filipno 6 dlp 16 - pagbibigay ng sanhi at bunga

Upload: dan-delo

Post on 23-Feb-2018

1.323 views

Category:

Documents


91 download

TRANSCRIPT

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    1/14

    169

    Module 16

    6666

    FilipinoPagbibigay ng Sanhi at Bunga

    A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    2/14

    170

    Kumusta ka? Sanay nasa mabuti kang kalagayan. Narito nanaman ang isa pang aralin. Pagbutihan mo nang matuto ka nanglubos.

    Marami ka ng narinig o nabasang mga pangungusap nanaglalahad ng tinatawag na sanhi at bunga. Subalit sa araling ito,ikaw mismo ang magbibigay ng sanhi at bunga dahil ito ang pag-aaralan mo sa modyul na ito.

    A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang magiging bunga ngsumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

    1. Nagbubuga ng usok ang mga sasakyan.

    2. Nagkalat ang basura sa mga kanal, estero at ilog.

    3. Kailangan ang muling pagtatanim ng mga puno sa nakalbongkabundukan.

    B. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang sanhi ng sumusunodna mga sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

    1. Bumagsak sa klase.

    2. Sumakit ang tiyan.

    3. Ipinagmamalaki si Romel ng kanyang mga magulang.

    Subukin Natin

    Sa Mag-aaral

    Mga Dapat Matutuhan

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    3/14

    171

    Tapos ka na? Kung oo ang sagot mo, iwasto ang iyong mgasagot. Tingnan sa Gabay sa Pagwawasto ang tamang kasagutan. Kung5 o 6 ang nakuha mo, magaling ka! Magpatuloy ka na sa susunod namodyul. Kung 4 o mas mababa pa ang nakuha mo, huwag mag-alala.Para sa iyo ang modyul na ito, magpatuloy ka.

    May napapansin ka bang pagbabago sa ating kalikasan? Anu-anoang mga pagbabagong ito? Nakabubuti ba o nakasasama ang mgaito? Sa palagay ninyo, nagagalit din ba ang kalikasan? Babasa kangayon ng kuwento ngunit bago ka babasa alamin mo muna ang

    kahulugan ng mga mahihirap na salitang mababasa mo sa kuwento.

    Talasalitaan:1. pagdiriwang selebrasyon; pagpipista

    2. dukha mahirap

    3. tradisyon kaugalian na pamana ng unang panahon

    Ngayon handa ka nang basahin ang kuwento tungkol sa ilog nanagagalit.

    Minsan, Nagalit ang Ilog

    Pag-aralan Natin

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    4/14

    172

    Tuwang-tuwa ang buong baryo. Nalalapit na naman angpagdiriwang ng kanilang kapistahan. Tulad ng dati, tatlong araw nanamang ipagdiriwang ang kaarawan ng kanilang patrong si NuestraSeora Buenviaje. Gaya ng inaasahan, walang tigil na pagsasaya angmagaganap sa buong baryo sa tatlong araw ng pagdiriwang. Walangtigil ang handaan para sa lahat. Bawat tahanan, mayaman o dukha aytiyak na may handa.

    Walang saysay ang tatlong araw na pagdiriwang kung walangpagodang igagayak, ang sabi ng Kapitan ng Barangay. Nagingtradisyon na sa ating baryo na ilibot ang patron,sakay ng bangkangnapapalamutian ng ibat ibang kulay ng mga ilaw at sari-saringdekorasyon tulad ng mga prutas at gulay na inani natin taun-taon,dagdag pa ng Kapitan.

    Ang ibig ninyong sabihin, Kapitan, muling magkakaroon ng

    prusisyon sa ilog?ang tanong ng isang lalaking may maputi nangbuhok.

    Talaga namang iyan ang ginagawa natin taun-taon, di ba? angbalik na tanong ng Kapitan. Napakaraming biyaya ang ipinagkaloob saatin ng ating patron sa taong ito. Higit sa tatlong doble ang inani natingpalay kung ihahambing sa mga nakaraang taon. At higit na maramingisda tayong nahuli sa taong ito.

    Napakaamo ng dagat kayat ibig kong maging higit na maganda,masaya at makulay ang kapistahan natin sa taong ito, paliwanag pa

    nito.Ngunit, Kapitan, napakarumi ng ilog. Kailangan malinis muna

    natin ito. Tambakan na ng basura ang ilog natin, ang malungkot na sabing isang dalaga.

    Hayaan mot bukas na bukas din ay ipalilinis ko ang ilog. Maytatlong araw pa bago dumating ang masayang araw na atingpinakahihintay. Ang ilog na lang ang problema makalawa, ang sabi ngKapitan.

    Lumipas ang isa, dalawa at tatlong araw. Hindi naipalinis niKapitan ang ilog.

    Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat saprusisyong gaganapin, umpisang paliwanag ng Kapitan. Hindi bale,pag daraan ang bangka, tiyak namang mahahawi ang mga dumi at sukalna naghambalang sa ilog.

    Araw ng pistang baryo. Handang-handa na ang lahat saprusisyong magaganap. Naroon na sa bangka ang patron. Kayganda nabangka! Ang liwanag nito at napakaraming dekorasyon may ibat ibangkulay, hugis at sukat. Kayraming taong ibig sumakay sa bangka. Batat

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    5/14

    173

    Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sasagutang papel.

    1. Sinong patron ang ipinagdiriwang sa pista ng baryo?

    2. Ilang araw naghanda ang mga tagaroon?

    3. Ano ang pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang?

    4. Bakit nagdiriwang ang mga tagabaryo sa kapistahan ng kanilangpatron?

    5. Ano ang pagoda?

    6. Nakakapamiyesta ka na ba sa baryo? Ano ang napapansin mo sabawat tahanan?

    7. Ano ang naganap sa araw ng pista? Bakit nangyari iyon?

    8. Sa iyong palagay, sino ang dapat sisihin sa trahedya?

    9. Anong aral ang natutuhan mo sa kuwento?

    10. Bilang mag-aaral, anu-ano ang magagawa mo para sa kalikasan?

    Nangatakot ang mga lulan ng Bangka. Ibig nilang makaalis. Ibignilang tumalon. Ibig nilang lumundag sa ilog.

    Nagkagulo ang mga tao. Ang lahat ay nangatakot.Nangagsisigaw. May mga nagdarasal. Maraming umiiyak atnananaghoy.

    Atatunti-unting lumulubog ang bangka, kasama ang dimabilang na mga sakay nito.

    Kinabukasan, laman ng pang-umagang pahayagan ang balitangmay 205 sakay ng bangka ang namatay sa aksidenteng iyon. Mahigit paring 100 tao ang nawawala.

    Saka naisip ni Kapitan ang ilog. Ang maruming ilog na pinarumi

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    6/14

    174

    May mga pangyayari sa kuwentong may ugnayan.

    - Ano ang dahilan ng pagiging marumi ng ilog? Tinambakan itong mga basura ng tao.

    - Ano ang epekto ng hindi pakikinig ng mga tao nang hindi na silapinasakay sa pagoda dahil punung-puno na ito? Lumubog angpagoda.

    May pangyayaring maiuugnay sa isa pang pangyayari at maaaringito ang sanhi o bunga.

    Pag-aralan mo ang dayagram ng ugnayang sanhi at bunga samga pangyayari sa itaas.

    Sanhi Bunga

    Maaaring ikaw naman ang magbibigay ng mga pangyayaringmay ugnayang sanhi at bunga. Subukan mo.

    1. Sanhi: Naging abalang-abala ang Kapitan.Bunga: ___________________________________

    2. Bunga: Marami ang namatay.Sanhi: ___________________________________

    Tinambakan ngbasura ng mga itoang ilog.

    Naging marumi angilog.

    Hindi nakinig angmga tao at sila aysumakay sa pagoda

    kahit punung-punona ito.

    Lumubog angpagoda.

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    7/14

    175

    Ganito ba ang sagot mo?

    1. Bunga: Hindi napalinisan ng Kapitan ang ilog.

    2. Sanhi: Lumubog ang bangka.

    Kung katulad ng sa itaas ang sagot mo, tama ka. Kung hindinaman maaari mong iwasto ang iyong sagot.

    Batay sa mga halimbawa, ang sanhi ay ang dahilang pangyayariat ang bunga ay ang epektong pangyayari.

    Magpatuloy ka.

    Gawain 1

    A. Ibigay ang sanhi ng sumusunod na kinalabasan. Isulat ang sagotsa sagutang papel.

    1. Nagkasakit ng ulcer.2. Iniwan ng mga kasamahan.

    3. Mababang grado.

    B. Ibigay ang maaaring bunga ng mga nakalahad na sanhi o

    kaisipan.

    Isulat ang sagot sa sagutang papel.

    1. Laging nagpupuyat sa gabi.

    2. Mahilig sa kendi, inuming de-bote at ibang sitserya.3. Nasiraan ng sasakyan sa daan.

    Gawin Natin

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    8/14

    176

    Tapos ka na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay saPagwawasto.

    Ilan ang nakuha mo? Kung 5 o 6 ang nakuha mo, magpatuloy kana sa Mga Dagdag na Gawain. Kung hindi naman subukan mo

    munang sagutin ang Gawain I-A upang maunawaan mo ang aralingito.

    Gawain I A

    Punan ang tsart. Bumuo ng sanhi o bunga ng sumusunod nakaisipan. Gawin ito sa sagutang papel.

    Sanhi Bunga

    1. ________________________________ Hindi nakatapos ng pag-aaral.

    2. Tumulong sa gawaing-bahay kungwalang pasok.

    ___________________________________________________________

    3. Tinuturuan ang mga nakababatangkapatid sa kanilang aralin.

    ____________________________________________________________

    4. ___________________________________ Naging kilala sa kanilang lugar.

    5. ___________________________________ Lumusog ang katawan.

    Tapos ka na? Kung oo, ang sagot mo, ihambing mo na angiyong sagot sa tamang sagot na nasa Gabay sa Pagwawasto.

    Ilan ang iskor mo? Magpatuloy ka na sa Mga Dagdag na Gawain.

    Basahin ang kalagayan. Ibigay ang sanhi at bunga. Isulat angsagot sa sagutang papel.

    Mga Dagdag na Gawain

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    9/14

    177

    1. Unti-unting naglalaho ang mga isda at iba pang lamang-dagatdahil sa polusyon dito.

    Sanhi: _________________________________________________Bunga: _________________________________________________

    2. Laging napaglilipasan ng gutom si Miel kaya nagkasakit siya.

    Sanhi: _________________________________________________Bunga: _________________________________________________

    3. Nakatulog nang mahimbing ang guardiya ng grocery storekayanapasok ito ng magnanakaw.

    Sanhi: _________________________________________________Bunga: _________________________________________________

    4. Lumawak ang kaalaman ni Faye dahil sa pagbabasa niya ng sari-saring aklat.

    Sanhi: _________________________________________________Bunga: _________________________________________________

    5. Dahil sa sagupaan ng mga sundalo at rebelde, nagsilikas angmga tao.

    Sanhi: _________________________________________________

    Bunga: _________________________________________________

    Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.

    Ilan ang nakuha mo?

    Matapos mong sagutin ang mga gawain, maaari mo nangsagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutangpapel.

    Ano ang sanhi?Ano ang bunga?

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    10/14

    178

    Ang mga pangyayari ay may ugnayang sanhi at bunga. Ang

    sanhi ay ang pangyayaring nagsasaad ng dahilan at ang bunga ayang kinalabasan o epekto.

    Punan ng angkop na sanhi at bunga ang mga kahon kaugnay ngsinundang detalye. Gawin ito sa saguting papel.

    Sariling Pagsusulit

    Tandaan Natin

    Sulyap sa Buhay Mag-aaral

    Mga Sanhi Mga Bunga

    Tamad na mag-aaral

    Nagkasakit sa baga

    Mahilig maglakwatsa

    Nakulong sa bilangguan

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    11/14

    179

    Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan angnakuha mo? Kung 3 o 4 ang nakuha mo magaling ka! Magpatuloy kana sa susunod na modyul. Kung 2 o 1 ang nakuha mo, sagutin momuna ang Pagyamanin Natin.

    Basahin ang kalagayan. Ibigay ang sanhi at bunga. Isulat angiyong sagot sa sagutang papel.

    1. Nagsawalang bahala si Jay sa pagsusulit, lumagpak siya.

    Sanhi: __________________________________________________Bunga: __________________________________________________

    2. Palaging nagtutulungan ang kasapi sa pamilya ni Mang Luis kayanakaraos sila.

    Sanhi: __________________________________________________Bunga: __________________________________________________

    3. Nasisiyahan ang mga magulang ni Joy sa kanya dahil mabutisiyang anak.

    Sanhi: __________________________________________________Bunga: __________________________________________________

    4. Huwarang mag-aaral si JC kaya pinarangalan siya.

    Sanhi: __________________________________________________Bunga: __________________________________________________

    5. Pinabayaan ni Rosel na pinaglaruan ng kanyang aso angkanyang aklat, napunit ito.

    Sanhi: _________________________________________________Bunga: _________________________________________________

    Pagyamanin Natin

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    12/14

    180

    Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan angnakuha mo?

    Ngayon, handa ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.Binabati kita!

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    13/14

    181

    (Paalala: Kung hindi katulad ang iyong sagot sa nasa Gabay sa

    Pagwawasto sa Subukin Natin, Gawain I, Gawain I-A, maaari kungsumangguni sa iyong guro.)

    Subukin Natin

    A. 1. Nagkaroon ng polusyon sa hangin.2. Madaling bumaha kung tag-ulan.3. Muling magkaroon ng kagubatan.

    B. 1. Hindi nag-aral ng aralin.2. Nalipasan ng gutom./Hindi natunawan.

    3. Mabait siya.

    Gawain 1

    A. 1. Palaging di kumakain sa hustong oras.2. Hindi dumating sa hustong oras ng usapan.3. Hndi nag-aral ng leksyon.

    B. 1. Laging nahuhuli sa pagpasok.2. Nagkasakit.3. Hindi nakarating sa wastong oras.

    Gawain 1 A

    1. Naglakwatsa sa pag-aaral.2. Nasiyahan ang mga magulang at kapatid.3. Tumaas ang marka ng mga kapatid.4. Nakagawa ng kabutihan sa kanilang lugar.5. Kumain ng masustansiyang pagkain.

    Gawain 2

    1. Sanhi: PolusyonBunga: Naglalaho ang mga isda at iba pang lamang-dagat.

    2. Sanhi: Napaglilipasan ng gutom si Miel.Bunga: Nagkasakit siya.

    3. Sanhi: Nakatulog nang mahimbing ang guardiya.Bunga: Napasok ito ng magnanakaw.

    Gabay sa Pagwawasto

  • 7/24/2019 Filipno 6 DLP 16 - Pagbibigay Ng Sanhi at Bunga

    14/14

    182

    4. Sanhi: Pagbabasa ng sari-saring aklat.Bunga: Lumawak ang kaalaman.

    5. Sanhi: Sagupaan ng mga sundalo at rebelde.Bunga: Nagsilikas ang mga tao.

    Sariling Pagsusulit

    Pagyamanin Natin

    1. Sanhi: Nagsawalang bahala si Jay sa pagsusulit.Bunga: Lumagpak siya.

    2. Sanhi: Palaging nagtulungan ang kasapi sa pamilya ni MangLuis.

    Bunga: Nakakaraos sila.3. Sanhi: Mabuti siyang anak.

    Bunga: Nasisiyahan ang mga magulang ni Joy.4. Sanhi: Huwarang mag-aaral si JC.

    Bunga: Pinarangalan siya.5. Sanhi: Pinabayaan ni Rosel na pinaglaruan ng kanyang aso

    ang kanyang aklat.Bunga: Napunit ito.

    Sulyap sa Buhay Mag-aaral

    Mga Sanhi Mga Bunga

    Tamad na mag-aaral Mababa ang grado

    Naninigarilyo Nagkasakit sa baga

    Mahilig maglakwatsa Hindi nakatapos ng pag-aaral.

    Nakagawa ng krimen Nakulong sa bilangguan