat ng yaman.

Saan di nga baga, bunsong ginigiliw;prayle ang siyang aking hihiranginna tagapag-iwi blang taga-tingin

sa iyo’t nang di ka baga pagliluhin.

Mahigit na ngayon tatlong daan taonna iniiwi kang prayle ang may kandong;

katiwala akong sa gayong panahonang isip mo’t yaman nama’y yumayabong.

Katiwala akong nagpapanuto kasa landas ng iyong sukat iginhawa;katiwala akong dangal mo’t ligaya

ngayo’y tinatanghal na walang balisa.

Tatlong sacerdote ang ipinabitay,bukod sa maraming pinahihirapan,

at dili umano’y nakapipigil dawng iyong ligaya, bunsong minamahal.

Hindi ko inino’t ang buo kong asaay pagmamasakit ang ginawa nila,

sa pagkabuhay mo’t hindi ko napunangmagdarayang udyok ng masamang pita.

Sa abang-aba ko’t laking kamalian!laking pagkasawi! laking kadustahan!

ng ipagpabaya sa kapahamakan,ang dapat mahaling usbong niring buhay.

Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastasna ang nangaaba at kinulang palad

ay pawing mabait, pawing nagsisikapdangal ta’t katwira’y igalang ng lahat.

Prayle’y napoot sa magandang naisng sa ati’y tapat kung magmalasakit

ngayon ko natanto, ngayon ko nabatidang kandili niya’y bagkus panggagahis,

Sa kayamanan mo’y sila ang sumamsamngalan pa ng Diyos ang sinasangkalanat dinadaya kang di mo raw kakamtamang langit kung hindi sila ang bayaran.

Di ka raw titingnan ngMahal na Birhenkung di ka bumili ng sintas at kalmen;pag hindi mainam ang pagpapalibingang harap ng Diyos, hindi sasapitin.

Sa paniniwala ng mga anak mo,maraming naghirap, at nasa kombentoang kanilang yama’t sila’y ingkilinona namumuwisan sa paring natuto.

Ang lupang nilawag at pinaghirapanng magulang nila’t mga kanunuan

ngayo’y asyenda na’t nahulog sa kamayng hindi nagpagod at di namuhunan.

Ang laki at higpit sa pana-panahonng pagpapabuwis ay sulung ng sulong,

makasingil lamang ay di nililingonhirap ng magsaka;t pawis na ginugol.

Salapi at pagod ng nagsisibuwisay walang katumbas kung di ang maghapis,

tanghaling sagana ang hindi nagpawis,maibaon sa utang at tumangis-tangis.

Ang lahat ng ito’y ninanais sanang malagyang lunas ng sinta mong ina,ngunit paanhin ko, ngayo’y matanda na,

hapo na sa hirap ako’t walang kaya.

Page 4: Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)

Ang mga balitang Legazpi’t Salcedoat iba’t iba pang inaasahan ko

sa pagkakalinga ng tapat sa iyo,ngayon ay wala na’t inulila tayo.

Sa nangangatirang ngao’y nabubuhayoo’t may mabait, bayani at paham;ngunit sia-sila’y nangag-iiringan

di magkasundo sa anumang pakay.

Sa ibig ng isa’y hahadlang ang iba,sa balang kuruin ay di magkaisa

walang mangyayari tungol may halagasa gayo’y paanong aasahan sila!

Kaya kailangan bunsong iniirog,matutong magtiis iayon ang loob,

sa madlang dalita, kung ayaw kumilosang mga anak mo sa pagkakatulog.

Mga taga-rine, Pransuay, Alemanyaat iba pang nasyon ditto sa Europa

ay nangaghirap din sa prayle ng unapawang nangday, pawa ring ginaga.

Kanilang nasayod lahat ng hinagpissa paniniwala’t maling pananalig,

sa prayleng nagpanggap ng taong malinisna nagpakadukaha’t nag-anyong mabait.

Bayan, palibhsang marunong mahabag,ay nahambal ngani sa nakitang hirap,

ang prayle’y kinandong, pinuspos ng lingap,ang mga kumbento’y sumaganang lahat.

Prayle’y hindi naman nagpapahalatadaddaga’t dagdagan pag-aanyong aba,hindi napapansin lihim nilang banta

na ang namamaya’y kanilang mapiga.

Sapagkat ang prayle’y hindi kaparisnitong mga Paring itim kung manumit,ang prayle ay anak sa bundok at yungib

ng mga magulang na napakagipit.

Anak sa dalagita’y buong pagsasalatwalang nalalamang gawaing paghahanap

kaya kailangang tuyuin ang lahatupang manariwa ang sariling balat.

Pag may mamatay na tila mayamanprayle ang aagap magpapakumpisal,

at inuukilkil na ang pamanahanng aring inumpok ay kumbento lamang.

Hinlog, kamag-anak ay dapat limutinsa oras na iyon, siyang sasabihin,kalulwa’t yaman dapat na ihain

sa prayle’t ng huwag impyerno’y sapitin.

Ang lahat ng ito’y nadaragdagan pang bala-balaking panilo ng kuarta

kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa,ay pawing pandukot sa maraming bulsa.

Sa gayon nang gayo’y lumaki nga namanang ari ng prayle’t naghirap ang bayan;

mahalinhang bigla ng kapalaluanang binalatkayong kababaang asal.

Diyan na naninghal, diyan na nang-apibuong kataksilan ang pangyayari,

ang bawa’t pinuno sa prayle ang kampibaya’y namighati sa pagkaduhagi.

Ganda ng babae, ang dunong ang yamanay nagiging sanhi ng kapahamakan,

walang sumaklolong may kapangyarihansa kualita’t nayuko baras ng katwiran.

Ang balang magsabi, ang balang mag-isipng magpaaninaw ng santong matuwid,walang nararating kungdi ang maamisluha’y patuluin hanggang sa mainis.

Sapagka’t ang balang mapaghinalaanna sa hangad nila’y di maaasahan

ay ipapahuli at pararatanganng salang dakila’t madlang kataksilan.

At sa bilanggua’y agad kukulunginsa gutom at uhaw ay papipitiin,

ang lamig ng lupa’y siyang babaniginng sa kanyang baya’y natutuong gumiliw.

Hindi tutulutang magtamong liwanagsa araw at gabi ay kahabag-habag

kung hapong-hapo na sa gayong paghirapay paaamining siya nga’y nagsukab.

Page 5: Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)

May ipinapangaw ang dalawang paakamay at katawa’y gagapusin muna,saka tatapatan ang sakong ng baga

hanggang di umamin sa paratang nila.

At kung masunod na ang kanilang nasaumamin sa sala ang lipos-dalita

tali nang kasunod, parusa’y ilalagdasa martir ng prayle’t mapapanganyaya.

Ang parusa noo’y samsamin ang yamanSaka unti-unting alisan ng buhay;Idaraan muna sa isang simbahan

Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan.

Sa gitna ng plasa ay may nakahandana naglalalagablab na malaking siga,diyan igagatong sa harap ng madla

ang sa kanyang baya’y ibig kumalinga.Taghoy ng sinigan at madlang kaharapluha ng magulang, hinlog, kamag-anakpagtangis ng madla ay walang katapat

kundi ang sa prayleng tawa at halakhak.

Yutang-yutang tao ang nanguuyamng panahong yaon sa gayong paraan,ang payapa’t aliw noon ay pumanawnalipos ng luksa libo-libong bayan.

ang yaman nasamsam, buhay na nakitilay di babahagya’t noo’y walng tigil,

ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil.magsabog ng dusa, gutom at hilahil.

Ano pa nga’t noon ay kulang na lamangAng nangaulila’y magpapatiwakal;

Niloob ng langit, nanangagsangguinianat nangagkaisang sila’y magdamayan.

Diyata nga kaya, ang winika nila,at wala nang lunas sa ganitong dusa?

diyata nga baga’t itong binabatasa inaanak nati’y ipapamana pa?

Huwag magkagayo’t yayamang namalas,na sa daang ito’y nasubyang ang landas,

ay hawanin nating, sakitin ng lahat,ilayo ang madla sa pagkapahamak.

Lalaki’t, babae, matanda at bata,ngayo’y manalangin, sa langit paawa,ang santong matwid sa kusang dinusta

ay ibangon nati’t Diyos ang bahala.

Kanilang nilusob ang mga kombento,prayle’y inusig pinutlan ng ulo,

ang balang makitang prayleng nakatakbokung hindi barilin, kanilang binato.

Higanti ng baya’y kakila-kilabotwalang pagsiyahan ang kanilang poot,ang mga kombento’y kanilang sinunog

inuring pugad ng masamang hayop.

Prayle’y nanglalaban, ngunit lalin kayasa galit ng bayan ang magiging kuta!

ang payapang dagat, pasiyang nagbalaay walang bayaning makasasansala

Yaong bayang supil, dating mahinahon,dating mapagtiis, at mapagpasahol,inunos ng dusa’t malalaking alon

ng paghihiganti noo’y luminggatong.

Walang nakapigil, walang nakasangga,palibhasa’y bayan ang magpaparusaang mga pinuno’y nawalan ng kaya,umayon sa baya’t nang di mapag-isa.

Kaya nga bunso ko’t magpahangga ngayonang Prayleng lumakad sa kanilang nayon,

kahit na bata ay nagsisipukolinu-using nilang parang asong ulol.

Sa paraang ito, bunsong minamahal,ang dating dinusta’y makatighaw-tighaw;ang prayle’y lumayas, iniwan ang bayan

at muling naghari ang kapayapaan.Ngunit hindi naman ako nagpapayo

ang ganoong paraan baga’y asalin mo,ako’y walang sukat na maisaklolo,

kaya katitii, magtiis, bunso ko.

Walang natimawa sa pagka-duhagi,na di namumuhunan ng pamamayani;kung hindi mo kayang prayle’y iwaksimagtiis ka, irog, sa palad mong imbi.

Page 6: Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)

Ang mga anak mo’y nangagugupiling,sa dusting lagay mo’y di nahihilahil,

magdarayang hibo ng kaaway na lihimsiiyang diniringig, luha mo’y di pansin.

Diyata ay sino ang dapat mag-adyasa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila?kung sa mga anak mo’y di makaaasa,

walang daan, irog, kundi ang magbata.

Ang araw na sila’y magka-isang loobat mangagkagising sa pagkakatulog;ang araw na iyan, ang araw ng Diyos

baya’y maniningil . . . Sino ang sasagot?

Kailangan bunsong, sila’y mahiratisa pagmamasakit sa bayang sarili:

Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . .huwag lilimuting ganito ang sabi:

“Panaho’y matamis sa tinubuan bayan“at pawang panglugod ang balang matanaw,

“ang simoy sa bukid ay panghatid buhay,“tapat ang pag-irog, subalit ang namatay.”

Alinsunod dito’y aling hirap kayaang sukat indahin sa pagka-kalinga,

sa sariling baya’t upang matimawa,sa madlang pahirap at sumapayapa?

Ang lahat mong anak, ginhawa’t dukha man,maging taga bukid, maging taga bayan,

lalaki’t babae, pantas man at mangmang,santong matwid mo’y dapat ipatanghal.

Walang iba, bunso, na dapat hiliinsila ng sa iyo’y tapat na pagtingin:

ang pagpapabaya’y pananagutan din,sa harap ng Diyos sila’y sisisihin.

Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal,sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay“kayong nagpabaya sa sariling bayan,

“anya’y dapat naming Aking pabayaan!”

Ilayo ng langit sa ganitong sumpaang mga anak mo, bunsong minumutya:

sa iyo’y matuto ng pagkakalingamatutong umampat ng iyong pagluha.

Ito na nga lamang ang maisasagotng salantang ina sa hibik mo, irog;

sasakyan mo’y gipo, huwag matutulogang mga anak mo’t masigwa sa laot.

Page 7: Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)

Katapusang Hibik ng Pilipinasni Andres Bonifacio

Sumikat na Ina sa sinisilangan ang araw ng poot ng Katagalugan, 

tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan. 

Walang isinuhay kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap; 

iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat. 

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis... ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. 

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog, hinain sa sikad, kulata at suntok, 

makinahi't biting parang isang hayop; ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? 

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon; barilin, lasunin, nang kami'y malipol. 

Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon? 

Aming tinitiis hanggang sa mamatay; bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, 

kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman. 

Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina kundi pawang hirap; tiis ay pasulong, patente'y nagkalat, 

rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat. 

Sarisaring silo sa ami'y inisip, kasabay ng utos na tuparing pilit, 

may sa alumbrado---kaya kaming tikis, kahit isang ilaw ay walang masilip. 

Ang lupa at buhay na tinatahanan, bukid at tubigang kalawak-lawakan, at gayon din pati ng mga halaman, sa paring Kastila ay binubuwisan. 

Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa, huwag nang saysayin, O Inang Espanya, 

sunod kaming lahat hanggang may hininga, Tagalog di'y siyang minamasama pa. 

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban, kami'y di na iyo saan man humanggan, 

ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay. 

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog, ang sigwang masasal sa dugong aagos 

ng kanilang bala na magpapamook. 

Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, 

paraiso namin ang kami'y mapuksa, langit mo naman ang kami'y madusta. 

Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, 

paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.