grade v i topograpiya ng pilipinas: anyong lupa, yaman …

10
1 Pagmasdan mo ang larawan. Ano-ano ang mga nakikita mo sa larawan? Saan-saang lugar mo nakita ang mga larawang ito? May pagkakaiba sa anyo ang kapaligiran ng bansa. Mapapansin mo sa mga larawan na may mga pook na higit na mataas kaysa iba. May mga pook na patag at tumpok-tumpok sa mga burol. Ang kabuuang larawan ng Pilipinas ay binubuo ng anyong lupa. Ito ay tinatawag na topograpiya ng bansa. Sa modyul na ito matututuhan mo ang iba’t ibang anyong lupa na nagdudulot ng malaking bagay/pag-unlad sa kabuhayan ng bansa. Game ka na ba? ALAMIN MO GRADE VI TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN NG BANSA

Upload: others

Post on 04-Oct-2021

44 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: GRADE V I TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN …

1

Pagmasdan mo ang larawan.

Ano-ano ang mga nakikita mo sa larawan?

Saan-saang lugar mo nakita ang mga larawang ito?

May pagkakaiba sa anyo ang kapaligiran ng bansa. Mapapansin mo sa mga

larawan na may mga pook na higit na mataas kaysa iba. May mga pook na patag

at tumpok-tumpok sa mga burol. Ang kabuuang larawan ng Pilipinas ay binubuo

ng anyong lupa. Ito ay tinatawag na topograpiya ng bansa.

Sa modyul na ito matututuhan mo ang iba’t ibang anyong lupa na nagdudulot ng

malaking bagay/pag-unlad sa kabuhayan ng bansa.

Game ka na ba?

ALAMIN MO

GRADE VI

TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN NG

BANSA

Page 2: GRADE V I TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN …

2

Napag-aralan mo na ang mga likas na yaman. Suriin mo ang iba’t ibang likas-yaman na

nakasulat sa ibaba. Punan mo ang tsart sa pamamagitan ng pagtala nito sa tamang pangkat.

1. ginto

2. bangus

3. molave

4. korales

5. bundok

troso

mais

kamagong

pandaca

karagatan

pilak

palay

nara

pygmea

burol

apog

niyog

ipil-ipil

chromite

bulkan

Yamang-Lupa Yamang-Tubig Yamang-Mineral

PAGBALIK-ARALAN MO

Page 3: GRADE V I TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN …

3

Pagmasdan mo ang larawan.

Ito ang kapatagan ng Pilipinas sa Gitnang Luzon, mataba ang lupang pansakahan

dito kaya tinaguriang “Bangan ng Bigas” ang pook na ito. Dito nanggagaling ang

malaking bahagi ng bigas na panustos sa bansa. Nang pumutok ang Bulkang Pinatubo

naapektuhan nang husto ang mga lupang pansakahan tulad ng lalawigan ng Pampanga,

Zambales at Tarlac. Hanggang sa kasalukuyan nadarama pa rin nila ang epekto nito sa

kanilang kabuhayan.

Bukod sa pansakahan, ang malaking pagawaan at industriya ay nasa kapatagan.

Ang lupain ng bansa ay pinangangalagaan at pinangangasiwaan dahil sa yamang lupa nito

na maaaring makatugon sa pangangailangan ng bansa.

Saan matatagpuan ang matabang lupang pansakahan na tinaguriang “Bangan

ng Bigas” sa Pilipinas?

Anong nangyari sa Gitnang Luzon na nakaapekto sa kabuhayan ng mga taong

naninirahan doon?

PAG-ARALAN MO

Page 4: GRADE V I TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN …

4

Ang Luzon ay pinakamalaking pulo ng Pilipinas. Iba-iba ang anyong lupa rito.

Ang pinakamahabang hanay ng bundok na matatagpuan sa Pilipinas ay ang Sierra Madre.

Nasasakop nito ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, Nueva Ecija,

Quirino, Aurora at Quezon. Ang pinakamataas na tuktok na nararating sa Sierra Madre

ay mga 2,000 metro mula sa pantay-dagat.

Nakikita sa larawan ang mga bulkan na matatagpuan sa Zambales, Cordillera,

Nueva Viscaya sa Timog Silangan.

Pagmasdan mo ang Bulkang Pinatubo. Ito ay itinuring na bulkang patay na naging aktibo

noong 1991. May taas itong 1,790 metro. Ito ay isa lamang sa mga halimbawa ng mga

bulkan na malaking kapinsalaan ang naidulot sa kabuhayan ng bansa.

Ano ang nangyari sa lupang sakahan ng mga taga Zambales, Pampanga

at Tarlac?

May natitira pa kayang ganda ng tanawin sa mga pook na nabanggit

matapos pumutok ang Bulkang Pinatubo?

Saan kayang lugar napatira ang mga tao sa lugar na ito?

Page 5: GRADE V I TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN …

5

May mga bundok din sa katimugang bahagi ng Bataan. Kabilang dito ang Bundok

Samat, Bundok Maraviles at Bundok Natib. Matatagpuan naman sa Nueva Viscaya ang

Bundok Pulog na pinakamataas sa Luzon. Sa pagitan ng mga hanay ng bundok na ito

makikita ang Lambak ng Cagayan. Ang Lambak na ito ay binubuo ng mga lalawigan ng

Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya at Quirino. Sa Luzon matatagpuan ang pinakamalapad

na kapatagan sa bansa – Ang Gitnang Luzon, na nasa gawing Silangan ng mga bundok

ng Zambales.

Tingnan mo ang larawan ng Chocolate Hills sa ibaba. Hugis pabilog ang itaas

nito. Ang Chocolate Hills na matatagpuan sa Carmen, Bohol ang pinakatanyag sa mga

burol sa Pilipinas. Kung tag-araw parang tumpok ng tsokolate ang mga ito, kaya

dinarayo ito ng turista.

Bukod sa Bohol mayroon ding mga burol sa lalawigan ng Rizal, Batangas, Samar

at Gitnang Luzon

Ito naman ang larawan ng Lambak at Talampas.

Page 6: GRADE V I TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN …

6

Ang lambak ay isang patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok o kabundukan.

Ang Talampas ay isang patag na lupa rin sa itaas ng bundok o bulubundukin. Sa

mga talampas ng bansa, nangunguna ang Bukidnon.

Matatagpuan sa Timog Silangang Luzon ang Bundok Makiling at Bundok

Banahaw. Makikita rin ang Bulkang Taal, ang pinakamaliit na bulkan sa daigdig, na isa

sa mga aktibong bulkan ng bansa.

Nasa Timog Silangang bahagi rin ang Tangway. Mayroon itong bulkang gaya ng

Mayon (ang pinakamagandang bulkan sa Pilipinas), Isarog, Iriga at Bulusan.

Alam mo ba na kahit nakapipinsala at mapanganib sa buhay at ari-arian, marami

ring ibinibigay na kapakinabangang pangkabuhayan ang mga bulkan. Ang pagdayo ng

mga turistang banyaga ay nangangahulugan ng pagpasok ng maraming dolyar sa

Pilipinas. Ang mga putik na galing dito ay nagsisilbing pataba.

Puro kapinsalaan lang ba ang idinudulot ng pagputok ng bulkan?

Kung ikaw ay naninirahan sa isang lugar na malapit sa bulkan. Ano-ano ang

nararapat mong gawin?

May isa pa ring anyong lupa na may bahaging nakausli at napapaligiran ng tubig. Ito ay

ang Tangway. Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba.

Ang Zamboanga at Bicol ay mga tangway o peninsula samantalang nakarugtong

ang isang bahagi ng mga ito sa mga karatig-lalawigan, may mga bahagi ang mga ito na

napaliligiran ng tubig.

Page 7: GRADE V I TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN …

7

Basahin ang sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Saan matatagpuan ang matabang lupang pansakahan na tinaguriang “Bangan ng

Bigas”?

A. Timog

B. Silangan

C. Gitnang Luzon

D. Kanlurang Visayas

2. Saan matatagpuan ang Sierra Madre, ang pinakamahabang hanay ng bundok sa

Pilipinas?

A. Bohol

B. Laguna

C. Zambales

D. Cagayan at Isabela

3. Ang pangunahing katangian ng topograpiya ng Pilipinas ay ang pagiging

mabundok nito. Bakit kaya ang Bundok Apo ay kilala sa lahat ng mga bundok sa

bansa?

A. ito ang pinakakalbong bundok sa bansa

B. ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas

C. ito ang pinakamahabang bundok sa Pilipinas

D. ito ang pinakamaganda sa lahat ng bundok sa bansa

4. Ang mga di-aktibong bulkan ay kabilang din sa mga topograpiya ng bansa.

Anong bulkan ang nagdala ng maraming pinsala sa mga tao sa Pampanga at

Zambales at sa mga karatig bayan at gayon din sa Metro Manila?

A. Bulkang Tao

B. Bulkang Mayon

C. Bulkang Kanlaon

D. Bulkang Pinatubo

5. Ano ang tawag sa isang patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok o

kabundukan?

A. burol

B. lambak

C. tangway

D. talampas

PAGSANAYAN MO

Page 8: GRADE V I TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN …

8

Iba’t iba ang anyong lupa sa Pilipinas, may kapatagan, kabundukan, lambak, burol,

bulkan, talampas, tangos at tangway.

Alin sa sumusunod ang iyong ginagawa? Lagyan ng tsek ang iyong sagot.

Mga Gawi Ginagawa Di-ginagawa

1. Naglalaro sa kapatagan

2. Nagbabasa ng tungkol sa

topograpiya ng Pilipinas

3. Ipinagmamalaki ang magagandang

tanawin sa bansa

4. Nagtitipon ng mga larawan tungkol

sa topograpiya ng bansa

5. Gumagawa ng paraan upang

mapanatili ang kalinisan at

kaayusan ng ating anyong lupa

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

Page 9: GRADE V I TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN …

9

Sangguniin ang mapang pisikal ng Pilipinas sa ibaba. Magbigay ng halimbawa ng sumusunod:

1. ilog

2. lambak

3. bundok

4. kapatagan

5. burol o talampas

GAWIN MO

Page 10: GRADE V I TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN …

10

Subukin mong tukuyin kung ano ang isinasaad ng mga katangian ng mga anyong lupa.

Maaari kang pumili ng sagot sa kahon sa ibaba.

1. Pinakamaliit na bulkan sa daigdig _________________.

2. Pinakamataas na bundok sa Luzon _________________.

3. Pinakamataas na bundok sa Pilipinas ________________.

4. Pinakamagandang bulkan sa Pilipinas dahil sa hugis nito _________________.

5. Pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas _______________.

Humanap ka ng larawan ng anyong lupa. Idikit mo sa iyong kwaderno. Pumili ng isa

at sumulat ng isang paglalarawan tungkol dito.

PAGTATAYA

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Kapatagan ng Gitnang Luzon

Bundok Apo

Sierra Madre

Bulkang Taal

Bulkang Mayon

Bundok Pulog

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na

modyul.