filipino quarter1 week2 - ph-static.z-dn.net

13
9 Filipino Quarter 1 Week 2

Upload: others

Post on 17-Oct-2021

10 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

9

FilipinoQuarter 1 Week 2

Page 2: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 1

Sa araling ito, tatalakayin natin ang katangian ng maikling kuwentogamit ang halimbawa mula sa Thailand at iba’t ibang gamit ng mga pang-ugnay.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay taglay mo ang sumusunod namga kasanayan:

1. Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sailang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan. (F9PD-Ia-b-39)

2. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: paksa , mga tauhan,pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at ibapa. (F9PS-Ia-b-41)

3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari . (F9PU-Ia-b-41)4. Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga

pangyayari. (F9WG-Ia-b-41)

Bago ka magpatuloy ay basahin ang maikling kuwento at sagutin momuna ang unang gawain.

Basahin ang kuwento at pagkatapos ay pagsunod-sunurin ang mgapangyayari. Ilagay ang bilang 1-5.

ANG MAG-ASAWANG WALANG ANAK

Noong unang panahon, may mag-asawang hindi biniyayaan ng Diyos ngkahit na isang anak sa loob ng labinlimang taong pagsasama. Sila ay sina Teban at

Mga Inaasahan

Paunang Pagsubok

Page 3: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 2

Osang. Lahat ng paraan ay ginawa na nila ngunit wala ring nangyari. Dahil sakabiguang ito, ibinuhos ng mag-asawa ang kanilang panahon sa pag- aalaga nalang ng maraming hayop tulad ng aso, pusa, manok, pabo, baboy at iba pa. Bukodsa nalilibang sila sa pag-aalaga ng hayop, sila ay kumikita rin dito.

Sa lipon ng mga alaga nilang hayop, ang pusang puti ang pinakapaborito niOsang. Alagang-alaga ito ni Osang sa pagkain at inumin. Itinatabi pa niya ito sapagtulog. Parang isang anak na ang turing ni Osang sa puting pusa.

Ngunit sa kabila ng kanilang pagiging abala sa pag-aalaga ng mga hayop,hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asang magkaanak. Patuloy pa rin silangnamamanata sa iba’t ibang santo sa iba’t ibang lugar.

Sa isang malayong bayan na kanilang pinuntahan ay nangako si Osang nakung siya ay bibiyayaan ng isang anak, ito ay hinding-hindi niya patatapakin salupa.

Ang kanilang kahilingan ay natupad. Hindi nagtagal at nagsilang si Osangng isang babae at ito ay pinangalanan nilang Rosario. Lumaki si Rosario sa pilingng mapagpalang kamay nina Teban at Osang. Tulad ng kanyang pangako, hindipinatutuntong ni Osang ang anak sa lupa kung kaya’t si Rosario ay hindinakalalabas ng bahay.

Hanggang sa magdalaga na si Rosario ay hindi pa nasayad sa lupa ang mgapaa nito. Nagkasundo ang mag-asawa na ipagtapat kay Rosario ang tungkol sakanilang pangako. Naintindihan naman ni Rosario ang kalagayan ng mgamagulang at iginalang niya ang bilin ng mga ito.

Kahit na hindi naglalalabas ng bahay si Rosario, maraming binata pa rinang nakabalita sa angking kagandahan ng dalaga. Dumadalaw sila at nanliligaw sadalaga. May isang napupusuan si Rosario, siya ay si Antonio.

Isang araw ay dumalaw si Antonio kay Rosario. Tumawag siya sa labas ngbahay. Nagkataon naman na sa mga oras na iyon ay wala ang mga magulang niRosario. Dumungaw si Rosario sa bintana.

“Puwede ba akong makatuloy, mahal kong Rosario?” ang tanong ni Antonio.“Hindi maaari, wala rito ang mga magulang ko. Kabilin-bilinan nina Tatang

at Nanang na huwag akong magpapatuloy ng tao sa loob ng bahay,” ang sagot niRosario.

“Kung ganoon, hindi naman siguro masama kung magkuwentuhan tayo ritosa hardin,” mungkahi ni Antonio.

Sa kapipilit ni Antonio ay napapayag din niyang magkausap sila ni Rosariosa may hardin. Naisip ni Rosario na hindi naman siguro masama kung mag-usapsila sa hardin ni Antonio. Higit sigurong magagalit ang kaniyang mga magulangkung patutuluyin niya sa loob ng bahay ang binata.

Ngunit pagtuntong na pagtuntong ni Rosario sa lupa ay biglang yumanigang buong kapaligiran. Umagos ang tubig na hindi malaman kung saan nanggaling.Nilamon ng tubig ang kabahayan. Nagyakap sina Antonio at Rosario at humihinging saklolo. Walang tulong na dumating.

Kinahapunan ay dumating ang mag-asawang Teban at Osang. Laking gulatnila nang di makita ang kanilang bahay. Parang bula itong naglaho. Tanging isangilog ang kanilang nagisnan at sa pusod ng ilog na ito ay naroroon ang dalawangbuwaya.

_____A. Hindi magkaanak ang mag-asawa kaya namanata sila sa iba’t ibang santosa iba’t ibang lugar._____B. Binuhos nila ang panahon sa pag-aalaga ng mga hayop at ang pinakapaborito ni Aling Osang ay ang alagang puting pusa._____C. Hinikayat ni Antonio si Rosario na makipagkwentuhan sa hardin._____D. Sa isang iglap ay nilamon ng tubig ang buong kabahayan.

Page 4: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 3

_____E. Namanata ang mag-asawa na kung sila ay bibigyan ng anak ay hindi nilaito patatapakin sa lupa.

Sagutan ang gawain sa balik-tanaw upang matiyak ko na malinaw nasa iyo ang unang aralin.

Sagutan ang mga katanungan batay sa tekstong tinalakay sa unang aralin.Piliin ang letra ng tamang sagot.

_____1. Si Mui Mui ay nasa gitna ng mahabang halinghing at hindi mapatahan ngdalawang pinakamatatandang kapatid. Ano ang kasingkahulugan ng salitang maysalungguhit?

A. pag-iyak C. pag-awitB. paghiyaw D. pagbulyaw

_____2. Ano ang madalas na gawin ng ama sa mga anak at asawa sa tuwing siyaay nalalasing?

A. naghahanda ng pagkain C. nambubugbogB. nakikipaglaro D. nagwawala

_____3. Ito ang ugali ni Mui Mui na madalas ay hindi mapigil ng ina at kapatid.A. humahalinghing C. nagsasayawB. tumatangis D. kumakanta

_____4. Nagdesisyon ang ama na magbabago na at hinding-hindi na siya _____.A. magsusugal C. magtatrabahoB. maglalasing D. mangangalakal

_____5. Ang ama sa akda ay nawalan ng trabaho at ______.A. kaibigan C. anakB. salapi D. kakampi

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang mga paraan sa pagsusuri ng isangmaikling kuwento.

Paano nga ba magsuri ng isang maikling kuwento? Maaari nating gawingbatayan ang mga sumusunod sa pagsusuri ng isang maikling kuwento. Handa kana ba? Atin nang basahin at unawain.

Balik-tanaw

Pagpapakilala ng Aralin

Page 5: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 4

Una, ang LITERAL na pagsusuri. Dito ay halos iisa lamang ang sagot atkadalasang nakapaloob sa akda ang lahat ng kasagutan. Pormularyo: literal =akda.

TAUHAN – siya/sila ang kumikilos (sinadya man o hindi) na nagdudulot ngpangyayari sa kuwento.

PANGUNAHING TAUHAN(PT) - sa kaniya/kanila umiikot ang kuwento; kadalasangkumikilos sa pagsagot ng problema.

IBA PANG TAUHAN (IPT) - siya/sila ang katuwang o katunggali ng PT sa pag-indayog /pagtakbo ng kuwento.

TAGPUAN – dito naganap ang kuwento (Lugar kung saan nangyari ang kuwento atpanahon kung kailan nangyari ang kuwento).

PROBLEMA – ito ang pinakadahilan / pinanggalingan ng lahat ng mga pagkilos ngmga tauhan / pangyayari.

PANGUNAHING PROBLEMA - *pinakaproblema, “nanay” ng lahat ng iba pang mgaproblemang napapaloob sa kuwento - *taglay, dinadala ng pangunahing tauhan(kaya magagamit itong patunay / palatandaan upang malaman kung sino angpangunahing tauhan).

PANGYAYARI – pagtakbo / pag-usad ng kuwento.

PASAKALYE /SIMULA - mula sa pinakaumpisa hanggang sa ipakilala/ilahad angproblema.

SIMULA NG PROBLEMA - pinag-ugatan ng mga pagkilos ng tauhan; kadalasan dalang pangunahing tauhan.

PANANABIK/PATAAS NA AKSYON - lahat ng mga pagkilos ng PT (sadya man ohindi) na magaganap upang masolusyunan ang problemang iniikutan ng kuwentomaliban sa pinakahuli.

KASUKDULAN/KARURUKAN - pinakahuling pagkilos ng PT (sadya man o hindi) namagaganap upang masolusyunan ang problemang iniikutan ng kuwento.

WAKAS/KINALABASAN - kinahinatnan ng kuwento (matapos maganap angpinakahuling pagkilos ng PT upang solusyunan ang problema).

PUNTO-DE-BISTA – Ano ang panauhang ginamit ng may-akda sa pagkukuwento?

Kasali (Unang Panauhan)“AKO”

Hal. Ako ay naglalakad nang bigla akongnadapa at napaluha ako sa sakit.

Limitado / Nagmamasid lang(Ikalawang Panauhan)

“SIYA” /” SILA” / “SI”Hal. Siya ay naglalakad nang bigla

siyang nadapa at napaiyak.*isinasalaysay lamang angbagay/pangyayaring nakita

Page 6: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 5

Mala-Diyos (Ikatlong Panauhan)

“SIYA” /” SILA” / “SI”Hal. Siya ay naglalakad nang bigla

siyang nadapa, at naalala niyang biglaang mga dating kahihiyang naranasan

niya.*isinasalaysay hindi lamang ang nakitakundi pati ang nararamdaman o naiisip

ng mga tauhan.

ESTILO NG PAGSASALASAY – ito ang daloy kung paano isinalaysay ang kuwento.Kronolohikal (A, B, C,…Z)Pabalik-tanaw (Z-A, B, C, -…)Daloy ng Kamalayan (P, X, N)

DETALYENG FILIPINO – Ano ang nagpapa-Filipino sa akdang isinalaysay bukodsa wika?

- tayo lang o isa lang tayo sa iilang mayroon.- bahagi ng kulturang Filipino na ipinakita o binanggit sa akda (maaaring

bagay, lugar, pangyayari o okasyon, kaugalian, kaisipan).

Ang ikalawa, ang MALALIM na pagsusuri. Dito ay maaaring higit sa isa angtamang sagot,bagama’t may maituturing pa ring mali. Ang mga paliwanag opatunay sa sagot ay nagmula pa rin sa akda. Ito ay kadalasang bunga ngpinagsamang talino ng may-akda at mambabasa. Pormularyo: MALALIM = AKDA+ IKAW (mambabasa)

PAHIWATIG – detalye sa likod ng mga detalye - mga nais sabihin ng may-akdangunit hindi niya direktang sinabi.

SIMBOLISMO – detalyeng ginamit ng may-akda na kumakatawan sa isang masmalaking kaisipan/ ideyang napapaloob sa akda - Pormularyo: A ~ B dahil angkatangian ng/nangyari sa A ay katangian ng/nangyari rin sa B

PAGLALAPAT – mga kaisipan o pangyayari sa akda na maihahalintulad mo satotoong buhay - may mga pangyayari ba sa akdang katulad ng nangyari sa iyo/saating lipunan/sa ibang akda/sa iba pang larangan? - Pormularyo: A=B pero ang Aay mula sa akda, ang B ay mula sa labas ng akda.

ESTILO/KASININGAN – mga teknik na nakatulong sa bisa/pagkaepektibo ng akda- Ano-ano ang ginamit na paraan ng may-akda sa kaniyang pagsulat upang magingmakatotohanan, may talab, masining, malikhain, at akma ang kaniyang akda(bukod sa paggamit niya ng simbolismo at pahiwatig?).

PINAKATEMA – tungkol saan ang akda - Sa isang pangungusap, anongkatotohanan sa buhay ang ibinabahagi ng kabuuan ng akda?

Ngayong naunawaan mo na ang mga paraan sa pagsusuri ng maiklingkuwento, basahin ang halimbawa nito mula sa bansang Thailand.

Page 7: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 6

Ang Operasyon (Buod)ni Pensri Kiengsuri

Si Danu Thangrongsakdi ay isang walong taong gulang na biktima ng polio,may lantang mga kamay at depormado ang mga paa. Masaya niyang ibinalita sakaniyang kaibigan na may sampung taong gulang, na siya ay ooperahan na saLunes. Ngunit nakaramdam siya ng takot. Sanay na siyang gumapang sa lapaggamit ang kaniyang mga kamay.

Ipinangako ng kaniyang kapatid na si Darunee na tetelegramahan niya angkanilang Inay. Nang matanggap ng kaniyang ina ang telegrama, nagpaalam siya sakaniyang asawa. Ginawang dahilan ni Kamjorn, ang asawang lalaki kay Sriprai nahigit na kailangan siya ng kanilang mahal na anak ganoon din ang pagbabantay satindahan. Nagkaroon sila ng pagtatalo. Sinabi ni Sriprai na alam niya ang dahilankung bakit gusto ni Kamjorn na pumunta sa Bangkok at iyon ay ang kasiyahangmatatamasa sa siyudad, hindi ang pagbabantay sa kaniyang anak na lumpo.Humaba pa ang kanilang pagtatalo. Iginiit pa ni Sriprai na higit na maibibigayniya ang pagmamahal at pagsuyo bago dalhin sa operating room si Danu.

Matapos ang mahabang pagtatalo kung sino ang pupunta sa BangkokRehabilitation Center for Crippled Children, si Kamjorn ang nasunod.Kinabukasan nang tanghali ng dumating siya, hindi siya tumuloy sa RehabilitationCenter, sa halip ay sa matalik niyang kaibigan, si Aneg. Nabahala si Darunee kayatumawag ito sa center at nalaman niyang wala pa ang ina. Nag-iiyak si Danu atsinabing hindi siya magpapaopera kung wala ang ina. Hindi siya kayang payapainni Miss Ubol.

Alam ni Darunee na walang tren mula sa Lampang na nakatakdangdumating sa Bangkok sa araw na iyon. Hindi darating ang susunod na expresstrain kundi sa Lunes pa ng tanghali at ang operasyon ay nakatakda sa ikasiyam ngumaga sa araw ring iyon. Hindi na posibleng makarating sa takdang oras ang ina.Isang serye ng operasyon ang pagdadaanan ni Danu bago niya mapakinabanganang mga paa. Kapag pinalagpas niya ang pagkakataong maoperahan, maghihintayna naman siya ng maraming buwan. Tumawag siya ng long distance sa ina.

Nag-aalala si Sriprai. Maraming masasamang pangitain ang pumapasok sakaniyang isip. Nagdesisyon siyang puntahan si Danu sa rehabilitation center.Samantala, nagulat naman si Darunee nang bisitahin siya ng kaniyang amasapagkat hindi man lamang ito tumawag sa kaniya. Nakita rin ni Kamjorn si Danu.Masaya naman ito nang makita ang ama. Matagal na hinawakan ni Danu angkamay ng ama bago siya isakay sa stretcher.

Nabatid ni Kamjorn na may aksidenteng naganap sa tren at kinabahan siya.Tinanong niya kung may namatay at nalaman niyang dalawampu’t tatlo angnakilala na. Dali-dali niyang kinuha ang diyaryo. Nawalan siya ng malay at nangmagkaroon ng ulirat, nag-iiyak at nagtangkang magpakamatay. Lakingpagkahabag ang nadama ni Miss Ubol kay Danu nang makita si Kamjorn sa

Page 8: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 7

magusot na kaayusan. Kumalat ang balitang nabaliw ito at ang ina naman aynamatay sa aksidente sa tren.

Ngayon naman ay pag-aralan mo ang pang-ugnay na ginagamit bilang hudyat ngpagsunod-sunod ng mga pangyayari.

Narito ang mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mgakilos/pangyayari o gawain na maaari nating gamitin sa paglalahad:

sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una

sa gitna: ikalawa, ikatlo, ..., sumunod, pagkatapos, saka

sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas

Kung tayo ay magpapahayag ng pagbabagong-lahad, maaari nating gamitinang mga salitang: sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita

Kung tayo naman ay nais magbigay-diin o kaya ay nais magbigay-pokus,maaari nating gamitin ang mga salitang gaya ng: bigyang-pansin ang, pansinin na,tungkol sa

Sa pagdaragdag o may karagdagan sa ating nais ipahiwatig, magagamitnatin ang mga salitang: muli, kasunod, din/rin

Sa pagpapahayag naman ng paglalahat ay maaari nating gamitin ang mgapahayag na: bilang paglalahat, sa kabuuan, samakatuwid

Sa pagtitiyak o pagpapasidhi ng ating pahayag ay maaari nating gamitinang mga pahayag na: siyang tunay, walang duda.

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung maybahaging hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubilingmagtanong sa iyong guro. Maaari mo ng sagutin ang mga gawain sakasunod na bahagi.

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Bigyang-kahulugan ang sinalungguhitang mga pahayag ayon sapahiwatig nito sa pangungusap.

1. Sanay na siyang gumapang sa lapag gamit ang kaniyang mga kamay.

Mga Gawain

Page 9: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 8

2. Sinabi ni Sriprai na alam niya ang dahilan kung bakit gusto ni Kamjorn napumunta sa Bangkok at iyon ay ang kasiyahang matatamasa sa siyudad,hindi ang pagbabantay sa kaniyang anak na lumpo.

3. Hindi siya kayang payapain ni Miss Ubol.4. Hindi na posibleng makarating sa takdang oras ang ina.5. Laking pagkahabag ang nadama ni Miss Ubol kay Danu nang Makita si

Kamjorn sa magusot na kaayusan.

Gawain 1.2 Pagsagot sa Tanong

Sagutin nang mahusay ang mga tanong:

1. Sino si Danu? Ilarawan siya.______________________________________________.2. Ano ang gagawin sa kaniya?_______________________________________________.3. Bakit hindi ang kaniyang ina ang nagtuloy sa Bangkok upang magbantay

kay Danu sa ospital?_____________________________________________________.4. Paano tinanggap ng kaniyang ama ang nangyari sa ina bunga ng aksidente

sa tren? __________________________________________________________________.5. Paano inilarawan ang pamilyang Asyanong ipinakita sa

kwento?_____________________________________________________________.

Gawain 1.3 Isalaysay na muli ang binasang akda gamit ang kasunod nadayagram. Ilagay sa hiwalay na papel ang sagot. Gumamit ng hudyat sapagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

SIMULAPangunahing TauhanTagpuanSuliranin

GITNAKasukdulan

WAKASKakalasanKatapusan

_______________________________________________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________

__________________________________________________________________________________________

Rubriks sa Pagwawasto:

Mga katangian ng sagot :

Kumpleto ang ibinigay na sagot. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng

mga pangyayari Mahusay ang pagbuo ng pangungusap

Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

5 – taglay ang 3 pamantayan

3– piling pamantayan lamang

1 – isang pamantayan lamang

ANG OPERASYON

Page 10: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 9

Nagustuhan mo ba ang kuwento? Ngayon naman ay subukan mongihambing ang isang pangyayari sa napanood na telenobelang Asyano sakasalukuyang panahon.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pangpalawakin ang iyong kaalaman.

Matapos mong pag-aralan ang pagsusuri ng maikling kuwento at iba’t ibanggamit ng pang-ugnay, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Ang mga maikling kuwento ay lubos nating mauunawaan kung susuriin saiba’t ibang paraan gaya ng paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ngmga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa.

2. Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunitsa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

3. Ang mga angkop na pang-ugnay ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mgapangyayari upang maging mas mabisa ang daloy ng kuwento.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyongmga natutuhan.

Maglahad ng pangyayari sa telenobelang Asyano at ihambing ito sa ilang mgakaganapan sa kasalukuyang panahon.

Pangyayari sa Napanood naTelenobelang Asyano

Kaganapan sa Lipunang Asyano saKasalukuyang Panahon

Pag-alam sa mga Natutuhan

Tandaan

Page 11: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 10

Rubriks sa Pagwawasto:

Mga katangian ng sagot :

Angkop ang ginawangpaghahambing.

Malinaw ang pakakalahad ng mgapangyayari.

Maayos ang pagkakabuo ng mgapangungusap.

Bibigyan ka ng sumusunod napuntos:

5 – taglay ang 3 pamantayan

3– piling pamantayan lamang

1 – isang pamantayan lamang

Basahin ang maikling kuwento at pagsunod–sunurin ang mgapangyayari ayon sa daloy ng kuwento. Ilagay ang bilang 1-5 sa patlang.

Ang Operasyon ni Elini Jane McBride Choate (Batay sa tunay na buhay)

“At gayon din lahat sila na tumanggap ng pagkasaserdoteng ito ay tinanggap ako,wika ng Panginoon” (D at T 84:35).

Tiningnan ni Eli ang tambak na homework na idinaan ng kaniyang kaibigan pauwimula sa eskuwelahan. Isang linggo pang lumiban sa klase si Eli dahil sa impeksiyon satainga.

Nang gabing iyon pumasok ang mga magulang ni Eli sa kaniyang silid. Naupo angkaniyang ina sa gilid ng kama ni Eli at hinawakan ang kaniyang kamay. “Eli, sa palagay ngdoktor ay kailangan mong maoperahan,” wika niya.

“Ano pong klaseng operasyon?”

“Gusto niyang lagyan ng mga tubo ang mga tainga mo para hindi na kumalat angimpeksiyon,” sabi ni Inay. “Hindi masakit iyon, at isang araw ka lang sa ospital.” Pinisil niinay ang kaniyang kamay.

May tiwala si Eli sa kaniyang mga magulang. Ngunit takot siya sa ideyangooperahan siya. Naisip niya ang kuwentong narinig niya sa primarya tungkol kay JosephSmith. Nang si Joseph ay pitong taong gulang, naimpeksiyon ang buto niya sa binti.Lumala ang impeksiyon kaya ipinasiya ng doktor na kailangang alisin ang bahagi ng buto okung hindi ay mapuputulan ng binti si Joseph o baka mamatay pa siya.

Noong panahon ni Joseph Smith, pinaiinom ng alak ng mga doktor ang mga taongooperahan para hindi sila makadama ng sakit, ngunit tinanggihan ni Joseph ang alak naipinaiinom sa kaniya ng doktor. At ayaw niyang magpatali sa kama. Sinabi niya na kunghahawakan siya ng kaniyang ama, hindi siya gagalaw. Mahigpit na niyakap si Joseph ngkaniyang ama sa buong operasyong iyon na masakit. Tagumpay ang operasyon, atgumaling si Joseph.

Page 12: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 11

Naisip ni Eli ang tapang at pagtitiwala ni Joseph sa kaniyang ama. “Maaari po baninyo akong basbasan, itay?” tanong niya. Alam ni Eli na makakatulong sa kaniya angbasbas ng priesthood. Noong magsimula ang klase, binasbasan ng kaniyang ama si Eli.

“Maganda ang naisip mo, ” sabi ng kaniyang ama.

Humalukipkip at yumuko ang ina ni Eli. Nadama ni Eli ang mga kamay ngkaniyang ama sa kanyang uluhan. Tiwala ang tinig ng kaniyang ama nang basbasan nito siEli na hindi siya matakot at lubusang gumaling.

Nang matapos ang pagbabasbas, hindi na takot si Eli. “Puwede na po akongoperahan ngayon,” wika niya.

Tatlong araw pagkaraan nagpunta siya sa ospital at umuwi kinabukasan. Hindinaglaon at nawala na ang impeksiyon sa tainga, at madaling nakahabol si Eli sa gawain sapaaralan.

Nagpasalamat si Eli na siya ay miyembro ng “Ang Simbahan ni Jesucristo ng mgaBanal sa mga Huling Araw” at siya ay mababasbasan sa pamamagitan ng priesthood.

_____1. Tiwala siya sa tinig ng kaniyang ama nang basbasan si Eli upang hindi nasiya matakot._____2. Malaki ang tiwala ni Eli sa kaniyang mga magulang ngunit takot siya saideya ng operasyon._____3. May impeksiyon sa tainga si Eli at kailangang operahan ayon sa kanyangdoktor._____4. Hindi naglaon at nawala na ang impeksiyon sa tainga at gumaling na si Eli._____5. Isang linggo pang lumiban sa klase si Eli dahil sa kaniyang karamdaman.

Kung ikaw si Danu, paano mo haharapin ang bukas ng walangkasiguruhan? Iguhit ang iyong mga pangarap na nais matupad.

Pagninilay

Page 13: Filipino Quarter1 Week2 - ph-static.z-dn.net

Filipino 9-Q1-W2 12

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan! Kungmayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaringmakipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Rubriks sa Pagwawasto:

Mga katangian ng sagot :

Naaangkop ang iginuhit saibinigay

Maayos at madalingmaunawaan

Naipaliwanag nang mahusay

Bibigyan ka ng sumusunod napuntos:

5 – taglay ang tatlongpamantayan

3– dalawang pamantayan lamang

1 – isang pamantayan lamang