he's back by foreverinspirit. ever heard of best friend...

32
He's Back by ForeverInspirit. Ever heard of BEST friend and CHILDHOOD friend? Isang BEST at CHILDHOOD friend na nang-iwan sayo para pumunta sa ibang lugar? Oo. Meron ako niyan. Pakshet nga eh. Kung makapangako ang baliw na yun akala mo naman kaya niyang gawin. -___- Pinapaasa lang niya ako. Tss. Sipain ko siya pag nagkita kami eh >___< "Ba't ka ganyan makatitig sa childhood photos mo?" Tanong ni Kuya habang inuubos ang isang pack ng Clover Chips. "Lamunin mo na nga lang yang Clover at wag mo akong pakielaman! -.-" "Suuuus, miss mo lang si Derek eh" =________= BA'T NIYA BA BINABASA ISIP KO? AMFFUUU >____< "Wawasakin ko yang mukha mo, Kuya. Kanina ka pa!" "So, namimiss mo nga?"

Upload: others

Post on 21-Sep-2019

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

He's Back by ForeverInspirit.

Ever heard of BEST friend and CHILDHOOD friend?

Isang BEST at CHILDHOOD friend na nang-iwan sayo para pumunta sa ibang lugar?

Oo. Meron ako niyan.

Pakshet nga eh. Kung makapangako ang baliw na yun akala mo naman kaya niyang gawin. -___-

Pinapaasa lang niya ako. Tss. Sipain ko siya pag nagkita kami eh >___<

"Ba't ka ganyan makatitig sa childhood photos mo?" Tanong ni Kuya habang inuubos ang isang pack ng Clover

Chips.

"Lamunin mo na nga lang yang Clover at wag mo akong pakielaman! -.-"

"Suuuus, miss mo lang si Derek eh"

=________=

BA'T NIYA BA BINABASA ISIP KO? AMFFUUU >____<

"Wawasakin ko yang mukha mo, Kuya. Kanina ka pa!"

"So, namimiss mo nga?"

"HINDEEE! >___< AYOKO SA KANYA! MANG-IIWAN SIYA! WALA SIYANG KWENTA!"

"Grabe. Di naman niya kasalanan kung bakit siya umalis eh >___>"

"Pero kahit na! Sabi niya babalik siya! Pero anong petsa na at gugunaw na ang mundo sa December pero wala pa

rin siya!"

"Oh kalma lang. Baka atakihin ka sa puso niyan"

Napabuntong-hininga ako at sinara ang photo album na puno ng childhood photos ko. At kadalasan sa kanila eh

kasama ko si Derek.

Si Derek Buenavista. Siya ang first ever friend ko nung lumipat kami dito sa Marikina. Galing kasi kami sa Baguio

nun eh. Ewan ko ba kung anong nakain ng mga magulang ko at naispang tumira na lang sa Marikina. Masaya

naman sa Baguio eh. Malamig pa -____-

Kung tatanungin niyo kung nasaan ang hayop na yun eh ewan ko. Kainis siya! Iniwan ako! >___<

13 years na ang nakakaraan pero wala pa rin siya! Sabi niya mga 8 years lang daw ang aabutin para magkita

kami ulit pero ano? Nadagdagan ng 5 YEARS. 5 LONG YEARS. Para na nga akong baliw sa kakahintay sa

kanya. At siguro BALIW na nga talaga ako dahil naghihintay ako sa WALA.

Sabi nga ni Kristy, ang pinsan ko, hindi na daw babalik si Derek.

Aba kapalmuks ng baliw na yun! Magsasabi na babalik siya pero hindi naman? Shunga lang? -____-

Humiga ako sa higaan ko at napatingin sa kisame.

Ibang klase ang kisame ko dahil dun nakalagay ang memorable pictures para sa akin. Tapos may design pang

glow in the dark na stars. Nagpakahirap akong abutin ang kisame para diyan >___>

"Mga lalake talaga paasa. Dinadaig pa ako eh -____-"

Nakasentro ang atensyon ko sa isang picture.

Picture namin ni Derek. Naka-sakay ako sa likod niya. Napagtripan siguro ng mga magulang ko na picturan dahil

ang cute daw namin tingnan. BAGAY daw kami. Sa pagkakaalala ko nga eh sinabi ko pa kina Papa na hindi kami

bagay. Tao po kami. >___> Pilosopong bata ako eh -___-

"Ano ba yan! Naalala ko nanaman nung iniwan mo ako! TT_____TT"

3 years old ako nung nakilala ko si Derek. Nasa harapan lang kasi namin ang bahay nila.

Hay grabe. Fresh na fresh pa rin sa utak ko kung paano kami nagkakilala ng mongoloid na yun. -___-

IKAW BA NAMAN TIRAHIN NG WATER GUN?!

Kasama ko ang Kuya ko nun. Nasa park kami at iniwan ako sandali ni Kuya para bumili ng ice cream. Hindi

naman ako galang bata kagaya ni Dora kaya nag-stastay lang ako sa isang lugar. May pagka-introvert pa ako nun

dahil mahiyain pa ako. Ikaw ba naman manggaling sa tuktok ng Pilipinas. >___>

"Tagal Kuya >___<" Umupo ako sa isang bench habang hinihintay si Kuya.

Pinagmamasdan ko lang yung mga batang nag-lalaro.

Grabe, ang emo kong bata -____-

Pinapanuod ko yung mga batang nadadapa tapos iiyak. Yung mga batang naghahabulan, nagtutulakan. Yung iba

nagsasapakan na. Tapos yung iba PBB TEENS. Este KIDS.

Akala ko nga mananahimik lang ako sa isang sulok sa park pero HINDI PALA.

Nagulat na lang ako ng biglang may tumamang tubig sa mukha ko. Akala ko nga umuulan eh. Pero pagtingala ko

wala naman. Tapos may tumamang tubig nanaman sa kanang pisngi ko kaya napalingon ako sa right side ko. At

pagkaharap na pagkaharap ko eh SAKTONG sprinay ako ng tubig gamit ang WATER GUN.

"WAAAAHHH!!!" Iyak ko at pinunasan ang tubig sa mukha ko.

"HAHAHAHAHAHA!" Tawa ng baliw na batang nambasa sa akin.

Hinabol ko ang lalakeng yun sa buong park hanggang mapagod kaming dalawa.

"IKAW MASAMA!" Sigaw ko habang tinuturo yung batang lalake.

"Torry.... (Sorry)"

"ASHLEEY!" - Kuya

"WAAH! KUYAA!" Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya.

"KUYA! KUYA! BASA AKO NIYA!" Sabay turo dun sa bata.

"Teka..." Lumapit siya sa bata. "Ikaw si Derek Buenavista diba?"

Tiningnan siya ng bata at tumango ito.

Mukha siyang na-guguilty nun.

PERO MUKHA LANG.

Aba, bigla ba namang tinutukan ng water gun si Kuya at binasa. -_____-

"HAHAHAHAHA!" Tawa nito at tumakbo papalayo.

End of flashback.

Ganda ng first meeting namin ano?

NAG-BASAAN -____-

Pero hindi naman big deal sa akin yun at nakalimutan ko agad. At maayos naman ang SECOND meeting namin

eh.

Nasa harapan ako ng bahay namin at nakatingala sa langit. Mahilig kasi akong mag-sight seeing. Gawain ko yun

kahit nung nasa Baguio pa kami.

At pagkababa ko sa ulo ko eh sumalubong sa akin ang isang pulang rosas.

"Ano yan?" Tanong ko.

Binaba ng taong hawak hawak ang pulang rosas kaya nakita ko na kung sino siya.

Napatayo nga ako bigla eh. Baka kasi basain nanaman niya ako -___-

"Wala ako water gun. Sira" Saad niya at tumabi sa akin.

"Sayo" Sabay abot ng pulang rosas.

Nagulat nga ako at wala nang tinik yun.

Napalingon ako sa kamay niya. Puro sugat.

O____O

"WAAH! DUGO! DUGO!" Sigaw ko at tinuro ang kamay niya.

Tinago naman niya ito.

"Masakit?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Torry..." Bulong niya at tumungo.

Sorry? Para dun sa nangyari dati?

"Okay lang" Saad ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng malapad.

"TALAMAT!" Sigaw niya at niyakap ako.

O______O

"WAAAAHHH!" Tinulak ko siya papalayo kaya nahulog siya sa upuan.

MANYAK! MANYAK! >____<

Tumakbo ako papasok ng bahay at nilock ang pinto.

Yun ang second meeting namin. Mas maayos na kesa sa una noh?

Habang tumatagal mas nagiging comfortable na ako pag kasama ko si Derek. Makulit kasi siya at hindi talaga

nasasayang ang oras ko pag kasama ko siya. He knows how to make me laugh. Ganun siyang klaseng tao. Akala

ko nga forever na kaming magkasama pero HINDI RIN. Aalis rin pala siya.

"Ha? Aalis ikaw?" Tanong ko.

Nasa sala kami ngayon ng bahay ng mga Buenavista. Pangalawang tirahan ko na nga 'to eh. Lagi akong nandito.

Kulang na nga lang dito na ako tumira eh -___-

"Oo. Dahil sa trabaho ni Papa"

"AYAW! AYAW!" Pagmamaktol ko.

Ngumiti siya.

"Teka..."

Tumakbo ito papaakyat sa second floor ng bahay nila at bumalik matapos ang dalawang minuto.

May hawak hawak siyang kahon at inabot niya sa akin yun.

"Ano 'to?"

"Regalo"

Binuksan ko yun at isang necklace ang nakita ko.

"Bigay ko daw sayo sabi ni Mama"

Ang cute cute talaga ng necklace na yun. Kahit pambata siya tingnan, eh okay lang naman. Tsaka bata pa

naman kami nung binigay niya yun kaya okay lang talaga. Bagay naman eh >___>

Sinuot ko ang necklace na binigay niya at mas lalo pa siyang ngumiti.

"Babalik ako. Balang araw"

"Gaano katagal?" Tanong ko ng may pagaalanganin.

"8 years..." Nanlumo siya.

8 YEARS?! GRABE PARANG ISANG DEKADA NA YUN EH!

Naiyak ako.

"I-Ingat k-ka" Niyakap ko siya at tumakbo palabas ng bahay.

Nagkulong nga ako sa kwarto ko ng sobrang tagal at hindi ko man lang namalayan na UMALIS na pala sila

DEREK. Nung lumabas ako wala nang tao sa bahay ng mga Buenavista. Nung tinanong ko kay Kuya nung isang

linggo pa daw sila umalis. Haaay, di man lang ako nakapag-goodbye. Pero... babalik naman daw siya diba?

"Derek... pag nakita talaga kita sasapakin kita >___<"

"HOY ASHLEY! BUMABA KA NA DIYAN! SAMAHAN MO AKO SA PALENGKEEE!!!" - Kuya

"OO NA!"

22 years old na si Kuya at nagpapasama pa rin sa palengke? -___-

Sa palengke.

Kilala na kami ng mga tindera't tindero dahil dito kami laging bumibili. Sulit naman dahil fresh na nga, affordable

pa!

"Ash, punta ka naman dun sa gulayan. Bili ka ng kangkong at pechay" Inabutan lang ako ni Kuya ng pera at

lumarga na ako papunta sa Vegetable Section.

"HI MANANG!" Saad ko ng marating ang tindahan ng gulay.

"Oh ikaw pala, Ashley! Anong maitutulong ko?"

"Kangkong nga po at pechay"

"Sige, iha sandali lang"

Tumalikod lang siya sandali at agad na inabot ang hinihingi ko.

"Salamat, Manang!"

"Walang anuman, Ashley. Ingat ka" Nginitian ko siya at nung maglalakad na ako eh...

*BOOM*

"AY BAKLA!" Tumilapon ang binili kong kangkong at pechay at ako naman eh nadapa.

Napahawak ako sa ulo ko. SHEET, ANG SAKEET >____<

Tumingin ako sa taong nakabunggo sa akin.

Aba! Sinong baliw ang pupunta sa palengke ng naka-formal wear plus shades?

"HOY IKAW! ANG KAPAL NG MUKHA MONG BANGGAIN AKO! BULAG KA BA?! TSAKA BAKIT KA

ANG-SHASHADES? ANG TAAS NG ARAW AH!"

Tiningnan lang niya ako at nilabas ang wallet niya.

Kailangan ipagmalaki na sagana sa pera ang wallet niya?

"Sorry, miss. Di kita napansin"

Inabutan niya ako ng 2 thousand pesos at naglakad papalayo.

"HOY! BUMALIK KA DITO! BASTOS KA! WALANGYAAAAAAAAA!"

Ayun, di rin lumingon =____=

***

Monday. 9AM.

"POTEK TALAGA YUNG HINAYUPAK NA YUN! SARAP KALBUHIN LECHEE!"

"Kalma lang insan" - Kristy

"EH LECHE SIYA KRISTY! KAPAL NG MUKHANG BANGGAIN AKO!!!"

Nasa classroom kami ngayon at AKO ang pinakamaingay.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kawalanghiyaang ginawa ng hayop na yun!

Papatayin ko siya pag nagkita kami!

Kakalbuhin ko siya!

Ipapakain ko siya sa tigre!

At ipapadecompose sa earthworms! -_____-

"Ay 'te, alam mo bang may transfer student sa kabilang section? Imported! Galing States!"

States? America?

"Paki ko? -___-"

"FAFABLE DAW GIRL! TULO LAWAY NG GIRLS NGA DAW EH!"

"Eh ano ngang paki ko? -___-"

"Psh. Bahala ka. Kung ganyan ka baka tumanda kang mag-isa >3<"

"Che!"

Binuksan ko na lang ang IPad ko at diretsong pumunta sa Wattpad.

Wooo! May update ang Never Talk Back!

Pero nabaril si Fafa Top T_____T

Tapos may 60 days pa -___-

Tapos yung Crazy Trios kung ano-anong milagro ang sinasabi kay Sammy XD

Tapos si Red, naghihiram ng BB Cream kay Audrey.

Tapos si Sammy... naimpluwensyahan na ng Crazy Trios -__-

Hay life. Sana ganito na lang rin ang love life ko. Parang mala-WATTPAD lang.

Kung pwede lang na pumasok sa Wattpad eh ginawa ko na. Ayoko na dito sa real world. Hirap na hirap na ako

-___-

Taimtim akong nagbabasa sa Wattpad.

Kaso bigla akong napahinto ng biglang may nagbukas ng pinto at tumakbo papasok ng classroom.

Teka...

Parang kilala ko 'to ah...

Tumakbo siya papunta sa direksyon ko at napahinto ng makita ako.

Si...

"IKAW NANAMAN?!" Sigaw ko at tinuro siya.

"IKAW NA HAYOP KA! ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

"SSHH!! MISS WAG KANG MAINGAY!" Tinakpan niya ang bibig ko at kasabay nun ang nakakabinging sigawan

ng mga babaeng tumatakbo sa hallway.

Pumipiglas ako at kinagat ko pa ang kamay ko.

"ARAY ARAY! FCK! AMAZONA KA BA?!"

"OO AMAZONA AKO!!!"

Infernes ah, gwapo rin pala ang isang 'to >___>

"Ba't ganyan ka makatitig, miss? Nagwagwapuhan ka sa mukha ko noh?"

"Sa mukha mo lang. Pero yung ugali mo, SOBRANG PANGET"

Ngumisi ito.

"Sige, miss alis na ako" Kinindatan niya ako at naglakad palabas ng classroom.

Just what the heck is that -____-

"KYAA! INSAN SIYA YUN! YUNG TRANSFER STUDENT! YUNG IMPORTED!" - Kristy

Siya yun...?

Ay sayang. Akala ko magiging crush ko siya pero hindi pala. Psshhh. Mas masahol pa sa hayop ang pag-uugali

niya. Ayoko sa kanya! Mas gusto ko pa ang Kuya ko kahit paminsan gusto ko siyang sapakin!

Pero sa totoo lang, gwapings talaga yung transfer student XD

***

4PM.

School garden.

Mag-isa akong naglalakad sa may garden. Wala kasi si Kristy. Mag klase pa siya eh. Ako naman, tapos na kaya

nakatambay na lang ako sa may school garden. Tsaka, nagbabasa ako sa Wattpad eh.

"Ang gwapo ni Syncbabes ^0^"

Binabasa ko ulit ang Voiceless ni HYSTG. Wala lang. Ang ganda kasi eh. >____<

Naka-focus lang ang atensyon ko sa IPad at wala akong paki kahit pa may mabunggo ako. Psh, tumabi sila at

dadaan ang dyosa at reyna!

"Grabe, sino ba yang si Memo? Gusto ko nang makilala ang isdang yon >___<"

Naglalakad pa rin ako at nakarinig ako ng nagtatakbuhan. Mga lalake lang siguro.

"Memo Memo Fish Fish"

"Anong Memo Memo Fish Fish?"

Napahinto ako sa paglalakad.

O____________O

"IKAW NANAMAN?!"

Oo, ang transfer student nanaman -____-

"Hi Miss. Miss mo 'ko?"

"Yuck. In your ugly face, dude"

"Awts. Ang taray mo naman, miss"

"Oo. Matara---"

"HOY DEREK!" Sigaw ng isang taong papalapit sa amin.

Derek?

Lumapit ang lalake dun sa 'Derek' at ginawa ang isang weird handshake. Abnormal lang? -___-

"Derek?" Tanong ko.

Napatigil silang dalawa sa paguusap nila.

"Miss, Derek Buenavista nga pala"

A-Ano?

Siya si Derek?

Bakit hindi ko siya namukhaan?

At bakit parang di niya ako kilala?

"Ikaw si Derek?"

"Hi Ashley" Saad niya at ngumiti.

"Miss mo 'ko?"

-______________-

"MAKAPAL PA RIN ANG MUKHA MO!"

Tumawa siya.

"Di mo na ako namukhaan noh?"

"Oo. Pumangit ka kase eh"

"Ang gwapo gwapo ko eh"

"Eww"

Ba't ba hindi ko nahalata na siya si Derek?

Eh pareho silang makapal ang mukha, nakakainis at higit sa lahat, MAYABANG!

Tumangkad lang naman siya... at... at... gumwapo?

"Di ka ba marunong magbilang? Sabi mo 8 years. Eh bakit naging 13 years?"

"HAHA! Wala lang. Pero... alam ko pa rin ang ginagawa mo dito kahit wala ako"

O______________O

"Balita ko nga nagwawala ka na dahil hindi ako sumunod sa pinangako ko eh"

"Psh. So masaya ka na niyan?"

"Oo" Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Pre, mauna na ako. Babawi lang ako sa girlfriend ko"

Girlfriend?

"KAPAL MO! KAKAKITA LANG NATIN TAPOS GIRLFRIEND NA AGAD?"

"Ayaw mo? Maswerte ka nga eh. Yung iba pumipila pa para lang maging girlfriend ko"

"Sipain kita eh"

"Kiss na lang pwede?"

"PADUGUIN KO YANG NGUSO MO EH!"

"Basain kita ng water gun, gusto mo? Or hose na lang?"

"WALA AKONG BALAK MALIGO ULIT!"

Tumawa lang siya at inakbayan ako.

"Tara na, Ash. Sige na nga, mukhang ayaw mo akong maging boyfriend eh >___>"

"Tss. Masama ang ugali mo kaya ayoko kitang maging boyfriend"

"Ha? Ang bait bait ko eh. Hindi nga ako nagka-girlfriend nung nasa States ako"

"Your point?" Tanong ko.

"Ang point ko, MANHID ka"

"Hindi po ako manhid"

"Weh? Eh pag sinabi kong mahal kita maniniwala ka?"

Napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"Oh tingnan mo bingi ka!"

S-Seryoso ba siya?

Nawala lang ng ilang taon tapos mahal na agad ako? Pwede ba yun?

"Wag mo nga akong lokohin"

"Di naman kita niloloko eh. Mahal nga talaga kita"

"SINUNGALING! NAWALA KA NG 13 YEARS!"

"I'm stalking your Facebook Account for 4 years already -____-"

O_____________O

4 YEARS?!?!

"WEH DI NGA?!"

"Yes. Pati yung mga malalanding posts ng mga lalake sa wall mo nakikita ko rin. Psh, di naman gwapo eh -___-

Sirain ko mukha nila >___>"

Natawa ako sa expression niya.

"Patunayan mo na mahal mo ako. Ang hirap naman kase paniwalaan na mahal mo ako eh nawala ka ng mahigit

isang dekada"

"Sige. Sabi mo eh. Rerespituhin ko yan"

Nginitian niya ako.

Pumunta kami sa may parking lot at sumakay kami sa sasakyan niya at dinala niya ako sa Eastwood.

Halos matunaw na kaming dalawa sobrang titig ng mga tao sa paligid namin. MWAHAHA! Isang gwapo at

maganda ay nagsama! Oh diba? Bongga!

Pumasok lang kami sa isang restaurant at agad agad namang naglakad si Derek papunta sa isang table.

"Walang tao?"

"Oo walang tao. Bagay kasi tayo eh"

O__________________O

"Yuck baduy -____-"

Tumawa lang siya at tumawag ng isang waitress.

Mukhang kabisado niya ang menu dito ah.

"Anong meron at dito mo naisipang kumain?"

"Basta. Tsaka diba sinabi ko sayo na babawi ako?"

"Kahit di ka na bumawi. Ang importante lang naman eh bumalik ka"

"Mas maganda pa rin kung babawi ako. Naghintay ka eh. Baka kasi isipin mo na pinaasa lang kita"

Yun nga ang iniisip ko -____-

Nag-kwekwentuhan lang kaming dalawa ni Derek habang hinihintay ang pagkain. Ganun pa rin naman siya.

Masaya pa rin kausap at nawawala ang antok ko sa sobrang galing niyang magpatawa. Kabisadong-kabisado na

niya talaga kung paano ako patawanin ano?

"Infernes, namiss kitang hayop ka"

"Maka-hayop ka naman -___-"

"Totoo naman eh >___>"

"Tss. Yung necklace? Nasayo pa?"

"Oo naman"

Ngumiti ito.

"Eto oh. Para sayo ulit. This time ako naman ang bumili"

Inabot niya sa akin ang isang box.

At ang laman nun ay isang necklace na silver at may design na heart.

"Ang ganda..." Bulong ko.

"Ako na mag-susuot sayo" Tumayo naman siya at lumapit sa akin.

"Akin na" Inabot ko sa kanya yung necklace at siya na mismo ang nag-suot sa akin.

"Ayan. Bagay sayo"

Nginitian niya ako.

Grabe. I can't believe this.

He really is back.

Akala ko hindi na siya babalik.

Akala ko forever alone na ang peg ko habang-buhay.

"Ashley"

"Hm?"

"Samahan mo 'ko sa may fountain. May gusto akong ipakita sayo"

"Now na?"

"Akala ko ba gusto mong kumain?"

Ay oo nga (_ __")

Kumain muna kami ni Derek at natapos kaming dalawa eh mga bandang 6PM na. Medyo madilim na rin nun.

"Tara"

Tumayo siya at kinuha ang isa kong kamay.

"Kaya kong maglakad mag-isa"

"Sinisigurado ko lang na hindi ka maagaw ng iba habang naglalakad tayo"

O____________O

KELAN PA SIYA NATUTONG MAGSALITA NG GANYAN?!

***

Fountain.

6PM.

Maraming tao ang nasa may fountain.

At kadalasan sa kanila eh lovers.

Pero okay lang. Mukha naman kaming lovers eh XD

"Anong ginagawa natin dito?"

"Wait lang. Bilang ka nga ng hanggang 5"

"Sure ka?"

"Sundin mo na lang -____-"

Sige na nga! 1 to 5 lang naman eh >____<

"1..."

"2..."

"3..."

"4..."

"5---"

Pagkabilang ko ng five eh biglang namatay ang ilaw sa buong Eastwood at nagtititilian naman yung ibang babae.

Tapos may narinig rin yata akong baklang sumigaw ng: "SI SHOMBA! SI SHOMBA!"

"Derek?"

"Shh. Nandito lang ako"

Lumapit ako sa kanya.

Grabe, nakakatakot. Ang diliiim >____<

"Power shortage?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot.

Sa halip eh tinuloy niya ang pagbibilang.

"6..."

"7..."

"8...."

"9..."

"10..."

Pagkabilang niya ng sampu eh biglang may nagsilabasang fireworks sa may langit.

Wow.

Ang colorful nila...

Ang gandang tingnan...

"UY TINGNAN NIYO YUN!"

Napalingon ako dun sa parang mga screens na nakasabit sa isang building sa may tabi ng fountain.

O___________O

PAANO NAGKAGANYAN DIYAN?!

Nagulat talaga ako dahil nag-flash sa screen ang: "ASHLEY VELASCO, I LOVE YOU!!!"

Biglang bumukas ang ilaw at nakita ko na lang si Derek na nakatayo sa harapan ko habang may hawak hawak na

isang bouquet of roses. May malapad na ngiting nakaprinta sa mukha niya.

"Derek..." Bulong ko.

May naramdaman akong nahulog sa ulo ko kaya agad akong napatingala.

Red petals?

Galing sa langit?

Ay wait. Helicopter pala XD

"Ashley..."

Lumapit sa akin si Derek at inabot ang bouquet of roses.

"Sapat na ba ang ginawa ko para mapatunayan na mahal kita? O kulang pa?"

"Dere---"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko eh bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan ako.

O///////////////////////////////O

"AYIEEEEEE!"

"SO SWEET!"

"KAINGGIT!"

"AY PBB TEENS? SEASON 5?"

At kung ano-ano pang bulong ang narinig ko.

Tumingin sa akin ng diretso si Derek.

Sobrang lapad ng ngiti niya at para bang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya.

"Ashley Velasco...

Will you be mine forever?"