filipino iv -4th periodical test.doc

9
Region IV-B MIMAROPA Division of Oriental Mindoro Naujan West District B. Aguilon Elementary School Motoderazo IKAAPAT NA MAHABANG PAGSUSULIT FILIPINO IV TALAAN NG ISPISIPIKASYON Layunin Bilang ng Aytem Lalagyan ng Aytem Bahagd an 1. Nakasasagot sa tanong na bakit tungkol sa tekstong napakinggan. 2. Nakapagbibigay - hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa narinig na teksto. 3. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan, pamaraan sa pagpapahayag. 4. Nagagamit ang mga pang-angkop na at ng. 5. Nagagamit ang mga pangatnig sa pagpapahayag . 6. Natutukoy ang simuno at ang tungkulin nito sa pangungusap. 7. Natutukoy ang panaguri at ang tungkulin nito sa pangungusap. 8. Nakikilala ang mga matatalinhagang salita at idyoma 9. Natutukoy ang mga pangyayaring nagsasaad ng katotohanan o pantasya. 10 . Nauuri ang mga pangungusap ayon sa gamit. 11. Nakasasagot ng mga tanong tungkol 1 3 5 4 5 1 1 2 3 3 4 4 1 2-4 5 - 9 10 - 13 14 - 18 19 20 21-22 23 - 25 26 - 28 29 - 2.5% 7.5% 12.5% 10% 12.5% 2.5% 2.5% 5% 7.5% 7.5% 10%

Upload: reylen-aguila-maderazo

Post on 29-Sep-2015

272 views

Category:

Documents


32 download

TRANSCRIPT

Region IV-B MIMAROPA

Division of Oriental MindoroNaujan West District

B. Aguilon Elementary School

MotoderazoIKAAPAT NA MAHABANG PAGSUSULIT

FILIPINO IV

TALAAN NG ISPISIPIKASYON

LayuninBilang ng AytemLalagyan ng AytemBahagdan

1. Nakasasagot sa tanong na bakit tungkol sa tekstong napakinggan. 2. Nakapagbibigay - hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa narinig na teksto.

3. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan, pamaraan sa pagpapahayag. 4. Nagagamit ang mga pang-angkop na at ng.

5. Nagagamit ang mga pangatnig sa pagpapahayag . 6. Natutukoy ang simuno at ang tungkulin nito sa pangungusap.

7. Natutukoy ang panaguri at ang tungkulin nito sa pangungusap.

8. Nakikilala ang mga matatalinhagang salita at idyoma

9. Natutukoy ang mga pangyayaring nagsasaad ng katotohanan o pantasya.

10 . Nauuri ang mga pangungusap ayon sa gamit.

11. Nakasasagot ng mga tanong tungkol sa mga impormasyong nasa ibat ibang bahagi ng aklat.

12. Nakikilala ang ibat ibang bahagi ng pahayagan.

13. Nakasusulat ng talaarawan ng sariling karanasan.

1

35451

1

2

33

444 1

2-4 5 - 9 10 -13 14 - 18 19

20

21-22

23 - 25 26 - 28 29 - 32 33 - 36 37 - 40

2.5% 7.5% 12.5% 10% 12.5% 2.5% 2.5% 5% 7.5% 7.5% 10% 10% 10%

Kabuuan40 100%

Rehiyon IV- MIMAROPA

SANGAY NG SILANGANG MINDOROIKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT

FILIPINO IVPangalan:_________________________________

Petsa:________________

Paaralan:_________________________________

Iskor:________________Panuto: Pakinggang mabuti ang akda. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong. 1. Bakit itinuturing na napakahalagang mineral ang tubig?

A. Sapagkat ang tubig ay mahalaga.

B. Sapagkat ito ay binabayaran.

C. Sapagkat ito ay masarap inumin. D. Sapagkat hindi mabubuhay ang mga tao, halaman at hayop kung wala ito.

2. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy na mag-aaksaya ng tubig ang mga tao?

A. Dadami ang tubig sa mundo.

B. Magkakaroon ng La Nia sa Pilipinas.C. Lalaki ang babayaran ng mga tao sa tubig.

D. Mauubos ang tubig sa mundo at wala nang magagamit ang susunod na henerasyon.

3. Kung dumating ang panahon na maubos ang tubig sa mundo, ano ang maaaring mangyari?

A. Magiging madumi ang paligid

B. Magiging madumi at mabaho ang mga tao.

C. Mamamatay ang mga tao, hayop at halaman.

D. Magsasaya ang mga tao dahil hindi na babaha.

4. Ano ang maaring mangyari kung matututo ang mga taong magpahalaga at magtipid ng tubig?

A. Magkakaroon ng pagbaha.

B. Magkakaroon ng tagtuyot sa mundo.

C. Magkakaroon ng hanapbuhay ang mga tao.

D. Magkakaroon ng patuloy na suplay ng tubig hanggang sa darating na henerasyon.

Panuto: Piliin ang titik wastong sagot sa mga tanong.

5. Masayang nagbalik sa kani-kanilang silid ang mga mag-aaral. Anong uri ng pang-abay ang

salitang may salungguhit?

A. pamaraan

B. panlunan

C. pamanahon D. pangkailan

6. Sa umaga makikita ang napakagandang pagsikat ng araw. Alin ang pang-abay na pamanahon?

A. makikita

B. napakagandaC. pagsikat

D. sa umaga

7. ________________ kumakain ng almusal ang aming pamilya. Aling pang-abay na pamanahon

ang dapat gamitin sa sitwasyon.?

A. Tuwing gabiB. Tuwing tanghaliC. Tuwing hapon D. Tuwing umaga

8. Bago umuwi sa bahay si Nanay ay dumaraan muna siya ___________________ upang bumili ng

pang-ulam.

A. sa paaralan

B. sa simbahanC. sa palengke D. sa parke

9. Ang mga mag-aaral ay nagtutungo ____________________ upang humiram at magbasa ng aklat.

A. sa kantina

B. sa aklatan

C. sa palaruan

D. sa opisina10. Ang magaganda ____ tanawin ay ipinagmamalaki natin.

A. na

B. ang

C. ng

D. g11. Ang mga mamamayan__ nakatira sa tabing dagat ay kadalasang mangingisda.

A. o

B. na

C. ng

D. g12. Ang tubig __ umaagos sa talon ay nanggagaling sa itaas ng bundok.

A. na

B. ng

C. g

D. ang

13. Isa sa pinakamaganda__ tanawin sa Pilipinas ang Banaue Rice Terraces.

A. o

B. na

C. ng

D. g14. Ang mga anyong tubig __ anyong lupa ay nagbibigay ng magagandang tanawin sa bansa.

A. ngunit

B. at

C. habang

D. subalit15. Nakikinig ang mga mag-aaral ______ nagtuturo ang guro.

A. habang

B. ngunit

C. subalit

D. kahit pa16. Gusto kong sumama sa pamamasyal ______ tila babagsak na ang ulan.

A. o

B. at

C. habang

D. ngunit17.Tanyag ang Disney Land sa buong mundo ______ isa itong magandang pook pasyalan.

A. subalit

B. ngunit

C. sapagkat

D. datapwat18. Mahirap lamang sina Ramon ______ di sya nawawalan ng pag-asa.

A. datapwat

B. subalit

C. ngunit

D. sapagkat19. Ang pulubi ay nang-umit ng tinapay sa palengke. Saan matatagpuan ang simuno sa pangungusap?

A. gitna

B. unahan

C. hulihan

D. walang tamang sagot20. Masigla at malakas na ang matandang may sakit. Ang panag-uri ay nasa ________ ng pangungusap.

A. gitna

B. unahan

C. hulihan

D. walang tamang sagot21. Sambakol ang mukha ni Jenny dahil naubusan siya ng tinapay. Alin sa mga sumusunod ang ibig sabihin ng mga salitang may salungguhit?

A. nakatawa

B. umiiyak

C. nakasimangotD. nakangiti22. Ang aksidenteng nakita ko ay tunay na nakakapanindig balahibo. Ano ang kahulugan ng idyomang nakakapanindig balahibo?

A. nakakatawa

B. nakakakilabotC. nakakaiyak

D. nakakayamot23. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng pantasya?

A. Kapag umuulan tumataas ang tubig sa ilog.

B. Kapag umuulan maaaring magkaroon ng baha.

C. Bumabagsak ang ulan kapag di na ito kaya ng ulap.

D. Kapag umuulan sumasayaw ang mga puno at bulaklak.

24. Alin sa mga sumusunod na salaysay ang bunga ng imahinasyon o kathang isip?

A. Ang mga palaka ay nakatira sa tubig.

B. Maingay ang mga palaka kapag umuulan.C. Naging palaka si Kara nang siya ay masugatan.

D. Si Kara ay dinala sa doktor upang magamot ang kanyang sugat.

25. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan?

A. Ang lahat ng malalaking puno ay matitigas na kahoy.

B. Mahusay na panggatong ang mga puno sa gubat kaysa sa patag.

C. Ang ugat ang bahagi ng halaman na kumakapit sa lupa upang di mabuwal.

D. Mas maraming pakinabang na nakukuha sa malalaking puno kaysa sa maliliit.

26. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng matinding damdamin?

A. Makinig kang mabuti sa ikukuwento ko. C. Wow! Napakaganda naman ng iyong damit.

B. Dalhin ang mga aklat na ito sa silid-aklatan. D. Kaninong lapis ang napulot mo kahapon?27. Ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay nilikha ng Diyos.Anong uri ng pangungusap ito?

A. patanong

B. pasalaysay

C. pautos

D. padamdam28. Sa mga pangungusap sa ibaba, alin ang nagsasaad ng utos?

A. Bakit kaya nagbago ang anyo niya?

B. Makinig kang mabuti sa ikukuwento ko.

C. Si Uwak ay dating maputi at magandang ibon.

D. Pwede bang ikuwento mo sa akin ang kanyang alamat?29. Gustong malaman ni Dennis ang petsa kung kailan nilimbag ang aklat niya. Saan niya ito hahanapin?

A. talaan ng nilalamanB. paunang salita C. pahina ng karapatang-sipiD. pabalat30. May ilang salitang hindi maunawaan si Tina at gusto niyang malaman ang kahulugan ng mga ito. Saang bahagi ng aklat niya ito makikita?

A. talaan ng nilalaman B. talahulugan o glosari C. indeks

D. paunang salita31. Ang takdang aralin nina Janna ay magtala ng pamagat, pangalan ng mga may akda ng aklat at kung kailan ito inilimbag. Saang bahagi ng aklat niya mahahanap ang sagot?

A. paunang salita

B. talaan ng nilalaman

C. karapatang-sipi D. pabalat32. Nakalahad dito ang damdamin ng may akda patungkol sa aklat. Anong bahagi ito ng aklat?

A. pabalat

B. pamagat

C. paunang salita D. talaan ng nilalaman33. Pumunta sa ibang bansa ang iyong mga kamag-aral upang makipagpaligsahan sa paglangoy. Kung nais mong malaman ang resulta ng paligsahan, anong bahagi ng pahayagan ang una mong bubuklatin?

A. Pahinang Editoryal

C. Pahinang Palakasan

B. Anunsyo Klasipikado

D. Pahinang Obitwaryo

34. Natanggal sa trabaho ang iyong kapatid. Anong bahagi ng pahayagan ang maaari niyang basahin upang makahanap siya ng mga kompanyang pwede niyang aplayan?

A. Pahinang Editoryal

C. Pahinang Palakasan

B. Anunsyo Klasipikado

D. Pahinang Obitwaryo

35. Mahalagang alam mo ang mga nangungunang balita para sa balitaan ninyo sa Araling Panlipunan. Saang bahagi ng pahayagan ito babasahin?

A. Pamukhang Pahina

C. Balitang Pandaigdig

B. Pitak Pantahanan

D. Panlibangan

36. Gustung-gustong malaman ni Nelly kung kailan muling magkakaroon ng konsyerto ang paborito niyang bandang 6-Cycle Mind. Sa anong bahagi ng pahayagan niya ito makikita?

A. Pitak Pantahanan

C. Pahinang Panlibangan

B. Pahinang Pampalakasan

D. Anunsyo Klasipikado

37-40. Sumulat ng talaarawan ng iyong karanasan na nangyari kahapon.I. Kwento:

Tubig

Ano kaya ang isisigaw mo kung ikaw ay naliligo at habang nagsasabon ka ng iyong mukha at katawan ay biglang nawalan ng tumutulong tubig sa gripo? Tiyak na sisigaw ka ng tu-biiiig!!!!! hindi ba?

Isang napakahalagang mineral ang tubig. Ayon sa mga pag-aaral, ang tao ay maaaring tumagal ng isang buwan nang walang pagkain subalit hindi ito tatagal ng kahit isang lingo lang kung walang tubig.

Alam mo bang 97% ng tubig sa mundo ay nasa mga dagat at karagatan? At dahil itoy tubig alat, hindi ito maaaring inumin o ipanluto ng ating mga pagkain. Sinasabing 3% lamang ng tubig sa mundo ang tubig tabang subalit ang 2% naman nito ay nagyeyelo at nasa magkabilang polo. Kung gayon, 1% lamang ng tubig sa mundo ang maaaring inumin at pinaghahati-hatian ng lahat ng tao sa ating daigdig.

Paano na ang mundo kung maubos na ang tubig? Mabubuhay pa kaya ang tao, halaman, at mga hayop kung walang tubig? Alam kong alam mo ang sagot sa tanong na ito. Kung gayon, nararapat lamang na simulan mo na ang pagtitipid at pag-iingat sa tubig at sa ating mga katubigan.

Region IV-B MIMAROPA

Division of Oriental MindoroNaujan West District

Motoderazo

IKAAPAT NA MAHABANG PAGSUSULIT

FILIPINO IV

Susi sa Pagwawasto

1. D

21. C

2. D

22. B

3. C

23. D

4. D

24. C

5. A

25. C

6. D

26. C

7. D

27. B

8. C

28. B

9. B

29. C

10. C

30. B

11. D

31. D

12. A

32. C

13. C

33. C

14. B

34. B

15. A

35. A

16. D

36. C

17. C

37.

18. B

38.

19. B

39.

20. B

40.

Inihanda ni;

MARIBEL B. ARIZAPA

Pinagtibay ni;

NECITAS M. CABRAL

Principal I

EMBED Word.Picture.8

EMBED Word.Picture.8

EMBED Word.Picture.8

_1359891334.doc

_1359891335.doc

_1359891333.doc