gitnang panahon (medieval period)
TRANSCRIPT
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbongNg Europe sa Panahong Medieval
Ang Paglakas ng Simbahang
Katoliko Bilang IsangInstitusyon sa Gitnang
Panahon
Ang Holy Roman Empire
Ang Paglunsad ng mga Krusada
Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon
(Piyudalismo , Manorialismo, Pagusbong
ng mga Bayan at Lungsod
Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan
Apat ang pangunahing salik na nagbibigay- daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan
MATATAG AT MABISANG ORGANISASYON NG
SIMBAHANNoong mga unang taon ng
Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na
nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga
ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at ang mga hirarkiya.
Uri ng Pamumuno sa SimbahanCONSTANTINE THE GREAT PAPA LEO THE GREAT
( 440- 461)
• Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang
Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag• Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungan ito, pinag uri ng mga obispo ang ibat-iang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang
pangunaghing diyosesis at dahil dito. Kinilala ang obispo ng Rome bilang pinakamataas na
pinuno ng Simbahang Katoliko Roman.
• Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing
ang obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay
na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kanilang mungkahi, ang emperador sa
kanlurang Europe and nag utos na kilalanin ang kapangyarihan ng obispo
ng Rome bilang pinakamataas na pinino ng simbahan.
PAPA GREGORY I PAPA GREGORY VII
• Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisiskap sa paglilingkod bilang pinuno ng
lungsod at patnubay ng simbahan sa buong Kanlurang
Europe.
• Sa kanyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihan sekular at
eklesyastikal ukol sa power of investiture
o karapatan magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng
simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany.
PAMUMUNO NG MGA MONGHE Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa
makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monesteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng mga pari at
itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang nasa ilalim
lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe.
ANG HOLY ROMAN EMPIRE
Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin ang
France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na
nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe.
Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili kay
Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay
na hari sa Medieval Period.
Ang KRUSADA Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na
inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula sa Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang reliyihong Islam.
ANG PIYUDALISMO
Mula sa ika siyam hanggang ika 14- na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan
sa Europe ay lupa. Kinakailangan pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa.
Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari.Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain, ibinahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong bughaw ay nagiging vasal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoon
may lupa.Ang iba pang tawag sa lord ay liege o
suzarian. Samantala ang lupang ipinagkaloob sa vassal ay tinatawag na fief.
Ang Pagtatag ng PIYUDALISMO Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay
nag ugat sa paghahati-hait ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humihiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinapatakbo ng mga maharlika katulad ng mga konde at duke.
Lipunan sa Panahong PIYUDALISMO
Mga Pari > Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging
sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaring mag-asawa. Maaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin.
Mga Kabalyero > Noong unang panahon ng kaguluhan kasunod
ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nag kusang loob maglingkodsa mga pari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop.
Mga Serf> Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaring tirahan lamang ng mga hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon ng walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao. Makapag- asawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kanilang panginoon.
Pagsasaka : Batayan ng Sistemang Manor
Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang fief ay binubuo ng maaring manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaring maihalintulad sa isang pamayanan ( village) kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sa kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka sa manor na kanilang magiging kayamanan.
Paglago ng mga Bayan Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking
tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim.
PAGGAMIT NG SALAPI Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang
sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya serf ang mga produktong bukid o produktong gawang bahay sa mga lokal na pamilihan
Paglitaw ng BurgisSa pag-unlad ng kalakalan at industriya at
paglawak ng mga bayan, isang makapangyarihan ng tao ang lumitaw.
Sila ay tinatawag na burgis (men of burg o burger o bourgeoisie)Ang interes ng pangkat na ito ay nasa
kalakalan.Ang mataas na uri ng bourgeosie ay ang
mauunlad na negosyante at mga bangkero
Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na unibersidad.
Ang Guild SystemMarami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild.
Ang guild ay samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay.
ANG MECHANT GUILD ANG CRAFT GUILD Ang unang guild ay
binalangkas ng mga mangangalakal. Nagpatayo sila ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga detalye ng kanilang negosyo.
Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild. Ang bawat craft o kasanayan ay may sariling guild. Halimbawa, ang mga karpintero, barbero, panadero, sastre at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild.