filipino€¦ · filipino– ika-siyam na baitang support material for independent learning...

19
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) 9 Filipino Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda MELBA A. CAROLASAN A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Upload: others

Post on 16-Oct-2020

94 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

9 Filipino

Unang Markahan – Modyul 2:

Pagbubuo ng Sariling Paghatol o

Pagmamatuwid sa mga Ideyang

Nakapaloob sa Akda

MELBA A. CAROLASAN

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Melba A. Carolasan Teacher II - Filipino

Editor: Virginia Tagab, MA. Fil

Tagasuri: Riela Angela C. Josol - EPS I - Filipino

Tagaguhit:

Tagalapat: Cris S. Olasiman

Tagapamahala: Virgilio P. Batan -Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto -Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero -Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien-Chief Education Supervisor, SGOD

Ronillo S. Yarag-Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo-Project Development Officer II, LRMS

Page 3: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

1

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang

pang-unawa at pagpapahalaga sa mga

akdang pampanitikan ng Timog-

Silangang Asya.

Ang mag-aaral ay nakapgsasagawa

ng malikhaing paghihikayat tungkol sa

isang book fair ng mga akdang

pampanitikan.

Mga Nilalaman:

Tahanan ng Isang Sugarol Kuwentong Malaysian

Salin ni Rustica Carpio

Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob

sa akda. F9PB-Ia-b-39

Subukin

Panuto: Suriing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang

sagot. Gawin ito sa kuwaderno.

1. Naglalaba ang buntis na si Lian – Chiao katabi ang bunsong anak habang nagsasampay ang panganay niyang si Ah Yue kahit hindi pa

halos maabot ng bata ang sampayan. Ang pahayag na ito ay

nagpapahiwatig na si Ah Yue ay ______________. a. Masunurin

b. Matulungin c. Maawain

d. Lahat ng nabanggit

2. Pagod na si Lian – Chiao sa katatapos na labahin at sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya pwedeng magbagal ng kilos. Mabilis

niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay, pinakulo

ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa kusina dahil baka magalit ang asawa kapag dumating ito mula sa pagsusugal

na wala pang hapunan. Bakit laging nagmamadali si Lian – Chiao at halos hindi na nagpapahinga?

Page 4: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

2

a. Nagagalit ang asawa kapag babagal – bagal si Lian -Chiao

b. Nambubugbog ang asawa kapag walang nadaratnang pagkain sa hapag – kainan pag – uwi niya.

c. Dahil kinukuha ni Li Hua ang pagkain at dadalhin sa sugalan. d. Lahat ng nabanggit.

3. Labis ang paghihirap ni Lian – Chiao sa piling ng kanyang asawang si Li Hua. Paano siya napasok sa ganitong kalagayan?

a. Bago mamatay ang kanyang ina ay pinilit siyang ipakasal kay Li Hua.

b. Dahil ipinagkasundo siyang ipakasal kay Li Hua sa murang edad. c. Dahil maaga siyang nabuntis

d. Pinilit lamang siyang magpakasal kay Li Hua. 4. Ang Pilipinas ay may batas na napagtibay laban sa pang – aabuso sa

kababaihan at sa kanilang mga anak. Ang batas na ito ay __________.

a. Republic Act 8262 b. Republic Act 9262

c. Republic Act 8676 d. Republic Act 9676

5. Kumatok si Lian – Chiao sa bahay – sugalan subalit walang nakarinig sa kanya dahil ang lahat ay abala sa pagmamadyong. Ano

ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito? a. Ang lipunan ay walang pakialam.

b. Ang lipunan ay abala sa iba’t ibang gawain

c. Ang lipunan ay puno ng bisyo d. Ang lipunan ay binubuo ng mga taong walang pagpapahalaga sa

kapwa. 6. Dahil sa kagustuhang magkaapo kaagad at sa paghahangad ng

mainam na buhay sa pagtanda; kaligayahan ni Lian – Chiao ang naging kapalit. Paano natin mailalarawan ang ina ni Lian – Chiao?

a. Maalalahanin b. Makasarili

c. Mabuting ina

d. Mapagsamantala 7. Sino ang dapat mangalaga at magbigay sa lahat ng pangangailangan

ng bawat miyembro ng pamilya? a. Ama

b. Ina c. Anak

d. Lipunan

8. Kahit batang – bata pa si Siao Lan ay mulat na ito sa mga nangyayari sa kanilang pamilya lalong – lalo na sa hirap na

dinaranas ng kanilang ina. Ilang taon pa lamang si Siao Lan? a. tatlong taon

b. apat na taon c. limang taon

d. anim na taon

9. Ang kuwentong Tahanan ng Isang Sugarol ay isinalin sa Filipino ni

Rustica Carpio. Saan nga ba nagmula ang kuwentong ito? a. Pilipinas

Page 5: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

3

b. Singapore c. Malaysia

d. Japan 10. Pinaarkila ng may – ari ng pasugalan ang sasakyan kina Li Hua.

Magkano ang bayad sa pag -arkila sa nasabing sasakyan? a. Isang dolyar bawat oras at dodoblehin sa gabi

b. Dalawang dolyar bawat oras at dodblehin sa gabi c. Tatlong dolyar bawat oras at dodoblehin sa gabi

d. Apat na dolyar bawat oras at dodblehin sa gabi

11. Parang hiniwa ng isang matalim na kutsilyo ang tiyan niya. Ano ang nararamdaman ni Lian – Chiao?

a. Nahihilo b. Nasasaktan

c. Nagugutom d. Lahat ng nabanggit

12. Napabayaan na ni Li Hua ang pamilya dahil masyado itong

nagbababad sa sugalan. Saan nga ba nagpupunta si Li Hua para magsugal?

a. Chi Todake Coffee Shop b. Sam – fu Coffee Shop

c. Hsiang Chi Coffee Shop d. Chai Sim Coffee Shop

13. Matapos maglaba ng napakaraming damit, sandaling napapikit si Lian Chiao. Nararamdaman niyang tila may mga bituing lumilipad sa harap

niya. Si Lian – Chiao ay;

a. Inaaantok b. Nagugutom

c. Nahihilo d. Napapagod

14. Gusto ni Lian – Chiao na kumain ng masasarap na pagkain dahil malapit na ang kanyang kabuwanan. Ano ang inorder niya na ayaw

bayaran ng kanyang asawa? a. Singkamas

b. Itlog

c. Kamatis d. Talong

15. Kinatatakutan ni Ah Yue ang gagawin ng ama sa kanilang mag – ina kapag dumating itong walang lutong pagkain. Ano nga ba ang gagawin ng

kanilang ama na sobrang kinatatakutan ni Ah Yue? a. Nanggugulpi

b. Naglalasing

c. Nagmumura d. Lahat ng nabanggit

Page 6: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

4

Balikan

Sa nakaraang modyul, natutunan mo ang pagsusuri ng mga pangyayari, at

ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang

akda.

Gawain A. Mapait na Kapalaran, Tatanggapin ko! Hanguin ang pahayag na

nagpapakita ng kabangisan ng mundo. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Kabangisan ng Mundo kuwento

Binuhat niya ang

balde ng tubig.

Yukung – yuko siya

dahil sa bigat ng

tubig. Umaalog ang

Malaki niyang tiyan

Pagod na pagod

na si Lian –

Chiao pero

hindi siya

pwedeng

magbagal ng

kilos.

Ayaw ni Lian –

Chiao na

magtrabaho

dahil malapit

na siyang

manganak

Bagamat bata pa si

Ah Yue ay

nagbubuhat na ng

mabigat na bagay at

gumagawa ng

trabahong para sa

mga matatanda

lamang.

Pinaaarkila ng may

– ari ang sasakyan

kay Lian - Chiao sa

pagdadala nito sa

kanyang asawa sa

ospital basta

babayaran nila ang

arkila ng dalawang

dolyar bawat oras

at doble sa gabi.

Page 7: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

5

Gawain B: Kilalanin Ko Nga!

Basahin ang akda.

Tahanan ng Isang Sugarol

( Kuwentong Malaysian ) Salin ni Rustica Carpio

Sa isang luma at hungkag na bahay, may nakatirang isang pamilya na hindi masyadong maayos dahil kay Li Hua, ang sugarol at walang silbing asawa ni Lian Chiao. Hindi inakala ni Lian Chiao na ganito ang sasapitin

niyang buhay matapos siyang ipagkasundo ng kanyang ina sa nooy anak ng mayamang negosyante na si Li Hua. Sila ay may dalawang anak na sina Ah

Yue at Siao Lan. Si Li Hua ay walang ibang inaatupag kundi ang pagsusugal. Kahit buntis si Lian Chiao ay siya pa rin ang gumagawa ng mga gawaing

bahay mula umaga hanggang sa gabi. Si Li Hua ay uuwi lang sa bahay kapag kumain at maliligo. Kapag nagkamali si Lian Chiao ng kilos ay siguradong

bubugbugin siya ng asawa nito kaya takot na takot din ang mga anak sa ama

nila.

Isang gabi nung malapit nang manganak si Lian Chiao ay hindi na

nakakauwi ang asawa niya. Sumasakit na ang kanyang tiyan at kailangan na niyang makapunta sa ospital. Gigisingin sana niya si Ah Yue pero naisip niya

na mahimbing itong natutulog katabi ang bunso na si Siao Lan kaya pinuntahan na lang niya ang kanyang asawa sa sugalan kahit madilim at

tahimik ang daan. Nang makarating na siya sa sugalan ay tinulungan siya ng asawa ng may – ari ng pasugalan. Tinawag niya ang kanyang asawa pero pinahintay pa siya nito dahil tatapusin pa umano niya ang laro na yun. Buti

na lamang at may humimok kay Li Hua na lumakad na at manganganak na ang kanyang asawa. Galit na tiningnan ni Li Hua ang kanyang asawang si

Lian Chiao saka ito tumayo.

Sa kabilang banda, nagising si Siao Lan na umiiyak at hinahanap ang

kanilang ina. Nang hindi nila ito makita ay pinangko ni Ah Yue ang nakababatang kapatid at nagpunta sa pasugalan sa pagbabakasakaling nandoon ang kanilang ina. Malayo pa lamang ang dalawang anak ay nakita

na ni Lian Chiao. Pinauwi rin niya ito agad at inihabilin kay Ah Yue na

Tuklasin

Page 8: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

6

alagaan ang kapatid saka umalis ang mag -asawang Lian Chiao at Li Hua

papuntang ospital.

Mga Tanong:

1. Ano ang naging kalagayan ni Lian Chaio sa piling ng kanyang

asawang si Li Hua? Sagot:_______________________________________________________________

___________________________________________________________________________________.

2. Ano kaya ang mangyayari kay Lian Chiao at sa mga anak nito kung patuloy siyang magtitiis sa piling ng kanyang asawag si Li Hua?

Sagot:_______________________________________________________________

_____________________________________________________________________

________________.

3. Paano siya napasok sa ganitong kalagayan?

Sagot:____________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Suriin

Bunga ng bibig..kabig ng isip!

Bilang mahalagang plano ng Panginoon, itinalaga niya ang kalalakihan

na maging ama at asawa. Siya ang magsisilbing haligi ng tahanan at

mangungulo sa kanyang pamilya/mag -anak sa pagmamahal at kabutihan.

Tungkulin niyang maglaan para sa pangangailangan sa pang-araw-araw at

magbigay proteksyon sa bawat miyembro ng kanyang pamilya.

Sa kuwentong “Ang Tahanan ng Isang Sugarol ay kabaliktaran ang

naging takbo ng mga pangyayari. Ang ama na siyang dapat maglaan para sa

pangangailangan ng pamilya at magbigay proteksyon sa bawat miyembro ay

siya pa mismong nagkait nito sa kanyang dalawang anak at asawa. Ang

kanyang panahon, pera at lakas ay ibinuhos niya sa walang kabuluhang

bagay – ang pagsusugal. Ang kanyang atensyon at pera ay nauubos sa sugal

na dapat sana ay napupunta sa pagkain at paghahanda para sa panganganak

ni Lian Chiao.

Page 9: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

7

Para sa inyong pagsusuring gagawin, bibilugan ang emoticon na nagpapakita

sa iyong damdamin para sa bawat isa at saka mo ipaliwanag kung bakit

ganito ang iyong reaksyon.

1. Sa maikling kuwento ang babaeng si Lian Chiao ay biktima ng pananakit at iba’t ibang uri ng pang-aabuso ng kanyang malupit na

asawa.

React:

2. Ang asawang lalaking si Li Hua ay humuhitit ng opyo at gumon sa

sugal. Kapag natatalo siya ay sa pamilya niya ibinubunton ang galit at pagmamalupit.

React:

3. Kahit batambata pa si Ah Yue ay tumutulong na siya sa ina maging sa mga gawaing hindi angkop sa kanyang edad. Puno ng takot ang puso nila ng kapatid niyang si Siao Lan sa malupit nilang ama.

React:

4. Ang mga ama at ina ay may pananagutang magtulungan bilang

magkasama na may pantay na pananagutan.

React:

Page 10: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

8

5. Ang mga magulang ay maaaring lumikha ng mapitagan at magalang na kapaligiran sa tahanan kung tinuturuan at ginagabayan nila ang

kanilang mga anak nang may pagmamahal. Dapat ding bigyan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng masasayang karanasan.

React:

Pagyamanin

Gawain C.

Ang pananakit at pang-aabuso sa isang babae at sa mga anak niya,

kailanman ay hindi magiging katanggap – tanggap lalo na kung ang nananakit

o nang – aabuso ay mismong ang asawa o ama ng mga bata.

Matapos nating mabasa ang kuwento ni Lian Chiao ay kakausapin mo ang

mga tauhan at magpaabot ka ng sarili mong mensahe para sa bawat isa sa kanila

kaugnay ng ideyang nakapaloob sa akda.

1. Bubuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda.

• Para sa iyo Lian – Chiao, _________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________

_____________________________________________________

• Para sa iyo Li Hua, ______________________________________

_____________________________________________________ _____________________________________________________

• Para sa iyo Ah Yue, ______________________________________ ______________________________________________________

______________________________________________________ 2. Kunwari ikaw ay isang asawa/ama, ano-ano ba ang mga katangian na

dapat mong taglayin? Bakit?

Page 11: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

9

Rubriks para sa Pagbibigay Puntos sa sagot

Kriterya Makatotohanan at nararapat ang

inilahad (15pts)

Di – masyadong makatotohanan at nararapat ang

inilahad (10pts)

Kulang na kulang ang

ideyang inilahad

(5pts)

Nilalaman

Mensahe

Pagkakabuo

Kabuuang Puntos

Isaisip

Sabay na naglakbay ang ating imahinasyon sa kaawa-awang sinapit ng

pangunahing tauhan sa kuwento. Pareho tayong naluha at naantig ang ating

damdamin sa di kanais -nais na pagtrato at pambabalewala ni Li Hua sa

kanyang asawa at dalawang anak. Ganoon pa man, alam kong mas naging

malawak ang inyong kaisipan, mas marami tayong natutunan sa modyul na

ito.

Narito ang ilang katanungan na nais kong sagutin ninyo sa inyong

kuwaderno.

1. Sa iyong palagay, mali bang ipagkasundo ng magulang ang kanyang anak sa isang taong inaakala niyang makabubuti para rito? Ipaliwanag

ang sagot. 2. Anong damdamin ang naramdaman mo habang binabasa ang akda?

Bakit ganito ang naramdaman mo? 3. Kung may kakilala kang may halos katulad ng kalagayan ni Lian Chiao,

ano ang sasabihin o gagawin mo upang matulungan siyang makaahon

sa kanyang kalagayan?

Page 12: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

10

Isagawa

Gawain D. Artistahin ako! Sa halip na haharap ka sa salamin para umarte,

haharap ka ngayon sa iyong cellphone. Magrerekord ka sa loob ng tatlong

minuto at aarte ka bilang may -asawa. Kung ano ang mga nararapat mong

gawin para maging maayos ang inyong pagsasama at maging masaya ang

buong pamilya.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA SA PAGSYUT NG VIDEO

Mga

Krayterya 10 7 4 2

PUNT

OS

Pagkamalikhain

Labis na nagpamalas

ng pagkamalik

hain sa

paghahanda

Naging malikhai

n sa paghaha

nda

Hindi gaanong

naging malikhain sapaghaha

nda

Walang ipinamalas

na pagkamlik

hain sa

Ang aking Blog

Page 13: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

11

paghahanda

Malinaw ang pagkagawa ng video

Malinaw na malinaw

ang pagkagawa

ng vieo

Naging malinaw

ang pagkaga

wa ng video

Hindi gaanong

malinaw ang

pagkagawa ng video

Hindi handa at

hindi tapos

Naipakita

ng maayos ang layunin

ng video

Maayos na maayos na

naipakita ang layunin

ng pagkagawa

ng video

Naging maayos

na naipakita

ang layunin

ng pagkagawa ng

video

Hindi gaanong

mayyos ang

pagkagawa

Hindi ganap na

maayos ang

pagkagawa ng video

Kaangkupan sa paksa

Angkop na angkop ang

vidyong ipinakita

Angkop ang ang

vidyong ipinakita

Hindi gaanong

angkop ang vidyong

ipinakita

Hindi angkop ang

vidyong ipinakita

( mula kay Ma’am Monina Antiquina ang tsart ng Rubriks na ito )

Tayahin

Panuto: Bumuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga sumusunod

na pahayag. Isulat ang titik lamang ng inyong sagot sa sagutang papel o

kuwaderno.

1. Bagamat batang – bata pa, si Ah Yue ay nagbubuhat na ng mabibigat

na bagay at gumagawa na ng mga trabahong para lamang sa mga matatanda. a. Si Ah Yue ay matulungin sa pamilya.

b. Gusto ni Ah Yue na magtrabaho ng para sa mga matatanda. c. Takot si Ah Yue na mapalo

d. Lahat ng nabanggit. 2. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi

makatulog si Lian – Chiao, naglalakbay ang kanyang isip. Ano ang naangyayari kay Lian – Chiao? a. Nag – iisip nang malalim

b. Hindi makatulog c. Natatakot sa paligid

d. Lahat ng nabanggit

Page 14: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

12

3. Matapos maglaba ng napakaraming damit, sandaling napapikit si Lian Chiao. Nararamdaman niyang tila may mga bituing lumilipad sa

harap niya. Si Lian – Chiao ay; a. Inaaantok

b. Nagugutom c. Nahihilo

d. Napapagod 4. Parang hiniwa ng isang matalim na kutsilyo ang tiyan niya. Ano ang

nararamdaman ni Lian – Chiao?

a. Nahihilo b. Nasasaktan

c. Nagugutom d. Lahat ng nabanggit

5. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa ng madyong. Ang mga tunog ng pitsa ay; a. Nagdulot ng ingay sa paligid

b. Tahimik ang gabi c. Tulog na ang mga tao

d. Lahat ng nabanggit 6. Kinatatakutan ni Ah Yue ang gagawin ng ama sa kanilang mag – ina

kapag dumating itong walang lutong pagkain. Ano nga ba ang gagawin ng kanilang ama na sobrang kinatatakutan ni Ah Yue? a. Nanggugulpi

b. Naglalasing c. Nagmumura

d. Lahat ng nabanggit 7. Napabayaan na ni Li Hua ang pamilya dahil masyado itong

nagbababad sa sugalan. Saan nga ba nagpupunta si Li Hua para magsugal? a. Chi Todake Coffee Shop

b. Sam – fu Coffee Shop c. Hsiang Chi Coffee Shop

d. Chai Sim Coffee Shop 8. Gusto ni Lian – Chiao na kumain ng masasarap na pagkain dahil

malapit na ang kanyang kabuwanan. Ano ang inorder niya na ayaw bayaran ng kanyang asawa? a. Singkamas

b. Itlog c. Kamatis

d. Talong 9. Kumatok si Lian – Chiao sa bahay – sugalan subalit walang nakarinig

sa kanya dahil ang lahat ay abala sa pagmamadyong. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito? a. Ang lipunan ay walang pakialam.

b. Ang lipunan ay abala sa iba’t ibang gawain c. Ang lipunan ay puno ng bisyo

d. Ang lipunan ay binubuo ng mga taong walang walang pagpapahalaga sa kapwa.

Page 15: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

13

10. Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas na ng naakyat mo, ha! Gusto mo na bang dalawin ang hari ng kadiliman?”

Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kay Ah Yue? a. Mahulog at mapilayan b. Mahulog at mamatay

c. Mahulog, mamatay at mapunta sa impyerno d. Mahulog, mamatay at mapunta sa langit

11. Pagod na si Lian – Chiao sa katatapos na labahin at sa walang

tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya pwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa

kusina dahil baka magalit ang asawa kapag dumating ito mula sa pagsusugal na wala pang hapunan. Bakit laging nagmamadali si Lian

– Chiao at halos hindi na nagpapahinga?

a. Nagagalit ang asawa kapag babagal – bagal si Lian -Chiao

b. Nambubugbog ang asawa kapag walang nadaratnang pagkain sa hapag – kainan pag – uwi niya. c. Dahil kinukuha ni Li Hua ang pagkain at dadalhin sa sugalan.

d. Lahat ng nabanggit.

12. Labis ang paghihirap ni Lian – Chiao sa piling ng kanyang asawang si Li Hua. Paano siya napasok sa ganitong kalagayan?

a. Bago mamatay ang kanyang ina ay pinilit siyang ipakasal kay Li Hua. b. Dahil ipinagkasundo siyang ipakasal kay Li Hua sa murang edad.

c. Dahil maaga siyang nabuntis d. Pinilit lamang siyang magpakasal kay Li Hua.

13. Ang Pilipinas ay may batas na napagtibay laban sa pang –

aabuso sa kababaihan at sa kanilang mga anak. Ang batas na ito ay __________. a. Republic Act 8262

b. Republic Act 9262 c. Republic Act 8676

d. Republic Act 9676

14. Dahil sa kagustuhang magkaapo kaagad at sa paghahangad ng mainam na buhay sa pagtanda; kaligayahan ni Lian – Chiao ang naging kapalit. Paano natin mailalarawan ang ina ni Lian – Chiao?

a. Maalalahanin b. Makasarili

c. Mabuting ina d. Mapagsamantala

Page 16: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

14

15. Sino ang dapat mangalaga at magbigay sa lahat ng pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya?

a. Ama b. Ina

c. Anak d. Lipunan

Karagdagang Gawain Gawain E. Mga mungkahi ko para sa iyo!

Maraming bata at kababaihan ang nakararanas ng pang-aabuso sa

loob ng kanilang tahanan o ‘yong tinatawag na domestic violence. Iba’t ibang

uri o paraan ng pang-aabuso ang nararanasan nila sa kamay ng mga taong

dapat sana ay nagmamahal at nangangalaga sa kanila. Sa iyong kuwaderno

ay magtala ng mga mungkahing paraan kung paano mahihinto ang pang –

aabusong ito. (20 puntos)

Susi ng Pagwawasto

Subukin:

1.d 2.b 3.b 4.b 5.d 6.b 7.a 8.a 9.c 10.b 11.b 12.c 13.c 14.b 15.a

Tayahin:

1.a 2.a 3.c 4.d 5.a 6.a 7.c 8.b 9.d 10.b 11.b 12.b 13.b 14.b 15.a

Page 17: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

15

Sanggunian (F9PB – Ia – b – 39 MELC)

Ikalawang Edisyon

Pinagyamang Pluma – Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan Ailene G. Baisa – Julian

Mary Grace G. Del Rosario Label Rustica Carpio, maikling kwento

Google.com

Page 18: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

16

Page 19: Filipino€¦ · Filipino– Ika-siyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

17