hekasi group (field study) grade 5

38
HEKASI Group (Field Study) Grade 5

Upload: thao

Post on 23-Feb-2016

174 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

HEKASI Group (Field Study) Grade 5. REVIEW. Panuto : Isaayos ang mga letra upang mabuo ang mga salitang tinutukoy ng mga pahayag . 1. PNAEY-DHLCAIR CTA Ito ang unang batas na nagtaguyod ng malayang kalakalan . 2. RWEOUODDN-MSINSMO CTA - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

HEKASI Group(Field Study)

Grade 5

REVIEW

Panuto: Isaayos ang mga letra upang mabuo ang mga salitang tinutukoy ng mga pahayag.

1. PNAEY-DHLCAIR CTAIto ang unang batas na

nagtaguyod ng malayang kalakalan.

2. RWEOUODDN-MSINSMO CTA

Ito ang batas na ipinatupad noong 1913 na nagtatanggal ng limitasyon sa mga produktong Pilipinong iniluluwas sa U.S.

3. EGSNIASMT RSTNOER

Sa ilalim ng programang ito, ang sinuman ay maaaring mag may-ari ng hanggang 16 na ektaryang lupa, ngunit sa pamamagitan ng Act No. 2874 ginawa itong lima hanggang sampung ektarya.

4. EGSNIASMT RSTNOER

Sa ilalim ng sistemang ito, sinumang nakapwesto sa lupa nang ipatupad ang sistemang ito ay maaaring magpatitulo rito.

5. AEDRT EREF

Ito ay nangangahulugan na walang sagabal sa pagpasok ng mga produktong Pilipino sa U.S., gayundin ng produktong Amerikano sa Pilipinas.

PATAKARANG PANGKABUHAYAN

NG MGA AMERIKANO

Pagbabagong Panlipunan Panahanan Kalusugan at kalinisan Pagkabuo ng mga lungsod Pagbabago sa populasyon Transportasyon at komunikasyon Edukasyon at relihiyon

Panahanano Sa panahon ng mga

Amerikano, ang bahay na bato ay napalitan ng Bungalow at Chalet.

CHALET-ay isang bahay na gawa sa kahoy na may padahilig (sloping) na bubong at malapad na sulambi

(widely overhanging eaves). BUNGALOW

-ay isang bahay na kadalasang isang palapag lamang at may malawak na veranda.

ISKWATER

- dumami ang mga iskwater na lumikha ng suliranin sa kalusugan dahil sa kahirapan.

Kalusugan at Pangangalaga sa Kapakanan ng

Mamamayan

Pagdating ng mga Amerikano, pinagtuunan nila ng pansin ang pagsugpo sa mga sakit sa pamamagitan ng Quarantine service.

Bumaba ang bilang ng mga sanggol na namamatay sa panganganak.

Nabawasan din ang pagkakaroon ng MALARIA, BERI-BERI, KOLERA at iba pang sakit.

Sa kabilang dako, nahirapan ang mga Amerikanong doktor dahil natuklasan nilang taglay ng mga Pilipino ang katutubong paniniwala hinggil sa pagkakasakit at pagpapagaling ng sakit.

Board of Public Health

Itinayo noong 1901 Nagsagawa ito ng kampanya para sa

pagpapabuti ng kalusugan at pagtuturo ng mga bagong kaalamang pang-kalusugan

Nagtayo ng mga institusyon para sa may sakit

Kinupkop ang mga batang ulila, may sakit sa pag-iisip at mga kabataang mapabayaan o napariwara

Sistema ng Transportasyon at Komunikasyon

Ang pagpapaunlad sa sistema ng tranportasyon at komunikasyon ay inasikaso rin ng mga Amerikano upang mapadali ang pagdadala ng produkto mula sa mga taniman tungo sa mga sentrong pamilihan

Karitela, kalesa at kariton sa panahon ng ESPANOL ay napalitan ng mga trak at tren na nagpabilis sa transportasyon.

Binili ng pamahalaan ang Manila-Dagupan Railway Company at ginawa itong Manila Railroad Company.

Ginawa ang daan patungo sa Baguio at ginawang pahingahan ng mga Amerikano.

Noong 1930, binuksan ang Bicol Express na patungo sa katimugang Luzon at Kabikulan.

Noong 1902, binuksan ang mga mahigit sa 100 daungan sa bansa.

1905, pinasimulan ang pagkakaroon ng linya ng telepono.

1933, nagkaroon ng serbisyo sa radio.

1935, mayroon ng higit sa 1000 koreo sa bansa kung kaya naging madali ang komunikasyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Wika at Panitikan

Sa pamamagitan ng sistema ng pampublikong edukasyon, natutuhan at nakasanayan ng mga Pilipino ang wikang English.

ESPANOL/PRAYLE

Naniniwalang hindi dapat matuto ng wika nila ang mga Pilipino.Sa ganitong paraan ay mapapanatili nila pagiging “mababa” ng lahi ng indio kung tawagin nila.

Amerikano Naniniwala na upang magtagumpay

ang kolonyalismo, mas mainam kung matututo ang mga Pilipino ng wikang English.

Mas naunawaan ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano at inaasahang mamahalin nila ito kaysa sariling kultura.

 

Wikang English Pamantayan sa pag-angat sa buhay ang

pagiging marunong sa wikang English.

Naging pamantayan ang kaalaman sa wikang English sa kahusayan ng isang Pilipino sa panahon ng Amerikano at maging sa kasalukuyang panahon.

Sa panitikan, dumagsa ang mga manunulat ng Pilipino na nagsulat sa wikang English.

Panitikan Juan Salazar Justo Juliano Bernardo Garcia Maximo Kalaw Tarcilla Malabanan Francisco Africa

Sanaysay at Tula Fernando Maramag Carlos Romulo Mauro Mendez Christino Jamias Vicente Hilario Elisio Quirino

Noong dekada 1930, higit na dumami ang mga manunulat

Federico Mangahas

Salvador Lopez Francisco

Icasiano Amando Dayrit

Maria Luna Lopez Manuel Arguilla Bienvenido Santos Maria Kalaw

Edukasyon at Relihiyon

Tumaas ang bilang ng Pilipinong nakapag-aral

sundalong Amerikano ang siyang nagsilbing guro sa pampublikong paaralan.

Pinalitan ang mga Amerikanong Sundalo ng mga “Thomasites”.

Sistemang Pensionado.

1913 hanggang 1914, ipinadala sa U.S ang mga mag-aaral na Pilipinong nagpamalas ng katalinuhan sa iba’t ibang sangay.

Act 74 (1901) binuksan ang paaralang pambabae

Instituto de Mujeres Centro Escolar de Senoritas Philippine Women’s College 1908, itinatag ang

Unibersidad ng Pilipinas

Sa relihiyon kinilala ang pamahalaang Amerikano sa paghihiwalay ng Simbahan at Estado bunga nito:

pagkakaroon ng secular ng kurikulum sa paaralan

ginawang opsyunal ang pagtalakay ng relihiyon sa klase

malayang makapamili ng relihiyon ang mga Pilipino.

Naitatag ang simbahang protestante:

Methodist Baptist Lutheran Presbyterian Episcoplian 

Pangkatang GawainGumawa ng isang dula-dulaan. Angisang tauhan ay magpapakita ng pagyakap sa kulturang Amerikano. Siya ay magsasalita sa wikang English na balu-baluktot. Samantala, ang isa pang tauhan ay magpapakita ng pagmamahal sa pagiging tapat

sa kulturang Pilipino at sa katutubong wika. Pagkatapos ng dula-dulaan, talakayin sa klase kung ano ang opinyon ng klase sa dalawang karakter at kung sion sa inyong palagay ang dapat tularan.

THE END Thank You!

Members:

Azura, Catherine Caballas, Rochelle

Betonio, Penilyn Daroy, Nikki

III-8 BEEd

Quiz No. 31. Tranvia o tramvia2. English o Ingles3. Sundalong Amerikano4. Thomasites5. Fernando Maramag6. Quarantine Service7. Pensionado8. Bungalow9. Hamburger10. Protestante o Protestant

- 20Jayson