filipino sanaysay

2
Happy Nezza B. Aranjuez 10-Einstein Pagbabalik-tanaw Kailan ba ang huling pagkakataong nagkaisa tayong mga Pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan? Nakapagtataka mang isipin na minsa’y nagawa nating magkaisa, hindi natin matatalikuran ang katotohanan na may mga taong handang ilagay sa panganib ang buhay at kalayaan ng iba, makamit lamang ang yamang hinahangad nila. At oo, tila nga iilan lang ang kuwentong naghahatid ng pag-asa na naging bahagi ng ating kasaysayan. Masaklap pa rito’y ang katotohanan na kung walang mamamatay o masasaktan, ay di mapupukaw ang damdamin nating tumulong at lumaban. Ilang pangulo na ang naabutan naming mga kabataan, maging ng aming mga magulang at hanggang ngayon ay di pa rin natutugunan ang mga problema na kinahaharap ng ating bansa. Ang ating gobyerno ang tinuturing nating pundasyon ng ating bansang Pilipinas. Pinagkakatiwalaan natin ang bawat opisyal na naluloklok sa kanilang posisyon dahil alam nating may kapasidad silang matulungan ang bansa maging ang mga mamamayan nito. Pero ito nga ba talaga ang nangyayari? Nagkakaroon ba talaga ng pagtutulungan, ng sama-samang pag-unlad, o nagkakaroon lang ng hilaan at mas lumalawig pa ang diskriminasyon na ating kinasasadlakan? Mababang ekonomiya, malaking bahagdan ng mahirap at walang trabaho, maraming nagugutom, libo-libo ang nababalitaang krimen araw-araw, ito ba ang Pilipinas na ating pinangarap itaguyod? Kung nagawa ni Nelson Mandela na isulong ang kaunlaran ng Aprika, bakit di natin magawang tularan ang mga yapak niya? “Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay” ani ni G. Mandela sa kaniyang talumpati ilang dekada na ang

Upload: happy-nezza-bolongaita

Post on 13-Feb-2017

44 views

Category:

Education


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino sanaysay

Happy Nezza B. Aranjuez 10-Einstein

Pagbabalik-tanaw

Kailan ba ang huling pagkakataong nagkaisa tayong mga Pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan? Nakapagtataka mang isipin na minsa’y nagawa nating magkaisa, hindi natin matatalikuran ang katotohanan na may mga taong handang ilagay sa panganib ang buhay at kalayaan ng iba, makamit lamang ang yamang hinahangad nila. At oo, tila nga iilan lang ang kuwentong naghahatid ng pag-asa na naging bahagi ng ating kasaysayan. Masaklap pa rito’y ang katotohanan na kung walang mamamatay o masasaktan, ay di mapupukaw ang damdamin nating tumulong at lumaban.

Ilang pangulo na ang naabutan naming mga kabataan, maging ng aming mga magulang at hanggang ngayon ay di pa rin natutugunan ang mga problema na kinahaharap ng ating bansa. Ang ating gobyerno ang tinuturing nating pundasyon ng ating bansang Pilipinas. Pinagkakatiwalaan natin ang bawat opisyal na naluloklok sa kanilang posisyon dahil alam nating may kapasidad silang matulungan ang bansa maging ang mga mamamayan nito. Pero ito nga ba talaga ang nangyayari? Nagkakaroon ba talaga ng pagtutulungan, ng sama-samang pag-unlad, o nagkakaroon lang ng hilaan at mas lumalawig pa ang diskriminasyon na ating kinasasadlakan?

Mababang ekonomiya, malaking bahagdan ng mahirap at walang trabaho, maraming nagugutom, libo-libo ang nababalitaang krimen araw-araw, ito ba ang Pilipinas na ating pinangarap itaguyod? Kung nagawa ni Nelson Mandela na isulong ang kaunlaran ng Aprika, bakit di natin magawang tularan ang mga yapak niya?

“Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay” ani ni G. Mandela sa kaniyang talumpati ilang dekada na ang nakalipas. Ang pahayag na ito ang patuloy na humihimok sa mamamayan ng Aprika na sama-samang bumangon anuman man ang pagsubok na kaharapin nila. Kung mababatid lang ito ng mga mamamayang Pilipino, sana’y isapuso natin ang pagkakaroon ng pakialam sa iba, at hindi lamang sa ating mga sarili. Para saan pa’t tayo’y tinatawag na bansa kung kikilos lang tayo bilang mga indibidwal na mamamayan.

Isa pang pahayag na nagmula kay G. Mandela ay: “Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog Aprika, itim man o puti, ay maglalakad ng walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa.” Kung ganito lang sana ang kasalukuyang isinasaisip ng lahat sa halip na ang pagnananasang maging higit sa iba at ang umangat sa lipunan hindi na sana natin kailangan sukatin ang halaga ng tao sa ari-arian at yamang taglay niya.

Page 2: Filipino sanaysay

Isinaad din niya sa kaniyang talumpati na kailangang kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa pambansang pagkakasundo-sundo at para sa pambansang pagkakabuo-buo. Ang sarap isiping magagawa rin nating isakatotohanan ang mga sinabi niya ngunit tila hanggang pangarap lang ata na makita ang tunay na pagkakaisa sa Pilipinas. Isang panaginip ang Makita na sama-samang nangangarap at lumalaban para sa mithiing iyon ang mga Pilipino. Nakakalungkot na unti-unti nang naglalaho ang damdaming nasyonalismo sa bawat isa, sa bawat mamamayan na naging daan sana para sa pagbangon ng bansa.

Tila hanggang pangarap lang na Makita ang kapayapaan at pagkakaisa sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas.