handbook ng - bc housing

27
HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN MARCH 2012 – TAGALOG

Upload: nguyendang

Post on 17-Dec-2016

234 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: HANDBOOK NG - BC Housing

HANDBOOK NGNANGUNGUPAHAN

MARCH 2012 – TAGALOG

Page 2: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN1 |

MALUGOD NA PAGDATING. 3

TUNGKOL SA BC HOUSING 4

Mga Tungkulin ng mga Kawani ng 4

BC Housing

Newsletter para sa Nangugupahan at 6

mga Pabatid sa E-mail

PAGLIPAT 7

Mga Susi at Kandado 7

Paradahan 7

Seguro 7

Hydro at Gas 8

Cable; Telepono; Satellite Dishes 8

Mga alagang hayop 8

RENTA 8

Paano Kinukuwenta ang Inyong 9

Kontribusyon sa Renta bilang isang

Nangungupahan o Tenant Rent

Contribution (TRC)/Renta

Paano Babayaran Ang Inyong 9

Kontribusyon Sa Renta Bilang

Nangungupahan/Renta

Proseso ng Taunang Pagrepaso 10

MGA KARAPATAN AT RESPONSIBILIDAD 11

Patakaran ukol sa Pagkapribado 11

Kasunduan sa Pangungupahan 12

Laki ng Sambahayan 12

ANG INYONG BAGONG TAHANAN 12

Pangangalaga sa Inyong Unit 12

Mga Kasangkapan 13

Mga Banyo 13

Mga Silong at Bodega 14

Mga Bakuran at Balkonahe 15

Basura sa Bahay at Pagreresiklo 15

Mga Karaniwang Lugar 15

Mga Silid-labahan 15

Pagtitipid ng Enerhiya 16

Mga Renobasyon at Alterasyon 17

Mga Bisita 18

Paninigarilyo 18

Pagpatay ng mga Peste 18

Ingay at mga Abala 19

Mga Alitan at Reklamo 19

Pagmementina at mga Pagkukumpuni 19

Mga Emergency na Pagmementina kapag 20

Tapos na ang mga Oras ng Trabaho

Pagsunod sa mga Regulasyon ng WorkSafeBC 20

Paglipat 20

KALIGTASAN 22

Protektahan ang Inyong Sarili at 22

ang Inyong Tahanan

Maging Handa Sa Isang Emergency 22

Kaligtasan kung may Sunog 23

Programang Maramihang Pabahay sa Ligtas 25

sa Krimen (Crime Free Multi-Housing Program)

Bandalismo 26

PAGPAPAUNLAD NG KOMUNIDAD 26

Mga Grupo ng mga Nangungupahan 26

at mga Programa

Mga Serbisyong Pangkalusugan 27

PAG-ALIS 28

APPENDIX 1: IMPORMASYON KUNG 29

PAANO MAKOKONTAK

APPENDIX 2: ANG INYONG PLANO KUNG 32

PAANON LALABAS KAPAG MAY SUNOG

MGA NILALAMAN

Page 3: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN2 |

ANG HANDBOOK NA ITO AY IBINIGAY

BILANG ISANG GABAY LAMANG. ANG

INYONG MGA LEGAL NA KARAPATAN AT

RESPONSIBILIDAD AY INILARAWAN SA

INYONG KASUNDUAN NG PAMAHAYAN

SA PANGUNGUPAHAN.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa inyong mga

karapatan at responsibilidad bilang isang nangungupahan,

tumawag sa telepono sa Opisina ng Pamahayan sa

Pangungupahan (Residential Tenancy Offi ce) sa 604-660-1020

(sa labas ng Lower Mainland: 1-800-665-8779) o online sa

www.rto.gov.bc.ca

Page 4: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN3 |

MALUGOD NA PAGDATING SA INYONG BAGONG TAHANAN.Ang handbook na ito ay magbibigay sa iyo ng pag-unawa

ng mga patnubay at patakaran na sinusunod ng BC Housing

upang matulungan kayo na gawin ang inyong tahanan na

isang ligtas, abot-kaya at maginhawang lugar na matitirahan.

Hindi kasama dito ang detalyadong impormasyon para sa

mga tukoy na lokasyon. Gayunpaman, nagbibigay ito ng

isang magandang pangkalahatang pananaw kung paano

ang palakad ng BC Housing, pati na ang kung ano ang mga

kailangan mula sa mga nangungupahan.

Itago ang handbook na ito sa isang lugar na madali ninyong

mahahanap, upang madali ninyong masangguni sa hinaharap.

Kung mayroon kayong mga mungkahi para sa mga edisyon

sa hinaharap, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong

property portfolio manager o sa developer ng komunidad.

TUNGKOL SA BC HOUSINGAng BC Housing ay isang panlalawigang ahensiya na

gumagawa at namamahala ng mga naka-subsidiyang

pabahay sa buong probinsiya. Nakikipagtulungan kami sa

mga pribado at non-profi t na mga tagapagkaloob ng

pabahay, mga ahensiya sa komunidad, sa iba pang mga

antas ng pamahalaan at sa mga awtoridad ng kalusugan sa

lalawigan, upang makapagkaloob ng abot-kayang pabahay

at mga serbisyong pang-suporta para doon sa mga lalong

nangangailangan sa buong probinsiya. Mayroong hanay ng

pabahay at mga mapapagpiliang suporta. Bisitahin ang

website ng BC Housing sa (www.bchousing.org) para sa

karagdagang kaalaman.

MGA TUNGKULIN NG MGA KAWANI NG

BCHOUSING

Sa mga gusaling pinamamahalaan ng BC Housing sa Lower

Mainland, Victoria, Interior, Prince George at Prince Rupert,

maaaring makatagpo ninyo ang mga sumusunod na tao….

Property portfolio manager (PPM) – bago kayo lumipat,

tutulungan kayo ng inyong PPM na makumpleto ang

inyong mga form ng pangungupahan at kukuwentahin

kung magkano ang renta na inyong babayaran.

Makikipagtulungan din ang mga PPM upang maresolba ang

mga problemang may kaugnayan sa kanilang

pangungupahan. Bawat PPM ay may hawak na isang grupo

ng mga gusali sa BC Housing (tinatawag na isang portfolio),

tulad ng lugar na inyong tinitirahan.

Property portfolio assistant (PPA) – Ang mga PPA ay malapit

na nakikipagtulungan sa mga PPM at sa mga manager ng

gusali/kinatawan sa site ukol sa alokasyon ng mga unit at sa

mga tungkuling administratibo.

Building manager supervisor (BMS) – ang mga BMS ang

nangangasiwa sa mga kawaning nasa site mismo at

tumutulong sa pagresolba ng mga alalahanin at reklamo ng

mga nangungupahan. Karamihan sa mga BMS ay nakatira

sa mga gusaling responsibilidad nila. Ang ilan ay nakatira sa

labas ng site at malalapitan ng mga nangungupahan sa

gusali sa mga regular na oras ng trabaho.

Building manager (BM) – Pinangangasiwaan ng mga BM

ang mga pang-araw-araw na trabahong may kaugnayan sa

pagmementina at sa paglilinis ng mga karaniwang lugar

tulad ng mga pasilyo, mga silid-pahingahan at mga silid-

labahan (sa mga gusaling may mga kagamitang panlaba).

Tumutulong din sila sa paghahanda ng mga bakanteng unit

para sa mga bagong mangungupahan. Ang inyong BM ang

tao na dapat tawagan kung mayroon kayong tanong o

kahilingan. Karamihan sa mga BM ay nakatira sa mga

gusaling responsibilidad nila. Ang ilan ay nakatira sa labas

ng site at malalapitan ninyo sila sa gusali sa mga regular na

oras ng kanilang trabaho.

Page 5: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN4 |

Kinatawan sa site – Sa maraming komunidad sa mga

rehiyon natin sa Kahilagaan at sa Looban, ang

masasangguni ninyo para sa pang-araw-araw ay ang lokal

na kinatawan sa site. Ang tao na ito ang nagpapanatili ng

kaayusan ng mga ari-arian, nangongolekta ng renta, at siya

ang lokal na kontak sa komunidad para sa mga

nangungupahan sa BC Housing at sa mga aplikante.

Tagapaglinis – Ang mga tagapaglinis sa inyong gusali ang

naglilinis sa mga karaniwang lugar, tulad ng mga lobby,

pasilyo at mga silid-amenidad. Sila rin ang nagpapanatili ng

kalinisan ng mga karaniwang lugar sa labas, pumupulot ng

mga basura o nagpapala ng snow. Tinutulungan ng

tagapaglinis ang manager ng inyong gusali/kinatawan sa

site sa paghahanda ng mga bakanteng unit bago lumipat

ang mga bagong mangungupahan.

Mga Kawaning Tagapagmentina – Ang mga kawaning ito

ang tinatawag kung may kailangang kumpunihin sa inyong

tahanan. Halimbawa, sila ang gagawa ng mga tumutulong

tubo, muling pagsabit ng mga pintuan ng mga aparador at

ilang pagkukumpuni ng mga kasangkapan. Sila rin ang nag-a

asikaso sa mga dapat kumpunihin sa mga karaniwang lugar.

Paligid – Ang parehong pang pana-panahon at fulltime na

kawani ng paligid ang nag-aasikaso ng hardin sa mga

karaniwang lugar sa inyong development. Maaaring kabilang

sa mga tungkulin ang pagbuga ng hangin sa mga dahon,

pagmementina ng damo, pagputol sa mga puno, pag-aalis

ng talahib at pagtatanim ng mga bulaklak at mga taniman.

Tenant support worker (TSW) – Sa ilang mga komunidad,

may malalapitang TSW upang makipag-ugnayan sa mga

nangungupahan. Ang kanilang pangunahing layunin ay ang

mapadali ang matagumpay na pangungupahan, makakita ng

at maingatan ang mga resources o mga mapagkukunan ng

BC Housing at ng komunidad, at magbigay ng suporta sa mga

pang-araw-araw na tanong at/o alalahanin.

Community developer (CD) – Sa karamihan ng mga komunidad

sa buong probinsiya, isang CD ang makikipagtulungan sa

inyo at sa inyong mga kapitbahay, sa inyong PPM at sa

manager ng inyong gusali/kinatawan sa site upang makalikha

ng pananaw na may pagmamalasakit sa komunidad sa

inyong gusali, at upang mapayabong ang mga ugnayan sa

pagitan ng mga nangungupahan, BC Housing at mga lokal

na napagkukunan o resources.

People, Plants and Homes (PPH) coordinator – Ang kawaning

ito na miyembro ng BC Housing ang nakikipag-ugnayan at

naghahatid sa mga nangungupahan ng mga programang

may kaugnayan sa paghahardin, nagsasagawa ng mga

workshop, at nangangasiwa sa pagpapaganda ng, at sa

pakikipag-ugnayang may kinalaman sa mga hardin sa

komunidad sa mismong site.

Priority Placement Program (PPP) coordinator – Ang

programang ito ang nagbibigay ng priyoridad na akses sa

Rehistro para sa Pabahay (The Housing Registry), sa mga

babae na tumatakas sa domestikong karahasan o pang-

aabuso. Ang tagapag-ugnay o coordinator ng PPP ay

nakikipagtulungan sa mga aplikante ng programa at sa

mga nangungupahan upang matasa ang mga kasalukuyan

nilang pangangailangan sa pabahay, at upang makatulong

na mapanatili ang matagumpay na pangungupahan.

Health Services coordinator (HSC) – Ang mga HSC ay mga

propesyunal sa kalusugan nagtatasa sa mga pangangailangan

sa pabahay ng aplikante at ng nangungupahan at tumutulong

sa pagkuha at pagpapanatili ng mga matatagumpay na

pangungupahan. Ang mga HSC ay nakikipagtulungan sa mga

nangungupahan na nakakaranas ng mga isyung may

kaugnayan sa kalusugan, na maaaring maka-apekto sa

kanilang pangungupahan o sa kakayahan nilang mamuhay

nang independiyente, at tumutulong sa mga nangungupahan

sa pamamagitan ng pagkonekta sa kanila sa mga naaangkop

na serbisyo sa komunidad.

Page 6: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN5 |

Community liaison worker (CLW) – Ang CLW ay

nakikipagtulungan sa pangkat para sa mga Serbisyong

Pangkalusugan (Health Services team) upang matulungan

ang mga nangungupahan na nakakaranas ng mga

masasalimuot na pangangailangang may kaugnayan sa

lipunan at sa kalusugan, at nangangailangan ng tulong sa

pagmementina ng pabahay at integrasyon sa komunidad.

Ang mga CLW ay direktang nakikipagtulungan sa mga

nangungupahan upang lalo pang mapahusay ang kanilang

pagganap sa larangang pang-bokasyunal, pang-edukasyon,

panlipunan, para sa paglilibang, pampisikal at sa mga

pangangailangang kaugnay ng pagpapalakas o

rehabilitasyon.

NEWSLETTER PARASA NANGUGUPAHAN

AT MGA PABATID SA E-MAIL

Ipinapaalam ng BC Housing sa mga nangungupahan ang

tungkol sa mga espsyal na kaganapan, mga programa at

mga plano sa pamamagitan ng babasahin o newsletter nito,

ang News for You, na ipinapadala sa mga nangungupahan

sa pamamagitan ng koreo tuwing Hunyo at Disyembre.

Upang matanggap ang newsletter na ito sa elektronikong

pamamaraan, mag-sign-up po sa

www.bchousing.org/email_notifi cation.

Page 7: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN6 |

PAGLIPAT

Sasabihin sa inyo ng inyong property portfolio manager

kung anong araw kayo makakalipat sa inyong bagong

tahanan. Kapag pumunta na kayo sa gusali para kuhanin

ang inyong susi, magsasagawa ang manager ng gusali/

kinatawan sa site ng inspeksyon para sa paglipat. Makipag-

ugnayan po sa manager ng inyong gusali/kinatawan sa site

upang maitakda ang araw ng inyong paglipat. Dito ay

mapapahintulutan ang kawani ng gusali na makapag-

iskedyul ng iba pang mga paglipat sa araw na iyon upang

ang mga elevator at mga pasilyo ay hindi maging

masyadong abala sa iisang panahon lamang. Ang mga oras

ng paglipat ay mula 8 a.m. hanggang 4 p.m.

MGA SUSI AT KANDADO

Magkakabit kami ng isang bagong kandado sa inyong pinto

bago kayo lumipat, at ibibigay namin sa inyo ang mga susi

ng inyong unit, iyong para sa pinto sa harapan ng gusali,

ang para sa inyong mailbox at ang para sa garahe (ayon sa

kailangan). Tandaan po na kailangan naming maningil kung

mawawala ang alinman sa inyong mga susi.

Itinatago namin ang mga master key ng lahat ng mga unit

ng BC Housing upang matiyak ang inyong kaligtasan sa

panahon ng isang emergency. Hindi ninyo dapat palitan

ang inyong mga susi o hindi kayo dapat magdagdag ng

mga gamit na pang-seguridad nang walang paunang

pag-apruba mula sa BC Housing. Kung kailangan ninyong

palitan ang inyong kandado, tanungin po ang manager ng

inyong gusali/kinatawan sa site. Kung masasaraduhan kayo

sa labas ng inyong gusali, maaari ninyong kontakin ang

manager ng inyong gusali/kinatawan sa site para

makapasok kayo. Tandaan po na may bayad ang mga

serbisyong ito.

PARADAHAN

May paradahan para sa mga nangungupahan sa halos lahat

ng mga lokasyon ng BC Housing. Kailangang makatupad

ang mga sasakyan sa ilang mga partikular na kondisyon,

kabilang na ang pagiging lisensiyado ng mga ito at

kailangang maayos na tumatakbo. Maaaring kailanganin na

irehistro ang inyong sasakyan para makakuha ng lugar para

sa paradahan. Mahalagang makipag-ugnayan kayo sa

manager ng inyong gusali/kinatawan ng site para sa mga

probisyon ng paradahan sa inyong development para sa

mga nangungupahan.

SEGURO

Mga gusali lamang ng BC Housing ang naka-seguro, hindi

ang inyong mga ari-arian. Bagama’t hindi kayo inaatasan na

bumili ng seguro para sa mga gamit ninyo, iminumungkahi

namin na gawin ninyo ito upang maprotektahan ang inyong

mga ari-arian kung sakaling magkaroon ng sunog, may

manakaw, lumindol o iba pang pinsala. Tandaan po na

inaatasan kayo na magdala ng hindi bababa sa halagang

$100,000 na seguro para sa pananagutang may kaugnayan

sa waterbed kung mayroon kayong waterbed. Makipag-

ugnayan sa inyong property portfolio manager para sa

karagdagang impormasyon.

HYDRO AT GAS

Sa karamihan ng mga gusali, ang mga nangungupahan ang

may responsibilidad na magbayad ng sarili nilang hydro

at/o gas. Ang inyong property portfolio manager o property

portfolio assistant ay magbibigay ng isang form ng

aplikasyon para sa hydro na pupunan ninyo kapag nagkita

kayo para magpirmahan. Sa mga gusali na mayroong

ibinibigay na bulk hydro, may karagdagang bayad sa hydro

na kasama na sa renta.

Page 8: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN7 |

CABLE; TELEPONO; SATELLITE DISHES

Karamihan sa mga gusali ay may sariling mga cable hook-up.

Responsibilidad ng mga nangungupahan na kontakin ang

mga kompanya ng telepono at cable sa kanilang lugar para

malagyan sila ng koneksyon at makapagbayad. Ang mga

karagdagang outlet ng serbisyo ay kailangang aprubahan

muna ng BC Housing sa isang kasulatan at ikakabit iyon

nang kayo ang gagastos. Hindi maaaring magkabit ng mga

satellite dish sa gusali o sa mga bakod.

MGA ALAGANG HAYOP

Ang pagmamay-ari ng alagang hayop na makikita sa inyong

kasunduan sa pangungupahan ay nagbabalangkas ng mga

uri ng alagang hayop na pinapayagan at hindi pinapayagan

(halimbawa, ilang partikular na klase ng aso at ilang iba

pang mga exotic na alagang hayop), at inilalarawan ang

inyong mga responsibilidad bilang isang may-ari ng

alagang hayop.

Itanong sa manager ng inyong gusali/kinatawan sa site o sa

property portfolio manager ang tungkol sa mga patakaran

ukol sa mga alagang hayop sa inyong gusali.

Responsibilidad ninyo na alisin ang lahat ng dumi ng inyong

alagang hayop sa loob ng mga karaniwang lugar ng

development. Tandaan po na ang mga alagang hayop ay

dapat na may tali at dala ng isang responsableng tao kung

wala sa loob ng kanilang mga unit.

Kung mayroon kayong alagang hayop o magkakaroon kayo

nito pagkalipat, kailangang irehistro ninyo ito sa BC Housing.

Maaari ninyong kunin mula sa manager ng inyong gusali/

kinatawan sa site o mula sa rehiyonal na tanggapan ang

mga form para sa pagpaparehistro. Kung lalabag kayo sa

mga patakarang may kaugnayan sa alagang hayop,

maaaring manganib ang inyong pangungupahan.

Page 9: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN8 |

RENTA

PAANO KINUKUWENTA ANG INYONG

KONTRIBUSYON SA RENTA BILANG ISANG

NANGUNGUPAHAN O TENANT RENT

CONTRIBUTION (TRC)/RENTA

Para sa mga nangungupahan na nagbabayad ng renta na

nakatuon sa kita (rent geared to income, RGI), ang inyong

buwanang TRC/renta ay 30 porsiyento ng inyong kabuuang

iniakmang grosang kita (bago ang buwis) ng sambahayan

(na nangangahulugan na 30 porsiyento ng grosang kita

mula sa sino man na may edad 19 pataas na nakatira sa

inyong tahanan). Kung ang inyong kita ay masyadong

mababa, aatasan kayo na magbayad ng minimum o

pinakamababang renta batay sa laki ng inyong pamilya.

Kung kayo ay tumatanggap ng tulong mula sa ministry, ang

inyong renta ay kinakalkula ayon sa talahanayan ng fl at rate

batay sa dami ng nakatira sa sambahayan.

Isinasaalang-alang namin ang kita, pinagmumulan ng kita,

mga ari-arian, laki ng pamilya at kung mayroong estudyante

kapag nagtatasa kami ng halaga ng inyong TRC. Halimbawa,

ang pagiging iskolar ng estudyante ay hindi kasali bilang

isang pinagmumulan ng kita habang ang mga sahod

naman at ang tulong na kita mula sa probinsiya ay kasali.

Magtanong sa inyong property portfolio manager o

property portfolio assistance ng karagdagang impormasyon

tungkol sa kung anong mga uri ng kita ang at/o hindi kasali,

at ng mga detalye ukol sa proseso ng pagkukuwenta ng

renta ng TRC. Sumangguni sa gabay na impormasyon ukol

sa sa Katibayan ng Kita at mga Ari-arian (Proof of Income

and Assets) na makukuha mula sa inyong PPM o PPA.

Kung magkakaroon ng pagbabago sa laki ng inyong

pamilya o ng makabuluhang pagbabago sa inyong kita

(halimbawa, kung ang pinagmumulan ng inyong kita ay

nagbago mula sa pagka-empleyo, seguro sa pagka-empleyo,

tulong na kita o anumang pagbabago sa halaga ng inyong

kita), kailangang kontakin ninyo ang inyong PPM o PPA.

Papayuhan nila kayo kung ang inyo bang TRC ay babaguhin

sa naturang panahon. Kung may alinman sa inyong kita ang

magmumula mula sa tulong na kita, sisingilan kayo ng isang

fl at rate batay sa laki ng inyong pamilya.

PAANO BABAYARAN ANG INYONG

KONTRIBUSYON SA RENTA BILANG

NANGUNGUPAHAN/RENTA

Ang inyong TRC/renta ay kailangang bayadan sa o bago ang

unang araw ng bawat buwan.

Maaari kayong magbayad sa pamamagitan ng:

Remittance slip. Sa opsyon na ito, tatanggap kayo ng isang

invoice sa pamamagitan ng koreo kada buwan na maaari

ninyong bayadan sa kahit anong bangko o institusyong

pinansiyal. Hindi kailangan ang account sa bangko.

Makipag-ugnayan sa inyong regional offi ce para sa

karagdagang impormasyon.

Sa telepono o pagbabangko sa internet. Maaari kayong

magbayad ng inyong TRC/renta sa pamamagitan ng online

na pagbabangko o sa pamamagitan ng pagtawag sa inyong

bangko, at pagsasagawa ng mga kaukulang transaksyon

kada buwan.

Direktang pagdedeposito ng mga bayad na pinondohan ng

ministry. Maaari ninyong ipadala nang diretso ang bayad sa

BC Housing kada buwan upang awtomatikong mabayadan

ang inyong TRC/renta.

Bayad sa renta na una nang na-awtorisa. Sa opsyon na ito,

maaari ninyong bayaran ang inyong TRC/renta sa

pamamagitan ng pagsasaayos ng mga dapat gawin upang

magkaroon ng awtomatikong buwanang pag-withdraw

mula sa inyong account sa bangko.

Page 10: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN9 |

Tandaan po na kung hindi ninyo mababayadan ang inyong

TRC/renta sa takdang panahon, kailangang kontakin ninyo

ang inyong property portfolio manager o property portfolio

assistant sa pamamagitan ng isang sulat kung saan

ipinapaliwanag ninyo kung bakit hindi kayo nakabayad.

Maaaring kailanganin na pumirma ng isang kasunduan para

sa muling pagbabayad. Kung ang inyong renta ay hindi

mabayadan sa unang araw ng buwan at walang naisalugar

na kasunduan, maaaring padalhan kayo ng isang Pabatid

para Tapusin ang Pangungupahan (Notice to End Tenancy).

Ito na ang simula ng pagpapaalis sa inyo. (Sumangguni po

sa inyong kasunduan sa pangungupahan.)

PROSESO NG TAUNANG PAGREPASO

Kailangang kumpletuhin ninyo ang isang form ng Deklarasyon

ng Kita at mga Ari-arian (Declaration of Income & Assets

(DIA)) sa loob nang hindi bababa sa isang beses sa isang

taon. Ipapadala namin ito sa inyo sa pamamagitan ng koreo.

Sa naturang form, sabihin po ninyo sa amin ang impormasyon

tungkol sa inyong kasalukuyang kalagayang pinansiyal at

ang impormasyon tungkol sa inyong sambahayan, at ikabit

ang mga kopya ng anumang dokumento na magpapatunay

sa idineklara ninyong kita at ari-arian para sa nakaraang

tatlong buwan.

Ang dokumentasyon para sa inyong kita at ang pagbabalik-

aral ng inyong ari-arian ay kailangang pangkasalukuyan at

mapatotohanan. Maaaring isama sa mga ito ang mga

bagay-bagay na tulad ng paycheck, mga sulat mula sa mga

nag-eempleyo, mga ulat ng buwis, statement ng bangko, at

mga statement ukol sa mga benepisyo mula sa gobyerno.

Bawat tao na may edad 19 pataas na nakatira sa inyong unit

ay kailangang pumirma sa DIA at dapat na magbigay ng

katibayan ng kita. Ang Katibayan ng Kita at mga Ari-arian

(Proof of Income and Assets) ay isasama sa taunang package

ng Deklarasyon ng Kita at mga Ari-arian (Declaration of

Income and Assets) na ipapadala sa inyo sa pamamagitan

ng koreo.

Dagdag pa rito, bawat taon ay sapalaran naming ina-awdit

ang isang porsiyento ng mga deklarasyon upang matiyak na

sumusunod kami sa mga naaangkop na pamamaraan at

ang ibinigay na impormasyon ay sapat at wasto.

Sa ilalim ng mga tadhana ng inyong kasunduan sa

pangungupahan, responsibilidad ninyo ang magbayad ng

TRC/renta na itinakda para sa inyong unit, na nakabatay sa

impormasyong inilagay ninyo sa form ng deklarasyon.

Mahalaga na punan ninyo ang form na ito at papirmahin

ang lahat ng miyembro ng inyong sambahayan na may

edad 19 pataas. Kung hindi ninyo ito magagawa,

mangangahulugan ito na maaaring mawala ang inyong

subsidiya sa renta at iisyuhan kayo ng isang Pabatid para

Tapusin ang Pangungupahan (Notice to End Tenancy). Ito na

ang simula ng pagpapaalis sa inyo. (Sumangguni po sa

inyong kasunduan sa pangungupahan para sa karagdagang

impormasyon.)

Kung mayroon kayong ilang katanungan o kailangan ninyo

ng tulong para mapunan ang form ng deklarasyon, tumawag

po sa telepono ng ng inyong regional offi ce o area offi ce sa

pagitan ng 8:30 a.m. at 4:30 p.m., Lunes hanggang Biyernes.

Page 11: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN10 |

MGA KARAPATAN AT RESPONSIBILIDAD

PATAKARAN UKOL SA PAGKAPRIBADO

Ang BC Housing ay naninindigan sa pagpapanatili ng

pagkakumpidensiyal, sa paggalang sa personal na

pagkapribado, at, bilang isang pampublikong organisasyon

na nakapailalim sa B.C. Freedom of Information and

Protection of Privacy Act (FOIPP), ay may responsibilidad na

bigyan ng proteksyon ang lahat ng mga personal na

impormasyon sa ilalim ng kustodiya at kontrol nito.

Noong magpatala kayo para sa pabahay, ang kinolekta

lamang namin ay ang personal na impormasyong kailangan

upang mapangasiwaan ang mga programa namin sa

pabahay. Gagamitin lamang namin ang impormasyong ito

upang suportahan ang inyong pangungupahan.

Ang inyong impormasyong personal ay gagamitin lamang

ng awtorisadong kawani upang maipatupad ang layunin

para sa orihinal na pagkolekta nito, o para sa paggamit na

konsistent sa naturang layunin. Hindi namin isisiwalat ang

inyong personal na impormasyon sa ibang pampublikong

organisasyon o ibang tao maliban doon sa awtorisado ng

batas o inyong pinahintulutan.

Ang BC Housing ay may nakalugar na mga pag-iingat upang

maprotektahan ang inyong mga elektronikong rekord laban

sa panganib ng walang awtorisasyong akses. Tinitingnan

lamang ng mga kawani ang mga naturang impormasyon

kung may kailangang alamin upang maisagawa ang

kanilang trabaho. Pinananatili lamang namin ang inyong

personal na impormasyon sa loob ng panahong naaayon sa

mga iskedyul ng pagtatago ng aming mga rekord, at ayon

sa iba pang mga hinihingi ng batas. Pagkatapos ay sinisira

na ang mga rekord.

Para magkaroon ng akses sa inyong mga rekord o para

humiling na maiwasto ang isang rekord, kailangang

gumawa kayo ng isang nakasulat na kahilingan. Kontakin

po ang Director ng Business Support Services sa

[email protected] para sa tulong o para makatanggap

ng karagdagang impormasyon tungkol sa patakaran ng

BC Housing ukol sa pagkapribado.

KASUNDUAN SA PANGUNGUPAHAN

Bago lumipat sa inyong unit, pumirma kayo ng isang

kasunduan sa pangungupahan sa BC Housing at kailangang

may kopya kayo nito. (Kung nawala ang inyong kopya,

maaari kayong tumawag sa inyong property portfolio

manager upang makahiling ng isa pa.) Kung sa tingin ninyo

ay mahirap intindihin ang ilan sa mga patakaran,

matutulungan kayo ng manager ng inyong gusali/

kinatawan sa site o ng property portfl io manager.

LAKI NG SAMBAHAYAN

Kung may nadagdag o nabawas sa dami ng mga residente

sa inyong pamilya, kahit pa pansamantala, kailangang

kontakin ninyo agad ang inyong PPA o PPM.

Page 12: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN11 |

ANG INYONG BAGONG TAHANAN

PANGANGALAGA SA INYONG UNIT

Responsibilidad ninyo na panatilihing ligtas at malinis ang

inyong tahanan.

• Iwanang malinis ang mga karaniwang lugar tulad ng mga

pasilyo, silid-labahan at paligid para sa iba pang mga

nangungupahan.

• Tandaan na ang mga bata at mga alagang hayop ay hindi

dapat maglaro sa mga bulwagan, elevator, silid-labahan,

locker room o sa mga paradahan sa ilalim ng lupa.

• Kung ang inyong anak ay may bisekletang nasa inyong

tahanan, tiyakin po na hindi sila magbibisekleta sa loob.

• Ang mga hook para sa mga litrato, sa halip na mga pako o

turnilyo, ang dapat na gamitin sa pagsasabit ng mga

dekorasyon sa dingding.

• Huwag gagamit ng likidong bleach bilang panlinis.

Nakakasama ito sa kapaligiran at makakasira din ng mga

materyal sa gusali, tulad ng mga carpet. Sa halip, gumamit

ng mga alternatibo tulad ng baking soda.

Anumang alterasyon, renobasyon o pagpipintura sa inyong

unit ay kailangang maaprubahan muna ng inyong property

portfolio manager sa isang kasulatan.

Ang BC Housing ay naglalatahala ng isang Gabay para sa

Pag-aalis ng Amag (Mould Management Guide) para sa mga

Residente. Makikita ninyo ang polyetong ito online sa

www.bchousing.org/aboutus/publications/tenants

o magtanong sa manager ng inyong gusali/kinatawan sa site.

MGA KASANGKAPAN

Marami sa mga refrigerator sa aming mga unit ay frost-free

at hindi kailangang i-defrost. Kung wala kayong refrigerator

na frost-free, linisin at i-defrost ang inyong refrigerator

upang mapanatili ito na nasa mabuting kondisyon at upang

makatipid sa kuryente. Huwag gagamit ng mga kutsilyo o

ice pick sa pagtatanggal ng yelo sapagkat sa ganito ay

maaaring masira ang freezer at sisingilin sa inyo ang mga

gastos sa pagkukumpuni. Gayundin, huwag maglalagay sa

freezer ng mga takure o kaldero na puno ng kumukulong

tubig para magtunaw ng yelo, sapagkat maaaring matunaw

sa init ang mga bahaging plastik.

Gumamit ng mga produktong panlinis ng oven para sa

inyong oven.

Gumamit ng sabon na hindi matapang sa paglilinis ng

ibabaw ng mga kasangkapan.

Para sa grasa at dumi, subukan ang paste mula sa baking

soda at tubig. Huwag pong gagamit ng magagaspang na

produktong panlinis sapagkat maaaring masira ang paligid

ng inyong appliances.

MGA BANYO

Gumamit po ng mga panlinis sa bathtub, lababo at inidoro

na hindi matapang at hindi magaspang. Magagasgas ng

magagaspang na panlinis ang ibabaw at lalong hihirap ang

pagpapanatili ng kalinisan ng mga kagamitan.

Page 13: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN12 |

Maaaring may problema sa condensation sa inyong banyo

kung may mga sintomas na tulad ng:

• condensation sa mga kagamitan o fi xtures, sa mga bintana

o dingding;

• amag o alimuum sa pagitan ng mga tiles, sa mga kanto-

kanto o sa kisame;

• natatanggal ang pintura, nabubulok, nangingitim ang

mga pasimano ng bintana, sira ang tuyong dingding sa

ilalim ng mga bintana, kumukulubot ang tiles ng sahig,

may masangsang na amoy, o may tumutulong tubig mula

sa mga pasingawan.

Ang sanhi ng condensation ay:

• sobrang init sa bahay;

• halumigmig mula sa mainit na pampaligo;

• basa-basa mula sa basang basahan sa banyo, mga tuwalya

at mga pinatutuyong damit;

• kulang sa bentilasyon o daloy ng hangin;

• mga walang insulasyon na vent ducts;

• ang pintura at wallpaper ay hindi akma para magamit na

pambanyo;

• malamig na hangin sa labas na sumisinip sa insulasyon.

Bagama’t hindi ninyo mababago ang anumang dahilang

dulot ng istruktura, may ilang mga bagay na maaari ninyong

gawin upang mabawasan ang condensation.

• Buksan ang bentilador ng banyo o buksan ang bintana ng

banyo habang kayo ay naliligo. Panatilihing tumatakbo

ang bentilador o bukas ang bintana hanggang sa mag-

evaporate ang condensation.

• Buksan ang heat lamp habang kayo ay naliligo.

• Panatilihing bukas ang bentilador ng kusina, o bukas ang

bintana ng kusina, habang nagluluto at naghuhugas ng

mga pinggan.

Tandaan: Mas matipid magpa-init ng tuyong hangin kaysa

basang hangin, kaya’t ang pagpapanatiling bukas nang

konti ang isang bintana o tumatakbo ang bentilador ay

magreresulta sa mas maliit na babayadan sa hydro.

MGA SILONG AT BODEGA

Ang ilang mga townhouse ay may silong o bodega. Kung

may isang ganito ang inyong unit, hindi iyon dapat

gamiting tulugan. Karamihan sa mga silong at bodega ay

walang angkop na labasan kung may sunog o walang

angkop na bentilasyon, kaya’t ang paggamit sa mga iyon

bilang tulugan ay paglabag sa mga regulasyon kung may

sunog, at, kung magkakasunog, maaaring manganib ang

buhay.

MGA BAKURAN AT BALKONAHE

Kung kayo ay nakatira sa isang unit na may bakurang may

bakod, responsibilidad ninyo na maggapas at magbunot ng

damo sa hardin. Kung may mga gripo ng tubig sa labas,

patayin ang mga ito sa loob ng inyong unit bago

magtaglamig. Maipapakita sa inyo ng manager ng inyong

gusali/kinatawan sa site kung saan naroon ang pangsarang

balbula kung hindi kayo sigurado. Ang kawani ng BC

Housing ay magpapala ng snow mula sa mga bangketa ng

lungsod pero responsibilidad ninyo na palahin ang mga

tulayan at daanan papunta sa inyong unit.

Kung ang inyong unit ay may balkonahe, hindi ito dapat

gawing bodega. Ang barbecue, sa uling man o sa propane,

ay hindi pinapayagan sa mga balkonahe sapagkat ang usok

at nagliliyab na uling ay posibleng makasama sa kalusugan

at maaaring pagmulan ng sunog. Kung winter, kailangang

alisin ninyo ang lahat ng snow sa inyong balkonahe

sapagkat ang naipong natutunaw na snow ay maaaring

suminip sa ilalim ng pinto papasok sa inyong tahanan.

Page 14: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN13 |

BASURA SA BAHAY AT PAGRERESIKLO

Magtanong sa manager ng inyong gusali/kinatawan sa site

ng impormasyon tungkol sa pagtatapon ng basura at mga

programang kaugnay ng pagreresiklo sa inyong

development.

Ang pagtatapon ng kasangkapan, electronics, appliances o

iba pang malalaking bagay ay hindi pinapayagan.

Kailangang asikasuhin ng mga nangungupahan ang

pagtatapon ng mga naturang bagay sa sarili nilang gastos.

Kontakin po ang manager ng inyong gusali/kinatawan sa

site kung kailangan ninyo ng tulong.

MGA KARANIWANG LUGAR

Ang karamihan sa mga mas malalaki nating gusali ay

mayrong mga karaniwang silid na magagamit ng ilang

grupo ng mga nangungupahan at mga indibidwal para sa

paglilibang at mga pagpupulong. Ang manager ng inyong

gusali/kinatawan sa site, manggagawang sumusuporta sa

nangungupahan, developer ng komunidad o property

portfolio manager ay makapagsasabi sa inyo ng tungkol sa

kung kailan magagamit ang mga karaniwang espasyo sa

inyong gusali. Responsibilidad ninyo na tiyakin ang ligtas at

makatuwirang paggamit ng lahat ng mga karaniwang lugar

ng mga miyembro ng sambahayan at mga bisita.

MGA SILID-LABAHAN

Ang mga silid-labahan sa mga gusaling may ganito ay

magagamit ng mga nangungupahan lamang.

Hinihiling namin sa inyo na:

• tanungin ang manager ng inyong gusali/kinatawan ng site

kung may nakatakdang paglalaba;

• tingnan kung may mga nakapaskil na regulasyon para sa

silid-labahan;

• alisin ang lint sa lint screen sa dryer pagkakatapos gamitin

para mabawasan ang ilang ulit na pagtutuyo at upang

maiwasan ang sunog;

• iulat ang anumang washer o dryer na hindi gumagana sa

manager ng inyong gusali/kinatawan sa site o tumawag sa

numerong nakapaskil sa silid-labahan.

PAGTITIPID NG ENERHIYA

Ang BC Housing ay isang organisasyong carbon-neutral.

Nangangahulugan ito na pinagsusumikapan natin na

mabawasan ang konsumo sa enerhiya at kuryente at sa mga

kaugnay na emisyong greenhouse sa lahat ng mga site na

mayroon tayong pabahay. Sinusuportahan natin ang kultura

ng pagtitipid sa enerhiya. Kailanman posible, gagamit tayo

ng mga ilaw at mga kasangkapan na matipid sa kuryente.

Pinananatili natin ang init at katamtamang temperatura sa

mga hagdanan at nilalagyan natin ng weather stripping ang

paligid ng mga pintuan at bintana upang mabawasan ang

pagpasok ng hangin.

May mga paraan upang makapagtipid din kayo ng enerhiya

at mapababa ang mga binabayaran ninyo sa utilities.

• Patayin ang mga ilaw sa mga silid na hindi ginagamit at sa

tuwing aalis kayo ng kuwarto. Kung posible, gumamit ng

natural na ilaw at mga bumbilyang matipid sa kuryente.

• Alisin sa saksak ang mga de-kuryenteng gamit at ang mga

charger na hindi ginagamit.

• Para makatipid ng mainit na tubig:

» patakbuhin nang puno ang washing machine at ang

dishwasher;

» dalian ang panliligo;

» gumamit ng malamig na tubig sa paglalaba ng mga damit;

» barahan ang lababo o banlawan ang mga pinggan sa

isang palanggana kaysa sa tuloy-tuloy ang agos ng tubig.

Page 15: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN14 |

• Kung malamig sa labas, panatilihing nasa 20 degrees

Celsius (68 degrees Fahrenheit) ang temperatura (kung

may thermostat sa inyong unit).

• Kung may thermostat sa inyong unit, pahinain ito kung

kayo ay:

» aalis ng bahay;

» magbubukas ng mga bintana.

• Panatilihing medium o low lamang ang setting ng

refrigerator.

• Alisin ang lint sa lint screen sa dryer pagkakatapos gamitin

para mabawasan ang ilang ulit na pagtutuyo at upang

maiwasan ang sunog.

Kontakin po ang manager ng inyong gusali/kinatawan sa

site kung:

• ang inyong unit ay masyadong mainit o masyadong

malamig at hindi ninyo makontrol ang init;

• may napansin kayo na tumutulo sa gripo o sa banyo;

• ang inyong unit ay may dehumidistat (maaari itong i-set

ng kawani ayon sa inirekomenda sa gabay sa paggamit).

Huwag ilalagay ang init sa mababa pa sa 15 degrees Celsius

(59 degress Fahrenheit) kung winter kahit pa matagal

kayong mawawala.

MGA RENOBASYON AT ALTERASYON

Ang BC Housing ay nag-a-upgrade ng mga unit at gusali

kung kailangan. Sa ilan sa mga luma na naming

development, nakapag-renovate na kami ng mga kusina,

nakapagkabit ng mga bagong bintana at pinto, nag-

upgrade ng mga elevator, at nagpalit ng mga carpet sa

pasilyo. Maaga kaming nagpaplano para sa ganitong uri ng

trabaho at maaga pa man ay ipinapaalam na namin sa inyo

ang anumang renobasyong pinlano para sa inyong gusali.

Depende sa edad ng inyong gusali, ang asbestos o ang iba

pang mapapanganib na materyal na karaniwang nakikita sa

sahig, dingding at kisame ay maaaring makita. Ang mga

materyal na ito ay hindi panganib sa kalusugan kung hindi

pinapakialaman. Upang maiwasan ang panganib na

malantad sa panahon ng pagkukumpuni at/o kung may

ginagawagang renobasyon, ang BC Housing, bilang

pagsunod sa mga iniatas ng WorkSafeBC at sa iba pang mga

pangkalahatang gawi para sa kaligtasan, ay nagsasagawa

ng mga pag-iingat na hakbang upang maprotektahan ang

mga kawani at ang mga nangungupahan mula sa posibleng

pagkalantad sa mga naturang materyal. Kaya, maaaring may

makita kayong kawani ng BC Housing at/o mga kontraktor

na gumagamit ng tools at may suot na espesyal na damit

upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga

posibleng panganib sa lugar ng trabaho. Maaari rin kayong

makakita ng mga nakapaskil na babala o mga senyales na

nagbababala. Para sa inyong kaligtasan at sa kaligtasan ng

iba, igalang po ang mga senyales na ito.

Huwag gagawa ng mga alterasyon o renobasyon sa inyong

unit nang walang paunang nakasulat na pahintulot at

kontakin muna ang manager ng inyong gusali/kinatawan sa

site kung kailangan ang mga pagkukumpuni. Kabilang sa

mga renobasyon at alterasyon ang pagpipintura, pagkakabit

ng wallpaper, pagpapalit ng sahig, paglalagay ng isang

satellite dish, at pagbabago sa istraktura.

MGA BISITA

Ang mga bisita ay maaaring manatili sa inyo sa loob nang

kabuuang 14 na araw sa isang taon ng kalendaryo. Kung

gusto ninyo o kung kailangan ninyong magplano para sa

isang mas matagal na pagbisita, kailangang pa-aprubahan

muna ninyo sa isang kasulatan ang naturang pagbisita sa

inyong property portfolio manager.

Page 16: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN15 |

PANINIGARILYO

Ang paninigarilyo ay hindi pinapayagan sa alinmang

karaniwang lugar, at sa ilang mga development, maaari

itong payagan sa mga itinalagang lugar lamang tatlong

metro ang layo mula sa labas ng pasukan, mga bintana, at

bentilador na papasok ang hangin. Pinapayagan ang

paninigarilyo sa mga indibidwal na unit maliban na lamang

kung ang inyong gusali o sahig ay itinalagang smoke-free.

Kung kayo o ang inyong bisita ay naninigarilyo at may

kawani na pupunta sa inyong unit, huwag pong manigarilyo

sa inyong tahanan isang oras bago sila dumating at habang

sila ay nasa inyong tahanan (alinsunod sa mga regulasyon

ng WorkSafeBC).

Sa mga gusaling itinalaga na bawal ang sigarilyo, hindi

pinapayagan ang paninigarilyo kahit saan sa gusali o sa

paligid nito.

PAGPATAY NG MGA PESTE

Iulat po kaagad ang unang senyales na may peste sa inyong

unit sa manager ng inyong gusali/kinatawan sa site.

Kabilang sa mga peste (pero hindi limitado sa) ang mga

daga, ipis, langgam, silverfi sh at surot. Magtatakda ng

treatment upang maiwasan ang pagdami ng mga peste.

Mababawasan ninyo ang mga peste sa pamamagitan ng:

• pagtatago ng mga dry goods (harina, cereal, asukal at iba

pa) sa isang lalagyang bubog, metal o matigas na plastik

na may mahigpit na takip;

• pagtatapon ng inyong basura, kasama na ang mga

nareresiklo, sa mga lalagyang may mahigpit na takip;

• paghaharang sa alinmang butas sa inyong deck o

pundasyon;

• paglalagay ng steel wool sa mga butas ng mga tubo ng

tubig na maaaring makita sa kusina at banyo;

• pagpapanatili na nagupitan ang mga damo at tanim sa

inyong bakuran;

• pagtitiyak na ang takip ng kanal sa inyong silong ay

nakalagay nang maigi sa lugar.

Upang maiwasan ang pagdami ng mga surot, mahalaga na

hindi kayo magdala ng anumang kasangkapan o gamit sa

bahay na nagmula sa mga dumpster o tindahan ng second

hand papasok sa inyong unit. Kung may madidiskubre

kayong surot sa inyong unit, ipaalam ito kaagad sa manager

ng inyong gusali/kinatawan sa site. Bibigyan nila kayo ng

instruksyon kung ano ang kailangan upang maihanda ang

inyong unit para sa epektibong paggamot. Kung kailangang

mag-spray o gamutin gamit ang init, makakatanggap kayo

ng isang pabatid na nagpapaliwanag kung ano ang dapat

gawin bago gawin ang anumang paggamot.

INGAY AT MGA ABALA

Kayo at ang inyong mga kapitbahay ay may karapatan sa

pagkapribado at sa tahimik na kasiyahan sa inyong mga

tahanan. Tiyakin po na kayo, ang mga miyembro ng inyong

sambahayan at mga bisita ay nakatira sa isang paraang

walang negatibong epekto sa inyong mga kapibahay.

Tandaan po na ang sobrang ingay at abala ay maaaring

pagmulan ng aksyon laban sa inyong pangungupahan.

MGA ALITAN AT REKLAMO

Kung sangkot kayo sa isang alitan sa isa pang

nangungupahan, subukan munang resolbahan ang isyu

nang kasama sila bago kayo humingi ng tulong. Kung hindi

ninyo maresolba ang isang isyu na may kaugnayan sa

inyong pangungupahan, kontakin ang inyong property

portfolio manager sa pamamagitan ng isang sulat.

Tandaan: Ang mga nakasulat na reklamo ay kailangang may

petsa at pirmado at kailangang magtukoy ng mga

katotohanan (sino, ano, kailan, saan) sa halip na mga

personal na paghuhusga, opinyon o konklusyon.

Page 17: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN16 |

PAGMEMENTINA AT MGA PAGKUKUMPUNI

Ang BC Housing ay naninindigan sa pagkakaloob ng ligtas

na pabahay sa mga nangungupahan dito. Sa pana-panahon,

maaaring kailanganin ng mga kawani na magkumpuni at

magsagawa ng mga pagmementinang gawain sa inyong

unit. Gagawin ng BC Housing ang bawat makatuwirang

pagsusumikap upang mapakonti ang abala habang may

ginagawang mga pagkukumpuni at mga pagmementina.

Ipaalam po sa kawani ng gusali ang isang problemang may

kaugnayan sa pagmementina sa pamamagitan ng pagpuno

sa isang form ng kahilingan para sa isang gagawing

pagmementina. Ang form na ito ay maaaring makuha mula

sa manager ng inyong building/kinatawan sa site.

Kailangang kumpletuhin ninyo at pirmahan ang isang form

bago makapagtakda ang isang kawani ng gagawing

pagkukumpuni. Kung hindi ninyo pipirmahan ang form,

hindi makakapasok sa inyong unit ang kawaning

magmementina.

Kung walang makuhang form sa site, kontakin po ang

manager ng inyong gusali/kinatawan sa site. Kung

nagkaroon ng sira sa inyong unit o may nasaktan/nasugatan,

pupunan ng manager ng inyong gusali/kinatawan sa site

ang isang Ulat ukol sa isang Kaganapang may Aksidenteng

Kritikal (Accident Critical Event Report) at maaaring humingi

sa inyo ng mga tukoy na detalye.

MGA EMERGENCY NA PAGMEMENTINA

KAPAG TAPOS NA ANG MGA ORAS NG

TRABAHO

Kung may mga seryoso kayong problema kapag tapos na

ang mga oras ng trabaho, tumawag sa numero ng telepono

para sa emergency na may kaugnayan sa pagmementina sa

inyong lugar, na bukas 24 oras (nakalista sa Appendix 1 ng

handbook na ito). Ang numerong ito ay inilaan para lamang

sa mga emergency na pagmementina tulad ng baha, may

nasirang elevator, hindi gumana ang kuryente o heat

system, may nasirang bintana, o tumutulo ang kisame.

PAGSUNOD SA MGA REGULASYON NG

WORKSAFEBC

Ang BC Housing, bilang pagsunod sa mga iniatas ng

WorkSafeBC at ng iba pang mga gawing may kaugnayan sa

kaligtasan sa lugar ng trabaho, ay nagsasagawa ng mga

hakbang sa pag-iingat upang maprotektahan ang mga tao

sa loob at paligid ng mga lugar ng trabaho habang may

nagaganap na pagmementina o pagkukumpuni. Maaaring

kabilang dito ang mga trabaho sa matataas na palapag,

mga pagkukumpuni sa sahig/rehas, pag-aalis ng amag, at

pagtatanggal ng mga dumi at alikabok na dala ng hangin,

mabababang antas ng asbestos, mga insekto, daga at mga

produktong lead.

Maaaring may makita kayong mga kawani ng BC Housing o

mga kontraktor na gumagamit ng tools at may suot na

espesyal na damit upang protektahan ang kanilang sarili

mula sa mga panganib sa lugar ng trabaho na maaari nilang

harapin bilang bahagi ng kanilang mga gawain. Maaari rin

kayong makakita ng mga nakapaskil na babala o mga

senyales na nagbababala. Para sa inyong kaligtasan at sa

kaligtasan ng iba, igalang po ang mga senyales na ito.

Maaaring kailanganin na hilingin namin sa inyo na umalis

muna sa inyong unit habang kami ay nagkukumpuni.

Lilinisin ng mga kawani ng BC Housing ang mga ginamit

nila at titiyakin na malinis ang inyong unit sa inyong

pagbabalik.

Page 18: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN17 |

PAGLIPAT

Nakakatanggap ang BC Housing ng maraming kahilingan

kada taon mula sa mga nangungupahan na gustong

lumipat ng ibang unit o ibang gusali. Walang garantiya na

may ibang unit na maiibigay o kung gaano katagal

ipoproseso ang isang kahilingan, sapagkat ang mga

kahilingang lumipat ay sinusuri muna kasama ng iba pang

mga aplikasyon para sa pabahay. Tatanggapin ang mga

kahilingan na lumipat kung ang nangungupahan at ang

lahat ng miyembro ng kanyang sambahayan ay

nakakatupad pa rin sa mga pangunahing iniatas para sa

pagkakarapat-dapat at sa lahat ng mga pangunahing

kriterya upang maging karapat-dapat sa paglipat, na

binalangkas sa ibaba

Pangunahing pamantayan upang maging karapat-dapat sa

paglipat ng unit:

• Ang (mga) nangungupahan ay nakatira na sa kasalukuyan

nilang unit sa loob nang panahong hindi bababa sa isang

taon;

• Maganda ang tala ng kanilang pangungupahan;

• Wala silang utang pati na sa mga dati nang sinisingil, mga

hindi nabayadang renta o mga hindi nabayaran ayon sa awdit.

Kailangan din ninyong makatupad sa isa sa mga

sumusunod na dahilan para sa isang kahilingang lumipat.

• Ang lugar na inyong pinagtatrabahuhan o ang paaralang

pinapasukan ay nagbago at wala kayong masakyan kung

kailangan ninyo ng transportasyon, o kung ang

pagbibiyahe ay aabutin nang higit pa sa tatlong oras

balikan. (Kailangang magsumite kayo ng isang sulat ng

pagka-empleyo o pagpapatotoo ng rehistrasyon sa

paaralan.)

• Ang pagbabago sa laki ng inyong sambahayan ay

mangangailangan ng isang unit na iba na ang laki (ang

masyadong maraming nangungupahan ay inaatasang

lumipat sa isang unit na naaangkop ang laki).

• Kayo o ang isang miyembro ng inyong pamilya ay may

isang kondisyong medikal na maaayos o bubuti kung

magpapalit kayo ng lokasyon. (Ang inyong doktor ay

kailangang magbigay ng dokumentasyon na susuporta sa

pangangailangan para sa isang paglipat dulot ng isang

kondisyong medikal.)

• Ang kapakanan ninyo at ng miyembro ng inyong pamilya

ay lubhang nanganganib dahil sa trauma, karahasan,

panliligalig o iba pang mga hindi katanggap-tanggap na

mga pangyayari. (Kailangan ninyong magbigay ng pang-

suportang dokumentasyon mula sa pulis o isang

naaangkop na ahensiya ng lipunan.)

Kung gusto ninyong lumipat at hindi kayo nakakatiyak kung

kayo ay karapat-dapat, kontakin po ang inyong property

portfolio manager na siyang makakapagpayo sa inyo ng

tungkol sa inyong mga opsyon. Kung huli kayo sa

pagbabayad ng inyong renta o may utang kayo na kahit na

anong pera sa BC Housing sa oras na ialok sa inyo ang isang

paglipat, ang lahat ng mga utang na hindi pa bayad ay

kailangang bayaran nang buo bago kayo makalipat.

Maaaring kanselahin o i-hold muna ang inyong paglipat

hangga’t hindi pa nababayaran ang lahat ng utang.

Page 19: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN18 |

KALIGTASAN

PROTEKTAHAN ANG INYONG

SARILI AT ANG INYONG TAHANAN

Huwag ninyong hahayaang makasunod sa inyo ang sino

mang estranghero kapag pumasok kayo sa inyong gusali.

Kung may intercom ang inyong gusali, tiyakin na gagamitin

iyon ng inyong mga bisita kapag binibisita nila kayo. Kung

makakatanggap kayo ng tawag mula sa intercom, tiyakin na

kilala ninyo ang taong iyon bago ninyo siya payagang

pumasok sa gusali.

Payagan lamang ang mga manggagawa na pumasok sa

gusali o sa inyong unit kung batid ninyo na dapat lamang

na sila ay naroroon (halimbawa, kung may mga pabatid na

nakapaskil) at mayroon silang angkop na pagkikilanlan.

Kung may makikita kayong mga estranghero na pakalat-

kalat sa gusali, kontakin po ang manager ng inyong gusali/

kinatawan sa site o ang pulis nang direkta. Kung may

na-obserbahan kayong kahina-hinalang kriminal na gawain,

huwag magtatangkang makialam. Tumawag kaagad ng pulis.

Kung ang inyong kaligtasan o ang kaligtasan ng iba ay nasa

panganib, tumawag kaagad sa 911.

MAGING HANDA SA ISANG EMERGENCY

Maghanda ng isang emergency supply kit na may lamang

supply ng tubig, pagkain (lalong nalao na iyong mga

pagkain na hindi na kailangang iluto tulad ng energy bar at

at mga biskuwit) at damit na kasya sa limang araw. Samahan

din ng fi rst-aid kit, fl ashlight, ekstrang baterya, madaling

bitbiting radyong de-baterya at anumang kailangang gamot.

Kung nakatira kayo sa isang lugar na maaaring magkalindol,

maiihanda ninyo nang mas maaga ang inyong pamilya.

• Alamin ang mga ligtas na lugar sa inyong tahanan.

Kadalasan ay ligtas kayo kung malayo sa isang nakapaloob

na dingding, sa ilalim ng isang matibay na mesa at malayo

sa mga mahuhulog na bubog o bagay-bagay.

• Alamin na ang mapapanganib na lugar ay malalapit sa

mga bintana, salamin, mga nakasabit na larawan, matataas

na kasangkapan at mga gamit o kasangkapan na nakasabit

sa kisame.

Kung may lindol at kayo ay nasa inyong tahanan, kailangan

ninyong:

• DUMAPA sa sahig;

• Maghanap ng MASISILUNGAN sa pamamagitan ng

pagpunta sa ilalim ng isang matibay na mesa; at,

• MANATILI dito hanggang sa mawala na ang mga pagyanig.

• Manatiling kalmado. Kapag huminto na ang mga pagyanig,

maghintay ng 30 hanggang 60 segundo bago lumabas.

• Tingnan kung kayo o ang inyong pamilya ay nasugatan o

nasaktan.

• Makinig sa radyo para sa impormasyon at mga tagubilin.

• Kailangang alam ninyo ang mga panganib na maaaring

bumagsak sa inyo kapag kayo ay lumabas.

• Tulungan ang mga kapitbahay kung magagawa ninyo ito.

Ang mga kawani ng BC Housing ay may kasanayan sa kung

paanong tutugon kung may lindol. Kung may lindol,

matatasa nila ang anumang pinsala o sira sa inyong gusali.

Maaaring kailanganin nila ang inyong tulong kung kaya

ninyo na sila ay tulungan.

Hanapin ang bahaging naglalaman ng impormasyon sa

inyong lokal na direktoryo ng telepono para sa karagdagang

impormasyon tungkol sa paglalapat ng unang lunas o fi rst

aid at sa paghahanda kung may lindol.

Page 20: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN19 |

Kung sakaling magkaroon ng isang matinding kalamidad,

ang BC Housing ay may plano kung paanong magtutuloy-

tuloy ang negosyo upang matiyak na ang mga serbisyo ng

gusali ay maibabalik sa mga nangungupahanan sa lalong

madaling panahon. Para sa mga pinakahuling balita sa

panahon ng proseso ng pag-aayos sa mga nasira o

naapektuhan, tumawag po sa 604-433-1711 para sa isang

mensaheng naka-rekord at/o upang makausap ang isang

service coordinator.

Ang mga sumusunod na mapagkukunan/mapupuntahan o

resources ay maaaring makatulong sa mga tao na may

kapansanan sa paghahanda para sa isang emergency.

• BC Coalition of People with Disabilities

» www.bccpd.bc.ca/default.htm

• Isang Road Map para sa Pagpaplano kung may Emergency

para sa mga Tao na may Kapansanan

» www.bccpd.bc.ca/docs/emergpreproadmap.pdf

KALIGTASAN KUNG MAY SUNOG

Narito ang ilang mga tip ukol sa kaligtasan kung may sunog

upang maprotektahan ang inyong tahanan at ang inyong

pamilya.

• Huwag magtago ng mga bagay-bagay na madaling

magliyab tulad ng thinner ng pintura, solvent, tangke ng

gasul o gas sa loob ng inyong tahanan o katabing bodega.

• Magresiklo ng mga lumang diyaryo nang regular sapagkat

mapanganib iyon sa sunog kung nagpatong-patong na sa

sobrang dami.

• Tiyakin na alam ninyo kung ano ang inyong gagawin kung

may sunog. Kung nakatira kayo sa isang gusaling may mga

apartment, may makikita kayong mga impormasyon

tungkol sa kaligtasan kung may sunog at tungkol sa

paglisan na nakapaskil sa bawat palapag. Makakakuha rin

kayo ng impormasyon tungkol sa kaligtasan kung may

sunog mula sa manager ng inyong gusali/kinatawan sa site.

• Kung nakatira kayo sa isang townhouse, magdrowing ng

isang fl oor plan ng inyong unit sa fi re escape plan na

makikita sa Appendix 2 ng handbook na ito.

• Tiyakin na may alam kayong hindi bababa sa dalawang

paraan ng paglabas ng gusali kung sakaling ang isang

rutang labasan ay maharangan ng apoy. Planuhin ang mga

rutang labasan na ito kasama ang mga miyembro ng

inyong pamilya at sanayin ito nang regular upang alam ng

lahat kung paano lalabas ng gusali nang ligtas.

• Kung may marinig kayong alarma ng sunog, palaging

lisanin kaagad ang gusali. Sundin ang inyong plano kung

paanong lalabas kapag may sunog.

• Kung magkakasunog sa inyong unit, lumisan papunta sa

ligtas na lugar, paganahin ang alarma ng sunog, at

tumawag sa 911 para sa departamento ng sunog.

• Tumawag sa manager ng inyong gusali/kinatawan sa site

kung ang alarma para sa usok o smoke alarm sa inyong

tahanan ay madalas na namamatay. Ang alarmang ito may

kable, kaya walang papalitang baterya. Ini-inspeksyon

namin ang smoke alarm at regular itong sinusuri. Huwag

itong aalisin o papatayin.

• Kung pananatilihin ninyong malinis ang inyong kalan,

oven at oven toaster upang hindi sila umusok,

makakatulong kayo na maiwasan na mai-set sa off ang

inyong alarma sa usok. Gayundin, gumamin ng exhaust

fan kapag nagluluto upang maiwasan ang posibilidad na

magkaroon ng mga hindi totoong alarm at huwag kahit

kailan iiwan na walang nagbabantay sa niluluto.

• Pasabihan kaagad ang manager ng inyong gusali/

kinatawan sa site kung may malalaman kayong anumang

panganib na magkakasunog sa inyong tahanan o gusali,

halimbawa, may mga naipong materyal na sumasabog,

nagliliyab na likido, o mga naharangang rotang labasan.

• Gumamit lamang ng pamatay sunog kung sanay kayong

gumamit nito. Kung gusto ninyong matuto kung paano

gumamit ng pamatay sunog, kontakin ang inyong lokal na

departamento ng sunog.

Page 21: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN20 |

• Huwag susuhayan ang mga bukas na pinto o huwag

papatayin ang mga awtomatikong pansara ng mga pinto,

sapagkat ilalagay ninyo sa panganib ang inyong sarili pati

na ang inyong mga kapitbahay kung sakaling

magkakasunog.

• Huwag i-overload ang mga saksakan o huwag gagamit ng

sira, luma o punit na kawad. Ang isang power bar na may

sariling patayan ay makakapagprotekta sa mga de-

kuryente ninyong kasangkapan.

PROGRAMANG MARAMIHANG PABAHAY

SA LIGTAS SA KRIMEN (CRIME FREE MULTI-

HOUSING PROGRAM)

Ang BC Housing ay sumasali sa pagsasanay ng Crime Free

Multi-Housing na ipinagkakaloob ng BC Crime Prevention

Association. Ang programang ito ay dinisenyo upang

matulungan ang mga residente, may-ari at manager ng mga

pinauupahang ari-arian, sa pakikipagtulungan ng pulisya,

na panatilihing walang mga gawaing labag sa batas sa mga

pinauupahang ari-arian. Ang resulta ng sama-samang

pagsusumikap na ito ay isang mas ligtas, mas magandang

tirahang kapaligiran.

Inirerekomenda ng programa ang paggamit ng Karagdagan

sa Kasunduan para sa Paninirahang Pangungupahan para sa

Pamamahay na Libre sa Krimen (Residential Tenancy

Agreement Addendum for Crime Free Housing).

Mula pa noong 1998, lahat ng mga bagong

nangungupahan sa BC Housing ay pumirma sa Pamamahay

na Libre sa Krimen (Crime Free Housing Addendum) nang

sila ay lumipat. Sinasabi sa addendum na:

Ang (mga) nangungupahan, sino mang nakatira sa

sambahayan ng nangungupahan at sino mang tao na

inimbitang pumasok sa tinitirhang ari-arian o ng paligid na

sakop ng tinitirahan ng (mga) nangungupahan sino mang

miyembro ng pamilya ng (mga) nangungupahan ay hindi

dapat masangkot sa anumang gawaing kriminal sa paligid

na sakop ng ari-arian o sa ari-arian, kasama na ang pero

hindi limitado sa:

• anumang kriminal na gawaing may kaugnayan sa droga;

• paghingi o solicitation (mga sex-trade worker at kaugnay

na nakayayamot na gawain);

• mga ginagawa ng mga gang sa kalsada;

• pagsalakay o tangkang pagsalakay;

• labag sa batas na paggamit ng armas;

• anumang gawaing kriminal na nagbabanta sa kalusugan,

kaligtasan o kapakanan ng may-ari o landlord, ng iba pang

mga nangungupahan o mga tao sa ari-ariang tinitirahan o

sa paligid na sakop ng tinitirahan.

Ang paglabag sa alinman sa mga probisyon ng addendum

na ito ay isang seryosong paglabag at isang makabuluhang

hindi pagsunod sa inyong Kasunduan sa Pamahayan sa

Pangungupahan (Residential Tenancy Agreement).

(Sumangguni po sa addendum ng Crime Free Multi-Housing

na nakakabit sa inyong kasunduan sa pangungupahan.)

BANDALISMO

Ang bandalismo sa mga elevator, stairwell at pasilyo ay

maaaring magresulta sa malalaking gastos sa

pagkukumpuni. Ang graffi ti sa semento ay mahirap alisin at

pangit tingnan. Hinihiling namin sa inyo na tumawag kayo

kaagad sa pulis o sabihin ninyo sa manager ng inyong

gusali/kinatawan sa site o property portfolio manager kung

may makikita kayong sino man na sinisira ang ari-arian ng

BC Housing.

Page 22: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN21 |

PAGPAPAUNLAD NG KOMUNIDAD

Ang pagpapaunlad ng komunidad ay isang proseso ng

pagtulong sa isang komunidad na palakasin niyo ang

kanyang sarili upang maabot ang ganap niyang potensiyal.

Ang kawani ng BC Housing ay nakikipagtuwangan sa mga

residente at sa mga organisasyong sumusuporta upang

maibigay ang pangangailangan ng mga nangungupahan.

Sa karamihan ng mga komunidad sa buong probinsiya,

isang community developer ang makikipagtulungan sa inyo

at sa inyong mga kapitbahay, sa manager ng inyong gusali/

kinatawan sa site at sa inyong property portfolio manager

upang makalikha ng pananaw na may pagmamalasakit sa

komunidad sa inyong gusali at upang mapayabong ang

mga ugnayan sa pagitan ng mga nangungupahan, BC

Housing at mga lokal na napagkukunan. Halimbawa, ang

mga programang pang-kabataan pagkatapos ng eskuwela,

mga workshop na pang-edukasyon/pang-kasanayan sa

pamumuhay at mga lingguhang programa na may

kasamang hapunan ay makakatulong sa inyo na makilala

ang inyong mga kapitbahay at makakonekta rin sa mga

lokal na organisasyon.

MGA GRUPO NG MGA NANGUNGUPAHAN

AT MGA PROGRAMA

Karamihan sa mga gusali ng BC Housing ay may mga

aktibong grupo ng mga nangungupahan at mga komiteng

panlipunan. Itanong sa manager ng inyong gusali kung

may naturang grupo sa inyong gusali. Isinusulong ng mga

grupong ito ang pagpapaunlad ng mga may kaugnayan sa

lipunan, edukasyon at libangan, sa pamamagitan ng

pag-host ng mga kaganapang panlipunan at pagbibigay ng

impormasyon tungkol sa mga lokal na mapagkukunan/

mapupuntahan at mga sanggunian.

Kung walang ganitong grupo sa inyong gusali at interesado

kayo na mag-organisa ng mga aktibidad para sa mga

nangungupahan, ang manager ng inyong gusali/kinatawan

sa site ang magsasabi sa inyo kung paano makokontak ang

developer ng lokal na komunidad. Matutulungan nila kayo

na tukuyin ang pinaka-angkop na uri ng aktibidad para sa

inyong gusali.

Sa ilang mga site ng BC Housing, ang mga katuwang ng

komunidad ay nagsasagawa ng mga aktibidad sa mismong

site para sa mga nangungupahan. Maaari ninyong tingnan

ang bulletin board sa inyong gusali kung saan ang isang

buwanang kalendaryo ng mga aktibidad ay nakapaskil o

magtanong sa manager ng inyong gusali/kinatawan sa site

para sa karagdagang impormasyon.

Ang Programa para sa Pag-eempleyo ng Isang

Nangungupahang Estudyante (Student Tenant Employment

Program)(STEP) ay nagkakaloob ng mga makabagong

programang pagsasanay para ma-empleyo, sa mga

kabataang nangungupahan na ang edad ay nasa pagitan ng

15 at 18. Ang programang ito ay tumutulong na ihanda ang

mga kabataan sa pagka-empleyo sa pamamagitan ng

pagkakaloob ng isang linggong sesyon ng pagsasanay at

isang anim na linggong pagtatrabahuhan na may suweldo.

Kasama sa linggong ito ng pagsasanay ang paghahanda ng

resume, mga teknik kapag may panayam at mga

sertipikasyon.

Ang Programa para sa Gantimpalang Pang-edukasyon

(Education Awards Program)(EAP) ay makakatulong sa inyo

na magpursige para sa inyong mga layuning pang-

edukasyon at/o upang matuto ng mga bagong kasanayan.

Ang mga pag-iiskolar at gantimpala mula sa programang ito

ay magagamit sa mga programang pang-edukasyon

Page 23: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN22 |

pagkatapos ng segundaryang paaralan at mga programang

pagsasanay. Isinusulong ng EAP ang edukasyon bilang isang

landas patungong tagumpay at personal na pag-unlad.

Ang People, Plants and Homes (PPH) program ay

nanghihikayat sa mga nangungupahan na mag-hardin saan

man sila nakatira. Ang mga kawani ng PPH at nagbibigay sa

mga nangungupahan ng mga pananim, pataba at mga kit

para sa paghahardin ng mga bata, at nagkakaloob ng iba’t

ibang mga workshop sa buong taon. Para sa karagdagang

impormasyon, kontakin ang tagapag-ugnay o coordinator

ng PPH ang manager ng inyong gusali/kinatawan sa site.

Ang Priority Placement Program (PPP) ay nagbibigay ng

priyoridad na akses sa Rehistro para sa Pabahay (The

Housing Registry) sa mga babae na tumatakas sa

domestikong karahasan o pang-aabuso. Ang mga kawani

ng PPP ay nakikipagtulungan sa mga aplikante at sa mga

nangungupahan upang matasa ang kasalukuyan nilang

pangangailangan sa pabahay at upang makatulong na

mapanatili ang matagumpay na pangungupahan. Kasama

na rito ang pagkakaloob ng suporta upang ma-ikonekta

ang mga kababaihan sa mga serbisyo at referral, pinadadali

ang akses sa mga naturang serbisyo, at nagkakaloob ng

pagpapagitna kung may krisis, suportang pagpapayo at

adbokasiya.

MGA SERBISYONG PANGKALUSUGAN

Ang mga kawani na nagtatrabaho sa Departamento ng BC

Housing para sa mga Serbisyong Pangkalusugan (Health

Services Department) ay mga propesyunal sa kalusugan

mula sa iba’t-ibang disipilina o larangan. Lahat sila ay

dalubhasa sa pangangasiwa ng krisis.

Iniuugnay ng mga kawani ng Serbisyong Pangkalusugan

(Health Services Department) ang mga nangungupahan sa

mga malalapitan nila sa komunidad, nagkakaloob ng

edukasyon tungkol sa iba’t-ibang paksang may kaugnayan

sa lipunan at kalusugan, at sumusuporta kung

magkakaroon ng mga kaganapang magdudulot ng trauma.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag po sa inyong

regional offi ce at magtanong sa isang tagapag-ugnay para

sa mga Serbisyong Pangkalusugan (Health Services).

Ang Addiction Recovery Program (Programa para Mawala na

sa Pagkalulong) ay isang pagtutuwangan sa pagitan ng BC

Housing, Vancouver Coastal Health at Fraser Health para sa

kalusugan at pabahay. Ang programa ay nagkakaloob ng

transisyonal na suportang pabahay sa mga tao na

nagpapagaling mula sa problemang dulot ng pagkalulong

sa masasamang sangkap, sa Lower Mainland. Para sa

karagdagang impormasyon, kontakin ang Lower Mainland

Directly Managed Offi ce at 604-609-7024.

Para sa isang listahan ng mga mapagkukunan o resources

ng komunidad sa Lower Mainland, pumunta sa:

www.bc211.ca

Page 24: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN23 |

PAG-ALIS

Kapag nagdesisyon kayong umalis, kailangang bigyan ninyo

ang inyong property portfolio manager ng isang nakasulat

na pabatid. Ang pabatid na ito ay kailangang matanggap

bago ang huling araw ng buwan, isang buwan bago ang

plano ninyong pag-alis. Halimbawa, kung nagpaplano

kayong umalis sa Abril 30, kailangang ipaalam ninyo ito

sa inyong PPM bago ang 4:30 nang hapon sa Marso 31.

Ang manager ng inyong gusali/kinatawan sa site ay

magtatakda ng pakikipagkita sa inyo upang ma-inspeksyon

ang inyong unit bago kayo umalis, at bibigyan kayo ng

isang litsahan ng paglilinis na dapat ninyong gawin bago

kayo umalis. Kailangang iwan ninyo ang unit na kasinglinis

nang kayo ay lumipat. Maliban sa normal na pagkasira at

paggamit, anumang sira sa inyong unit ay responsibilidad

ninyo. Maaari kayong singilan ng para sa mga pagkukumpuni.

Kailangang naka-alis na kayo bago ang 1 p.m. sa huling

araw ng buwan. Responsibilidad ninyo na ibalik ang lahat

ng susi at ang inyong laundry card, at pirmahan ang form

ng inspeksyon sa pag-alis, bago kayo umalis.

Page 25: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN24 |

Ang mga opisina ng BC Housing ay bukas Lunes hanggang

Biyernes mula 8:30 a.m. hanggang 4:30 p.m.. Para sa

karagdagang impormasyon, pakibisita ang aming website

sa: www.bchousing.org

MGA TANONG NG NANGUNGUPAHAN

Para sa lahat ng mga tanong ng mga nangungupahan,

magpadala po ng e-mail sa: [email protected]

LINYA NG PAGTATANONG SA

SERBISYO NG APLIKANTE

The Housing Registry/SAFER/Rental Assistance Program

Suite 101 - 4555 Kingsway

Burnaby BC V5H 4V8

Telepono: (604) 433-2218

Fax: (604) 439-4729

Libreng Tawag: 1-800-257-7756

HARAPANG TANGGAPAN

Suite 101 - 4555 Kingsway

Burnaby BC V5H 4V8

TANGGAPAN SA TAHANAN

Suite 1701 - 4555 Kingsway

Burnaby BC V5H 4V8

Telepono: (604) 433-1711

Fax: (604) 439-4722

Libreng Tawag: 1-866-465-6873

Email: [email protected]

APPENDIX 1: IMPORMASYON KUNG PAANO MAKOKONTAK

LOWER MAINLAND DIREKTANG

PINAMAMAHALAANG TANGGAPAN

510-369 Terminal Avenue

Vancouver BC V6A 4C4

Telepono: (604) 609-7024

Fax: (604) 609-7031

E-mail: [email protected]

24-oras na emerhensiyang pagmementina: 604-682-4852

VANCOUVER ISLAND REHIYON

Suite 201 - 3440 Douglas Street

Victoria BC V8Z 3L5

Telepono: (250) 475-7550

Fax: (250) 475-7551

Libreng Tawag: 1-800-787-2807

E-mail: [email protected]

24-oras na emerhensiyang pagmementina: 250-213-8798

PANLOOB NA REHIYON

290 Nanaimo Avenue West

Penticton BC V2A 1N5

Telepono: (250) 493-0301

Fax: (250) 492-1080

Libreng Tawag: 1-800-834-7149

E-mail: [email protected]

24-oras na emerhensiyang pagmementina: 250-493-0301

(Ito ang numero ng telepono sa opisina. Ang serbisyong

may sumasagot sa telepono pagkatapos ng mga oras ng

trabaho ang magdidirekta ng inyong emerhensiyang tawag.)

Page 26: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN25 |

HILAGANG REHIYON

1539 11 Avenue

Prince George BC V2L 3S6

Telepono: (250) 562-9251

Fax: (250) 562-6488

Libreng Tawag: 1-800-667-1235

E-mail: [email protected]

24-oras na emerhensiyang pagmementina: 250-562-9251

(Ito ang numero ng telepono sa opisina. Ang serbisyong

may sumasagot sa telepono pagkatapos ng mga oras ng

trabaho ang magdidirekta ng inyong emerhensiyang tawag.)

HILAGANG REHIYON:

PRINCE RUPERT AREA OFFICE

1400 Kootenay Avenue

Prince Rupert BC V8J 3X5

Telepono: (250) 627-7501

Fax: (250) 627-8975

E-mail: [email protected]

24-oras na emerhensiyang pagmementina:

• Para sa mga nangungupahan sa Harbour View Gardens,

Pineridge Terrace at Kootenay Place: 250-627-9061

(Tagapamahala ng Gusali) o 250-627-7501 (Opisina para sa

taong on-call)

• Para sa mga nangungupahan sa Sunset Villa Apartments:

250-627-8124 o

cell 250-622-8380 (Kinatawan sa Site) o

250-627-7501 (Opisina para sa taong on-call)

• Para sa mga nanungupahan sa Mariposa Gardens:

250-624-1297 (Tagapamahala ng Gusali) o

250-627-7501 (Opisina para sa taong on-call)

• Para sa mga nanungupahan sa Willows o

Market Estate (Terrace):

250-638-1619 o

cell 250-625-1476 o

250-627-7501 (Opisina para sa taong on-call)

GAMITIN ANG PAHINANG ITO UPANG

MAKAPAGREKORD NG MAHAHALAGANG

NUMERO NGTELEPONO

Manager ng gusali/kinatawan sa site:

Mga araw at oras ng trabaho:

Property portfolio manager:

Property portfolio assistant:

Regional community developer:

Tenant support worker:

Mga karagdagang numero:

Page 27: HANDBOOK NG - BC Housing

BC Housing HANDBOOK NG NANGUNGUPAHAN26 |

Kung nakatira kayo sa isang gusali na wala pang nakapaskil

na plano kung paanong lalabas kapag may sunog, gamitin

ang grid na nasa pahina 36 upang makaguhit ng isang

plano kung paanong lalabas kapag may sunog para sa

inyong tahanan at ipaskil ito sa isang kitang-kitang lokasyon

sa inyong unit. Tandaan kung nasaan ang mga dingding,

bintana at pinto at tukuyin ang lahat ng mga rota na

maaaring daanan palabas. Kailangang magtukoy din kayo

ng isang lugar na tagpuan sa labas na malapit sa isang puno

o iba pang palatandaan. Kapag kumpleto na ang inyong

plano, magpraktis kasama ang bawat miyembro ng

sambahayan.

SAMPOL NA PLANO:

ANG INYONG PLANO

LIVINGROOM

DININGROOM

KITCHEN BATHROOM

BEDROOM

BEDROOM

WINDOWWINDOWWINDOW

WINDOW

DOORMEETING

PLACE

DEN

BINTANA

BINTANABINTANA

BINTANA

KUSINA

DEN

SILID-KAINAN

TAGPUAN

SALA

BANYO KUWAR-TO

KUWAR-TO

APPENDIX 2: ANG INYONG PLANO KUNG PAANON LALABAS KAPAG MAY SUNOG