guro ako - teacher talks · web viewang iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang...

27
YUNIT I Ang Philippines Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Filipino l. Layunin 1. Nalalaman ang kahalagahan ng Philippines Physical Activity Pyramid. 2. Naisasagawa ang mga gawaing pisikal na mas nakabubuti sa kalusugan ayon sa Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. 3. Naipakikita ang pakikiisa sa mga gawain. ll. Nilalaman Paksa: Philippines Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino Kasanayan: Paglalarawan sa pamamagitan ng eksena o representasyon Pagpapahalaga: Disiplina sa sarili, kooperasyon Sanggunian: - Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan ni Vilma V. Perez., et al. pp.181-182, © 2009 - The Filipino Pyramid Activity Guide, PASOO 2000 Kagamitan: Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Filipino, manila paper lll. Pamamaraan A. Pang araw-araw na Gawain Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan B. Panimulang Gawain 1. Pampasiglang Gawain Ipasagot ang gawaing pampasigla sa SIMULAN NATIN na nasa LM. ARALIN 1 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Upload: others

Post on 15-Dec-2020

30 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

YUNIT I

Ang Philippines Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Filipino

l. Layunin1. Nalalaman ang kahalagahan ng Philippines Physical Activity Pyramid. 2. Naisasagawa ang mga gawaing pisikal na mas nakabubuti sa kalusugan ayon sa Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. 3. Naipakikita ang pakikiisa sa mga gawain.

ll. Nilalaman

Paksa: Philippines Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino

Kasanayan: Paglalarawan sa pamamagitan ng eksena o representasyon Pagpapahalaga: Disiplina sa sarili, kooperasyon

Sanggunian: - Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan ni Vilma V. Perez., et al. pp.181-182, © 2009 - The Filipino Pyramid Activity Guide, PASOO 2000

Kagamitan: Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Filipino, manila paper

lll. Pamamaraan

A. Pang araw-araw na Gawain Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan

B. Panimulang Gawain 1. Pampasiglang Gawain

Ipasagot ang gawaing pampasigla sa SIMULAN NATIN na nasa LM.

Banggitin na lapis lamang ang gamitin sa pagsagot.

Itanong ang sumusunod:a. Lahat ba ng gawaing na nasa tsart ay ginagawa mo? Ilang beses sa isang linggo? b. Alin sa mga gawain ang mas madaling gawin? Ang mas mahirap gawin?

ARALIN 1

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Page 2: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

2. Balik-aral

Itanong kung ano-anong mga gawaing pisikal ang kanilang natatandaan at natutuhan sa Ikaapat na Baitang. Talakayin ang halaga nang patuloy na paggawa ng mga gawaing pisikal.

C. Panlinang na Gawain

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino at itanong kung ano ang masasabi nila tungkol dito.

2. Ipaliwanag ang gamit ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino at kung ano ang maitutulong nito sa kalusugan ng mga mag-aaral na kasalukuyang aktibo at kasalukuyang hindi gaanong aktibo.

3. Ipasuri sa mga mag-aaral ang kanilang sagot sa Simulan Natin at itanong ang mga sumusunod:

- Aling mga gawain sa tsart ang ginagawa mo na naaayon sa rekomendasyon ng pyramid?

- Aling mga gawain ang sa tingin mo ay dapat mong dalasan pa ang paggawa?

Alin ang dapat mong bawasan ang dalas ng paggawa? Bakit?

D. Paglalapat

Pangkatin ang klase sa apat (pagbibilang ng 1-4).

Ilalarawan sa pamamagitan ng isang eksena o presentasyon ng bawat grupo ang mga gawain sa araw-araw, 3-5 beses, 2-3 beses, at 1 beses sa loob ng isang linggo na kanilang ginagawa. Ipaliwanag na kailangang mag-isip sila ng mga gawaing wala sa pyramid. Ipaliwanag kung papaano ang paggawa ng eksena o presentasyon.

Unang Grupo: araw-araw na ginagawa

Pangalawang Grupo: 3-5 na beses sa isang linggo

Pangatlong Grupo: 2-3 beses sa isang linggo

Pang-apat na Grupo: 1 beses sa isang lingo

Tawagin ang bawat grupo para ipakita ang kanilang nabuo at tawagin ang lider upang ipaliwanag ito. Tulungan ang bawat grupo sa pagpapaliwanag ng kahalagahan at epekto nito sa kalusugan.

Itanong ang mga sumusunod: - Sang-ayon ka ba sa mga gawaing ipinakita ng ibang grupo? Naaayon ba ang mga ito sa dalas ng paggawa na rekomendado ng pyramid? - Kung ikaw ay kabilang sa ibang grupo, ano-ano ang mga gawaing iyong ipakikita?

Page 3: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

E. Pangwakas na Gawain

Ipagawa ang gawain sa SURIIN NATIN na nasa LM.

IV.Takdang Aralin

Ipagawa ang gawain sa PAGBUTIHIN NATIN na nasa LM.

Page 4: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

YUNIT I

Ang mga Sangkap ng Physical Fitness

l. Layunin

1. Nakikilala ang iba’t ibang sangkap ng physical fitness test. 2. Naisasagawa ang mga pampasiglang gawain.3.Nakakapagpapamalas ng pakikiisa sa paggawa ng mga gawain. 4.Naisasagawa ng may kaukulang pag-iingat ang mga gawaing pisikal.

ll. Nilalaman

Paksa: Ang mga Sangkap ng Physical Fitness Kasanayan: Pagtalon, pagtakbo, pagbuhat, paghagis, at pagbalanse. Pagpapahalaga: Pakikiisa, sariling disiplina, at determinasyon Sanggunian:

- Manwal ng Kawanihan ng Eduk.sa PK,1997., pp.283-284 - MSEP 4 ni Violeta E. Hornilla,et al., pp.20-24- The Filipino Pyramid Activity Guide, PASOO 2000 - Physical Fitness Test Approach ni APARICIO H. MEQUI, Ph.D.’ 2004 - https://www.youtube.com/watch?v=KyrmbdnCtKc

Kagamitan: iba’t ibang larawan ng mga indibidwal, Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino, manila paper, masking tape, pito

lll. Pamamaraan

A. Pang araw-araw na Gawain Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan

B. Panimulang Gawain:

1. Pampasiglang Gawain

Ipagawa ang gawaing pampasigla sa SIMULAN NATIN na nasa LM.

Itanong ang sumusunod:

Ano-anong mga katangian ang kailangang taglayin ng mga indibidwal na ito para magampanan nang maayos ang kanilang tungkulin? Gaano kahalaga ang mga katangiang ito sa kanilang trabaho o propesyon?

ARALIN 2Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Page 5: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

Ang iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon ay nakasalalay nang malaki sa physical fitness ng isang indibidwal.

2. Balik-aral

Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang kanilang natutuhan sa Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino.

C. Panlinang na Gawain

1. Ipaliwanag ang kahulugan ng physical fitness, ang mga sangkap nito, mga halimbawa ng gawaing nagtataglay o nangangailangan nito, at mga paraan sa paglinang nito.

2. Ipaliwanag ang paggamit ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino at ang kahalagahan ng mga gawain sa araw-araw sa pagpapaunlad ng mga sangkap ng physical fitness.

3. Ipasuri muli sa mga mag-aaral ang mga larawan sa Simulan Natin at itanong ang mga sumusunod:

Aling sangkap ng physical fitness ang lubos na mahalaga para magampanan nila nang husto ang kanilang mga tungkulin? para sa pulis? manlalaro ng basketball? estudyante?

D. Paglalapat

Ipagawa ang gawaing pampasigla sa GAWIN NATIN na nasa LM.

Pangkatin ang klase sa anim (pagbibilang ng 1-6).

Bawat grupo ay magsisimula sa estasyon na itinalaga para sa kanila. Ipagawa ang nakatalaga sa estasyon. Ipatukoy ang mga sangkap ng physical fitness na kaakibat ng gawain. Magbigay ng hudyat kung kailan lilipat sa susunod na estasyon ang bawat grupo para gawin ang nakatalaga dito. Ipaliwanag na kailangan nilang ipagpatuloy na gawin ang lahat ng nakatalaga sa lahat ng estasyon.

Itanong ang sumusunod:

- Aling mga estasyon ang isa lamang ang sangkap ng physical fitness na kaakibat ng gawain? Ano-anong mga sangkap na ito?

- Ano-anong komponent ng physical fitness ang kadalasang magkasama o parehong kaakibat ng isang gawain? Sa aling istasyon ito kaakibat?

E. Pangwakas na Gawain

Ipagawa ang gawain sa SURIIN NATIN na nasa LM.

Page 6: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

IV. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa PAGBUTIHIN NATIN na nasa LM.

Page 7: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

YUNIT I

Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng

Physical Fitness (Pre-test)

l. Layunin

1. Nauunawaan ang kahalagahan ng Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness Test.2.Naisasagawa ang mga pagsubok sa sangkap ng physical fitness ayon sa nararapat na pamamaraan ng mga ito. 3. Naisasagawa ng may kaukulang pag-iingat ang mga pagsubok sa sangkap ng physical fitness.

ll. Nilalaman

Paksa: 3 Minute Step Test, ,Push Up,Stork Stand,40 meter sprintKasanayan: Mga kasanayan na sinusubok ng physical fitness tests Pagpapahalaga: Pakikiisa, sariling disiplina, at determinasyon Sanggunian:

- “Tayo Nang Magpalakas “Batayang Aklat ng Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan, pp. 3-4- The Filipino Pyramid Activity Guide, PASOO 2000 - Musika, Sining at Eduk. Pangkatawan nina Violeta E. Hornilla, et.al. pp.70-73 - https://www.youtube.com/watch?v=KyrmbdnCtKc - Moving and Learning ni Beverly Nichols PhD.

Kagamitan: Physical Fitness Passport Card, tungtungan/hagdan (8 pulgada/ inches), pito, timer/stopwatch, tape measure, yeso (chalk), 2 piraso ng kahoy/katulad na gamit, masking tape, tennis ball/ baseball/katulad na gamit, dingding, upuan, mesa, ruler/meter stick, megaphone (kung mayroon), at mga pansapin/floor mats, manila paper, masking tape

lll. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain

Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan

B. Panimulang Gawain

1. Pampasiglang Gawain

Ipagawa ang SIMULAN NATIN na nasa LM.

ARALIN 3

Page 8: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

Tiyaking nararamdaman ng mga mag-aaral ang kanilang pulso. Itanong ang sumusunod:

- Mabilis ba ang iyong pulso? Sa tingin mo, bakit kaya mabilis o mabagal ito?

- Ano ang maitutulong ng mga physical activity na ginagawa mo para mapaunlad ang pintig ng iyong puso? Ibigay ang Physical Fitness Passport Card at ipaliwanag ang kahalagahan nito. Siguraduhing maitatala nang maayos ng mga mag-aaral ang kanilang pulso ayon sa iyong pagpapaliwanag.

2. Balik-aral

Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang mga sangkap ng physical fitness na kanilang naaalala.

C. Panlinang na Gawain

1. Ipaliwanag ang mga pagsubok ng physical fitness, ang halaga nito sa kalusugan, kailan ito ginagawa (pre-test at post-test), at paano ito ginagawa. Ipaliwanag din ang iba’t ibang pagsubok na karaniwang ginagamit sa partikular na sangkap ng physical fitness. Siguraduhing naintindihan ng mga mag-aaral kung paano gagawin ang mga pagsubok.

2. Ipaliwanag kung paano nakatutulong sa pagpapaunlad o paglilinang ng mga sangkap ng physical fitness ang pakikilahok sa mga gawain sa Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino.

D. Paglalapat

Iayos ang mga estasyon ng pagsubok ayon sa pagkakasunod-sunod nito (Unang araw at pangalawang araw ng pagsubok). Ihanda ang mga kagamitang kailangan sa bawat estasyon.

Siguraduhing nakasulat sa bawat estasyon ang mga pamamaraan sa paggawa ng bawat pagsubok para nasusundan ito nang tama ng mag-aaral.

Sa unang araw ng pagsubok, ipaliwanag ang dahilan kung bakit dapat mauna ang 3-minute step test sa lahat ng mga pagsubok at dapat namang mahuli ang 40m run. Ipaliwanag din kung bakit maaaring mag-iba-iba ng pagkakasunod-sunod ang, push-up, at stork stand test.

Mabuti ring ipaliwanag ang kahalagahan ng warm-up at cooldown.

Ipaliwanag nang mabuti ang Talaan ng Iskor sa Pagsubok ng Physical Fitness.

Tiyaking naintindihan ng mga mag-aaral ang paggamit nito.

Ipagpares ang mga mag-aaral at sabihing magsalitan sa paggawa at pagtala ng mga resulta o iskor sa bawat pagsubok.Tiyaking ayon sa pamamaraan ng bawat pagsubok ang ginagawa ng magkapares.

Page 9: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

Ipaliwanag kung bakit ipagpapaliban ang warm-up sa mga pagsubok dahil ang pagkapagod ay makakaapekto sa iskor na makukuha lalo na sa unang araw ng pagsubok.

Umikot sa lahat ng istasyon at gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng mga pagsubok at pagtala ng mga resulta o iskor.

Tulungan ang mga mag-aaral na maintindihan ang kahulugan ng mga iskor na kanilang nakuha. Ipaliwanag sa kanila na ang layunin ng mga pagsubok ay upang malaman ang kalagayan ng kanilang kalusugan. Sa “Remarks” sa Talaan ay lalagyan ng mga mag-aaral ng kanilang masasabi tungkol sa iskor na kanilang nakuha. Ipaunawa sa kanila ang kanilang maaaring paunlarin base sa iskor na kanilang nakuha.

Ipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng body composition. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng Body Mass Index (BMI) at kung paano matutugunan ang resulta nito batay sa taas at timbang.

E. Pangwakas na Gawain

Ipagawa ang gawain sa GAWIN NATIN na nasa LM.

IV. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa PAGBUTIHIN NATIN na nasa LM.

YUNIT I

ARALIN 4

Page 10: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng

Physical Fitness (Pre-test)

I. Layunin

1. Nauunawaan ang kahalagahan ng Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness Test.2.Naisasagawa ang mga pagsubok sa sangkap ng physical fitness ayon sa nararapat na pamamaraan ng mga ito. 3. Naisasagawa ng may kaukulang pag-iingat ang mga pagsubok sa sangkap ng physical fitness.

ll. Nilalaman

Paksa: Ruler Drop Test, Sit and Reach, Standing Long Jump, Hexagon Agility Test at Juggling

Kasanayan: Mga kasanayan na sinusubok ng physical fitness tests

Pagpapahalaga: Pakikiisa, sariling disiplina, at determinasyon

Sanggunian:

- “Tayo Nang Magpalakas” “Batayang Aklat ng Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan, pp. 3-4 - The Filipino Pyramid Activity Guide, PASOO 2000 - Musika, Sining at Eduk. Pangkatawan nina Violeta E. Hornilla, et.al. pp.70-73- https://www.youtube.com/watch?v=KyrmbdnCtKc - Moving and Learning ni Beverly Nichols PhD

Kagamitan: Physical Fitness Passport Card, tungtungan/hagdan (8 pulgada/ inches), pito, timer/stopwatch, tape measure, yeso (chalk), 2 piraso ng kahoy/katulad na bagay, masking tape, tennis ball/ baseball/katulad na gamit, dingding, upuan, mesa, ruler/meter stick, megaphone (kung mayroon), at mga pangsapin/floor mats, manila paper, masking tape.

lll. Pamamaraan

Page 11: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

A. Pang araw-araw na Gawain Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan

B. Panimulang Gawain

1. Pampasiglang Gawain

Ipagawa ang SIMULAN NATIN na nasa LM. Tiyaking nararamdaman ng mga mag-aaral ang kanilang pulso.

Itanong ang sumusunod:

- Mabilis ba ang iyong pulso? Bakit kaya mabilis o mabagal?

- Ano ang maitutulong ng mga gawaing pisikal na ginagawa mo para mapaunlad ang pintig ng iyong puso?

Ibigay ang Physical Fitness Passport Card. Ipaliwanag ang kahalagahan nito. Siguraduhing maitatala nang maayos ng mga magaaral ang kanilang pulso ayon sa iyong pagpapaliwanag.

2. Balik-aral Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang mga sangkap ng physical fitness na kanilang naalala.

C. Panlinang na Gawain

1. Ipaliwanag ang mga pagsubok ng physical fitness, ang halaga nito sa kalusugan, kailan ito ginagawa (pre-test at post-test), at paano ito ginagawa. Ipaliwanag din ang iba’t ibang pagsubok na karaniwang ginagamit sa partikular na sangkap ng physical fitness. Siguraduhing naintindihan ng mga mag-aaral kung paano gagawin ang mga pagsubok.

2. Ipaliwanag kung paano nakatutulong sa pagpapaunlad o paglilinang ng mga sangkap ng physical fitness ang pakikilahok sa mga gawain sa Gawaing pisikal Pyramid Guide para sa Batang Pilipino.

D. Paglalapat

Iayos ang mga estasyon ng pagsubok ayon sa pagkakasunod-sunod nito (Unang araw at pangalawang araw ng pagsubok). Ihanda ang mga kagamitang kailangan sa bawat estasyon. Siguraduhing nakasulat sa bawat estasyon ang pamamaraan ng paggawa sa bawat pagsubok para nasusundan ito nang tama ng mga mag-aaral.

Sa pangalawang araw naman ng pagsubok, gawin ang sumusunod:

Ipaliwanag kung bakit maaaring mag-iba-iba ng pagkakasunod-sunod ang ruler drop test, sit and reach, standing long jump, hexagon agility test at juggling.

Page 12: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

Ipaliwanag din nang mabuti ang Talaan ng Iskor sa Pagsubok ng Physical Fitness. Siguraduhing naintindihan ng mga mag-aaral ang paggamit nito.

Ipagpares ang mga mag-aaral at sabihing magsalitan sa paggawa at pagtala ng mga resulta o iskor sa bawat pagsubok. Tiyaking ayon sa pamamaraan ng bawat pagsubok ang ginagawa ng magkapares.

Magpagawa ng gawaing maghahanda sa mga pagsubok.

Umikot sa lahat ng estasyon at gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng mga pagsubok at pagtala ng mga resulta o iskor.

E. Pangwakas na Gawain

Ipagawa ang gawain sa SURIIN NATIN na nasa LM.

IV. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa PAGBUTIHIN NATIN na nasa LM.

Page 13: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

YUNIT I

Paglinang ng Cardiovascular Endurance

l. Layunin

1. Nasusuri ang mga indikasyon ng pag-unlad ng cardiovascular endurance at mga pagsubok dito.2. Naisasagawa ang mga gawaing nakalilinang ng cardiovascular endurance tulad ng aerobics at paglalaro ng mga larong Pinoy gaya ng tumbang preso. 3. Nakapagpamalas ng pakikiisa sa paggawa ng mga gawain.

ll. Nilalaman

Paksa: Paglinang ng Cardiovascular Endurance ( Tumbang Preso)

Kasanayan: Pagsayaw, pagtakbo, at paghagis Pagpapahalaga: Pakikiisa, sariling disiplina, at determinasyon Sanggunian:

- MSEP 6 ni Vilma Perez et al., pp. 209-210 - Musika, Sining at Eduk. Pangkatawan 5, pp.96 - MAPEH 3 ni Sonny F. Meneses Jr., et al., 2013 - A Study of Philippine Games ni Mellie Leandicho Lopez

Kagamitan: Tsinelas, lata ng gatas o kahit anong lata, yeso (chalk) Pinoy aerobics na tugtog, music player

lll. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan

B. Panimulang Gawain

1. Pampasiglang Gawain Ipagawa ang SIMULAN NATIN na nasa LM.

Siguraduhing nararamdaman ng mga magaaral ang kanilang pulso at naihambing sa nakuhang bilang noong nakaraang aralin.

Itanong ang sumusunod:

a. Mabilis ba ang iyong pulso? Bakit kaya mabilis ito o mabagal ito? b. Ano ang maitutulong ng mga gawaing pisikal na ginagawa mo para mapaunlad ang pintig ng iyong puso?

ARALIN 5

Page 14: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

2. Balik-aral Itanong sa mga mag-aaral kung anong pagsubok ang ginamit para sa cardiovascular endurance.

Ipagawa ang aerobics na nasa LM. Ipadama muli sa mga mag-aaral ang kanilang pulso at ipahambing sa kanilang mga naunang naitala. Itanong ang sumusunod:

- Bumilis ba ang tibok ng iyong puso pagkatapos ng aerobics?

- Ano ang iyong nararamdaman pagkatapos ng aerobics?

- Ano ang ibig sabihin kapag bumilis ang tibok ng iyong puso?

C. Paglinang na Gawain

1. Ipaliwanag ang kahulugan ng cardiovascular endurance at kahalagahan nito sa kalusugan. Ipaliwanag kung paano ito nalilinang sa pamamagitan ng mga gawaing nagtataglay at nangangailangan nito at kung paano ito nasusubok. Siguraduhing naintindihan ng mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng mabilis na pagtibok ng puso sa madali lamang at may kahirapang gawain.

2. Ipaliwanag ang gamit ng mga gawain sa buong antas para mapaunlad ang naitalang resulta o iskor sa pre-test ng cardiovascular endurance. Siguraduhing nauunawaan ng mga mag-aaral ang pagpapanatili ng mga gawaing pisikal kahit sa labas ng PE para mas malinang pa ito.

D. Paglalapat

Ipagawa ang pampasiglang gawain sa GAWIN NATIN na nasa LM. Ipaliwanag na hindi lamang sa pakikilahok sa mga gawaing tulad ng aerobics nalilinang ang cardiovascular endurance kundi sa pakikilahok din sa mga larong Pinoy tulad ng tumbang preso. Ipaliwanag na ang paglalaro ng larong Pinoy ay magandang pamamaraan para matutunan ang mga taktika sa paglalaro na maaari ring magamit sa ibang laro at isports. Ipaliwanag ang mga alituntunin at mga kagamitang kailangan sa tumbang preso. Ipalaro ang tumbang preso sa mga mag-aaral. Gabayan ang mga mag-aaral at siguraduhing nasusunod nila ang mga alituntunin ng laro. Gabayan din ang kanilang kaligtasan. Pagkatapos ng laro, i-evaluate ang kanilang pakikilahok.

Itanong ang sumusunod:

- Ano-anong mga bahagi ng iyong katawan ang higit na nagagamit sa paglalaro ng tumbang preso?

- Ano ang pakiramdam mo habang naglalaro at pagkatapos maglaro? - Bumilis ba ang pintig o tibok ng iyong puso?

Kung madalas mo ba itong lalaruin, mapapaunlad ba nito ang iyong cardiovascular endurance?

Page 15: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

Ipaliwanag ang maitutulong sa cardiovascular endurance ng paglalaro ng tumbang preso. Ipaliwanag kung paano nalilinang ang mga kasanayan sa laro tulad ng paghagis ng tsinelas, pag-iwas sa taya, at paghabol. Ipaliwanag ang kahalagahan ng cardiovascular endurance ng pagsasagawa ng kasanayang ito.

E. Pangwakas na Gawain

Ipagawa ang gawain sa SURIIN NATIN na nasa LM.

Siguraduhing malinaw sa mga mag-aaral ang pagkakaiba ng mga gawain sa tsart.

IV. Takdang- aralin

Ipagawa ang gawain sa PAGBUTIHIN NATIN na nasa LM. Tiyaking gagawin nila ang takda nang may katapatan at hindi lamang basta sasagutan o pupunuin ito para lamang sila ay may takda.

Page 16: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

YUNIT I

Paglinang ng Puwersa (Power)

l. Layunin

1. Nalalaman ang pinagmulan ng larong kick ball.2. Naisasagawa ang mga gawaing nakalilinang ng power o puwersa tulad ng paglalaro ng mga larong Pinoy gaya ng kick ball 3.Naisasagawa nang may kaukulang pag-iingat sa mga gawain.

ll. Nilalaman

Paksa: Kick BallKasanayan: Pagtakbo at PagsipaPagpapahalaga: Pakikiisa, sariling disiplina, at determinasyon Sanggunian:

- MSEP 3 ni Sonny F. Meneses Jr., et al., pp.168-169 - Children Moving ni George Graham, et al., pp. 513-514 - MSEP 4 Vilma B. Perez, et al., pp. 308-309

Kagamitan: bola

lll. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan

B. Panimulang Gawain

1. Pampasiglang Gawain

Ipagawa ang gawain sa SIMULAN NATIN nanasa LM.

2. Balik–aral

Itanong sa mga mag-aaral kung anong benepisyo ang nakukuha ng katawan sa paglalaro ng tumbang preso.

C. Panlinang na Gawain

Ipaliwanag ang larong kick ball at ang mga kasanayang kailangan sa larong ito. Siguraduhing maintindihan ng mga mag-aaral ang mga kailangang kasanayan sa paglalaro nito.

D. Paglalapat

Pangkatin ang mga mag-aaral at ipaliwanag ang mga alituntunin at mga kagamitang kailangan sa kick ball. Gabayan ang mga mag-aaral at siguraduhing naisasagawa nila ang mga alituntunin ng laro. Gabayan din ang kanilang kaligtasan. Pagkatapos ng laro, tayahin (evaluate) ang kanilang pakikilahok.

ARALIN 6

Page 17: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

Ipagawa ang gawain sa GAWIN NATIN na nasa LM.

Itanong ang sumusunod:

- Ano ang pakiramdam mo habang naglalaro at pagkatapos maglaro? Bumilis ba ang pintig o tibok ng iyong puso?

- Ano-anong mga bahagi ng iyong katawan ang ginamit mo para maipakita ang iyong puwersa?

- Naipamalas mo ba ang iyong power sa paglalaro ng kick ball?

- Kung madalas mo ba itong lalaruin, mapauunlad ba nito ang iyong power?

Ipaliwanag ang maitutulong sa power sa paglalaro ng kick ball.

Ipaliwanag kung paano nalilinang ang mga kasanayan sa laro tulad ng pagtakbo, at pagsipa.

Ipaliwanag kung gaano kahalaga ang power sa pagsasagawa ng mga kasanayang ito.

E. Pangwakas na Gawain

Ipagawa ang gawain sa SURIIN NATIN na nasa LM.

Siguraduhing tatayahin nang maayos ng mga mag-aaaral ang kanilang pakikilahok.

IV. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa PAGBUTIHIN NATIN na nasa LM. Ipaliwanag ang halaga ng pag-ayon ng paggawa sa Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino para sa kalusugan.

YUNIT I

Batuhang Bola

l. Layunin

ARALIN 7

Page 18: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

1. Nalalaman ang pinagmulan ng larong batuhang bola.2. Naisasagawa ang mga gawaing nakalilinang ng cardiovascular endurance at power tulad ng paglalaro ng mga larong Pinoy gaya ng batuhang bola 3. Nakapagpapamalas ng pakikiisa sa paggawa ng mga gawain 4. Naisasagawa nang may kaukulang pag-iingat sa mga gawain.

ll. Nilalaman

Paksa: Batuhang Bola Kasanayan: Pagbato, pagsalo, pagtakbo, at pag-iwas Pagpapahalaga: Pakikiisa, sariling disiplina, at determinasyon Sanggunian:

- MSEP 3 ni Sonny F. Meneses Jr., et al., pp.168-169 - Children Moving ni George Graham, et al., pp. 513-514 - MSEp 4 Vilma B. Perez, et al., pp 308-309

Kagamitan: malambot na bola/ginusot na papel na binilog/lumang medyas na pinagsama-sama, yeso o chalk

lll. Gawaing Pamamaraan

A. Pang araw-araw na Gawain Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan

B. Panimulang Gawain

1. Pampasiglang Gawain

Ipagawa ang gawain sa SIMULAN NATIN na nasa LM.

3. Balik–aral Itanong sa mga mag-aaral kung anong benepisyo ang nakukuha

ng katawan sa paglalaro ng tumbang preso at kickball.

C. Panlinang na Gawain

Ipaliwanag ang larong batuhang bola at ang mga kasanayang kailangan sa larong ito. Siguraduhing maintindihan ng mga mag-aaral ang mga kailangang kasanayan sa paglalaro nito.

D. Paglalapat

Pangkatin ang mga mag-aaral at ipaliwanag ang mga alituntunin at mga kagamitang kailangan sa batuhang bola. Gabayan ang mga mag-aaral at siguraduhing naisasagawa nila ang mga alituntunin ng laro. Gabayan din ang kanilang kaligtasan. Pagkatapos ng laro, tayahin (evaluate) ang kanilang pakikilahok.

Ipagawa ang GAWIN NATIN na nasa LM.

Itanong ang sumusunod:

Page 19: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

- Ano ang pakiramdam mo habang naglalaro at pagkatapos maglaro? Bumilis ba ang pintig o tibok ng iyong puso?

- Ano-anong mga bahagi ng iyong katawan ang ginamit mo para maipakita ang iyong power?

- Naipamalas mo ba ang iyong cardiovascular endurance at power sa paglalaro ng batuhang bola?

- Kung madalas mo ba itong lalaruin, mapauunlad ba nito ang iyong cardiovascular endurance at power?

Ipaliwanag ang maitutulong sa cardiovascular endurance at power sa paglalaro ng batuhang bola. Ipaliwanag kung paano nalilinang ang mga kasanayan sa laro tulad ng pagtakbo, pag-iwas sa bola, at pagbato. Ipaliwanag kung gaano kahalaga ang cardiovascular endurance at power sa pagsasagawa ng mga kasanayang ito.

E. Pangwakas na Gawain

Ipagawa ang gawain sa SURIIN NATIN na nasa LM. Siguraduhing tatayahin nang maayos ng mga mag-aaral ang kanilang pakikilahok.

IV. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa PAGBUTIHIN NATIN na nasa LM. Ipaliwanag ang halaga ng pag-ayon ng paggawa sa Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino para sa kalusugan.

YUNIT I

Syato

I. Layunin

1. Nalalaman ang pinagmulan ng larong syato.2. Naisasagawa ang mga gawaing nakalilinang ng muscular endurance at power tulad ng paglalaro ng mga larong Pinoy gaya ng syato

ARALIN 8

Page 20: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

3. Nakapagpapamalas ng pakikiisa sa paggawa ng mga gawain 4. Naisasagawa nang may kaukulang pag-iingat sa mga gawain.

ll. Nilalaman

Paksa: Syato

Kasanayan: Pagpukol o pagpalo, pagtakbo, at pagsalo

Pagpapahalaga: Pakikiisa, sariling disiplina, at determinasyon

Sanggunian: Magpalakas at Umunlad ni Bernandino T. Montes, et al, pp.109 111

Kagamitan: Maliit o maikling patpat bawat manlalaro, malaki o mahabang patpat bawat manlalaro

lll. Pamamaraan

A. Pang araw-araw na Gawain Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan

B. Panimulang Gawain

1. Pampasiglang Gawain

Ipagawa ang SIMULAN NATIN na nasa LM.

4. Balik-aral Itanong sa mga mag-aaral kung anong benepisyo ang nakukuha

ng katawan sa paglalaro ng batuhang bola.

C. Panlinang na Gawain

Ipaliwanag ang larong syato at ang mga kasanayan na kailangan sa larong ito. Siguraduhing maintindihan ng mga mag-aaral ang mga kailangang kasanayan sa paglalaro nito.

D. Paglalapat

Pangkatin ang mga mag-aaaral at ipaliwanag ang mga alituntunin at mga kagamitang kailangan sa batuhang bola. Gabayan ang mga mag-aaral at siguraduhing nasusunod nila ang mga alituntunin ng laro. Gabayan din ang kanilang kaligtasan. Pagkatapos ng laro, tayahin (evaluate) ang kanilang pakikilahok.

Ipagawa ang GAWIN NATIN na nasa LM.

Itanong ang sumusunod:

- Ano ang pakiramdam mo habang naglalaro at pagkatapos maglaro? Bumilis ba ang pintig o tibok ng iyong puso?

Page 21: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAng iba’t ibang propesyon ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayanan. Ang epektibong pagganap sa mga inaasahang gawain ng isang propesyon

- Ano-anong mga bahagi ng iyong katawan ang ginamit mo para mapakita ang iyong power?

- Naipamalas mo ba ang iyong muscular endurance at power sa paglalaro ng syato?

- Kung madalas mo ba itong lalaruin, mapauunlad ba nito ang iyong muscular endurance at power?

Ipaliwanag ang maitutulong sa muscular endurance at power ng paglalaro ng syato. Ipaliwanag kung paano nalilinang ang mga kasanayan sa laro tulad ng pagpukol o pagpalo sa patpat at pagtakbo para subukang saluhin ang patpat na pinalo. Ipaliwanag kung gaano kahalaga ang muscular endurance at power sa pagsasagawa ng mga kasanayang ito.

E. Pangwakas na Gawain

Ipagawa ang gawain sa SURIIN NATIN na nasa LM. Siguraduhing matataya nang maayos ng mga mag-aaral ang mga sangkap ng physical fitness na natutugunan ng mga gawain sa buong Yunit I.

IV. Takdang- aralin

Ipagawa ang gawain sa PAGBUTIHIN NATIN na nasa LM.

Itanong ito sa mga mag-aaral: Mas madalas ka bang gumagawa ng mga gawaing nasa pinakababa at pangalawa sa baba na baitang ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino? Umuubos ba ng iyong oras ang mga gawaing nasa pinakataas o tuktok na baitang ng pyramid?