final art leaflet

1
Ang suliranin ukol sa kakulangan ng tubig para sa mga pananim lalong lalo na sa palay dito sa ang bansa ay lumalala dahil sa pagtaas ng populasyon. Kasabay ng pagbaba ng sukat ng imbak na tubig na ginagamit sa pagtatanim ng palay, may pangangailangan nang magsagawa ng mga pamamaraang makapid sa ang suplay ng tubig upang mabata ang hamon ng tag-gutom at matugunan ang pangangailangan ng sambayanang umaasa sa palay upang maging bigas. Ang aerobic rice technology at controlled irrigaon sa kasalukuyan ay mga teknolohiyang nakakikitaan ng kasagutan sa mga suliraning ito. Ang aerobic rice technology ay isang makabagong paraan ng pagtatanim kung saan ay pinatutubo ang ilang variety ng aerobic rice sa mga pook na unflooded at hindi pinupuk ang lupa gamit ang supplementary irrigaon. Ang aerobic rice technology ay unang ipinakilala sa PIlipinas ng Internaonal Rice Research instute (IRRI) noong 2000 kung saan ito ay nagpakita ng maganda at kapakipakinabang na resulta, gayun din ay mga sulinaranin na maaring makaharap sa pagtatanim nito. Bilang pagtugon sa mga suliraning maaring makasagupa sa pagtatanim nito, napag-alamang ang pamamaraang ito ay mainam sa mga pook na may kakaunng suplay ng tubig ngunit nagkakaroon naman sa panahon ng tag-ulan. Sa normal na kundisyon sa mga pook na sahod-ulan ang mga pananim, ang pamamaraan sa pagtatanim ng aerobic rice ay ginagawang posible ang second cropping matapos anihin ang first crop. Ito ay malinaw na patunay na ang produksyon ng palay at ang dami ng ani ay mapauunlad sa kabila ng kakulangan sa tubig. Ang BASC, BPSU, TCA at CLSU kasama ang ilan pang mga instusyon at SUC’s ay patuloy ang pananaliksik upang mapabu ang teknolohiyang ito at maipamahagi ang inam ng aerobic rice technology sa PIlipinas. IRRC DA-LGU’S SUC’s NGO’S Ang Aerobic Rice Technology Teknolohiyang Aerobic Rice para sa mga Pook na Nakararanas ng Kakulangan sa Tubig 9. Makalipas ang 40 – 45 na araw ng pagtubo ng mga buto o 45 – 50 na araw para sa mga late maturing variety, maglagay ng 2.0 bags ng ammonium sulfate sa isnag hektarya ng lupa o isang bag ng Urea. Paraan ng Pagtatanim ng Aerobic Rice 1. Araruhin at suyurin ang tuyong lupa. Lagyan ito ng organic fertilizer o manure sa huling pagsuyod sa lupang taniman 3. Ang mga buto ay tuwirang inatanim sa tudling na may lalim na 2 – 3 senmetro. Ang layo ng bawat tudling ay 25 – 35 senmetro. 5. Sa panahon ng tag- araw, magpatubig sa mga pananim kada linggo sa lalim na 2-5 senmetro para sa flash irrigaon at 5-7 senmetro sa flood irrigaon sa panahon ng pamumulaklak nito. Patubigan ang mga buto kung ang lupa ay tuyo upang ito ay tumubo. 6. Mag-spray ng pre- emergence herbicide matapos ang unang pagpapatubig. 8. Lagyan ng dalawang bag ng complete ferlizer ang isang hektaryang lupa 10 – 15 araw matapos tumubo ang Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa: Bulacan Agricultural State College Pinaod, San Ildefonso, Bulacan Office Telefax: (044)9011427; (044)6772264 Mobile Number: 09175011427 Email Address:[email protected], [email protected] Internaonal Rice Research Instute Los Baños, Laguna Office Telefax: +6325805699; 8911292 Tel: +632580 ext. 2366 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: www.irri.org/irrc/ 7. Araruhin ang espayo sa pagitan ng mga tudling ng palay makalipas ang 25 – 30 araw matapos tumubo ang buto kung kinakailangan. 4. Ang mga buto ay maaring ikalat matapos ang huling pagsuyod sa lupa. Office of the Research, Extension and Auxiliary Services Bataan Peninsula State University City of Balanga, Bataan Office Telefax: (047) 237-3078 Mobile Number: 09179523260 Email Address: [email protected] 2. 100 – 120 kilo ng buto ang kailangan sa isang hektarya ng lupa. Mga binhing maaring gamin ay PSBRc 9 (Apo), 110 days at NSIC 192 82-90 days. Makalipas ang 20 – 25 araw matapos ang pagtubo, mag- spray ng post emergence herbicide sa pananim. Damuhan ang pananim tuwing kinakailangan. buto. 25 - 30 araw naman para sa early maturing variety at 30 – 35 sa mga late maturing variety. Magsabog ng 3.0 bag ng ammonium sulfate o 1.5 na bag na urea (WS) at 4.0 bag (AS) o 2.0 bag ng Urea sa panahon ng tag-init sa isang hektarya. ...maraming bigas, matipid, masaganang ani, masaganang kita

Upload: zorille-capistrano-dela-cruz

Post on 07-Oct-2014

44 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Final Art Leaflet

Ang suliranin ukol sa kakulangan ng tubig para sa mga pananim lalong lalo na sa palay dito sa ating bansa ay lumalala dahil sa pagtaas ng populasyon. Kasabay ng pagbaba ng sukat ng imbak na tubig na ginagamit sa pagtatanim ng palay, may pangangailangan nang magsagawa ng mga pamamaraang makatitipid sa ating suplay ng tubig upang mabata ang hamon ng tag-gutom at matugunan ang pangangailangan ng sambayanang umaasa sa palay upang maging bigas. Ang aerobic rice technology at controlled irrigation sa kasalukuyan ay mga teknolohiyang nakakikitaan ng kasagutan sa mga suliraning ito. Ang aerobic rice technology ay isang makabagong paraan ng pagtatanim kung saan ay pinatutubo ang ilang variety ng aerobic rice sa mga pook na unflooded at hindi pinuputik ang lupa gamit ang supplementary irrigation. Ang aerobic rice technology ay unang ipinakilala sa PIlipinas ng International Rice Research institute (IRRI) noong 2000 kung saan ito ay nagpakita ng maganda at kapakipakinabang na resulta, gayun din ay mga sulinaranin na maaring makaharap sa pagtatanim nito. Bilang pagtugon sa mga suliraning maaring makasagupa sa pagtatanim nito, napag-alamang ang pamamaraang ito ay mainam sa mga pook na may kakaunting suplay ng tubig ngunit nagkakaroon naman sa panahon ng tag-ulan. Sa normal na kundisyon sa mga pook na sahod-ulan ang mga pananim, ang pamamaraan sa pagtatanim ng aerobic rice ay ginagawang posible ang second cropping matapos anihin ang first crop. Ito ay malinaw na patunay na ang produksyon ng palay at ang dami ng ani ay mapauunlad sa kabila ng kakulangan sa tubig. Ang BASC, BPSU, TCA at CLSU kasama ang ilan pang mga institusyon at SUC’s ay patuloy ang pananaliksik upang mapabuti ang teknolohiyang ito at maipamahagi ang inam ng aerobic rice technology sa PIlipinas.

IRRC DA-LGU’SSUC’s NGO’S

Ang Aerobic Rice Technology

Teknolohiyang Aerobic Rice para sa mga Pook na

Nakararanas ng Kakulangan sa Tubig

9. Makalipas ang 40 – 45 na araw ng pagtubo ng mga buto o 45 – 50 na araw para sa mga late maturing variety, maglagay ng 2.0 bags ng ammonium sulfate sa isnag hektarya ng lupa o isang bag ng Urea.

Paraan ng Pagtatanim ng Aerobic Rice

1. Araruhin at suyurin ang tuyong lupa. Lagyan ito ng organic fertilizer o manure sa huling pagsuyod sa lupang taniman

3. Ang mga buto ay tuwirang itinatanim sa tudling na may lalim na 2 – 3 sentimetro. Ang layo ng bawat tudling ay 25 – 35 sentimetro.

5. Sa panahon ng tag-araw, magpatubig sa mga pananim kada linggo sa lalim na 2-5 sentimetro para sa flash irrigation at 5-7 sentimetro sa flood irrigation sa panahon ng pamumulaklak nito. Patubigan ang mga buto kung ang lupa ay tuyo upang ito ay tumubo.

6. Mag-spray ng pre-emergence herbicide matapos ang unang pagpapatubig.

8. Lagyan ng dalawang bag ng complete fertilizer ang isang hektaryang lupa 10 – 15 araw matapos tumubo ang

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:

Bulacan Agricultural State CollegePinaod, San Ildefonso, BulacanOffice Telefax: (044)9011427; (044)6772264Mobile Number: 09175011427Email Address:[email protected], [email protected]

International Rice Research InstituteLos Baños, LagunaOffice Telefax: +6325805699; 8911292Tel: +632580 ext. 2366E-mail: [email protected]; [email protected]: www.irri.org/irrc/

7. Araruhin ang espayo sa pagitan ng mga tudling ng palay makalipas ang 25 – 30 araw matapos tumubo ang buto kung kinakailangan.

4. Ang mga buto ay maaring ikalat matapos ang huling pagsuyod sa lupa.

Office of the Research, Extension and Auxiliary ServicesBataan Peninsula State UniversityCity of Balanga, BataanOffice Telefax: (047) 237-3078Mobile Number: 09179523260Email Address: [email protected]

2. 100 – 120 kilo ng buto ang kailangan sa isang hektarya ng lupa. Mga binhing maaring gamitin ay PSBRc 9 (Apo), 110 days at NSIC 192 82-90 days.

Makalipas ang 20 – 25 araw matapos ang pagtubo, mag-spray ng post emergence herbicide sa pananim. Damuhan ang pananim tuwing kinakailangan.

buto. 25 - 30 araw naman para sa early maturing variety at 30 – 35 sa mga late maturing variety. Magsabog ng 3.0 bag ng ammonium sulfate o 1.5 na bag na urea (WS) at 4.0 bag (AS) o 2.0 bag ng Urea sa panahon ng tag-init sa isang hektarya.

...maraming bigas, matipid, masaganang ani, masaganang kita