fil_talumpati

Upload: elissa-pagulayan

Post on 30-May-2018

219 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 8/9/2019 FIL_Talumpati

    1/1

    Ma. Elissa A. Pagulayan

    OFA31

    Ang Edukasyon ba ay para sa Mayaman lamang?

    Makapagaral at makapagtapos upang makatulong sa pamilya at lipunan. Ito

    ang mga kadalasan nating naririnig na layunin sa buhay ng mga kabataan. Ngunit sa

    kasamaang palad, pili lamang sa kanila ang nagkakaroon ng pagkakataong tuparin ito

    dahil sa kahirapan. Sa ngayon, ang edukasyon ay nagiging isang prebilehiyo na lamang

    dahil ang mga mayayaman ang siyang nakapag-babayad para sa edukasyon at hindi

    ang mga maralitang karapat-dapat din sa pagtatamo ng karunungan. Ayon sa Partido

    Kabataan, halos dalawa at kalahating milyong estudyante ang titigil sa pagaaral sa

    taong 2010. At ang lahat ng ito ay dahil lamang sa isang dahilan,- ang kahirapan.

    Sinasabing ang edukasyon ang susi tungo sa magandang kinabukasan ng

    lipunan. Ito ay isang mahalagang yugto sa buhay kung saan tayo ay tinuturuan upang

    maging handa sa hamon ng kinabukasan. Ngunit sa kabila ng mga dahilang ito, patuloy

    na nakararanas ng krisis ang ating sistema ng edukasyon. Ang pagtaas ng presyo ng

    matrikula sa mga pribado at maging ang mga pampublikong paaralan ay isang hadlang

    sa pagaaral ng mga maralitang estudyante. Sa isang artikulo ni Ellalyn De Vera sa

    Manila Bulletin, ang isyu ng pagtaas ng matrikula sa Unibersidad ng Pilipinas ay

    pagtanggal sa karapatan ng mga mahihirap na estudyante na makapasok sa pinaka-

    premyadong institusyon sa bansa. Dahil dito, halos lahat ng mga kabataang maralita aynapipilitang tumigil at malugmok sa paghihintay na matustusan ang pagka-uhaw sa

    edukasyon.

    Karapatan ng bawat bata ang magtamo ng sapat na edukasyon at mapaunlad

    ang kanilang kakayahan. Ngunit dahil sa mga balakid tulad ng kahirapan, hindi

    magkakaroon ang bansang ito ng mga mahuhusay na lider sa darating na panahon.

    Oras na upang imulat ng lahat ang kanilang kamalayan sa suliraning ito. Tayo mismo,

    mga kapwa ko kamag-aral, ang susi sa kinabukasan ng bansa. Huwag nating

    palampasin at sayangin ang pagkakataong tayoy nagaaral. Lagi nating isaisip na ang

    pagtamo ng edukasyon ay ang matatag na pundasyon sa isang matibay na lipunan.